A Gangster is a REAL long los...

AJ-TheRisingPrincess द्वारा

311K 6.2K 253

Nagsimula ang lahat simula pa sa kanyang ina. Na naging mandirigma sa Confusa noon. Wala siyang alam tungkol... अधिक

Edited Prologue
A Gangster is a REAL long lost Princess
Official Characters
Chapter 1 - Confusa's Angel
INFORMATION OF RANKS
Chapter 2 - The Crown Prince
Chapter 3 - ON THE BOARD
Chapter 4 - WARNING
Chapter 5 - Enemy, incident and stuck
Chapter 6 - Confusa's Angel and Confusa's Prince in one Island part 1
Chapter 7 - Confusa's Angel and Confusa's Prince in one Island part 2
Author's note
A/N Special
Chapter 8 - King's thought
Chapter 9 - The letter's message
Chapter 10 - Incendia part 1
Chapter 11 - Incendia part 2
Chapter 12 - Worried
Chapter 13 - The special message
Chapter 14 - WHAT?????
Chapter 15 - Silver
Chapter 16 - Puzzle Piece of the old Scarlet Gang
Chapter 17 - The Gold is back!
A/N Special Information
Chapter 18 - Confusa's Angel is Back!
Chapter 19 - Conversation
Chapter 20 - Death Penalty
Chapter 21 - New Assignment
Chapter 22 - The Confusa's Queen
Chapter 23 - Love Sick
Chapter 25 - Discovery
Chapter 26 - Trip to your heart
Chapter 27 - Sweet Training
Chapter 28 - Arrival of Scarlet in the land of Confusa
Chapter 29 - Last Plan
Chapter 30 - The last mission
Special Information
Chapter 31 - Panem
Chapter 32 - Return in Incendia
Chapter 33 - I need a father
Chapter 34 - Cognitio
Chapter 35 - Message
Chapter 36 - Rescue Plan for Hannah
Chapter 37 - Trip to Confusa
Chapter 38 - Gail in Confusa Part one
Chapter 39 - Gail in Confusa Part Two {Blame}
Chapter 40 - Gail in Confusa Part Three {Discover and Memory of Past}
Chapter 41 - Gail in Confusa Part Four {Dream back of the past}
Chapter 42 - Gail in Confusa Part Five {Mission success!}
Chapter 43 - Gail in Confusa Part Six {Gail meets Matheus!} {Father's Instinct}
Chapter 44 - Gail in Confusa Part Seven {Father X Daughter Moment}
Chapter 45 - Gail in Confusa Part Eight {Gail meets Matteo}
Chapter 46 - Gail in Confusa Part Nine {He is a Prince. She is a Friend.}
Chapter 47 - Gail in Confusa Part Ten {Triangle}
Chapter 48 - Gail in Confusa Part Eleven {Heart in Music}
Chapter 49 - Gail in Confusa Part Twelve {My Heart Will Go On to Love You}
Chapter 50 - Gail in Confusa Part Thirteen {Book of history}
Chapter 51 - Gail in Confusa Part 14 {sErIOUs tAlk}
Chapter 52 - Gail in Confusa Part 15 {Suspecious}
Chapter 53 - Gail in Confusa Part 16 {ValCas}
Chapter 54 - Gail in Confusa Part 17 {Confession}
Chapter 55 - Gail in Confusa Part 18 {Think}
Chapter 56 - Gail in Confusa Part 19 {Talk Talk Talk}
Chapter 57 - Gail in Confusa Part 20 {Other Son and Confession}
Chapter 58 - Gail in Confusa Part 21 {In the Name of Father and Daughter}
Chapter 59 - Gail in Confusa Part 22 {GaiDen}
Chapter 60 - Miles in Cognitio {Insert Side Story}
Chapter 61 - Encounter of a Teacher and a Mother
Chapter 62 - Gail in Confusa Part 23 {Moment}
Chapter 63 - Gail in Confusa Part 24 {The Sun's Lovers}
Chapter 64 - Gail in Confusa Part 25 {Operation: Come Back Home}
Chapter 65 - Gail in Confusa Part 26 {Mistake}
Chapter 66 - Gail in Confusa Part 27 {Queen} {Big Question}
Chapter 67 - Gail in Confusa Part 28 {I have a dream forever with you, Chichi}
Chapter 68 - Gail in Confusa Part 29 {The Queen Mother and the lost Princess}
Chapter 69 - Gail in Confusa Part 30 {Medication}
Chapter 70 - Gail in Confusa Part 31 {Incoming Allies}
Chapter 71 - Gail in Confusa Part 32 {All Of Me}
Chapter 72 - Gail in Confusa Part 33 {Eight Person}
Chapter 73 - Gail in Confusa Part 34 {LOVE is in the air!}
Chapter 74 - Gail in Confusa Part 35 {I Can't Imagine Myself Without You}
Chapter 75 - Message of return
Miss Violet Message
CURRENT BOOKS
Mass Edit Notice!!!
Mass Edit Complete

