ZXO: Ace of Hearts

By AbbyGael

2.4K 100 49

Ace is the card of DESIRE, it is the WISH card, the HOPE and the I WANT. (Source: www.metasymbology.com) ZXO... More

ZXO: Prologue
ZXO: 1
ZXO: 2
ZXO: 3
ZXO: 4
ZXO: 5
ZXO: 6
ZXO: 7
ZXO: 8
ZXO: 9
ZXO: 10
ZXO: 11
ZXO: 12
ZXO: 13
ZXO: 14
ZXO: 15
ZXO: 16
ZXO: 17
ZXO: 19
ZXO: 20
ZXO: 21
ZXO: 22
ZXO: 23

ZXO: 18

47 3 0
By AbbyGael

ZXO: 18

[Zai's POV]

Napahawak ako ng mahigpit sa magkabilang strap ng backpack ko at napabuntong hininga.

This is it. Back to school na ko. One week lang akong nawala pero bakit feeling ko magsisimula na naman ako sa umpisa?

Pagpasok ko ng gate ng school, diretso lang akong nakatingin sa dinadaan ko pero alam kong may mga kapwa ko estudyanteng napapatingin sa akin at nagbubulungan.

"Siya ba 'yun girl?"

"Yes girl, sya yung niligtas ni Claine sa kamay ni Veronica."

"OMG! Ang swerte naman nya!"

"Ano namang swerte dun? Ikaw kaya ang mabugbog?"

Pagakyat ko ng building, may mga estudyante pa ring kakaiba ang mga tingin sa akin. Tinging naaawa, nakucurious at naiinis. Hindi ko na lang pinakinggan pa ang mga bulungan nilang naririnig ko naman.

"ZM!" napahinto ako sa gitna ng hallway at napalingon sa tumawag sakin.

"Claine!" tumatakbo syang lumapit sa akin, napatingin tuloy ang lahat sa kanya.

Ano ba namang lalaki 'to, tumatakbo na nga lang ang lakas pa ng dating.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?!" sigaw nya sa akin na may bahid ng konting inis. Hinahingal sya dahil sa pagtakbo.

"S-Sorry." agad kong hinalungkot sa bag ko ang phone ko. "Hala! Ang dami kong missed calls! Galing sayo lahat 'to?"

"Kanino pa ba?!" napahakbang ako paatras dahil sa sigaw nya.

"G-Galit ka?"

"Hindi. Normal na tono ng boses ko 'to!" sigaw nya ulit.

"Parang hindi naman." sabi ko ng pabulong habang sinosoli ang phone ko sa bag ko.

"Anong sabi mo!?"

Gwapo sana, bingi lang.

"Sabi ko bakit mo ko tinatawagan?" tumingin sya sakin ng may pagdududa habang salubong ang mga kilay.

"Hindi 'yan ang sinabi mo." seryoso nyang pahayag.

"Eh? May iba pa ba kong sinabi?"

"Meron!"

"A-Ano?"

"Basta!"

"Hindi mo narinig nuh."

"Ang alin?"

"Yung sinabi ko."

"Ano bang sinabi mo?"

"Basta. Hehe."

"Pinagtitripan mo ba ko ZM?!"

"M-Magkaibigan na tayo diba?" nakangiti kong tanong. Napikon ko ata sya.

"Depende."

"D-Depende?"

"Oo, kung susundin mo lahat ng sasabihin ko."

"A-Ang daya mo naman."

"Una, sasagutin mo ang lahat ng tawag ko."

"Teka, bakit ka nga pala tumatawag?" pagbabalik ko sa una naming topic bago mapunta sa kung saan-saan ang pag-uusap namin.

"Para isabay ka pagpasok!" sigaw na naman nya sakin.

"Eh? Bakit mo ko isasabay?"

"Dahil gusto ko." nakangisi nyang sagot sakin.

"Nakakalakad naman na ko ng maayos Claine."

"Sinabi ko bang hindi?" napasimangot na lang ako sa sagot nya.

Ang sungit naman nito. Kanina pa sya paiba-iba ng mood ah.

"Pangalawa, paniniwalaan mo lahat ng sasabihin ko."

"H-Hindi ka ba nagsisinungaling?"

Inirapan nya lang ako at hindi pinansin ang tanong ko. "Last, habaan mo ang pasensya mo."

"Mahaba ang pasensya ko. Ikaw, hindi."

"Kaya nga eh! Para balance tayo!"

"Bakit kailangang balance tayo?"

"Para hindi tayo—" bigla syang napahinto at inikot ang paningin sa kahabaan ng hallway.

