Ang Huling Binukot (The Last...

By AnakniRizal

1.9M 136K 45.5K

Aswang, kapre, engkanto, diwata, at mga anito, ang akala ni Arki ay kathang isip lang ang lahat ng mga kinwe... More

#AHB
UNANG YUGTO: Ang Paggising ng Mutya
/1/ Si Arki
/2/ Liwanag at Kadiliman
/3/ Ang Misteryosa
/4/ Muling Pagkikita
/5/ Ang Sinumpang Prinsipe
/6/ Pag-aalala ni Shiela
/7/ Ang Paglitaw
/8/ Ang Hindi Inaasahan
/9/ Bagong Salta
/10/ Plano ng Kadiliman
/11/ Kabilugan ng Buwan
/12/ Ang Tikbalang
/13/ Paghahatol
/14/ Bangungot
/15/ Kaibigan
/16/ Panganib
/17/Himala
/18/ Baka Sakali
/19/ Nabunyag
/20/ Ang Tinagong Kahapon
/21/ Paglayo
/22/ Ang Mutya
/23/ Ang Balita
/24/ Ang Sumpa kay Mayumi
/25/ Ibang Dimensyon
/26/ Ang Mangkukulam
/27/ Ang Pagbabalik
/28/ Ang Paglusob
/29/ Ang Sakripisyo
/30/ Realisasyon
/31/ Ang Prinsipe
/32/ Sa Gabay ng mga Tala
/33/ Marahuyong Mundo
/34/ Salidumay
IKALAWANG YUGTO: Ibayo, Ang Kabilang Mundo
/36/ Si Dayang Sulu
/37/ Si Anitung Tabu at ang Kanyang Balita
/38/ Ang Pag-aalinlangan ni Arki
/39/ Si Aman Sinaya at ang Prinsesa sa Dagat
/40/ Imong Bayani
/41/ Mga Paraan
/42/ Hanapin si Agyu, ang Manlalayag ng Langit!
/43/ Mga Halimaw at Pagsubok
/44/ Ang Binatilyo
/45/ Ang Ikakasal
/46/ Ang Tagpuan
/47/ Mga Busaw sa Kadiliman
/48/ Ang Desisyon nila Arki
/49/ Isang Gabi, Isang Digmaan
/50/ Ang Unang Kaamulan
/51/ Pagkalason ng Isip
/52/ Ang Paglalakbay sa Langit
/53/ Ang Kasunduan kay Magwayen
/54/ Nang Sumapit ang Dilim
/55/ Marikit sa Kagubatan
/56/ Pagsubok ng Pagkakaibigan
/57/ Engkwentro sa Siyudad
/58/ Mga Pangitain at Panaginip
/59/ Ang Pagsisisi sa Huli
/60/ Ako Ang Huling Binukot!
/61/ Kusang Loob na Pagsuko
IKATLONG YUGTO: Katapusan Patungo sa Simula
/62/ Sa Kabilang Dako
/63/ Kapangyarihan ng Hiraya
/64/ Ang Bulaklak sa Yungib
/65/ Ang Pag-ibig ng mga Halimaw
/66/ Ang Katapangan ng Mga Duwag
/67/ Ang Prinsesa at ang Hari ng Kadiliman
/68/ Pagdakip ng mga Duwende
/69/ Ang Paggising ni Lakapati
/70/ Ang Paglaho ng mga Alaala
/71/ Sa Isang Kundisyon
/72/ Ang Unang Maharlika
/73/ Sa Lalong Madaling Panahon
/74/ Sa Isang Kidlat ng Balarao
/75/ Sulong, Team Binukot!
/76/ Bagaman Hindi Magkaibigan
/77/ Digmaan sa Lambak ni Batari
/78/ Naayon na sa mga Tala
/79/ Gunita sa Balang Araw
/80/ Isang Bagong Simula
EPILOGUE

/35/ Ang Sama Dilaut

23.4K 1.5K 97
By AnakniRizal


Kabanata 35:
Ang Sama Dilaut


PARANG isang mahabang panaginip. Naalimpungatan si Arki nang maramdaman ang pagtama ng sikat ng araw sa kanyang mukha. Dahan-dahan siyang nagmulat at nakita ang bughaw na langit.

