Forbidden Fire - COMPLETED (R...

Par JhasStories

9.8K 292 3

Verlaine promised to do anything for her fiancé and wait for him until he woke up. Yet, everything changed wh... Plus

**✿❀❀✿**
Disclaimer
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
Author's Note
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
Author's Note
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
Author's Note
CHAPTER THIRTY-THREE
Author's Note
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN (PART 1)
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER THIRTY-NINE (Part 2)
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY (Part Two)
Author's Note

CHAPTER THIRTY-SEVEN (PART 2)

147 7 0
Par JhasStories

JAXXON punched the walls in front of him nang bumalik sa kaniyang isipan ang huling sinabi ni Verlaine bago niya ito iwan kagabi na siyang dahilan na hindi niya pagkakaroon ng ayos na tulog.
"Isa pa! Kung buntis man ako o hindi... ako na ang bahala sa sarili ko... Sa tingin mo hahayaan ko ang isang katulad mo na maging ama ng anak ko?"
Nayukom niya ang kaniyang mga kamao. How dares that woman! That was my child for Pete's sake.


"Hey man, bakit mukhang mainit ata ang ulo mo ngayon?" napatingin siya kay Jake na may kasama na namang babae na para bang ahas kung makapulupot.
Kasalukuyan siyang nasa private room ng Club Triple X, isang kilalang club kung saan isa siya sa nagmamay-ari, para makapag-isip at makita ang mga taong hindi na niya mastadong nakikita.
Matapos ang kanilang sagutan ni Verlaine kagabi ay agad na rin siyang umalis sa pamamahay ng mga magulang dahil hindi na rin naman niya maatim na makasama pa ang kaniyang kakambal ang ama sa iisang bubong dahil para siyang masusuka kapag nakikita ang mga mukha ng mga ito. Kung hindi lang sa hiling ng kaniyang ina at sa bagay na nais niyang ikumpirma sa babae ay hindi siya pupunta upang makasama ang dalawang kinamumuhian. Hindi niya lang talaga matanggihan ang ina matapos nang nangyaring pag-atake nito sa puso dahil alam niya siya ang dahilan no'n. Jaxxon can't lose another important person for him.
"Ano pa nga bang bago sa kaibigan nating 'yan? Isang babae lang naman ang dahilan," ani pa ng isang kakarating lang na si Jacob.
"His first love! The one that got away," nakangiseng dugtong ng isa pa nilang kasama na si Kenneth.
Jake, Kenneth and Jacob were his band members and co-owners of Triple X. They are known as Symphonic Lovers during college days until the present time at madalas silang tumutugtog sa club na pagmamay-ari nila. They built their band when they were because of the same interest from that a strong friendship rose among them. They know each other's stories and they experienced a lot of hardship kaya siguro mas lalong tumibay ang kanilang samahan. Madalas na tumambay ang mga ito sa club tuwing umaga dahil solong-solo ng mga ito ang lugar.
Ang totoo niyan ay lima silang magkakaibigan. Ang isa ay kaibigan na niya simula pa noong elementarya pa lamang siya. Sumama ito sa pagpunta niya ng america kaya nakilala din ng iba niyang kaibigan. Until they we're in their last years... bumalik ito ng Pilipinas at recently niya lang ulit nakita.
"What did you do? Again?"
Lahat sila ay napatingin sa lalaking kakapasok lamang sa kanilang hideout. Naka suot ito ng isang office grey suit, dark gray necktie habang nakapamulsa.
"Nathan Lee, the scumbag. Mabuti naman at naisipan mong dumalaw sa mga kaibigan mo," may pang-aasar na saad ni Jake dito.
Binato naman ni Kenneth ang isang san mig can na agad naman nitong nasalo. Binuksan ito ni Nathan saka lumagok ng ilang alak bago muling tumingin sa kaniya.
"So, what did you do to your love this time?" nakataas ang kilay na tanong nito.
Nagkibit balikat lamang si Jaxxon bilang sagot kapagkuwan ay nagtungo sa veranda ng club na tanging ang kwarto lang nila ang meron. Napatingin siya sa kaniyang gilid ng dumampi roon ang isang malamig na bagay. Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa nagmamay-ari ng kamay na nakahawak sa bote ng beer. Kinuha niya iyon kapagkuwan ay binuksan at diretsang ininom.
"Are you really doing this to avenge your brother, or was it because you again fell in love with that girl?"
Napatigil siya sa pag-inom sa sinabi ng kaibigan. Hindi siya nakasagot dahilan upang mapatawa ang lalaking kaibigan.
"We've been friends for years. You won't be able to hide something from me. From the moment I saw your eyes flare at me when you saw me and Verlaine together for the first time in Retribution Dock, I knew it already."
"I never thought you would actually do this kind of thing," hindi makapaniwalang saad ng nni Nathan. Hindi siya sumagot at ipinagpatuloy lang ang pag-inom ng hawak na alak.
"Imagine killing that bastard to get his wom—" hindi na naituloy ni Nathan ang nais sabihin dahil bigla na lamang siyang hinawakan ni Jaxxon sa kwelyo kasabay ang tunog ng nabasag na bote.
"Hey! Anong nangayari dito?" alalang tanong ni Jake habang nasa likuran nito sila Jacob at Kenneth.
"Kahit ano pang sabihin mo. She is still not yours. Kaya nga ginawa mo ang plano mo na patayin ang kapatid mo para masolo siya? Yet you should have known. Hindi ka kailanman magtatagumpay kung idadaan mo sa masama at maling paraan. Hindi 'yon hahayaan ng mas makapangyarihan sayo. Sana h'wag mong kalimutan."
Inialis ni Nathan ang pagkakahawak sa kanya ng matalik na kaibigan saka inayos ang nagusot na damit. "Hindi mo makukuha ang babaeng 'yon sa maling paraan. She might end up despising you instead of loving you. Kakayanin mo kaya, Jaxxon?"
Tila natauhan naman si Jaxxon sa sinabi ng kaibigan. "Kahit kailan walang maidudulot na maganda ang paghihiganti."
Muling nagbalik sa kaniya sinabi ng babae. Nayukom niya ang kaniyang mga kamay. Nathan's right. She hates him pero alam niya at nararamdaman niya na mahal siya ng babae. Hindi niya isusuko ang bagay na 'yon. Hindi niya susukuan ang kaunting pag-asa na nararamdaman niya ngayon pa na may alas na siya. Ang magiging anak nilang dalawa ni Verlaine. He remembers what he felt when that moron revealed to him the day that he met him. What his name again? A- Aizen? Right, that very weird/observant/noisy friend of Verlaine.


