Forbidden Fire - COMPLETED (R...

By JhasStories

9.8K 292 3

Verlaine promised to do anything for her fiancé and wait for him until he woke up. Yet, everything changed wh... More

**✿❀❀✿**
Disclaimer
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
Author's Note
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
Author's Note
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
Author's Note
CHAPTER THIRTY-THREE
Author's Note
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN (PART 1)
CHAPTER THIRTY-SEVEN (PART 2)
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER THIRTY-NINE (Part 2)
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY (Part Two)
Author's Note

CHAPTER TWENTY-SIX

143 8 0
By JhasStories

"Ang iyong mga mata'y parang mga bituin sa kalangitan. nakakahalina... nakakahumaling... Unang sulyap pa lamang ng aking mga mata naakit na sa iyong ganda. Umaasang sa sandaling makilala ay tanggapin ang aking pagsinta."

Ibinaba ng isang lalaki ang ballpen matapos isulat ang nais sabihin sa dalagang iniibig. Sa loob ng apat na taon na palihim niyang pag-ibig para sa dalaga ay ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob upang ipagtapat ang nararamdaman. Hindi siya makakapayag na maunahan pa ng kaba at ng iba pang bagay. Ito na ang panahon para iparamdam sa babaeng iniibig ang pagsinta niya. Sapat na ang kaniyang paghihintay. Kinuha niya ang sticky note kung saan nakasulat ang kaniyang puso saka dali-dali itong idinikit sa locker ng pagbibigyan niya nito.

"What do you think you're doing?"

"HERE."

Inirapan muna ni Verlaine ang lalaking kasama bago kinuha mula rito isangbalot na binili nitong cotton candy. Matapos ang paraan ng paghingi ng tawad sa kaniya ng binata sa labas ng Retribution dock ay dinala siya nito sa isang amusement park hindi kalayuan sa venue ng retribution dock.

Hindi niya pinansin ang lalaki bagkus ay nagtungo lang siya sa isang bench saka doon umupo. Papalipasin niya lang ang araw na ito para hindi mapahamak ang kasintahan. Oo, 'yon lang ang gagawin niya. Bahala ang lalaking kasama nito sa buhay niya.

"Ano ang gusto mong gawin na 'tin dito?" tanong ng binata sa kaniya. Nakasunod ito sa kaniya ngunit katulad ng kaniyang plano ay pinagpatuloy niya lang ang hindi pagpansin dito. Nanatiling tikom ang kaniyang bibig. Bahala ka sa buhay mo!

Ipinagpatuloy niya ang pagkain sa hawak na cotton candy nang maramdaman niya ang pagtabi sa kaniya ng binata kasabay ang pagbuntong hininga nito. "I already said my sorry, didn't I?" he said in defeat. "I just want you to enjoy this day... with me."

Tiningnan niya ang binata ng may mahimigan itong kalungkutan sa boses nito. "Hindi mo na ulit gagawin ang pambabalewala mo sa akin kanina?" masungit na ani niya.

Mabilis namang umiling ang binata. "Hindi mo na ako sasabihang malandi?" dagdag pa niya at katulad ng ginawa ng binata sa una niyang sinabi ay muli itong umiling. Nais matawa ni Verlaine sa ginagawa ng binata ngunit mas pinili niyang isantabi na lamang ito. Inilahad niya ang kamay kay Jaxxon. "You're forgiven," saad niya.

Pakiramdam ni Verlaine ay lumukso ang kaniyang puso ng makitang sumilay ang isang ngiti sa mga labi ng binata. Ito ang unang beses na nakita niyang ngumiti ang lalaki. Aaminin niya na mas lalong lumitaw ang kagwapuhan nito kapag nakangiti. Mas bagay dito ang nakangiti kaysa sa pa laging nakasimangot at walang emosyon.

"So, what ride do you want to try first?" tanong ni Jaxxon sa kaniya.

Inilibot niya ang tingin sa kaniyang paligid at napanganga siya sa sobrang laki pala ng lugar at isa pa ay sobrang daming rides na hindi man lang niya na-appreciate kanina dahil sa inis sa lalaki. Wow! dadalhin ko rito si Clayton kapag nagising siya.

Ngayon na naalala niya ang kasintahan, umusbong sa kaniyang puso ang guilt dahil sa sitwasyon niya ngayon. Narito siya magpapakasaya samantalang ang lalalaking mahal niya ay mag-isa sa hospital. Para sa'yo ito mahal sana maintindihan mo.

