BHO CAMP #8: The Cadence

By MsButterfly

1.4M 45.3K 4.8K

All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet... More

Synopsis
Chapter 1: Beat
Chapter 2: Hand
Chapter 3: Crepuscular
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Objective
Chapter 6: Time
Chapter 7: Sleep
Chapter 8: Song
Chapter 9: Orange
Chapter 10: Compromise
Chapter 11: Gravity
Chapter 12: Home
Chapter 13: Hawk
Chapter 14: Chance
Chapter 15: Promise
Chapter 16: Damage
Chapter 17: Shine
Chapter 18: Charm
Chapter 19: Cuff
Chapter 20: Breathe
Chapter 21: Princess
Chapter 22: Free
Chapter 23: Fairytale
Chapter 24: Always
Chapter 25: Lie
Chapter 26: Road
Chapter 28: Beautiful Disaster
Chapter 29: Cadence
Chapter 30: Epilogue
Chapter 31: Start
Chapter 32: Catfight
Chapter 33: Mind Games
Chapter 34: Distance
Chapter 35: Orbit
Chapter 36: Tradition
Chapter 37: Rock star
Chapter 38: Team Night
Chapter 39: Music
Chapter 40: Always
Epilogue
Author's Note

Chapter 27: Pretend

28.1K 794 36
By MsButterfly

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

HERA'S POV

A few years ago...


I tried so hard to stay away.

Kasabay ng pangangalit ng mga ngipin ko ay rinig ko ang pag lagutok ng bagay na kasalukuyang nadudurog na sa kamay ko. Hindi ko ininda ang malilit na kagat nang matatalas na parte no'n dahil lumilipad ang utak ko sa tagpo na iyon kung saan narinig ko mula sa mga labi ni Thunder ang mga salitang iyon. Lips that gave me the most wonderful kiss that I ever had in my life. A kiss that almost took my breath away.

I tried so hard to stay away.

Muling umulingling sa tenga ko ang boses ng lalaki. Kuyom ang mga kamay na akmang ibabato ko kung saan ang hawak ko nang maramdaman ko na may humawak sa akin at dahan-dahang ibinaba ang kamay ko.

Matalim ang tingin na ipinukol ko kay Ocean na ngayon ay nakatayo sa tabi ko at alanganin ang ngiti na nakatingin sa akin. Pilit na binukas niya ang kamay ko at kinuha ang bagay doon na nadurog ko na. "This is kind of expensive. This very special macadamia nuts cost me almost two thousand for just a pound." May inangat siya na metal na bagay at iwinagayway iyon sa tapat ng mukha ko. "We have nut crackers you know?"

"Kapag hindi ka lumayo, sa'yo ko gagamitin 'yan."

Kaagad namutla ang lalaki habang ang isa niyang kamay ay automatikong sumalag sa hinaharap niya para protektahan ang di hamak na mas importante na "nuts" para sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay at bilang pagbibigay ng diin sa banta ko ay inabot ko ang nut cracker na hawak niya. Ako naman ang nagwagayway no'n sa tapat ng mukha ng lalaki na ngayon ay napaatras na.

"Hindi ka naman ma-joke, Ate Hera. Sabi ko nga hahayaan na kita gamitan ng ma-ala Hulk powers ang pobreng macadamia nuts ko." Alanganin ang ngiti na inusog palapit sa akin ni Ocean ang kinalalagyan ng mga iyon, "Carry on."

Inismidan ko siya bago ko ibinaba ang hawak na cracking tool na malapit ko ng gamiting torture device at muli akong kumuha ng piraso ng macadamia nut na hindi pa rin nababalatan. Katulad kanina ay walang laban iyon sa inis na ibinubunton ko roon.

I tried so hard to stay away.

Pabalibag na initsa ko ang hawak ko sa isa pang lalagyan kasabay ng nanggigigil kong sigaw. Mabilis naman akong inabutan ulit ni Ocean ng macadamia sa takot siguro na ibang bagay na ang maisipan kong durugin. Sa stado ng pag-iisip ko ngayon hindi malabong mangyari 'yon.

"Alam mo kung anong magandang gawin, Ate Hera, kapag mainit ang ulo mo?"

"Bumasag ng bungo?"

Napalunok ang binata bago palihim na itinulak palayo ang cracking tool. "N-No. Ang pinakamabisang cure para sa mainit na ulo ay kumain. And that is my domain. Yakang yaka ko na gamutin ang sama ng loob mo sa mundo."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata, "At patabain ako?"

