A Promise

By ccikito

42.2K 589 28

"A promise. If it's not fulfilled... then it is not a promise." 'The words kept popping in Hailey's head over... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 32

783 13 1
By ccikito


Unti-unting nag lakbay ang kamay ko papunta sa aking bibig. Para akong na-estatwa sa mga oras na 'to. Hindi ko alam... hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pinipigilan kong marinig nila yung bawat hikbi ko. Itinatago ko ang pag iyak ko habang kaya ko, dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na mag tagpo ang mga mata namin.

Bakit?

Ang saya... ang saya nila, nag hihiyawan habang sina Ricci at Elise ay nag hahalikan. Sobrang sakit, ang sakit sakit. Pero bakit? Bakit hanggang ngayon ay hindi ko paring magawang iwanan sila. Hindi ko rin maatim na tanungin at kwentyunin sila sa utak ko.

Paano nila nagagawa 'yun? 'Yung makita at suportahan yung kaibigan nila na makipag halikan sa ibang babae? Hindi ba nila naisip na may kasintahang tao yung kaibigan nila? Paano nila nagagawa 'yun? Bakit?

Naging kaibigan din naman nila ako, diba?

Nararamadaman ko ang unti-unting pagkawasak ng puso ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ko pa nakakayanang tignan silang dalawa. Hindi ko alam kung paano pa kinakaya ng sistema ko na tanggapin lahat ng nangyayari at nakikita ko ngayon.

Unti-unti akong winawasak ni Ricci. Hindi ko maiwasan na mapaisip at  maitanong sa sarili kung hindi ba ako naging sapat. Hindi sapat sa lahat ng aspetong puwede mong mabanggit. Hindi ko alam kung bakit nagawa niya sakin 'to. Akala ko all this time, ako lang. Na... ako lang yung mahal niya. Kasi, diba?

He made a promise.

Nung natapos na silang mag halikan, kasabay nito ang pag pahid ko sa mga luha ko. Tama na, Hailey... you don't deserve this. Sa hindi ko masabing dahilan ay biglang napadako ang tingin sakin ni Ricci. Nang mag tama ang mga tingin namin, wala akong ibang naramdaman kundi galit. Nagagalit ako, nagagalit ako sa sarili ko. Bakit? Dahil hinayaan ko siya na gawin sa akin ito. Bakas sa mukha niya ang pag kagulat. Napatawa ako ng mahina, Gulat? Wala kang karapatan na magulat dahil sa mga pinag gagagawa mo ngayon.

Hindi na ako nag aksaya ng panahon at agad na tumakbo papalayo sa kanila. Dapat kasi ay kanina ko pa ito ginawa. Nahihirapan akong makadaan palabas dahil sa mga taong nag sasayawan at tila ay mga lasing na rin. Panay ang tulak ko sa mga tao sabay sabi ng pasensya na sa bawat katawan na aking mababangga.

Naririnig at nararamdaman ko ang pag tawag ni Ricci sa pangalan ko at pati na rin ang pag habol nito sakin. Hindi ko kayang harapin siya ngayon eh. Sobrang sira na ako, hindi ko na alam kung kilala ko pa ba ang sarili ko.

Nang makalabas ako ay agad akong nag hanap ng taxi. Shit! Bakit naman walang taxi ngayon? Bakit ngayon pa? Bakit ba ganito? Ayoko na, tadhana! Parang awa mo na! Quota na ako sa araw na 'to! Sagad na sagad na... please naman oh.

Wala akong ibang nagawa kundi ang tumakbo nalang ako papalayo. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay makaalis dito. Ayoko siyang harapin. Dahil baka kung ano ang magawa ko sa kanya. Hindi ko na kaya.

Pero nung akala kong nakalayo na ako, naramdaman kong may isang malakas na pwersa at humila sa braso ko dahilan para mapatigil ako at mapaharap sa direksyon na iyon.

Pag lingon ko,

Oh, It's him.

The cheater.

"B-bub... Listen to me first, okay? Please, please listen to me. I'm begging you," he said while pleading and holding both my shoulders. I smirked to him.

"Why would I, Ricci? Huh? Oh, no... D-do I need to? Because as far as I'm concern, I've seen enough," I said to him. Umiyak na ako ng umiiyak sa harap niya. 'Yan. Tingnan mo ako Ricci. Tingnan mo kung ano ang ginawa ko sakin. Tignan mo ako!

"Y-yes! Y-you need to listen okay? Everything was just a pure misunderstanding," he said while crying. Oh, totoo ba 'yang iyak na yan? O paawa lang?

Dumapo ang kamay ko sa pisngi niya. Oo, sinampal ko siya.

"Wag kang umiyak, Ricci. Wala kang karapatan." Ani ko habang punong puno ng galit sa kanya. "'Yang bawat luhang pumapatak mula sa mga mata mo, hindi ko na 'yan pinaniniwalaan. Why? Because I am so fed up with your lies."

"Ricci... kulang pa ba? Saan ba? S-saan ba ako nag kulang?" I ask to him. Tumingin siya sakin at pulang pula ang buong mukha niya.

