Concealed Identity (Completed...

By FantasticBliss03

6.1M 145K 21.8K

" Strip naked in front of me Iza and prove to me you're a man " His voice was cold and raspy. " No " I told... More

Gigs and Iza
Prologue
2 : The Disguise
3 : The Issue
4 : The Game
5 : The Graduation
6 : The Job
7 : The Visitor
8 : The Whisper
9 : The Danger
10 : The Blood
11 : The Break Up
12 : The Call
13 : The Stain
14 : The Foreigner
15 : The Girlfriend
16 : The Bedroom
17 : The Kitchen
18 : The Problem
19 : The Reasons
20 : The Sixty-Nine
21 : The Intruder
22 : The Heartbreak
23 : The Getaway
24 : The Chase
25 : The Boyfriend
26 : The Instincts
27 : The Intuition
28 : The Confirmation
29 : The Repercussions
30 : The Indignation
31 : The Beginning
32 : The Boss
33 : The Stranger
34 : The Jaguar
35 : The Sinners
36 : The Drama
37 : The Family
38 : The Memories
39 : The Forgiveness
40 : The Ending
41 : The Suitor
42 : The Invitation
43 : The Lovemaking
Epilogue

1 : The Identity

217K 4.3K 503
By FantasticBliss03


Nothing's more important than keeping my identity a secret - Iza

-----

Iza

Annual university intramurals ngayon kaya busy ang lahat. The Jaguars are also busy. Halos lahat may ginagawa. Nakakahilo na minsan na madaming tao.

Mabilis akong nagbihis kahit na matagal akong magbihis.

Sadyang matagal akong magbihis dahil sa marami kong kailangang itago. I have to hide my breasts. I have to double my shirt to hide my curve. Pati 'tong matambok kong puwet kailangan ko ding itago. Ang hirap pala magpanggap na bakla. Kahit mag gym ako para magkaroon manlang ako ng muscle ay mukhang walang epekto sa akin. Paano kase, halos once a month ko lang ata ginagawa dahil sa sobrang hectic na schedule sa university.

" Gooo Jaguars!" Ang ingay dito sa loob ng gym. Sobra. Parang wala ka ng ibang marinig kundi tili ng mga babae.

" Miguel marry me!"

" Kiefer date me please!"

" Shannon ako na lang!"

" Kyle please be my boyfriend!"

" Gigs be mine!" Oh god! Hindi ko na kaya 'tong mga babaeng 'to.

" Tskk grabe talaga. Parang ang guguwapo naman nila masyado para pagkaguluhan ng mga babaeng 'to" Kim said. I perfectly agree to that. But I cannot do that. Bakla ako sa paningin nila. I should act as one.

" Girl. Ang guguwapo kaya nila. Tignan mo si papa Miguel, jaw dropping ang hotness niya. Tapos si Kiefer, bra dropping ang handsomeness niya. Si Shannon, ayun oh nakatingin sa 'yo. Si Kyle kahit badtrip na naman atleast guwapo parin." Wika ko kay Kim. Napasimangot siya.

" E si Gigs?" Tanong niya

" Uhm uhm panty-dropping?" What the heck, Iza! Ano bang pinagsasasabi ko sa kaniya.
Pinagtawanan tuloy niya ako.

" Ay bet ko iyan" She said. Ako naman ngayon ang napasimangot sa sinabi niya.

Maslumakas ang hiyawan sa loob ng gym ng maka 3-point shot si Miguel. Talagang ang galing ng lalaking iyun eh basta't nandito si Sabina parang feeling ko talaga gumagaling 'tong si Miguel eh.

Kada 3-point shot ni Miguel napapatingin siya kay Sabina na ngayon ay may katext. Ayun tuloy mukhang badtrip na naman 'tong Zarate na 'to.

" Huy Sab, tigil tigilan mo na nga iyang phone mo at tumingin ka sa court. Badtrip na naman si papa Miguel diyan sa ginagawa mo eh" Shit! Ang landi ko! Kada tawag ko ng papa kay Miguel nasusuka ako. Pero seryoso kase, ni minsan hindi ako nagkagusto sa kahit isa sa mga Jaguar na ito. Isang taon nalang kase, magtatapos na ako. Hindi ko 'to puwedeng sirain lamang dahil umibig ako sa isa sa kanila. I seriously cannot.