Itinuro niya ang kinalulugaran ng Ferris wheel sa binata. "Gusto kong sumakay doon." Nanlaki ang kaniyang mga mata ng hawakan siya ng binata sa kamay saka niyaya sa pila ng Ferris wheel. Palihim na napahawak siya sa kaniyang puso ng magsimula na naman 'yon magwala kasama ang milyon-milyong boltaheng kumalat sa kaniyang katawan. Tiningnan niya ang binata. A-ano itong nararamdaman ko sa kapatid ng fiancé ko?

"Two tickets please," ani nito sa counter na mabilis namang ibinigay sa kaniya. "Come on," ngiting yaya nito sa kaniya.

Parang ibang tao na ang kasama niya at tuluyan ng nawala ang Jaxxon na walang emosyon. Verlaine can't help but wonder kung ito ba ang totoong ugali ng lalaki sa likod ng maskarang sinusuot nito or is it the other way around.

Pumasok silang dalawa sa isang sasakyan ng Ferris wheel at nagsimula na namang mamayani ang katahimikan sa kanilang dalawa habang umaandar ang sinasakyan. Sa pagkakataong 'yon ay siya naman ang tila walang ganang magsalita.

Pilit na tinitimbang ang kaniyang sitwasyon. Narito siya kasama ang lalaki sa isang date. Pakiramdam niya ay patuloy ang pagtataksil na ginagawa niya sa kasintahan at hindi lang 'yon lalo pa at ilang beses na ang halikan na namagitan sa kanilang dalawa ng kapatid ng kaniyang fiancé.

Once can be forgiven but not the second or the third time. Parang sinaklot ang kaniyang puso. She felt awful. She felt dirty on herself. Pero paano nga ba? Paano niya matatakasan ang sitwasyon?

"Okay ka lang?"

Napatingin siya sa kaharap ng magsalita ito. Nakakunot ang dalawang kilay at concern na nakatingin sa kaniya. Ngayong hindi na ito parang batong walang emosyon, she can say that he really looks like Clayton except for his gray eyes.

"O-okay lang ako," she answered but Jaxxon still looked at her in doubt. Napabuntong hininga siya bago muling nagsalita. "Hanggang kailan ba na 'tin 'to gagawin?" wala sa loob niyang tanong.

Tiningnan niya diretso sa mata ang lalaki. She needs to know kung hanggang kailan ito para maiwaksi niya ang pag-uusig ng konsensya. "Kailangan ba talagang gawin ito?"

Nakita niyang umigting ang panga ng lalaki kasabay ng pagkawala ng mga emosyon sa mukha nito. "You. Are. Now. Mine. Verlaine. Ano ro'n ang hindi mo maintindihan?" may pagtitimping saad ni Jaxxon kay Verlaine.

"Pero alam mong mali ito, Jaxxon! Ikakasal na ako sa kapatid mo and I can't help but feel guilty doing this stuff behind Clayton's back. Please itigi—"

"And do you think I give a d*mn on that?" pagputol ng lalaki sa sasabihin niya. Napapanganga naman siya sa turan nito. Talagang wala itong pakialam sa kapatid at sa mararamdaman nito.

"For once, will you stop saying that what we're doing is wrong because it's a little too late now? Besides may nangyari na sa ating dalawa. Don't you think it's wiser na tayo na ang magsama?" he said. A nonchalant smirk shows on his lips.

Pakiramdam ni Verlaine ay nag-init ang kaniyang mga mata dahil naalala na naman niya ang nagawang pagkakasala sa kasintahan. "That is just a mistake! A terrible one. There's no us, Jaxxon. Please mahal ko ang kapatid m—"

"And what? Pretend it didn't happen?" muling pagputol ng binata sa kaniya.

Hindi siya sumagot bagkus ay inilayo niya lang ang tingin mula rito. Ilan pang sandali ay narinig niya ang mahinang pagmumura at pagdadabog ng lalaki.

"Fine! You can pretend that it didn't happen pero kahit ano'ng pilit mong pagkalimot sa nangyari sa pagitan na 'tin. It still did happen, and this, I promise you, I will get what is mine," puno ng pagbabantang saad ng binata habang nakatingin sa kaniyang tiyan. "Hindi ko hahayaan na makuha ng iba ang akin. Your fiancé may look like a prince on the outside, but inside he's nothing but a monster. Marami ka pang hindi nalalaman sa lalaking 'yon, Verlaine. Hindi ko hahayaan na siya ang kumuha ng lahat ng sa akin," dagdag pa nito.

Hindi maintindihan ni Verlaine ang tinutukoy ng lalaking pagmamay-ari nito ngunit wala doon ang kaniyang atensyon kun 'di sa sinabi nito tungkol sa kapatid. Gusto niyang malaman para maintindihan niya kung saan nanggagaling ang ng binatang kasama.