Kasalukuyan siyang papasok sa Club Triple X when someone approach my way. "I have something to ask you," saad nito nap uno ng awtoridad. Nakita niya rito ang determinasyon sa mga mata nito. "May gusto ka kay Verlaine."


Wala siyang nahimigan na pagtatanong sa boses ng lalaki. He said it in a fact tone. Hinarap niya ang lalaki.

"Why are you asking me that?" he asked in a cold voice. "You are just wasting my time," dagdag niya. Akma na sana siyang aalis at iiwan ang lalaki ng may inilapag ito malapit sa kaniya.


Ibinaling nya ang tingin dito. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay ng makitang isang pregnancy test na may dalawang guhit ang hawak nito. "This will not waste your time. I found it in the comfort room that Verlaine used," saad nito na lalong nakapagpakunot ng noo ni Jaxxon.


"She never told it to your brother kaya nagkahinala ako. Do you have an affair with her?" seryosong anito.


Kinuha niya ang pregnancy test at nagsimulang tumibok ang kaniyang puso habang nakatingin doon. Parang may kung anong bumalot sa kaniyang puso. Totoo kaya ang sinabi ng lalaking ito? O niloloko lang siya nito? Pero kung totoo nga na magkakaanak siya kay Verlaine. It would be great. Napangiti siya.


"I'm asking you! Do you have an affair with my friend dahil imposible naman na ang dinadala niya ay sa boyfriend niya! Base sa pagiging agrisibo mo nung nakita mo akong kasama siya alam ko na may kinalaman ka rito!" seryosong ani ng lalaki. "Kaya kita tinatanong kung may nararamdaman ka kay Verlaine. Ano na ang gagawin mo ngayon?"


"She's pregnant and I wouldn't give her up," and even she's not... he won't still ever give her up.
"What did you say? Buntis si Verlaine?" saad ni Nathan habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. "Si-sinong ama?" dagdag na tanong nito. Hindi sumagot si Jaxxon sa tanong ng kaibigan bagkus ay binigyan niya lang ito ng isang tipig na ngiti. "H-huwag mong sabihing i-ikaw?"
"My plan B worked," he said while smirking.
Napasinghap ang lahat ng biglang tumama sa kaniyang mukha ang kamao ni Nathan. "You punk! Ano bang tingin mo kay Verlaine? Isang laruan? You impregnated her to take revenge? Dahil hindi gumana ang orihinal na plan mo? Hindi mo man lang inisip ang magiging damdamin niya!" sigaw ng lalaki.
Puno ng galit ang mga mata nito samantalang nakatingin sa kaniya. "Babae pa rin si Verlaine, Jaxxon! Ang babae minamahal hindi pinaglalaruan! At paano ang bata? Pati siya idadamay mo sa galit mo sa pamilya mo?"
"Makakayanan mo bang gamitin ang sarili mong anak? Ang inosenteng bata isasali niyo sa gulo niyo? Alam mo namang ikakasal na siya sa kapatid mo and a baby on her belly will be a hindrance. Sana lang hindi magback-fire sa'yo ang mga ginagawa mo man. Sana lang hindi maisipan ni Verlaine na alisin ang inosenteng bata sa sinapupunan niya."
Pakiramdam ni Jaxxon ay nanlamig ang kaniyang buong katawan.

