Until You Say It [Completed]

By secretlychasing

649K 22.3K 17.1K

Yshara Madriaga is traumatized due to a kidnapping incident during her 7th birthday, with that she's currentl... More

Until You Say It
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Wakas
Thank you

Kabanata 13

20.2K 749 467
By secretlychasing

Hanggang sa matapos ang immersion ay naging ganoon ang set up namin ni Yshara, ihahatid ko siya sa kanila pagkatapos ng immersion ko, sandali kaming magdi-dinner kung minsan sa labas. I can feel that she's almost comfortable with my presence kaya naman sinusulit ko ang bawat araw na kasama ko siya.

May ilang araw na nale-late ako sa oras na dapat susunduin siya at matiyaga naman siyang maghihintay sa akin kapag ganoon nga. Tulad sa araw na ito, medyo late ako kaya naman naabutan ko siyang nakasandal sa pader ng building nila habang marahang pinapadyak ang sapatos, tila nagbibilang sa kanyang isipan.

I get my phone from my pant's pocket and take a photo of her, a stolen shot. Nang mapansin niya ako ay agad ko ring tinago ang phone ko. She smiled at me. "Finally you're here!" I pinched her cheeks just the moment I am so close to her. Ngumuso siya sa ginawa ko, pero sanay na ganoon ako minsan, she's getting extra beautiful and cute everyday.

"I think someone really miss me that much," patuya kong sabi sa kanya. "We're seeing each other everyday. Pero miss na miss na agad ako," I chuckled. Sinamaan niya ako tingin bago tinalikuran at mabilis na naglakad, tulad ng dati ay naaabutan ko pa rin siya ano mang bilis ng lakad niya. Sinakop ng kamay ko ang kamay niya, napangiti ako nang hindi siya tumanggi, sanay na. "Are you free tomorrow?" Agap na tanong ko sa kanya. Sandaling nag-isip bago tumango.

Bigla siyang kumalas sa hawak ko, may sasabihin, "I made an appointment with Dr. Kaye...uh, can you accompany me?" unti-unti akong napangiti nang malaman yun, I widely open my arms for her. Nagtataka siyang tumingin sa mga braso kong nag-aabang sa yakap niya. Nang matanto ang gusto kong mangyari ay unti-unti siyang yumakap sa akin.

Marahan kong hinagod ang likod niya. "I am the happiest. I will always accompany you, wherever you wanna go," naramdaman ko ang pagtango niya sa may dibdib ko.

Yshara opening herself to the possibility of talking again is the one thing I'm always looking forward to see.

"Dinner tonight? I got my paycheck!" Pinakita ko sa kanya iyon, natawa lamang siya habang naiiling bago tumango sa akin. "I can take you to a fine dining tonight." Ani ko sa kanya, subalit umiling agad siya.

"I'm not that hungry." Sinimangutan ko siya. "We can just eat at another fast food restaurant, just like the usual...no need for a fine dining one."

"But I work hard for this..." Maliit ang boses na tugon ko sa kanya bago pagbuksan ng pinto ng McLaren.

"I know that you work hard for that, and that's supposed to be for yourself. I can still pay for my own, it's nothing much." Magrereklamo pa sana ako nang ipagpatuloy niya ang pagsi-sign language niya. "Save that for your future."

"But you're my future." I want to argue about it so bad, lagi niyang tinatanggihan yung mga bagay na gusto kong medyo i-spoil siya. I know I should be thankful because there's still this girl who's always contented with just simple things as long you're both together, but the thought of spoiling her a little, makes me want to even work harder everyday. Hindi ko naman basta nakukuha itong pera na ito, I also work hard for this.

