EMPIRE HIGH

By mscresantine

5.8M 176K 29.3K

Empire High was built for the Empire Society: Reapers, Gangsters, Assassins and Mafias. And as the classes st... More

EMPIRE HIGH
Chapter 1
Empress Morrigan
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.1
Chapter 22.2
Casts
Chapter 23
AUTHOR'S NOTE
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Explication Chapter
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
BOOK 2: COMPLETED

Chapter 24

94.6K 3K 605
By mscresantine

Dedicated to LaePeraman. 

~Happy 40k+




Chapter 24: Talent




Klaio Satara's POV


"Activities for today are cancelled and will continue as soon as possible. Students, proceed to your dormitories."

"Activities for today are cancelled and will continue as soon as possible. Students, proceed to your dormitories."

"Activities for today are cancelled and will continue as soon as possible. Students, proceed to your dormitories."



Napailing na lang ako sa narinig namin. Hindi na nakakapagtaka kung makakansela ang mga laro ngayon. Dahil base sa mga nanagyayari, Mukhang naapektuhan talaga ang eskwelahan. Kita naman kanina sa nangyari. At tulad lang rin nila, isang tanong lang din ang mga nasa isip namin. Sino at paano nakapasok ang batang iyon sa Empire High?



"Where is Fuschia?" biglang banggit ni Blairre. Nandito kaming lahat ngayon sa loob ng dorm ko at hanggang ngayon wala pa rin si Fuschia. Hindi ko rin maiwasang maawa sa kanya. I know na kahit saglit niya lang nakita ang batang iyon ay may naramdaman agad siya. Kita ko kanina ang nangyari. Kita ko kung paano lumamlam ang dalawa niyang mata. At kita ko rin kung paano niya yakapin ang bata. I know she always want a little sister, kaya marahil ganun na lang ang inasal niya. 




Napatingin ako sa taong nasa pinto nang marahas na nagbukas ito. Speaking of the demon. Nandito na siya. Naglakad siya papalapit sa amin nang may mapansin akong binubunot niya sa likod. Ngayon ko lang napansin ang ngiti niya. Ngiti na may ginawa. Napakunot lalo ang noo ko nang hinagis niya sa akin ang baril. Okay? Paano niya nakuha ang baril ko? Agad ko naman itong sinalo at tiningnan ng ayos.



"Oh, What happened?" tanong ni Lex kay Fuschia pero imbis na sagutin niya iyon ay nakangiti lang siya na ikinapagtaka ko pa lalo. Inobserbahan ko ang baril na hinagis niya sa akin at agad na tiningnan ko ang magazine nito.



"You killed someone?" hulang tanong bigla ni Blairre. Napailing naman ako habang nakatingin ngayon kay Fuschia. Imposible na pumatay siya. Walang bala man lang ang nabawas sa aking magazine. Pero ano nga bang mayroon sa ngiti niya?



"Remember the jerk in US? The martyr one? I saw him." seryosong kwento ni Fuschia sa amin. So she means, nakita niya iyon. Did they fight?



"No Satara. We haven't. I supposed to hold the trigger nang may makita ako sa kanyang ulo. A red dot pointing on him. Pinatay siya." seryoso niyang sabi sa amin na parang nabasa ang nasa utak ko at naglakad na siya papalabas ng dorm ko. Hindi ko ine-expect ang sinabi ni Fuschia,but based on my conclusions kasapi siya ng totoong kumakalaban sa kanya. Pity on him. 




Fuschia's POV



So they also thought that I killed someone? Stupid. Lumabas na ako sa dorm ni Satara at pumunta sa dorm ko. Napahiga agad ako sa kama. Until now, hindi mawala sa isip ko ang batang iyon. Why was she even here?  Why did she apologized to me? Ang dami kong tanong sa isip ko pero kahit ako mismo ay hindi ko masagot.



