BHO CAMP #8: The Cadence

By MsButterfly

1.4M 45.3K 4.8K

All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet... More

Synopsis
Chapter 1: Beat
Chapter 2: Hand
Chapter 3: Crepuscular
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Objective
Chapter 6: Time
Chapter 7: Sleep
Chapter 8: Song
Chapter 9: Orange
Chapter 10: Compromise
Chapter 11: Gravity
Chapter 12: Home
Chapter 13: Hawk
Chapter 14: Chance
Chapter 15: Promise
Chapter 16: Damage
Chapter 17: Shine
Chapter 18: Charm
Chapter 19: Cuff
Chapter 20: Breathe
Chapter 21: Princess
Chapter 22: Free
Chapter 23: Fairytale
Chapter 24: Always
Chapter 25: Lie
Chapter 27: Pretend
Chapter 28: Beautiful Disaster
Chapter 29: Cadence
Chapter 30: Epilogue
Chapter 31: Start
Chapter 32: Catfight
Chapter 33: Mind Games
Chapter 34: Distance
Chapter 35: Orbit
Chapter 36: Tradition
Chapter 37: Rock star
Chapter 38: Team Night
Chapter 39: Music
Chapter 40: Always
Epilogue
Author's Note

Chapter 26: Road

29.9K 851 111
By MsButterfly

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

A/N: Hi guys! I hope okay lang ang mga BHOCAMPER natin na nakatira sa Batangas at sa malalapit na lalawigan. Keep safe guys! Same goes for the pips in Cebu <3

Just want to take this opportunity din to thank the people in Iloilo, specially Wattpaders Iloilo Chapter, para sa warm welcome na natanggap namin nang magpunta kami ro'n nitong January 17. Thank you din sa mga nakilala namin sa event <3 Sa uulitin! Lablab <3

HERA'S POV

Kanina ko pa nararamdaman ang mabibigat na mga tingin sa akin pero pilit kong iniignora iyon. Alam ko naman na walang ibang panggagalingan ang mga iyon kung hindi sa mga agent na ngayon ay nasa paligid na nagpapanggap na may kaniya-kaniya silang ginagawa. Kahit alam ko naman na binabantayan lang nila ako.

Nagpatuloy ako sa ginagawa kahit pa sabihin na hindi madali iyon. Pakiramdam ko kasi ay palabas ako sa telebisyon na adik na adik silang panoorin.

Naiintindihan ko naman na nag-aalala sila pero ano ba ang ineexpect nilang gawin ko? Alisin ang hoist ng sasakyan kung saan nasa ilalim ako para bumagsak sa akin iyon? O kaya maligo ako ng gasolina at silaban ko ang sarili ko?

I was just silently minding my own business by repairing this car. Isa kasi ang sasakyan na ito sa napakaraming mga sasakyan ng mga agent na dahil sa mga misyon na kinuha nila ay nagkaroon ng damage. Usually hindi ako pumupunta rito dahil hindi ako mahilig magkutinting ng sasakyan. Saka ayoko ng mga gawain na magaganitan lang ako sa huli. But for some reason this seems to be almost therapeutic. To fix something that is broken.

"Kanina pa siya diyan. Okay lang ba siya?"

"Hindi ko nga rin alam. Hindi pa 'yan kumakain mula kanina. Tatawagan na ba natin si Hermes?"

Napabuntong-hininga ako nang maulinigan ko ang mga bulungan na base sa pamilyar na boses ay nanggagaling sa isa kambal na Wright at kay Chalamity na nakita ko kaninang umaaligid-aligid sa akin. Mukhang pinipilit nilang hindi itago ang pag-uusap sa akin base na rin sa hina ng boses nila pero dahil tahimik ang kinaroroonan namin at hindi naman sila malayo sa akin ay hindi naging mahirap sa akin na marinig ang sinasabi nila.

"Pagkain? Pagkain ba ang kailangan? Ocean to the rescue!"

"Wag kang maingay- Hoy saan ka pupunta?"

