Forbidden Fire - COMPLETED (R...

By JhasStories

10K 292 3

Verlaine promised to do anything for her fiancé and wait for him until he woke up. Yet, everything changed wh... More

**✿❀❀✿**
Disclaimer
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
Author's Note
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-SIX
Author's Note
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
Author's Note
CHAPTER THIRTY-THREE
Author's Note
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN (PART 1)
CHAPTER THIRTY-SEVEN (PART 2)
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER THIRTY-NINE (Part 2)
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY (Part Two)
Author's Note

CHAPTER TWENTY-FIVE

169 6 0
By JhasStories

"I am so proud of you son," napatingin siya sa dalawang bulto ng tao malapit sa pintuan ng kanilang bahay. Pinagmasdan lang ni Jaxxon ang dalawang bulto habang nanatiling nakakubli at natatakot na gumawa ng ingay na makakakuha sa atensyon ng dalawa.

Muling umusbong ang pamilyar na dadamdamin sa kaniyang puso habang nakatingin sa mga ito. Kitang-kita niya ang bakas ng hindi mapatid na tuwa na nakabalatay sa mukha ng ama at ng kapatid habang hawak-hawak ang isang malaking trophy na sa tingin niya ay muli nitong nakuha mula sa paglalaro ng basketball. Dumako ang tingin niya sa piraso ng papel na naglalaman ng mga numero ng kaniyang pinaghirapan sa buong markahan sa eskwelahan.

"Ang galing-galing mo talaga, anak. Masaya ako ikaw ang naging anak ko. Ang nag-iisa kong anak."

Tila nabingi siya huling narinig dahilan upang malukot niya ang papel na hawak bago tuluyang pumanhik sa kaniyang kwarto.

"Be mine."

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Verlaine samantalang nakatingin sa lalaking nagpapagulo ng kaniyang buhay. Tatlong araw na ang lumipas mula no'ng huling usap nila sa hospital at tatlong araw na rin nagngingitngit ang kaniyang kalooban sa binata. Hindi niya pa rin maisip ang rason ng lalaki kung bakit gano'n na lang ang galit nito sa ama at sa kapatid para pag-isipan ito ng masama. Sa t'wing tinatanong naman niya ito ay hindi naman ito nagsasalita. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng lalaki at bakit 'yon pa ang hiniling nitong kapalit sa buhay ng kakambal niya.

"I've hated my brother ever since, and everything he loves or loves back will be the target of my hatred... including you."

Unlike sa una nilang tagpo na halos ipagtabuyan siya ay ngayon naman ay nagbago na ito bigla. Mula nang muli silang makabalik sa bahay na pinahiram sa kanila ng kanilang kliyente ay lagi na itong nakikipag-usap sa kaniya ng ayos at hindi na siya sinisigawan pa o kaya naman sinusungitan. Jaxxon became kinder and more concerned with her.

Katunayan nang muli niyang ipinakita ang mga designs nung nakaraang araw ay sinabi lang nito ang nagustuhan niya at ang mga bagay na gusto niyang ipadagdag. Iyon lang, walang lait na kasama, walang pagtatapon sa basurahan.

Inihilamos niya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang mukha. She felt overwhelmed, as if she were slowly drowning in the depths of the sea because of the turn of events in her life. Kung hindi lang hiningi ng pagkakataon ay hindi siya papayag sa hiniling nitong kapalit. The crucial situation left her no choice!

Biglang nakaramdam ng kaba si Verlaine ng maalala ang sinabi sa kaniya ng binata. Ibig sabihin ay sa kaniya itutuon ng binata ang galit sa kapatid. Nagsisimula na siyang mag-alala para sa sarili. Napaigtad siya nang maramdaman ang pagdampi ng isang malambot na bagay sa kaniyang pisngi. Namilog ang kaniyang mata habang nakatingin kay Jaxxon na nakalapit na pala sa kaniya ng hindi niya namamalayan.

"You're spacing out again, babe," malambing na bulong nito sa kaniyang tainga.

Nais kastiguhin ni Verlaine ang kaniyang sarili dahil wala man lang siyang nakapang panglalaban nang maramdaman ang mainit na hininga ng lalaki sa gilid ng kaniyang mukha. Lumipas ang ilang segundo ng katahimikan nang maramdaman niya ang mainit na mga palad na sumakop sa kaniyang mga pisngi. Itinuon niya ang tingin sa binata at pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang mukha ng makita na nakatuon sa kaniya. Naiilang siya sa mga nakikitang emosyon sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.