Mabilis natapos ang laro. Hindi na kailangang patagalin pa dahil masyado ng malaki ang lamang ng mga Jaguars sa kalaban.

" Huy Ms. Sexy!" Napamura na lamang ako ng marinig ko ang boses ni Gigs. Paalis na sana ako eh. May sasaglitin pa sana ako sa canteen.

Tskk

" Yes Babe!" Sigaw ko pabalik. Oh my gosh! Talagang pinapanindigan ko ang ginagawa ko ngayon sa kaniya.

" Halika picture tayo" Wika niya sabay kindat. Ay landede ng Gigs na 'to ngayon porket nanalo na naman sila.

" Feelingero mo naman Babe! I know you're guwapo pero okay na din sa akin ang konting landi factor" Untag ko sabay lakad palapit sa kaniya. I did the usual. Kapag bakla, wala ng pakipakipot, go na agad, laban na. Now na!

Nang makalapit ako sa kaniya ay agad ko siyang niyakap sa bewang niya. Shempre niyakap ko siya tapos sabay na kaming nagpapicture. Pawis na pawis siya. Kumpara kay Miguel, masasabi kong may laban ang Greggy boy na 'to. Shempre minus that bad boy aura, papasang boyfriend material na 'tong Greggy boy na 'to. Kung si Miguel kase strikto at seryoso ang peg, si Gigs naman ay cool lang pero guwapong guwapo sa sarili na totoo naman talaga.

" Ano, let's hang out later?" Tanong niya. Tsk, shempre gaya ng kinagawian, tuwing panalo ang mga Jaguars, may selebrasyon ang mga ito.

" Sure Greggy boy! Shempre hang out, alangan naman na hang in diba. Pero in fairness puwede din hang in. Gusto mo ba?" Paglalandi ko sa kaniya.

" Yuck kadiri ka Isagani!" Tawang tawa niyang wika sa pangalan ko.

Isagani Delos Santos, iyan ang pangalan na ginagamit ko pero ang tunay kong pangalan ay Melissa Francisco Vallejos.

Alam ko namang mali 'tong ginagawa ko. I am hiding in an identy of a person who is already dead.

Kaibigan ko si Isagani at sabay kaming nagenroll noon sa unibersidad na ito. We both dreamed of entering this university. Sabay kaming nangarap. Sikat kase ang unibersidad na 'to sa buong Pilipinas at kilala ito sa lugar namin kahit sobrang layo ng bayan namin na halos hindi kilala. We live in the farthest barangay in Palawan. Our place was almost considered an isolated area.

Sabay din kaming nag-entrance exam. Nakapasa siya sa entrance exam ako naman ay sadyang hindi pinagpala dahil hindi ako nakuha. Inisip ko na mag-aral nalang sa amin ngunit sa pag-uwi namin ay naaksidente kami. Nabunggo ang sakay naming bus. It was a nightmare to me seeing my bestfriend covered with blood. Siya ang masnasaktan dahil hinarang niya iyung kaniyang sarili sa akin. Luckily, I survived the accident. Halos dalawang buwan akong comatose noon dahil sa accidente. But he didn't survive. Nagising na lamang ako na wala na siya. Ni hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noon. Hindi ko alam kung paano ako makakaahon sa sitwasyon ko noon. Wala akong kakilala. Wala akong malalapitan. Malayo pa ang lugar namin dito sa Maynila. Kaya napagdesisyonan ko 'tong gawin. Alam kong masama pero ginawa ko dahil sa higpit ng patakaran sa unibersidad na 'to.

Isagani wanted to take up accountacy, I wanted to take up law but I guess, my friendship with him is thicker than my own dreams in life. I took up accountancy for him.

