Aya's Confusion(Book 1)[Gxg]

By angDiyosaNgBuwan

184K 5.5K 888

The worst thing that can happen to a lesbian is to fall for a confused and deceitful straight woman. But what... More

ALL RIGHTS RESERVED © 2019
Preface
F2. Fall Out
F3. The First Fool's Card
F4. The Second Betrayal
F5. Over and Done
F6. Back Again
5. Yuna's Story
6. The twist
7. The repeat
8. The Revelation
9. The Goodbye
10. Memories
11. Moving on
12. Two sides of the coin
13. Spoiler Alert
14. The Witch
15. The Race
16. Alexa's Story
17. The Battle
18. The Fight
19. Hidden Emotions
20. I am Confused
21. Self-Deception
22. The Dragon
23. The Kiss
24. The Kiss Part 2
25. New Friends
26. Pity or Love?
27. Girlfriend
28. Birthday
29. Meet the parents
30. Shadow of the past
31. Lost
32. Saving Yuna
33. Saving Yuna Part 2
34. Confusions. And more confusions.
35. The escape
36. Death
37. Suicide
38. War
39. Chaos
40. The Fall
41. Fly away
42. Gone
43. Call-off
44. It's Over
45. The Box
46. Commemoration
47. Reign's list
48. The Sound of Defeat
49. The Proposal
50. The Final
Epilogue

F1. The Game Begins

11.4K 174 19
By angDiyosaNgBuwan

THE PARTY hall was swarming with people, clad in glamorous suits and dresses.

Prada, Burberry, Louis Vuitton, Dior  to name just a few, were draped over confident and proud shoulders. All of which were screaming their social statuses.

But amongst those famous high fashion brands, one label was standing out — the Dimitri's. From which, that party was all about. It was Dimitri's annual fashion exhibit.

Dimitri's was a Philippine brand, founded by Lord Dimitri, a stunning half-Italian and half-Filipino guy. Only that he was not exactly a guy because he was a proud gay.

Happy chatters and occasional clinking of glasses was filling the air, along with the low upbeat music.

Amidst it all, there was one woman standing with a small group at the center  with a rather unhappy and bored look on her face.

She was wearing a Dimitri brand, blue single strap dress which she so designed herself. Long smooth wavy hair cascaded on her slender shoulders. Her thin lips were pursed in a confident manner, making her long and pointy nose more prominent.

Aya Martinez. She was 26-years-old and one of Dimitri's many designers, and also among the exceptional ones.

Pinaglipat-lipat ni Aya ang paningin sa mga taong naroon. Karamihan ay mga kilalang personalidad sa fashion industry. Mayroon ding mga celebrity, ilang pulitiko, at mga negosyante. Pero wala siyang interes na lapitan o kausapin ang sino man sa mga ito.

"This year has been really successful, don't you agree?" Narinig niyang sabi ni Tim sa bandang kaliwa niya. Isa ito sa mga ka-team niya sa evening gown department. Ang iba nilang kasama ay may mga kausap din, at dahil parehong walang partner ay silang dalawa ang naghuntahan.

"Mm-hm," Aya just hummed as a response.

Nagkibit na lang si Tim. Sanay na ito sa pagiging tahimik at reserved ni Aya. Nakailang ikot na din ito kanina at kababalik lang ng table; samantalang si Aya ay kanina pang nandoon lang.

Aya sighed in boredom. Hindi naman talaga siya mahilig sa mga parties. Kung hindi lang importanteng gathering iyon ay umuwi na siya.

She took a sip of her champagne and looked for something that may interest her.

A particular woman caught her weary eyes.

It was no ordinary woman, but no other than the star of Dimitri's — Yuna Smith.

Yuna was a designer like her. Bridal gowns naman ang hawak nito. Matunog ang pangalan nito sa kumpanya. Hindi lang dahil sa anak ito ng isa sa mga pinaka-maimpluwensyang tao sa Pilipinas, kundi dahil na rin sa galing nito sa designing. Idagdag pa ang hindi pangkaraniwan at mapang-akit nitong kagandahan.