Ilang sandali pa ay inilapit nito ang mga labi nito sa tapat ng kaniyang mga labi at ginawaran siya ng isang matamis na halik. Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan dahil sa naging aksyon ng binata. Muli niyang naramdaman ang libo-libong mga boltaheng dumaloy sa bawat sulok ng kaniyang katawan. Bumalik lang siya sa kaniyang katinuan ng magsimula nitong igalaw ang mga labi nito sa labi niya. Sa ikalawang pagkakataon ay inilayo niya ang kaniyang sarili sa lalaki.

"Mali ito," wala sa sarili na aniya.

Narinig niyang napaismid ang lalaki. "Hindi ba ito ang gusto mo?" malamig na anito. Sa isang iglap ay napalitan ng coldness ang sweetness na makikita sa mukha ng binata. "Baka nakakalimutan mo... magiging akin ka kapalit ng buhay ng walang kwentang taong 'yon."

Naiyukom ni Verlaine ang kaniyang mga kamay sa sinabi ng lalaki. "Hindi 'yan totoo," pagtatanggol niya sa kasintahan. Hindi na niya hahayaan na pagsalitaan pa ng hindi maganda ang nobyo. Wala itong ginagawang masama at hindi nito deserve ang pagtratrato binibigay ng kapatid nito. Halos mahugot ni Verlaine ang kaniyang hininga ng mas lalong lumapit si Jaxxon sa kaniya ngunit hindi niya lang pinahalata.

"Hindi totoo? Bakit ano ba ang totoo para sa'yo ha?" may ngiseng pang-asar sa mga labi na saad niya.

Tiningnan siya ni Verlaine ng diretso sa mga mata bago siya nagsalita. "Mabait ang kapatid mo. Siya lang ang tao na nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan sa ama at kapatid mo pero hindi 'yon sapat na dahilan para pumatay ka ng ibang tao. Hindi 'yon sapat na dahilan para hindi mo na respetuhin ang ama mo!" Iniyukom ni Verlaine ang kaniyang mga kamao. Humigit muna siya ng hininga bago nagpatuloy. "Kaya siguro ganoon na lang ang pagtrato sayo ng papa mo ay dahil ganyan ang ugali mo sa kapatid mo at sa kaniya. Kahit sa akin na wala namang ginagawa sayong masama ay masama ang pagtrato mo. Napakasama ng ugali mo... minsan iniisip ko kung meron ka pa bang puso dahil wala kang awa," giit na dagdag niya sa binata.

Nakita niyang nagdilim ang mukha nito at muling nawalan ng emosyon pero wala na siyang pakialam. Kailangan ng magising ng lalaki sa katotohanan na mali ang ginagawa niya at nagbabaka sakali rin si Verlaine na magbago ang isip nito.

"Pinuno na kasi ng inggit ang puso mo para sa kapatid mo. To the extent na gusto mo siyang saktan. Kung iniisip mo na dahil sa ginagawa mong 'to ay nakaganti ka na sa ama at kapatid mo. Nagkakamali ka! Niloloko mo lang ang sarili mo. Oo nga nakukuha mo nga ang gusto mo pero hindi naman sa tamang paraan at sa huli ikaw lang din ang nagmumukhang kawawa."

Umusbong ang matinding kaba sa dibdib ni Verlaine ng biglang hawakang muli siya ni Jaxxon sa kaniyang baba saka inilapit ang mukha sa kaniya. Lalo na ng magtapat ang mga mata nilang dalawa.

"You have a lethal and delectable mouth, babe, but I'm sorry to tell you that won't work on me," seryosong anito na para bang hindi tinablan sa mga maaanghang na salitang binitawan niya. Binitawan siya ng binata ngunit nanatiling nakatuon sa kaniya ang malamig at walang buhay na mga mata nito. "Magbihis ka, aalis tayo."

Kumunot ang noo ni Verlaine. "Saan tayo pupunta?" hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib na tanong niya sa binata nanatili kasing walang emosyon ang mukha nito. Mukha itong nakakatakot kapag nasa ganitong katayuan. Iwinaksi ni Verlaine ang takot na nararamdaman. Tama lang ang masasakit na salitang binitiwan niya sa lalaki. He deserved it dahil ang sama ng ugali nito.

"We'll have a date."

Tila huminto ang kaniyang mundo sa narinig. "Date?"