"Isa pa kung kung buntis man ako o hindi ay ako na ang bahala sa sarili ko.Sa tingin mo hahayaan ko ang isang katulad mo na maging ama ng anak ko?"


She hated him. She also didn't tell it to his brother. Paano kung tama si Nathan? Paano kung maisipan nitong ipa-abort ang bata? Ramdam niya ang galit nito sa kaniya. Isang malaking hadlang nga lang ang magiging anak nila sa babae dahil ilang araw mula ngayon ay uumbok at mahahalata na rin 'yon. Paano kung patayin ng babae ang anak ko?
"Hindi!" He clenches his fist. Hindi niya mapapayagan na may mangyari sa anak niya! Kailangan niyang makausap ang babae sa lalong madaling panahon. Agad siyang pumasok sa loob ng silid kapagkuwan ay kinuha ang kaniyang mga gamit bago tuluyang umalis sa lugar. He must talk to Verlaine. Hindi ko hahayaan na masaktan ka anak ko!
"What happen to him?"
Napatingin si Nathan kay Jacob na siyang nagtanong. Nagkibit balikat siya saka binigyan ng isang malaking ngiti ang kaibigan. "I just knock him off to his senses though nagulat ako dahil magiging tatay na ang kabigan na 'tin. I just hope his unborn baby will make him change and forget about the past."
"But you think that whoever the girl is will do that to her child?" Kenneth asked with concern in his eyes.
"No! Verlaine is not that kind of person."
"Men, I just wish matapos na ang drama ng ating kaibigan. He deserves to be happy after all those he went through," ani naman ni Jake.
Nathan looks at the sky with a silent prayer. "Universe please let my friend be happy and cleanse his heart." PALABAS si Verlaine sa café kung saan siya bumili pagkain na gusto niyang kainin. Ilang araw na rin siyang naglalaway para sa pagkain na 'yon. Pauwi na siya galing sa kaniyang opisina nang huminto ang isang pamilyar na kotse ang huminto sa kaniyang harapan. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang makita niya si Jaxxon na bumaba ng sasakyan.
"Ja—"
Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang mabilis na lumapit ang binata sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay sabay hila sa kaniya patungo sa loob ng sasakyan. Aangal na sana siya nang makita niya ang mga mata ng lalaki nang tapunan siya nito ng tingin. Puno ng emosyon ang mga ito. Lungkot at pagmamakaawa.
"Just for today please come with me."


Matapos na marinig niya na sinabi 'yon ng binata ay para siyang isang robot na sumunod lamang dito. Nawala na sa isip niya na nagkasagutan silang dalawa ng nakaraang gabi. With comes to Jaxxon it felt like her body is moving on his will. May kung ano sa kaniyang loob na malayang sumusunod sa anumang iutos ng lalaki. Isa pa ay amoy na amoy niya ang alak na lumalabas sa katawan nito. Saan ba niya ako dadalhin at bakit amoy alak siya?


Akmang tatanungin na sana niya ang lalaki nang magsalita ito.


"Nakapagpa-check up ka na ba tungkol sa kalagayan mo?"


Natigilan si Verlaine sa tinanong ng binata saka alanganing tumingin sa lalaking nasa likuran nito na masamang nakatingin sa kanilang dalawa. "H-hindi p-pa," nakatungo aniya. Halos lumukso ang kaniyang puso nang marinig niya ang paghampas nito sa manibela.