"Katulad ng ano? Sabihin mo sa akin. Ipaliwanag mo para malaman ko kung saan nagmumula ang galit mo!" saad ni Verlaine. She's done guessing kailangan niya ng malaman ang katotohanan. Bakit sinasabi nitong halimaw ang kasintahan at bakit ito galit na galit dito?

Isinandal ng lalaki ang kaniyang likuran sa upuan ng ferris wheel saka ipinikit ang mga mata na animo'y nagpapahinga. "Let's not talk about that," saad nito saka iminulat ang mga matang nakatuon sa kaniya. Inilahad nito ang isang kamay sa harap ni Verlaine.

Nung una ay hindi naintindihan ni Verlaine ang ibig ipahiwatig ng lalaki pero nung iminuwestra nito ang kamay naintindihan na niya na nais nitong hawakan niya ang kamay nito.

Bagamat may pag-aalinlangan ay tinanggap niya pa rin ito. Napasighap na lang si Verlaine nang hilahin siya nito dahilan upang mapaupo siya sa kandungan ng lalaki kasabay ang pagdantay ng ulo nito sa kaniyang likuran. Verlaine flinched and tried to escape ngunit mas lalong ipinulupot ng lalaki ang braso nito sa kaniyang baywang. She heard him sighed.

"I want to enjoy this day with you. Gano'n ba kahirap para sa'yo na pagbigyan ako?"

"J-Jaxxon," pigil hininga niyang saad dahil sa kakaibang nararamdaman sa bawat pagtama ng mainit nitong hininga sa kaniyang likod na nagbibigay sa kaniyang ng kakaibang sensasyon. Imbis na luwagan ng binata ang pagkakayakap sa kaniyang baywang ay mas lalo lang itong hinigpitan ng lalaki na para bang ayaw na siya nitong pakawalan.

"You don't know how much I waited for this to happen..."

"Here's your cafe affogato, dear."

Napalingon si Verlaine sa bagong dating na kaibigan na si Syl dala ang isang tray kung saan nakalagay ang in-order nitong drinks. Inabot nito ang mug na naglalaman ng kaniyang order sa kaniyang harapan. Araw ng kaniyang pahinga ngayon kung kaya naman ay nakipagkita siya sa kaniyang kaibigan sa Inspirit 7-Café sa Cabuyao.

Hindi niya maitago ang sayang nararamdaman habang nakamasid sa kaniyang kaibigan. Base sa kaniyang nakikitang kislap ng mga mata at saya sa kaibigan ay nasisiguro niyang ayos na ito matapos ang nangyari sa pagitan nito at ng dating kasintahan. Bukod sa pagiging masaya ay mukhang inspirado pa ito dahil sa bago nitong nobyo. She knows her friend deserves it more than anyone else kaya masaya na rin siya para rito.

"You don't know how much I waited for this to happen."

Marahas na ipinilig niya ang kaniyang ulo upang mawala ang imahe ng binata sa kaniyang isipan na kagabi pa siya ginugulo. Ang ferris wheel ride nilang 'yon ang naging una at huli nila sa araw na 'yon dahil nang makababa sila ay hindi na siya inimik muli ng binata.

Hanggang kaninang umaga na nagpaalam siya rito na luluwas ng Laguna upang makipagkita sa kaibigan ay parang wala lang rito. Hinilot ni Verlaine ang kaniyang noo. Hindi na niya talaga alam ang kaniyang gagawin sa kapatid ng kaniyang nobyo. Hindi niya maintindihan ang hot and cold mood swings ng lalaki.

Kung hindi lang talaga nakasalalay ang buhay ng kaniyang mahal ay hindi niya ito pagbibigyan gayong may kung ano'ng bagay siyang nararamdaman para rito. Napailing si Verlaine. No! kung ano man ang binabalak nito ay hindi ko na hahayaan! Tama na ang isang pagkakamali!

"So, how is your life now?" panimulang bati nito nang matapos ito sa pagkukuwento ng buhay nito sa kaniya. "I heard from Auntie that you have an on-going project now on an island." Inabot ang kaniyang kamay at hinawakan ito ng mahigpit. "Where is it? Come on, tell me! Is it beautiful?" dagdag pa nito. Bakas ang kislap ng kuryusidad sa mga mata ng babae. Napakagat ng kaniyang labi si Verlaine

"It is a private island in Mindoro. I must admit it is beautiful and peaceful there. There's a small community that lives there with people who are very kind and friendly so it's not too sad. y," she replied. Well, except one. Si Honey.

