My Absolute Freedom (UNDER RI...

By itzmoons

2K 949 950

[SEASON ONE] "Isang araw, nagising nalang ako sa lugar ng North Korea, bilang empress nila." Most impressive... More

My Absolute Freedom ||Prologue
-Monaxen's Note-
chapter 01
chapter 02
chapter 03
chapter 04
Chapter 05
chapter 06
chapter 07
chapter 08
chapter 09
chapter 10
-Monaxen's Note-
chapter 11
chapter 12
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
chapter 50

chapter 13

47 23 28
By itzmoons

New life.

"Hija? Hija?" Rinig kong turan sa isang hindi pamilyar na boses sabay yugyog sa balikat ko.

Nag-hire na naman kaya ng bagong katulong si lola?

"I wanna sleep. Gimme five more minutes." I said as I groaned in disappointment.

"Hija, bawal matulog dito sa kalsada." Yugyog ulit nito sakin subalit tinatamad talaga ako.

Tsaka--anong kalsada'ng pinagsasabi nito? Pano naging kalsada ang kwarto ko, aber? Si lola talaga, pati mga katulong infected narin sa kasyungahan niya.

"Balakajan." Nasabi ko nalang.

Pero ang totoo, sumasakit ang balikat ko. Lahat ata ng parte ng katawan ko masakit. Pakiramdam ko ang liit ng unan ko tapos ang tigas pa. Ang kapal rin ng kumot ko tapos nakakasilaw pa ang sinag ng araw.

Did someone opened the curtains?

"Hija, ano mang oras ay magsilabasan na yung mga guwardiya't tauhan ng hari upang suriin ang paligid dahil sa ginawang bagong ordinansa ng mga opisyales nito." Ano bang pinagsasabi---

"Inay! Buti naabutan ko kayo. Tayo na po, samahan ko na po kayo sa palengke't may dadaanan rin po ako." Rinig kong boses lalaki!

Anong ginagawa nila sa kwarto ko?!

Agad akong bumalikwas ng bangon kasabay sa pagdilat ng mga mata. Agad lumaki ang mga mata ko dahil sa kahibangan ng mundo!

ANO TO????

NASAAN AKO?!

Ba't ako nasa kalsada? Ba't ako dito natutulog?! Tsaka--tsaka! Taena! Bakit bato ang unan ko?! Wala rin akong kumot! At--at nakasuot pa ako ng hanbok! Makapal na hanbok! Akala ko pa naman kumot!

Mommmyyyyyyy!!!!!

*hinga ng malalim*

Hu-huminahon ka Shacy! H-hu-huminahon ka! Panaginip lang to! Tama, panaginip lang to!

I closed my eyes while chasing the reality. Panaginip lang to. Panaginip lang. "Panaginip lang to." Sana sa pagbilang ko ng tatlo ay nasa totoong buhay na ako. Nasa kwarto na ako.

Isa...

Dalawa...

Tat--

"Nay, kilala niyo po ba 'yan? Ba't siya dito natutulog? Hindi ba't may bagong ordinansa na ipinapatupad ang mga opisiyales?"

Isa isa kong idinilat muli ang mga mata ko at halos mangiyak-iyak ako sa katotohanang nandito parin ako!

"Kaya ko nga siya ginising at baka mahuli. Naku, naku, mga kabataan talaga. Siguro naghahanap na ang mga magulang nito sa kaniya." Para ako ditong lasing na ikot-ikot lang ng ulo ang ginawa upang pagmasdan ang lugar. Kaso, hindi ako pamilyar sa ganitong klaseng lugar!

Pero---pero what if nagbakasyon pala kami dito nina mommy at insan? Tapos lumabas ako kagabi upang ilibang ang sarili. Tapos nakalimutan ko yung daan pauwi sa hotel kaya dito ako ngayon sa kalsada natutulog dahil wala akong bakanteng bahay na mauupahan. Oo! Tama!

W-what if mali ang theory ko?

Hayst! Be positive!

Pansin ko naman ang mga mata sa paligid na kanina pang nakamasid sa akin na prenteng nakaupo, kaya tumayo na ako at ramdam ko pa ang pamamanhid ng katawan ko dahil sa mga bato kaya nagwa-warm up nalang ako.

I heard my bone cracking and as well as my neck, grabi nangangalay rin ang mga binti ko!