Pupungas-pungas siyang bumangon at saka namalayan ang kanyang sarili na nakahiga sa gitna habang napaliligiran ng mga halaman at matataas na puno.

"H-huh?" nilibot niya ang kanyang tingin at nakita ang kanyang mga kasama na para lang nahihimbing na natutulog. 'N-nasaan na kami?'

Tiningnan ni Arki ang sarili at nakitang gano'n pa rin ang kanyang kasuotan. Ang mga dala nilang gamit ay nagkalat.

'Tiktilaok!' malakas na tilaok ni Mari at biglang bumalikwas si Leo.

"Ha?!" bulalas ni Leo at nagtaka sa kalagayan nila.

Dali-daling kumilos siArki at ginising ang kanyang mga kasama.

"N-nasa Ibayo na ba tayo?" tanong ni Roni nang magising,  kinukusot ang mga mata. "Pakiramdam ko ang haba nang tulog ko."

Si Vivienne ang unang kumilos, pinulot niya ang mga gamit at inayos 'yon.

"OMG? For real? Is this Ibayo na?" maarteng tanong ni Jazis nang makatayo. "Uhm... 'Yung totoo? Stuck na naman tayo sa kagubatan? Ineexpect ko mapupunta tayo sa parang fairy land with sparkling magic?" dismayadong sabi ni Jazis sa mga kasama.

Huling nagising si Rahinel at unang bumungad sa kanya ang mukha ni Arki.

"Mukhang ito na nga, hindi 'to kamukha ng Makiling," sabi ni Arki sabay tinulungang tumayo si Rahinel. "Kailangan na nating mahanap si Yumi."

Akmang pupunta si Arki sa loob ng kagubatan subalit nagulat siya nang pigilan siya ni Rahinel.

"Bakit?" tanong niya.

"Huwag muna kayong magpadalus-dalos, kailangan muna nating pag-usapan ang magiging plano natin sa misyong iligtas si Yumi. At isa pa hindi natin alam kung ano ang naghihintay sa'tin dito," seryosong paliwanag ni Rahinel at nang mapagtanto niya ang paghawak kay Arki ay bumitaw siya.

"He's right," pagsang-ayon ni Vivienne. "We need a strategy. We don't know what kind of monsters we'll encounter in this place."

"M-monsters?" bulong ni Leo at natakot nang marinig 'yon.

"Yasss, ang gandang pang-instagram nitong mga halaman na 'to ah," sabi ni Jazis at kinukuhanan ng picture ang mga bulaklak.

"H-hoy! May dala kang cellphone?!" gulat na sabi ni Arki. 

"Hindi ba obvious?" mataray na sagot ni Jazis. "Paano ko ma-update ang status ko and live ma-broadcast sa madlang netizen ang adventure na 'to?"

"Timang 'ata 'tong babaeng 'to," bulong na lang ni Leo.

"May signal?" tanong naman ni Roni.

"Uhmm..." tiningnan ni Jazis ang cellphone niyang hawak subalit nadismaya. "Walang signal, hindi ako makakapag-data, kainis."

"Ang tanong, makakapag-charge ka kaya rito?" tanong ulit ni Leo at napaisip si Jazis.

"Mygad! Nakalimutan ko 'yung battery bank ko!" napapadyak pa ito sa lupa dahil sa inis.

"Alam n'yo, kesa pinoproblema n'yo 'yan bakit hindi na tayo magmeeting, ano?" nakapamewang na sabi ni Arki sa mga kasama. "Nagpunta tayo rito para iligtas si Yumi, hindi para mag-update ng Instagram at mag-status."

"K, whatever," sagot na lang ni Jazis.

"Mag-set up na tayo," utos ni Vivienne. "This place is perfect for a camping site."

Biglang tumunog ang tiyan ni Vivienne dahil sa gutom at nagtawanan sila maliban dito.

"Okay gutom na si Vice-President kailangan na nating mag-set up," pang-aasar ni Leo at hindi na napigilang matawa ni Roni dahil kumalam din ang tiyan ni Leo.