Dagdag na rin ang nangyari kanina sa garden. Ang lalaking iyon. Sino ang pumatay sa kanya? Ginamit lang kaya siya? Nagulat naman ako at agad napabalikwas sa kama nang marinig kong tumunog ang aking telepono dahil sa tawag.



"Tomorrow, activities will be continued."



Agad kong pinatay ang telepono ko nang marinig ko ang balita sa kanila. Sisiguraduhin ko na pagkatapos ng lahat ng ito ay magsisimula na din muli ang training nila. And I have a brilliant idea na matagal ko nang pinagisipan. 



I have a surprise for my girls.




Thalia's POV



Nakaupo na kaming lahat ngayon sa isang room na bulletproof glass at sa kabila ng wall na ito ay ang isang room kung saan namin ngayon pinapanuod ang magiging laban ng aming representative sa Darts.


Hanggang ngayon ay lubos na nasurpresa kaming buong klase dahil sa biglang pagboboluntaryo ni Lexine Cole sa darts ngayon.



"Representative of Section 1, Girls" Automatikong napatingin agad ako sa tumayong si Lexine. 



Championship game na ngayon. Aminin ko man o hindi, nagtataka ako sa bawat galaw ni Lexine. Walang dudang magaling siya sa larong ito. Ang totoo, Championship na kanina pa pero dahil sa kalaban nito na walang iba kundi si Drake ng Graveyard's Gang ay kanina pa sila naglalaban. Tabla lagi ang resulta kaya naman pansin na rin ang pagkainis ni Drake pero sa nakikita ko kay Lexine, tuwang tuwa pa siya sa nangyayari. Para lang siyang naglalaro.




Unang tumira ay si Drake. 



"Twenty seven points!" Dalawang bulls eye at isang medyo malapit sa bulls eye. Mahigit sa perfect score na halos. 



Malinis man ang kanyang pagtatapon ay mukhang wala sa itsura ni Lexine ang kaba at hirap dahil sa ngiti nito ngayon. Tumindig si Lexine sa upuan niya at ngumiti pa muna kay Drake. Kumuha ito ng tatlong dart at walang oras ang sinayang at agad itinapon ito sa board.



"WOOOAAH!!!"



"Perfect thirty points for Ms. Lexine Cole!"



Hindi kapani-kapaniwala. Three bulls eye. Unang beses na pagkatalo ni Drake. Katulad ng nasa isip ko, hindi sila ordinaryo. Sino ka ba Lexine? Sino ba kayo?





Blairre's POV


"Congrats Sistah!" natatawa kong bati sa kanya. Until now hindi ako makagetover sa mga itsura ng grupo ng kalaban ni Lex kanina. Mga hindi makapaniwala.



"Thanks, so lets go in the Lab?" sagot sa akin ni Lexine at saka bumaling kay Fuschia. Tumango lang naman ito kaya agad na kaming tumayo at nagtungo sa Computer Laboratory.



"As what you see, Computer Hacking and Programming ang ating game ngayon. Isang representative sa bawat Class. Now, umupo na sa upuan ang lalaro." Saad ng isang computer staff ng eskwelahan na nakatayo ngayon sa isang platform katabi ng computer sets na sa tingin ko ay para sa mga maglalaro.



Malaki ang laboratory na ito at sa harapan mo ay hindi basta bastang isang set ng computer dahil nakakabit mismo dito ang iba pang software at cameras. This is amazing. Parang gusto kong sumali. No. Sasali talaga ako.



"I'll play." ngiti ko sa grupo at klase namin. Tumango lang naman sina Fuschia while ang mga kaklase namin ay bahadyang nagulat. Why? ngayon lang ba nila nalaman na ang 'Royals' ay talented? 



"Time. Starts. Now." Saad ng watcher at agad ko nang binuksan ang computer. Simple lang ang gagawin. May binuild sila na isang Document File na may Security Software at kailangan namin itong mapasok. Simple. 



