It's Her (My Devil Queen)

Por blackandblurr

10.4K 294 104

"Run" For life or for love? It's Her (My Devil Queen) By: blackandblurr Más

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 2

578 17 2
Por blackandblurr

Sean's POV

"Hoy, bilisan mo jan" sigaw ni Hans sa akin mula sa labas ng kwarto.

"Eto na" sagot ko.

Tumingin muna ako sa salamin at nag-ayos ng buhok at saka ko kinindatan yung salamin.

"Ayos, kahit kailan talaga ang gwapo mo Sean" sabi ko sa gwapong lalaking nasa salamin ngayon.

"H'wag mong sabihin na kinakausap mo na naman yung salamin?!" Sigaw niya uli kaya naman asar kong ginulo ang buhok ko at saka padabog na binuksan yung pinto. Pinaningkitan ko siya ng mata ng taka niya kong tiningnan.

"Tsk, at sino namang baliw ang kakausap sa salamin?" Tanong ko sa kaniya at kunwari namang napaisip siya.

"Hmmm... Ikaw?" Sabay turo sakin.

"Anong sabi mo?" Tanong ko pero tinawanan lang niya ko. Tsk, ang aga aga eh.

Pumunta kami sa salas para hintayin si Arlo. Napatigil naman ako sa paglalakad ng makita ko agad yung kapatid niyang naka-upo sa sofa. Agad akong nagtaka ng may mapansin akong kakaiba sa itsura niya. Teka, kulay puti lahat ng buhok nito kanina ah? H'wag mong sabihin na nag-iiba ang kulay ng buhok niya sa umaga? Tsk, ano siya imortal?

Napailing iling nalang ako at laking gulat ko ng tingnan niya ko. Napaka seryoso ng muka niya at... ano 'tong nararamdaman ko? Habang tumatagal akong nakatingin sa mata niya, para akong naiiyak. Hindi ko alam kung pa'no pero nababasa ko ang lungkot sa mga mata niya. Sobrang lungkot. Para bang nararamdaman ko ang lungkot na 'yon at unti unti ako nong pinapatay.

"Inlab ka na ba, Sean?" Napapitlag ako ng bigla nalang bumulong si Hans sa tenga ko. Magkasalubong ang kilay ko ng tingnan ko siya.

"Tigilan mo nga 'yan, tsk" sabi ko at saka siya tinulak ng mahina. "Nasa'n naba si Cobie?" Sa halip ay asar na tanong ko nalang.

"Para namang hindi ka sanay do'n, alam mo namang makupad pa 'yon sa pagong kung kumilos pagdating sa pag-aayos sa itsura niya" sabi niya at saka pabagsak na umupo sa sofa. Bigla ko namang naalala si Aiah dahil kanina pa siya ro'n nakaupo. Lumingon ako sa kaniya at hindi na siya nakatingin sakin. Nakatingin siya sa pinto ng kwarto ni Arlo, mukang naiinip na siya.

Napatingin kaming dalawa ni Hans sa pinto ng kwarto ni Cobie ng bigla 'yong bumukas, kasabay naman no'n ang paglabas din ni Arlo sa kwarto niya. Pareho pala silang mabagal gumayak. Siya pala ang dapat na laging kasama ni Cobie eh, siguradong magkakasundo sila, tsk.

"Kanina pa kayo naghahantay?" Tanong ni Arlo sa 'min. Umiling naman si Hans bago magsalita.

"Katatapos lang din namin ni Sean" nakangiting sabi niya at saka tumayo. Dala dala na niya yung bag niya.

Mabilis na naglakad si Cobie palapit samin at lumayo naman agad ako sa kaniya.

"Lumayo layo ka nga sakin" asar na sabi ko kay Cobie pero nginisihan niya lang ako.

"Bakit? Dahil na naman sa pabango ko ha? Alam mo Sean, kung naiinggit ka sa pabango ko sabihin mo. Pwede naman kitang ibili eh hahaha" tatawa tawang sabi niya.