"Why do I hear something off in what you said? Is there any problem?" kunot noong tanong ni Syl sa kaniya. "Do you dare tell lies! I know you!" dagdag pa nito habang nakaturo sa kaniya ang kanang hintuturo nito. Hindi lang 'yon dahil pinaningkitan pa siya nito ng mata.

Iniwasan ni Verlaine na mapakagat sa kaniyang ibabang labi. Alam niyang hindi siya makakapagsinungaling sa kaniyang kaibigan kung kaya nag-decide siyang ikuwento ang lahat ng nangyari sa kaniya mula nang makilala niya ang kapatid ng kaniyang nobyo maliban sa namagitan sa kanilang dalawa ni Jaxxon. Verlaine let out a sigh as she finished her story. She gave his friend a miserly smile when she saw the disbelief on her face.

"So, are you telling me that you met Clayton's twin brother? I didn't know he had one," Syl exclaimed. Muling nagpakawala ng isang buntong hininga si Verlaine.

"Not only that! You say that he's into you, but he already has a girlfriend, and to make it worse, it's your worst rival!" dagdag na saad ng kaniyang kaibigan. Napakamot pa ito sa noo na para bang nalilito. "It's really a confusing and messed-up situation. Verlaine."

Ginulo ni Verlaine ang kaniyang buhok sa frustration. "I don't want to think about it. I'm so confused right now, Syl. I don't know how to act in front of him," saad niya.

"If you think he is using you to get revenge because he hates his brother, then you should act with caution around that guy, Verlaine. Just don't let yourself get hurt. A guy like him who's already committed can't be trusted," saad ng kaniyang kaibigan. "Just be careful. Especially since you already knew he already had someone."

Iniangat ni Verlaine ang kaniyang paningin sa makulimlim na kalangitan. Ang madilim na mga ulap na halos sumakop sa buong lugar ay tanda ng pag-ulan. Alas- 4 na ng hapon nang maisipan nilang umuwi na. Inayos niya ang kaniyang mga gamit saka tiningnan ang kaibigan si Syl upang magpaalam. Kahit papaano ay naging masaya siya dahil may napaglabasan siya ng kaniyang saloobin.

"Verlaine, better take this with you."

Inabot ni Verlaine ang payong na ibinigay ni Syl sa kaniya. Napangiti siya sa pagiging concern ng kaniyang kaibigan. "Thanks," aniya.

Hinawakan siya ni Syl sa kaniyang mga kamay. "Thanks for coming today, Laine," ngiting anito kapagkuwan ay napakunot ang mga noo. "By the way, what will your plan be for Clayton's birthday? It will be two weeks from now, right? I just remember because he has the same birthday as my niece."

Natigilan si Verlaine sa pinaalala sa kaniya ng kaibigan. Muntikan na niyang masapok ang kaniyang sarili dahil makakalimutan pa niya ang isa sa napaka-importante araw para sa kaniyang nobyo. Dahil sa rami ng iniisip ko'y nakalilimutan ko na ang iba pang bagay.

"I guess I'll just go visit him after I go to church."

"Aren't you going to see Clayton first before going back to the island?" kunot tanong ng kaibigan. Agad naman siyang umiling. "Not for now. I should return to the island and work tomorrow so that I can take Clay's birthday off," paliwanag niya. Tumango naman ang kaibigan. Verlaine wave at her friend to bid goodbye.

Tumingin si Verlaine sa orasan na nakasabit sa may dingding ng bahay bago itinuon ang tingin sa labas ng bahay. Ito na ata ang pang-lima na ginawa niya ito mula ng makauwi siya mula sa Laguna.

Alas-10 na ng gabi pero hindi pa rin bumabalik ang kasama niya sa bahay. Nang makauwi siya tatlong oras ng nakakalipas ay wala siyang naabutan pagdating niya. Patay ang lahat ng ilaw at sarado ang buong bahay. Nagtaka pa siya nung una dahil wala naman sinabi ang binata sa kaniya bago siya umalis kaninang umaga na aalis din ito kaya ang alam niya ay mag-stay ito during weekend.

Kung hindi pa siya sinabi kanina ni Mang Karding na may pinuntahan lang si Jaxxon ay iisipin niyang lumuwas din ito ng Manila. Mabuti na nga lang at dala niya ang kaniyang susi kung hindi maghihintay siya sa labas at siguro ay basang-basa na dahil ang kaninang pagbugso bugso lang na ulan ay unti-unti nang lumalakas. Muli siyang tiningnan ang orasan kapagkuwan ay napatakip sa kaniyang magkabilang tainga dahil sa narinig na biglaang pagkulog.