Everything the woman was wearing was black — from the backless dress, to the accessories, and those pointed stilletos. Only the hair contrasted everything. It was auburn-red. But it just made the woman more noticeable.

Parang biglang nanuyo ang lalamunan ni Aya sa pagkakatitig sa babae. She couldn't help the indecent thoughts that reeled off her mind.

She wondered how it would feel to kiss those luscious red lips. Yuna's red hair was up on a high pony exposing smooth silky skin, and Aya imagined herself running down her hands against it and down onto those shamelessly bared back.

Aya was so out of trance when she gulped the drink. Tila hindi handa ang lalamunan niya sa paglagok na iyon. Bahagya pa siyang napaubo.

"Hey, okay ka lang?" ang tanong ni Tim.

Itinaas ni Aya ang kamay dito. "Yeah. Yeah, I'm fine."

Sinundan ni Tim ang tinitingnan niya. "Hm... I see," malisyosong wika nito. "Ang ganda 'no. Nakakainggit," medyo may kaartehang turan pa. Bakla kasi itong si Tim.

"Ang ganda nga," sang-ayon ni Aya na nakatingin pa rin sa pinag-uusapan nila.

"Hm..." Pabirong binunggo ni Tim ang balikat niya. "Type mo 'no?" panunukso nito.

Alam ng buong Dimitri's na lesbian si Aya at hindi niya ikinakahiya iyon. She was out-and-proud sabi nga ng ilan.

"Sira! Hindi ah," tanggi ni Aya sa kasamahan.

Nagkibit si Tim. Halata sa mukhang hindi kumbinsido. "Sige. Sabi mo eh... Pero kung makatitig naman... para mong tinutunaw," ang tudyo pa nito.

"Tumahimik ka nga. Baka may makarinig sa 'yo," mahinang saway dito ni Aya. Sa pagkakaalam niya ay straight si Yuna at ayaw niyang may kumalat na issue na may gusto siya rito. Matabil pa naman itong si Tim.

"Oh— kay." Itinaas ni Tim ang kamay. He knew better than to get on Aya's bad side. Ibinaling na lang nito sa iba ang tingin. May nakita itong papalapit na lalaki. "Ay... Mr. Velazquez! How are you?" malanding bati sa binatang businessman at iniwan na si Aya upang makipag-usap doon.

Napailing na lang si Aya sa kasamahan. Hinanap muli ng mga mata ang babaeng tinititigan kanina. Maraming lalaki ang nakapaligid dito na animo mga langgam. Typical.

Napabuntung-hininga siya. Matagal na talaga siyang humahanga kay Yuna. Unang kita pa lang niya dito ay kumabog na ang dibdib niya.

Itinaas muli ni Aya ang kopita para uminom. Nakita niya ang babaeng inilapit din sa bibig ang sariling kopita. Bigla siyang natigilan nang magtama ang paningin nilang dalawa.

Aya felt like the world stop at that moment. Yuna was looking straight at her, holding her gaze.

Inisang lagok nito ang natitirang champagne habang nakatingin pa rin sa kanya.

Tila nagwawala naman ang puso ni Aya, at lalo pang bumilis ang tibok niyon nang makitang maglakad si Yuna papunta sa direksyon niya.

Napahigpit ang hawak ni Aya sa kopita. Nag-iwas siya ng tingin at nagkunwang busy sa pag-inom. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakikita niyang patuloy pa ring naglalakad papunta sa kanya ang babae.

Yuna walked like she was some queen. Napapatingin naman dito ang mga taong dinaraanan. May ilang bumabati, na ginagantihan din naman nito, ngunit tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad.

Para namang gustong tumakbo ni Aya nang huminto ito sa mismong tapat niya.

"Hi, there..." ang bati nito at ipinatong ang isang siko sa gilid ng mesa. May naglalarong isang nakakapang-akit na ngiti sa bibig.