"Nag-iisip ka ba? Bakit hindi ka nagpapatingin sa doctor para matingnan ang lagay mo? Paano kung may mangyari sa anak na 'tin?" puno ng diin at hinanakit na ani ng lalaki sa kaniya. Galit na galit ito base iyon sa mga ugat na nakikita mula sa gwapo nitong mukha.
Hindi nakasagot si Verlaine sa mga sinabi ng lalaki dahil na rin sa labis na pagkagulat. Hindi pa rin niya naiintindihan kung saan ba sila pupunta ng lalaki.
"I'm sorry I shouted at you. I just thought na dahil sa galit mo sa akin ay baka may gawin kang masama sa anak na 'tin na baka saktan mo siya dahil sa pagkamuhi mo." malumanay na paliwanag ni Jaxxon sa kaniya ngunit naroon pa rin ang pag-aalala. Why do I felt my heart flipped just as he pertains the unborn baby in her womb... their child.
Verlaine shake her head. "Paano ko naman magagawa iyon sa sarili kong anak? Sinong magulang ang nanaisin na saktan ang anak niya? Kahit naman sobrang gulo ang sitwasyon natin ngayon. Still inosente pa rin ang bata at wala siyang kinalaman kaya makakaasa ka na aalagaan ko siya."
Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa matapos niyang sumagot sa paratang nito. Mataman lang na nakatingin sa kaniya ang binata. Sari-sari ang mga emosyong nakikita niya sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. There was tenderness... worry... longingness a-and l-love... How would such emotion be in his eyes while he was staring at her. Would that be really love?
Those eyes... they are beautiful. Pinagmasdan niya rin ang gwapong mukha ng binata. Namamangha siya na habang tumatagal ang pagtitig niya sa binata ay nawawala na ang resemblance ni Clayton mula dito... parang hindi na nito kamukha ang kakambal. Napasinghap si Verlaine nang maramdaman niya ang paghawak ng lalaki sa kaniyang tiyan.
"Be still little treasure. I know nagugutom ka na kaya ibibili ka ni dada ng pagkain," anito saka tumingin sa kaniya taglay pa rin ang isang ngiti kapagkuwan ay bumalik na sa driver's seat at isinuot ang seatbelt. Nagsimula na itong paandarin ang sasakyan.
Verlaine's heartbeat became fast again. para na itong lalabas sa kaniyang dibdib. Tiningnan niya ang binatang nasa tabi. Naninibago siya sa ikinikilos ni Jaxxon... It was a weird feeling na biglang ang akala niyang taong bato ay ang dami ng inilalabas na emosyon ngayon.
"Saan mo dinala ang tunay na Jaxxon?" seryosong saad ni Verlaine bago pa niya napigilan ang kaniyang sarili. Gulat siyang binalingan ng tingin ng binata saka natatawang ibbinalik ang tingin sa kalsada. "Ano bang sinasabi mo riyan?"
Ibinaling ni Verlaine ang mga mata sa labas ng bintana. "It's not the usual you," marahan niyang ani.
"And what is the usual me. May I ask?"
"Hmm... masungit ka... walang emosyon... laging nakakunot ang noo. Mga gano'n," sagot naman niya.
Muli siyang napaigtad siya ng maramdaman ang paglapat ng kamay nito sa kaniyang mga kamay saka pinagsiklop. "Iyon pala ang tingin mo sa akin. I'm sorry about that hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ganito ang pakiramdam ko. I felt happy... ganito pala ang pakiramdam ng magiging tatay. It was a cloud nine feeling."
"Paano ka naman nakakasigurado na anak mo nga itong dinadala ko?" basag ni Verlaine sa kasiyahan ng binata kahit na ang marinig itong tinatanggap ang batang nasa sinapupunan niya ay nagdudulot sa kaniya ng kakaibang pakiramdam. Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa pagitan nilang dalawa bago ito nagsalita muli.
"I know na sa akin ang batang 'yan Verlaine. Alam mo sa sarili mo na ako lang ang hinayaan mong umangkin sa'yo. It is only me," seryosong sagot ni Jaxxon that actually gives chill to her spine.
Ganito kasigurado ang lalaki na sa kaniya nga ang bata... which only make the situation more complicated dahil alam niya na ipaglalaban nito ang pagmamay-ari nito.. Sa ibang pagkakataon ay magpapasalamat siya na nakikita sa lalaki na handa siya nitong panagutan.. iyon ay kung iba ang sitwasyon nilang dalawa. Pero hindi kahit ano pang gawin nila ay hindi sila pwedeng mag-sama.
Hindi na niya binalak pang muli na magsalita hanggang sa makapunta sila sa obgyne clinic. Unang lumabas si Jaxxon mula sa sasakyan saka umikot patungo sa kaniya at ito na mismo ang nagbukas para sa kaniya. Todo ang alalay nito sa kaniyang paglabas.
"Good morning po have a seat," ngiting bati sa kanilang dalawa ng isang babaeng nakaputing roba. "Ako nga pala si Doctor Silva... misis lapit ka po dito."


MATAPOS ANG naging check-up niya sa obygne ay binalot na ng katahimikan ang pagitan nilang dalawa. Lihim siyang nagpapasalamat dahil walang anumang findings ang doctor sa kaniya. Ayon dito ay normal lang lahat sa kaniya. Sa huli ay binigyan lang siya nito ng mga supplements na kailangan niyang inumin.


Napadako ang kaniyang tingin sa lalaking kasalukuyang nagda-drive sa kaniyang tabi. Hinayaan niya na lang ang binata na dalhin siya sa gusto nitong puntahan. At habang pasimpleng sinusulyapan ang lalaking katabi ay hindi niya maiwasan na hindi mag-alala. All the time na nasa kalsada sila she just stares at him... hanggang sa itinuon na lamang niya ang kaniyang paningin sa labas ng bintana.


It's getting dark pero hindi pa rin sila humihinto ni Jaxxon. Halos isang oras na rin silang nabiyahe. Saan ba talaga kami pupunta ni Jaxxon?


Hinimas niya ang kaniyang tiyan na may unting umbok na. Ang sabi ng doctor nasa trimester na siya ng pagbubuntis which is pinakadelikado dahil sa stage na ito maraming nakukunan. This is it... She fully accepted na may laman na ang kaniyang tiyan and it will not take longer na maging malaki na ito and eventually lalabas. Verlaine's heart swelled as the thought of having her baby in her arms to think na hindi pa niya nasasabi iyon sa kaniyang mapapangasawa.


