Love Cafe Series: Picture of...

Per Simply_MM

72.3K 1.4K 115

LOVE CAFE SERIES **Presents** # 4: Picture of My Heart :3 ~ C O M P L E T E D~ -Its about John Martin Andre... Més

Love Cafe Series: Picture of My Heart <3
Chapter One*
Chapter Two*
Chapter Three*
Chapter Four*
Chapter Five*
Chapter Six*
Chapter Seven*
Chapter Eight*
Chapter Eight* (.5)
Chapter Nine*
Chapten Ten*
Chapter Eleven*
Chapter Twelve*
Chapter Thirteen*
Chapter Fourteen*
Chapter Fifteen*
Chapter Sixteen*
Chapter Seventeen*
Chapter Eighteen*
Chapter Nineteen*
Chapter Twenty*
Chapter Twenty One*
Chapter Twenty Two*
Chapter Twenty Three*
Chapter Twenty Four*
Chapter Twenty Five*
Chapter Twenty Six*
Chapter Twenty Seven*
Chapter Twenty Eight*
Chapter Twenty Nine*
Chapter Thirty*
Chapter Thirty Two*
Chapter Thirty Three*
Chapter Thirty Four*
Chapter Thirty Five *
Chapter Thirty Six*
Chapter Thirty Seven*
Chapter Thirty Eight*
Chapter Thirty Nine*
Chapter Forty*
Author's Note :)

Chapter Thirty One*

1.1K 26 2
Per Simply_MM

Chapter Thirty One*

 

SANDRA’s POV

Kanina ko pa tinatawagan si Jm pero hindi niya sinasagot ang phone niya. Busy ba ito? Pero wala naman itong gagawin e. Hindi naman sila magkikita ang Hikari na yun. Tulog pa kaya siya? Pero hello? Tanghali na!

Tssk. Gusto ko pa naman siyang ayain maglunch. Ewan ko pero naging balisa kasi siya kagabi e. Ni hindi na nga siya lumapit kay Cherry para icongratulate ito. Hindi naman ako magseselos. Not all the time naman kailangan kong magselos. Ayaw ko na din kasing maulit yung nangyari sa amin nung isang araw.  Baka masaktan ko na naman kasi siya e. Kaya tama na muna yung kaseselos ko.

“Ma’am.”

“Yes Catelyn?”

“May bisita kayo. Gwapo.” Sabi nito na medyo kinikilig pa.

Nagningning naman ang mata ko. Baka si Jm! Mabilis kong inayos ang sarili ko pero nadisappoint nang makita kong si Arman ang pumasok sa office ko. May dala itong bulaklak.

“Hahaha. You look disappointed. Again.”

Sinimangutan ko siya pero tinanggap ang bulaklak na bigay nito. Magkaibigan na kasi kami kaya komportable na kami sa isa’t isa.

“Akala mo yung sweetheart mo no? hahaha. Sorry but it’s just me.” Sabi nito at umupo na sa upuan. Grabe. Feel at home lang ang dating niya.

“Yeah. Akala ko. Hmp. But anyway, congratulation for winning the title last night.”

Tumango lang ito. Parang hindi masaya.

Syempre nacurious ako. “Oh anong problema? Nanalo ka na nga nakasimangot ka pa?”

“I confessed to her last night.”

Nanlaki ang mata ko. Eto kasi ang sekretong sinabi niya sa akin noon. He was inlove with Cherry all this time pala. Lumapit lang din siya sa akin dahil lang kay Cherry. Grabe. Hindi ko talaga inexpect na may pagtingin siya dun.

“Anong sabi sayo?”

“We’re bestfriends. Haha.” Pilit na pilit ang tawang ginawa nito. Hindi ako nagsalita. “Bakit ganun no? Kung sino pa yung mahal ko, may mahal nang iba? Tapos yung minamahal niya, ikaw naman ang mahal. Grabe.” Iiling iling pa na sabi nito.

“Siguro ganun lang talaga ang buhay.”

“I told you before diba? If you don’t seriously love Jm then dumped him. Kasi masasaktan lang siya kung patuloy siyang aasa sayo.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “Hoy lalaki. I love Jm! Mahal ko na siya. Siguro dati hindi pero ngayon, I’m sure I love him one hundred percent. Tssk.”

“Then have you forgotten about your first love?”

First love? Si Ej? Pinakiramdam ko ang sarili ko. Hindi na lumalakas o bumibilis ang tibok ng puso ko pag naririnig ko ang pangalan niya. Tinignan ko ng seryoso si Arman. “Yes. I don’t love him anymore. Gaya nga ng sabi ko sayo, si Jm ang mahal ko. Siya na at wala nang iba.”

“Good for you, bad for me.”

“Huh?”

“Kasi mahal na mahal din ni Cherry ang first love niya at ang tanging hiling ko lang, makalimutan niya na din ito gaya ng paglimot mo sa first love mo.”

