BS #30: LET’S MAKE UP
************
MELISSA QUIZON
Pagbukas ko palang ng pinto ng kwarto ko ay bumungad na sa akin ang iaang punpon ng pulang rosas.
“Good morning, Beautiful.” Nakangiting bungad sa akin ni Wright. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa hawak nitong rosas at sa mukha nito.
Ngumiti ako ng peke at tinanggap ang rosas. Kumislap ang mga mata nito. “For me?”
Tumango ito. “One and only.”
Itinapon ko ang rosas sa sahig ng aking kwarto. Nalusaw ang malawak na ngiti ni Wright. Tinapakan koi yon ng tinapakan hanggang sa malagas ang mga petals ng rosas.
“W-Why did you do that?” Nasasaktang sabi nito.
Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. “It was a gift, right? Since akin na iyon, gagawin ko kahit ano ang gusto ko.”
“Mel—“
“Male-late na kami ni Reid. Mamaya ko nalang lilinisin ang kalat sa kwarto ko.” Sabi ko at isinarado ang pinto sa likod ko.
Mabilis akong naglakad papunta sa sasakyan. Wala itong imik na sumakay sa driver’s seat. Halata ang lungkot sa mga mata nito. Wala akong pakielam kung ano ang maramdaman niya sa ginawa ko. Si Bobbie at Reid lang ang lumilikha ng ingay sa loob ng kotse. Nang maihatid naming sila ay katahimikan ang naghari sa loob ng kotse.
Itinigil nito ang kotse sa harap ng gate ng paaralan na pinagtuturuan ko. Hinawakan nito ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. “Hindi kita masusundo mamaya kasi may aasikasuhin ako. Mag-ingat ka ha, mamahalin pa kita.”
Suddenly, I felt like I can’t breathe. I hate this feeling.
Hinigit ako ang kamay ko sa kanya at walang salitang bumaba ng kotse. Hindi pa rin ako kinakausap ni Ellyza. Parang kaswal lang kami sa isa’t-isa kung makitungo.
I felt so alone.
Again.
Malapit ng mag-uwian nang makatanggap ako ng text galling kay Eugene na nais niyang makipagkita sa akin. Sinabi ko sa kanya na pwede ako ngayon kaya napagdesisyonan naming kumain sa isang kilalang restaurant.
“Ang kalat mo talagang kumain.” Natatawang sabi nito habang pinupunasan ang gilid ng aking labi.
Ngumiti ako. Hiniwa ko ang karne ng baka sa plato ko at tinusok ng tinidor. Inumang koi yon sa bibig ni Eugene na agad naman nitong kinain. “Akala ko wala ka ng balak magpakita sa akin.”
“Madami lang akong pasyente ngayon. Namiss mo naman ako kaagad. Kamusta ka?” Tanong nito.
“Nahihirapan na ako.”
“Saan?”
“Sa nangyayari.”
Hinawakan ni Eugene ang aking kamay na nasa ibabaw ng mesa. Tinitigan ko siya. “Wala namang madali sa buhay. Life is all about sacrifices, Melissa.”
Sacrifices? Yeah. Fuck those sacrifices.
“No matter what, once in your life, someone will hurt you, that someone will take all that you are, and rip it into pieces and they won’t even watch where the pieces land. But through breakdown, you’ll learn that you’re strong, and no matter how hard they destroy you, you can conquer anyone. You’re strong, Melissa. I know, I’ve witnessed it.” Malambing na sabi ni Eugene.
His words touched my heart. Tumayo ako at pumunta sa likod ng upuan niyo. Pumaikot ang mga kamay ko sa kanyang leeg at ibinaon ko ang aking mukha sa mainit na sulok ng kanyang leeg. Mahina itong natawa. Lumayo ako ng kaunti nang tumayo ito. Pumaikot ang mga braso nito sa aking bewang, bahagya akong napatingkayad.
"Hindi ko alam kung ano gagawin ko kung wala ka."
Hinalikan niya ako sa noo. “May mga pangayayari sa buhay na kahit gusto mong mangyari, hindi naman pwede. Magpakatatag ka, Melissa. Hindi kita iiwan.”
Hinatid ako ni Eugene sa bahay nang mapansin naming mag-a-alasdose na pala ng gabi.
“Mel, lagi mong iisipin na hindi kita iiwan, ha. Mahal na mahal kita.”
Tumango ako. Hinalikan niya ako sa noo at sa pisngi bago ako lumabas ng sasakyan.
Pagkapasok ko sa gate ay agad nitong pinaharurot ang kotse. Nakangiti ako habang pinapasok ang susi sa magarang pinto ng bahay.
Madilim ang buong bahay. Kung hindi dahil sa night light, malamang ang nadapa na ako. Napatingin ako sa kusina nang makita ng aandap-andap na liwanag doon.