"Gutom na tayong lahat kaya kakain muna tayo," sabi ni Arki.

Hindi muna sila umalis sa kinaroroonan nila gaya ng sinabi ni Rahinel. At dahil pare-parehas na nilang naramdaman ang gutom ay kinain na nila ang dala nilang pagkain. Si Rahinel ang gumawa ng apoy para lutuin 'yung dala nila.

Si Leo naman ay pinakain ng patuka si Mari. Sabay-sabay din silang nag-toothbrush pagkatapos. Nang makapagligpit sila at nakapag-ayos ay sinimulan nila ang pagpupulong.

"So, ano na?" tanong ni Jazis sa mga kasama. Nakaupo sila ngayon sa may lilim.

"Ililigtas na natin si Yumi mula kay Sitan, hindi ba? Saan natin mapupuntahan si Sitan?" tanong ni Leo.

"I-assume natin na hindi pa nakukuha ni Sitan si Yumi, they're probably still on the way like us," nakahalukipkip na sabi ni Roni.

"Still, Sitan is the goal. It'll be easier to save Yumi if we'll know where Sitan is," sabi naman ni Vivienne na nakatayo.

"Una sa lahat, wala tayong alam sa lugar na 'to," sabi ni Arki. "Wala tayong mapa ng Ibayo."

"Eh di magtanung-tanong tayo kung paano tayo makakapunta kay Sitan," parang madali lang na sabi ni Leo.

"Mukhang hindi 'yon magiging madali," sabi ni Rahinel. "Wala tayong idea kung gaano kalaki ang lugar na 'to." 

"Ayon nga eh," segunda ni Arki sa sinabi ni Rahinel. "Sa tingin ko kakailanganin nating humanap ng matatanungan at kung may available bang mapa."

Natawa si Jazis at Leo.

"Wow, sis, kala mo nagbebenta lang sila ng souvenir map," si Jazis.

"Kayong dalawa, puro kayo kalokohan. Kapag hindi kayo tumigil ipapalapa ko kayo sa aswang,"napipikong sabi ni Arki at inawat lang siya ni Roni dahil susugurin sana niya ang dalawa para pektusan.

"Alright, we'll scout the area," desisyon ni Vivienne, naiinip na rin dahil wala pa siyang nakikitang kakaiba katulad ng nasa journal ng kanyang ama. "It'll best if we stick together."

"Tama siya, hindi tayo pwedeng maghiwa-hiwalay dahil baka kung anong halimaw ang maengkwentro natin," sabi ni Rahinel.

May naalala bigla si Arki.

"'Yung bayong ni Lola Bangs?" hanap ni Arki at inabot sa kanya ni Leo ang bayong. Nilabas niya ang mahiwagang salamin. "Baka pwede tayong tulungan nito!"

Mas lumapit sila kay Arki para tingnan din ang salamin at pare-parehas silang namangha nang makita sa repleksyon nito ang isang aguhon.

"Compass!" bulalas nila.

"Sinong may kailangan ng mapa kung meron naman tayong magic salamin?!" excited na sabi ni Leo.

Nakita nila na may tinuturong direksyon ang aguhon at nagkaroon sila lalo ng pag-asa na magtatagumpay sila sa kanilang misyon. Subalit wala silang kamalay-malay sa laki ng Ibayo at sa mga pagsubok na naghihintay sa kanila sa hinaharap.

Nagsimula silang maglakad sa loob ng kagubatan. Nangunguna sa harapan sina Arki at Rahinel. Nasa gitna sina Leo at Jazis. Pinakahuli sina Roni at Vivienne. Naging maingat sila at nakahanda ang kanilang mga sandata kung sakaling may umatake, subalit lumipas ang isang oras na paglalakad sa loob ng kagubatan ay wala naman silang naengkwentrong halimaw o kakaiba.

"Seriously, guys, akala ko talaga parang wonderland 'tong Ibayo," sabi ni Jazis habang naglalakad sila. "Where are the fairies?"

"Arki, ano'ng sabi ng magic salamin? Pagod na ko sa paglalakad," reklamo ni Leo.

