Misteryo

Galing kay XerunSalmirro

14.6K 187 61

Ang MISTERYO - Hiwaga ng Buhay ay naglalaman ng iba't ibang kuwentong katatakutan at puno ng hiwaga... * Rain... Higit pa

Misteryo...
Misteryo | Rainbow Girl...
Misteryo | "...so call me maybe. "
Misteryo | " Iyak "
Misteryo | Labintatlo

Misteryo | Balat

1.1K 28 4
Galing kay XerunSalmirro

"Wala ka ng magagawa pare.Di na tayo makakaalis sa grupo."

Ito ang mga katagang palaging gumugulo sa utak ni Raymond.Matagal na niyang nais tumiwalag sa sindikatong kinabibilangan ngunit di niya magawa.Di niya kayang isakripisyo ang kaligtasan ng kanyang pamilya. Tama nga ang  kanyang kaibigang si Roger na di na sila makakawala pa sa galamay ng sindikato. Kamatayan ang kahihinatnan nila kapag binalak nilang umalis.Ganoon nga ang napala ng kanyang kaawa-awang kaibigan kamakailan lang.

Sa tuwing dumarating ang pagkakataong gaya ngayon ay talagang di masikmura ni Raymond ang kanyang ginagawa. Inuusig na siya ng kanyang konsensiya, kung meron pa ba siya nun.

"Uy, bilisan mo na dyan." Utos iyon ng kanang kamay ng kanyang among Intsik. Kaya naman ipinagpatuloy niya ang ginagawang pag-oopera.

Isang dating surgeon si Raymond Mutia na napilitang maging parte ng sindikatong K4KG o Kidnap for Kidney Gang. Trabaho niya ay ang pagtatanggal ng mga kidney ng mga kaawa-awang taong nabibiktima ng kanilang grupo.Karamihan mga kabataang nakikidnap sa daan. Mga nasa edad 10 gulang pataas. Sa panahon ngang ito ay pawang estudyante ang mga biktima nila.

Sa tuwing natatapos siya sa kanyang operasyon ay halos isuka ni Raymond ang lahat ng kanyang kinain. Di na niya masikmura ang makasalanang ginagawa  niya. Walang kaalam-alam ang mga taong iyon na unti-unti na niyang nilalagot ang kanilang buhay. Maswerte ang iba na nabubuhay pa matapos basta na lang itapon ang mga katawan sa kung saan. Sa bawat taong nagagalaw niya ay panay ang usig ng kanyang konsensya.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ayoko na."

Pero pa'no ang pamilya mo? Baka mapahamak sila kung kakalas ka Ray.

"Gagawa ako ng paraan."

Mahirap kalabanin si Mr. Chui.

"Alam ko, pero tama na ang pagiging makasalanan ko."

Halos naglalaban na ang kanyang puso at utak sa kanyang sitwasyon ngayon.

"Ray, okay ka lang?"

Nag-usisa na ang kanyang asawa na nagising nang maramdamang wala siya sa kama. Pinuntahan siya nito sa may bintana.

"Wala 'to Lea. Di lang ako makatulog." pagkakaila niya.

"Ganon ba? Sige ipagtitimpla kita ng mainit na gatas sa baba."

"Sige, salamat Hon."

Di talaga nagkakaila si Ray sa sinabi sa asawa. Totoo na di niya magawang ipikit man ang kanyang mga mata sapagkat parang naririnig niya ang mga bahaw na tinig ng mga taong naging biktima ng kanyang makasalanang mga kamay.

"Di ko na kaya...Dapat matigil na ang gawain kong ito. Mistula na akong demonyo na naghahatid sa kanila sa Kamatayan. Ayoko na."

Nakapagdesisyon na ng tuluyan si Ray. Titiwalag na siya sa K4KG sa lalong madaling panahon. Alam niya di iyon magiging madali ngunit kailangan isuong niya ang sarili.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Dad,kawawa naman sila."

Inusig muli ang natitirang konsensya ni Ray sa sinabi ng kanyang anak na si Kier. Awang-awa ang binatilyo sa mga napanood na naging biktima ng mga kidnap for kidney gang- ang kanyang grupo. Walang awang itinapon ang mga batang wala ng buhay sa mga damuhan. Duguan.Ang ilan maswerteng nakaligtas sa kalawit ni Kamatayan. Sa kamay niya pakiramdam ni Ray.

"Ubod ng sama ng mga taong gumagawa ng ganyan." sabi ng kanyang asawang si Lea.

Di na naituloy ni Ray ang paghigop sa kanyang kape. Sapagkat pakiramdam niya ngayon ay nasusunog ang kanyang katawan sa impyerno sa sobrang init na kanyang nararamdaman.