Gumawa agad ako ng panibagong system. At naglagay ng ibang Codes. Hindi pwede na ilagay ko ang kahit ni-isang code ko na ginagamit ko sa isa kong software dahil maaring matrack nila ang system ko at makuha ang mga kinaiingatan kong files tungkol sa aming apat. At gamit ang connection site ko ay sinearch ko ang dokumento na ginawa nila. 



Secured. 



I simply clicked it at agad nagload ito. Pero bago pa mag 100 percent ay biglang lumabas ang isang skulled system. Hmm. Mukhang mahigpit ang system na inilagay nila. 



Napatingin ako sa isang parte ng silid kung saan kita namin ang mga nanunuod at sa hindi sinasadya ay nakasalubong ko ang tingin ni Fuschia na umiwas at tumingin sa iba. Sinundan ko ang tingin nito, kay Claude. The person I less expect na sasali sa Programming na ito. I know him, kung sa grupo namin ako ang hacker, si Claude naman sa kanila. Pinagmasdan ko ito, seryoso siya. But sorry, hindi ako basta basta matatalo. I guess,  it's my time to be serious.



Binalik ko ang tingin ko sa monitor ng aking computer. Binuksan ko muli ang ginawa kong software. Nagdebug ako ng ibang files. Naglagay ako ng isang security system na connected sa isa ko pang ginagawa ko ngayong virus. Nagtype ako ng ibang pattern ng codes na connected muli sa isa pang virus. Hinintay ko ito ng isang minuto. 



Loading Completed. 



Bahagya akong napangiti. Sinearch ko muli ang document at dinouble click ko. Pero bago pa magload ay inopen ko ito gamit ang system kong ginawa. Nagloading ito at nagtransfer lahat ng software na ginawa ko. Maski ang isang laman nito na file ay nakatransfer. Hinintay ko muna ng matapos ang tranfer dahil masyadong malaki ang laman nito.



Downloading completed. 



Nang mabasa ko iyon ay napangiti ako at agad nang tumayo. Umilaw naman ang isang device ko sa upuan na senyales na tapos na ako sa laban. Ramdam kong napatingin naman silang lahat sa akin pero ipinagsawalang bahala ko iyon at tiningnan ko ang pwesto nina Fuschia na nakangiti sa ginawa ko. I know na alam nila kung ano ang kakayahan ko. Ngumiti ako sa kanila at tumngin na sa isang screen sa unahan. May pumasok na isang EH Computer Official at tiningnan ang ginawa ko. Connected ang kanilang system sa screen kaya kung ano man ang ginagawa nila ay makikita rin ito ng lahat. They clicked it at napansin ko na ang pagkunot ng mga noo nila. Mga nerbyoso. 



Hinihintay nila ang pagloading ng document file gamit ang system na nagawa ko. Napasinghap ang ilan nang lumabas muli ang isang skulled system sa screen tulad nang nagyari sa akin sa kanina kong pagkabigo na mabuksan ang dokumento nila. Maski ang mga representatives ay napatingin na din sa screen. And seeing their faces right now, mukhang alam nilang bigo ako. But everyone deserves surprises right? 



"You Fail---" Hindi pa man sila natatapos ay naputol ito nang makita ang lumabas na madaming Ads. 



He clicked the close button in the screen. But another ads popped out again. Again and again.



Huling ad na sana ang isasara niya pero hindi na niya natuloy pa ito nang makita ang typing virus ko na nilagay. Dahan dahan itong nagtype at lumabas ang caption na.



// I W I N //



Gulat lahat silang napatingin sa akin pero inumwestura ko lang ang aking kamay na senyales na ipagpatuloy nila ang kanilang panunuod.



 Ilang segundo lang ay may isang folder na lumabas. Ang isa kong folder na iniwan ko sa sytem. Kunot noo nila itong binuksan at nagulat na isang customized bomb ang lumabas. Pinanuod nila itong lahat at tahimik nilang pinagmasdan ito hanggang maubos ang sindi sa nitsa.