Napatungo na lang ako ng makitang nanonood at nakikinig pala ang mga kapwa naming estudyante sa amin ni Claine. Nakalimutan kong nasa hallway nga pala kami.

Nakakahiya!

"Anong tinitingin-tingin nyo?! Mga tsismoso!" at galit nyang hinatak ako papunta sa room namin na nasa dulo pa ng hallway.

"A-Ang init ng ulo mo Claine."

"Shut up."

At dun nagtatapos ang pag-uusap namin hanggang matapos ang una naming subject. Mukhang hindi maganda ang gising nya kaya hinayaan ko na lang. Pero masaya ako at naging mas maayos ang pakikitungo namin sa isa't isa. Mas maayos ang ganito para sa akin.

Sabay kaming nagpunta sa cafeteria dahil sabay daw kaming maglalunch. Pero pagdating ko doon, nakatayo sa harap ng isang table sila Nicholas. May hawak silang ti-iisang bond paper at may nakasulat na WE ARE SORRY ZAI.

Agad akong lumapit sa kanila at ibinaba ang mga hawak nila. "Anong ginagawa nyo?"

"Paraan naman 'to para humingi ng dispensa sa nangyari sayo." nakayukong pahayag ni Nicho.

"Huh?! Naku hindi nyo naman kasalanan 'yun!" sabi ko sa kanilang apat habang tinitingnan sila isa-isa. "Hindi nyo dapat ginawa 'to. Gusto ko pa ngang magpasalamat kasi tinutulungan nyo ko. Maraming salamat." nakangiti kong pahayag sa kanila. "Okay na ko kaya kalimutan na natin 'yun." unti-unting sumilay ang mga ngiti sa kanilang apat.

"Ibili nyo kami ng lunch ng makabawi naman kayo." at napawi ang lahat ng ngiti namin dahil sa kanya. "Bilisan nyo. Wag na kayo magpacute. Mukha kayong mga aso." Nagsiyukuan ulit ang apat at umalis para umorder ng pagkain namin.

Umupo na lang din ako habang sinusundan ang apat ng tingin. Naawa ako sa kanila.

"Anong ginagawa mo dyan?" agad na nalipat kay Claine ang atensyon ko.

"Huh?"

"Bakit dyan ka nakaupo?" nagsalubong ang mga kilay ko at napatingin sa iba pang bakanteng upuan.

"S-Saan ba dapat?" nagtatakang tanong ko.

"Dito." tinuro nya ang katabi nyang upuan.

"B-Bakit dyan?"

"Bakit din hindi?"

"O-Okay lang ako dito."

"Sinabi ko bang hindi? Sit here." wala na kong nagawa kaya lumipat ako sa katabi nyang upuan.

"Sya nga pala, nakita mo ba si Boris?"

Dahan-dahan nya kong tiningnan, masamang tingin. "Bakit mo natanong?"

"K-Kamustahin ko lang sana sya."

Dahan-dahan nya ring iniwas ang masama nyang tingin at pinagkrus ang mga braso sa harap ng kanyang dibdib. "Buhay pa sya."

Nagsalubong ang aking mga kilay, alam kong sarkastiko ang sagot nya. "Ang bad mo Claine."

"Tss." react nya sabay irap sakin.

Pfft. Ang cute! Para syang bakla sa pagkakairap nya. Ang gwapong bakla.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" agad kong pinigilan ang ngiti ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Ang sungit na naman nya.

"W-Wala. Hehe."

Maya-maya, nakabalik na rin sila Nicho dala ang maraming pagkain. "Whoah!" halos maglaway ako sa mga nakikita kong mga pagkain. "Ang dami naman nito! Mukhang ang sasarap!"

"Tss. Kulang pa nga yan kumpara sa kapabayaan nila." singit naman nung isang masungit. Napatingin ako sa kanilang apat at halos mabali na ang mga leeg nila sa pagkakayuko. Parang ako ang nahihiya sa mga sinasabi nitong si Claine.

"K-Kain na tayo." aya ko sa kanilang apat.

"Hindi na Zai, para sa inyong dalawa talaga 'yan ni pinuno." sabi ni Nicho.

"Huh!? Sobrang dami naman nito para saming dalawa."

"Nauna na kaming kumain kanina kaya okay lang Zai." pahayag ni Irvin.

"Iuwi mo na lang yung hindi nyo mauubos ni pinuno." suggestion naman ni Lance.

"M-May pupuntahan pa pala kami Zai, mauna na kami ah." paalam ni Amiel. Hindi pa man ako nakakasagot ay mabilis na silang umalis ng cafeteria. Natulala na lang ako sa nilabasan nilang pinto at napabuntong hininga.