Aya blinked. She couldn't help but stare. Ang isang bagay na higit na kapansin-pansin kay Yuna ay ang mga mata nito. Yuna's eyes were really big.  Pakiramdam ni Aya ay para bang nakikita nito ang buo niyang pagkatao. "H-Hi," she stammered.

Gusto niyang batukan ang sarili. She didn't want to look like a fool, but she was nervous as hell.

Lalo pang napangiti si Yuna. Tila pa naa-amuse sa kanya. "Aya, right?" Tanong nito, "you're Ms. Patrizia's star."

Nag-init ang mukha ni Aya sa sinabi nito. She wasn't someone who liked to brag about herself. She wanted to keep a low profile as much as possible. "Not really. Where'd you hear that?"

"Oh, come on... Ms. Pat talked about you a lot."

Yuna spoke in such a seductive tone that made Aya's insides clench.

"We haven't had the chance to know each other. Yuna by the way." Inilahad nito ang kamay.

Ilang sandaling tiningnan lang iyon ni Aya. Nagdalawang-isip pa siyang tanggapin iyon dahil pinagpapawisan ang sarili niyang kamay; pero ayaw naman niyang mapahiya ito kaya't nakipagkamay na rin siya. "N-Nice meeting you."

Nais na sanang bawiin agad ni Aya ang kamay pero naramdaman niya ang pagpisil doon ni Yuna.

"Nice meeting you too," anito sa sensuwal na tinig. Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya.

Napatitig doon si Aya at pagkuwa'y sa mukha naman nito. Nakangiti ito sa kanya at nakatitig ng makahulugan. Biglang nagkaroon ng question mark sa ulo niya dahil doon.

Yuna gave her a last squeeze before letting go.

"So... Can you tell me more about yourself?" Tanong nito.

"Uhm... I might just bore you to death. So, 'wag na lang siguro. There's nothing about me that will interest you."

"Try me," Yuna said charmingly.

SEVERAL DAYS LATER...

Aya glanced at the door for the sixth time. She was waiting for someone, and she felt like a girl on her first date. She was really anxious and very excited at the same time.

She and Yuna had kept in touch after the party. At ngayon nga ay magkikita sila sa labas, sa unang pagkakataon.

Nasa Domino's siya. Yuna fancied pizza at ang pizza parlor na iyon daw ang paborito nito.

'Has I been too early?' tanong sa sarili ni Aya. Sinipat niya ang kanyang wristwatch. Limang-minuto bago ang usapan nila. Fifteen-minutes na din siyang naroon.

Aya sighed to calm herself. Dinukot na lang niya ang cellphone upang aliwin ang sarili. She opened a game application.

"Naghintay ka ba?"

Napaangat ang tingin ni Aya mula sa screen ng cellular phone. Hindi na niya namalayang nasa harapan na pala niya si Yuna. Her breath almost hitched in her throat when she took in the redhead's appearance.

'What's with her and the color black?' Aya secretly asked in her mind.

Nakasuot ito ng itim na halter top at itim ding fitted jeans. Mukhang signature na din nito ang mataas na pagkakapusod ng buhok sa likod.

"H-Hi. Uhm... Hindi naman. I just got here a few minutes ago," sagot ni Aya rito. Hindi pa rin talaga niya maiwasang mabulol kapag ito ang kaharap niya.

Yuna slid in the booth next to her. "You're early, but I like punctual people. We'll get along well," nakangiting wika nito.

Parang bigla namang nahiya si Aya. Ayaw niyang isipin ni Yuna na masyado siyang eager na makita ito. "Thanks..." she said with her cheeks slightly heating up. Pasimple siyang umusod. Masyado itong malapit sa kanya. She could almost feel Yuna's body heat.

Yuna noticed it and smirked a little. "Nice outfit by the way," puri naman nito sa kanya.

Muling nag-init ang pisngi ni Aya at tiningnan ang sarili. She was wearing a knee-length dress. Hindi naman siguro halatang nag-dress-up siya para sa pagkikita nilang iyon ni Yuna. "Thanks." Iyon lang muli ang naisagot niya. 