Chapter 24 - Golden Action

3.3K 83 0
AJ-TheRisingPrincess द्वारा


Camille Angel Smith's Point of View


Kakadala lamang ng mga iba't ibang halamang gamot at iba pang gamot sa akin kaya agad ko na itong sinuri. Mabuti na lamang at kompleto ang lahat ng aking kakailanganin kaya hindi na ako mahihirapan pang gawin ang gamot para kay Luke.


After 3 hours...


Pawis na pawis na ako subalit hindi pa rin ako tumitigil sa paggawa ng gamot para kay Luke. Kakailanganin ko na din kasi agad itong matapos at baka mamaya'y ano pa ang mangyari sa kanya. Sa ngayon ay hindi ko pa nalalaman kung anong uri ng lagnat ang meron siya pero alam ko kung papaano gagamutin ang ganitong klaseng karamdaman. Mabuti na lamang talaga at naituro pa lahat ng aking ama ang kanyang lahat na nalalaman sa larangan ng paggagamot.


Camille: *Sabay bukas*


Matapos kong makita ang gawa kong gamot ay alam kong nakahanda na ito kaya agad ko na itong inayos na.


Fast Forward...


Agad na akong pumasok dala ang gamot at ako'y hindi na nagulat pa ng nakita ko ang Haring Carlos at Reyna Amelia. Ang lahat ng kanilang mga tagalingkod ay naiwan na nagbabantay sa labas. Si Reyna Amelia ay nakatulog na sa kakabantay kay Luke sa mga bisig ng Haring Carlos. Upang hindi na siya magising ay minabuti ko na lamang na huwag gumawa ng kahit anong ingay.


Carlos: You know what to do in this kind of situation, Princess Camille?

Camille: Yes, I fairly know what to do, Your Majesty.

Carlos: Why I'm no longer surprise?

Camille: It is because Your Majesty knows that my late Royal Father have trained me and for all these years, it turns to be a thing that I always do, Your Majesty.


Natahimik naman kaming dalawa habang hinahanda ko lamang ang gamot. Pinili ko na lamang din manahimik dahil hindi ko na alam ang aking sasabihin hanggang sa nagsalita ulit siya. Sa katunayan lamang ay wala akong balak na magsalita sa mga oras na ito pero dahil siya ang kausap ko, alam ko kahit kanino man na kailangan kong magseryoso.


Carlos: By any chance, are you already aware what happened to the Crown Prince while you are away from the palace, Princess Camille.

Camille: *Nods* The servants told me about the circumstances.


Ngayon hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kay Luke. Alam naman namin parehas ng Haring Carlos kung ano ang maaring mangyari sa iilang sandali na lamang. Napapangiti na lamang ako ng mapait dahil ito pa lamang ang magta-tatlong araw buhat ng aking pagbalik dito sa palasyo pero ganito na katindi ang mga pangyayari.


Carlos: Camille.