"Who cares-" Nang makita niya ang sagot sa itatanong niya ay napapakamot sa ulo na kumambiyo siya. "Ikaw tataba? Wuu! Imposible! Ikaw? Si Hera Scott? Ang pinakamagandang prinsesa sa balat ng impyerno-" Muli siyang natigilan nang makita niyang umangat ang kamay ko para abutin ang "torture device" na magagamit ko sa kaniya kapag hindi ko nagustuhan ang susunod niyang sasabihin. "I mean sa balat ng lupa? Come on! Hindi ka tatablan ng calories, trust me. You can maintain your curves even if you eat a ton of food."

"Ocean?"

Painosenteng kumurap-kurap siya, "Yes?"

"Tigilan mo ang kakabola sa akin. Hindi 'yan tatalab."

"Okay!"

"And stop ogling my boobs or I'll castrate you."

Pinagdikit niya ang mga labi niya na para bang pinipigilan niyang sumagot bago sunod-sunod na tumango. Itinuro niya kinalalagyan ng macadamia nuts at nang manatili akong walang reaksyon ay kumembot-kembot pa siya na animo showgirl. "So? Gusto mo bang sumaya kapag natikman mo ang culinary masterpiece ko?"

"Siguraduhin mo lang na matutuwa ako. Kapag hindi alam mo na ang mangyayari."

Ngumisi ang binata at itinaas ang dalawang kamay para mag thumbs up sa akin. Mukhang hindi niya alintana ang pagbabanta ko. Kung sabagay kung may isang bagay naman kasi na confident ang isang 'to na gawin ay iyon ay pagluluto.

Sa kusina lang kasi ata hindi pumapalpak si Ocean. Iyong ibang bagay kasi hindi siya interesado pagtuunan ng pansin kaya kahit hindi niya magawa ng maayos ay wala siyang pakielam. O minsan, ibang tao na nauuto niya ang gumagawa para sa kaniya.

Tinignan ko ang ginagawa ng lalaki na ngayon ay abala na sa pagluluto, "Ano 'yan?"

"My special macadamia crusted chicken with shoyu cream sauce and marinated beet salad. Siguradong makakalimutan mo ang sarili mong pangalan kapag natikman mo ang luto ko."

Pinaikot ko ang mga mata ko, "Hindi pangalan ko ang gusto kong makalimutan."

I heard the pan sizzle when he put something on it followed by a delicious smell. Nag-angat siya ng tingin sa akin kasabay nang pagpunas niya ng mga kamay sa puting towel na nakasabit sa waist apron niya.

"Kung ibang tao ang kailangan mong kalimutan mukhang hindi pagkain ang makakatulong sa'yo niyan."

Huh. Makes sense. Mukhang bibisita ako ng Paige's mamaya dahil alak na ang kailangan ko para makalimot.



LUMIKHA ng ingay ang hawak ko na basok ng alak nang may malaking ngiti sa mga labi na ibinaba ko iyon sa harapan ko. Itinaas ko ang kamay ko para kuhanin ang pansin ni Killian na siyang naka duty ngayon sa Paige's bilang bartender.

"I need a refill, Kill."

Nakangiting lumapit sa akin ang binata na kanina ay abala sa pakikipag-usap sa babaeng nakaupo sa kabilang panig ng bar counter. Kita ang pagkadismaya sa babae na mukhang guest dito sa BHO CAMP nang kaagad lumayo si Killian para lumapit sa akin.

I ignored the woman. She can have Kill later for whatever she want him for. I'm just here for the drinks and Killian makes killer drinks. Woah that rhymes.

Napahagikhik ako sa naisip dahilan para mag-angat ng tingin ang lalaki mula sa ginagawa. Tumaas ang isa niyang kilay, "What?"

Dahil na rin siguro sa ilang baso ng alak na nainom ko ay wala na akong kontrol sa dila ko na gustong dumaldal. "Your Killian and you make killer drinks. You should put that in a business card or something."

Napapailing na isinalin ng lalaki ang laman ng cocktail shaker na hawak niya, "You're really hammered. You should go home, Hera."

"Hindi ako lasing." Napatakip ako sa bibig ko nang kumawala roon ang isang sinok, "Slight lang."

Itinulak niya palapit sa akin ang baso ng alak na kaagad ko namang kinuha. Pinatong ng lalaki ang siko niya sa counter at mataman akong tinitigan. I flashed him a beaming smile before I happily turned to my drink. Iyon nga lang imbis na lumayo ay nanatili siyang pinapanood ako na bahagya ko ng kinakailang. And since my brain is fried with alcohol I decided to let him know it.