Yuna's lips broke down in an amused smile. "Let's order?"

"Okay." Dinampot na ni Aya ang isang menu sa table.

Si Yuna naman ay hindi na nag-abalang dumampot ng menu at nangalumbaba lang sa mesa.

Lalong nailang si Aya dahil nakatitig lang ito sa kanya. "Uh... Hindi ka ba titingin sa menu? Akala ko ba mag-o-order na tayo?"

"Oh, don't worry. Kabisado ko na lahat ng dish dito," ang wika nito, "take your time."

Aya bit her lip. Naiilang talaga siya sa pagtitig nito. She uncomfortably scanned the menu.

"Should I call the waiter?" Yuna asked.

Aya hummed and nodded.

Sumenyas na si Yuna sa isang waiter at agad naman itong lumapit.

"What will be your order, Ma'am?" Tanong ng waiter na medyo may kabataan pa ang hitsura.

"One solo extravaganza for me, in thin crust; and baked mac," sagot ni Yuna at bumaling kay Aya, "how about you?"

"Er...I like the veggie one."

"Okay, one solo veggie. How about pasta?" Tanong muli ni Yuna.

"Alfredo spaghetti for me," sagot ni Aya na tumingin sa waiter.

Inilista naman ng iyon ng lalaki.

"You might want a side dish. I hope you like potatoes," si Yuna.

"Yes. I love them."

"You should try the loaded wedges in veggie delight, since you see seem to like vegetables," suhestiyon ni Yuna.

"I'd love to."

"And dessert?"

"Mm... What could you suggest?"

"Their lava cake is really good. You should try it."

"I'll go with that," sang-ayon ni Aya.

Matapos silang makapag-order ay iniwan na sila ng waiter.

"So, how's your week?" Tanong ni Yuna.

Aya cleared her throat before answering. "Fine, I guess. Thanks for asking. And yours?" She almost squirm by her own lame answer.

"Hm... I've a great week. My clients all gave me 'excellent' reviews and I couldn't be happier. Plus, I just closed three new deals."

Aya was impressed. "Wow. Congratulations." She couldn't think of anything else to say after that.

Biglang natawa si Yuna. "You should really relax. I don't bite."

"I'm sorry. It's just that... I'm not really good with people," sagot ni Aya na nag-iinit ang pisngi.

"Mm-hm..." Yuna hummed, bitting her lips, "I could see that much."

Ngumiti lang si Aya. She couldn't meet Yuna's eyes.

Mula sa pagkakapangalumbaba ay ibinaba ni Yuna ang kamay sa upuan.

Nagulat na lang si Aya nang bigla nitong padausdusin iyon at hulihin ang kanyang palad. Pinagsalikop nito ang mga iyon.

Lumipad ang mga mata doon ni Aya, at pagkuwa'y sa mukha nito. Bahagya pa siyang napasinghap sa tila pagdaloy ng kuryente sa magkadikit nilang balat. "What are you doing?" She asked in a hitched tone.

"Holding your hand?" Yuna answered nonchalantly. Tila ba napaka-natural lang ng ginawa nito.

"Uh... Why?" Litong tanong ni Aya.

Nagkibit-balikat si Yuna. "Because I wanted to."

Napamaang na lang si Aya rito. Hindi niya alam ang iisipin. She looked down again on their entwined hands. Yuna's hand was really warm. She couldn't help the heat that travelled through her cheeks again. Umiwas na lang siya ng tingin.

NASUNDAN pa ang paglabas-labas nilang iyon. It was both torturous and enjoyable for Aya's part. Yuna was one flirtatious woman. Aya was always left with questions in her head, but she couldn't bring herself to ask. She knew that Yuna was well aware that she was a lesbian, kaya hindi niya alam kung anong ipinapahiwatig nito sa mga ginagawa.

It was another weekend and they were on a night bar, with a singing band and a decent place.