Napukaw rin naman agad ang atensyon ko ng mapansing titig na titig  pala sakin ang mag-ina I guess? Tinawag siyang inay eh. Tapos halata pa sa mga mata nila ang gulat at hindi-makapaniwala sa nakita.

"Hija, umuwi kana sa inyo. Hindi biro ang matulog dito sa kalsada ng mag-isa, lalo na't babae ka." Sinserong tugon sa akin ng babaeng halatang may edad na. Concerned citizen si manang.

"I do appreciate your concerns, manang. Thank you." Turan ko ngunit kumurba lang ang mga kilay nila at nagsipag tinginan pa sa isa't isa bago tumingin sa akin ng may pagtataka.

"Nag-aaral ka rin ng Inglis? Ibig sabihin isa ka sa mga scholars na nakapasa? O may dugong pang noble ka talaga?" A-ano raw?

Tila nagniningning ang mga mata ng lalaking to habang sinasabi ang mga katanungang iyon...subalit isa lang ang nasa isip ko...hindi ko alam ang isasagot!

(>_<)

Pa'no nato?

Panaginip lang ba talaga to? Pero bakit pakiramdam ko totoo? Hinahatulan na ba ako ng mundo?

"Nananaginip lang ako diba?" Wala sa sariling usal ko.

"Ppppfffttt! Hahahahahhaah! Anong panaginip ang pinagsasabi mo? Aaahh, alam ko na! Hindi ka komportable sa ganitong lugar no? Hindi kasi pangmayaman. Halata naman kasing mayaman ka, damit mo palang ang gara na kung tignan." Hindi ko alam pero, naiinsulto ako sa sinabi niya. Halata rin ang pagiging sarkastiko sa boses niya.

Inikot ko ang paningin ko upang tignan ang suot ng mga kababaihan, at tama nga siya. Ibang-iba ang sa akin. Ibang-iba ang tela keysa sa kanila. Iba rin ang desinyo. Totoo, ang gara nga kung tignan.

Pero, naiinsulto parin ako. Ganyan ba sila mag-isip? Yung tipong parang may galit at hinagpis sa mga mayayaman.

Eh hindi ko nga alam kung saan ko nakuha tong damit na to eh! Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nandito, except sa teoryang gawa-gawa ko.

Nasaan ba talaga ako?

"Hoy, lumang estilo na yan! Nandito ka ba upang insultuhin kaming mga mahihirap, ha? Hahaha! Nakakatawa ka!" Wala paring pigil na aniya sabay tawa nga malakas ngunit alam kong bakas ang kapekehan!

"Ikaw na bata ka, tumigil ka baka mauupakan kita." Pambabanta pa ng nanay niya ngunit hindi man lang siya natinag rito.

He keeps on laughing and it seems like he doesn't care about those eyes who were secretly staring at us! How could this guy do such scandal in this public scenery?!

"Nay, totoo naman ah. Kaya nga tayo naghihirap dahil sa mga mayayaman. Inalis at binura nila ang sandamakmak na pangarap nating mga mahihirap na pinaghihirapan natin upang makamit iyon at makaahon sa buhay." Bakas na bakas sa boses niya ang galit. Ramdam ko rin ang mainit na tensyon sa kapaligiran.

I clenched my fist as I gritted my teeth. Ano bang problema ng lalaking to sakin? Inaano ko ba siya? Eh hindi nga ako taga rito! Ni hindi ko nga rin sila kilala! I am a fvcking victim here!

"Tama na ' yan. Ikaw Kieno, kung ano-ano nalang ang lumalabas diyan sa bibig mo, ni hindi mo pa nga ina-alam kung saang angkan siya nanggaling! 'Yang bunganga mo talaga!" Pagalit na rin ang boses ng inay niya habang dinuduro siya.

"Eh Nay, halatang-halata na sa mukha niya. Kulay palang ng balat niya, halatang naliligo gamit ang mamahaling sabon." I'm so pissed! Pakiramdam ko any minute puputok na ko.

"Dahan dahan ka sa pagsasalita diyan, Kieno! Hindi kita pinapalaking ganiyan! Nasa'n na yung respeto mo sa mga babae, ha? Paano kapag anak nga siya ng isang mayamang pamilya? Gusto mo na bang mamatay, ha? Kieno?!" Sigaw ng kaniyang ina sabay hablot sa kaniyang tenga, subalit mukhang wala lang sa kaniya. Nananatili ang naiirita niyang expression sa akin.