Nakita ko si Wright, naka-suit at nakaupo sa harap ng lamesa habang nakatingin sa kawalan. May kandilang malapit ng maubos sa ibabaw ng lamesa at mga pagkain na nakahain doon.
Nahigit ko ang aking hininga nang mapunta sa akin ang mga mata nito. Seryoso ang kanyang mukha ngunit may kislap ng kalungkutan sa mga mata nito.
“Bakit ngayon ka lang? Nakatulog na si Reid kakahanap sa’yo.” Mahanahong sabi nito.
“Kumain kami ni Eugene sa labas.” Tinuro ko ang lamesa. “Ano’ng drama ‘to?”
Huminga ito ng malalim at tumayo. “Ito? Umuwi ako ng maaga para ipagluto ka. Tinulungan pa nga ako ni Reid. Itong sinasabi mong drama ang dahilan kung bakit hindi kita nasundo. Bakit mo siya kasama?”
I crossed my hands over my chest. “Bakit? Masama? Kaibigan ko siya. Wala kang pakielam.”
Mariing nitong pinadikit ang labi. Natakot ako nang kumuyom ang kamao nito. Ang ekspresyon sa mukha nito ay nag-iba. Galit at sakit ang nakikita ko ngayon.
“Magbihis ka na. Hindi k aba naiinitan sa damit mo? Saka patayin mo na rin ‘yung kandila baka masunog pa ang bahay mo.” Matapang kong saad.
Lumapit ito sa akin. Napaatras ako nang maramdaman ang singaw ng katawan nito. Napakislot ako nang hawakan nito ang braso ko. Hindi iyon mahigpit ngunit nanginginig ang kamay nito na parang pinipigilan ang sarili.
“’Wag mo namang gawin sa akin ‘to, Melissa. Ang sakit na, e.”
“Nasasaktan ka? Edi mabuti.” Saad ko.
Napasinghap ito. Umakyat ang isang kamay nito sa aking pisngi at hinaplos iyon. Bumaba ang mga daliri nito sa baba ko at itinaas. Nagtagpo ang mga mata. Nag-init ang sulok ng aking mata nang malinaw pa sa kristal ang paghihirap doon.
“Ano pa ba ang kailangan kong gawin, Melissa?” Ngumiti ito ng mapait.
Hindi ako nakapagsalita, naumid ang aking dila. Narinig ko itong suminghap. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Kinagat ko ang aking labi para maiwasan ang panginginig niyon.
“Bakit kasama mo na naman siya? Bakit nagkikita pa kayo? Hindi pa ba ako sapat? Ano pa ang ginawa niyong dalawa. Magkwento ka naman.” Mapait nitong sabi.
“Ano ba ang pakielam mo? Ang dami-dami mong tanong. Ano ka bas a buhay ko, Wright?!” Matapang kong sabi.
“Ako lang naman ang tatay ng anak mo. Na sobrang nagmamahal sayo. Na handang isakripisyo ang lahat para lang mamalimos ng kaunti atensyon at oras mo.” Nagulat ako nang lumuhod ito. Hinawakan nito ang makabilang kamay ko at hinalikan ang ibabaw ng aking palad. Tumingala ito sa akin. “Luluhod ulit ako, Melissa. Baka kasi kapag nakita mo ulit ako na nahihirapan, malaman mo na nagsisisi na ako ng sobra. Paulit-ulit akong luluhod sa’yo, Mel. Patawarin mo ako.”
Tumakas ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Inalis ko ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya. Itinulak ko siya at tumakbo palabas ng kusina.
Iniwan ko siya sa kusina.
Nakaluhod.
Naghihirap.
Nang buksan ko ang aking kwarto, wala na sa lapag ang kaninag tinapakan kong rosas. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Nakita ko ang bagong mga rosas na nasa vase na ngayon. Nahinto ako sa tapat ng aking kama na puro petals ng rosas at nakatitig sa tarpouline na nakasabit sa ibabaw ng aking headboard.
Nakasulat doon ang mga katagang,
‘I’m sorry, Babe. Please, let’s make up. I love you.’
At sa gilid niyon ay ‘yung picture naming ni Wright noong nasa kolehiyo palang kami.
Naiinis kong hinatak ang cover paalis sa kama ko. Nahulog ang lahat ng rosas sa ibaba. Doon ko ibinuhos ang galit ko. Tinapakan ko ang mga iyon. Wala akong pakielam kung maging makalat ang kwarto ko. Hinatak ko ang tarpauline, natanggal iyon. Ibinato ko iyon sa gilid.
Damn you, Wright!
---------------
UNEDITED. Bilis ng UD no? Hahaha. Bukas ulit. Bukas na din yung picture ni Mel. Mabagal yung net ko e. :)
UPLOADED: NOVEMBER 23, 2014
SK<3