"Ang pera mabilis maubos 'yan. You know me, I'm not picky, I can eat wherever I want to eat, be it street food. Masaya akong kasama ka tuwing ginagawa ang simpleng bagay na iyon. Please don't spoil me, I don't think I deserve it yet." Ngumiti siya sa akin para i-assure ako. "Ayokong darating 'yung araw na maiisip mo na sayang lahat, we just enjoy every little thing we can do for each other to make it work." Sa huling sinabi ay hindi agad ako nakapag- react, she's a very intelligent person, I've always known that but seeing her explain things to me now, opening to me what she really feels, pakiramdam ko iba na ang halaga ko sa kanya kumpara noong una, I'm more important now.

"Okay, Jollibee or Mcdo?" Ngumisi siya sa akin. "Jollibee then." Lumapad ang ngiti niya nang marinig ang sinabi ko. She loves Jollibee so much. Iyon ang unang bagay na nalaman ko tungkol sa kanya. Make her choose between Jollibee and fine dining restaurant, she would always go for Jollibee.

As usual we got take home orders from Jollibee. Although she's trying to reconnect with other people, still I understand that it would be a long process, so for now I'm letting her take her time, sapat nang malaman ko na kusa na siyang nagpapa- appointment kay Dr. Kaye.

"Let's eat sa garden?" Tsaka siya tumingala at pinagmasdan ang maraming bituin ngayong gabi. "And do stargazing?" Alanganin siyang tumingin sa akin, tila nahihiya sa naging suhestiyon niya. "Pero you can go home after we eat, we'll see each other naman tomorrow." She said avoiding my gaze. I chuckled. Kunot-noo niyang hinanap ngayon ang paningin ko.

"Marunong ka nang magtampo ngayon." Tumawa ako, inirapan niya lang ako dahil doon. Hinila ko siya payakap sa akin, sinubsob niya ang mukha niya sa a king dibdib kasabay nang paghawak niyang mabuti sa damit ko. "Patingin nga ng magandang mukha mo," marahan kong inangat ang mukha niya. Ngumiti ako sa kanya nang malapad, nakasimangot pa rin. "If only I can kiss you." Bulong ko, narinig niya iyon subalit hindi naman siya nagpakita ng kahit anong reaksyon. "Tara na nga, kumain na tayo, pagkatapos ay mag-s-stargazing. Kailan pa ako humindi sa'yo?" I think she just giggled.

Nagpaalam kami kina Tita Cerys at Tito Kal na sa garden kami kakain, niyaya rin namin sila kung gusto nilang sumabay na sa aming kumain subalit tumanggi sila. Tita Cerys even joked that it's our alone time together. "Botong-boto talaga sa akin si Tita Cerys, kailangan mo kaya ako sasagutin?" Pabiro kong tanong sa kanya, marahas siyang napalingon sa akin, namumula ang tainga habang namimilog ang mga mata, gulat na gulat at mukhang kabado. "Biro lang..." pagbawi ko agad.

"I'm sorry...but I assure you, I'm really trying." Tumitig siya sa akin. "It's not that hard to like you, I'm just taking time...masaya kasi ako sa ganito. Kuntento ako sa ganito pa lang tayo." Nilibot niya ang tingin sa buong garden nila bago muling tumitig sa akin. Hinintay kong tapusin niya ang gusto niyang sabihin. "Masaya ako na kaibigan kita. Masaya ako na manliligaw kita. Masaya ako sa kung anong mayroon tayo ngayon. At ayaw ko na mawala ka, ito ang mahalaga sa akin ngayon." With that sudden confession, I know my heart did stop beating for awhile. Damn it. Naramdaman ko iyon. Yung sudden knock on my chest, na hindi ko maipaliwanag, hindi masakit sa pakiramdam kasi sobrang nakakagaan.

"Thank you! Sapat na sapat na iyon sa akin." Tsaka namin pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga t-in-ake- home naming pagkain sa Jollibee. Hindi na gaanong crispy ang chicken joy dahil lumamig subalit hindi ko nakitaan si Yshara nang pagbabago sa paraan ng pagkain niya rito. This will always be her favorite. Hindi ko maalis ang titig sa kanya.