"Hindi tayo pwedeng huminto, Leo, sayang ang oras," si Roni ang sumagot sa kanya na nasa likuran nila.

"Ahh! Tikbalang!" pang-aasar ni Leo na kunwari'y natakot nang makita si Roni sa likuran. Natawa si Jazis.

"Pwede ba—"sasawayin pa lang ni Arki ang mga pasaway nang matigilan siya. Tumigil din ang mga kasama niya sa paglalakad at ilang segundo ang lumipas bago nila mapagtanto lahat na malapit na sila sa dagat.

"Dagat!"sigaw ni Leo at sabay-sabay silang napatakbo hanggang sa makalabas sila ng kagubatan. Tumambad ang dalampasigan at malawak na dagat.

"Yasss!" si Jazis naman ay inilabas muli ang kanyang cellphone at nagsimulang kumuha ng selfie at larawan. "Sayang walang data mga friend!"

"Anong sabi sa salamin?" tanong ni Rahinel kay Arki.

Tirik na tirik ang araw kaya nagtungo muna sila sa lilim ng puno ng niyog at doon tiningnan ni Arki kung ano ang tinuturo ng aguhon.

"Hilaga," sabi ni Arki at tinanaw ang dagat. "Kailangan nating tumawid ng dagat."

"Wala tayong bangka," sabi ni Vivienne.

"Hello, Vivi? Don't you forget we have Mari?" maarteng sagot ni Jazis.

"The giant manok!" sigaw ni Leo at nilabas si Mari mula sa bayong at tinaas.

'Tiktilaok!' si Mari.

Dahil mataas pa rin ang energy nilang lahat ay kaagad nilang pinilit magpalit anyo si Mari para maging higante para ilipad sila nito at makatawid ng dagat.

"Mari," bulong ni Arki sa manok at hinimas iyon bago ilapag sa lupa. "Dalhin mo kami sa Hilaga."

Walang anu-ano'y naging higante muli si Mari, marami pa rin kasi itong enerhiya. Sumakay sila sa likuran ng higanteng Sarimanok. 

"Oh, shit here we go again," si Roni nang bumubwelo si Mari para lumipad.

"Lord, guide us," sabi ni Jazis at nagsign of the cross pa.

"Kumapit na kayo,"utos ni Arki sa mga kasama.

Tumakbo si Mari at bago ito tumapak sa tubig ay kaagad itong nakalipad. Napasigaw sila sa tuwa.

"Yumi, wait for us!" si Leo.

Manghang pinagmasdan nila ang paligid. Nakita nila ang islang pinanggalingan nila, maliit lang pala 'yon at wala ng ibang isla sa paligid. Tumingin sila sa hilaga at nakita ang isang kakaibang bundok sa malayo.

"May dala kayong telescope?" tanong ni Rahinel sa mga kasama at binigay ni Leo ang kanya.

Sumilip si Rahinel sa telescope at nakita nito 'di kalayuan ang isang mataas na bundok—hindi 'yon pangkaraniwan dahil ubod ng taas 'yon na umabot hanggang langit.

"Ano'ng problema?" tanong ni Arki at binigay sa kanya ni Rahinel ang telescope para masilip ang nakita nito. "Bundok?"

Makalipas ang dalawang oras habang palapit sila nang palapit sa naturang bundok ay nagtaka sila.

"It's not a mountain," sabi ni Vivienne nang masilip din sa telescope ang naghihintay sa hilaga. "I think it's a wall."

"Pader?"

Isang oras pa ang lumipas at naging mas malinaw ang nakita nila. Tama nga si Vivienne dahil hindi 'yon bundok kundi isang batong pader na umaabot hanggang langit.

"Kailangan nating makatawid sa kabila," sabi ni Arki sa mga kasama. "Tinuturo ng compass 'yung hilaga."

Muntik na nilang mabangga ang pader pero mabuti na lang ay mabilis na umakyat ang direksyon ni Mari. Napakapit silang mabuti habang lumilipad sila pataas.

"G-guys?!"

Pero nagimbal sila sa mga pangyayari, habang tumataas sila'y gumagalaw din pataas ang pader.

"Arghh!"

