PEP2:The Dark-Eyed Prince (Co...

By Ms_Teria

5.5M 196K 51.3K

Is he as dark as his eyes? More

TEASER
Chapter 1 "Miss Me?"
Chapter 2 "Riot"
Chapter 3 "Transferees"
Chapter 4 "Deal"
Chapter 5 "The War"
Chapter 6 "Red in Fire"
Chapter 7 "New Almante"
Chapter 8 "A Day with Pscho"
Chapter 9 "Her Bad Side"
Chapter 10 "The Mission"
Chapter 11 "Dark and Light"
Chapter 12 "Hall Monitor (part 1)"
Chapter 13 "Hall Monitor (part 2)"
Chapter 14 "Reunion"
Chapter 15 "The Cursed Duty"
Chapter 16 "Alyana"
Chapter 17 "Trapped"
Chapter 18 "Siblings"
Chapter 19 "Resign"
Chapter 20 "Birthday Plan"
Chapter 21 "Cortez"
Chapter 22 "Rejection"
Chapter 23 "Cold"
Chapter 24 "At The Party"
Chapter 25 "Flashback"
Chapter 26 "Be Mine"
Chapter 27 "Officially Yours"
Chapter 28 "Closer"
Chapter 29 "L Couple"
Chapter 30 "Secrets"
Chapter 31 "Test Paper"
Chapter 32 "Lovers Quarrel"
Chapter 33 "Kidnapped"
Chapter 34 "Betrayal"
Chapter 35 "Malison"
Chapter 36 "Blackmailed"
Chapter 37 "Epic Day"
Chapter 38 "Kurt Says"
Chapter 39 "Remembrance"
Chapter 40 "Young Servantes"
Chapter 41 "Disperse"
Chapter 42 "Purple"
Chapter 43 "Gunshot"
Chapter 44 "Escapee's Partner"
Chapter 45 "Tracking Device"
Chapter 46 "Target's Location"
Chapter 47 "Target's Location (part 2)"
Chapter 48 "Unexpected Reunion"
Chapter 49 "Requested Gift"
Chapter 50 "Rival Revealed"
Chapter 51 "Sweet Talks"
Chapter 52 "Waking the Prince"
Chapter 53 "Dark vs. Purple"
Chapter 54 "Last Chapter"
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER 1: "Proposal"

SPECIAL CHAPTER 2: "Family Dinner"

46.8K 1.6K 812
By Ms_Teria

Book cover ahead! Thank you sa mga gumagawa ng book covers, mga lodi. This one was made by MissPusangItim

Happy Valentine's Day part 2!

- Mac

*****

Liryu's POV

Napapalunok ako sa tensyon habang parang mabait na batang nakaupo sa harap ng mga magulang ni Saisumi. Hindi ko na nga makontrol ang galaw ng katawan ko kaya every 5 minutes yata, automatic akong nagpupunas ng pawis sa noo at leeg.

Pabilog ang malaking lamesang inuupuan namin. Katabi ko si Sai, katabi naman n'ya si Shunrei at katabi ni Shunrei ang mga magulang nila. Syempre, nakagitna sa mga magulang nila si Nevin na nakaupo sa baby chair.

Sa kanan ko naman, katabi ko si Lyra at katabi naman n'ya sa kabila si Mom at Dad tapos ay may dalawang upuang bakante.

Napalunok ulit ako lalo na no'ng dumating na ang inorder naming pagkain at nabasag ang nakakabinging katahimikan sa loob ng VIP room na 'to.

Habang nilalapag ng mga nagse-serve ang mga pagkain, hindi ko maiwasang mas kabahan dahil sa mga ngiti ni Tita Yumiko sa 'kin. D-dapat ba akong ngumiti pabalik o..

"Kyaaah.. Ommo.. Ommo.. Omahgudnes.." walang humpay na pabulong na pagfa-fangirling ni Lyra habang patagong pinipicture-an si Shunrei.

Tss. Ano bang nagustuhan n'ya sa lalaking 'yan? Magaling kumanta? Magaling sumayaw? Mukhang babae? Hah. Baka nga kaya malapit ang loob sa kan'ya ng mga babae kasi isa rin s'ya sa kanila.

Bigla akong hinampas ni Sai sa bandang t'yan gamit ang likod ng kamay n'ya habang diretso ang tingin n'ya sa mga magulang n'ya. Muntik na akong mapaubo dahil do'n.