"Hindi ako natatakot! Ganiyan naman talaga sila ah. Ginagamit ang titulo ng pamilya o di kaya yung yaman upang mapanakit ng kapwa tao! Palibhasa kasi hindi nakaranas ng hirap!" Ang nakakairitang mukha niya kanina'y napalitan ng lungkot. Puno ng sakit at hirap. "Edi sana buhay pa si hyung. Edi sana masaya tayo ngayon." Dama ko yung lungkot na bumabangungot ngayon sa kaniya.

Hyung- older brother in korean.

Somehow, nababawasan ang galit at inis na namumuo sa kaluob-luoban ko. Mas makapal yung rason niya kaya siya nadala sa galit. I understand him.

"Ano?! Natameme ka?! Sabihin mo lang kung keylan mo ako pupugutin ng buhay--"

"Anak, tama na!"

"Handang handa kong ibigay ang sarili kong buhay para sa mga pisting katulad niyo na walang ibang hinahangad kundi kayamanan!"

"Nakakaawa ka." Walang emosyong ani ko na ikinatigil niya.

"Anong sabi mo?!"

"Nakakaawa ka." Pag-uulit ko pa pero this time, nilalabanan ko na ang mga titig niya.

"At talagang inu-ulit mo pa? Ha?! Wala ka ba talagang konsensiya?! Ha?! Ganiyan ba talaga kayong--"

"Alam mong masakit pero pinagsigawan mo pa? Paano nga kapag mayaman ako at balak kong ipapatay lahat ng miyembro ng pamilya mo, kakayanin mo ba?" Tila isang malaking tinik ang bumaon ngayon sa lalamunan niya to think na natameme siya.

Gulat rin ang pumaratay sa mukha ng kaniyang ina't unti-unti naring nanginginig ang mga tuhod niya. Tsk! Scaredy Cat! Ang lakas kung bumanat, hindi naman pala kakayanin kapag ako yung bumanat. Asshole.

"H-hija, ako nalang ang hihingi ng pasensiya sayo dahil sa inasta ng anak ko. Pakiusap--"

"Nay, wag kang humingi ng tawad sa mga taong ganiyan. Lahat sila ay masama ang intensyon sa atin---"

"Pakiusap, hija. Pakiusap." Pagpatuloy pa ng kaniyang ina sabay luhod na ikinabigla ko.

"Nay! Tumayo ka! Hindi uubra 'yang ginawa niyo!" Inis na sigaw niya at pilit na pinapatayo ang nanay niya.

"Pakiusap, hija." Ani ng nanay niya ulit sabay abot sa aking mga kamay. At tila tinutusok ang aking puso ng masilayan ko ang mga butil na luha na pumatak sa lupa mula sa kaniyang mga mata. 

Am I too harsh?

Dang! I felt guilty! Kasalanan to ng anak niyo! Kung hindi lang niya sana ako pinangunahan!

Rinig ko ang naghuhumirintadong boses ni Kieno. Agad naman itong nagmartsa paalis at hindi na tinapunan pa ng tingin ang kaniyang ina. Stupid! Sinong walang konsensiya ngayon?! Sariling nanay hindi tinutulungan! Madapa ka sana!

"Maawa ka sa anak ko, hija. Alam kong responsibilidad ko bilang isang ina ang gabayan sila--"

"Ssshhh. Tama na po." Pagpapatahan ko pa sa kaniya sabay upo upang magkapantay kami. Ngumiti ako sa kaniya as an assurance na okay na. "Ako nga po dapat ang humingi ng pasensiya dahil sa inasal ko, hindi ko po dapat sinabi 'yon. Natakot ko pa po kayo. Naiintindihan ko naman po kung bakit nasabi ng anak niyo ang mga ganoong salita. Siguro masakit lang sa kaniyang parte ang mawalan ng nakakatandang kapatid." Ani ko sabay ngiti. Natural kong ngiti, walang halong peke.

"Salamat, hija. Maraming salamat." Turan niya kaya yinakap ko nalang siya. Ewan ko, basta gusto kong gawin to.

"Tahan na po." Sabi ko at tumayo na.

Tinulungan ko siyang tumayo at pansin ko rin ang mga dala niyang basket. Aahh naalala ko, papunta pa pala siya sa palengke. Dapat siguro nasa bahay na siya, kung hindi lang ako nandito upang guluhin ang araw nila.