Camille: What would happen to Luke by the time that I have to leave Confusa for a longer time, Your Majesty? On top of it, he'll be thinking that I'm totally gone. Will this occur again?

Carlos: Yes, this shall occur again.

Camille: Why will it happen?

Carlos: Don't fool around. Even though I won't answer your question, you already know the answer... Princess Camille.


Agad akong napaisip sa kanyang sinabi at hindi ko na kailangan pa mag-isip ng malalim para hindi malaman ang mga kasagutan ko sa aking sariling katanungan.


Camille: He loves me and that'll be the reason for the same situation to occur.

Carlos: Let me ask you a question.

Camille: Your Majesty, please.

Carlos: Do you feel the same as my son feels?


This must be the first time that King Carlos calls Luke like this so dearly. Even though I have confesses everything to Queen Amelia, it'll be different with King Carlos's perspective.


Camille: What if I confirm your hunches, Your Majesty? What will you do to me?


Mahabang katahimikan ang napagitan sa amin at sa tingin ko'y iniisip din niya ang aking sinasabi. Alam kong sa mga oras na ito'y tinitingbang na niya ang kanyang sasabihin sa akin na para bang takot siya sa magiging resulta ng kanyang sasabihin. Naiintindihan ko ang kanyang iniisip sa ngayon dahil pareho lamang kami ng nararamdaman. Takot kami na baka magkakaroon na naman ng panibagong lamat sa pagitan ng aming kaharian. Maituturing man na mas malaki ang Kaharian ng Confusa kaysa sa Kaharian ng Incendia ay hindi rin naman ito magiging madali para sa kanila dahil sa lawak ng aking impluwensiya.


Carlos: I no longer care what will happen, Princess Camille. All I know is I no longer want to risk my son's happiness ever again. Instead, I'll sacrifice what I have in exchange for his happiness.

Camille: If Your Majesty can, then I'm afraid I cannot do the same, Your Majesty.


Alam ko naman na hindi ko makakayanan kasi ngayon pa lamang ay nanganganib ng malaman ng mga kalaban na malaman ang katauhan ng aking anak na si Gail. Sa ngayon, ang Scarlet Gang at Gail lamang ang meroon ako at hindi ko magagawang isakripisyo ang sino man sa kanila. Hindi ako ganoon ka walang puso sa kanila.


Carlos: Why you cannot do the same? Don't you love my son that enough?

Camille: If I am to surrender everything, then the first thing that put on the line is Gail's safety. The thought of it makes me give up my own life, Your Majesty.

Carlos: I see that the myths are true.


Agad din naman napataas ang aking kilay sa aking naririnig mula sa Haring Carlos. Pinili ko lamang na pagsalitaan siya bago ako magsalita.


Carlos: Royal Kingdom of Incendia already have its next successor. I'll take that Gail is your eldest brother's daughter.

Camille: You must have been mistaken, Your Majesty. Gail is not my eldest brother's daughter.

Carlos: If it is not your eldest brother's child, then who is Gail's parents?


Sa tingin ko'y kailangan malaman ng Haring Carlos ang aking sitwasyon subalit nagduda pa rin ako kung sasabihin ko nga ba sa kanya na anak ni Luke si Gail dahil sa aming sitwasyon. Isa pa, nais ko din na si Luke ang una kong mapagsabihan tungkol sa bagay na ito bago ang lahat.


Camille: I am Gail's mother.

Carlos: What? What do you mean by this, Princess Camille? Are you betraying my son?

Camille: Betraying someone is the least thing that I'll do, Your Majesty.

Carlos: Who is the child's father?

Camille: The destined man stated in the prophecy.

Carlos: I'm asking for an exact person, Princess Camille.

Camille: I have already answer Your Majesty's question.

Carlos: Who is that person that you're talking about then?

Camille: Your Majesty already knows who is this person that I'm talking about and I think I have already answer Your Majesty's question.


Matapos kong ihanda ang kanyang gamot ay agad ko na din itong pinainom ng may kaukulang ingat sapagkat ilang oras ko din itong pinaghirapang gawin.