"You're really making me uncomfortable." Kinipkip ko palapit sa akin ang hawak ko na baso. "Kung gusto mo rin tikman ang iniinom ko, you can make another one. Wala akong balak mag share. I love this too much." I looked at the bottle of spirit near him that he used to make the cocktail I'm drinking. "I love you."

"Is that a confession?"

Nag-angat ako ng tingin kay Killian bago ako ngumuso at matamang nag-isip, "Nah. Ikaw lang ang tulay sa pagmamahalan namin pero siya..." sabi ko at itinuro ang bote ng Clase Azul. "Siya ang mahal ko."

"Ouch."

Nginisihan ko ang lalaki at itinukod ko rin ang siko sa counter. Muntik pa iyon na hindi sumakto dahilan para muntik humampas ang mukha ko sa marmol na lamesa pero pasalamat na lang talaga ako na nakikisama pa ang reflexes ko. "Don't worry, Killian. Mahahanap mo rin ang taong hindi ka ipagpapalit sa alak."

He chuckled, "Right. So I should stay away from alcoholics then."

"Hindi ako alcoholic. I'm an occasional...occasional..." Ipinilig ko ang ulo ko, "Ano nga ulit ang sinasabi ko?"

"Alcoholic."

"Sino?"

Napahagalpak ng tawa ang lalaking kaharap ko dahilan para mapakunot ako ng noo. Naiiling na nagsimula siya ulit kumilos at may kung ano ulit na tinimpla bago ako binalingan, "Gagawan na kita ng kape. Sabog ka na eh."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Are you assuming that I'm drunk?"

"Hindi ako nag a-assume. Sigurado ako na lasing ka na talaga."

Pinaikot ko ang mga mata ko at nagpatuloy ako sa pag-inom. Hindi ko pa naman nararamdaman na lasing na ako. Matino pa naman ang pag-iisip ko. "Hindi ko kailangan ng kape. Ang kailangan ko...kailangan ko..."

"Kailangan mo ng ano?"

Nagsalubong ang mga kilay ko nang hindi ko magawang hanapin ang idudugtong sa sasabihin ko. Bakit ba hindi ko matapos-tapos ang mga sentence ko? Ano nga ba ang kailangan ko ngayon? Is this alzheimers?

"Kailangan ko ng world peace." sabi ko sa unang bagay na dumaan sa pira-piraso ko na utak.

"Wow. That's deep."

"Ang world? Oo naman. There's 6, 371 distance to the center of the Earth."

Sunod-sunod na napakurap ang lalaki na para bang hindi niya naiintindihan ang sinasabi ko. Ilang sandaling nakatingin lang siya sa akin bago kumurba ang ngiti sa mga labi niya at muli siyang napailing. "This is why I love the late nights here. Minsan ang sarap niyang i-video kung hindi ko nga lang alam na masasapak niyo ako kinabukasan."

"Ako? Mananapak? Excuse me, Mr. Killian. You're talking to a lady."

"Yeah. A lady that can neutralize multiple threats in a matter of minutes."

Nagpalingon-lingon ako bago ko nilagay ang hintuturo ko sa tapat ng mga labi ko, "Wag kang maingay. Mamaya marinig ka nila eh secret lang kaya 'yon."

Napapakamot sa ulo na ipinatong ng lalaki ang isang tasa ng kape sa harapan ko. Inismidan ko lang iyon at kinipkip ko ang baso ng alak sa dibdib ko na para bang sobrang espesyal no'n sa akin.

"Ayoko niyan. I don't drink coffee." pagsisinungaling ko.

"Bakit?"

"Masyadong matapang."

"Alak nga kinaya mong inumin, kape pa kaya?"

Binigyan ko siya ng masamang tingin. "Haha you're so funny-"

"You're so funny talaga!"

Napatigil ako sa sasabihin at napalingon sa pinanggalingan ng nakakairitang boses. Pakiramdam ko sa sobrang tinis no'n na halata namang pinapaarte lang ay sumisigid iyon sa eardrums ko. Pero hindi iyon talaga ang pinakanakakuha ng pansin ko kundi ang tunog nang tawa ng isang lalaki na kilalang-kilala ko.

Thunder Roqas Night.

"Anak ng alak naman, Killian!"

Namilog ang mga mata ng lalaki sa gulat. "What?"

"Akala ko ba makakalimutan ko ang pangalan ng engkanto na 'yan eh bakit tandang-tanda ko pa?" asik ko at itinuro ang kinaroroonan ni Thunder. Kasalukuyang hinaharot ang hudyo ng babaeng kasama niya na animo ahas kung lumingkis sa kaniya.