People seemed to be in trance by the beautiful woman singing on the stage. Napakalamyos at napakaganda ng boses nito. Kinakanta ng babae ang sikat na awiting Ikaw at Ako ni Moira Dela Torre.

Dalang-dala si Aya sa kanta. Nahiling niyang sana ay makanta nila ni Yuna iyon para sa isa't isa.

Nang matapos ang singer ay nagpalakpakan ang mga tao. Tumayo muna at umalis ng stage ang babae. Nakailang rounds na din ito ng kanta.

Aya and Yuna were on a booth. They were barely seen because of the dim lighting. Nasa pinakadulong bahagi din ang puwesto nila.

"I hope you're enjoying," biglang sabi ni Yuna. Sa kamay nito ay may isang baso ng kulay-asul na inumin.

Ngumiti si Aya. "I am. Thank you for bringing me here."

Yuna then clasped their hands. Hindi na iyon ikinagulat ni Aya. It was becoming a natural thing for them. Gusto rin naman niya iyon kaya hindi na siya umaangal pa.

Nagulat si Aya nang biglang pisilin ng malakas ni Yuna ang kanyang hintuturo. Mahina siyang napadaing. "Ah! What are you doing?"

Yuna's lips turned up in amusement. Isa pang pisil ang ginawa nito.

"Ah — ano ba..." reklamong muli ni Aya sa mahinang tinig at bahagyang pinandilatan ito. Hinila niya ang kamay upang bawiin mula rito ngunit hindi nito binitawan.

Napabungisngis lang si Yuna. "Sorry. Nanggigigil ako sa 'yo eh. Nakaka-turn-on ang ungol mo."

Pinamulahan ng mukha si Aya. Hinigit niyang muli ang kamay mula rito, pero lalo lang din nitong hinigpitan ang pagkakahawak.

Ibinaba ni Yuna ang inumin.

Lalo pang nanlaki ang mga mata ni Aya nang bigla siya nitong hilahin palapit. Hindi pa ito nakuntento at hinapit ang baywang niya hanggang halos magdikit na ang ilong nila. "A-Ano bang... ginagawa mo?" kinakabahang tanong ni Aya.

Biglang tinawid ni Yuna ang natitirang distansya sa pagitan nila at walang pag-aalinlangang inangkin ang bibig niya.

Nagulat man ay awtomatikong napapikit si Aya. Gusto sana niyang magprotesta — una, dahil wala naman silang relasyon; pangalawa, ay straight ito. Subalit ang pagtutol sa isip niya ay nalunod sa sarap ng halik nito. Yuna's lips were really sweet. They tasted like apples. Napaungol siya nang igalaw-galaw pa nito ang bibig. "Umpp."

Lalo pang humigpit ang pagkakahapit nito sa baywang niya. Parang may kuryenteng dumaloy mula sa mainit na kamay nito, dahilan upang bigla siyang mapasinghap.

Yuna took that chance to deepen the kiss.

Aya moaned again and decided to kiss back.

Pareho silang hingal nang maghiwalay ang mga bibig.

"Y-You... What are you — " hindi na maituloy ni Aya ang sasabihin. She was mind-blown and really hot all over.

Pinagdikit ni Yuna ang mga noo nila. "I've always wondered how your lips tasted," the flirty woman said in a very husky voice, "strawberry is my favorite now."

Aya almost moaned again, but she held herself. She put a distance between them and stared at Yuna, confusingly. "Straight ka, 'di ba?"

"I am."

"Then why did you kiss me?"

Yuna shrugged. "Because I wanted to."

Aya pursed her lips in a thin line. There was that answer again. She didnt know if she should push more. Umiwas na lang siya ng tingin.

Sakto naming bumalik na noon ang singer sa stage at nagsimulang kumanta ulit. Parang biglang nagkaroon ng pader sa pagitan nila ni Yuna. Natahimik na silang dalawa hanggang matapos ang gabing iyon.

"Hey, are you mad at me?" May pag-aalala sa tono ni Yuna.

Napalingon naman dito si Aya. Pasakay na sana siya ng kotse nang pigilin siya nito sa braso. Umiling siya sa tanong nito. "No, Im not."