“Alam mo, ganito ang gawin mo. Lagi mo siyang bwisitin haha. Ganun na ganun ginagawa ni Jm e. Hindi ko alam nagpapapansin na pala siya.”

Nag-poker face ito. “Talagang gagawin mo lahat maisali lang siya sa usapan hah.”

I sneer at him. “Ginagaya lang kita no! Isinasali mo din naman sa usapan si Cherry e.” Pagkatapos nagkatawanan kaming dalawa sa ginagawa namin.

“We’re just inlove. Hayy. Kung kailan tumanda ako saka ako naging ganito. Grabe. Anyway, just want to tell you that I’m going to macau with her of course. Kaya kung ikakasal na kayo ni Jm, don’t forget to invite me okay. Kahit nasa malayong lugar ako, pupunta ako.”

“Sira! Matagal pa bago ako ikasal. Hindi pa nga siya nagpropropose e.”

“Doon na din ang tuloy niyo.”

Medyo nagblush pa ako. Ako, ikakasal kay JM? Sana! Syempre alam ko na sa sarili ko na, na si Jm lang talaga ang gusto kong makasama habang buhay. Ngayon na magkasama na kami sa iisang bubong e sweet na sweet na kami, paano pa kaya pag kasal na kami? Yiee. Kinikilig ako sa mga iniisip ko!

“Pero I wish you good luck with Cherry. Make her fall in love with you.”

“Oh come on! I can do that. Pag-uwi namin dito, patay na patay na siya sa akin.”

Natawa pa ako sa sinabi niya. “Lakas ng confidence..”

Nagpaalam na ito pagkatapos.  Ako naman, balik sa pagdial. Pero out of coverage area ang cellphone ni Jm! Kung kailan naman ako ang magyayang kumain saka pa ganito. Why? At saka may ibibigay din kasi ako sa kaniya e. Tinignan ko pa ang picture frame na yun. Picture naming dalawa ni Jm. Collage iyon na talaga namang pinaghirapan ko pang gawin. Mga pictures namin yun sa cellphone ko.

Gift ko sa kaniya yun kasi magthe-third monthsary na kami. Actually ayaw ko nga siyang i-celebrate kasi hindi naman namin isinelebrate yung first at saka second. Parang ordinary days nga lang yun e. Pero may pumunta kasi na magkasintahan dito noong nakaraan tapos nagpapicture silang dalawa. Monthsary gift daw nila sa isa’t isa.

Tatlong buwan na din pala simula ng maging kami. Oo, inaamin ko na hindi ko pa siya mahal nun pero nagawa ko siyang mahalin. Nagawa din kasi niyang iparamdaman sa akin na ako lang at wala nang iba. Ang swerte ko talaga kay Jm.

“Ma’am, daydreaming kayo dyan huh.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “Oo, at panira ka ng iniisip ko.”

“Sus. I know naman na si Fafa Jm lang ang iniisip niyo. Super lovey dovey na kasi ang peg niyong dalawa. Kuuu. Noon e deny deny ngayong lovestruck. Hayyy. Inggit much ang beauty ko.”

“Ewan ko sayo Catelyn.” Natatawang sabi ko sa kaniya.

“Hmp. Totoo naman.”

“Tse. Maglunch ka na nga.”

“E kayo Ma’am.”

“Tatawagan ko pa si Jm para sabay kaming maglunch.”

“Jusko, makaalis na nga. Ang dami kong hearts na nakikita.” Tatawa-tawa nitong sabi.

Napailing na lang ako at muling denial ang number ni Jm. Ayun, nagring din sa wakas. May sumagot naman dito. Pero babae nga lang! Sino ito?

“Yes Hello?” Sabi ng nasa kabilang linya. Hindi ko kasi gamit ang phone ko kasi lobat, yung landline ang gamit ko.

“Sino to?” Yun ang una kong tanong. Sino ang babaeng may hawak ng cellphone ni JM? Hindi ko gustong magselos pero nakakapangselos naman talaga e. Biruin mo, kanina pa ako tawag ng tawag tapos ibang babae lang ang sasagot ng phone niya? Ang dami tuloy tanong na pumapasok sa utak ko ngayon e.

Sino itong babaeng ito? Bakit nasa kaniya ang phone ni Jm? Anong relasyon niya kay Jm? Bakit sila magkasama ni Jm? Argh!

“I’m Precie. And you?”

Bakit parang pamilyar ang boses ng babaeng ito? Precie? Wala akong kilalang Precie ang pangalan so hindi ko kakilala ang babaeng ito. Pero bakit kung makapagsalita siya parang siya ang may-ari ng phone. Hmmm..

“Ahm This is Catelyn.” Sorry Catelyn, pagamit muna ng pangalan mo. Isosoli ko din mamaya. “I would like to speak to Mr. Andres please.”

“Ahm sorry miss but he is busy at the moment.”