"Salamat." Ani niya ulit.

"Kayo naman po. Nakakailang 'salamat' na po kayo, baka lalaki ulo ko niyan." Pagbibiro ko pa dahilan para matawa siya.

"Ikaw talagang bata ka. Pero, salamat dahil napakabusilak mong tao. Pasensiya kana talaga, mahirap kasi ang pinagdaanan namin kaya kami ganito."

"Naintindihan ko naman po kayo. Tsaka, mukhang hindi nga maganda ang ugali ng mga mayayaman dito, base sa mga pananalita ng anak niyo." Ganito rin kaya sa'min? Sa lugar namin? May naaapakan rin kayang mahihirap do'n dahil sa yaman? Sana wala.

"Mukhang hindi ka taga rito, hija. Saan ka ba nakatira't napadpad ka rito?" She said in a smooth tone. Mommy, I miss you.

Pero wait!

"Napansin niyo po?!" Nabuhayan bigla ang mga kalamnan ko, baka siya na yung susi upang makawala ako dito, diba? "Hindi po talaga ako tagarito. Sa Manila po talaga ako nakatira. Sa ibang bansa po--- ba-bakit po?" Agad kong tanong ng bigla siyang nagulat sa sinabi ko.

"Paano ka nakapasok sa ganitong pribadong lugar, kung gano'n? Bihira lang ang mga taong pumarito na nagmula sa ibang bansa, mahigpit ang transaksyon at transportasyon sa lugar na ito, hija. May king sealed kaba kung gano'n?" Seryoso niyang ani. Pero ba't nahihirapan na ako?

"A-ano po yung king sealed?"  I mean, alam ko naman talaga yung ibig sabihin ng king sealed, ang tanong ng isip ko--para saan naman 'yan? Tsaka object ba yan?

"Isa itong papel na gawa sa isang mamahaling kahoy, doon nakalagay ang tinatawag nilang king sealed. Kada tao na hindi kabilang sa populasyon sa lugar na ito ay may gano'n. Isang hudyat na hindi sila tagarito." Paliwanag niya pa.

*lunok

Pano nato? Eh wala ako nun!

Patay talaga ako nito!

Nasan ba kasi ako?!

"Nasaan po ba tayo?" Kating-kati na talaga tong dila ko! Gusto kong itanong lahat-lahat! Kung sino ang hari, sinong mga opisyales ang tinutukoy niya, kung bakit ganoon ang mga mayayaman sa lungsod na to, kung bakit tinanggalan sila ng pangarap. Hindi kaya---may mga saltik rin ang mga tao rito?!

Teka---this country is---oh god! AN ABSOLUTE MONARCHY???

This is totally insane! What am I doing here?! So, I'm literally trapped?! T^T Mommy, Daddy mahal ko po kayo.

"Nasa Hwanghae tayo, hija."

Naalarma naman kaagad ako kung saang country nasakop ang lugar na 'to.

"You mean nasa North Korea ako? Tayo?" Pag kompirma ko pa at tumango naman siya. Taena!!!! So tama nga ang kutob ko! Mahihirapan ako nito!

So, it means those dictators which is referring to mayayaman are cruel?! I hope hindi lahat. Taena! Ang malas ko!

Wala naman akong naalalang ticket papunta rito ah! Wala rin akong flight na nasalamuha this year! Pero kung may flight nga ako parito, edi sana may king sealed akong dala ngayon! Tsaka bakit ngaba sa kalsada ako natutulog?!

I suddenly snap my finger ng may naalala ako. "May mga hotels po ba dito? O mga bahay paupahan?" Tanong ko. Sana tama ang theory ko. Sana nandito sina mommy.

"Wala, hija. Lahat ng mga dayo ay sa palasyo ng hari tumutuloy. Sa ngayon ay wala pang turistang pwede dumalo sa lugar na ito dahil may ordinansang ginagampanan ang mga opisyales. Walang magbabantay." Pakiramdam ko tuloy nawalan ako ng pag-asa. Nakapanlumong isipin. Tagak-balikat at hindi na maipinta ang mukha ko ngayon. Saan nga ba ako lumusot at bakit ako napunta rito?! "Maayos lang ba ang pakiramdam mo hija? Mukhang may tama ka sa ulo." Ani niya sabay check sa ulo ko. Kinakapa niya ito at napahiyaw pa ako sa sakit! Taena! Ba't ako may sugat sa ulo?!