Ilang segundo lang nang isang malakas na pagsabog ang narinig nila mula sa screen at nagsimulang lumabas muli sa screen ang madaming ads na virus. I heard their amazement in gasps na siyang ikinangiti ko.




 I guess, I definitely won.




Klaio's POV


"Nice program Blairre" rinig kong sambit ni Fuschia. As what I thought, pagdating sa mga Programming at Hacking si Lexine at Fuschia ang magkakasundo.



"Thankys!" ngiting ngiti ni Blairre. Childish brat



Nagsimula na kaming maglakad papunta sa second floor dahil sunod sunod na ang laban ngayon. Masyadong naghahapit sa oras dahil mamayang hapon ang magiging awarding session and I guess tomorrow is just a vacant day for us. 



"Stupid beings." Napatingin ako bigla kay Fuschia nang marinig ko ang kanyang pagbulong.



Her eyes are deadly staring on some students. Hindi na ako magtataka kung bakit. Halos lahat kasi ng mata ay nakatingin sa amin. She hate attention that much. I know her.



"Players, Start!" 



Nakaupo na kami ngayon. Gun Shooting ang activity ngayon. Alam kong ang ibang exclusive na eskwelahan ay may ganito ding aktibidad pero dahil ito ang pinasukan naming eskwelahan, iba ang pananaw ko sa larong ito.



It's like they're training us to be a sharp shooter and a killer.



Nanatili lang kaming nanunuod hanggang sa representative namin na ang lumapit sa makakalaban niyan.  Si Rex. The right hand of Graveyard Gang. Ang sumunod na bihasa sa kanilang lahat pagdating sa paggamit ng baril. Mukhang maganda manuod.



Sabay sabay silang nagtutok ng baril sa kanilang mga target na malayo ang distansya. Puro pagputok ng mga bala ng baril ang maririnig sa silid pero ni isa ay tahimik lang na nanunuod. Hindi na nakakapagtaka kung hindi sila nagugulat sa putukan dahil halos lahat naman ng estudaynte dito ay pinaniniwalaan kong sanay nang makakita ng baril.



"HOW DARE YOU!" 



Natigil ang pagputok ng baril nang umalingawngaw ang matinis na boses na iyon sa gitna ng sabay sabay nilang pagkasa ng baril. Pinagmasdan ko ang mga nangyayari at saka ko lang napansin na ito ang representative ng aming division na babae. Hawak nito ngayon ang isang lalaki na kanina niyang katabi at ngayon ay nakatutok doon ang baril niya. Hindi na sana ako mangingielam ng kinasa niya pa ang baril. 



"We'll be disqualified with her actions!" Rinig kong komento ng presidente namin na hindi na alam ang gagawin. 



Saglit akong napalingon at kitang kita ko ang pagtaas at kunot ng kilay ni Lexine at Blairre. Pero nang makasalubong ko ang tingin ni Fuschia ay natigilan na ako. Isinesenyas niya ang laban sa unahan namin. Mukhang alam ko na ang gusto niyang iparating. She wants me to continue the game. After all, our group never lose. They hate losing to be in fact.



Wala sa sarili akong naglakad hanggang sa makarating sa pwesto ng babae at lalaki na nagtatalo na mukhang hindi na napansin ang presensya ko dahil sa pagtutok ng baril nila sa bawat isa.



"You stupid! Hindi mo ba ako kilala? Leader ako ng isang gang at kaya kitang patayin sa isang bala lang." rinig kong bulong nito. Daig ko pa siya. Kung siya sa isang bala lang. Ako, kaya ko siyang patayin ngayon mismo.



"Stop that nonsense." bulong ko sa tainga niya. Ramdam ko naman ang bahadya nitong pagtaas ng balahibo na ikinangiti ko. Afraid huh?