"Ha?"

"Bigyan mo ako ng alak! Ngayon din!"

Kunot ang noo na nilingon ni Kill ang tinitignan kong direksyon kanina. Dagling umunat ang noo niya nang makita rin ang kaparehas na tanawin na nakita ko. "No more drinks for you. Inumin mo na iyang kape mo."

"Ayoko!"

Hindi niya ininda ang matalim na tingin na pinupukol ko sa kaniya at sa halip ay pilit niyang inagaw sa akin ang baso na hawak ko. Itinulak niya ang tasa ng kape sa direksyon ko bago nagsalita, "Kahit alak hindi kayang burahin ang taong ayaw mong maalala sa buhay mo."

"No, no, no. Food can make me forget my name so alcohol should make me forgot that person's name."

"No, it can't."

Humalukipkip ako, "Kung hindi kayang burahin ng alkohol ang pangalan ng taong iyon paano ko siya makakalimutan? Should I kill him then?"

Napatawa ang lalaki sa sinabi ko na lalo kong kinasimangot. Sandaling nilingon niya ang kinaroroonan ni Thunder bago siya dumukwang sa akin at bumulong. "Mahirap burahin ang pangalan ng taong hindi naman sa alaala mo nakasulat kundi diyan sa puso mo."

"W-What? I'm not in love with him!"

"Yet here you are."

"I hate him!"

Nagkibit-balikat si Killian. "There's a thin line between hate and love. Kung ako sa'yo aalamin ko kung nasaan ako sa magkabilang panig no'n."




NANGANGALIT ang mga ngipin ko habang pinagmamasdan ang kinaroroonan ni Thunder at ng babaeng hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis sa pagkakalingkis sa lalaki. Mula nang makita ko sila sa bar ay ganoon na ang tagpo ng dalawa. It's been an hour for goodness sake!

Bahagya na akong nahimasmasan sa pagkalasing dahil sa kapeng pinainom sa akin ni Killian. Iyon nga lang mas malakas pa rin ang espiritu ng alak kaya pakiramdam ko ay umuugoy ako kahit nakatayo lang naman ako.

Halos bumaon ang kuko ko sa puno na dinadantayan ko nang makita kong binuksan ni Thunder ang pintuan ng villa na sa pagkakatanda ng durog sa alkohol ko na utak ay siyang villa na ginagamit ni King kapag nandito ang lalaki sa BHO CAMP. Malamang pinapahiram kay Thunder kapag may gusto siyang kalantariin na hindi niya pwedeng dalin sa headquarters!

"Wala talaga silang balak maghiwalay?" Pagkabitaw ko ng mga salitang iyon ay siyang pagkakita ko kung paanong nanguyapit ang babae kay Thunder. Hindi man lang umiwas ang hudyo at sa halip ay pinalibot niya lang ang kamay sa bewang ng babae at bahagyang yumuko para halikan ang babae sa leeg.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko na bigla na lang akong umalis mula sa pinagtataguan ko. I don't even know what I'm doing here in the first place. I know I'm acting like a lunatic but at that moment I just didn't care.

Isang tili ang bumasag sa katahimikan ng paligid nang basta ko na lang hablutin ang buhok ng babae na walang nagawa kundi mapabitaw kay Thunder na tila naestatwa sa kinatatayuan at nanglalaki ang mga matang nakatingin sa amin.

"What the hell?!" The woman shouted as she struggle under my grip. Umangat ang kamay ng babae para alisin ang mga kamay kong mahigpit sa pagkakahawak sa buhok niya pero nanatiling hawak ko siya at pilit hinihila palabas.

I pulled the woman out of the door and down the steps of the porch before I turned around and entered the villa, pushing Thunder inside in the process.

"Hera-"

Hindi natapos ni Thunder ang sasabihin nang makarinig kami ng sunod-sunod na pagkatok na tila binabalya ang pintuan. Mabilis akong kumilos at kinuha ko ang vase na nakapatong sa isang tabi at pagkatapos ay muli kong binuksan ang pintuan.

"How dare-" Isang tili ang tumapos sa sasabihin ng babae na siyang nasa pintuan nang basta ko na lang ibuhos sa kaniya ang laman ng vase. Kasamang tumapon hindi lang ang tubig kundi ang mga natuyong bulaklak na nandoon.

"Stay. Away." pagkasabi ko no'n ay ibinalibag ko pasarado ang pintuan. My head snapped to turn towards Thunder who still look like as if I shock the living daylights out of him. Good. "You have the nerve."