She can't help but to feel scared sa magiging reaksyon ng lalaki lalo pa at malapit dito ang tatay ng kaniyang dinadala. She still felt bad pero hindi niya sinisisi ang buhay sa kaniyang loob. It was entirely her fault kung bakit nangyari ang lahat ng 'yon. Hahanap lang siya ng pagkakataon to tell Clayton at kung ano man ang maging resulta no'n ay maluwag niyang tatanggapin.


"We're here."


Napabalik si Verlaine sa realidad sa boses ni Jaxxon. Tumingin siya sa labas ng sasakyan at nakita niya na nasa isang malaking mall sila. Kunot noong ibinalik niya ang kaniyang tingin sa katabing lalaki. "Anong gagawin na 'tin dito?" tanong nya rito.


"We're going to eat and buy fruits for you," ani ng binata saka binuksan ang pintuan ng sasakyan. Lumabas ito saka umikot at sya naman ang pinagbuksan ng pintuan. "What food do you want to eat? Ang paliwanag sa akin ng doctor masyadong sensitibo ang pang-amoy ng mga buntis. Anong mga amoy ang ayaw mo o mga pagkain bukod sa sinigang na hipon?" tanong ng binata.


Halata ang pag-aalala sa mukha nito. Naalala ni Verlaine ang nangyari kagabi nang dinaluhan siya ni Jaxxon habang nagsusuka. He really looks worried that time same intensity as she saw on the face of the man in front of her. Hindi siya nagsalita at nanatili lang na nakatingin sa lalaki.


Nagpakawala ng buntong hininga ang lalaki then gave her a defeated look. "I already know the truth, Verlaine. In fact, the doctor who I consulted with was the same doctor who checked you. You are pregnant and you are bearing my child, please don't deny it," puno ng pagmamakaawa nito.


Napabuntong hininga na lang si Verlaine sa sinabi ng lalaki kapagkuwan ay nag-iwas ng kaniyang tingin dito. "Ayoko ng pagkain na may butter at may garlic but the rest ok naman," sagot niya. Wala din naman saysay kung magsisinungaling pa siya kung alam na naman nito ang katotohanan.


Tumango lang si Jaxxon saka siya inilalayan. Agad silang nagtungo sa isang restaurant at agad na umorder ang mga lalaki ng kakainin nila. Nang biglang tumunog ang cellphone sa bag niya. Kinuha niya 'yon at nang makitang ang kasintahan ay sasagutin na sana niya ng kuhanin 'yon ni Jaxxon mula sa kaniya saka pinatay ang tawag.


"Bakit mo ginawa 'yon?" magkasalubong na kilay niyang tanong.


"I will confiscate this for a while," seryosong saad nito at saka itinago ang cellphone niya sa bulsa nito.


"Wala kang karapatan para gawin iyon! Ibigay mo sa akin ang cellphone ko tumatawag si Clayton baka nag-aalala na 'yon sa akin!"


"Puwede ba huwag na muna ang lalaking 'yon ang isipin mo. Ako ang kasama mo ngayon just think about you and me tonight. That's all I'm asking from you," he said in a cold voice that gives chill to her.


Ano bang nangyayari sa kaniya bakit parang lagi na laang siyang kinikilabutan sa mga sinasabi ng lalaki at hindi lang iyon bumibilis din ang pagtibok ng kaniyang puso. "At least let me send a message para hindi mag-alala si Clayton sa akin," pakiusap niya. Ayaw niyang mag-alala ang nobyo sa kaniya lalo pa at alam na nito ang kalagayan niya which is kailangan na rin niyang sabihin kay Jaxxon ang napag-usapan nilang dalawa... na wala na dapat itong ipag-alala.


Narinig niyang napabuntong hininga ang lalaki kapagkuwan ay ibinigay muli ang cellphone niya. Nagsend siya ng isang mensahe na hindi siya muna makakauwi sa bahay ng kasintahan dahil kasama niya ang matalik na kaibigan at dito na muna siya makikitulog. She felt guilty lying to her fiance pero hindi naman pwedeng sabihin niya na kasama nito ang ama ng kaniyang anak. Pagkatapos niyang ipada 'yun ay ibinalik niyang muli 'yon kay Jaxxon dahil nakaamba ang kamay nito sa kaniya.


She took a sigh. Okay just this night... this night.


Nang matapos silang kumain ay lumabas silang dalawa saka dumiretso sa isang mini market. Nakasunod lang si Verlaine sa likuran ng lalaki. Nang may ibinigay ito sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo habang nakitingin sa isang box ng cream. Bago pa man niya matanong kung para saan 'yon ay inunahan niya siya nito.


"It's for your belly. Sabi ng doctor it will help you ease the itchiness in your belly lalo na kapag nagalaw na ang baby sa sinapupunan mo."