Muli akong nagpakawala ng malalim na hininga at bago pa tuluyang makalapit ang mga yabag na tila tinutumbok ang direksyon ko ay tinulak ko na palabas ang kinahihigaan ko na mechanic's creeper. Mukhang hindi inaasahan iyon ng taong palapit sa akin dahil naramdaman kong tumama ang isa niyang paa sa creeper dahilan para mawalan siya ng balanse.

Isang malakas na galabog ang nilikha ng taong iyon na walang iba kundi si Ocean nang mawalan siya ng balanse dahil sa pagkakabangga ko at plakdang napatumba siya sa sahig. Napangiwi ako habang tinitignan siya pero imbis na bumangon siya ay nananatili siyang nakahiga habang naka-stretch ang mga kamay niya sa taas niya. Sa sumunod na sandali ay nalaglag sa mga kamay niya ang isang puting tupperware na mukhang naihagis niya dahil sa tangkang pag-iwas sa akin kanina.

"Safe!" nakangising sigaw ng binata.

Pinaikot ko ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya. Para siya kasing in love na nakatingin sa hawak na tupperware na kinipkip niya pa sa dibdib na para bang sanggol iyon na napaka-precious para sa kaniya.

If there's one thing that people can easily see when it comes to Ocean is his love for food. Normally wala siyang pakielam sa mundo at tatamad-tamad lang pero pag pagkain ang pinag-uusapan ay lagi siyang nangunguna at puno ng energy.

Nakangising lumingon sa akin si Ocean at umayos na siya ng upo bago inabot sa akin ang tupperware na wala akong choice kundi kunin dahil ipinagduldulan niya sa akin iyon. "Ano 'to?"

"Pagkain!" sagot ni Ocean.

"Bakit lagi kang may dalang pagkain? Ano ka ref?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya habang sinisilip ang laman ng hawak ko. Mukhang tinapay ang nasa loob no'n. "Mamaya may makakita sa iyo sa mga babaeng nilalandi mo akalain pa patay gutom ka."

Napanganga si Ocean na para bang hindi inaasahan ang sinabi ko. Hindi ko rin siya masisisi. Nitong mga nakaraan kasi ay para ba akong hangin lang na dumadaan sa harapan nila. Sumasagot ako kapag kinakausap pero hanggang doon lang. It's like I'm just trying to exist in a world where I feel like I'm not rooted at.

"Minsan, Ate Hera, parang gusto na kitang lasunin. Alam mo 'yon?" sabi ng binata nang makabawi siya. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang mga tingin na pinupukol sa kaniya ng mga kasamahan namin pero parehas naming hindi pinansin iyon.

"Hindi. Alam ko namang may crush ka sa akin eh."

Napasinghap siya kasabay ng pagmulagat ng mga mata niya. Nakarinig ako ng mga hagikhikan dahilan para kusang kumurba ang maliit na ngiti sa sarili kong mga labi.

"A-Ano kamo? Hindi kita crush!"

Pinaikot ko ang mga mata ko. Wala naman atang babae na hindi naging crush ang malanding lalaki na ito. Kahit pa sabihin na marami sa aming mga babaeng agent ang mas matanda sa kaniya ay hindi naman no'n napigilan ang pagsintang pururot niya noong bata pa siya.

"Sus. May picture pa nga ako sa cellphone mo dati noong ten years old ka. Ako kaya ang favorite crush mo saka si Athena kasi kami ang laging pumapatol sa mga experiment mo noon sa kusina." Though if I would look back, talagang mahilig lang kami ng kaibigan ko sa libre kaya nagkakataon na kami ang sumasalo sa mga niluluto noon ni Ocean na sa kabila ng murang edad ay may alam naman na talaga sa pagluluto. Chef ba naman ang tatay eh.

"Ikaw kasi ang nasa pinakauna sa listahan ko na gusto kong ipakulam." sikmat niya sa akin.

"Right. If I know ginagayuma mo na kami ni Athena kaya panay bigay ka sa amin ng pagkain."