"Naiilang ako sa titig mo," napangiti ako dahil nagsign language siya habang hawak pa rin ang chicken joy, hindi talaga binibitiwan bago niya muli itong kinagatan, ngayon ay nakikipagsukatan na siya ng tingin sa akin. Hindi ako nagpatalo at ginaya ko ang pagkagat niya sa chicken joy, sa huli ay natawa kami pareho nang sabay naming maubos ang laman nito at buto na lamang ang natira.

Kinuha ko ang kamay niya at pinunasan ito gamit ang wet wipes, hinayaan niya lamang ako habang pinapanood ang ginagawa ko. Dinahan-dahan ko ang pagpupunas na tila ba minimemorya ang hubog ng mga daliri niya, hinila niya ito nang mapansin ang ginagawa ko. "What?" Natatawa kong sabi sa kanya. "I'm not gonna do anything that'll make you feel uncomfortable." Sinamaan niya ako ng tingin. "Baby, seryoso ako..." agap ko at sinenyasan siyang iabot sa akin ang kamay upang matapos ang pagpupunas nito. "After this we'll do stargazing." Ani ko.

"Ayan okay na. Malinis na." Nahihiya siyang tumingin sa akin tsaka nagpasalamat. Nagpaalam siyang kukunin ang kanyang telescope na niregalo sa kanya nila Tita Cerys at Tito Kal noong 15 years old siya. Niligpit ko naman ang mga pinagkainan namin.

Nang bumalik si Yshara ay may dala na siyang panibagong malinis na blanket at nilagtag sa damuhan, ang isang kasambahay ay kinuha na ang nauna naming ginamit. Napangiti ako nang magpasalamat si Yshara sa kasambahay. "Bakit nakangiti ka?" Aniya habang sinisimulang i-assemble ang telescope.

"Tulungan na kita," nagbigay daan siya sa akin upang ako na ang tumapos sa pag-a-assemble.

"How did you learn that?" Takang tanong niya. I explained that Jordan has telescope too, and we sometimes do stargazing whenever we are at Greg's house. "I'll do it. Ihahanap kita ng pinakamagandang bituin," she sincerely smiled at me, pinagmasdan ko na lamang siya habang ginagalaw-galaw ang telescope, ina-anggulo nang maayos upang sa gayon ay makahanap nga ng pinakamagandang bituin. "Come here..." parang bata siyang sumenyas tsaka ako lumapit sa, inalis ko ang pagkakahalukipkip ng aking mga braso, ang sarap lang talagang panoorin ang bawat galaw niya kung minsan.

I can just stare at her the whole day not getting tired at all. "What you'll see is Sirius, dog star, it's the brightest and my favorite star too." Paliwanag niya. Aalis na sana siya upang ako naman ang makasilip subalit hinila ko siya pabalik sa dati niyang pwesto, marahan ko siyang binalot ng yakap mula sa likod at tsaka yumuko. Pinatong ko ang baba ko sa may balikat niya, napalingon siya sa akin dahil doon.

"Nilalamig ako," mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya bago sumilip sa telescope. Maayos ang pagkaka-focus sa bituin kaya agad ko itong nakita pagkasilip ko. "It's indeed the brightest, madaling makita...hindi na kailangang magpapansin kasi kapansin-pansin naman talaga." Kumento, bahagyang pasaring tungkol sa kanya. "I'd like to watch my own star, everyday..." nagtagpo ang mga mata naming dalawa. "I'd like to see how she will become even brighter, everyday..." malamyos kong bigkas sa bawat salita. "I'd like that star to be mine...one day." Unti-unti akong ngumiti sa kanya.

"I love that star." I said indirectly referring to her.

Tumikhim siya matapos makabawi sa aming titigan, dahan-dahang kumawala sa yakap ko at natatarantang ginalaw ang kamay sa ere. "I'll show you another star‑‑-" sinikop ko ang mga kamay niya.