"Hera..."

"I tried so hard to stay away?!"

"Hera-"

I took a step towards him. Itinulak ko ang dibdib ng lalaki na hindi man lang natinag sa kinatatayuan. "You tried so hard to away? Tapos hinalikan mo ko. After that you left me hanging. You didn't call, you didn't show your face for days, and you didn't go to me even though I live just rooms away from yours!"

"Hera, you don't understand."

"You have no right to treat me as if I'm one of your playthings!" I pushed on his chest again only to stumble backwards. Kaagad umangat ang mga kamay niya para alalayan ako pero pumiksi lang ako. "You have no right to make me feel like I'm special, you have no right to kiss me and then run on another set of lips! You certainly have no right to be done with me when I am not done with you. Naiintindihan mo ba?!"

"Hera, you're drunk. Mag-usap na lang tayo bukas. Hindi tayo magkakaintindihan ngayon na lasing ka."

"I am not drunk but I know what I'm talking about. God, I hope I don't. I hope I'm drunk enough to forget that you went to another woman when I was waiting for you to come to me."

"Hera-"

"You hurt me!"

Nagtataas-baba ang dibdib ko sa pagkahingal na dala ng emosyon na rumaragasa mula sa akin. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa lalaki na nananatiling nakatingin din sa akin. Hinintay kong magsalita siya pero walang kahit na anong lumabas mula sa mga labi niya. Lips that kissed another woman.

I step back away from Thunder and I saw torment crossed his eyes.. But I ignored that and instead I raise my hands to reach for the button of my clothes. Isa-isa ko iyong tinanggal habang hindi inaalis ang pagkakatingin sa lalaki.

"What are you doing?" he whispered in a pained voice.

"Showing you what I can do better than that woman."

Tuluyang nalaglag ang bestida na suot ko sa paanan ko at walang pangamba na sinipa ko iyon palayo sa kinaroroonan ko. I reached for the clasp of my bra but before I can take it off I felt arms suddenly wrapped around me and hands that stopped me from what I was about to do.

"No."

"Let met go." I said with gritted teeth.

"Hindi mo 'to kailangan gawin."

"I want 'to."

Hinigpitan ni Thunder ang pagkakahawak sa mga kamay ko, "You said no attachment. No labels. But we both know you can't handle that, Hera."

"If that means you can run to another woman, then no. Pero kung ang ibig sabihin no'n ay mananatili kang akin at ako sa iyo hanggang kailan ko gusto na walang hinihinging kahit na anong kapalit maliban dito, then yes I can." I said while looking straight to his eyes. "I don't need a ring or a promise. But I want you and don't pretend that you don't want me too."

Muli akong pumiglas at sa pagkakataon na ito ay nagawa kong makakawala. Walang pagdadalawang-isip na kinalas ko ang pagkakakabit ng suot ko na pang-itaas at bago pa siya uling makakilos ay pinilas ko palayo sa katawan ko ang isa pang natatanging natitira na lang na telang nagkukubli sa akin mula sa mga mata niya.

I heard his intake of breath and I can feel his stare, giving me no choice but to meet his eyes again. It was as if the time suddenly stop at that moment. That one single moment that I stood there locked in his eyes. My skin bared for him to see while my heart was safely tucked away.

Tila muling dumaloy ang oras nang maramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at marahan akong hinila patungo sa kung saan. Hindi niya ako binitawan hanggang marating namin ang isang kwarto na base sa pagkakaayos niyon ay mukhang wala paang gumagamit.

I felt Thunder's hand let me go followed by the rustling of the sheet. Ipinikit ko ang mga mata ko nang muling bumalik ang init ng palad niya sa balat ko pero imbis na ang inaasahan ko ang mangyari ay napamulat ulit ako nang maramdaman kong pumalibot sa akin ang isang kumot. "A-Anong ginagawa mo?"

Hindi sumagot ang lalaki at sa halip ay binalot lang ako ng kumot hanggang sa pakiramdam ko ay hindi na ako makakawala mula roon. Sa pagkabigla ko ay itinulak niya ako ng marahan dahilan para bumuway ang tayo ko. Dahil mahaba ang kumot ay naapakan ko iyon at napabagsak ako sa ibabaw ng kama. I opened my mouth to speak but I stopped when I saw Thunder peeling off his clothes. He threw his shirt somewhere then he unbuckled his belt. At the next second, I saw all of him stripped down to his boxers. Hindi niya tinanggal iyon at sa halip ay humiga na rin siya sa kama na kinaroroonan ko. Hinila niya ang isa pang kumot paangat dahilan para matakpan kaming dalawa hanggang sa dibdib.