Magsasalita na sana ko pero napatigil ako ng bigla nalang tumayo si Aiah. Tumingin siya sa gawi ni Cobie at saka naglakad ng deretso. "Ang baho" bulong niya at saka niya kami nilampasan. Lumabas na siya sa dorm.

"A-ano raw?" Nanlalaki ang mga mata at gulat na tanong ni Cobie.

Nginisihan ko siya at saka tinapik sa balikat. "Sabi ko naman sayo masama ang amoy ng pabango mo eh" tatawa tawang sabi ko at saka naglakad palabas.

"Mukang may kakampi na si Sean hahaha" rinig kong sabi ni Hans.

"Hindi ba nila alam ang pinagkaiba ng mabango sa mabaho?" Naguguluhan na sabi ni Cobie. Narinig kong naglakad si Arlo kaya napalingon ako sa kanila, ganun din si Hans.

"San mo nabili 'yang pabango na 'yan?" Tanong niya kay Cobie.

"Bakit? Lalaitin mo rin ba---"

"Ngayon lang ako nakaamoy ng pabangong ganyan kabango! Pwede ba bigyan mo ko niyan ha?" Manghang manghang tanong ni Arlo. Napangisi naman si Cobie bago magsalita.

"Syempre naman bro. Ikaw ang kauna unahang tao na bibigyan ko ng pabango na 'to. Hindi 'to basta basta nabibili sa mga normal na tindahan kaya naman maswerte ka dahil bibigyan kita ng isa" mayabang na sabi niya. Mukang tuwang tuwa ang loko.

"Mukang may kakampi na rin si Cobie ah" natatawang sabi ni Hans. Umiling nalang ako at saka kami sabay na lumabas sa dorm.

Naabutan kong naka sandal si Aiah sa pader habang nakapatong sa likod ng ulo ang dalawang kamay, magkakrus naman ang mga paa niya. Tsk, muka siyang hindi babae sa posturang 'yan. Tibo kaya 'to?

Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sakin ng magkasalubong ang mga kilay. Grabe nakakagulat siya! Bakit ba bigla bigla nalang siyang tumitingin ng gano'n?

Nag-iwas nalang ako ng tingin at saka lumayo sa pintuan, naririnig ko kasing palabas na yung dalawa. Ang lalakas ng mga boses eh.

Pagkalabas na pagkalabas nung dalawa ay naglakad na kami agad palabas sa building. At pagkalabas namin, ang weird ng pakiramdam. Kung kanina pagdating namin ay walang katao tao sa lugar, ngayon ang dami ng mga tao. At lahat ng 'to ay mga estudyanteng kagay namin. Buong akala ko isa talaga 'tong abandonadong lugar at niloloko lang kami ni lolo tanda pero... totoo palang isa 'tong paaralan. Nanlamig ang buong katawan ko ng pagtinginan kami ng mga tao. Lahat sila nakatingin saming tatlo. Yung mga mata nila, hindi ko alam kung bakit pero... parang gusto nila kaming paalisin sa lugar na 'to.

"Bakit kami pinagtitinginan ng mga tao?" Mahinang tanong ni Hans kay Arlo, mukang natatakot siya. Buti nalang kasabay namin 'tong magkapatid, magkakaro'n kami ng kausap at may sasagot din sa mga tanong namin.

"Ngayon kang kasi nangyari 'to" sagot niya at saka tumingin kay Hans. "Ngayon lang nagka-transferee sa Ward University"

"Ngayon lang?" Tanong uli ni Hans at tumango naman si Arlo.

"Walang nakakaalam na may paaralan na ganito at wala ring nakakaalam sa mga nangyayari dito. Hindi makikita ang Ward University sa labas dahil nakatago ito sa matataas at matitibay na pader"

Tama. Yung mga matataas na pader na nakita namin nung nasa gubat kami. Wala talagang mag-aakalang may paaralan pala sa likod ng mga pader na 'yon. At ngayon nandito kami sa loob ng paaralang 'yon.

"Oo nga pala" napatingin naman sakin si Arlo ng ako na ang magsalita. "Ang sabi ni lolo tanda wala raw labasan sa lugar na 'to, totoo ba 'yon?" Tanong ko sa kaniya.