"Baby, you are my star." Pareho kaming natigilan, tumalikod siya mula sa akin, kitang-kita ang pamumula ng kanyang mga tainga. Malapad akong napangiti habang dinadama ang tibok ng puso ko, kakaibang pakiramdam ang binigay noon sa akin, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, daig nito ang pakiramdam ko tuwing naglalaro ng polo...at siya lang talaga ang tanging makakapagparamdam sa akin ng mga bagay na hindi ko inaasahang maramdaman.

"Kinikilig ako..." bigla siyang humarap sa akin, nang matanto ang ginawang kumpas ng mga kamay ay literal na nalaglag ang panga ko, pulang-pula ang buong mukha niya. I close the gap between us and hug her so tight. If this is a dream please don't fucking wake me up anymore.

"Kinikilig din ako, sobra...sobra-sobra Yshara, nakakabaliw." Pareho kaming naghahabol ng hiningi sa mga binitiwang salita, habang yakap ang isa't-isa.

Kinabukasan ay sinamahan ko siya sa appointment niya kay Dr. Kaye. One on one therapy ang mangyayari kaya hindi ako pinayagang sumama sa kanya sa loob, ayos lang naman iyon...kung anong mas makakatulong sa kanya, iyon ang susundin ko.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa lobby nitong hospital tsaka nilibang ang sarili sa pagbabasa ng dyaryo, I saw my dad's face and the news about our new hotel to rise in South. Nang mabasa ko ang buong article ay binaba ko na ang dyaryo, tsaka ko lamang napansin ang batang lalaking nakatitig sa akin, sa tingin ko ay nasa walong taong gulang ito, may lollipop siya sa kanyang bibig. "Hmm..." dumukot siya ng isa pang lollipop mula sa bulsa ng kanyang pants at tsaka inabot sa akin. Napangiti ako at kinuha nga ito.

"Thank you..." marahan kong tinapik ang balikat niyang. Mahilig ako sa lollipop noong kasing edad niya rin ako subalit nawala rin ang pagkahilig ko sa ganito. Tinanggal ko ang plastic na nakabalot dito, isang beses kong dinilaan tsaka pinanatili sa bibig ko.

I groaned when I suddenly felt my head ache so bad again. Pinilig ko ang ulo ko, baka sakaling mawala ang sakit subalit mas lalo lamang itong lumalala kasabay nang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib ko. Napaawang ang bibig ko kaya't nahulog sa sahig ang lollipop, hindi ko alam kung bakit ang lakas ng echo nito nang bumagsak kaya tila ba nabingi ako...subalit hindi ko sigurado kung iyon nga ba ang pinanggalingan ng echo...oh ibang bagay.

"Fuck..." paungol kong mura dahil sa sobrang sakit. Napapikit ako nang mariin, hinawakan ko ang buong ulo ko, stop...stop...

"Sino po kayo? Nasaan po si mommy ko?"

Mas lalo kong nadiin ang pagkakapikit nang marinig ang hindi pamilyar na boses na iyon. Sigurado akong hindi ko boses iyon. Mas tumindi pa ang sakit na halos mamilipit na ako sa kinauupuan ko ngayon. Napamulat ako nang may yumugyog sa akin, tila nabibingi ako dahil wala akong marinig na boses ng mga tao ngayon, subalit mas nagiging malinaw si Yshara sa paningin ko.

Biglang gumaan ang sakit ng ulo ko nang makita si Yshara, mugtong-mugto ang mga mata. "Yshara..." she throw herself at me for a hug, nagulat ako roon kasabay nang tuluyang pagkawala ng sakit ng ulo ko. Nang matauhan ay sinipat ko ang buong mukha niya tumigil ang titig ko sa kanyang mga mata na labis ang pamumugto, I know it's part of her therapy yet I can't help but be worried about her. Umalpas siya sa yakap ko upang makapag-muwestra ng mga salita.

