BROKEN STRINGS (COMPLETED)

By SweetKitkat

16.2M 249K 42.4K

COMPLETED | Y2014 - Y2015 ------ "H-Hindi kita kayang panagutan. I'm sorry." hinila ko ang braso nito. "P-Ple... More

WARNING:
PROLOGUE
NEW BS #1: MOMENT WITH HIM
BS #2: TRUST ISSUE
BS #3: A NIGHT WITH HIM
BS #4: THE 'B' WORD
BS #5: POSITI--- WAIT! WHAT?!!
BS #6: THROWN AWAY
BS #7: WAKE UP
BS #8: WRIGHT
BS #9: AKO, SI REID AT SI JOLLIBEE
JUST WANNA KNOW
BS #10: THE ONE WHO LEFT BEHIND
BS #11: CHERRYPOP
BS #12: MORNING SUPRISE
BS #13: PIGGY BACK RIDE
BS #14: DESPERATE ASSH-LE
BS #15: AYAW PA
BS #15.5: COLD AS ICE
BS #16: KWARTO NIYA
BS #16.5: MANIWALA KA, PLEASE
APAT NA HINAING!
BS #17: PIECE BY PIECE
BS #18: NO WRIGHT, NO REID (1)
BS #19: NO WRIGHT, NO REID (2)
BS #20: STUCK BETWEEN TWO STONE
BS #21: LIP-LOCKING
BS #22: TAKE ME BACK, BABY!
BS #23: I HAVE A CONFESSION TO MAKE
BS #24: BLAME ME ALL YOU WANT
BS #25: MAKE UP YOUR MIND
BS #26: SEVEN DAYS
BS #28: PAK!
BS #29: PAYONG KAIBIGAN
BS #30:LET'S MAKE UP
BS #31: WALA NA SIYA
BS #32: IT BURNS MY HEART
BS #33: LIVED HAPPILY EVER AFTER?
BS #34: SORRY FOR THE BURDENS
BS #35: ICE PACK
BS #36: LIFELESS WITHOUT YOU
BS #37: H.I.M.
BS #38: CHASING HAPPINESS
BS #39: ROAD TO HAPPINESS
BS #40: MY GIFT
BROKEN STRING (EPILOGUE)
SK NOTE:
SPECIAL CHAPTER(1)
SK NOTE:
ATTENTION:
SPECIAL CHAPTER (2)
SPECIAL CHAPTER (3)
NEWS
GREAT NEWS!

BS #27: SURRENDER

229K 4.4K 464
By SweetKitkat

BS #27: SURRENDER

--------------

MELISSA QUIZON

"Daddy, okay ka na?" Tinulungan ni Wright si Reid na umakyat sa ibabaw ng kama niya. Nang makaakyat ito ay inayos ni Wright ang jacket nito na nagusot. Ngayon kasi maaaring ilabas si Wright sa ospital. Hinihintay nalang namin ang release order para tuluyan na itong makalabas.

Ngumiti ng malawak si Wright. "Sarap namang pakinggan ng 'Daddy'. Isa pa nga."

Umiling si Reid at yumuko. Nahihiya pa rin ito sa ama.

Pinanood ko lang sila habang tahimik na nag-aayos ng damit na marurumi. Pati na rin ang ibang damit na hindi nagamit ay kailangan kong ayusin.

Marahang pinisil ni Wright ang matangos na ilong ni Reid. "Bakit ba ang sungit-sungit mo sakin, e, Daddy mo naman ako."

Bumalik sa pagkaseryoso ang mukha ni Reid. "Kasi, pinaiyak mo po ang Mommy ko. Love ko si Mommy. Love mo ba si Mommy?"

Napatigil ako sa aking ginagawa. Napatingin ako kay Wright. Tumalon ang puso ko nang makita kong nakatingin rin siya sa akin.

Wright shot me an innocent smile. "Oo. Mahal na mahal na mahal na mahal ko ang Mommy mo."

Nag-iwas ako ng tingin. My heart was beating fast again and little men were jumping around in my stomach.