Madilim na sa labas at dahil pa sa ulan ay siguradong madulas ang kalsada dahil hindi pa naman sementado ang kalsada papunta sa tinitirhan nilang dalawa tapos ay kumikidlat. Hindi niya maiwasan na hindi mag-alala dahil wala pa ang lalaki... Ilang beses niya ng sinubukang tawagan ang binata para sana mapanatag ang kaniyang kalooban ngunit kanina pa out of coverage ang cellphone nito.

"Nasaan ka na ba Jaxxon?"

Tila lumukso naman ang kaniyang puso ng marinig ang sunod sunod na busina ng sasakyan sa labas bahay. Sinilip niya ito mula sa bintana at gayon na lamang ang kapanatagang naramdaman niya ng makita ang kanina pa niyang hinihintay. Basang-basa ito dahil motorsiklo ang dinala nitong sasakyan. Dali dali naman siya pumunta sa pintuan dala ang isang malaking tuwalya upang ipantuyo sa lalaki.

"Saan ka ba nanggaling? tingnan mo basang-basa ka na" nag-aalalang ani niya samantalang ipinupulupot ang tuwalya para ibalot sa lalaki. Nag-alala siya na baka na magkasakit ito. Tiningnan ni Verlaine ang lalaki nang manatili itong nakatayo at hindi gumagalaw.

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay ng makita ang klase ng tingin ng lalaki sa kaniya... may bahid ng kalungkutan at... pagmamahal? Ipinilig ni Verlaine ang isipan sa huling nabanggit... imposible! Maaaring pinaglalaruan lang siya ng kaniyang mata. Imposible talagang mangyari.

"J-Jaxxon." Umusbong ang kakaibang kaba sa kaniyang puso nang maramdaman ang mainit na haplos ng lalaki na siyang sumasakop sa kaniyang mukha. Nakatuon sa kaniya ang mga mata nito. Napakaseryoso... Nakakailang.

"Verlaine... I... I want to taste you... Would you let me?" Marahan niyang tinabig ang mga kamay ng lalaki.

"A-ano bang s-sinasabi mo? Maligo ka na muna bago ka pumunta sa kusina... iinitin ko lang yung pagkain mo," iwas na saad ni Verlaine.

Tumawa naman ng pagak ang lalaki na dahilan para tingnan niya ulit ito. "I'll take a rest," walang buhay na ani ni Jaxxon. Sinubukan ni Verlaine na tawagin ang binata ngunit nagtuloy-tuloy lang ito patungong kwarto nito na tila walang narinig.

Marahas na napabuntong hininga si Verlaine sa inakto ng lalaki. Naroon pa rin ang kaniyang nararamdaman na kakaiba sa tuwing naglalapit ang kanilang mga balat na siya niyang ikinababahala kaya hangga't maari ay ayaw na niyang maging malapit sa kapatid ng nobyo. Bumalik sa kaniya ang sinabi ng kaniyang kaibigan.

"Just be careful. Especially since you already knew he already had someone."

Nagtungo siya sa kusina at inihanda na ang binili nya kaninang pagkain. Iinitin nya na lang 'yon para makakain na agad ang lalaki.

Lumipas ang isang oras pero walang binata ang bumaba o lumabas mula sa kwarto kung saan kasalukuyang nakatayo si Verlaine. Dala na niya ang pagkain na ininit para sa lalaki pero pakiramdam nya ay wala siyang lakas para harapin ito. Halos labing-limang minuto na rin siyang nakatayo sa labas ng kwarto nito. Walang mangyayari sa'yo Verlaine kung tatayo ka lang dito.

Muli siyang huminga ng malalim na tila ba doon nakuha ng lakas. Iniangat niya ang isang kamay at tuluyan ng kumatok sa pintuan ng binata. Bahala na!

Continue Reading

You'll Also Like

346K 5.3K 23
Dice and Madisson
60.3K 1.5K 66
[LE FAVORI DESIRE SERIES 4] WARNING 🚨🚨🚨 SPG | R-18 | MATURED CONTENT > A story of Sheedz and Cristine He's seeking for answer but she took advanta...
307K 7.8K 41
not just your any ordinary story. Si Zoey at si Shinrei. Magkasintahang pinaghiwalay ng tadhana. Ipinagpatuloy abutin ang pangarap ng magkalayo sa ba...
2.6K 30 6
PERUVIAN FUEGO aka the MERCENARY. He is unknown. He has no details, no birthdate, no parent's information, a literal shadow that doesn't exist. He's...