"Naku! Tara na't gagamutin nalang kita sa bahay. Baka lumala 'yan at kung ano pa ang mangyari sayo." Wika niya sabay hablot ng kamay ko at dali dali akong hinatak palayo.

Pero--- "Sa palengke pa po yung punta niyo. Dapat do'n po muna ang una niyong distinasyon--"

"Pwede pa naman akong bumalik mamaya, ang importante magamot'yang sugat mo sa ulo. Baka 'yan ang dahilan kaya hindi mo maalala kung saan ka nakatira." (0_0)

Imposible naman kung may amnesia ako. Eh naalala ko pa nga pangalan ko, mga relatives ko, parents ko.

I have lots of interrogation in my mind until another idea pop up from nowhere!

Dapat malinis ang character ko dito. Walang sasablay. Kapag sasabihin ko ang totoo, baka mapagkamalan pa ako nitong baliw.

Close lahat including airports dito, kaya paano ako nakapasok? Tsaka wala akong king sealed na supot. Walang wala ako ngayon. Mapagkatiwalaan ba ako kapag sabihin ko ang totoo? Hindi!

Taena! Mommmyyyyy huhuhuhuhu!

"Just follow your heart, apo ko. That's your mission."

Tila sa isang iglap ay tumayo lahat ang balahibo ko.

Boses 'yon ni l-lola! Teka! Tama! Naalala ko, kagabi dala-dala ko yung portrait! Tapos pagkatapos nun ay---

"A-aray! Aaahh!" Sigaw ko ng kumirot ang ulo ko sa sakit. Bakit ganito?!

"Hija? Hija? Ayos ka lang ba?! Naku, Kieno! Kieno! Tulungan mo 'ko dali!" Umalingawngaw na sigaw ni manang.

Nawalan ulit ako ng balanse at tila bumibigat ang mga talukap ng mga mata ko. Kumikirot parin ang ulo ko sa sakit. Umiikot ang aking paningin kasabay sa pag lubog nito. Sa huling sandali ay may naramdaman akong bisig na siyang bumuhat sa walang malay kong katawan.

----

"Kumusta po si Sam? Maayos na po ba ang kalagayan niya?" Rinig kong tanong ng kung sino.

Ramdam ko ang kama na gawa sa matigas na bagay. May kumot rin akong napapansin na bumabalot sa buong katawan ko. May kung anong tela rin akong naramdaman na bumabalot sa ulo ko. Yung tipong may head injury ka.

"Bukod sa wala naman siyang sugat sa katawan maliban sa kaniyang tama sa ulo, masasabi kong araw lang ang lalagpas at magiging maayos rin ang lahat. Subalit, hindi ko masasabing hindi siya mawawalan ng memorya dahil malubha rin ang sugat sa ulo ng anak niyong si Sam. Oh pa'no, mauna na muna ako." Halata sa boses nitong matanda na ngunit broskong brosko pa kung magsalita.

"Maraming salamat sa inyong tulong, maestro. Mag-ingat po kayo sa pag-uwi."

I heard the door opened and I can sense that the person they called maestro was already gone.

But the thing is, are they calling me Sam? They even called me anak. Or maybe na misinterpret ko lang. Baka hindi ako 'yon. Assumera talaga.

I tried to move my arms upang hawakan ang ulo ko. Namimilit ako sa sakit habang pinilit ang sarili na umupo mula sa pagkakahiga sa isang kama na gawa sa kahoy.

"Oh, Sam! Naku! Umayos ka, baka sumakit na naman 'yang ulo mo." Sita pa sakin ni Manang. Nasa pamamahay niya yata ako.

But why are they calling me Sam? Wait, I haven't introduce myself yet!

"Bakit Sam ang tawag niyo sakin?" Tila inosenteng tanong ko sa kanila.

Bukod sa kaniya, may kasama siyang may edad narin na lalaki at kung pagmasdan mo'y mukhang asawa niya. Katabi niya rin ang isang cute na babae na mukhang nasa pitong anyos pa.

"Pinalabas nalang namin na anak kita at ikaw si Samantha dahil unang-una, kapag sinabi kong nakita lang kita sa daan baka ikakahamak mo pa iyon, lalo na't sa kalsada ka natutulog. Hindi rin ako mapakali diyan sa sugat mo kaya, pinalabas nalang namin na anak nga kita." Paliwanag pa niya kaya nanahimik nalang ako. May punto rin naman siya.