Kung may natitira pa siyang konsensiya ay yun ang pinanghahawakan niya sa pagkakataon ito. Ayaw na sana niyang tingnan pa ang kanilang telebisyon, pero napilitan siya nang makilala niya ang isa sa mga bata. Naalala pa niya ang suot nitong pulang T-shirt.

"Hon,okay ka lang?" Napansin ni Lea ang kanyang pagkabalisa.

"O-o."

Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag si Derek, ang kanang-kamay ni Mr. Chui. Di niya magawang sagutin ang nasabing tawag sa harap ng asawa't anak kaya tumayo siya para lumabas ng bahay.

"Nasa'n ka na? Hinahanap ka na ni Boss?"

Di agad nakasagot si Ray. Wala na siyang balak pumunta sa kanilang usapan.

"Hoy sumagot ka! Galit na galit na si Boss. Pag naunsyami yung kita niya malalagot ka talaga Ray. Baka pati pamilya mo mayari."

"Pa-punta na ako!"

Napasagot siya ng oo dahil sa narinig na pagbabanta sa kanyang pamilya. Huli na 'to sabi niya sa sarili. Ayaw niyang madamay pa ang kanyang pamilya.

Nang umagang iyon ay agad na umalis si Ray patungong San Pedro, Laguna.Kailangan siya sa isang hospital roon, ito ang idinahilan niya sa asawa.

Nadatnan ni Ray ang tatlong bata na nakahiga sa maliliit na mesang bakal. Walang ulirat sapagkat sa van pa lang ay tinuturukan na sila ng pampatulog.

Dahan-dahan siyang lumapit sa unang biktima. Isang batang nasa edad 8-10 taong gulang. Nakapulang short at puting t-shirt. Silang tatlo ay pawang nakatakip ang mga mukha at ilang bahagi ng katawan.Tanging tiyan lamang ang nakalitaw. Alam ni Ray mga estudyante ang mga magiging biktima niya ngayon. 

Sinimulan agad niya ang pag-oopera upang matapos agad. Tinatagan na lang niya ang sikmura upang di masuka sa ginagawa. Patapos na siya sa unang bata nang lapitan siya ng matabang amo.

"Boss Chui, sunod na po 'tong babae..."

"Ha?Ano?" Gulat na tanong nito sa kanya. Naguluhan din siya sa pag-angal nito sa gagawin.

"Di pa tapos yan.Tanggal mo pa isa." giit nito.

Nanlaki ang mga mata ni Ray sa ipinag-utos ng amo. Kailangan pa niyang tanggalin ang isa pang kidney ng bata. Ibig sabihin lamang nito ay kamatayan para sa kaawa-awang bata.

"Dami tayo kelangan kidney. Kaya dapat kaw kuha dalawa pala laki kita ko dyan." Paliwanag pa ng ubod ng samang si Mr. Chui.

"Pero Boss.Mamatay sila!"

"Ano akyen pake!" sigaw ni Mr. Chui, " Basta kaw trabaho kung ayaw mo patay kita, pati family mo." Galit na galit na banta pa nito sa kanya.

Napilitan na lang si Ray na sundin ang kawalanghiyaang pinagagawa ng amo. Kahit labag na labag sa konsensya niya ay tinaggal niya ang tig-dalawang kidney ng bawat bata.

Labindalawang libong piso ang naging katumbas ng muling pagkakasala ni Ray. Apat na libo bawat kaluluwang naihatid niya kay Kamatayan.

"Sa mga perang ito ba ako aasa habang buhay para mabuhay ang aking pamilya?" Natanong niya ang sarili sa sobrang pagsisisi sa nagawa. "Husto na. Ayoko na. Buhay pa ako'y nasusunog na ang kaluluwa ko sa Impyerno!"

Muhing-nuhi na si Ray sa kanyang sarili. Kung ipagpapatuloy niya ang gawain ay tiyak sa Impyerno nga ang tuloy ng kaluluwa niya. Naisip na niyang kumilos upang mabuwag ang walang kasing-samang sindikato ni Mr. Chui. Kailangang ipagbigay alam na niya ito sa batas. Kailangang magkaroon ng hustisya ang mga taong naging biktima ng kanyang mga kamay na balot na ng dugo. Alam niyang makukulong siya sa gagawain ngunit nararapat lamang iyon sa katulad niya.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naging napakalaking balita ang paglaganap ng mga biktima ng K4KG. Pag-iingat sa sarili ang pinaiiral ng bawat tao. Mahirap ng maging isa sa mga biktima ng demonyong grupo.

Walang pagsidlan ang takot at kaba si Lea para sa kanyang anak. Isa pang alalahanin niya ay ang asawang ilang araw na di niya nakikita. 

"Kier, mag-ingat ka ha. Umuwi ka agad pagkagaling sa eskwela." bilin niya sa anak na papasok na.

"Opo Mom..."

