One Shots: KathNiel

By fangirlingalot

22.9K 263 35

-the way they look at eachother screams 'I love you'. More

zero
one; taking chances
two; taking chances ii
four; I.C.U.
Simple Lang
First Love o Crush?
One last call
One last call (part II)
Bakit nga ba?
2nd button
Say Something
Dorm 143
Nope, Not Again (2nd part Dorm 143)
Let go, Accept, Move on? (Dorm 143 part 3)
Goodbye (Dorm 143 part 4)
Nang dahil sa loom band
Pirot!
12:51
12:51 (part 2)
12:51 (part 3)
Joke lang
Pare pakopya naman
Kung sasabihin ko ba, maniniwala ka?
Paasa ka
Meant to be
Parekoy
Kuya (part 2 of parekoy)
Ayan ka nanaman (Parekoy part 3)
Nahanap ko na siya
Heto nanaman ako (parekoy part 4)
Tayo
iLove
iLove (part 2)
iLove (part 3)
Sana sinabi mo na lang (Kung sasabihin ko ba, maniniwala ka? part2)
Happy 2015!!!! :-)
5 years from now
Basketball
Basketball (part 2)
Behind the spotlight

iLove (part 4)

250 3 1
By fangirlingalot


Paggising ko 4:00 p.m na, may 6 messages ako. yung 5 galing kay mama, sabi niya nagsimba daw sila at kung sakaling ayaw ko daw pumasok dahil obvious naman na kakagising ko lang eh okay lang daw. ilock ko lang daw yung bahay kung gusto ko umalis. tapos yung isa galing kay jyrus.

From: Jyrus

Meet me at the park. 6 pm.

Di ako nagreply, sobrang nangalay ata ako sa sobrang tulog. Pupunta ba ako? Eh ano namang gagawin namin dun? Sasabihin niya sorry?

Nag ayos ako, syempre gusto ko ipamukha sa kanya na mas maganda ako kaysa kay rhina diba? At saka malay mo date namin toh.

4:30 pm, kumain muna ako. Sus bahala siya maghintay dun noh. pagkatapos nagcommute na ko papunta sa park, saktong 6:20 p.m nandun na ko. well mukhang ako pa ata maghihintay dahil wala pa siya. baka umalis na? baka natraffic.

bumili muna ako ng fishballs tapos kumain mag isa, 30 minutes after wala pa din siya.

Natry ko na ata lahat ng pagkain dito pero wala, wala talagang dumadating na jyrus.

7:39 p.m i texted him na nandito na ko pero 8:30 na wala pa din siya. nag aalisan na yung mga tao dito sa park.

Baka naman sa ibang park? Eh kaso eto lang yung park na lagi naming pinupuntahan at saka dito kami lagi tumatambay. 9:00 p.m, nagsasara na yung ibang stores na nakapalibot sa park. Umuwi na lang kaya ako?

Pero baka dumating siya, umidlip muna ako saglit.

"Yumi..." rinig ko

pagdilat ng mata ko nakaupo na siya sa harap ko, napatingin ako sa orasan. 10:49, grabe.

"Buti dumating ka." sabi ko

"Sorry inasikaso ko kasi si rhina kasi----"

"Yeah whatever." sabi ko, "Bat mo ko pinapunta este pinaghintay dito?"

"I want to tell you something..." sabi niya, gulo gulo yung uniform at buhok niya medyo amoy alak na din siya nag iinom ba siya?!

"uminom ka ba?!" tanong ko

"may party kasi---"

"so ganun di dahil kay rhina? dahil sa party?! ano ka ba ha?! uuwi na lang ako." sabi ko at tumayo pero hinawakan niya yung kamay ko

"Hindi dahil sa party at kay rhina. Dahil toh sayo!" sigaw niya, "... Maghiwalay na tayo, di magwowork toh para sa akin I mean----"

gago pala toh eh, yun lang pala sasabihin niya. alam ko naman eh, kailangan pa niya talagang ipamukha sa akin. pumalag ako sa hawak niya tapos tinignan siya straight sa mata, "Maghiwalay? Paksht ka naman. Yun lang?! Pwede mo naman ako itext ah, wala namang tayo diba? Like seriously jyrus anong klaseng tao ka ba ha?! Alam ko naman na kayo ni rhina eh." sigaw ko sa kanya

"Umiiyak ka ba?.." sabi niya

sht. bat di ko napansin yun? bigla akong napaatras, "oo." sabi ko, "naiinis kasi ako sayo, wala kang kwenta." sabi ko at tumakbo paalis.

bakit ba kailangan pa niya yun sabihin?! pag uwi ko ng bahay, tulog na sila mama. may susi naman ako kaya agad akong nakapasok.

binuksan ko yung phone ko tapos tinignan yung mga pics namin, hanggang sa makita ko yung picture namin na magkayakap. stolen yun, pinicturan nung kaibigan niya tapos sinend sa akin. pero mas naiyak ako nung nakita ko na may video pala siyang nirecord dito sa phone ko,

"Hi sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa oh i mean kahit sa outerspace kasi out of this world ang beauty niya, parang alien? di joke lang hahaha wala kasing kapantay. Gusto ko lang magthank you sa lahat ng ginawa mo para sa akin... Sana magtagal tayo yumi ha? Walang iwanan...." sabi niya at ngumiti, "Best gf ever ka, mwa." tapos natapos yung video

Halos di na ko makahinga nung pinatay ko yung video, pati mga post niya sa fb puro pics namin. Nasasaktan ako.