Tinignan ko s'ya ng nagtataka. Tinignan naman n'ya ako ng walang kabuhay-buhay. Pero alam ko kung anong meaning ng tingin na 'yon.

'I know what you're thinking, psycho.'

Damn! Superhuman ba s'ya?! Am I getting married with a mind reader?!

"So.. Liryu?" biglang tawag ni Tita Yumiko sa atensyon ko. Napaupo agad ako ng maayos sa sobrang kaba at gulat. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan eh ilang beses ko nang na-meet ang magulang n'ya bago ang family dinner na 'to.

"Alam mo, ang gwapo mo talagang bata. Hihihi."

Napakurap ako ng ilang beses no'ng humagikgik si Tita. Tuwing nagkikita kami sa bahay nila Sai noon, palagi silang nagmamadaling umalis kaya hindi kami nagkakausap.

"T-thank you po-"

Bigla na naman akong hinampas ni Sai sa bandang t'yan kaya medyo napayuko ako at napahawak do'n. Tinignan ko ulit si Sai. Pinanlakihan ko s'ya ng mata! Nakakadalawa na s'ya!

Tinignan naman n'ya ulit ako. Tingin ko, ang meaning ng tingin na 'yon ay,

''Wag kang masyadong magpa-cute.'

Ooh.. Sai, ha? 'Wag mo akong pagnasaan dito. Madali akong bumigay.

"May problema ba, Liryu?"

Sa pangalawang pagkakataon, napaupo na naman ako ng maayos no'ng tanungin ako ni Tita. Umiling ako ng ilang beses.

"Wala po-"

"May problema 'yan, Mom. Sa utak," sabat bigla ni Shunrei sa usapan. Ngumiti lang ako dahil nakatingin sa 'kin 'yong tatay ni Sai. Kung kaya ko lang ngayon, Shunrei, kanina pa sumubsob 'yang mukha mo sa soup na kinakain mo.

"Tumigil ka nga, Shun! Nakakahiya kila kumare 'yang ugali mo," saway ni Tita sa kan'ya na tinignan pa ang mga magulang ko.

"No, Tita. That's sooo fine. Tama naman si Shunrei. Hihihi," singit ni Lyra. Tinapakan ko nga sa paa nang pasimple.

"Ahh! Mommy, oh! My ghad, tinapakan ni Kuya 'yong Gucci ko!"

"Sorry, Lyra. Hindi ko napansin na nando'n 'yong sapatos mo," worried pang kunwari na sabi ko sa walangya kong kapatid. Kailangan kong um-acting na perfect brother ako.

"Aww. Sana gan'yan din kabait 'tong si Shun. Ang sarap sigurong magkaroon ng anak na tulad ni Liryu, 'no Lyka?" sabi ni Tita Yumiko.

Fudge, gumana!

At isang hampas na naman galing kay Sai ang natanggap ko. Lintik na-bakit walang nakakapansing kanina n'ya pa ako hinahampas?!

"Hindi 'yan ang anak ko, Yumiko. 'Wag kang magpapalinlang," sabi naman ni Mom.

Mom, madami akong alam na sikreto mo. Hindi mo ako gugustuhing kalabanin.

"Sa bahay, daig pa n'yan ang babae kung magsungit." -Dad

Sasabihin ko na ba kay Mom na sumama ka sa isang boys night out, Dad?

"Honto nii? Waaah. Pero mukhang sobra n'ya talagang bait. Look, even Nevin likes him."

At tinignan pa ni Tita Yumiko si Nevin na nakatingin sa 'kin at ngumingiti. Alam n'yo, una pa lang, alam ko nang boto sa 'kin si Nevin.

"Mom, lahat naman yata ng klase ng tao, gusto n'yo ni Nevin." -Shunrei

"Hindi ah! Ayaw kaya namin kay Gollum!"

"Hindi totoo si Gollum, Mom." Sumulyap sa 'kin si Shunrei. "O baka totoo nga-"

Nakarinig kami ng malakas na tunog na parang may biglang tumama sa ilalim ng lamesa. Pagkatapos no'n, napadukmo sa lamesa si Shunrei. No'ng nag-angat s'ya ng tingin, matalas na tingin agad ang binigay n'ya kay Sai.

Hahaha! Ano ka ngayon? Walang exemption pagdating kay Sai. Masakit 'yong hampas n'ya, 'no? Buti nga!