"Oo kaya mag-ayos ka na. Aalis tayo after an hour," seryosong anito.

Kumunot ang noo ni Verlaine sa nahimigang pag-uutos sa boses ng lalaki. Marahas niyang ipiniling ang ulo upang ipakita ang disgusto sa ideya ng binata. "Ayokong mag-date kasama mo!"

Ngunit parang wala lang sa binata ang kaniyang pagtanggi bagkus inilapit nito ang bibig sa tainga niya kapagkuwan ay bumulong na naghatid na naman ng ibang sensasyon sa buong katawan niya.

"Sa ayaw at sa gusto mo ay sasama ka sa akin. Kahit pa anong sabihin mo sa akin it doesn't change the fact that you are mine now o baka gusto mo mawala na ng tuluyan ang fiancé mo. Your choice."

Naiwang nakanganga si Verlaine nang talikuran siya ng lalaki. Napasimangot siya sa naging takbo ng kanilang usapan. Kanina lang may nagmamatapang siya, kanina lang ay pakiramdam niya na siya ang nakaangat sa lalaki... na siya na ang amo at ito na ang tuta sa kanilang dalawa, kaya paano bumaliktad ang kanilang sitwasyon? Paanong siya na naman ang parang tuta? Naiyukom ni Verlaine ang kaniyang mga palad. Muling nakaramdam ng inis sa binata.

"Blackmailer!"

RETRIBUTION DOCK

"Ano'ng ginagawa na 'tin dito?" nagtatakang tanong ni Verlaine kay Jaxxon nang huminto sila sa isang building na may nakasulat na 'Retribution Dock' ngunit imbis na sagutin siya ng binata ay bigla na lang itong lumabas sa kotse ng wala man lang sinasabi.

Nang dahil dito ay muli na namang nakaramdam ng inis si Verlaine sa binata. Mula ng makaalis sila sa bahay hanggang sa biyahe patungo ng main land ng mindoro ay hindi man lang siya nito inimik. Ilang beses niya ng sinubukang basagin ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa pero wala... nganga siya. They wasted their two hours in silence.

Napabuntong hininga si Verlaine. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod dito sa loob. Inilibot ni Verlaine ang kaniyang paningin nang makapasok siya. The whole place was big. Hindi niya akalain na may ganitong lugar sa Mindoro... siguro ay kasing laki ito ng manila astrodome kaya lang napakapatay naman ng kulay ng mga dingding.

Plain cream. Ang nakakapagtaka ay parang palaging pinupuntahan ang lugar dahil kanina pa siya may nakakasalubong na mga tao mula sa loob.

"Ano kaya ang gagawin namin dito?" Bagamat hindi alam ni Verlaine kung para saan ang lugar at kung bakit sila naroroon ay sinundan pa rin niya ang binata kahit na galit pa rin siya dito. Ayaw naman niyang magmukmok sa kotse at baka siya ma-suffocate roon.

Nakita niya ang lalaki na dire-diretso lamang sa patungo sa isang silid. Binilisan niya ang paglalakad hanggang sa maabutan ang binata at halos manlaki ang kaniyang mga mata ng makita kung ano ang nasa loob ng silid na pinasukan nila. It was an indoor firing range batay na rin sa mga targets na nakita niya at mga baril na naka display lang sa may table. Lalong nagkaroon ng mga katanungan sa isip ni Verlaine sa kung ano ba talaga ang dahilan ng pagpunta nila sa ganoong lugar.

Verlaine hated the place. Ayaw niya sa mga baril dahil ito ang dahilan ng mga karahasan sa mundo. Ayaw niya sa mga bagay na maaaring makasakit sa ibang tao. Naniniwala siya sa "ahimsa" o non-violence. Nakita niyang may lumapit na isang lalaki kay Jaxxon, may dala itong baril na siyang pinupunasan niya.

"Mr. Buenavista, it's been a long time since the last time I saw you here," anito na may mga ngise sa mga labi.

Sa tingin ni Verlaine mga nasa mid-40 na ang lalaki. Hindi naman sa paghuhusga ni Verlaine ngunit mukhang barumbado ang lalaki, may balbas at medyo mahaba ang buhok. Para ito 'yong mga kontrabidang napapanood niya sa mga pelikula.

"Naging busy lang ako nitong mga nakaraang araw, Manong Tope," sagot naman ni Jaxxon sa lalaki bago isinuot ang malaking headphone na kasama ng mga baril sa lamesa.