Tumikhim siya. "Alam mo Jaxxon hindi mo naman na kailangang gawin ito eh," nahihiyang aniya. This is too much... inilibre na niya ako ng dinner tapos binili niya na rin yung mga vitamins na nireseta sa akin at lagi pa niya ako sa paglalakad na para bang napakahalaga ko na para bang hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa amin ng anak ko.


Huminto sa paglalakad ang lalaki dahilan upang mauntog siya sa likuran nito. Seryoso siyang tiningnan ng lalaki. "Anak ko ang dinadala mo. I'm obliged and happy to provide the needs of my little treasure and his mom," saad niya.


"His? Wala pa naman gender ang baby," natatawang usal niya. Nakibit balikat na lamang ang lalaki at paagkataapos ay tinalikuran siya. "I have a strong feeling na lalaki ang anak na 'tin."


"Anak na 'tin."


Just the way Jaxxon claimed her chils his son makes her heart flutter. Nakakamangha lang na sobrang maalaga nito na animo'y alam na alam ang lahat ng uri ng pag-aalaga sa kanilang mag-ina at kung iisipin pa na lumaki itong walang ama. He is a very caring father. "You'd be a great father," wala sa sariling usal niya.


Tiningnan siya ng lalaki kapagkuwan ay nginitian. "You'd think so?"


She noded and smiled at him.


"Well, I'm just doing what I think is the best although I don't know if I'm doing the right thing... but since you said that... I'm fluttered. I will try my very best to be the best dad lalo pa at ikaw ang ina ng magiging anak ko," saad ng binata kapagkuwan ay nagpatuloy sa paglalakad.


Palihim niyang hinawakan ang kaniyang dibdib. Nakaramdam siya ng paninikip na parang unti-unting inuubos ang hangin na nasa kaniyang loob. She knew Jaxxon will be a great father someday pero hind isa anak nila dahil for once since everything is slowly going on its right place ay gagawin niya ang nararapat. She will tell him na hindi pa rin nagbabago ang kaniyang desisyon na pakasalan ang kakambal nito. She loves Clayton, ito ang nagmahal sa kaniyang ng maraming taon. She won't waste it for this. Magsasalita na sana siya ng may isang kamay na tumakip sa kaniyang bibig kapagkuwan ay hinila siya palayo kay Jaxxon. Agad na nakaramdaman ng pagpapanic si Verlaine lalo pa at dumagdag ang taong humihila sa kaniya. Hindi! Kikidnappin ba siya ng mga ito? Tumingin siya sa likuran ni Jaxxon... She tries to speak... to call his name pero hindi niya magawa.


"What the fuck! Verlaine!" pagtawag ni Jaxxon ng tumingin ito sa kaniyang gawi. Mababakas ang pagsidhi ng galit sa mukha nito habang tumatakbo palapit sa kanila. "Let her go, you scumbag!" galit na sigaw ng binata at akma sanang susuntukin ang may hawak sa kaniya ng magsalita ang mga ito.


"Sir huwag po! B-bitawan na po namin si ma'am. Hwag niyo po kaming saktan," bahid ang takot sa boses ng mga ito.


"Take off your hands on my property!" puno ng pagbabantang ani nito. Agad naman na sinunod 'yon ng mga kumuha sa kaniya.


Tiningnan niya ang mga ito hindi na lang niya pinansin ang tinawag sa kaniya ng lalaki 'property'. Nakita niya dalawang lalaki pala na nakasuot ng kulay blue na damit... para itong mga sales men.


"Pasensya na po kayo ma'am and sir pero kumukuha po talaga kami ng couple para sumali sa isang mini competition na ginaganap sa kakabukas lang na department namin dito sa mall. Ahh... it is a couple singging contest," pagpapaliwanag ng mga ito.


"We're not interested," Jaxxon said nonchalant as he holds her hand and was about to go when they say something that caught Verlaine's attention.


"We'll give you coupons on every department here in the mall worth 5,000 kapag nanalo po kayo."


Huminto si Verlaine na ikinataka ni Jaxxon ngunit hindi niya iyon pinansin bagkus ay hinarap ang mga sales men saka nagtanong. "Kahit saang market?"


Tumango ito na siyang ikinangiti niya. "Sasali kami." At least kahit ito man lang makatulong siya sa binata. Hindi iyong puro siya pasan dito. Isa pa singging contest? Narinig naman na niya ang boses ni Jaxxon at kung tatanungin naman ang kaniyang boses. Kumakanta naman siya tuwing may family gatherings sila ng mga kamag-anak at sinasabi naman ng mga ito na maganda ang kaniyang boses. Kaya sure na may laban sila.


"Are you sure you wanna join?" salubong ang mga kilay na tanong ni Jaxxon sa kaniya. "Oo! sayang din naman iyon.. 5,000 din kapag nanalo tayo," nakangiti niyang sabi.


"You don't have to do this."


"No! I want to do this! Isa pa maganda naman ang boses mo! Kaya na 'tin iyon," yaya niya rito.