Mukang inisip pa niya kung sino yung lolo tandang sinabi ko pero mukang nakuha naman agad niya kung sino ang tinutukoy ko. "Hindi ko alam" ano??? "Mula kasi ng mapunta kami sa lugar na 'to, wala pang nakakalabas kahit isa" at saka siya nagpilit ng ngiti bago magpatuloy sa paglalakad.

Ibig sabihin hindi na talaga kami makakalabas dito??

"Amazing..." Bulong ni Cobie kaya naman agad ko siyang binatukan. "Aray ko!" At saka siya humarap sakin ng nakakunot ang noo. "Bakit na naman ba?" Asar na tanong niya.

"Tsk, anong amazing do'n? Hindi na tayo makakalabas sa lugar na 'to nakukuha mo?" Tanong ko.

Hinawakan ako ni Hans sa braso bago magsalita. "Maghinay hinay ka. Lagi naman niyang sinasabi yung salitang 'yan kaya dapat sanay ka na sa kaniya" nagkibit balikat nalang ako at saka tumingin sa daan.

Nasa seryosong sitwasyon kami ngayon kaya dapat maging seryoso rin siya, tsk.

"H'wag ka kasing mag-isip ng mga negatibong bagay, ang isipin mo ay yung mga gagawin natin mamaya. Hindi pa natin alam kung anong meron dito sa paaralan na 'to at kung ano ang pinagkaiba nito sa paaralan sa labas. Magsaya nalang muna tayo ngayon dahil kung mag-iisip ka lang ng ganyan, hindi 'yan makakatulong" sabi ni Hans at saka ako tinapik sa balikat.

Hindi makakatulong ang pag-iisip ng ganito? Tsk, sa tingin ko tama siya.

Pumikit ako ng madiin at saka inalis ang mga negatibong bagay na nasa isip ko. Sana lang maging normal ang araw namin dito.

Pumasok kami sa isang building at dumaan sa kanang hallway, nasa pangalawang kwarto pala ang room namin.

"Hindi ko alam kung saang room kayo dapat dahil wala namang sinabi si Mang Jose sakin, siguro mas maganda kung maging magkakaklase nalang tayo" sabi ni Arlo na tinanguan naman naming tatlo.

Pagpasok na pagpasok namin ay pinagtinginan na naman kami ng mga tao na nasa loob ng room. Bigla tuloy huminto sa paglalakad ang paa ko. Huminto rin pala sila Hans at Cobie. Nagulat nalang ako ng humarap si Aiah sakin ng walang kaekspre-ekpresyon ang muka. Lumapit siya at saka lalo pang tumitig sakin.

"Takot ka?" Bulong niya at saka nagtaas ng kilay.

Asar akong lumayo sa kaniya at saka umiling. "Hindi ah!" Matapang na sabi ko at saka dumeretso sa pinakadulong upuan. Sumunod naman sakin yung apat. Nagulat nalang ako ng tabihan ako ni Aiah, nasa kaliwa ko siya. Tapos si Arlo naman ang nasa kanan ko. Nasa gitna pa talaga nila ako?? Tatayo na sana ako ng bigla nalang pumasok yung teacher.

Ang weird niya. Lahat nalang ng meron dito sa lugar na 'to weird, kahit mga tao. Pagpasok kasi nung teacher na 'yon nasamin agad ang tingin niya, tapos hindi ko alam kung malungkot ba siya o ano. Nababaliw na ba 'ko at kung anu-ano na ang nakikita ko?

"Siya si Ma'am Lana" pakilala ni Arlo sa teacher na nasa harapan. Mahaba ang itim na buhok niya at siguradong nasa 30's na siya. Itim na itim ang mga mata niya at ang lungkot no'n. Lahat ng estudyanteng nakatingin sa 'min kanina ang lulungkot ng mga mata. Para ba silang isang alila sa isang malaking palasyo.

Nagturo na si Ma'am Lana sa harapan pero walang nakikinig sa kaniya, si Hans lang ata.