Pagtingin ko kay Claine, patapos na syang kumain ng isang plate ng spaghetti habang may hawak na malaking cheese burger. Napailing na lang ako.

"W-What?" nagawa nyang magreact kahit puno ng pagkain ang bibig nya.

"W-Wala naman silang kasalanan Claine."

"Hayaan mo na kong disiplinahin sila, that's one of my duties as their leader."

"Pero hindi ba kaibigan mo rin sila?"

"May limitasyon ang lahat ZM." seryoso nyang pahayag habang seryosong nakatingin sakin. "Kahit anong klaseng relasyon sa ibang tao ay may limitasyon."

Dahan-dahan akong napatango habang iniintidi ang mga sinabi nya. "T-Tama ka." usal ko.

"Don't mind them. Kumain ka na, mas magiguilty sila kung hindi mo kakainin ang mga binili nila para sayo." napatango na lang ako habang pumipili ng kakainin.

Pagkatapos namin maglunch break, agad kaming nagpunta ni Claine sa susunod naming subject. Napatingin samin ang ilang mga kaklase namin.

"Magkasama na naman sila oh." sabi ng isang babaeng kaklase namin sa katabi nya.

"Oo nga, sila na ba?" sagot naman ng kausap nya habang nakatingin samin ni Claine. Napayuko na lang ako, napaisip tuloy ako kung bakit ganyan ang iniisip nila. Hindi ba pwedeng magkaibigan lang kami ni Claine.

"Kun papakinggan at iintindihin mo lahat ng sinasabi nila, hindi ka magkakaroon ng kalayaan na gawin ang lahat ng gusto mo." seryosong saad ni Claine kaya napatingin ako sa kanya, lumaki ang mga mata ko ng salubungin nya ko ng tingin. "Isa 'yan sa mga bagay na kailangan mo ng simulan na ayusin sa sarili mo, huwag mo hayaang idikta ng ibang tao kung ano ba ang iyong dapat gawin."

"C-Claine." sambit ko na lang sa pangalan nya habang pilit na pinoproseso sa isipan ko ang lahat ng sinabi nya.

Hinawakan nya ko sa wrist at hinila ako sa pinakaunang row at doon kami umupo. Tahimik lang kaming naupo habang hinihintay na dumating ang professor. Kinuha nya ang phone nya at naglaro ng games. Ako naman dahil wala akong hilig sa mga mobile games, magbabasa na lang sana ako ng book para sa susunod naming lessons pero hindi ko pala dala ang book ko.

"Claine pupunta lang ako ng locker ah."

"Why?" tanong nya habang tutok na tutok sa nilalaro.

"Naiwan ko yung book ko sa susunod na class, kukunin ko lang"

"Sasamahan na kita." bigla nyang inistop ang nilalaro nya.

"Hindi na, saglit lang naman ako."

"It's fine, sasa--"

"Hindi na Claine, kaya ko na 'to. Babalik din ako agad." nginitian ko sya at agad na kong umalis ng room at nagmamadaling bumaba ng building. Nasa ground floor pa ang locker namin at pinakadulo ng hallway.

Pagkakuha ko ng book ko, agad akong naglakad papunta sa hagdan sa gitnang part ng hallway. Bago ako makahakbang sa unang baitang na hagdan, bigla ako nanigas sa kinatatayuan ko dahil may hindi lalagpas sa sampung lalaking estudyante ang humarang sa daraanan ko. Agad kong nakilala ang isang lalaki na nakangisi sakin ngayon, si Jason ng Kappa Psi Omega. Parang natuyuan ako ng laway dahil sa prisensya nya.

"Tama pala ang balita, nakabalik na ang nerd na 'to!" sigaw ni Jason sabay tawa naman ng mga kasama nya. Napaatras ako ng ilang hakbang dahil mukhang may hindi magandang mangyayari.

"A-Anong k-kailangan nyo?" ngumisi ng malawak si Jason at humakbang papalapit sa akin.

"Nabalitaan mo ba kung ano nangyari kay Veronica?" agad nanlaki ang mga mata ko, hindi ko na naitanong kay Claine kung ano ba nangyari kay Veronica at sa sorority nila pagkatapos ng ginawa nila sakin. "Mukhang hindi mo alam."

"M-May klase pa ko, m-mauna na ko sa--"

"Huwag mo kong tatalikuran!" napapikit na lang ako sa sakit ng hilahin nya ang buhok ko. "Ano?! Masakit ba?!"

"P-Parang awa mo na. N-Nasasaktan ako!" sigaw ko sa kanya. Napatingin naman ako sa mga estudyanteng napapadaan, dahil sa takot agad din silang umalis at hindi na naglakas loob na tulungan ako dahil ayaw nilang madamay sa gulo.