Iginiya nila ng mga staff sa isang mini stage sa gitna ng mall. Nakaramdam si Verlaine ng kaba ng makitang ang kumpolan ng tao na nakapalibot sa stage. Parang sa isang iglap ay nawala ang kaniyang lakas ng loob. Napatingin siya sa katabing lalaki ng hawakan nito ang kaniyang nanginginig na kamay. "you said we can do it...believe it."


"So, couples! here are the mechanics. This year couple competition has a little twist may bubunutin kayong number dito sa hawak kong bowl and then kung anong numbers ang mabunot niyo iyon ang kakantahin niyo at syempre dapat todo performance because we'll base the result on the audience impact," paliwanag nung mc.


Napalunok naman si Verlaine at nagsimula na namang kabahan. Ang ibig sabihin ay draw lots. paano kung hindi niya alam ang kanta. Paniguradong mapapahiya silang dalawa. Nais niyang kastiguhin ang sarili. Ano ba itong napasok mo Verlaine?


"Okay here's our first couple. Let's call on Mr. Jaxxon Daevid and his partner Miss Isla Verlaine."


Jaxxon grips her hands tight before he guide her on the stage. "So, kunting interview muna... ilang taon ang pagmamahalan niyong dalawa? Tapos paano nagsimula ang lovelife niyong dalawa? At higit sa lahat sino ang unang na-fall?"


Nagkaroon naman ng hiyawan mula sa mga taong nanonood. Nakaramdam ng pagkailang si Verlaine sa tanong ng MC kanila ni Jaxxon. Hindi naman talaga sila tunay na magkasintahan. Ano ang sasabihin nila?


"We've been together in three months. Nagsimula ang love story namin when I had a project with her. She was an interior designer who was assigned to decorate the house which I designed and to your last question, who fall first? I guess it's me. The first time we've met at ang unang beses na nagkadikit ang aming mga balat. I know I already fallen in love with her... madly in love in fact and so I made a move for her to be mine... and soon enough we'll have a baby"


Pakiramdam ni Verlaine ay nag-init ang kaniyang mga mukha sa mga sinabi ng lalaki. Dumagdag pa ang hiyawang mapang-asar ng mga tao sa paligid nila. Naniwala ang mga ito sa kwento ng binata na half-truth. He made a move to make her to be his but fall madly in love? She doubt it... at least Jaxxon never mention it at sinabi lang niya iyon para mapaniwala na couple talaga silang dalawa.


Ipiniling ni Verlaine ang kaniyang ulo upang alisin ang isipin na iyon... Eh ano naman sa kaniya kung isang kasinungalingan lang na mahal niya ako? Ikakasal na ako for sake!


"Ay wow naman! Ang cute naman pala ng love story niyo ma'am and sir and look kaya pala glowing si ma'am dahil buntis pala. Well, congrats sa inyong dalawa mga mam at ser! Ngayon bunot na kayo," saad nung MC.


Ipinikit ni Verlaine ang kaniyang mga mata... ipinagdadasal na sana alam nilang pareha ang mabubunot nito.


"Number 00143. Select." Pinindot ng lalaki ang number na nabunot ni Jaxxon. Ibinigay naman ni Jaxxon ang isa pang microphone sa kaniya. Nagsimula ang isang himig na pamilyar sa kaniya.


"Aching Heart by Symphonic Lovers." She took a sigh. Salamat at alam niya ang kanta. She looked at Jaxxon and he just nod at her as the music go which means he also knows it.


"I feel tired and cried when I see you because of this love," panimula ni Jaxxon kapagkuwan ay tumingin sa kaniya at hawak sa kaniyang kanang kamay. Narinig niya ang hiyawan ng mga manonood sa kanilang paligid but she can't focus on them dahil pakiramdam niya ay hinihila ng lalaki ang kaniyang atensyon hanggang sa ito na lang ang tanging nakikita niya.


"The more I tell myself not to think of you. It just getting much worse. The closer I get, the more I am scared but I know this love cannot be stopped." Jaxxon gave her a sign na siya na hayaan na muna na siya ang kumanta.


Nakuha naman niya 'yon at hinayaan na lang niyang malunod ang sarili sa mga titig nito. "I know you'll go away one day. Like the moon waiting to be with the sun, you and I aren't meant to be. Even so like a child wishing for the stars.I still long for the day that I finally hold you close to me and tell you that."


Nakaramdam si Verlaine ng kaunting pagkirot ng kaniyang dibdib dahil sa lyrics ng kanta. The lyrics is no different than their situation. She knew they are not meant to be.


Nanatili kay Jaxxon ang kaniyang mga mata nang bigyan siya nito ng hudyat na sabay nilang kantahin ang chorus ng kanta. "I love you, the words that I like to confess to you with tears. My heart's been crying for a long time because it doesn't see you. Even if I'm standing in front of you, why you can't see me? Don't you know that my heart already desperate? You are my whole world. I only dream for only you, even hold my breath for you. Are you pretending not to know about this?"