Carlos: You have been playing guessing games with me...*Mumbles* Princess Camille.

Luke: *Wakes up* *Coughs* Angel.

Camille: *Holds Luke's hand* Hush now. *Looks at Carlos* Your Majesty needs proper rest. Don't worry about everything for I will take care of everything.

Carlos: I understand. I'll leave everything on your hands, Major General Camille.

Camille: Then, I won't send Your Majesty on the way. I cannot leave him unattended.

Carlos: Fret not.


Tumayo naman ang Haring Carlos habang nilagay nito sa kanyang bisig ang Reyna Amelia. Naiwan naman ako sa tabi ni Luke na nagbabantay sa kanyang tabi.


K I N A B U K A S A N . . .


Matheus Luke Alexander Wang's Point of View


Ako'y nagising na lamang ng napansin ang sinag ng araw. Naalala ko naman na hindi pala bumabalik si Angel at hahanapin ko na sana siya pero bigla naman ako nakaramdam ng mahigpit na paghawak sa aking mga kamay at doon ko na nakiya si Angel. Napayakap naman ako sa kanya ng wala sa oras dahil sa aking nararamdaman na galak.


Angel: *Nagising*


Agad akong napabitaw sa kanya ngayong nagising ko pa siya sa kanyang pagkakatulog.


Angel: Gising ka na pala, Luke. Kamusta na? May dinadamdam ka bang kahit na anong sakit?

Matheus: *Iyak* Ang akala ko'y kung ano na ang nangyari sa iyo. Bakit kasi hindi ka bumalik agad?

Angel: Luke, hindi kita maintindihan. Parang nagkasalubong lamang kami ng Reyna at nag-usap sa ilang sandali pagkatapos magugulat na lamang ako na nagwawala ka na at nilalagnat pa. Mabuti pang umalis na lamang ako.

Matheus: Hindi, dito ka lang sa tabi ko... Please, Angel.


Camille Angel Smith's Point of View


Nang may naramdaman akong dumagan sa akin o mas magandang sabihin na yumakap ay agad na akong nagising at doon ko na nga napansin na nagising na pala siya sa kanyang pagkahaba-habang tulog.


Luke: *Iyak* Ang akala ko'y kung ano na ang nangyari sa iyo. Bakit kasi hindi ka bumalik agad?

Camille: Luke, hindi kita maintindihan. Parang nagkasalubong lamang kami ng Reyna at nag-usap sa ilang sandali pagkatapos magugulat na lamang ako na nagwawala ka na at nilalagnat pa. Mabuti pang umalis na lamang ako.

Luke: Hindi, dito ka lang sa tabi ko... Please, Angel.


Sa totoo lamang ay naiinis ako sa mga sinasabi ni Luke dahil para siyang umaasta na parang bata at ngayon ay hindi pa niya ako hahayaang umalis man lamang. Hindi ko na nga rin matukoy kung nag-iisip pa ba siya o kung ano sa kanyang kalagayan.


Camille: Pwede huwag kang ganyan, Luke? Atsaka babalik lamang ako sandali sa aking tinutuluyan dahil kahapon pa ako dito at hindi pa bumalik man lamang doon.

Luke: Pangako?


Napapabuntong hininga na lamang ako sa aking narinig mula sa kanya. I give up!!! Talagang nag-aaktuhan na talaga siyang bata sa katandaan na iyan.


Camille: Ipinapangako ko... kaya ikaw huwag kang gumawa ng ikakasama sa iyong kalagayan kung hindi ay matatamaan ka sa akin!


Alam kong kulang pa ang salitang gulat ang kanyang naging reaksyon sa aking mga nasabi sa kanya pero hindi ko lamang kasi maiwasan dahil sa kanyang inaakto ngayon sa aming harapan. Hindi ko na nga naisip na may ganito pa lamang siyang pag-uugali. No wonder!!!


