Chapter Six*

1.7K 36 0
                                    

Chapter Six*

[SANDRA's POV]
Gosh! Sinong may sabing madali lang maging photographer? Aba aba naman! Hindi madaling maging photographer lalo na kung ang susundan mo ay isang workaholic!         

        Akala ko simpleng susundan ko lang sila, pipicturan tapos, tapos na! Kaso etong mga lalaki na ito, napaka-workaholic! Grabe! Nakakapagod silang sundan!

        Si Andrei, nagstart ang umaga niya sa pagpunta sa Love cafe. Tsine-check niya lahat ng pwedeng icheck. Tapos pupunta siya sa meeting with some of the prospective clients and investors. Pagkatapos ng mga meeting na yun, balik sa love cafe, gagawa ng report. Sa hapon, itse-check niya yung ibang branch ng love cafe. Then babalik sa main, para sa iba pang paper works.

        Si Xander, Nagsisimula din ang umaga niya sa pagpunta sa Love cafe.. Doon na din niya ginagawa ang mga iba niya pang trabaho gaya ng pagche-check dun sa drawing ba yun? Ah. basta, usapang engineer yun. Malay ko ba dun? E photographer ako. Siya din namamahala sa staff ng love cafe.

        Si Ej naman, syempre sa love cafe din yan pumupunta para magluto. Siya ang main chef e. Tapos tinuturuan niya yung ibang chef kung paano makuha yung lasa ng mga ginagawa niya. Siya din ang mismong nag-aasikaso sa mga orders para daw walang mali. Umuuwi siya ng alas-dos para makabonding ang cute na cute niyang anak na si Choco John or si Cj at pati na din ang asawa niya na tumigil muna sa pagiging model para maging hands on mother and wife. Then pag Four Pm na, babalik siya sa love cafe para tulungan sila Andrei for the inventories.

        Si Keith? Bukas pa. Ngayon pa lang kasi ang balik nila ni Ella para sa one month honeymoon nila. O diba? Honeymoon lang umabot na nang isang buwan? Grabe. Ganun ba sila kasabik sa isa't isa? Hayy.

        "Wow. Ang galing mo talagang kumuha ng picture."

        Inikot ko ang mata ko. "Ah baka kasi photographer ako diba?" Pamimilosopo ko.

        Tumabi sa akin si Jm. Unfortunately, hindi siya pumasok sa Love Cafe kaya eto siya at nanggugulo.

        "I wonder if my pictures will be exactly like this."

        "What do you mean?" Parang hindi ko siya nagets e. Syempre ganun din ang kalalabasan nun, Ako pa ba? Magaling ata ako.

        "Cassandra."

        Napahinto ako sa ginagawa kong pagtingin sa mga pictures. Why did he suddenly said my whole name like that? Kailan ko ba huling narinig ang buo kong pangalan sa labi niya? Siguro nang mga bata pa kami.. He used to call me Cassandra.

        "Ah A-ano y-yun?" And now I'm stuttering! What the hell did happen to me?

        "My chest hurt every time I see you. It feel likes it will be burst any minute."

        Napatingin ako sa kaniya. He was just looking at the pictures that's why I can't see his expression. But why did he suddenly talk like this?

        "Sabi ko sa sarili ko, Okay nang ganito tayo. Friends but not friends. Okay nang tinitignan na lang kita sa malayo. Pero bakit ganun? I'm not contented if I just saw you far away from me. I want to be near you as much as possible."

        "W-what do you mean?"

        "Noong nasa hospital tayo, I blurted that I love you and you just said that you don't feel the same way. Sabi ko kakalimutan ko na tong unrequited love ko sayo pero bakit hanggang ngayon, Hindi ko pa din magawa? Why do I have to fall for you all over again?"

Love Cafe Series: Picture of My HeartWhere stories live. Discover now