Forbidden Fire - COMPLETED (R...

Galing kay JhasStories

10K 292 3

Verlaine promised to do anything for her fiancé and wait for him until he woke up. Yet, everything changed wh... Higit pa

**✿❀❀✿**
Disclaimer
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
Author's Note
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
Author's Note
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
Author's Note
CHAPTER THIRTY-THREE
Author's Note
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN (PART 1)
CHAPTER THIRTY-SEVEN (PART 2)
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER THIRTY-NINE (Part 2)
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY (Part Two)
Author's Note

CHAPTER ELEVEN

198 4 0
Galing kay JhasStories

Naalimpungatan mula sa pagkakahimbing si Jaxxon nang biglang kumirot ang kaniyang ulo. Inilagay niya ang kamay sa kaniyang ulo kapagkuwan ay hinilot ang kaniyang sintido.

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang sumalubong sa pagmulat ng kaniyang mga mata ang puting kisame. Muli siyang napapikit nang muling sumidhi sakit sa kaniyang ulo. I must admit that I went too far from my drinking limit to the point of passing out.

He groaned as he got up from lying down. Tiningnan niya ang relo sa kaniyang pulsuhan. It's past 7 in the evening. Napadako ang kaniyang tingin sa hospital bed na katapat ng sofa kung saan siya nakahiga.

Naglakad siya palapit sa hospital bed sabay yukom ng kaniyang mga kamao habang nakatingin sa kaniyang nakakabatang kapatid na nahihimlay sa kama ng hospital. People say that the bond between siblings born on the same day is much stronger than the bond between siblings born separately, but this isn't always true... at least not for him and his twin. That bond vanished a very long time ago. He felt nothing but hatred.

He despises the peace visible on his face, as if he is happy from dreaming. They both knew that he deserved more than what he got. He deserves to be punished severely for all of what he did in the past.

"Don't you think you're being unfair? Porque galit ka sa kakambal mo ay magagalit ka na sa mga mahal niya o pinapahalagahan niya?"

"Ano ba ang nagawa ni Clayton sa'yo? Napakabait ng kapatid mo kaya bakit ka magagalit ng ganiyan sa kaniya?"

Nais masuka ni Jaxxon sa sinabi ng babae patungkol sa kaniyang kapatid. It only proves that she would marry someone she didn't even know well. Mabait? Yeah right!

"You are really serious about what you are doing right now, Jax? Hindi kaya pagsisihan mo lang sa huli ito?"

He remembered what Simone said before they parted ways the night she accompanied him on his flight going back to where he came from, then swiftly gritted his teeth. after what I've been through. Of course not. Especially now. I won't regret everything that's going to happen.

Napatingin si Jaxxon sa isang papel na nakapatong sa aparador kung saan nakapatong ang isang vase. Kinuha niya 'yon at binasa.

Jaxxon,

Alam kong may hindi tayo na pagkakaunawaan na dalawa pero pakiusap kapag nabasa mo ito sana ay bantayan mo muna si Clayton. Lumabas lang ako ng sandali dahil may kailangan akong asikasuhin. Please Jaxxon... huwag kang magtitiwala sa iba lalo na kung may gagawin ito sa kapatid mo. Tanging si Nurse Ivan at Doctor Nelson ang tumitingin kay Clayton.

Verlaine.

p.s. Mag-iingat ka rin.

He scoffed after he read the letter pagkatapos ay ginumos niya 'yon saka napadako ang kaniyang tingin sa bulaklak na nakalagay sa basurahan hindi kalayuan sa kaniyang kinatatayuan. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. What's these? Bakit nasa basurahan? Tsk. What a waste!

Akmang kukunin na sana niya ang mga pulang rosas sa basurahan nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Nagusot ang kaniyang mukha nang makita ang numero ng ng isa sa mga inutusan niyang tauhan upang gawin ang isang misyon. Sinagot niya ito.

Agad na namilog ang kaniyang mga mata nang sagutin ang tawag. Pakiramdam niya rin ay nawala ang kaniyang iniindang sakit sa mga sinabi nito. Nagmamadali niyang kinuha ang kaniyang jacket at saka tumakbo palabas ng hospital. Nang makasakay siya sa kaniyang sasakyan ay agad niya itong pinasibad ng mabilis patungo sa lokasyon na sinabi sa kaniya.