Jaxxon gripped on her hand and nod at her. Hudyat na siya ang kakanta ng sunod na stanza. "My heart hurts every day; I didn't know I'll live like this for a long time yet. My feelings are still towards you, my longing never stopped. I know that you're in pain when I'm with you but like a fool I'm still hoping the day you'll look back at me. Then I want to tell you that... I love you the words that I like to confess to you with tears. My heart's been crying for a long time because it doesn't see you. Even if I'm standing in front of you, why you can't see me? Don't you know that my heart already desperate? You are my whole world. I only dream for only you, even hold my breath for you. Are you pretending not to know about this?"


Napasinghap si Verlaine nang biglang hilahin siya papalapit ni Jaxxon dahilan upang mapadikit ang kanilang mga katawan kapagkuwan ay sunod na idinikit ang noo nito sa kaniya ngunit parang walang pakialam ang lalaki at ipinikit pa nito ang mga mata na parang dinadama ang bawat sandali.


"If this waiting and yearning reaches you, if the day comes when you finally see my heart. Remember that I only love you," pagpapatuloy ng lalaki sa pagkanta. "I love you the words that I confessed to you with tears. I know now I'm not your whole world as you are mine. Your heart longed for him as much as my heart longed for you. It's killing me but I know I have to send you away for you to be happy."


Jaxxon finally opens his eyes. Inilayo nito ang mukha sa kaniya pero nanatili pa rin itong nakatitig sa kaniya habang patuloy pa rin na nakanta as if it was what his heart wanna say.


She heard a loud clap all over them kasabay ng mga hiyawan. Lumayo siya kay Jaxxon. Nanatiling nakatungo kapagkuwan ay tumakbo pababa ng stage... palayo sa lalaki. She heard them call her name, but she doesn't care. She doesn't care about the price anymore and just wants to run away. The pain that slowly lured her heart into pieces She wants to take it out... to forget it because it will complicate things around her.


Namilog ang kaniyang mga mata nang maramdaman niya ang mga braso na yumakap sa kaniya mula sa likuran and as it happens her heart begins to pound again as if it knows the owner of those arms.


"Why did you leave?" Jaxxon said on her left ears. His warm breath immediately gives chills on her spine that makes her knees go weak.


"I— I want to go home," she said almost a whisper.


Jaxxon doesn't utter a word pero lubhang ikinagulat ni Verlaine ang ginawa ng lalaki. Hinapit nito ang kaniyang mukha at marubdob siyang pinatawan ng isang mainit na halik na siyang hindi naman niya tinanggihan. She held his hands and kiss him back.


"What the heck? Hon?"


Namilog ang mga mata ni Verlaine nang marinig ang pamilyar na tinig. She immediately pushed Jaxxon and face Clayton with horrified look. Kasalukuyan itong nakatayo sa kanilang harapan. Magkasalubong ang mga kilay at bakas na bakas ang galit.


Tinapunan nito ng tingin si Jaxxon at saka walang salitang sinugod ito ng suntok. "Isa kang traydor!" sigaw nito habang sunod-sunod na pinagsusuntok ang sariling kapatid.


"Ikaw ang traydor sa ating dalawa!" asik ni Jaxxon na siya naman ginagantihan ng suntok si Clayton. Hindi na alam ni Verlaine kung ano ang kaniyang gagawin upang mapatigil ang dalawa. Nakahinga lang siya ng maluwag nang may tumulong sa kaniya na mga lalaki upang awatin ang dalawa. Kumawala si Clayton mula sa pagkakahawak sa kaniya ng dalawang umawat sa kaniya saka dinuro si Jaxxon na siyang hawak rin ng dalawa pang lalaki sa magkabilang braso.


"Simula ngayon! Wala na akong kapatid na traydor!" galit na sigaw ni Clayton pagkatapos ay idinura ang dugo sa bibig nito. Naglakad ito palapit kay Verlaine kapagkuwan ay hinawakan ng mahigpit ang kaniyang kamay. "Let's go, Verlaine," he said with full of authority. Wala nang ibang nagawa pa si Verlaine kun 'di ang sumunod dito dahil ayaw na niya pang dagdagan ang galit ng lalaki.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

60.2K 1.5K 66
[LE FAVORI DESIRE SERIES 4] WARNING 🚨🚨🚨 SPG | R-18 | MATURED CONTENT > A story of Sheedz and Cristine He's seeking for answer but she took advanta...
69.1K 4.2K 53
Strictly for mature readers only! 18 and up! Please be guided. Rascal! Playboy! Akyat kwarto! Iyan ang mga taguri kay Lucas Malvar na nagmamay-ari n...
13.1K 305 37
Anna Georgina Dela Riva is the daughter of the owner of Dela Riva Corporation, pangatlo sa pinakamayamang kompanya sa buong Asia. Dahil sa isang pang...
Once Again Par niiccs

Fiction générale

73.7K 1.5K 31
Rowana De Leon. A 27 years old woman who loves to work and read books. Thinking that she might disappoint her parents again,she became a perfectionis...