Nasasaktan na sila dahil tumataas ang pressure masyado. Wala pa ring tigil si Mari at tila hinahabol ang pagtaas ng pader. Pero pagkaraa'y nawalan na ng lakas si Mari para lumipad pa kaya unti-unti itong bumaba.

"A-ano 'yon?!" sigaw nila.

"Paano tayo makakatawid kung tumataas din 'yung pader?! Tsaka bakit may pader?!" tanong ni Leo sa mga kasama.

Dahil malakas ang impact ng pagbulusok nila pababa ay tumalsik ang tubig dagat at napasigaw silang lahat. Sa kabutihang palad ay nagawa pa ring lumipad ni Mari subalit halos kadikit na nito ang tubig.

"Kailangan nating bumalik sa isla," sabi ni Arki at napamaang ang mga kasama niya.

"That's a lot of hours!" si Vivienne.

"Baka mapahamak si Mari!" nag-aalalang sigaw ni Arki dahil nararamdaman niya na nanghihina ito.

"Uhm... Guys?" si Jazis na may tinuro sa malayo habang nakatanaw sa telescope. "Parang may madlang pipol there?"

Sumilip din si Rahinel sa telescope at biglang kinabahan. Nakita niya ang isang batalyon ng mga bangka na may mga armadong tao. Nakarinig sila ng tunog ng mga tambol.

"Ihanda n'yo ang mga sarili n'yo!" sigaw ni Rahinel na ikinagulat ng lahat. 

"Ha?! Bakit?!" si Leo.

"S-Sama Dilaut."

"Sama Dilaut? The Sea Gypsies?" takang-takang napatingin si Vivienne kay Rahinel. "Anong ginagawa ng mga Badjao dito?"

"Wala tayo sa mundo ng mga mortal, Vivienne," sabi ni Rahinel. "Nasa Ibayo tayo, at ang mga tao rito—"

Walang anu-ano'y nakita nila ang mga lumilipad na palaso sa ere na tatama sa kanila.

"Ahhh!!! Mamamatay na tayo!" sigaw ni Jazis sa takot.

Mabilis na naiwasan ni Mari ang mga pana at sa kabutihang palad ay hindi sila nasaktan.

"Kailangan nating umatras!" sigaw ni Arki.

"H-hindi na tayo makakaatras," si Roni. "Napapalibutan na nila tayo."

Kahit hindi makita nang malinaw ay makikita ang mga bangka na nakapaligid sa kanila. Wala silang ibang maatrasan.

Wala silang ibang magagawa kundi hintayin ang pag-atake ng mga kalaban. Nang saktong papalapit sila sa kinaroroonan ng mga 'to nang biglang bumalik sa normal na anyo si Mari, lumiit ito.

"Waaahhhh!" sigaw nila nang mahulog sa dagat. 

Pagkaahon ni Arki ay nakita niya ang kanyang mga kasama. Si Mari naman ay normal lang na nakalutang at kaagad niya 'yong nilapitan.

"Guys—"

Huli na sa kanila para makatakas dahil napalilibutan sila ng mga Bangka, may mga taong nakabahag na may hawak na sibat ang nakasakay doon.

"Dalhin sila sa Sultan," narinig ni Arki na sabi ng isang lalaki. "Dalhin sila sa kaharian ng Sama Dilaut." 



-xxx-


GLOSSARY:


The Sama Dilaut (more often known as the Bajau or Bajau Laut) is one of the ethnic groups of Southeast Asia known as the 'Sea Gypsies'."

Aguhon means Compass

Continue Reading

You'll Also Like

131K 9.8K 36
A girl who dreams to be a painter, suffering from grief and loss due to her best friend's sudden death and unable to move on. A boy made of light and...
7.1M 277K 46
Standalone novel || After hearing a terrifying prophecy about her life, Reika had to become a stronger Divian to protect herself from the looming dan...
236K 13.7K 90
Textmate Series #1 | Congratulations! Your number have won! *** An epistolary. "Pa-loadan mo ang number na ito upang ma-claim ang prize." Two souls m...
1.7K 7 1
Time to time, people tend to be pretentious in order to avoid judgement from opinionated mind. While some people find pretending easier than explaini...