Luke: Basta ba bumalik ka agad.

Camille: *Breathes heavily* Oo na nga, hindi ba? Sa ngayon, kailangan mo muna magpagaling para sa kinabukasan ay matuturuan na kita ng kailangan mong matutunan.

Luke: Okay, that I understand.

Camille: You better be, Luke. Or else you will have to see it first hand.

Luke: Oh! Don't worry. I'll follow you this time.

Camille: *Sighs* I'll go ahead.

Luke: Take care on your way.

Camille: You take care and better follow my instructions


Matapos ng aming usapan na iyon ay agad na akong lumabas sa kanyang silid at takaw pansin sa akin ang mga isang tagalingkod na nakatulog na sa kanilang kinalalagyan. Maya-maya pa ay nagsimulang gumalaw ang mga ito na para bang naramdaman nila na may mga matang nakatingin sa kanila. Nang napansin nila ako'y agad nilang inayos ang kanilang mga sarili.


Camille: When I come back, get some rest. Do you understand me?

Servant 3: Yes, General.

Camille: I'm not a General though.

Servant 3: My apologies. I still haven't been so familiar with the palace just yet, so I don't know how to address most people.

Camille: Really? Do I need to introduce myself?

Servant 3: My apologies. *Bows*

Camille: Fret not, I just want you to be cautious at all times. No one knows that someone might punish you for it.


Paalis na ako ng bulwagan ng pigilan niya akong makaalis kaya naman ay hinarap ko na lamang siya uli.


Camille: What is it?

Servant 3: May I know how may I address My Lady properly?

Camille: Just address me like everyone else... Major General Camille.

Servant 3: Major General Camille, you mean---

Camille: What?

Servant 3: Nothing, Major General Camille.

Camille: Since it is the case, I'll take my leave then.


Umalis na ako ng tuluyan sa bulwagan patungo sa aking tinutuluyan at dahil mabilis akong naglakad ay hindi naman nagtagal at nakarating na agad ako. Ang hindi ko lamang inaasahan ay ang makita ang lahat dito at nag-uusapan na para bang wala silang kailangang gawin. Bago pa man nila ako mapansin ay tahimik na lamang akong dumiretso sa aking silid pero ng narinig kong may tumawag sa akin ay napapamura na lamang ako.


Amber: Major General Camille! What is this that we heard that something happened to His Highness?

Ken: Right, we thought that it's a rumor. But after you haven't come back last night proves that something really happened. What's the matter with His Highness, Major General Camille?

Camille: I cannot say anything, but for now, His Highness is taking some rest and is recovering. Now, if the two of you have more questions, then kindly wait for me in the office and we will be talking there.


Bago pa man sila makapalag o kung ano ay agad na akong pumasok sa aking silid. Ginawa ko na ang kailangan kong gawin sa umaga ng matapos na ang lahat ng ito.


Fast Forward...


Nang natapos na ako ay agad na akong lumabas at agad tumungo sa tanggapan. Agad ko din naman silang nakita na nakaupo pero hindi na sila mapakali sa kanilang kinauupuan. Diretso na lamang akong pumasok at walang sinabi tungkol sa aking nakikita dahil masasayang lamang ang aking oras.


Amber: Prinsesa Camille, ano ba kasi ang nangyayari? Hindi na namin ito maiintindihan ni Ken.

Camille: *Raises her eyebrows* *Sits* Paparating na ang ating tunay na misyon dito sa Kaharian ng Confusa kaya naiintindihan ko lamang na kayo'y naguguluhan na sa lahat ng pangyayaring ito.

Ken: Sinasabi ko na nga ba! Talagang tunay ang aking nararamdaman na kutob noong ika'y umalis na lamang sa palasyo ng halos walang paliwanag, Mahal na Prinsesa.


Kung ganoon ay hindi ko na kailangan pang ipa-intindi sa kanila ang lahat-lahat. Ang kailangan na lamang nila ay kumilos ayon sa aking mga utos.