"Yuck! Ang tatanda niyo na no!"

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang pabulyaw na niya iyong sinabi sa akin. Namumula na rin ang mukha niya na para bang any moment bigla na lang siyang sasabog. Marunong pa rin palang mahiya ang isang 'to.

"Age doesn't matter." Lumapit ako sa kaniya at nilagay ko ang isa kong kamay sa gilid ng mukha ko na para bang bubulong kahit hindi ko naman binawasan ang lakas ng boses ko. "Di ba nga ang ultimate crush mo ay si Tita Hurricane?"

Tuluyan nang napuno ng tawanan ang lugar. Mukhang kanina pa rin nakikinig sa amin ang ibang mga agent na ngayon ay tila ba iisa lang ang iniisip sa bagay na naglalaro sa utak ko. Noong bata pa kasi si Ocean kapag nasa paligid si Tita Hurricane ay talagang nagtatago siya. Kapag naman kausap niya si Tita ay parang lagi siyang nakalutang habang pulang-pula ang mukha niya na parang kamatis.

Hindi nga naman siya masisisi. Talaga naman kasing maganda si Tita Hurricane na kahit ang paglipas ng panahon ay hindi nagawang bawasan iyon. Age doesn't matter ika-nga pagdating sa crush. Kami nga ni Athena noon laging pumupuslit papuntang BHO CAMP Hospital masilayan lang ang paborito naming kambal na si Tito Ice and Wynd.

"Magsama-sama kayo! Sumakit sana ang mga tiyan niyo!" sigaw ni Ocean na isa-isa kaming dinuro. "Tandaan niyo 'tong ginagawa niyo sa akin. Pagdating ng araw hahanap-hanapin niyo rin ako."

"Parang hindi naman. Pag dumating na nagkaroon ka ng love life hindi naman na kami worried na magkakaroon ng tag-gutom ulit sa BHO CAMP. Nandiyan naman si Kuya Hermes na happily married na. Kaya hindi ka namin mamimiss." sabi ng isa sa kambal na Wright na base sa nakikita kong ayos ay malamang si Enyo. Mas astigin kasing pumorma si Enyo habang si Eris naman ay mas feminine magdamit. Unless trip nila na magsuot ng parehas na noon ay gawain nila.

Lalong nalukot ang mukha ni Ocean. "Mga walang utang na loob! Para hindi ko kayo mga binusog ah?"

"Nagbabayad kami." halos sabay-sabay na sagot namin sa kaniya.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming mga agent na nakatingin sa kaniya. Nang maramdaman niya na kahit na anong sabihin niya ay pagtutulungan pa rin namin siya ay humalukipkip na lang siya at ngumuso. Binaling niya sa akin ang simangot pa rin na mukha niya bago nagsalita, "For your information lang special 'yang binigay ko sa'yo. Hindi mo lang alam ang pinagdaanan ko para mabuo ang recipe niyan."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, "Recipe ng alin?" Nagtatakang nagbaba ako ng tingin sa tupperware at binuksan ko iyon. Sa pagtataka ko ay burger ang nasa loob at pamilyar iyon sa akin. Kahit pa ang amoy no'n. "Binili mo lang 'to sa Jollibee eh. Champ burger 'to."

He looked at me smugly, "Hindi ko iyan binili dahil phase out na ang Champ sa Jollibee. Wala ka ng mabibilan ng Champ ngayon. Ilaang burger ang kinain ko para lang magets ko kung anong nakalagay diyan." He shuddered as if remembering something. "I'm going to throw up just at the thought of eating another burger."

Phase out. Who would have thought? Kahit pala fast food chain nagbabago rin. Kahit sa Jollibee wala na ring forever.

"Wala ka talagang kwenta, Ocean. Magiging emotional punching bag ka na lang hindi mo pa magawa ng maayos." narinig kong asik ni Chalamity sa binata.