"H-huwag kang mangielam." Saad niya sa akin. Tapang tapangan. What a useless one. 



Agad ko na lang itinulak ang lalaki niyang hawak at inagaw ang baril sa kamay niya at agad na ipinukpok ito sa ulo niya kaya naman nawalan ito agad ng malay. I can even hear the gasps and shouts pero binalewala ko na lang sila at tumingin sa staff na nagsisilbing nagpapalaro.



"Let's continue." 



Magtatanong pa sana siya nang naglagay na rin ako ng mga bala sa magazine, marahil naintindihan niya na ako na lang ang representative sa amin. There's no rules here. As long as the representative is not capable to fight ay puwede na itong palitan ng mula sa division nila. Sa kaso namin, tulog na ang babae na representative namin at gaya ko ay walang balak silang gisingin pa ito.



Saglit kong  nilibot ang tingin. Apat na lang ang natitira na batay sa puntos. Ako at ang isang babae. Si Rex at ang isa pang lalaki.



"Start." 



Muling nagsimula ang laban kaya automatikong itinaas ko na ang kanang kamay ko na may hawak na baril at agad pinaputok ito ng sunod sunod. Five bullets. 



Nang maubos ang bala ay tahimik na naghintay ang lahat sa screen para sa resulta. Isa lang ang paraan para manalo. Ang manatiling nasa bilog ang lahat ng tama ng bala sa kabila ng paglayo ng distansya. Naunang ipinakita ang results ng babae at lalaki. Parehas na dalawa lang ang sablay. Thirty points. 



Nang ipinakita na ang resulta ng kay Rex ay napatingin ako sa kanya at napansing nakatingin siya sa akin. Hindi na ako nagaksaya pa at agad sumilay ang ngiti sa labi ko. He's too confident that he won since he hit the line of the circle. He got forty eight points. 



I feel sorry for him. Sorry not sorry.



"Woaaaah"



Nang ipalabas na ang resulta ay napansin ko ang pagkunot ni Rex.



"Perfect fifty points! Our winner is Ms. Klaio Montello!" Kung ang kanya ay sa linya, ako ay sakto sa gitna ng bilog. Bulls eye. Ang kaninang sumilay lang na ngiti sa akin ay hindi ko na naiwasang lumawak lalo nang makita ang itsura niya. Iling iling ito na tumalikod papunta sa grupo niya. Samantalang, naglakad na ako papunta kayna Fuschia na ngayon ay pumapalakpak sa akin. 



I guess, panalo na naman ako sa kanya.




Fuschia's POV


Dalawang laro na lang ang natitira para sa araw na ito. Sunod sunod ang mga laro dahil sa nasayang na oras nang makansela ang laban kahapon. Archery at ang Chess ang laro ngayon. Dalawang laro na aking paborito. Agad kaming nagtungo sa silid kung saan nandoon ang Archery Room. Pagdating namin ay madaming tao na ang nakaupo at nakatingin na sa field kung saan kita muli ang mga hugis sa malalayo na sa tingin ko ay target. 



Pero agad na nakunot ang noo ko nang dahil sa dalawang tao lang ang maglalaban.



"There's no Other Representatives so whether from the Division 1 of Boys or Division 2 of Girls will win." 


So that's it. Wala kaming representative sa laro na ito. Pathetic.


Agad akong napatingin sa dalawang tao na nasa field na ngayon ay kanya kanyang suporta ang maririnig para sa kanila. Armour  and Zaren. Two leaders of a known gang. This is exciting.



Agad kong binaba ang bitbit kong bag at walang pakielam na naglakad papunta sa field kung saan naroon ang dalawa. Rinig ko ang pagtahimik ng buong lugar pero hindi ko ito pinansin at agad lumapit sa isang archery stand. Kinuha ko ang isang bow at arrow case at lumakad sa direksyon ng isang staff na magsisilbing watcher ng laro.