"Mas masasaktan ka talaga dahil sa lalaki mo!" sigaw nya malapit sa mukha ko kasunod nun ang paghalakhak na pangkontra bida.

Lalaki ko?!

"S-Sinong--" napatulala na lang ako ng bigla nya kong isubsob sa flooring kaya napadapa ako at nakaramdam ng hapdi sa aking mga tuhod. Paglingon ko kay Jason agad namang sumalubong sakin ang palad nya at sinampal ako ng paulit ulit sa magkabila kong pisngi. Napapikit na lang ako hanggang sa bumagsak na sa flooring ang suot kong eye glasses. Hindi na ko makapasalita at pag-iyak na lang ang nagagawa ko. "T-Tama na--"

Hindi ko maintindihan kung bakit kailagang masaktan ako ng paulit-ulit.

"C-Claine!" sinubukan kong sumigaw habang sinasampal nya ko. "C-Claine!"

"What's going on here?" napatigil si Jason sa pagsampal sa akin. Boses 'yun ng isang babae.

"I-Ikaw?!" nauutal na tanong ni Jason sa kanya.

"Wow! You're hurting a girl." parang kilala ko ang boses na 'yun. Unti-unti kong hinawi ang mga buhok kong nakaharang sa aking mga mata para makilala sya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Arkisha, nakasuot sya ng isang all white na uniform at may itim na belt.

"A-Arkisha." mahinang tawag ko sa kanya.

"Hi ate Zai!" masaya nyang bati sa akin. Unti-unti akong napangiti dahil sa pagiging bubbly nya.

"U-Umalis ka na, baka s-saktan ka din--"

"K-Kilala mo sya?!" tanong naman ni Jason.

"Of course! How about you, do you know.... me?" biglang nagbago ang reaction ni Arkisha habang sinasabi nya ang salitang... 'me'. May kung ano sa mga mata nya na hindi ko maipaliwanag.

Agad kong napansin ang paghakbang palayo ni Jason katulad ng mga kasama nya. Hindi naman ako makapaniwala sa mga nagiging reaction nila ngayon. "Since I'm already late sa Taekwondo class ko, I might as well do some warm ups here."

Napatulala na lang ako at napanganga ng bigla nyang sugurin si Jason, sa isang suguran lang ni Arkisha biglang bumagsak sa flooring si Jason. Tatayo pa sana muli si Jason pero inunahan na sya ni Arkisha, agad syang pumwesto at binigyan ng isang malakas na sipa sa dibdib si Jason. Sinugod na rin sya ng mga kasamahan ni Jason ngunit agad nya rin itong napatumba gamit lamang ang pagsipa sa kanila, nanlaki lalo ang mga mata ko ng marealize na mukhang natutunan nya sa Taekwondo ang mga 'yun, kaya pala ganun ang suot nya.

"Eryll!" sabay kaming napalingon ni Arkisha, tumatakbo ang isang lalaki papalapit kay Arkisha. Naaninag ko lang ang mukha nya ng makalapit na sya, si Loki pala.

Sino si Eryll?

Lumapit sya kay Arkisha, napansin kong pareho sila ng suot. May black belt din sya at all white uniform na pang Taekwondo. Nagsalubong ang mga kilay ni Loki ng mapansin nya ang mga napatumba ni Arkisha. Agad nya itong sinamaan ng tingin. "Warm up. Hehe." sagot ni Arkisha. Napailing na lang si Loki. "Let's help ate Zai."

Tinulungan nila akong makatayo at inayos ni Arkisha ang gulo-gulo kong buhok. Dinampot naman ni Loki ang salamin ko at binigay 'yun sakin. "May crack na." sabi ni Loki.

"O-Okay lang 'yan, magagamit pa naman." sinuot ko na ulit ang eye glasses ko.

"Anong masakit sayo ate Zai? Punta tayo ng clinic."

"Where's kuya Claine?" tanong ni Loki.

"H-Hindi na, okay lang ako Arkisha. Nasa room si Claine, pabalik na sana ko sa room namin ng harangin nila ko."

"Bakit nila ginawa 'yun ate Zai?"

"H-Hindi ako sigurado kung bakit eh."

"Are you sure you're okay?" tumango na lang ako kay Arkisha. "Ihahatid ka na namin sa room nyo." inalalayan ako ni Arkisha habang nakasunod naman samin si Loki.

Pagdating sa room, naabutan naming nakikipagtalo si Claine sa professor. "I said no Mr. Zobel!"