Pinilig ko ang ulo ko at tumikhim ako para tanggalin ang tila bikig sa lalamunan ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanila at pilit na ngumiti. Maging si Ocean ay nawala ang ekseheradong ekspresyon sa mukha at sa halip ay nag-aalalang nakatingin sa akin.

"Thanks for this." sabi ko at itinaas ko ang tupperware na tinakpan ko na ulit. Ibinaba ko iyon sa hood ng sasakyan at muli akong umupo sa creeper na binakante ko. Akmang papasok na ako ulit sa ilalim ng sasakyan nang marinig kong tinawag ako ni Ocean. "What?"

"Crush din kita talaga noong bata pa ako."

Tinapunan ko siya ng ngiti at naiiling na humiga na ako sa mechanic's creeper. "Alam ko. Obvious naman na patay na patay ka sa akin."

"Argh! Hindi ko na talaga kaya 'to! Maghanap kayo ng ibang ipapain! I quit!"

"Hoy bumalik ka dito! Hindi ka patapos maging emotional pet support!" tawag sa kaniya ni Enyo.

Itinulak ko ang creeper papasok sa ilalim ng sasakyan. Nang tuluyan akong maikubli no'n ay kusang nawala ang ngiti sa mga labi ko na pakiramdam ko ay kinukuha ang buong lakas ko para lang magawang ipaskil iyon sa mga labi ko.

I'm okay. This is not the place. I'm okay.

I can't break everytime I'm reminded of him. Hindi pwedeng kada maaalala ko siya ay parang gusto kong tumakbo papunta sa tabi niya. I need to do this for myself. I need to live in anyway that I can even though it doesn't feel like living. Kailangan kasi iyon ang tama. Para sa sarili ko at para sa kaniya. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay kailangan kong paniwalain ang sarili ko sa kasinungalingan.

I'm okay. Everything's okay.




MALALIM NA BUNTONG-HININGA ang pinakawalan ko nang magawa kong makaupo. Pakiramdam ko ay patang-pata ang katawan ko sa pagod kahit na hindi naman gano'ng kadami ang ginawa ko. Siguro naninibago lang ako dahil halos ilang buwan din naman ako na walang ginagawa.

Nagbaba ako ng tingin sa hawak ko na cellphone. May mensahe ro'n mula kay Freezale. Mukhang magkakaroon ng papalapit na system upgrade ang BHO CAMP. Hindi ko na binuksan pa ang message niya dahil sanay naman ako sa gano'n. Hindi naman ito ang unang beses na kinakailangan i-update ang system ng buong BHO CAMP. Ninonotify nga lang niya kaming lahat dahil usually kapag nagkakaroon noon ay sandaling nagkakaron ng power outage.

Ibinaba ko ang cellphone sa tabi ko at sumandal ako sa kinauupuan ko bago ako tumingin sa harapan ko. Naroon ang pamilyar na establishimento ng Jollibee na nandito sa loob ng BHO CAMP. Ang paboritong tambayan ng mga agent lalo na ng mga mag-aasawa.

Kinuha ko ang tupperware na binigay sa akin ni Ocean kanina at binuksan ko iyon. Kinuha ko mula roon ang burger na ginawa niya at kumagat. Hindi ko mapigilan ang maliit na ngiti na gumuhit sa mga labi ko. Wala kasing pinagkaiba iyon sa lasa ng paborito kong burger na binibili ko sa Jollibee.

"You really outdone yourself, Ocean." I whispered as I took another bite.

Sa bawat kagat ko pakiramdam ko ay unti-unti iyong nawawalan ng lasa hanggang sa parang pinipilit ko na lang ang sarili ko. Hindi dahil sa kung ano pa man kung hindi dahil sa dahan-dahang paggapang sa akin ng mga emosyon na pilit kong isinangtabi buong araw.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko at binaba ko ang hawak ko sa tabi ko. Nang muli akong magmulat ng mga mata ay dumako ang nanlalabong paningin ko sa bench na nasa kabila lang ng kinauupuan ko.