"Then why are you ignoring me? Are you mad about the kiss?"

"No. It's not the kiss. It's you. It's just— you confuse me, Yuna." Aya found it hard to explain herself.

Hindi ito makasagot. Yuna seemed to have her own internal turmoil.

Napailing na lang si Aya. "Forget about it. Let's go home," she brushed off. Binuksan na niya ang passengers seat. Sasakyan nito ang ginamit nila.

Sumunod na rin si Yuna. Hindi muna nito pinaandar ang sasakyan at parang nag-iisip pa rin. Hinawakan nitong bigla ang kamay ni Aya. "We'll talk about it, all right? I just have to figure out some things."

TWO WEEKS LATER...

"Yuna, will you stop that!" reklamo ni Aya. Nasa likod niya ang babae at kinakagat-kagat ang tainga niya. "Can't you see that I'm busy?" angal niya rito.

Abala kasi siya sa pag-sketch ng designs, samantalang ito ay abala rin sa pang-d-distract sa kanya.

They were inside her room. May ilang beses na ring nakakapunta si Yuna sa bahay nila.

"Pero kanina pa 'yan. Nakakaselos na," ani Yuna na bakas ang pagkayamot sa malalaking mata.

Iningusan lang ito ni Aya at itinuon na muli ang tingin sa ginagawa. Ayaw naman niyang ipakita kung gaano siya ka-affected sa presence nito. Lalo na at nasa kuwarto niya silang dalawa. Naka-shorts pa man din ito at labas ang mapuputi at sobrang kinis na hita. Hindi nito alam kung gaanong nagwawala ang hormones niya, kaya nga nililibang niya ang sarili.

Ramdam niya ang masamang tingin ni Yuna sa likod niya.

"Ah!" Napasigaw si Aya nang kagating muli ni Yuna ang tainga niya. Harder this time. Inis na hinarap niya ito. "Ano ba, sabi ko nang tumigil ka, 'di ba?" pagalit ngunit mahina lamang niyang turan.

Yuna just crossed her arms and gave Aya a nonchalant look. "So, are you gonna pay some attention to me now?"

Napaikot ng mata si Aya. "Jesus. Hindi ko alam na may pagka-childlike ka din pala."

Itinukod ni Yuna ang dalawang kamay at biglang inilapit ang mukha sa kanya. "Who's being a child?"

Napaurong naman si Aya. "Sino pa ba..." Medyo kinabahan siya sa paraan ng pagtitig nito.

Gumalaw ang gilid ng bibig ni Yuna. "Ah, gano'n ha...."

Nagulat si Aya nang bigla siya nitong sunggaban, na siyang naging sanhi upang mapahiga siya sa kama. Hindi pa ito nakutento at kinuha ang dalawang kamay niya. Inipit iyon sa magkabilang-gilid ng ulo niya.

"A-Ano sa tingin mong ginagawa mo?" kinakabahang tanong ni Aya.

"Proving that I'm not a child," anas ni Yuna.

Napalunok naman si Aya. "O-Okay, okay... Binabawi ko nang sinabi ko. Bitawan mo na 'ko at baka maabutan pa tayo ni Mama," aniya rito.

Yuna tilted her head, not losing the playful smirk. "Hm? The door's lock, don't worry."

"Yuna..." banta ni Aya na pinilit magpumiglas sa pagkakahawak ni Yuna.

"Why so scared?" tanong pa nitong unti-unti nang inilapit ang mukha.

"Umppp." Napapikit na lang si Aya nang tuluyan nang lumapat sa bibig niya ang mga labi nito.

Biglang napamulagat si Aya nang marinig ang tila pagpihit ng seradura sa labas. Ubod-lakas niyang itinulak si Yuna.

Napahiwalay naman ito at muntik pang mahulog.

"Si Mama!" Aya yelled in a whisper.