Camille: Kayo'y makikinig sa aking sasabihin.

Amber & Ken: *Tango*

Camille: Kailangan ninyong magpadala ng mensahe sa ating kaharian sapagkat kakailanganin natin ang tulong ng buong Scarlet Gang at dahil sinabi ko ng buo, ang ibig kong sabihin ay kailangan pumunta dito ang lahat ng pinakamalakas na mga miyembro. Nagkakaintindihan ba tayo sa bagay na ito, Amber... Ken?

Amber: Sandali lang, huwag mong sabihin na---

Camille: Tama ang iyong hinala, Amber. Nabuo na ulit ang Scarlet kaya maasahan ng ating mga kalaban na hindi nila tayo mapapatumba gustuhin man nila ito o hindi.


May nilabas naman akong sulat na hindi ko pa naipadala para kay Abigail. Naisulat ko pa ito noong gabi ng pagkadating ko dito sa Confusa. Hindi ko lamang magawa naipadala ito ng mas maaga dahil sa mga pangyayari at hindi pa kasali dito na halos hindi ako nilulubayan ni Luke.


Camille: Isama na din ninyo ang liham na ito na ipadala sa ating kaharian. *Sabay bigay*

Ken: *Tinanggap* *Basa* Sino si Gail?

Camille: Anak ko.

Amber: Ano?!

Ken: *Napatayo* Sino ang ama ng iyong anak?

Camille: Si Matheus.

Amber: *Sabay sigaw*


Napatakip naman kami ng aming mga tenga ni Ken at ng napansin niya ang aming reaksyon ay tinigilan na din niya ang pagsisigaw.


Ken: Papaano nangyari iyon?

Camille: Simple lamang ang kasagutan, Kenneth. Itinakda.


Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin at sa tingin ko'y wala na silang nais pang itanong sa akin at kakailangan ko na din bumalik sapagkat mag-iisang oras na din akong hindi bumabalik doon. Mamaya ano pa ang maisipan ng isang iyon.


Camille: Kung wala na kayong mga katanungan ay aalis na ako. *Tumayo* *Sabay lakad*

Amber: Mahal mo ba siyang talaga, Prinsesa Camille?


Natigilan naman ako sa aking narinig na katanungan ni Amber. Hindi ko inaasahan na hindi pa pala siya naniniwala sa aking sinabi noong huli.


Camille: Oo.

Ken: Mahal ka ba niya?

Camille: *Sabay harap* Oo.

Ken: Paano ka naman nakakasigurado, Prinsesa Camille?

Camille: Hindi ako maglalakas na sabihin ito kung hindi mismo ang Haring Carlos at Reyna Amelia ang nagsabi sa akin, Kenneth.


Iniwan ko na lamang ang dalawa sa loob ng tanggapan ng makaalis na ako. Hindi pa ako nakakalayo sa bulwagan ng napansin ko ang nagkukumpulan na mga doktor. Huminga ako ng malalim habang nakapikit habang nararamdaman kong pinaliligiran nila ako. Ang lakas din ng loob ng mga ito! Kagabi ko pa sila pinagbibigyan ah!


Royal Physician 1: You piece of bit*h!

Royal Physician 2: You are just a mere warrior, not a Royal Physician!

Royal Physician 3: You put shame to everybody! For that, you deserve a punishment, you filthy thing?! How did even your parents educate you?!!!

Camille: *Sabay bukas ng mata*


Talagang ginagalit nila akong lahat!!! Unti-unti ko din nararamdaman na unti-unti na ako nagiging Gold sa kanilang harapan. Pinilit kong pigilin ang aking sarili sa pamamagitan ng pagkontrol sa aking galit.


Camille: *Devilish tone* Are all of you done speaking nonsense things?

Royal Physician 4: We are not done yet, you imbecile!