"I was just so nervous...but I'm still continuing it. Kaya ko pa naman." Inayos ko ang buhok na humarang nang bahagya sa kanyang mga mata. "I want to take it slow..."

"Take your time, hindi naman ako mawawala sa tabi mo. I will stay. I will stay with you for as long as we are still breathing." Muli ko siyang niyakap at marahang pinadaan ang palad sa kanyang buhok. Sandali siyang nag-angat ng tingin sa akin bago ngumiti at muling binalik ang mukha sa aking dibdib, mas humigpit pa ang yakap.

Balik-eskwela na ulit kami matapos ang immersion. Tulad nang dati ay sabay na ulit kaming mag-lu-lunch ni Yshara, si Jordan naman ay sa iba muna sumasama, hinahayaan akong magkaroon ng oras kasama si Yshara dahil ilang buwan na lamang ay graduation na namin.

Unang araw ng February ay marami nang abala sa pag-eensayo dahil na rin sa huling linggo ng buwan na ito ay Foundation Week ng school namin. They were already posting posters about the upcoming events, naabutan ko si Yshara na nakatitig sa may bulletin board ng kanilang building. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa likuran, yumuko ako upang i-level ang mukha ko sa kanya.

The poster was about a singing competition with two participants, one can play the instrument, the other will sing. "Let's join..." Gulat na naipilig niya ang mukha paharap sa akin. "I'll sing and you play whatever instrument you like. We still have days to prepare for that and we'll surely win it." Panghihikayat ko pa sa kanya, while her eyes still not leaving mine. I'm not sure of what she's thinking right now. Nawala ang ngiti ko nang magsimula siyang umiling.

"Kumain na tayo." Hindi ko na pinilit pa ang gusto kong mangyari. She will eventually say it if she really likes it, ipagnagsawalang-bahala ko na ang iniisip tsaka tumango sa kanya. She smiled at me, but I know this time, it was a sad smile. Kinuha ko ang kamay niya at hinayaan niya lamang akong magkahawak-kamay kami hanggang sa makarating kami sa cafeteria.

Hindi siya nag-sign language buong oras na kumakain kami. I somehow realized, that poster bothered her. Maybe she really wants to join but lacks of confidence again.

Sinenyasan niya akong tapos na siyang kumain, it's a good thing she can manage eating with more people surrounding her now, but still I'm bothered because she never said anything.

"Let's join that competition. You play piano, I'll sing." Ani ko na siguradong-sigurado sa gustong mangyari, natigilan siya roon. "C'mon Yshara, there's nothing to lose here, I'll be with you on that stage. I won't leave you. Pangako. You just have to trust yourself that you can and trust me that I'll stay with you until the last line of our song..."

I cupped her face.

"Yshara look at me...I will sing the song for you, and you will play the piano for me. It will just be the two of us on that stage, but I want them to know...I want everyone to know how important you are to me." Ilang sandaling walang imikan hanggang ginalaw niya ang kanyang mga kamay.

"Let's join...I trust you." Sinikop ko ang mga kamay niya.

"No Yshara, this time you should trust yourself more, that you can do it...that you can do many things, even if it's not me who's supporting you. But, remember that I'm the lucky man supporting you now, I'm gonna stick with you, while you learn to trust yourself fully again." Nakatanggap ako ng isang mahigpit na yakap dahil doon.

Huling subject namin ay nagmadali akong makalabas ng classroom, nagpaalam din ako kay Jordan na mauuna ako sa kanya. Ayokong maghintay pa sa akin si Yshara dahil yayayain ko siya ngayong araw na magsimula na kaming mag-ensayo at bukas ay magpapa-register naman kami bilang kalahok.