Napaayos bigla ng upo si Yuna. Dinampot ang kaninang binabasang libro at nagkunwang seryosong nakatingin doon. Si Aya ay humarap nang muli sa mesa at nagkunwa namang abala pa rin sa pag-d-design.

Tuluyang bumukas ang pinto at sumilip ang ina. "May narinig akong sumigaw. Okay lang ba kayo?" ang tanong nito.

Lihim na napaikot ng mga mata si Aya. Para talagang may pagka-ala-spiderman ang pandinig ng kanyang ina. "Wala po, 'Ma. May kumagat lang po kasing 'ipis' sa 'kin kanina," aniyang lihim na pinapahagingan si Yuna.

Napaangat naman ito ng tingin mula sa binabasa — na napansin ni Aya na baligtad pala — at tinaliman siya ng tingin.

"Ipis?" tila nagulat namang tanong ng ina, "aba'y nililinis ko namang maigi ang kuwarto mo, ah. Pano'ng magkakaro'n ng ipis?"

"Hindi ko po alam, 'Ma. Siguro po naghahanap ng ka-mate. Mating season po yata nila kaya nangangagat," papilosopong sagot niya para lalong asarin si Yuna na masamang-masama na ang tingin sa kanya.

Mabuti na lang at hindi nakikita ng ina ang mukha ni Yuna dahil nakatalikod ang huli mula sa pinto.

"Ha?" nangungunot ang noong tanong ng inang si Belen na hindi maunawaan ang sinasabi ng anak, "ano bang pinagsasabi mong bata ka?"

"Ma... Wala ho. Bumalik na lang kayo sa ginagawa niyo," nakukulitan nang pagtataboy niya rito, "patay na ho 'yong malanding ipis."

"Ay, ewan ko sa īyo. Siya at nang makabalik na ako sa paglalampaso ng hagdan," anito at tumalikod na. Ipininid na ring pasara ang pinto bago umalis.

Napakagat-labi si Aya at pinigil ang tawa. Napatingin siya kay Yuna na nakaangat ang isang kilay. "Bakit?" painosente niyang tanong dito.

Pabagsak nitong isinara ang baligtad na libro. "Ipis pala, ha..." anito sa nagbabantang tono.

Tuluyan nang napabungisngis si Aya. "Ano ka ba... 'yon lang ang naisip kong idahilan kay Mama," palusot niya.

"— at malandi," tila walang narinig na dagdag pa ni Yuna. Binitawan na ang libro.

"O-Oy... Anong binabalak mong gawin ha?" naalarmang tanong ni Aya. Napausog siyang palayo dito.

"I will punish you," Yuna said in a dangerous manner. Pagapang itong lumapit.

Lalo pang napausog si Aya na kinakabahan, bagamat natatawa pa rin.

Biglang bumukas ang pinto.

"Anak, ano nga palang gusto niyong—"

'Thud'.

"‘Oy, Yuna! Ano bang ginagawa mong bata ka?" Tanong ni Belen.

"Ah— ouch..." daing ni Yuna. Nasa sahig na ito at sapo ang noo.

Sa sobrang pagkagulat nito sa muling pagpasok ni Belen ay nahulog ito mula sa kama.

Napatakip naman si Aya ng dalawang kamay sa bibig. Pinigilan niyang matawa ng tuluyan upang hindi mapahiya si Yuna.

Naglakad nang papasok si Belen. "Hoy, Aya... Aba'y natatawa ka pa riyan. Tulungan mo nga iyang kaibigan mo," sita nito.

Hindi pa rin kumilos si Aya at nakatakip pa rin ng bibig. Kapag gumalaw siya ay baka hindi na niya mapigilan ang sarili at matawa na talaga ng tuluyan.

"Aray..." ang daing pa rin ni Yuna.

Tinulungan na itong bumangon ni Belen. "Ano ba kasing ginagawa mong bata ka, ha?"

Sapo pa rin ni Yuna ang noo. Iyon kasi ang nauna nang mahulog ito. "May... May pinapatay po kasi akong ipis eh. Isang 'nakakaasar' na ipis," anitong sinulyapan ng masamang tingin si Aya.