Nang nagsimula na sila sa kanilang pagbato ng kung ano-ano sa akin ay napapatingin na lamang ako sa lupa habang nagtitimpi. Sunod-sunod ang kanilang pagbato sa akin at kung ano-ano pa ang kanilang dinadala at alam ko sa aking sarili na hindi na dapat ito magtagal dahil habang tumatagal ay hindi ko namakokontrol ang aking sarili. Inisip ko na lamang na pawang mga Confusian sila pero dumating na lamang ang biglaang hindi ko inaasahan na mangyari. 


Luke: Anong ginagawa ninyo?!


Nang ingat ko ang aking ulo ay nakita kong pilit na sinasalo ni Luke ang lahat pero patuloy lamang sila sa pagbato na para bang wala silang nakikita. Hindi ito maari!!! Wala talaga silang pakialam kung sino ang tatamaan nila sa mga oras na ito! Mga doktor pa ba kung ituturing ang mga ito?! Kailanman ay hindi nila naging trabaho ang manakit ng mga tao!


Amber: Camille!


Agad ko naman napansin ang kinatatayuan nina Amber at Ken kaya agad din akong hinawakan ng mahigpit habang kinuha naman ni Ken ang lahat ng mga sandata ko sa aking katawan dahil kakaunti na lamang ay mauubos na ang aking pasensya.


Camille: Wooden Sword.

Ken: Camille, kailangan mong pigilin ang iyong nararamdaman.

Camille: Kenneth!!! Ibigay ninyo ang aking hinihingi kung hindi kayo ang aking pagbabalingan!!!!!


Mabilis din naman silang kumilos at ibinigay sa akin ang hinihingi ko. Napansin ko din ang kanilang pagkuha kay Luke upang siya'y hindi madamay.


Amber: Mahal na prinsipe, tayo'y umalis na muna dito.

Luke: Pero si Angel!

Ken: Mahal na Prinsipe, kaya na niya ang kanyang sarili. Nakikiusap lamang kami sa inyo, Mahal na Prinsipe. Kailangan natin makatago dahil masyadong delikado ang lugar na ito para sa iyo!


Napansin ko kung papaano nila hinatak si Luke papunta sa isang sulok. Tama lamang ang kanilang distansya upang sila'y hindi madamay. Nakayuko na lamang ako ulit pero tuloy-tuloy pa rin sila sa kanilang ginagawa at noong inangat ko na lamang ng biglaan ang aking mukha ay napansin ko ang halong gulat at takot sa kanilang mga mata.


Gold: Magbabayad kayong lahat!


Kenneth Evan Phillips's Point of View


Napabuntong hininga na lamang ako sa aming nalalaman kanina lamang. Alam kong sa mga oras na ito'y pareho lamang kaming nakatulala ni Amber pero nagising na lamang kami dahil sa isang sigaw na halos nagpagunaw ng aming kinauupuan.


Hurry up! There is disturbance between Major General Camille and the Royal Physicians!


Napamura na lamang ako sa aking narinig at agad na din kaming nagmadali ni Amber dahil baka mamaya ano na ang nangyari. Hindi pa naman nakokontrol ni Camille ang kanyang sarili kapag siya'y nagagalit. Masamang pangitain ito!!! Mamaya ano pa ang magawa niya bago pa man kami makarating!


Fast Forward...


Pagkadating at pagkadating namin sa lugar ng pinag-awayan nila ay agad din naman niya tiningnan si Amber at dahil alam na namin ang aming gagawin ay agad na din kaming kumilos. Nang nakuha na ang lahat ng mga sandata sa kanyang katawan ay tsaka pa lamang siya nagsasalita.


Camille: Wooden Sword.

Ken: Camille, kailangan mong pigilin ang iyong nararamdaman.

Camille: Kenneth!!! Ibigay ninyo ang aking hinihingi kung hindi kayo ang aking pagbabalingan!!!!!


Halos hindi na ang katauhan ni Camille ang nakakausap namin sa mga oras na ito. Agad ko na lamang din ibinigay ang kanyang hinihingi at doon na namin napansin ang Prinsipe kaya agad kami gumawa ng paraan upang siya'y mailayo sa lugar na ito.