"Eh, bakit mo siya pinaiiyak?" Paano nalaman ng anak ko 'to?

Tumikhim ito. "H-Hindi mo pa maiintindihan, Anak."

"Bakit wala ka n'ung sixth birthday ko?" Usisa ni Reid. Kasi, babaero ang tatay mo, hindi mapirmi sa iisang babae.

"Anak, kasi. . . ."

"Buti pa si Doc Eugene nandoon n'ung birthday ko." Inosenteng kwento ni Reid habang pinaglalaruan ang dulo ng kumot ng tatay niya. Hinila siya ni Wright at inupo si Reid sa pagitan ng mga hita niya. "Galing nga ni Doc sa games, e, lagi kaming panalo. Pati n'ung Foundation Day, tinuruan niya akong mag-swimming. May picture kami kaso nabasa 'yung camera ni Mommy. Alam mo ba, Daddy, nadapa pa n'un si Mommy, buti nalang kasama namin si Doc, binuhat siya."

"Nagseselos na si Daddy, Anak." Niyakap ni Wright si Reid mula sa likod. "Nagseselos na ko kay Doc Eugene."

Reid tilted his head on the other side. "Bakit?"

"Kasi lagi mong binabanggit 'yung Doc Eugene na 'yan." Nagtatampong sabi ni Wright.

Tumingin sa akin si Reid. "Mommy, si Daddy inaaway si Doc."

Bahala kayong mag-ama ang mag-usap.

Iniharap ni Wright ang mukha ni Reid sa kanya para magtama ang mata nila. "Mas mahal mo ba si Doc Eugene kaysa sa akin?"

"Mas mahal ko si Mommy kaysa sa inyong dalawa." Napangiti ako sa sagot ng anak ko. Ano ka ngayon, Wright?

"Paano kung papipiliin ka kung sino ang gusto mong maging Daddy? Ako o si Doc?" Oh.

"Hmm. Ayoko." Umiling ito. "Ayoko po ng kahati kay Mommy. Gusto ko ako lang ang love niya."

He chuckled. "Hindi ka mabubuo kung Mommy mo lang mag-isa."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Inosenteng tinitigan lang siya ni Reid. Marahang hinahaplos ni Wright ang magulong buhok ni Reid. Sigurado akong hindi nito naintindihan ang sinabi ng ama.

"Reid, gusto mo bang tumira kay Daddy?" He glanced at me bago muling ibalik kay Reid ang titig.

Napag-usapan na rin namin na sa kanila kami dapat tumira. Ayoko sana pero nagmakaawa sakin si Wright. Kahit naman galit na galit ako sa kanya, may puso pa rin ako. I’m not like him. I’m not that heartless.

Kumunot ang noo ni Reid. "Madami ba kong kalaro doon?"

Tumango si Wright. "Andoon 'yung pinsan mo. Pwede mo siyang maging kalaro."

"Magaling ba siyang mag-piko? Kasi champion ako dun. Baka umiyak siya kapag natalo ko siya."

Wright chuckled before he nodded.

"Pwede pong pag-isipan ko muna?" Sagot ni Reid.

"Yes."

Bumaba si Reid sa kama ni Wright at tumakbo patungo sa akin. Tinigil ko ang pag-aayos ng damit nang pilit na sumasampa sa kandungan ko si Reid. "Mommy, gutom na po ako."

"Hamburger?" Tinaliman ko ng tingin si Wright at umiling. Seriously? Papatayin ba niya ang anak ko sa hamburger? Nasaan ang sustansya nun?

Umiling si Reid. "Koko Crunch."

Inabot ni Wright ang phone niya mula sa maliit na lamesa sa tabi ng kanyang kama. Pinindot niya iyon at nilagay sa tenga niya. "Hello, Mister Contreras. . . . Yes. . Bago ka magpunta dito, bumili ka muna ng KoKo Crunch sa convenience store . . For my son. . Yes, as soon as possible."

He hanged up.