Kumatok ako sa pintuan nila mama, "Oh yumi anong nangyari sayo?!" sabi niya

"Ma di po ako makahinga, tulong po." sabi ko habang umiiyak

"Anak ano bang nangyari sayo?!" sabi niya

Mas bumilis yung tibok ng puso ko, mas di ako lalong nakahinga tapos naalala ko pang magkasama si jyrus at rhina... then everything went black....

---------

Last week simula nung nahimatay ako, pinapainom na ako nila mama ng gamot. Minsan tinatanong nila ako kung nasan si jyrus sinasabi ko lang na nagbabakasyon at busy lang.

Palabas na ko ng school ngayon ng may makita akong lalaki na kumakaway at nginingitian ako.

"Hi!" bati niya

"Hello?"

"Ako nga pala si aldrick."

aldrick?! "ah okay."

"Bestfriend ni jyrus at dan."

anak ng?!!!!

"Ah ganun ba? sige una na ako." sabi ko

"Teka lang!!!"

"Ano?"

"Hatid na kita."

"Ah no thanks, wala na kami ng bestfriend mo kaya kahit wag mo na ako ihatid."

"Huh? anong kinalaman ni jyrus dito?"

"Diba kaya mo ko susunduin dahil binilin niya ako sayo?"

"binilin? ah hindi." sabi niya, "actually binilin ko yung sarili ko sayo. Gusto talaga kita makita in person."

"At bakit?"

"Kasi i need you, kailangan ko ng isang babae na nakaranas ng pagmamahal ng isang jyrus padilla."

"What? Para saan?"

"Sa blog ko at sa fans niya please?"

"ah sorry di kita matutulungan kasi hindi naman talaga kami ni jyrus, ginamit lang niya ko para lubayan siya ng fans niya. buti pa si rhina na lang tanungin mo." sabi ko at naglakad palayo

pero sinundan niya ako, "ah lunch? libre ko if you want! at saka pati pamasahe mo, may dala akong kotse eh." sabi niya

12:30 na kasi, half day lang kami ngayon dahil test.

"Wala ka bang klase?" tanong ko

"Uhm, wala naman. Nag day-off ako hahahaha, kasi nga diba gusto sana kitang interviewhin para sa school paper namin." sabi niya

"Eh sa hindi nga----"

"Sige na please, promise ko pagkatapos ng school paper na yun lulubayan na kita swear!" sabi niya

"Oo na sige na!" sabi ko

Naiinitindihan ko kasi siya, kasi member din ako ng school paper namin at sobrang hirap talaga maasign sa isang bagay. Pero dahil nga kailangan, kailangan mo talaga gawin.

"Sige tara, nandun yung kotse ko." sabi niya

sumunod ako sa kanya tapos sumakay sa kotse niya, "san tayo?" sabi ko

pinaandar niya ng mabilis, "sa school."

"ano?! baka mamaya makita ko si---"

"chill, may klase yun for sure kaya may .1% chance na magkita kayo" sabi niya

"pero chance pa din yun kahit .1% lang!" sabi ko

ngumisi siya, "so pinanghahawakan mo pa din yung .1% na yun kahit na alam mong sobrang liit lang na chance yun? umaasa ka pa din?" sabi niya

natahimik ako, "buti pa, sa iba na lang tayo magkita." sabi ko

"not so fast yumi, nandito na tayo." sabi niya at bumaba ng kotse tapos pinagbuksan ako ng pinto

bumaba ako, sht lunch time nga pala ng mga studyante ngayon.

"Ah lunch time niyo pala eh! Baka makita nat----"

"Yumi stop okay? Chill lang." sabi niya tapos hinatak na ko papuntang cafeteria nila

"Diba siya si yumi?"

"Bat sila magkasama?"

"Ang landi naman ni yumi!"

Hinigpitan lalo ni aldrick yung hawak niya sa akin, pag upo namin sa cafeteria may nag abot sa kanya ng lunch. Isang box ng pizza, 1 pint of ice cream tapos baked mac.

"Ah eh ano yan?" sabi ko

"Lunch!" sabi niya, "kanina pa ko umorder niyan."

"I mean----"

"Just eat." sabi niya at nagsmile sinunod ko naman siya

Habang kumakain ako, bawat tao na pumapasok sa pinto tinitignan ko kung sino.

"So tell me, pano mo nakilala si jyrus?" sabi niya

"Well.... fake or real?" sabi ko

"Real." sabi niya

Tapos kwinento ko sa kanya ng buo yung 'kwento' namin ni jyrus.