"What are you doing, Thunder?"

"Sleeping."

"But-"

Napatigil ako sa sasabihin ko nang hilahin niya ako hanggang sa mapaunan ako sa dibdib niya. I feel his arms wrapped around me so tight that I can't even move a single inch. "Tomorrow we'll talk."

"You can't sleep!"

"I can."

"You need to sleep with me!" I clarified.

"I am."

Pumiglas ako sa pagkakayakap niya pero lalo lang niyang hinigpitan iyon. Naramdaman ko ang labi niya na marahang dumampi sa ibabaw ng ulo ko. "This is not what I meant!"

"Tomorrow we will."

"Thunder!" asik ko sa kaniya.

Instead of listening to me, I heard him started humming a familiar tune. My body was forced to relax even though my brain wanted to continue what I came here for. I'm blaming the alcohol. Specially when I started to drift off. That's why I wasn't sure if I heard him right...when he whispered part of the song he was humming.

"You're still the one I love. The only one I dream of."




ANG PAGKAWALA nang mainit na bagay na nakapalibot sa akin ang siyang nagpagising sa diwa ko. Iminulat ko ang mga mata ko na nanlalabo pa mula sa pagkaantok at umikot ako dahilan para tumama ang likod ko sa mainit na bagay na siyang hinahanap ko.

Nilingon ko ang pinanggagalingan no'n at kaagad nawala ang antok ko nang makita ko si Thunder na mahimbing pa rin ang pagkakatulog sa tabi ko.

I can remember everything that happened. Hindi naman kasi ako iyong klase ng tao na nakakalimutan talaga lahat ng nangyayari kapag lasing ako. Siguro gawa-gawa lang din iyon ng iba na gusto lang naman pagtakpan ang kahihiyan na ginawa nang lunod pa sa alak ang utak. I can feel the shame starting to enter my system but I ignored it. Wala akong balak kalimutan ang mga nangyari. Because why would I be ashamed when I'm right here exactly where I want to be?

Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan siya. I want this. I want to wake up like this with him right here with me.

Alam kong delikado ang mga nararamdaman ko. Ang mga bagay na gusto ko. Pero wala akong balak na pangalanan sila dahil kapag ginawa ko 'yon...kakailanganin kong bitawan kung ano ang meron kami. This is the only thing that he can give me. Naiintindihan ko 'yon kaya hindi pwede na harapin ko ang mga bagay na gustong magpakilala sa akin.

Just fun. No attachments. No labels.

Labag man sa kalooban ay tumalikod ako at maingat na kumilos para tumayo. Ramdam ko ang kahubdan sa ilalim ng kumot na nakabalot pa rin sa akin pero hindi ko pinagtuunan iyon ng pansin. I felt the cold under my feet but I ignored it too and instead I walked towards the floor to ceiling glass window of the room. Hindi sinarado ni Thunder ang kurtina no'n kaya kitang kita ko ang araw na nagsisimula ng gumising sa pagkakahimbing.

I usually don't have the liberty to wake up like this. Minsan tanghali na ako nagigising, minsan naman hapon. I don't have a seven to five job. Nakadepende sa kakailanganin para sa misyon ang oras ng trabaho namin. And sometimes...I just didn't care enough to appreciate.

Now I'm seeing the beauty of it. Kahapon pakiramdam ko ay tanging galit lang ang pumupuno sa akin. Habang ngayon naman ay gumising ako na para bang ang gaan ng pakiramdam ko. It's the same thing with what I'm seeing in front of me.

The dark will color the sky as the sun slowly set. An end for some, another day passing. While when the sun finally rise it's like there's something to look forward to again. One will show the end while the other will let you hope.

"Penny for your thoughts?"

Hindi ako lumingon nang marinig ko ang boses ni Thunder kahit pa nang maramdaman ko ang mga braso niyang pumaikot sa akin. I closed my eyes for a moment when I felt the weight of his head on my shoulder and his breath hot on my neck.

"Una, walang penny sa Pilipinas. Pangalawa, ang kuripot mo naman."

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, "One thousand for your thoughts?"

I smiled despite myself and I gently nudge him with my elbow. "Okay. Sayang 'yan, pambayad din sa bill ko sa Paige's na tumataas nang tumataas dahil sa'yo."

Wala na ang galit sa akin nang maalala ko ang mga tagpo kahapon. Tanging munting kirot na lang ang nananatili sa puso ko lalo na ng parang sirang plaka na paulit-ulit pumapasok sa isip ko ang tagpo na naabutan ko sa pagitan ng babae at kay Thunder.