"Wag kang pupunta kung saan-saan o sasama sa kahit kaninong di mo kilala." Paalala pa niya.

"Wag po kayong mag-alala mommy. Malayo pong mangyari ang ganun dito sa atin. Malayo po ang Maynila sa probinsya." katwiran naman ni Kier.

"Iba na ang nag-iingat anak. Ayokong mawala kayo sa'kin. Ikamamatay ko."

"Di po mangyayari yun Mom."

Mahigpit na niyakap ni Kier ang inang lumuluha na.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naulit pa ang operasyon ng sindikatong pinamamahalaan ni Mr. Chui.Hindi na naituloy ni Ray ang kanyang lihim na balak para isuplong sila sa mga pulis. Nahuli siya sa akto na may tinatawagan sa cellphone. Galit na galit sa kanya si Mr.Chui.Nais na siyang patayin ngunit nagmakaawa si Ray. Gagawin daw niya ang lahat wag lang madamay ang kanyang pamilya. Kasakiman pa rin ang umiral sa ganid na Intsik. Ayaw niyang maparalisa ang kanilang operasyon kung sakaling mawala si Ray. 

Pakiramdam ni Ray ay tila nasusunog siya habang ginawa ang bawat operasyon.Di na niya magawang kumain man lang dahil naalala niya ang mga dugong pumapatak sa kanyang kamay. Di na siya makatulog sapagakat sa bawat pikit ng kanyang mga mata ay nakikita niya ang mga batang nagmamakaawa sa kanya.Halos mabingi siya sa sigaw ng mga biktima ng kanyang kamay.

Hindi na siya nakauwi pa sa Maynila. Ikinulong na siya ni Mr.Chui sa kanilang basement. Nakakalabas lang siya kung may operasyon.

Naging manhid na si Ray sa kanyang ginagawa. Alam na alam na niyang sa Impyerno ang punta ng kanyang kaluluwa. Walang sinuman ang kayang mapatawad siya sa kanyang malaking kasalanan. Di lang sa mga naging biktima niya lalo na sa Diyos.

"Oh,dalhin na 'yan sa van para maitapon." utos ni Derek sa dalawang tauhan.

Isinunod na ni Ray ang ikalawang bata. Binatilyo. Nakamaong at pulang t-shirt. Habang inaalis niya ang kidney nito ay panay ang pagpatak ng kanyang pawis. Pakiramdam niya ay nasusunog ng totoohanan ang kanyang katawan sa sobrang init.

"Ano ba 'tong nararamdaman ko? Talaga atang nasusunog na ang kaluluwa ko sa impyerno..." Iyon ang naibulong niya sa sarili.

Nang ilalagay na niya sa isang glass tube ang kanang kidney ng binatilyo ay may napansin siya sa tiyan nito. Isang maliit na balat na malapit sa puson. Kulay itim at may kaunting buhok.

"Parang..." Naalala niya ang taong may kahalintulad na balat o birthmark sa tiyan. Si Kier. Kamusta na kaya ang kanyang mag-ina?

Napaluha siya sa naalala. Ilang araw na rin niyang di nakakausap at nakikita ang kanyang pamilya.

Kailan kaya siya makakatakas roon upang makita ang kanyang pamilya?

Isang plano ang naisip ni Ray nang gabing iyon. Palihim siyang sumakay ng van na papuntang Maynila.Kahit anong paraan ay babalik siya sa Maynila Bahala na aniya sa sarili. Basta makauwi siya ng buhay sa kanyang pamilya.

Isang mabuting tao ang tumulong sa kanya na makasakay ng bus pauwi sa Maynila. Mabuti na lamang ay nakatakas siya sa mga kasamahang humahabol sa kanya.

Masayang-masaya siya nang makauwi pa ng buhay sa kanilang bahay. Di niya alam isang malaking balita ang sasalubong sa kanya.

"Walang hiya ka!" 

Isang malakas na sigaw mula sa galit na galit na si Lea ang bumungad kay Ray. 

"Bakit?" Takang-taka niyang tanong rito," Ano'ng nagawa ko?"

"Ba't ngayon ka lang umuwi ha Ray?!"

Napukol ang atensyon niya sa mga taong nasa labas ng kanilang bahay.

"Ano'ng nangyari dito ha?Ba't ang daming tao?"

"Wala na ang anak mo!" Hagulgol ang sagot ni Lea.

"Ano?!"

"Patay na si Kier!"

Di na pinakinggan ni Ray ang mga susunod na sinabi ng asawa. Patakbo siyang pumasok ng kanilang bahay. Natabig pa nga niya ang mga taong nag-uusap sa may pintuan.

"Kier! Anak!" Niyakap niya ng mahigpit ang puting kabaong ng anak. Umiyak.