"Who are you talking to?" Usisa ni Reid. Hindi pa rin ito umaalis sa kandungan ko.

Wright smiled. "My assistant."

Reid tilted his head on the other side. Gawain niyang itagilid ang kanyang ulo kapag may gusto siyang malaman. "What's assistant?"

Sumenyas si Wright na lumapit sa kanya si Reid. Agad namang umalis sa kandungan ko si Reid at tumakbo sa kanyang ama. Tinulungan ulit ni Wright iakyat si Reid sa kama at iniupo sa kandungan nito.

"Always curious, my sweet child." Niyakap niya si Reid. "Someday, kapag pinapatakbo mo na ang empire natin, maiintindihan mo na ang lahat."

Tumingala si Reid sa kanya. "Sabi ni Mommy, kapag palatanong ang bata, matalino daw."

"And yes, you are."

"Daddy, hindi pa tayo bati ah. Hindi pa tayo close, ha." Paalala ni Reid kay Wright. Bumalik ulit ako sa pagtitiklop ng mga damit.

"Ha? Bakit?"

"Kasi dapat, magbati muna kayo ni Mommy bago tayo maging close." Nagbaba ng tingin si Reid at pinagtripan naman ang bulaklak na nasa lamesita ni Wright. Napatingin sa akin si Wright. Waring may ipinahahatid ang mga titig nito. Kinagat ko ang ibabang labi ko bago mag-iwas ng tingin.

"Kiss mo naman si Daddy." Napatingin ako kay Wright. Kausap na nito si Reid.

"Saan?"

"Dito." Turo ni Wright sa kanyang pisngi. Inosenteng sumunod ang aming anak at pagkatapos nun ay niyakap niya si Reid ng mahigpit. "I love you, Baby." Nahigit ko ang aking hininga nang tumingin ito sa akin. Punong-puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata. "At hindi ako magsasawang na mahalin ka."

Mabuti nalang at may kumatok. Mabilis akong tumayo para pagbuksan kung sino man iyon. Isang matangkad na lalaki ang napagbuksan ko. Matipuno ang pangangatawan nito at malapad ang kanyang balikat.

"Hi, Misis Agoncillio." Misis my ass! Ni hindi nga kami kasal. "I'm Marvin Contreras. Your husband's assistant."

"Come in." Malawak kong binuksan ang pinto. Sa oras na makapasok ito ay lumapit agad siya sa kama ni Wright at itinaas ang plastic na dala.

"KoKo!" Tumatalon na sabi ni Reid. Magalang nitong kinuha ang supot. "Salamat po."

Binuhat ko siya para ibaba sa kama ni Wright. Tinangka ni Wright na hulihin ang kamay ko ngunit naiiwas ko kaagad. Sumunod ako sa lamesa at tinulungang ihanda ang almusal ni Reid.

"Mister Agoncillio." Matatag na saad ni Mister Contreras. "Here's your request of company's sales this month."

"Thank you, Mister Contreras. You may take your two days leave with your daughter." Rinig kong sabi ni Wright.

Agad ding umalis si Mister Contreras. Nang maisara ko ang pinto ay bumalik agad ako sa pwesto ni Reid. Hindi ko tinatapunan ng tingin si Wright ngunit alam kong nakasunod sa akin ang mga mata nito.

"Small bite, Reid." I scolded.

Bago pa man ako makaupo ay may kumatok na ulit. Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto. Malamang ay may nakalimutan lang si Mister Contreras na sabihin kay Wright.

"Did you forget something, Mister Contreras--- Oh. Hi." It's Eugene.

Naalala ko bigla ang pitong araw na palugit nito sa akin. 

“Six days left, Sweetheart.” Napalunok ako.

"May I come in?" Nakangiting sabi nito. Niluwagan ko ang pinto para makapasok ito.

"Oh. You again." Malamig na sabi ni Wright. Nawala na rin ang ekspresyon nito nang makita ang doktor.