Hanggang ngayon Isagani Delos Santos ang alam nilang pangalan ko. No one knows that I am Melissa. Nakakatakot pero tumaya parin ako. Ang buong akala ko noon ay mahihirapan ako sa unibersidad na ito ngunit habang tumatagal ay nakukuha ko na din ang galawan ng mga tao rito. Hanggang sa nakilala ko na sina Sabina. Una kong nakilala noon si Grasha dahil pareho kaming palaging nagtatambay sa library noon. We became friends. Kalaunan ay pinakilala niya ako kila Sabina at Kimberly na pareho ring sobrang sipag mag-aral. Dun ko napagtantong sobrang yaman din pala ni Sabina, lalo na si Miguel. Si Miguel kase ang anak ng nagmamay-ari pala ng unibersidad na ito. And here comes Kiefer, the almighty Kiefer na masugid na manliligaw ni Grasha. Ewan ko ba, ang daming drama in life ng mga Jaguars na 'to. Lahat sila may sarisariling problema sa buhay. Ayoko ng dumagdag pa. That is why I always keep my profile on the standard level. Ayoko ng masyadong sikat ayoko din ng masyadong nasa baba.

Dibale at last year ko na sa unibersidad na ito.

Kaya ko pa naman. I was able to survive four years, why can't I with just a year more.

" Hoy Greggy boy! Ikaw ang feeling diyan. Ikaw kaya 'tong tumawag sa akin na magpapicture" Wika ko sa kaniya. Feelingero din kase minsan 'tong Gigs na 'to eh. Iyun tuloy, kapag naiinis na ako, tinatawag ko siyang Greggy boy kapag kami lang. Nagagalit iyung mokong kapag may nakakarinig. Palagi kase siyang binubuli nina Kiefer. Lalo na si Shannon.

" Dali na Ms. Sexy. Dito ka sa tabi ko para masaya" He said like he was really making fun of me.

" Sama ka sa Villa Arvore ha. Para ikaw taga saguwan ko ng bangka ko. Balita ko kase mabeach daw dun eh" See, minsan talaga sarap hampasin ang ulo ng Gigs na 'to eh.

" Beach mo mukha mo. Sarap mong hambalusin talaga. Pasalamat ka Maria Clara ako kaya ayokong mag-eskandalo here! Gusto ko lang ng kiss" Wika ko sabay nguso ng labi ko sa harapan niya. Shit! Natatawa ako sa mga salitang ginagamit ko eh.

" Edi go lang, mageskandalo ka lang here. Para pareho tayong sisikat." He winked. He's really playing with me right now.

" Ay ang landi Babe" Kailangan maging malandi parin ako kahit papaano.

" Palandi nga Ms. Sexy!" Kung pektusan ko kaya 'tong Gigs na 'to at baka matuto sa buhay no.

" Pahalik muna ng torrid" Aya ko. Napaatras siya bigla.

Takot ang lolo niyo sa bakla.

" Di tayo talo uy" Natatawa niyang saad.

" Sige na Babe. Masarap ako humalik ng torrid." Wika ko. Nag inarte siyang nasusuka sa sinabi ko.

Magsasalita pa sana ako ng pareho naming narinig ang boses ni Miguel.

" Gregory, let's go. Mamaya na kayo maglandian diyan" Sigaw ni Captain. Shit, bakit ba kapag si Miguel ang nagsalita parang final na at hindi na puwedeng palitan at pakialaman. Shit! Buti nalang talaga at hindi si Miguel ang kalandian ko ngayon kundi baka kanina ko pa nilagyan ng mighty bond ang labi ko.

" Pahalik ako mamaya ah. Sige na nga kahit iyung peck lang" Bulong ko na lamang sa kaniya.

" Landi mo" Bulong niya sa akin pabalik.

-----

Updated : March 24, 2020 Tuesday 7:00 PM

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 51.3K 21
Always the choice but never the priority Warning: This story contains scenes not suitable for young readers, read at your own discretion.
3.3M 87.3K 45
R-18 (COMPLETED) Napakababaero niya. Palagi na lang akong nasasaktan. Palagi na lang niya akong pinapaiyak. Paano nga ba, e mahal ko siya? Would it h...
3.5M 56.3K 29
[SPG] Some scenes are not suitable for young readers. Read at your own risk.
450K 8.5K 34
WARNING: SPG | R18 | MATURED CONTENT REVISED VERSION *** How can you love a person when it was already owned by someone? And that someone is your sis...