Lumukso naman ang kaniyang puso ng biglang ibinaling sa kaniya ng lalaki ang tingin nito.

"Ah may kasama ka pa lang isang magandang binibini... ito oh suotin mo," ani ng lalaki saka siya binigyan ng headset bago muling tumingin kay Jaxxon na hawak ang isang baril na para bang sinusuri ito bago tumingin sa kaniya.

Agad namang sinuot ni Verlaine ang ibinigay sa kaniya habang hindi inaalis ang tingin kay Jaxxon akala niya ay papansinin na siya ng binata o kaya naman ay ipapakilala siya nito ngunit taliwas sa kaniyang inaasahan ibinalik lang nito ang atensyon sa ginagawa. Muli na namang nakaramdam ng inis si Verlaine.

Itinutok ni Jaxxon ang baril sa target saka kinalabit ang gatilyo. Ilan pang sandali ay lumapit ang target na papel sa kanila. Hindi makapaniwalang napatingin si Verlaine kay Jaxxon. Bullseye!

Napapalakpak naman ang lalaking kasama nila. "Wala ka pa ring kupas, Jaxxon. Still the sniper," puri nito kay Jaxxon na siyang nagkibit balikat lang.

Pabalang na inilapag ni Verlaine ang headset sa katabi niyang lamesa. Nagtatakang tiningnan siya ng matandang lalaki at ni Jaxxon ngunit wala pa rin reaksyon si Jaxxon sa kaniyang ginawa kung kaya naman wala ng ibang nagawa pa si Verlaine kun 'di irapan ito saka niya ito tinalikuran. Kung ayaw siyang pansinin ng binate. Fine! Wala siyang paki!

Inis na inis na siya sa lalaki at lalo 'yon nadagdagan sa narinig niya bago siya tuluyang makaalis.

"Susundan mo ba?"

"Hayaan niyo lang siya, Mang Tope."

"Argh! Nakakainis ka talagang damuho ka!" puno ng panggigil na saad ni Verlaine saka itinapon ang nakaambang plato at binato ito sa target niya kung saan nakasulat ang pangalan ng binatang nagpapataas ng kaniyang presyon.

Nang makaalis siya sa firing range kung nasaan ang binata ay natagpuan niya ang stall na ito. Sabi ng bantay na babae dito ay puwede niyang subukan ito dahil epektibo raw ito pampaalis ng inis.

Ang tanging gagawin niya lang ay bumili sa babae ng mga plato na gagamitin niyang pambato sa target which she will admit na talagang epektibo nga dahil nawawala ng paunti-unti ang inis na nararamdaman niya sa bawat bato niya ng mababasaging pinggan. Gumagaan ang kaniyang pakiramdam sa tuwing iniisip niya na si Jaxxon na mismo ang tinatamaan niya ng plato.

Bumalik sa kaniya ang kaniyang sinabi na 'nonviolence'. She likes this idea kaysa nga naman makasakit siya ng ibang tao ay dito na lang niya itututok ang kaniyang inis. Napangiti siya. "Wow! Nakaka-refresh ng pakiramdam naman ito!" nakangiting aniya matapos ibato ang huling plato na binili niya.

"Those hurts!"

Napabaling si Verlaine sa baritong boses na narinig niya sa kaniyang likuran.

"Mukhang matindi ang galit mo kay Jaxxon ah," muling saad ng lalaki.

Tiningnan ito ni Verlaine mula ulo hanggang paa. Matangkad ang lalaki at mukhang intsik dahil sa singkit ng mata nito. Matangos din ang ilong at may mapupulang labi na palaging may ngiti na maaring makapagpahulog ng sinumang babae... a typical prince charming like. Hindi lang 'yon mukhang mayaman rin ang lalaki dahil sa suit attire na suot nito at sa kakaiba nitong accent.

"Done inspecting me?" nakangiseng saad ng lalaki.

Nakaramdam naman ng hiya si Verlaine sa sinabi ng lalaki kaya iniiwas na lamang niya ang kaniyang tingin dito saka akmang aalis nang pigilan siya nito.

"Where are you going?" tanong nito.

Napakagat sa ibabang labi si Verlaine. "Ahm- aalis na ako b-baka kasi h-hinahanap na ako ng kasama ko," nau-utal na ani ni Verlaine. Hindi niya alam kung bakit pero may kakaiba sa lalaki na nakakapagpautal sa kaniya. Maybe his charming presence?