"I'm here to check your vital signs. I want to check if you're close to dying." Sarkastikong sabi ni Eugene. Hinayaan ko silang magpatayan doon at pinanuod ko nalang na kumain ang anak ko. Pinunasan ko ang labi niya nang may tumakas na gatas doon.

"No. I'm good, so you better leave." Pinanlakihan ko ng mata si Wright dahil sa tono ng boses niya.

"I own the hospital, Mister Agoncillio. My hospital, my rules. Got it?" Namumuo na naman ang tensyon sa kanilang dalawa. At eto pa rin ang anak ko, busy sa kinakain niya.

"I'm sorry to say Mister Fuertes. But we don't need you here. I already have a mighty beautiful nurse, you see."

"With that attitude, she might as well leave you, Mister Asshole-cillio." Nanigas ako sa sinabi ni Eugene.

"Mommy, they're fighting!" Reid said.

"No, Baby. They're growling at each other. Rrr." Nakangiti kong sabi.

Humalakhak si Reid. "Oh! Like dogs! Bark!"

"I ain't like dogs." Pareho kaming napatingin kay Wright. Tinaasan ko ng kilay si Wright na sinasabing wag kaming idamay sa tensyon nilang dalawa.

Hinuli ko ang pisngi ni Reid at pinagtama ang ilong naming dalawa. "Don't mind them, Baby. Let them fight. Eat your food."

Inumang sa akin ni Reid ang kutsarang may lamang koko crunch. Kinain ko iyon. "Love you, Mommy."

Malapit ng matapos si Reid sa kinakain niya pero hindi pa rin nagsasawang magsagutan ang dalawang unggoy.

"Daddy, 'wag mong awayin si Doc!" Umalis si Reid sa harap ng lamesa at pumunta sa tabi ng kama ni Wright. Nilagay nito ang magkabilang kamay sa gilid ng bewang. Pasulyap-sulyap ako sa kanila habang nililigpit ang pinagkainan niya.

Salamat at nang sabihin iyon ng anak ko ay tumahimik ang mundo.

Nadatnan ko si Reid na nakaupo sa ibabaw ng kama ni Wright habang nakayakap naman si Wright sa bewang ni Reid. Hindi nito inaalis ang mga mata kay Eugene. Parang any minute ang kukunin ni Eugene si Reid sa kanya. "Doc, laro tayo?"

"Pwede namang si Daddy nalang ang kalaro mo, Anak."

"May sakit ka po, baka mahawa po ako." Napasimangot si Wright.

"Ano ang gusto mong laruin, Reid?" Matagumpay na ngumiti si Eugene. Parang inaasar pa nito si Wright dahil siya ang gustong kalaro ni Reid.

"SURRENDER! Alam mo po bang laruin iyon? Parang hangman lang 'to." Inabot ni Reid ang papel at lapis na nasa lamesa sa gilid ng kama ni Wright.

Ang rules ng larong SURRENDER, may word na kailangan mong hulahan. Magbibigay ka ng isang alpabeto para mabuo mo yung word at sa oras na may mabanggit ka na alpabet na wala naman sa word na ipapahula, matatanggal ang bawat letra ng SURRENDER. May siyam na letra ang surrender ibig sabihin may siyam na buhay ka. Kahit ilan ang manghula, pwede.

"Alam mo, Reid, champion si Daddy dyan." Nakansising sabi ni Wright kay Reid. Agad namang sumimangot ito nang tingnan si Eugene. "Baka may duty pa si Duck!"

"Wright." Babala ko.

Tumaas ang kilay ni Wright at inirapan ako.

"Kung sino ang manalo, pwedeng humalik kay Mommy." Anunsyo ni Reid. 

I gasped. "But, Baby. ."

Ibinebenta ba ako ng anak ko?!

"Game!" Sabay na sabi ni Wright at Eugene.

Nagsusulat si Reid at hindi nito pansin ang batuhan ng matatalim na tingin ng dalawang lalaki na nakaupo sa gilid nito. Umupo naman ako sa sofa at pinapanood sila.