"Maaga kaming pinalabas..." natatawa niyang pagsi-sign language habang hinihingal pa ako dahil sa ginawang pagtakbo, ang akala ko ay mauuna ako sa kanya. "Bakit nagmamadali ka?" I chuckled because of her question. Napahawak ako sandali sa tuhod ko, bahagyang yumukod habang hinahabol ang hininga. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko kaya't napaangat ako ng tingin sa kanya.

Nang sa wakas ay tumigil na ako sa paghangos ay tumayo na ako nang matuwid. I faced her while smiling. "I just don't wanna miss you..." napailing na lamang siya habang ngumunguso. "Practice today?" sandali siyang nag-isip bago sumang-ayon sa akin.

"Sa bahay na lang? So mom and dad will know... doon tayo sa entertainment room, I have my piano there." At iyon nga ang naging desisyon naming dalawa. Hindi ko na madalas nakakasama si Mauricio, hiningi ko iyong pabor sa kanya kahit hindi sumang-ayon si daddy noong una. I am already courting Yshara and I want to be independent too. Bumalik sa pagiging bodyguard ni daddy si Mauricio.

Nang makarating sa kanilang bahay ay wala pa roon si Tita Cerys at Tito Kal, naabutan namin si Tito Rav na naghihintay para kay Yshara. Ito ang unang beses na nakita ko siya sa personal. "Good afternoon Sir..." magalang kong nilahad ang kamay ko. "Haniel DeAndre Villangco." He eyed me from head to toe, napalunok ako dahil doon, mukhang mas strikto si Tito Rav kaysa kay Tito Kal pagdating kay Yshara. "I'm Yshara's suitor." Dagdag pakilala ko nang hindi niya pa rin tinatanggap ang nakalahad kong kamay.

"Daddy Rav! Stop acting like you're that strict!" Si Yshara na marahas ginagalaw ang mga kamay sa ere. Nagulat ako nang biglang humalakhak si Tito Rav, tsaka niya tinanggap ang kamay ko. Nakahinga naman ako ng maluwag doon.

"I'm Rav. You can just call me Tito Rav." Tinapik niya ang balikat ko pagkatapos niyang magpakilala. "Sorry, didn't mean to scare you..." natatawa niyang sabi, si Yshara naman ay sinimangutan siya, ginulo naman ni Tito Rav ang buhok nito. I can see how close they are right now. "Take care of this little one okay?" Pagtutukoy niya kay Yshara. She glared at him as if it's their daily scenario.

"I'm no longer that little kid daddy Rav!"

"Okay! Okay! Relax young lady...nagdadalaga ka na talaga." Hindi na ata maaalis ang pagiging masayahin ni Tito Rav, malayo ito kay Tito Kal...kaya hindi gaanong maiisip na magkapatid pala sila. "So why are you here young man?" Baling na tanong niya sa akin.

"Practice po sana, we are joining a singing contest for our foundation week po." Magalang kong tugon sa kanya. Sandali siyang nag-isip. "She will be playing piano and I'll sing." Dagdag ko nang sa tingin ko ay hindi siya naging kontento sa naging sagot ko.

"Oh! That's great to hear!" Napangiti ako nang sabihin niya iyon. "Sige na, magpractice na kayo. And Ysha, I bought these things for you." Nahihiyang napatingin siya sa akin mula sa mga pasalubong na dala ng tito niya. Napakamot siya sa batok dahil doon. She's not materialistic, that's the best trait I knew about her, and yet I want to spoil her, and I think that's what most people wants to do around her.

"Daddy Rav naman! I'm fine without those...besides I'm contented whenever you visit me. I don't need pasalubong's."

"Alright! Alright! I know you're not a little kid anymore but let us spoil you. Okay?" Yumakap sa kanya ang kanyang daddy Rav. Napahawak ako sa dibdib ko, siguradong-sigurado na ako, na siya, ang babaeng gusto kong makasama.

Nagtungo na kami sa entertainment room, matapos ang maikling usapan kasama si Tito Rav, may ilan pa siyang tinanong sa akin, tungkol sa VIC, kay daddy at maging sa mga plano ko sa buhay. It's like a second interview after Tito Kal's questions the other day about my goals and plans in life.