Ipiniling niya ang ulo. Ano bang iniisip mo Verlaine? Ito ang unang pag-uusap namin at hindi ko siya kilala kaya natural lang na mautal ako. Huwag kang mag-overthink.

Nakita naman niya ang pagkunot ng noo ng lalaki. "Hinahanap ka? You're with Jaxxon, right? I saw you arrived with him. Akala ko ba galit ka sa kaniya? Bakit ngayon ay pupuntahan mo siya?" nagtatakang tanong nito na nakapagpasalubong din sa mga kilay ni Verlaine.

"Kilala mo si Jaxxon?"

"Well.. partly. Isa rin siya sa mga regular customer ng facilities na ito. And—" sagot ng lalaki kapagkuwan ay itinuro ang pangalan ni Jaxxon sa target area kaya napatingin din si Verlaine doon. "Hindi lang ikaw nag-iisang babaeng sumulat ng pangalan niya sa lugar na iyan." dagdag nito.

Verlaine snorted. "Hmm... I wonder why?" sarkastikong tanong niya. Sa isip niya ay hindi na kataka-taka ang bagay na 'yon dahil presensiya pa lang ng lalaki ay talagang kainis-inis na. Narinig naman niyang tumawa ang lalaki na nakakuha ng kaniyang atenyon. Wow! What a majestic laugh... Napaka-manly naman ng tawa ng lalaking ito.

"I'm Nathan. Nathan Lee and you are?" nakangiti pa rin ani ng lalaki bago inilahad ang kamay sa kaniya.

"I'm Verlaine. Isla Verlaine Alcantara," pagpapakilala niya matapos tanggapin ang kamay ng lalaki.

"I know..."

"Huh?" litong tanong niya habang nakatingin sa lalaki na kasalukuyang nakangiti sa kaniya ng pagkatamis-tamis.

"I said I know you. I saw your name in the register counter, under Jaxxon's name."

Sasagot na sana siya sa lalaki ng marinig niya ang pamilyar na baritonong boses na tumawag sa kaniyang pangalan. Parehas nilang binalingan ang ubod na seryosong si Jaxxon.

"Where have you been? Come on... aalis na tayo," seryosong anito kapagkuwan ay hinila siya palayo. Ni hindi man lang nito pinagtuunan ng pansin ang kasama niyang lalaki.

"Nice to meet you, Miss Verlaine."

Rinig niyang ani ng lalaki kung kaya nginitian niya na lang ito bilang isang paumanhin na rin sa inakto ni Jaxxon dito. Nang tuluyang makalabas sa lugar ay marahas na hinila ni Verlaine ang braso mula sa pagkakahawak ni Jaxxon.

"Napakawalang modo mo talaga!" inis na turan niya sa binata.

"At ikaw ano'ng tingin mo ang ginagawa mo. You're acting as if you really love the worthless brother of mine tapos makikita ko nakikipaglandian ka sa ibang lalaki?" may galit na saad ng lalaki na nakapagpanting sa tainga niya.

She had enough. Tinalikuran niya ang lalaki. "Uuwi na ako," malamig na turan niya kay Jaxxon dahil napapagod na siyang makipagtalo pa rito. Mas para sa kaniyang well being ang umuwi na lang kahit na pansamantala.

"No, you're not going anywhere. Hindi pa tapos ang araw," pigil na saad ni Jaxxon samantalang hawak ng mahigpit sa braso niya.

"Tapos ano? Gagawin mo na naman ang ginawa mo sa akin kanina? Ipaparamdam mo sa akin na parang hindi mo ako kasama tapos magagalit ka kung magkaroon ako ng company? Eh kung ganito rin naman pala dapat iniwan mo na lang ako hindi ba? Tapos sasabihan mo pa akong malandi! Siraulo ka pala! Diyan ka na!" sigaw niya rito ngunit sa ikalawang pagkakataon ay pinigilan siya nito gamit ang mga mainit na mga braso na siya nitong ipinulupot sa kaniyang baywang at ang mainit na mga labi na nakalapat sa kaniyang labi.

"I'm sorry..."

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
18.8K 886 33
Maria Juanna Santistevan Lanciego that name I thought that was me buong akala ko ako iyon hindi pala marami palang nakatago sa likod ng totoo kong pa...
151K 2.4K 28
Two different people, who attest their unconditional love to each other.
135K 5K 48
Isla Montellano Series #3 'Isang babaeng nagkukubli buhat sa madilim at masamang nakaraan at isang lalaking nakatali sa isang pag-ibig na masisira da...