As if sensing my thoughts, I felt Thunder's lips on my neck. "I'm sorry."

"Hindi ko kayang gawin 'to kung alam kong any moment pwede kang tumakbo papunta sa kandungan ng iba."

"It wasn't like that."

"Alam ko kung anong nakita ko." Umikot ako dahilan para mapasandal ako sa salamin na bintana habang ang mukha ko ay nakaangat para magawa kong salubungin ang tingin niya. "I want the fun, Thunder, believe me. But I also want to be enough."

"You are enough."

"Then why?" I know he can hear the pain lacing my voice but I shrugged it away. "Why?"

"Dahil hindi ko alam kung sapat na ba ang kung anong kaya kong ibigay para sa'yo. Kung sigurado ka ba na kaya mo na hanggang dito lang."

I wasn't. I wasn't sure. Ang alam ko lang mas kaya kong tumawid sa walang kasiguraduhan kahit na hindi ko alam kung hanggang saan ang tatag no'n na manatiling kayanin akong hindi nahuhulog. Mas kaya ko iyon kesa ang mawala siya. Na makita siya na kasama ang iba.

"I shouldn't do this." he whispered in a voice that was slow I'm not even sure if he meant it for me to hear.

I opened my mouth to ask but no words came out when I felt his lips on mine. It wasn't soft. It's not rough either. It was everything. It's like venturing into an exploration, or like a whisper asking for something, or it's a soft plea, yet it's also like surrendering.

Naramdaman ko ang marahang paglandas ng kumot palayo sa balat ko hanggang sa ang kabuuan ko ay tuluyan ng lumantad sa kaniya. Hindi katulad kagabi ay walang bahid ng pagtitimpi ang kilos niya. Walang kahit na anong bakas ng pangamba. It was as if at this moment, he finally let go of all the things he was trying to shield me away from. That finally, we're both bared not only for our eyes to see but also for us to feel.

Habol namin pare ang aming hininga nang sandali niyang putulin ang halik. Pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon na paghandaan ang sumunod niya na kilos. While his kisses were like warmth coming from a flame, with his hands joining the discovery it was like we were blazing into the depth of the inferno.

My head touched the cold surface of the glass wall as my back arched towards his hands. His lips trailed sparks of heat from the sensitive skin of my neck...down to the valley of my breast. This he was doing while his hand slowly caress its way to my center.

I never felt anything like this. Like I'm being worshiped. The way he kiss every bit, the way he move his hand so gently, it was as if to him I'm giving him more than what I'm feeling just by letting him have me. As if I was a gift he been wanting to have.

"Thunder..."

I hold on to his shoulders tightly when I felt his lips took one sensitive peak of my breast. Rolling it on the pad of his tongue then gently tugging it inside his mouth. Muli kong binulong ang pangalan niya habang pinagpatuloy niya ang pagpapapala sa aking katawan. He didn't hurry and instead he enjoyed each second as he alternately showered both buds with kisses.

I was in a cloud. It felt like I was in a cloud. That's why I was too late to guess the next path his lips were taking. My eyes snapped open as my lips parted when I felt him there. There.

My legs started trembling as his tongue lashed into my flesh, tasting me. My hands automatically reached for something but there's nothing I can hold on to but his shoulder while my other hand laid flat on the wall, using it to brace myself from falling.

"Thunder, please..."

He didn't stopped instead he looked up at me as his tongue probe the folds of my core. It was like a spell locked me inside his gaze. His eyes showing nothing but absolute desire...blazing with something that I haven't seen in him before.

It was something else.

It was as if he's owning me.

I bit down on my lower lip as a shudder went through my body, engulfing me with delicious tremors that I never felt anything close in my life. Tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ko pero hindi ko kailangan mangamba dahil maagap akong sinalo ni Thunder sa mga bisig niya. He gently wrapped his arms around me, carrying all my weight. Malambot na kama ang sumunod na dumantay sa aking likod.

He propped his hands on both my sides, he looked down at me as if he's memorizing every bit of my face and I can't help but do the same. With the sun fully rising outside, the rays entering through the glass walls and enveloping us with light, I can see its glow on his olive skin. Hindi ko nagawang pigilan ang kamay ko na parang may sariling buhay na umangat at dumampi sa balat ng lalaki na animo tinatawag ako no'n. I gently brushed my hands on the side of his shoulder and down to his hard chest that is moving harsh from his deep intake of breath.

