Misteryo | Rainbow Girl...

3.5K 40 29
                                    

Author's Note:

Ewan ko kung magugustuhan nyo ang maikling kwentong ito...

Basta bigla ko na lang naisip na isulat to noon...

CAST:

Baifern Pimchanok as Yssabelle Inocencio

X|S

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Rainbow Girl <------ Blog Title

O.M.G. . <------ Blog Post

August 19, 2011

09:13 AM

May nakakatakot na nangyari sa'kin kaninang madaling-araw. Isang pangyayaring hinding-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

Pauwi na'ko that time from so hectic work loads as CSR sa Corvergys. It was 3:00 am. Di ako sinundo ng walang-hiya kong boyfriend- si Qen.Inuna pa'ng makipag-inuman sa mga barkada niya! Kaya wala akong nagawa kundi sumakay na lang ng bus para makauwi.

Mahirap talagang sumakay ng ganoong oras. Inabot ako ng ilang minuto, pero wala pa ring dumadaang bus, puro jeep. Kaya naisip ko na lang na magtaxi.

Patawid na'ko sa kabilang kalye nang may narinig akong sumigaw. Ilang hakbang mula sa'kin ay natanaw ko ang dalawang taong parang nag-aaway.

'Yung lalaki gustong holdapin yung matandang babae. Kitang-kita kong tinututukan nito ng kutsilyo sa noo ang matanda. Agad nitong hinablot yung bag ng matanda, pero nanlalaban pa rin ang kaawa-awang matanda.

Hindi ako makapagsalita sa nakikita ko. Muntik na'kong mapasigaw nang biglang saksakin ng holdaper sa dibdib yung matandang babae! Sunod-sunod!

Napakabilis ng pangyayari, kaya di na 'ko nakagalaw sa sobrang takot. Agad akong nagtago sa dilim para di makita ng holdaper, baka isunod niya rin ako.

Agad ring tumakbo yung holdaper nang masigurong patay na yung matandang babae.

Nanginginig ako sa sobrang takot noong oras na 'yun. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Wala na 'kong ibang naisip kundi makalayo agad sa lugar na yun. Kaya nang may humintong bus, sumakay agad ako. Di ko na inisip kung saan man papunta yun.

Sobrang bilis pa rin ng pintig ng puso ko kahit malayo na'ko sa lugar na yun. Pilit kong kinalimutan ang mga nangyari, pero talagang yun pa rin ang pumapasok sa isip ko.

Di ko alam pero lalo pang nagdulot ng kaba sa'kin ang kinauupuan ko sa bus. Sa dulong upuan ako napaupo dahil wala ng available.

Ang sumunod na eksena ang talagang nagpaluwa ng puso ko sa sobrang takot.

Biglang may tumawag sa pangalan ko. Tumingin ako sa paligid pero wala akong nakitang nakatingin sa'kin.

"Yssabelle..."

"AAHHHH!!!"

Napasigaw ako ng malakas dahil sa nakita ko sa salamin ng bus! Alam kong di ako namalikmata. Talagang nakita ko run yung duguang mukha ng matandang babaeng pinatay kanina. Humihingi rin siya ng tulong sa'kin, gaya ng mga kaluluwa gumugulo sa'kin simula nung Martes.

Hinimatay ako sa sobrang takot, pero isang babae ang gumising sa'kin. Si Angela ang babaeng nakashade, na siyang nakaupo sa katapat na upuan ko. Mukhang puyat din siya gaya ko.

Ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyari. Nagulat ako kasi naintindihan niya yung nararamdaman ko. Yung ibang tao, sinabihan akong nawawala na sa sarili, simula nang sabihin kong nakakakita ako ng mga kaluluwang ligaw.

MisteryoWhere stories live. Discover now