"Ricci... may mali ba? May mali ba sa'kin? Sabihin mo naman oh..." Tanong ko ulit sa kanya. He is just waving his head.

"Ricci... do I did something wrong to you? Or something that pushes you to do this to me? Or baka naman may nagawa akong bagay na hindi mo nagustuhan? Baka may mga bagay akong kinilos na hindi ayon sa gusto mo o kung ano man? O baka naman sobra na," I said and he look at me while tears is falling from his eyes.

"Baka naman sobra na yung pag mamahal ko na ibinibigay sayo." Ani ako.

Lumuhod siya at niyayakap ako mula sa tiyan ko.

"Baka kasi na sobrahan yung pag mamahal ko, to the point na na-nag sawa kana." I said without hugging him back.

"Well, siguro nga, may mga taong hindi sapat. At sa kasamaang palad, napasama ako sa mga taong 'yon." I said to him habang pinipilit kong alisin siya sa pag kakayakap niya sakin.

"Ricci. Wala akong ginawa buong buhay ko kundi mahalin ka. Suportahan ka sa mga bagay na mag papasaya sayo. Samahan sa mga bagay na alam kong mag iisa ka at di mo kakayanin. Kasi alam ko na kailangan mo ng isang tao na nandiyan para sa tabi mo. Wala akong ibang ginawa kundi mahalin ka. A-ayokong isumbat sa'yo pero, hindi pa ba sapat?"

"N-no. No bub. You are enough. Don't say that, please. Please, no." He pleaded.

Kinalas ko siya sa katawan ko at pinilit na tumayo.

"Then why!?" I shouted at him. "Putang-na Ricci bakit mo sakin 'to nagawa!? Sapat naman pala e! Sapat naman pala! So, bakit pa? Bakit mo pa 'to ginawa? Ha? Ricci ano! Sumagot ka! Parang awa mo na!" I added habang niyuyugyog siya out of my frustration. I am crying it all. Gusto ko, pag uwi ko. Wala na 'tong mga letseng luha na 'to.

"I-I am wrong bub. I get it. But, please bub. Listen to me. Please, I'm begging you. Please." Pag mamakaawa niya. I shrugged my head.

I saw tita and tito crying with his brothers.

"Ricci... nasasaktan akong makita tayong ganitong dalawa,"

"Wasak. Puno nang pang hihinayang, at higit sa lahat... parehas na nasasaktan." I said to him.

"I think it's the best for us to... to break up." I said. He looked at me unbelievable.

"What! No! I won't allow this! No! That is not gonna happen! It's a no! No one is going to break up here. No!" He shouted at me. Kung kanina ay nag susumamo siya, tila ngayon ay nag bago na. Galit siya habang isinisigaw sa akin ang mga salitang 'yon.

"R-ricci. I-I know you're smart. Alam ko na maiintindihan mo 'to. Ito nalang yung naiisip kong paraan for both of us. Kasi... sa tuwing mag kikita tayo... puro sakit lang ang maaalala natin sa isa't isa. So, kailangan natin ng distansya para makapag isip tungkol sa mga bagay bagay," I am trying to explain it to him.

"A-alam ko na parehas tayong may mali dito. Kasi kung wala, we wouldn't be here in this situation where we had to deal and think of solution like this." Ani ko sa kanya habang pinapakalma siya.

"I said no, diba? Hindi ka ba makaintindi? I said no! No one is leaving! No one is going to break up! Not in ever seconds! Not until I'm living!" He shouted at me. Kuyom ang mga kamao niya.

Maging ako, ayoko Ricci. Pero ano pang magagawa natin? Destiny leaves us with no choice to choose from.

"Before I leave... I just wanna say sorry. For all the things you think I've done wrong. For all the actions na sa tingin mo'y mali. Pasensya,"

"At kung nagalit man ako noon nang walang dahilan, pasensya na. Nasaktan kasi ako nang hindi mo alam."

"I said no! Ayoko! No! You are not gonna do that. I-I won't allow it. You're mine and I am yours, okay? So don't think in that way kasi hindi ako papayag!" Again. He shouted at me.

Pinunasan ko ang mga luha ko at lumapit sa kanya. I cupped his face using my hands and direct it to face me.

"Alam ko na, may tamang panahon para sa ating dalawa mahal. M-mahirap kasing ipilit eh. Baka lumalala lang,"

"Hindi man tayo pwede sa ngayon, s-sana sabay nating mahintay yung panahong pwede na." I said at umalis na sa harap niya.

Sa pag lakad ko palayo sa kanya at pag lapit ko naman sa puwesto nila tita at tito.

Tumigil ako at nag salita.

"Tita, I'm sorry. I'm sorry po." I said to her. She just nodded and I run to the road. Gusto ko nang makaalis dito.

I'm still hearing that Ricci is shouting my name but I know pinipigilan na siya ng papa niya at mga kuya niya.


Mahirap ipilit, mahal eh. Mahirap.

Continue Reading

You'll Also Like

19.2K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
186K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
817K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...