"Ipis na naman?" Tila hindi-makapaniwalang tanong ni Belen. Inilibot ang paningin sa buong kuwarto ng anak. "Sinisigurado ko namang malinis lahat ng sulok nito, aba."

Hindi na napigilan ni Aya ang sarili at napabungisngis na. Kumuha siya ng unan at isinubsob doon ang mukha.

Natampal naman siya sa hita ng ina. "At ikaw namang bata ka... Nasaktan na nga ang kaibigan mo ay tinatawanan mo pa," sermon nito.

Hindi tumugon si Aya at lalo lang isinubsob ang mukha sa unan.

Asar na asar namang napakagat-labi si Yuna habang nakatingin sa kanya.

Napailing naman si Belen. "Sandali lamang, hija at kukuha ako ng ice-pack." Lumabas na ito.

Pinakawalan na ni Aya ang pinipigilang tawa, bagamat nakasubsob pa rin sa unan.

"You find this funny, huh?" asar na turan ni Yuna. Napaangil. "You are so annoying!"

Pinigil na ni Aya na matawa, pero pilit pa rin iyong kumakawala.

Nadampot ni Yuna ang librong binabasa kanina. Ipinalo iyon sa paa niya. "Won't you even check my face? It really hurts like shit."

Ilang sandali pa ang lumipas bago nagawang kumalma ni Aya.

Tumikhim siya at pilit na pinagseryoso ang mukha.

Masamang-masama naman ang tingin sa kanya ni Yuna.

Napakagat-labi si Aya at tila na-guilty naman. "Sorry."

Inirapan lang siya nito.

Umusod palapit dito si Aya. "Sorry na nga... Patingin," paglalambing niya rito.

Hinawakan ni Aya ang mukha nito at sinipat. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya nang makita ang malaking bukol sa kanang bahagi ng noo nito. "Gosh... Bumukol na. Ang laki."

"Tapos tinatawanan mo lang ako?" pagtatampo nito.

"Sorry..." napakagat-labing muli si Aya, "ikaw naman kasi ang nauna. Saka ang sabi mo naka-lock ang pinto," sisi niya dito. Hinipan niya ang bukol nito.

"I thought I'd locked it," nakangiwing sagot ni Yuna.

"O, nandito na ang ice-pack." Napalingon ang dalawa sa pagdating ni Belen.

"Ako na pong bahala, 'Ma," ani Aya na kinuha ang icepack mula sa ina. Inilapat na iyon sa bukol ni Yuna.

"O, siya. Iyong itinatanong ko nga pala sa inyo kanina... Ano bang gusto niyong merienda at nang maipagluto ko kayo?"

"Can you make an Italian spaghetti, Tita? I'd like that one," request ni Yuna.

"Ay, oo naman. Itong si Aya ay mahilig sa kung anu-anong pasta. Lahat ay ni-search ko sa youtube upang matutunan. Sige at maiwan ko na kayo. Magluluto na 'ko," paalam ni Belen at lumabas na.

"Can you lock the door now, please?" Pakiusap ni Yuna. Kinuha muna ang icepack mula kay Aya at siya nang naghawak.

Sumang-ayon naman si Aya at ini-lock na nga ang pinto. Binalikan niya si Yuna at kinuha muli ang icepack sa kamay nito. "I'm so sorry again," she said guiltily.

"There's something you can do to appease me," ang wika ni Yuna.

"Hm?" Aya hummed in question.

Binigyan lang siya ng makahulugang tingin ni Yuna.

Continue Reading

You'll Also Like

165K 7.1K 53
To say that fate has a strange way of bringing two different lone souls together is an understatement. Ang paraan niya ay nakakapagtaka, napapatanong...
2.3M 58.9K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
36.5K 1.1K 14
Sa milyong milyong tao sa mundo, bakit sa kanya? Sa dinami dami ng nag papakilit sa akin, bakit sa kanya pa? Bakit sa kanya ako nag kagusto? Bakit s...