May kung ano siyang inabot mula sa bed side table at sinundan ko ng tingin ang sunod niyang ginawa. In some way it looks almost...beautiful as I watch him grasp his own length with his hand. It was the first time I saw it and I was in awe as I look at him starting to unroll his piercing.

"No."

Umiling siya at tuluyan iyong inalis. "I don't want to hurt you." With a quick movement he opened a packet of protection and slid it on. "If you want me to stop, I will. Just tell me." he said softly.

"Never."

He closed his eyes as if in pain. "Princess..."

Inangat ko ang kamay ko at marahan kong hinaplos ang pisngi niya dahilan para magmulat siya ng mga mata. "Take me. I'm yours, Thunder."

Naramdaman ko ang bigat niya sa ibabaw ko kasabay nang pagsubsob ng mukha niya sa leeg ko. Mahigpit akong napakapit sa kaniya nang maramdaman ko ang pagsentro niya ng kaniyang kahandaan sa akin. I clasp on him tightly, bracing myself from the intrusion.

I was expecting him to surge forward and take me hard. But he didn't. Instead he slide in gently while his lips rained soft kisses on my neck. I hardly felt the twinge of pain because at that moment my entirety were consumed by the completeness that I feel.

I didn't know that you can feel everything in just a second but at that time I can. It felt right...like I was meant to be his. Like I was found.

Warm tears ran down the side of my eyes that I hope he didn't see. But he did and he wiped it away. It didn't stop because when I opened my eyes I saw his own wet from unshed tears. That's when I know that I'm not the only one that found my a place because he also found his.

He held my eyes as he continued moving. Giving me more pleasure, more heat that I'm surprise we weren't charred down to the bones. Inside this flame we were unchanging, immortal from the touch of reality. Molten into liquid, chained to be intertwined as one.

Naramdaman ko ang marahan niyang paghila sa akin sa ibabaw niya habang nananatiling magkakonekta. With him sitting while I'm on top, it was like he's reaching a deeper part of me that I didn't thought would be possible. My back arched when I felt him move beneath me, his hands splayed on my hips, guiding me to move up and down his length.

"Look at me, baby." he whispered.

I fought hard to open my eyes despite the cloud of pleasure drowning me. I moved my body in time with his rhythm, each movement sending me closer to the brink. "I-I want you."

A gasp escape my lips when I receive thrust after thrust. His other hand snaked behind my back to pulled me closer while the other reached for mine that is holding on tight to him. He laced his fingers with mine, not letting go...that's when he whispered. "You have me."

I threw my head back and cried his name while he buried his face on my neck and groaned out mine. My body gave out, no longer having strength, but he didn't mind. Niyakap niya ako ng mahigpit palapit sa kaniya na para bang hindi pa sapat ang lapit namin sa isa't isa. Naramdaman kong umangat ang kamay niya at marahang hinaplos ang buhok ko habang ang labi niya ay dumampi sa tuktok ng ulo ko.

Sumandal ako sa balikat niya dahilan para magawi ang mga mata ko sa bintana. I can see faintly the outline of our bodies, just barely, because the sun is blasting its magnificent rays right at us. I didn't mind. I don't need to see because I know what we look like. Like we belong in each others arms. Kahit na hindi ko kayang sabihin iyon ng malakas.

"I wish I can wake up every morning knowing you'll be here with me."

I closed my eyes tightly when I heard his words. Dahil alam ko na may nakatago sa mga salitang binitawan niya.

Every morning that he has left.

Mga salitang hindi namin matatakasan parehas. Katotohanan na alam kong siyang dahilan kung bakit gusto niyang pigilan ang kung ano ang meron sa amin. Because every glance, every touch, and every kiss are bound to its limit. And when that time comes, I will lose all of this. When the times comes he reach the cadence of his melody...

I would lose him.

"You can." Bahagya akong lumayo para magawa niyang makita ang mukha ko. Ang mga mata ko...na kinukubli ang takot at tinatakpan lang ng kung anong kailangan niyang makita. "Haven't you heard? With no labels, we can make our own rules."

I can pretend.

I can pretend that I'm not scared. I can pretend that what we have is enough. I can pretend that I won't wish for more.

While he pretend to believe me.



_____________________End of Chapter 27.

Continue Reading

You'll Also Like

14.7M 326K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
1.7K 170 22
Selena Villanueva, the woman who is just looking for love with someone she is gradually falling in love with. She became even more miserable when she...
4.3M 121K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
4.6M 95.4K 33
I'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Triton Lawrence, ang nag-iisang tao na may...