Busy? May iba pa ba siyang pinakagkakaabalahan bukod sa love café?

“This is important.” Sabi ko na lang.

“But this is also important.” Sabi naman ng nasa kabilang linya.

What the hell!? May mas importante pa ba sa akin?

“Can you just please give him the phone? I would like to talk to him and tell him this is urgent!” Hindi ko na mapigilang hindi mainis. Nilalamon na naman ako ng mga insecurities ko at ang pagseselos ko.

“I’m really sorry but this is too important. Maybe you can call later na lang.”

Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang boses ni Jm.

“Precie, Tama naman na! Ang hirap kayang gumiling giling dito. Ayoko na. At gusto ko na ding magbihis!”

What the! ANONG KALASWAAN ANG GINAGAWA NILA? Shit! Niloloko lang ba ako ni JM? Tanghaling tapat at ginagawa nila ang karimarimarim na bagay na yun!?

“Konti na lang haha. Ang cute mo nga e. Sige na please. Konti na lang talaga.” Natatawa pang sabi ng kausap ko.

Shit! Nangigigil ako sa inis! Makakasabunot ako ng tao ngayon! I swear!

“Argh. Pero huwag mo naman ako i-video.  So embarrassing!”

“Okay lang yan. Nag-e-enjoy ka naman e. haha. Giling pa more. Galingan mo naman.”

Sa inis ko, inihung ko na ang telepono. Pakshet! Niloloko ba ako ni JM? Hindi ko mapigilang maiyak sa realization na yun. Paano kung niloloko nga ako ni Jm. Paano na ako? Hindi ko ata kakayanin!

JM’s POV

Pagod na pagod ako ngayong araw na to. Grabe naman kasi kung magparusa yung kapatid ko. Hanep lang! Pero nag-enjoy naman ako pero kinakabag na ata ako ngayon sa kakatawa sa mga pinaggagawa ko sa hospital kanina. Ang dami tuloy nanuod sa ginawa ko.

Gumiling-giling na ako, nagsasayaw sa harap nila tapos pinakanta pa nila ako. At naka-nurse uniform pa din ako ng mga oras na ginagawa ko yun. Pero worth it naman lahat kasi napangiti namin si Hikari.

Hayy. Lord, kung nakikinig ka naman pwede mo bang i-extend yung buhay ni Hikari. Madami pa siyang pwedeng gawin. Hindi pa nga siya na-i-inlove kukunin niyo na siya. Hayyy.

Hinawakan ko pa ang batok ko. Sumasakit na kasi e. Pati balakang ko, sumasakit na. Napasubo talaga ako kanina, lalo na nung sinabayan ako ng mga bata. Hahaha. Pero nakakatawa talaga. Masasabi kong isa siya sa pinakamasaya at pinakanakakahiyang karanasan ko sa buhay.

Tinignan ko muna sa relo ko kung anong oras na. 10:30 na pala. Sinamahan ko din kasi si Precie sa bahay e. Hindi ako umalis hanggang hindi pa siya nakakatulog kaya late na ako nakauwi. Tulog na din siguro si Sandra.

Pero pagbukas ko ng pinto, laking gulat ko nang makita si Sandra na nakatayo sa harap ko. Nakacrossed arms pa ito at mukhang galit.

Teka? Anong ginawa ko?

“Sandra, bakit gising ka pa?” Tanong ko habang pahalik sana sa pisngi nito pero umiwas ito. Nagtaka naman ako at tinignan siya. Ang sama ng tingin niya sa akin.

“Bakit ngayon ka lang?”

The way she ask me was so cold. Ano bang nangyayari?

“Ahm, may pinuntahan pa kasi ako e.”

“Saan ka pumunta?”

“Sa bahay.”

“Bakit ka pumunta doon?”

“Ahm..” Sasabihin ko ba na nandoon ang kapatid ko? Sabihin ko na lang kaya? Tutal alam na din naman ni Chocola e kaya okay lang siguro na sabihin ko kay Sandra. She’s my girlfriend naman e.

“Galing ka kay Precie hindi ba?”

Nanlaki ang mata ko sa narinig. “You know her?”

“Tsssk. Goodnight!” Tapos nagwalk out na ito. Nagtaka naman ako. Galit ba ito kasi hindi ko sinabing kapatid ko si Precie?

Hayy. Sasabihin ko na lang sa kaniya bukas. Sa ngayon, matutulog na muna ako. Antok na antok na talaga ako e. Pagod na pagod na din ang katawan ko. Zzzz.

Continua llegint

You'll Also Like

4.7K 429 45
When was the last time you did something FOR THE FIRST TIME? Started: May 21, 2020 Ended: August 6, 2020
7.8K 229 9
Kung magkakaroon ka ng isang tunay na pag-ibig sa nakakatakot na nilalang. Mamahalin mo ba siya ng tunay? Ipaglalaban mo ba siya? Hanggang saan ang...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...