Chapter Twenty*

1.3K 25 3
  • Dedicated to All love cafe's readers. Super duper thank you!!
                                    

Chapter Twenty*

 

[JM’s POV]

Pumunta na kami ni Hikari sa Love café. Habang nasa byahe kami napansin ko na parang namumutla na siya. Napagod ata siya sa mga pinagawa ko.

        “Hikari okay ka lang ba? Gusto mo ihatid na lang kita para makapagpahinga ka na.” Nag-aalala kong sabi pero umiling lang ito.

        “Okay lang naman ako e.”

        “Sure ka ah?” Paniniguro ko pa.

        “Oo naman. Alam mo ba ngayon lang ako nag-enjoy nang ganito. Ang saya palang gumawa ng cake.” Tuwang-tuwa na sabi nito. Nakangiti ito at halata mong masaya talaga ito. Hindi tulad nang una naming pagkikita, seryoso niya pa kasi nun e.

        “Nakakatuwa naman kung ganun. Actually naging patissier lang naman ako kasi gusto kong tumbasan ang kapatid ko sa pagluluto. Kahit ayaw na sa akin ng pagluluto, hindi ko pa din siya nilubayan..”

        “Sigurado akong natumbasan mo na ang kakambal mo.” Sabi pa nito.

        “Nagkakamali ka dun. Maraming tumatangkilik sa luto ng kapatid ko. At isa pa, madaming tao ang ayaw sa mga cakes. Akala kasi nila porket sinabing cakes nakaka- diabetes na. Meron din namang mga cakes na may low carbohydrates.”

        “Pero kahit na ganun, gusto ko pa din ng cakes.”

        “Magkakasundo tayo dyan haha.”

        Nakarating kami sa Love café. Saktong pananghalian nila. Nakita ko agad sila Keith, Xander at Andrei na kumakain nang pananghalian nila. Nandoon din ang maybahay ni Keith na si Ella.

        “Guys!” tawag ko kaagad sa kanila.

        “Jm..” Si Ella ang unang nakapansin sa akin. Medyo napataas ang kilay nito nang makita ang kasama kong babae. “Sino siya?” Agad nitong tanong.

        “Ah siya nga pala si Hikari. My apprentice.”

        “Apprentice?” Tanong ni Keith.

        “Yeah. Tinuturuan ko siyang gumawa ng cake. Sa katunayan, eto oh.” Pinakita ko sa kanila yung cake na ginawa ni Hikari. “Siya gumawa nyan.”

        “Whoa. Classic cheese cake.” Si Xander na agad kinuha ang box sa akin. Sabi na e. Kahit anong gawin niya favorite niya pa din ang cheese cake. Haha.

        “Pag marunong na marunong na si Hikari, gusto ko dito siya magtrabaho.”

        “Aba dapat lang! Para naman may maganda sa kusina haha. Hi. Ako nga pala si Andrei.”

        “Hi.” Seryoso na naman si Hikari.        

        “My name si Xander.” Si Xander na tipid lang ngumiti. Kumakain na kasi ito ng cheese cake. 

        “Ako naman si Ella and this is my husband Keith.” Si Ella at nag-hi lang si Keith.

        “Ako nga pala si Hikari.”

        Umupo na kaming dalawa ni Hikari doon. Habang nagslice naman si Ella at tinawag na din yung ibang trabahador. Kumuha na lang sila ng cake sa café para makakain din yung iba.

        “Ah oo nga pala guys, hindi na ako sasali sa contest.” Simula ko habang kumakain ng pananghalian.

        “ANO!?” Si Keith.

Love Cafe Series: Picture of My HeartWhere stories live. Discover now