"Section 1 Girls' entrant." malamig kong sambit sa kanya na medyo ikinagulat nito pero kinalaunan ay bigla itong tumango. Hindi ko na narinig pa ng ayos ang paganunsyo nito dahil halos mabingi na lang ako sa pangalan ko na isinisigaw ng aking division.



Pumunta na ako sa gitna ng field para samahan ang dalawa kong makakalaban. Nakita ko naman ang pagkagulat nila lalo na ni Zaren o mas kilala bilang Black Lily. Of course she should be, dahil isang Bloody E ang magiging kalaban niya ngayon.



"Game Starts Now!"



Pagkarinig namin nito ay sabay sabay na naming kinuha mula sa likod namin ang aming arrow. Tigiisa kaming target pero tanging lima lang na arrow ang aming gagamitin. Kumuha ako ng dalawa at pinagsabay ito. 



Bulls eye. Kahit hindi pa man nailalapit sa amin ang target board ay sigurado ako sa resulta. Napangiti ako ng bahagya at kinuha ko pa muli ang dalawa pang arrow. At walang alinlangan na binitawan ang tali. 



Another bulls eye. Lalo pa akong napangiti. Kinuha ko ang isa kong natitirang arrow. Napansin ko naman ang biglang pagtahimik ng paligid. Napatingin ako sa kalaban ko. Isa na lang rin. Mahigpit ang laban, hindi nakakapagtaka.



Mas lalo naman akong napangiti nang biglang dumilim ang paligid. At papatay-patay bukas ang ilaw. Napansin ko din ang pagusok sa paligid. A twist of the game. This is what I called a game. Thrill and intense.



Pinakiramdaman ko ang paligid. Mula sa kaliwa narinig ko ang pinanggagalingan ng usok. Napapikit ako lalo. Pinwesto ko na muli ang bow ko at nilagay ng ayos ang arrow. Pinwesto ko ang bow pahalang. 


Isa. Dalawa. Tatlo. Pagkatapos ng bilang ko na buong konsentrasyon at tanging tuwid ang aking mga braso ay saka ko binitawan ang string ng may malakas na pwersa na higit sa kanina. Rinig na rinig naman ang pagtama nito sa board. Kasabay ng tunog ng pagtama nito sa target ay pagbukas ng ilaw.



"Woaaaahh!"



Sabay sabay nilang pagkamangha dahil pinakita na agad ang target board sa audience . Bulls eye muli. Napatingin ako sa kalaban ko. Bahagyang tumango sa akin si Zaren samantalang si Armour ay tahimik lang na nakatingin sa akin. Umiling na lang ako at nagsimula nang maglakad papunta sa direksyon nina Satara.



"Congrats!"

"Nice one!"



Komento nila sa akin. Tumango naman ako sa kanila at nagsimula na muli kaming lumakad patungo sa isang hall kung saan mangyayari ang chess game na pinakahuling laro. Pagkarating naman namin doon ay halos lahat ay nakatitig sa amin. Hindi na din tumakas sa pandinig namin ang kanilang mga topic. Mukhang mabilis kumalat ang nangyaring sunod sunod na pagkapanalo namin.



If I could only remove their eyes, ginawa ko na iyon kanina pa. Stupid stares. Tiningnan ko sila ng masama na nagpabalik sa kanikanilang ginagawa.



"Final game. Chess players, sit now to your respective chairs and we'll now start the competition." Tumingin ako sa class president namin, kay Thalia. Tumango naman ito sa akin at nagtaas pa ng kanyang hawak na bandera na nakalagay ang division namin. Simpleng tango lang ang isinagot ko sa kanya at naglakad na papunta sa aking upuan.



Bago pa man ako makaupo ay napansin ko na ang isang lalaki na nakamasid din sa bawat galaw ko. As what I expect to a Grave King, he's here. Every chess players acquires great intellectual since they are good competitors.