Muling sumagi sa kaniyang isipan ang nangyari dalawang araw na ang nakalilipas. Nang papasukin siya ni Verlaine sa apartment na tinutuluyan nito. Nakakita siyang iilang malilit na bilog na siyang mahinang kumikislap.

Napansin niya rin ang ilang mga sira malapit sa door knob ng apartment ng dalaga na para bang may kung sino'ng nagbubukas no'n gamit ang isang matalas na metal. Lumakas ang kutob niyang may kung ano ang nangyayari nang tanungin niya ang babae kung may kinabit ba itong security camera o alarm sa lugar na 'yon that's why he immediately took actions to investigate.

Naiyukom ni Jaxxon ang kaniyang kamao. Nagngitngit din ang kaniyang panga sa galit. I thought he's just a stalker. Sh*t! I underestimated what he could do. I should have known. Lalo pa at nakapag-install na nga ito ng cameras sa labas ng bahay ni Verlaine. That d*mn bastard!

He let out a small chuckle. Tama nga ang kaniyang desisyon na pasundan ang babae sa kaniyang mga tauhan kahit saan man ito magpunta lalo pa nang malaman niya ang ginawang vandalism ng bastardong 'yon sa tinutuluyan ng babae. Ang lakas ng loob niya!

Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na siya sa sinabing lokasyon. Nandilim ang kaniyang mukha nang makitang sa tabi ito ng tulay kung saan walang ilaw at walang CCTV cameras.

Inihinto niya ang kaniyang kotse malapit sa isang sasakyan ng kaniyang tauhan saka siya lumabas. Agad niyang nakita ang isang lalaking nakatali ang dalawang kamay sa likod nito habang nakahiga sa batuhang lupa. Sa tabi naman nito ay ang kaniyang dalawang tauhan.

"Sir," pagbati ng isa sa kaniyang tauhan sabay yuko bilang pagbibigay galang sa kaniya.

"Nasaan si Verlaine?" seryosong tanong niya. Sinundan ni Jaxxon ang hintuturo ng kaniyang tauhan. Nakita niya ang ulo ng babae na nakadantay sa bintana ng isa pang kotse na nasa lugar.

"We're sorry, sir. Hindi na po kami nakatawag sa 'yo to report. Hindi na po namin nahintay ang order niyo nang simulan ng target ang masama nitong balak," paliwanag ng tauhan.

Tila nabingi si Jaxxon sa kaniyang narinig sa huling ni-report nito. "Ano ang sabi mo? Ano'ng masamang balak?" buong diin na tanong niya sabay tingin sa kasalukuyang duguang mukha ng lalaking stalker na wala pa rin malay.

Nagkatinginan ng saglit ang kaniyang dalawang tauhan. Sabay ang mga ito na tumikhim. "Nang sumingit po kami ay nakapatong na po ang target kay Miss—"

Hindi na natapos pa ng tauhan ni Jaxxon ang sasabihin nang bigla na lang nitong sinipa ang duguang lalaki na nakapagpadaing dito na naulit pa ng mga sampung beses.

Hindi umimik ang dalawang tauhan niya dahil na rin sa alab na makikita sa mga mata ni Jaxxon. Nang maramdaman ang satisfaction sa kaniyang ginawa ay madilim pa rin ang kaniyang mukhang hinarap niya ang mga tauhan.

"Kayo na ang bahala sa lalaking 'yan. Make sure he won't be able to see the light again," utos niya. Nang akmang tatalikuran na niya ang mga ito ay pinigilan naman siya ng tauhan.

"May kaunti po problema, sir. Natagpuan po namin ang isang bukas na bote sa loob ng kotse ng target. It contains an aphrodisiac, which we suspected na nainom ito ni Miss Verlaine."

Mas lalong naiyukom ni Jaxxon ang kaniyang mga kamao. Of course! That bastard will do such thing to get what he wants.

Madilim na tiningnan niyang muli ang walang malay na lalaki. "Ako na ang bahala kay Verlaine. Basta siguraduhin niyo lang na malinis ang pagtrabaho niyo sa tarantadong 'yan." After what he attempted to do... he doesn't deserve to be alive.

Nang marating niya ang kinalulugaran ng babae ay agad niyang napansin ang pamumula ng mukha ng nito. Dumako ang kaniyang tingin sa suot nitong itim na jacket. Napatiim bagang siya nang makita na tanging undergarment na lang nito ay ang suot paitaas.