Si Cobie nakikipag kwentuhan kay Arlo habang hangang hanga naman si Hans sa tinuturo ng teacher, math kasi ang subject ngayon at favorite subject 'yon ni Hans. Si Aiah naman, nagdo-drawing. Kaya lang hindi ko makita yung dino-drawing niya kasi nakaharap siya sa 'kin at nakatalikod sakin yung notebook.

Tsk, hindi ko naman kailangan makita kung ano yung dino-drawing niya no. Hindi nalang din ako nakinig sa teacher gaya ng mga estudyante na nandito. Pero...

-----after 50 minutes-----

"Bring out 1 whole sheet of paper, we will have a quiz today"

Ano???

Naglabasan na ang lahat ng longpad kaya gumaya nalang ako. Nagsimula ng magsulat sa whiteboard si Ma'am Lana kaya wala na kong nagawa kundi kopyahin 'yon kagaya ng ginagawa ng karamihan. Nang matapos ng magsulat ay tinitigan ko lang ang papel ko. Hindi ko alam ang isasagot dito!

Hindi naman kasi ako nakinig kanina, at saka ginaya ko lang yung ginagawa nung mga estudyante kanina. Hindi rin sila nakinig kaya siguradong wala rin silang masasagot.

Pero mukang mali ako. Lahat kasi sila may isinusulat! Ibig sabihin nasasagutan nila 'yon! Badtrip!

Lumingon ako kay Cobie at ang loko nangongopya kay Hans, pasalamat siya katabi niya si Hans. Tsk. Eto namang si Arlo masyadong nakayuko kaya hindi ko makita yung sinusulat niya. Isa nalang ang pag-asa ko.

Lumingon ako sa kaliwa ko at nakita kong nagsasagot si Aiah. Hindi ko alam kung matalino siya o kung tama ba yung sagot niya, basta kinopya ko nalang.

Pagkalipas ng ilang minuto ay pinapasa na yung mga papel. Ibinigay ko na kay Arlo yung papel ko tapos si Aiah hindi ibinigay sakin yung papel na sinusulatan niya kanina kung alin yung kinopyahan ko, sa halip ay pinasa niya sakin yung isang papel niya pa na nakatago pala sa isa niyang kamay.

"Bakit hindi mo ipapasa 'yang isa?" Turo ko sa isang papel na nasa kamay pa niya.

"Scratch paper ko 'to" walang ekspresyong sabi niya bago lukutin yung papel na hawak niya.

Hindi...

"Pero 'yan naman yung sinasagutan natin kanina diba?" Patungkol ko sa mga nakasulat sa blackboard. Laking gulat ko ng umiling siya.

"Kanina pa ko tapos" sabi niya.

"Eh ano 'yang sinasagutan mo?" Patungkol ko uli sa papel na nilukot niya.

"Sarili kong tanong" sabi niya at saka nag-iwas na ng tingin.

Hindi pwede...

Ibig sabihin mali pala yung kinopya ko??? BWISIT.

"Hoy, Sean" tawag sakin ni Cobie. "Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong niya sakin habang nakangisi.

"Tumahimik ka!" Asar na sigaw ko bago dumukdok sa arm rest ng upuan ko. Sana ako nalang yung katabi ni Hans. BADTRIP.

Sana lang hindi ako pagalitan ni Ma'am Lana.

Nakakaasar kasi 'tong katabi ko. Bakit kasi nagsusulat siya sa scratch paper ng ibang problem?

Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na 'to.

Kailangan kong bumawi.

Seguir leyendo

También te gustarán

17.5M 656K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...
Haunted Por Ely

Misterio / Suspenso

373K 14.7K 41
Zeref Gray Vermilion - babaeng sobrang lamig makitungo dahil sa nakakatraumang pangyayari sa nakaraan niya. Hanggang sa may Isang professor na darati...
82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
55.1K 3K 25
Transmigrating to a story sounds perfect, it's a dream most readers would have. Jurlian also dreamt of waking up one day to one of the stories she ha...