"A." Panimula ni Wright. May limang guhit sa papel at ang tanging clue ay bagay.

Umiling si reid at inekis ang 'S'.

"E." Saad ni Eugene.

Inekis ni Reid ung 'U'.

"'Wag ka na ngang manghula, mali-mali ka naman, e." Asar na sabi ni Wright kay Eugene.

"Ikaw rin naman, a." Balik naman ni Eugene.

"Dali na po." Tumatawang sabi ni Reid. Hindi nito batid ang tensyon sa kanyang paligid. "Unahang maka-three points."

Dapat kasi vowels muna bago consonant para mas mapadali sila. Ayoko namang makisali, dangal ko ang nakasalalay dito.

"I." Wright.

Napasimangot si Reid at isinulat ang 'I' sa pangalawang guhit.

"O." Eugene.

Mas lalong humaba ang mukha ni Reid. Isinulat nito ang sa 'O' sa panlimang guhit.

"S?" Hula muli ni Eugene.

Napangiti si Reid at inekis ang unang 'R' sa SURRENDER.

"L?" Hula ni Wright.

Lumawak ang ngiti ni Reid at inekis ang pangalawang 'R'.

"N?" Eugene.

Lumabi si Reid at isinulat ang 'N' sa pangatlong guhit.

Oh shit! Makakahula na.

"K?" Ginulo ni Wright ang kanyang buhok dahil inekis ni Reid yung 'E' sa Surrender. "Anak, ang hirap naman."

"Pinto?!" Sigaw ni Eugene.

Napamaang si Reid. "Aya!"

"Madaya siya! Ako dapat ang makakasagot n'un e." Turo ni Wright kay Eugene.

Eugene smirked. "Magtigil ka. Wala ka naman palang ibubuga."

"Laro na. Doc, ikaw naman po ang magpapahula." Saad ni Reid. Tila ba naiinip na ito sa nangyayari.

Nagpatuloy sila sa paglalaro samantalang ako ay naghahanda na para sa tanghalian namin. Walang makaistorbo sa kanila habang naglalaro. Dahil dangal ko ang nakataya, nakibalita ako sa score. Lumapit ako sa kanila at dumungaw sa score board.

Reid- 0

Daddy- 2

Doc- 2

Oh, no.

"Ayoko na." Anunsyo ni Reid. Tumayo ito sa kama at ipinalupot ang mga braso sa leeg ko.

"Huh? Hindi pwede." Sabi ni Wright. Nag-init ang magkabilang pisngi ko.

"Bawal humalik sa Mommy ko." Hinalikan ako ni Reid sa pisngi bago muling binalingan ang dalawang parang nabitin ang mga mukha. "Ang humalik sa kanya, lagot sakin."

"Hindi mo naman makikita, e." Narinig kong bulong ni Eugene.

“Anong sabi mo?!” Nagulat kami sa sigaw ni Wright. Maski si Reid ay hindi nakapagsalita.

Binuhat ko si Reid. Mabilis akong naglakad papunta sa pinto. Kailangang hindi makita ni Reid ang mangyayari. Alam kong magsasabong na yung dalawa.

"Mommy, they're fighting again!"

 ---------------------------------------------

UNEDITED. Uhh. Sorry kung medyo boring. Inihahanda ko lang kayo. Hahaha. Guys, may nag-offer sa akin na publisher. Sa sobrang excited ko, hindi ko alam kung ano ang i-re-reply ko. Hahahaha. Hindi ako makahanap ng magandang portrayer ni Reid na sakto sa personality niya. :)

UPLOADED: NOVEMBER 18, 2014

SK<3

Continue Reading

You'll Also Like

160K 4.6K 62
Girl and boy hates each other. Typical. Cliche even. But who knows, they might just be the perfect match for each other.
2.1K 150 34
Three Words, Two Seconds, One Moment by: Mervin Canta Tyran Fuller is obsessively in love with Angelica Jones. But the problem is he doesn't know h...
21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
15.1M 585K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...