"I will go out! ZM is--" napatigil sya ng makita kaming tatlo. Napatingin na rin ang lahat ng kaklase namin at ang professor.

"Hello kuya Claine!" masiglang bati ni Arkisha sa kanya. Tiningnan ako ni Claine mula ulo hanggang paa, nanlaki ang mga mata nya ng tumingin sya sa mukha ko.

"W-What the f*ck happened?" tanong nya habang papalapit sa amin, napayuko na lang ako.

"It's Jason." makahulugang tiningnan ni Arkisha si Claine.

"B-Buti na lang dumating si Arkisha, tinulungan nya ko." alinlangang ngiti ang binigay ko sa kanya.

Tiningnan nya ang kabuuan ng mukha ko. "Namamaga at namumula ang mga pisngi mo." seryosong pahayag nya.

"He slapped her countless times." sabi naman ni Arkisha.

"Basag ang eye glasses mo." puna pa ni Claine.

"O-Okay lang ako." tumingin ako kay Arkisha. "Thank you Arkisha."

"You're welcome ate Zai." nakangiti nyang sagot sakin. "We'll go ahead." sabi nya kay Claine sabay tapik sa balikat nito habang tinanguan lamang sya ni Loki at sabay na silang naglakad palayo.

Ano kayang relasyon ng dalawang 'yun? Ang cute nilang tingnan. Bagay sila.

"Magkaklase tayo o tatayo na lang kayong dalawa dyan?" nagulat kami sa biglang pagsasalita ng professor, nagkatinginan kami ni Claine. Nakatingin sya sakin na para bang nagaalala sya. Dahil dun nginitian ko sya para sabihing okay lang talaga ako. Masakit ang mga pisngi ko pero wala ito sa lahat ng sakit na naranasan ko kay Veronica dati. Parang kagat na lang ng aso. Ngumiti rin sya sakin at tinanguan ako.

Nakayuko akong naglakad na papunta sa upuan namin ni Claine, agad na nagresume ang klase namin pagkatapos kaming bigyan ng masasamang tingin ng prof at mga classmates namin dahil sa eksena namin kanina.

Pagkatapos ng klase, mabilis na nagsialisan ang mga classmates namin. Habang inaayos ko ang mga gamit ko, nagulat ako ng biglang hawakan ni Claine ang baba ko. "A-Anong--" tiningnan nya ang buong mukha ko, kaliwa't kanan. Nanigas ang buong katawan ko at hindi ako nakahinga ng ilang segundo dahil sa sobrang lapit nya sa mukha ko. Seryoso nyang tinitingnan ang kaliwa't kanang pisngi ko. "C-Claine--" tawag ko sa kanya dahil feeling ko unti-unti ng nagiinit ang mga pisngi ko.

"Bakit ka nya sinampal?" tiningnan muna nya ko ng diretso sa mga maa bago lumayo sakin. Woooh! Hangin!

"A-Aahh... H-Hindi ko alam eh." sagot ko sabay iwas ng tingin. Nakakahiya! Baka yung mga namumula ko lang na mga tigyawat ang nakita nya sa mukha ko.

Buti pa sya ang kinis at puti ng mukha. Nakakainggit at nakakaiyak. Haaaaaaaay.

"Wala ba syang nasabi?" nakasukbit na sa isang balikat nya ang bag nya at handa ng umalis kaya tumayo na rin ako. Sabay kaming naglakad papalabas ng room. Last class na namin kaya didiretso na ko sa B.C.

"Nabanggit nya si V-Veronica." napapatingin sa amin ang nadadaanan naming mga estudyante sa hallway, hindi pa rin siguro sila makapaniwalang may kasamang panget ang Claine na 'to. Ako rin naman hindi makapaniwala, pero sinasanay ko na lang ang sarili ko.

"Anong sinabi nya tungkol kay Veronica?"

"Tinanong nya kung alam ko daw ba ang nangyari kay Veronica." tumigil ako at hinawakan ko sya sa braso para huminto rin sya sa paglalakad. Napatingin naman sya sa kamay kong hawak ang braso nya, agad akong nakaramdam ng hiya kaya binitawan ko sya. Tumingin ako ng diretso sa mga mata nya. "Ano bang nangyari sa kanya? Ang sabi mo sakin ginawa nila Nicho sa kanila ang ginawa nila sakin. Dahil ba dun kaya galit na galit sakin si Jason? Pero ano namang kinalaman ni Jason kay Veronica, magkaibang fraternity naman sila diba?" magkakasunod na tanong at pahayag ko. Hindi ako nakapagfocus sa klase kanina dahil sa mga katanungan sa isipan ko at alam kong si Claine lang ang makakasagot nun.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...