Natuon na lang ang atensyon ko muli sa aking kalaban. Ilang galaw na ang nangyayari. At ilang chess pieces na din sa akin ang kinukuha niya pero nanatiling tanging black pawn lang ang aking ginagalaw. Nang mapansin ko na ang pagtataka niya ay inilabas ko ang aking horse. Pagkatapos ng move niya ay sinunod ko na naman ang rook. And again, same patterns. Paulit-ulit na iyon lang ang aking ginagawa. 



Nakatatlong laban na ako sa Chess at iyon pa rin ang aking ginagawa sa lahat ng aking nakalaban. Same moves and same outcome. Ako ang nananalo. Natigil na lang ako nang marinig ko na ang anunsyo na dalawa na lang kaming natitira. Agad akong napangiti sa isip nang makita ko ang aking makakalaban. A King.




"Last game for Championship." Saad ng staff at tumahimik na muli ang kaninang paligid na nagsisigawan. Kumpara kanina na simula ng laban ay mas madami na ang tao marahil hinihintay nila ang resulta sa kung sino ang mangunguna sa huling laban.



Unang tumira si Armour ayon sa napagkasunduan at una niyang ginalaw ang horse nito. Tulad naman kanina ay pawn muna lamang ang itinira ko. Pawn are not weak. Sila ang patibong at pagasa sa larong ito para mabuhay lang ang dalawang piece na mahalaga sa board game na ito, ang King at ang Queen.



Ilang minuto ay halos tabla na lang din ang score namin kung ibabatay ito sa pyesa ng mga nakakain. Pinagmasdan ko pa lalo ang mga galaw niya at napansin ang isa niyang piece, ang rook niya at bishop ko na kanina pa naming hindi ginagalaw. Napangiti ako ng bahagya. Kuha ko na ang nasa isip niya. Kung siya ay dalawang move na lang ang kalangang gawin para manalo. Pwes ako ay isang galaw na lang at tapos na ang laban. Itinaas niya ang kamay niya at hinawakan ang rook at ginalaw ito pataas. Mukhang sa kagustuhan niyang maisagaw na agad ang plano niya ay hindi niya na napansin ang nabuo kong plano dahil sa kanina ko pang paggalaw ng pawn. Bingo. Agad kong ginalaw ang Queen ko sa tapat ng King.



"Checkmate." saad ko sa kanya na ngayon ay nakatingin na lang sa akin. 



Walang piece ang pwedeng kumain sa Queen ko. At walang mapupuntahan ang King niya dahil cornered ito ng Queen ko. Hindi rin naman niya makakain ang Queen ko dahil nasa kabilang anggulo ang bishop ko. Napangiti ako ng tuluyan sa nabuong kaisipan sa isip ko. 



Tulad ko, hindi nila ako mahahawakan at matatalo. At tulad ng isang tao na nagsisilbing Bishop ko ay hindi nila ako magagalaw hangga't hindi nila iyon nakakain o napapatay. At tulad ng King nila, ako mismo. Ako mismo, ang kakain o papatay sa kanya. What a cliche story.



Nawala ako sa pagiisip nang mapansin na tumayo na si Armour. 



"You win. You're very observant Ms. Fuschia." saad niya sa akin habang ang dalawa niyang kamay ay nasa bulsa niya. Bloody hell. This King is insane. 



"Correction, its not an observation Mr. Armour. It's manipulation and, that's my talent."







Edited.

Continue Reading

You'll Also Like

295K 9.8K 36
Yup! Another adventure of Allexa and his boys!
6.1K 506 28
(PART TWO) The tragic destiny and friendship of Rea and Aries will continue. The truth about the past will be unveiled.
44.2K 5.1K 81
Chelsea Reyes, a former homeschooler since childhood, wants to go to regular school as a Grade 10 student. She then enrolled in Empyrean Academy, or...
29.7M 987K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.