It's been years since I sat here. Pakiramdam ko noon ang laki ng problema ko. Na para bang wala ng mas bibigat pa sa pinagdadaanan ko noon. It's been years since Thunder sat across from me, smiling at me in a way as if he's telling me that there's nothing I should worry about.

"You don't need a man to make you shine more."

He said those words to me. Pero bakit pakiramdam ko hindi totoo iyon? Bakit pakiramdam ko ang dilim ng paligid ko ngayong wala siya sa tabi ko?

I am trying so hard. I am trying. But it's not easy.

"Are you going to cry?"

I can see a figure lowering his body on the bench across from me. For one moment, I wished it could be him. For one moment, I thought it could be possible. Kahit alam kong hindi iyon maaaring maging totoo. If I could only turn back the time. Kahit pa alam ko na dadating ang oras na 'to, tatanggapin ko. Kung ang ibig sabihin lang no'n ay magagawa kong pahabain pa ang meron kami...ang ulitin pa. Gagawin ko. Even if every single moment I would think how everything will end up here, it would be fine. Gusto ko lang naman ng konti pang oras.

I blinked the tears that were starting to form in my eyes. Tumingin ako sa langit para magawang pigilan iyon sa pagbagsak. "I'm not." I said when I turned my eyes to the man again.

Mataman akong tinitigan ni Wilhelm na para bang tinitimbang niya ang katotohanan sa sinabi ko. He'd been with me longer than I expected him to. Thunder, for some reason, chose him for me. But Will and I know that we can't do what he wanted. Kasi alam naming pareho na hindi ko kayang pilitin ang sarili ko...ang puso ko. So we became friends. What I can't burden my family with, friends that knows me and Thunder, when I can't let anyone see me breaking...he's there to listen.

His eyes roamed around my face for awhile before he speak again, "Bakit hindi?"

"Pagod na ko eh."

"Pagod na ang mga mata mo na umiyak pero ang puso mo pagod na ba na masaktan?"

I breathe out and looked at the sky again before I nod my head and forced myself to smile. Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko ay alam kong nakapaskil doon ang pait na sumasalamin sa nararamdaman ko. "Pagod na pagod na. Sobrang pagod na."

Nakikita ko kay Wilhelm ang pagkaalarma lalo na nang mangilid ang luha sa mga mata ko. Pero pinanatili kong matatag ang sarili ko at hindi ko hinayaang makakawala ang mga iyon. I'm okay. This is not the place.

This is not the place for me to cry. Kasi gusto ko kapag kasama ko si Thunder doon ko lang pakakawalan lahat. Kapag hindi ko na kaya ay sa kaniya ako babalik. There's no right place for me except when I'm with him. So for now, I need to be strong. I need to pretend that I am strong. Hanggang sa masanay ako. Hanggang sa dumating iyong oras na kayanin ko na.

"Why?" Will asked.

There's so many questions in that one word. Alam namin iyong pareho at alam namin na hindi niya iyon kailangan isa-isahin. I asked myself a hundred times too. Why? Why am I still here when I know I will just hurt more seeing how I'm slowly losing the man I love?

"Napapagod lang akong masaktan pero hindi pa ako pagod na mahalin siya."

It's like I'm walking in a dark road that is never ending. But instead of being scared...instead of being tired, I welcomed the journey because while doing that I can still hold on to Thunder. And now I'm slowly seeing the end of that road and there's nothing I can do.


_________________________End of Chapter 26.

Continue Reading

You'll Also Like

221K 13.9K 50
For Luna Alondra Dawson, marriage is a word so simple but holds so much weight. Some people are scared of it, some don't care much about it, for some...
2.4M 73.7K 45
Levi is a notorious playboy; women around him would beg for his attention, that's until he finds himself kissing a woman who happens to be a nun. For...
20.4M 703K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
4K 129 5
(WARNING: R-18) Alessandre Fortejo abhorred his father and lived in the shadow of his mother's dream for him. Nasa plano niyang angkinin ang lahat n...