Inaayos niya ang pagkakabalot ng jacket sa katawan nito pagkatapos ay buong ingat na binuhat. Nang hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa. Mahigpit itong pumulupot sa kaniyang leeg. A tear drops from her right eye.

"Huwag mo akong iwan please."

"Kayo na ang bahala sa lalaking 'yan. Make sure he won't be able to see the light again." Huh? Sino ang nagsasalita. Bakit pakiramdam ko ay kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na 'yon?

Napatakip si Verlaine sa kaniyang mga mata nang may bigla na lang lumiwanag sa kaniyang harapan. Sinubukan ni Verlaine na unting-unting imulat ang kaniyang mga mata.

Sumalubong ang isang pamilyar na bulto ng lalaki sa kaniyang harapan. Hindi siya nakagalaw agad nang makita ang mismong nobyo ang nasa kaniyang harapan.

"C-Clayton." Verlaine reached for her fiancé's face. "Clayton... ikaw nga mahal ko."

Sinubukan ni Verlaine na yakapin ang lalaking nasa harapan ngunit bigla na lang itong naglaho kasabay ang pagbalot sa kaniya ng matinding kadiliman. "Clayton, huwag mo akong iwan please!"

"Verlaine."

Napalingon si Verlaine sa kaniyang likuran nang marinig niya ang isang boses mula sa kawalan. "Verlaine, wake up! Wake up please!" muling saad ng boses. This time it was filled by sadness and worries.

Unti-unting nagising si Verlaine dahil sa mahihinang pagpitik sa kaniyang pisngi. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang makita ang gusot na mukha ni Jaxxon ilang pulgada ang layo sa kaniya. Namilog ang kaniyang mga mata kapagkuwan ay itinulak niya ang binata palayo sa kaniya.

"Ano'ng ginagawa mo?" nalilitong tanong niya kapagkuwan ay bumalik sa kaniyang alaala ang mga nangyari bago siya nawalan ng malay. Iyong masamang lalaki!

Muli niyang binalingan ng tingin ang binata na kasalukuyang nakatingin sa kaniya ng seryoso. Inilibot niya ang kaniyang tingin nang mapansin na nasa apartment niya silang dalawa ng binata. Kita niya rin mula sa bintana ng kaniyang apartment na maliwanag na sa labas. Pero paanong kasama ko na siya ngayon samantalang ang huli kong naaalala ay ang nangyari sa kotse ng walang hiyang lalaki.

Ibinalot ni Verlaine ang kaniyang kumot sa kaniyang katawan at pagkatapos ay pinakiramdaman ang kaniyang sariling katawan. Dinama niya kung may kung ano'ng masakit ba sa kaniya.

Agad siyang nakahinga ng maluwag nang wala naman siyang naramdaman na kakaiba. Ibig sabihin may possibility na hindi naituloy ng manyak na 'yon ang binabalak niya sa akin?

Napatingin siyang muli ng matiim kay Jaxxon na nanatiling hindi makatingin sa kaniya.

"You don't have to worry about that bastard who attempted to— Jaxxon looked away and cleared his throat. "—taint your dignity. He was well taken care of."

Binigyan niya ng nagtatakang mga tingin ang kapatid ng kaniyang nobyo. "Ano'ng ibig mong sabihin? At saka ano'ng ginagawa mo rito?"

Jaxxon heaved as sigh. "Muntik ka nang mapahamak dahil sa katigasan ng ulo mo. I already told you to install securities here yet... your thick head won't just listen. To think na nagsimula nang kumilos ang gusting manakit sa 'yo. You already saw his message at your door pero pinagsawalang bahala mo lang. Alam mo na may kung sino ang nagbabalak ng masama sa 'yo pero lumakad ka pa rin ng nag-iisa at nagpaabot ka pa ng dilim sa daan. Higit sa lahat tumanggap ka pa ng bagay mula sa hindi mo kakilala. Wala ka na ba talagang sense of danger sa katawan mo?"

Nakagat na lang ni Verlaine ang kaniyang ibabang labi sa sunod sunod na singhal ng binata sa kaniya. Inaamin niya na kasalanan niya ang muntik nang mangyari sa kaniya Sabi niya ay mag-iingat siya pero nangyari pa rin 'yon sa kaniya. Dahil sa sariling katangahan ay siya rin ang naglagay sa kaniyang sarili sa panganib. Verlaine's face crumpled.