Nakita kong hahampasin na naman ako ni Sai kaya hinawakan ko agad 'yong kamay n'ya. In-intertwine ko pa nga ang mga daliri namin sabay ngiti sa kan'ya ng sobrang tamis.

Babe, tama na ang tatlo. Umaabuso ka na.

"Ano 'yon?" usisa naman ni Tita Yumiko. Sumilip pa nga s'ya sa ilalim ng lamesa. "Shun, masakit 'yong tuhod mo?"

Alanganin namang ngumiti si Shunrei bago sinabing, "I'm too clumsy nowadays."

"Oh no, do you want me to help you go to the clinic? I'll carry you! Malakas ako!" sabi pa ni Lyra. Wow, kapatid. Ibang klase ka palang chumancing.

"O-okay lang ako, salamat." -Shunrei

Biglang umubo ng mahina si Dad at binaba ang hawak n'yang kutsara. "Bakit hindi na lang natin pag-usapan ang kasal?"

"Good idea, Tito. Sinong tutol?" tanong agad ni Shunrei bago s'ya nagtaas ng kamay. Humagikgik naman si Lyra at nagtaas din ng kamay. Sa pagkakataong 'to, hindi ko ulit sinasadyang matapakan ang 'Gucci' n'ya.

"Aray- Mooom! Si Kuya, oh!"

Pinandilatan naman s'ya ng mata ni Mom na parang binabantaan. Palihim akong tumawa. Si Sai naman na killjoy, hinigpitan ang hawak sa kamay ko na tipong mababali na ang mga buto no'n kaya napapangiwi ako.

Teka, seryoso na 'to! Masakit!

"Baby V, kanina ka pa tahimik. Tignan mo 'tong kakambal mo, napaka-mean."

"It's fine if he's against the idea, Mom. Just let us be married. We don't need to invite Shun."

I heard a loud gasp from Shunrei.

"H-how dare you?!" offended na sigaw ni Shunrei. "23 years tayong magkasama tapos ipagpapalit mo ako sa lalaking nakilala mo lang 6 years ago?!"

As expected, tinignan s'ya ni Sai ng walang kabuhay-buhay.

"The best 6 years of my life."

Parang bigla atang uminit ang mukha at tenga ko dahil sa sinabi ni Sai. Napatakip na lang ako ng isang kamay sa bibig at napaiwas ng tingin no'ng sumigaw si Tita Yumiko. Inuntog naman ni Shunrei ang noo n'ya sa lamesa.

"Kyaaah! Kilig ako, honeybunch! Gan'yang-gan'yan 'yong mga linyahan mo dati!" tili ni Tita.

Napahawak sa noo si Tito at napayuko na parang gusto n'ya na lang maglaho bigla sa harap namin. Pinigilan kong mapatawa do'n sa 'honeybunch'.

Narinig ko namang tumawa si Mom. "Hay naku, Yumiko. Buti ka pa. Itong asawa ko, wala. Torpe. Kung hindi ko pa sapilitang niyayang makipag-date, wala sanang Liryu at Lyra ngayon."

"Ang sabihin mo, patay na patay ka lang talaga sa 'kin," sagot ni Dad.

"Kung patayin kita ngayon?" si Mom.

"See? Hinabol-habol mo ako no'n kasi wala nang lalaking nagkakagusto sa 'yo dahil d'yan sa katapangan mo."

Ngayon, ako naman ang gustong mawala sa inuupuan ko. Kailangan ba talaga nilang dalhin hanggang dito 'yang mga gan'yang usapan nila? Dapat iniwan na lang nila 'yan sa bahay pati na 'tong si Lyra.

"Kawaii," nagniningning ang mga matang sabi ni Tita habang nakatingin sa mga magulang ko. Sabi ni Sai, special daw si Tita Yumiko. Hindi ko naintindihan no'ng umpisa 'yon. Ngayon, kuhang-kuha ko na.

"When will be the wedding day?" tanong ni Tito para maiba ang usapan. Alam mo, Tito, magkakasundo talaga tayo, pramis.

Sasagot pa lang kami no'ng nag-hysterical na si Shunrei. "There will be no wedding day, Dad! Ipamigay n'yo na sa iba si Mom pero hindi si Hime!"

"Aba, bastos 'tong batang 'to. Gusto mong ako ang ikasal sa fiancé ng kapatid mo?!"