"Ate, maayos na po ba ang pakiramdam niyo? Gusto niyo po bang kantahan kita para hindi na sasakit yang ulo niyo?" Napatingin naman ako sa batang babae na ngayon ay nasa harapan ko, dala-dala ang kaniyang maliit at sirang gitara. Her voice moved my heart, sa totoo lang. Ang cute pa ng boses niya.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay naging komportable ako. Ngumiti ako sa bata at ginulo ang kaniyang buhok. Pakiramdam ko tuloy nag-iba ako. Ibang-iba ako. Parang kailan lang I act like a little kid, ngayon feeling ko ang tanda ko na.

Pero--

Tangina! Gusto ko nang umuwi eeehhh! Pero paanoooo? Mommmyyyyyyyyyy tulungan niyo koo!! Kasalanan to lahat ni lola ehhh!

"Ahh, hija. Ito nga pala si Kaia, bunsong anak ko, kapatid siya ni Kieno. Ito naman ang asawa kong si Kreno." Pagpapakilala niya pa at nginitian naman nila akong lahat.

"Lubos ko pong ikinagagalak ang mga taong katulad niyo. Salamat po sa tulong niyo hehehe." Honestly, naiilang ako. Hindi kasi ako sanay na makipag-usap sa mga nakakatanda ng ganito. Ang pormal nila masyado. "Di bale gagawa po ako ng paraan upang masuklian ang mga kabutihang--"

"Naku, hija. Hindi mo na kailangang gawin 'yon. Ang importante ay naging mabuti na ang kalagayan mo." Putol pa sakin ni Manong Kreno kaya napakamot nalang ako sa leeg. "Alam mo ba kung saan ka nakatira, hija?" Tanong nito sakin.

Sa Manila po talaga ako. Hindi ko alam kung paano at bakit ako napadpad dito. "Y-yun nga po ang problema, wala a-akong maalala." Pagsisinungaling ko pa. Lord, sorry. Alam ko pong mali pero magmukha po akong baliw kapag nagsasabi ako ng totoo.

"Sabi ko na nga ba. Eh 'yung magulang mo, naalala mo ba, hija? Tsaka paano ka nga pala napunta do 'n sa kalsada at bakit ka do'n natutulog?" Samu't saring tanong ni Manang, at hindi ko namang mapigilang hindi makalagok ng laway. (>_<)

"H-hindi ko po sila matandaan. Hindi ko rin po alam kung bakit ako napunta do'n sa kalsada." Which is true naman. Well, except sa hindi ko matandaan sina mommy at daddy. Presko pa sa isip ko mga pangalan nila, paano ko makakalimutan 'yon?

"Eh kung gano'n, hindi mo rin maalala kung bakit ka nagkaroon ng sugat sa ulo mo, hija?" Yumuko nalang ako at piniling manahimik. Hindi ko rin kasi alam ang sagot. Wala akong alam sa mga nangyari.

_____________________________________________________

A/N: I know maiksi lang, may writer's block kasi ako at na-iintense rin ako kagabi dahil maingay ang kabitbahay namin which is okay naman talaga sa akin dahil nagce-celebrate naman sila ng birthday.

Ako kasi yung tipong walang draft-draft, walang notebooks na mapagsulatan ng ideas, tamad rin kumbaga. On the spot palagi ang ginagawa ko, yung tipong hinahayaan ko lang ang utak ko na gawin lahat at i-type lahat ang naiimagine ko sa story.

Medyo mahirap rin dahil minsan kailangan ko pang basahin ulit yung previous chapter upang malaman at marefresh ang utak ko. Minsan naman mawawala sa isip ko ang mga pangalan ng mga characters pppffftt---sounds insane, right?

Your votes and comments will be my inspiration. <--- send love♥♥♥♥ ヾ(˙❥˙)ノ

_Monaxen_

Continue Reading

You'll Also Like

55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
9.9M 499K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...
335K 13.7K 122
It all started when Princess Catheline married the dangerously attractive and recently crowned King of Anthreal, Xander. After their marriage, he ne...
Malika By laiba

Historical Fiction

735K 55.9K 44
This book is a sequel to Khalifa and cannot be read as a standalone. To avoid spoilers, description and excerpt are added inside the book. ✵ Started:...