"Ray, sana nasusunog na sa impyerno ang mga taong gumawa niyan sa anak natin."

"Sino? Sino'ng pumatay sa anak ko?!"

"Tatlong araw na nawala ang anak mo..." Humahagulgol na naman si Lea.

"Ba't pinabayaan mo siya, Lea?"

"Ba't ako ang sinisisi mo? Ikaw ang may kasalanan nito. Kung di ka sana umalis. Sana may magproprotekta sa amin ni Kier!" sumbat pa niya kay Ray.

"Patay na siya Ray nang matagpuan sa damuhan..."

"Anak! Papatayin ko ang gumawa nito sa'yo!"

"Gawin mo Ray. Patayin mo ang mga hayup na Kidney Gang na 'yun!"

"Ano'ng sinabi mo?Sila...?"

"Oo! Sila ang walang awang nagtapon sa anak mo..."

Lalong lumakas ang pag-iyak ni Ray sa nalaman. Siya! Siya pala ang pumatay sa sariling anak!

"Sorry anak...sorry...Patawarin mo si Daddy!"

Huli na para magsisisi siya sa nagawa. Kahit lumuha siya ng dugo ay di na maibabalik ang buhay ng kanyang kaisa-isang anak.

"Aahhhh!!!"

Nagwala si Ray sa matinding galit sa sarili. Sinira niya lahat ng makitang bagay.Di niya ininda ang mga sugat na mula sa nabasag na bote.

"Kasalanan ko ang lahat! Kasalanan ko..."

"Oo! Kung nandito ka lang sana..."

Muhing-muhi si Lea sa kanyang asawa. Kay Ray niya isinisi ang lahat ng pangyayari.

"Oo...ako..ako ang pumatay kay Kier!" Naisigaw niya ang katotohanan.

Di niya matanggap ang kasalanang di sinasadyang nagawa kaya tumakbo siya paalis ng kanilang bahay. 

"Kailangang ipaghiganti ko si Kier!"

Wala na siyang ibang masisisi sa kanyang nagawa kundi ang demonyong si Mr. Chui. Nanginginig niyang tinawagan ang pulisya upang ipagbigay alam ang hideout ng sindikatong K4KG.

Sa loob ng ilang oras ay nagsagawa na ng operasyon ang mga pulis patungo sa San Pedro Laguna. Sa pakikipagtulungan ng isang impormante,na si Ray ay narating nila agad ang kinaroroonan ng sindikato.

Huling-huli sa akto ng mga pulis ang mga tauhan ni Mr. Chui na inilalabas mula sa van ang ilang mga bata.Agad nilang hinuli ang mga ito pati na si Mr. Chui. Galit na galit na isinumbong ng amo ang pagiging bahagi ni Ray sa kanilang masamang gawain. Di na siya kinailangang hulihin ng mga pulis sapagkat kusa na siyang sumuko sa pulisya ng Maynila. 

Tinanggap ni Ray ng buong loob ang kanyang hatol na panghabang buhay na pagkakabilanggo. Halos mamamatay na siya sa mga galit na ipinupukol sa kanya ng mga kamag-anak ng kanilang nabiktima. Maging si Lea na dapat niyang karamay ay suklam na suklam sa kanyang nagawa sa kanilang anak. Itinakwil na nga siya ng asawa, pati sariling kamag-anak ay isinawalang bahala na rin siya.

Halos pinagbagsakan si Ray ng langit at lupa. Di na niya nais pang mabuhay dahil sa kanyang nagawa sa sariling anak.

"Bakit? Bakit di ko agad nahalatang ikaw yun anak..." Paninisi pa niya sa sarili, " Kung nalaman ko lang sana na balat mo ang nakita ko... Sana buhay ka ngayon at ako ang dapat namatay..."

Huli na upang magsisisi siya sa kanyang nagawa. Ano man ang mga nangyari ay kasalanan rin niya. Kung di lang sana siya nagpadala sa takot. Sana masaya siyang kapiling ang kanyang pamilya.

Isang madilim na gabi, hinatulan ni Ray ang kanyang makasalanang kaluluwa. Alam niyang sa Impyerno na ang tungo nito dahil sa kanyang pagbibigti. 

Isang sulat mula sa kanyang sariling dugo ang kanyang iniwan sa ilalim ng kanyang malamig na bangkay.

"Nararapat lamang sa katulad ko ang mamatay. Sapagkat buhay pa ako'y nasusunog na ang aking kaluluwa sa Impyerno sa tindi ng aking mga kasalanan. Patawad sa inyo...Patawad sa'yo Kier...Sana magkita tayong muli..."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Copyrights © 2012 by DMM aka Xerun Salmirro

 All rights reserved.

 ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

475K 30K 144
Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could ever imagine---being a slave to the Sev...
578K 17.2K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
27.5M 701K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
8M 480K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."