"Mom, please. Don't ever say that 'f' word again. Kumukulo ang dugo ko. At isa pa, bakit hindi? Madami kayong similarities. Baka kayo talaga 'yong meant to be."

"Cupcake, oh!" parang batang sumbong ni Tita kay Tito. Muntik nabakong mabulunan sa 'cupcake'. Para palang si Ken ang mommy ni Sai. Sumobra sa sweets.

Umiling si Tito ng mahina. "Shunrei, tigilan mo na 'yang pang-aapi sa nanay mo. Saka bakit ba ang dami mong issue?"

"Una sa lahat, Dad, Hime is just 23. Come on. Nagmamadali ba kayo?" Naglipat s'ya ng tingin kay Sai. "'Di ba, ang usapan natin, magpapakasal ka kapag 40 ka na? 'Di ba?"

Forty?! Eh, hindi pala ako ang psychopath dito!

"Magpapakasal na lang ulit kami sa 40th birthday ko," malamig na sagot ni Sai.

Aaw. She really loves me, I want to marry her now.

Sa isang iglap, naging seryoso ang mukha ni Shunrei. "Ginayuma ka ba nito?" Tinuro n'ya ako. "May binigay ba s'ya sa 'yong kahina-hinala o may pinainom ba s'ya sa 'yong kakaiba ang lasa?"

"Bakit alam mo kung pa'no manggayuma?" taas ang dalawang kilay na tanong ko sa kan'ya pabalik. Kahina-hinala talaga 'tong isang 'to.

"Minsan na n'yang sinubukan sa 'kin," sagot ni Sai. Nanlaki ang mga mata ko. Sinong sira-ulo ang gagayuma sa sarili n'yang kapatid?! Si Shunrei lang 'yon!

"H-hindi ah!" pagdepensa ni Shunrei sa sarili n'ya. Bro, I'm telling you! Sobrang lala na ng sister's complex mo!

"You stuttered," si Sai.

"Hin-" Huminto saglit si Shunrei dahil sa tingin ni Sai sabay sabi ng, "Fine!"

Nag-gasp si Tita Yumiko. "Oh my, Shun! How dare you do that?! Baka sa susunod, ako naman ang gayumahin mo! Scary!"

"'Wag ka ngang feeling, Mom. Sinubukan ko lang kung gumagana talaga 'yon, okay?!"

"Ow! Ow! Sa 'kin mo naman itry sa susunod, Shunrei! Free ako anytime!" -Lyra

"Lyra Marcus, behave," pagbabanta ni Mom. Sinundan n'ya 'yon ng bulong na, "Magpakipot ka ng konti. Gusto 'yon ng mga lalaki."

Wow, Momster. You're doing a great job raising a feminine, demure and conservative lady.

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung saan pa mapupunta ang usapan na 'to. Magkakaintindihan pa ba kami? Makakapag-decide pa ba kami para sa wedding preparations? Mahahanap pa ba ni Shunrei ang katinuan n'ya? Hindi ko na alam.

Basta ang sigurado ko lang, I'll be married with the woman I love soon.

Bro, I know this dinner is in chaos right now but I'm still smiling wholeheartedly. Hinalikan ko ang likod ng kamay ni Saisumi na hawak ko saka s'ya tinignan. Nakatingin din s'ya sa 'kin.

Lumapit s'ya sa tenga ko at bumulong ng, "Handsome."

Natawa ako. Fudge, this woman. Ang baklang pakinggan pero kayang-kaya n'ya akong pakiligin kahit sa isang salita lang. Iniimagine ko pa lang na matapos ang ilang buwan, makakasama ko na s'ya sa bahay, s'ya na ang bubungad sa 'kin kapag nagising ako at araw-araw ko nang maririnig ang mga banat n'yang 'yan, mangingisay na ata ako sa tuwa.

Hime Saisumi soon-to-be Marcus, wala nang atrasan, ha? Forever na 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

19.5K 323 11
Lauren of White Castle Sabrina Winter, The Ice and Water manipulator from the mortal world who doesn't know that White Academy exist. Isang paaralan...
232 105 17
Adele Dios Lamboloto is a successful registered author and most decorated YouTuber and Streamer during his prime, also an investor and businessman. A...
254K 9.9K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
283 83 10
Is it possible to love someone in the dark? Is it worth to take the risk of being in love with someone you don't know anything about? Heather is an o...