Amber: Mahal na prinsipe, tayo'y umalis na muna dito.

Luke: Pero si Angel!

Ken: Mahal na Prinsipe, kaya na niya ang kanyang sarili. Nakikiusap lamang kami sa inyo, Mahal na Prinsipe. Kailangan natin makatago dahil masyadong delikado ang lugar na ito para sa iyo!


Hindi na namin siya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita pa at dinala na siya sa isang sulok kung saan magiging ligtas kaming tatlo sa mangyayaring kaguluhan na gagawin mismo ni Camille.


Matheus: Bakit ba ninyo ako nilalayo sa kanya?! Bitawan ninyo ako! Pupuntahan ko si Angel ngayon din!!!

Ken: Mahal na Prinsipe!

Matheus: Ano ba?! Bitawan ninyo ako!

Ken: Sa ngayon ay hindi si Camille ang ating nasa harapan.

Matheus: Ano ba ang pinagsasabi ninyo?! Si Angel nga iyan! Papaano hindi siya iyan?!

Gold: Magbabayad kayong lahat!


Doon na namin na saksihan kung papaano sugurin ni Gold ang mga doktor at talagang mapapansin mo na ang bawat palo ay talagang doon ang patama sa masisilan na bahagi ng katawan at kung ang hawak lamang niya ay spada, malamang talagang hindi niya bubuhayin ang kanyang mga kalaban at wala pa ngang limang minuto pero bagsak na ang lahat ng kanyang mga kalaban.


Gold: The next time you'll enter a fight. then I suggest you get to know your enemy first.


Napalingon naman siya sa aming direksyon at alam namin na wala pa sa kalahating porsyento ang pagkakalma sa kanyang sarili pero nagtatakbo na ang Prinsipe Matheus sa kanya. Niyakap siya nito ng napakahigpit at halos hindi na kami nagulat ni Amber na agad siyang huminahon kaya lumapit na kami sa kanilang dalawa.


Matheus: Angel, ayos ka lamang ba? Ano ang ginawa nila sa iyo noong hindi pa ako dumating?

Carlos & Amelia: *Sabay dating*


Agad na din kumalas si Camille noong naramdaman niyang dumadating na ang Haring Carlos at Reyna Amelia.


Camille: Huwag kang mag-alala. Nakikita mo naman na wala akong ni isang galos o masakit sa akin sa kung ano mang bahagi ng aking katawan.

Matheus: Mabuti naman kung ganoon.

Amelia: What is going on here?!


Napalingon naman ang lahat sa kanila at napapayuko na lamang ang lahat maliban na lamang sa Prinsipe Matheus at Camille.


Camille: *Sabay kalas* Your Majesty, I'll need to talk with you.

Matheus: Sama ako, Angel.

Camille: ALONE.


Made: 11/24/2014 ~ 11: 01 - 11: 27 am | 11: 41 - 1: 33 pm

Message: 12/04/2014 ~ 6: 15 - 6: 24 pm

Posted: 12/04/2014 ~ 6: 25 pm

1st Edit: 04/26/ 2015 ~ 3: 02 - 3: 16 pm  

✔ Mass Edit: 01/19/2019 | 01/20/2019

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

255K 9K 39
"I HATE getting FLASHBACKS from THINGS I DON'T WANT to REMEMBER." He said. "But! Memories are timeless treasures of the heart. You can't just forget...
385K 9.7K 52
Lady Katana is a moody hunter who spend her entire life in Japan, but despite of being moody she has a good heart. when she turns 18 she decided to...
188K 6K 72
The war is not yet over. Dahil ang totoo, nag sisimula pa lang ang totoong laban. PS: Book 2 po ito ng The Fire Princess. Bago niyo ito basahin make...
222K 6.2K 47
Siya si Crystal White Granger, ipinanganak na may kapangyarihan, ngunit hindi lang basta bastang kapangyarihan ang meron siya, she has all the powers...