"Eh akala ko it was you who did those writings," bulong na saad ni Verlaine ngunit hindi 'yon nakalagpas sa pandinig ng lalaki.

"What? Why would I do such a thing?" Jaxxon asked in outburst. Kulang na lang ay patayin siya nito sa tingin.

"I don't know maybe to teach me a lesson? Pero teka nga? Paano mo nalaman 'yong mga mensahe na nasa pintuan ng apartment ko pati na rin 'yung lokasyon ko kanina? Kung makapagsabi ka ay parang alam mo na ang lahat bago pa mangyari? At saka ano ang ibig mong sabihin na huwag na akong mag-alala dahil well taken care na ang lahat?" nagtataka niyang tanong.

Natigilan sandali si Jaxxon kapagkuwan ay nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Well, the first time I went to your apartment, I saw signs that someone was planning to do something to you. That's why I ordered some of my men to guard you 24/7 and report everything you do," paliwanag nito na siyang nakapagpangiwi sa kaniya. Eh 'di ba gawain din ng isang stalker ang ginawa niyang pagbabantay sa akin?

Nais niyang sabihin 'yon ngunit pinigilan niya ang sarili at patuloy na lang nakinig sa kuwento nito.

"They sent me pictures ng mga ginawa ng lalaking 'yon so I made a background check of him. Isa siyang kriminal, Verlaine! You shouldn't accept anything from a criminal. Siya ang hinahanap na wanted sa TV days ago. Ang pumatay sa taxi driver at nagnakaw ng taxi. You should've been careful. Learn to admit that you can't do everything. Accept that sometimes you need help too."

Pakiramdam ni Verlaine ay nanigas ang kaniyang buong katawan sa kaniyang mga nalaman. She can't belive na ang mamamatay tao na nabalitaan niya lang kamakailan ay nakasama na niya.

"Makakulong naman na siya ngayon, right? Iyong guy... dinala mo naman siya sa presinto para mapagbayaran ang mga nagawa niya 'di ba?" tanong ni Verlaine habang pinagmamasdan ang reaksyon ng binata.

"Kayo na ang bahala sa lalaking 'yan. Make sure he won't be able to see the light again."

Kinilabutan siya nang maalala niya ang mga katagang sinabi nito sa kaniyang panaginip. He won't put justice in his own hands, right? For what? For me? I mean ano'ng rason niya?

At hindi ba galing na rin sa bibig nito na kinamumuhian nito ang lahat ng mahalaga sa kapatid nito? Including her? Tama. Hindi naman siguro. I could just be mixing up which things are true and which are not in my head.

"Huwag mo nang isipin ang tarantadong 'yon. Kung nasaan man siya ay derserve niya dahil sa ginawa niya sa 'yo."

Tumayo si Jaxxon mula sa pagkakaupo nito sa kaniyang kama kapagkuwan ay naglakad patungo sa pintuan ng kaniyang silid. "Fix yourself. Nagluto na rin ako ng almusal so after you're done, just go into your kitchen.," dagdag nito.

Lalabas na sana ito ng silid nang tawagin niya ang pangalan nito. Jaxxon turns around with a stern face. Verlaine automatically bit her lower lips because she felt uncomfortable by just the way he looks at her.

Iniyuko niya ang kaniyang mukha upang hindi makita ang mga mata nito. "Thank you for looking out for me, kahit na sinabi mo na kinamumuhian mo ako."

There were minutes of silence between them until Jaxxon broke the ice by clearing his throat. Jaxxon was flushed and staring at the wall, as if he was strangely interested in something on it.

"Don't mention it and please be hurry." Jaxxon's face suddenly became poker when he turns to her. "Aren't you going to visit that moron in the hospital?" he asked, turning his back and leaving her jaw dropped.

Ilang beses na napakurap si Verlaine sa salitang ginamit nito para tawagin ang kapatid. Wait! Did he just call Clayton a moron?

She scoffed. What an arrogant sibling!

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

10.6K 88 77
Evah Vrenda Leris the smart and conservative secretary of Mr.Frank Montes Evah is a Dedicated woman to her work pero paano kung isang araw ay humi...
41.8K 1.4K 56
Mirkov Thalassa. A well-sought bachelor and one of the most richest businessmen all over the world. Greek... and definitely scoundrel. Especially his...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...