"What are we gonna sing?"

"My Valentine?" Ani ko habang pinapadaan niya ang kamay sa keyboard ng piano. "It's the first time I sing for someone and it's the first time you play piano for me..." nag-iwas ako ng tingin nang mag-angat siya ng tingin sa akin. I just find that song memorable for the both of us.

Hindi siya umimik. "Well, if you just like...but if you don't want that song, you can choose whatever you like." Nagtagpong muli ang mga mata naming dalawa, marahang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi kasabay nang pagpindot niya sa keyboard ng kanyang piano.

Lumapad ang ngiti ko nang marinig ang tono ng kakantahin namin, tumingin siya sa akin at tsaka ko ito sinabayan. It's My Valentine.

Isang oras kaming nag-ensayo ni Yshara. "Do you sing before?"Natigilan siya sa naging tanong ko. "If it offended you, I'm sorry..." pinadaan ko ang palad ko sa kanyang siko. "You don't have to answer." Malamyos kong agap sa naging tanong ko sa kanya. Hindi niya nga ito sinagot kaya naman hinayaan ko na lamang.

Palabas na kami ng entertainment room nila nang sandali akong tumigil. "I'm sorry..." Natatakot na baka na-offend ko nga siya sa naging tanong ko. "Hey, baby...I'm really sorry," hinila ko siya payakap sa akin. "I wasn't thinking right. I shouldn't have asked that." Masuyo kong hinagod ang likuran niya nang maramdamang pinahinga niya ang kanyang ulo sa may dibdib ko.

"I'll wait for you." Bulong ko sa kanya. "Please remember that I want to love you the way you deserve to be love. Gustong-gusto kitang alagaan. Gustong-gusto kitang lambingin. Gustong-gusto kong palaging nasa tabi mo." Humigpit ang yakap niya sa akin, hindi man niya sabihin subalit ramdam ko. "Gusto kong gustuhin mo rin na gawin ko ang mga bagay na iyon sa iyo. Yshara, sa'yo lang ako kaya kayang-kaya kong maghintay para sa'yo."

Huminga akong malalim. "Pwede bang habang naghihintay ako, akin ka lang din?" I didn't see that coming from my mouth but I'm not planning to take back those words and question. That was a selfish question, at kung humindi man siya, matatanggap ko iyon...hindi magbabago ang nararamdaman ko. It will still feel the same way the first time I like her, it even grows beautifully, na hinding-hindi ko na maaalis pa sa sistema ko.

Marahan siyang nag-angat ng tingin sa akin, pansin na pansin ang pamumula ng buong mukha niya maging ng kanyang tainga. Like I didn't see myself asking that selfish question, I don't see her answering it too, and I'd be fine with that. Marahan siyang kumawala sa yakap ko at unti-unting umatras palayo sa akin. Halos lumubog ako sa kinatatayuan ko nang dahil sa ginawa niya.

Tinaas niya ang dalawang kamay niya na siyang ikinagulat ko. "Oo, sa'yo lang ako..." She genuinely smiled at me as my eyes grew wider. I didn't see that one really coming too, and my heart feels genuinely happy right now.

Continue Reading

You'll Also Like

8.1K 383 38
Engineering Series #1 Growing up independently, Felicette Zchel Valderama already imagined herself succeeding in her future line of profession. She h...
6.2M 218K 50
Si Serenity ay isang manunulat na bigo sa pag-ibig. Ginamit niya ang sakit na naramdaman niya para gumawa ng isang nobelang magbibigay sa kanya ng ka...
64K 944 37
Kyrie Saavedra x Drake Lafuente FIRST INSTALLEMENT OF VARSITIES SERIES DATE STARTED: May 19, 2020. 5:36PM DATE FINISHED: June 28, 2020. 1:12 PM
342K 23.4K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...