"So nasasaktan ka ngayon?" sabi niya

Halos maibuga ko yung pizza na kinakain ko, "Hindi noh, fake nga diba." sabi ko at umirap

"I see..."

"Oh wala ka na bang tanong?" sabi ko

"Gusto mo ihatid kita?" sabi niya

"Ihatid?"

"Oo, sa bahay niyo. araw araw." sabi niya

"Ah si jyrus na sumusundo---" tapos naalala ko na dati nga pala yun, "Ah i mean, sige ba." sabi ko

tinignan niya lang ako tapos nagsulat ulit siya sa notebook niya.

Inabot kami ng 4:30 sa question and answer, grabe busog na busog na ako.

Habang naglalakad kami papunta sa parking sinabi sa akin ni aldrick na hintayin niya daw ako dun kasi may naiwan siyang notebook sa classroom nila.

Mga 5 minutes akong nakaupo dun, so I decided na tumayo. Katapat kasi nun bulletin board, tinignan ko yung laman at puro selfies ko at yung tungkol sa amin ni jyrus.

"Yumi." napalingon ako sa nagsalita si rhina

"Ah eh..." sabi ko

"Rhina tara na."

halos di ako makagalaw nung narinig ko yung boses na yun, si jyrus.

"Teka lang jy." sabi niya at humarap sa akin, "Ako nga pala si rhina, ikaw si yumi diba?"

"Pano mo ko nakilala?" sabi ko

"Ah behind you duh." sabi niya at tinuro yung bulletin board

"Ah oo pero fake----"

"Yeah i know everything, fake relationship and napilitan si jyrus na magpanggap----"

"Rhina!" sigaw ni jyrus

"What?" sabi ni rhina, "Dapat malaman na niya jyrus."

"Rhina pwede ba?" sabi ni jyrus

Magpanggap? Magpanggap na alin? Na nagustuhan niya ako? Napilitan ganun? Ganun lang ba talaga yun? Sabagay ano pa nga aasahan ko? Eh kahit baliktarin mo ang mundo siya pa din yung mayabang na lalaki sa kfc na nakilala ko.

Maiiyak na ko nung biglang may tumakip sa mata ko, "Hulaan mo." sabi niya

tumahimik yung paligid ko at naging komportable ako...

"Aldrick." sabi ko at kinagat yung labi ko

"Ang galing mo naman." sabi niya tapos hinila niya ako paharap sa kanya para di makita nila jyrus yung pag iyak ko

"Aldrick." sabi ni rhina

"Uy jyrus pare nandito pala kayo, sige una na kami ni yumi." sabi ni aldrick at hinila na ako palayo mula kay jyrus

pagsakay namin ng kotse tinignan niya ako, "Sorry yumi. Sorry talaga kung napaiyak kita. Kung gusto mo wag na natin ituloy tong interview. Ah eto number ko oh sinulat ko sa papel para pag kailangan mo ng tulong, matutulungan kita." sabi niya

kinuha ko yung papel tapos binulsa, "salamat aldrick ha, tinulungan mo ko kanina."

"kasalanan ko din naman, nga pala gusto mo ba kumain?" sabi niya

"baliw ka kakakain lang natin eh." sabi ko

"Oo nga pala, ah gusto mo magpagupit?" sabi niya

"Huh?"

"I mean you know magpagupit, relax lang ganun. Magpapagupit din kasi ako, may alam akong malapit lang na pagupitan." sabi niya

"Ah wag na." sabi ko

"Libre ko naman eh." sabi niya, "Sige na please."

napahinga na lang ako ng malalim,

"Oo na." sabi ko

Agad siyang ngumiti tapos after 30 minutes nagpark siya sa harap ng isang pagupitan. mukhang mayaman yung mga nagpapagupit dito kasi labas pa lang ang ganda na nung store.

pagpasok namin naghikahiwalay kami kasi sa 2nd floor yung sa girls, may nag assist din sa amin agad.

"Ah ma'am ano pong gusto niyong gupit?" sabi nung babae sa akin

"Ah trim lang po." sabi ko, nanghihinayang kasi ako sa buhok ko. mahaba na kasi.

"Ma'am mas bagay po sa inyo v-cut or tinatawag pong layer tapos medyo may bangs. Gusto niyo po ma'am?" sabi niya

Napaisip ako, sige na nga para sulit din.

"Sige ate go." sabi ko at ngumiti

nagsimula niyang gupitin yung buhok ko at inistylan. napangiti ako nung nakita kong bagay sa akin.

"Okay na po ma'am! Sa baba na lang po kayo maghintay kay sir." sabi niya

Pagbaba ko ng hagdan, may sumitsit sa akin. "Yumi!"

paglingon ko nakita ko si aldrick, ang gwapo niya sa gupit niya. Mas lumitaw kasi yung kulay ng buhok at mata niya na brown talaga. Ngumiti ako, "Naks." sabi ko at tumawa

"Bagay sayo." sabi niya at ginulo yung buhok ko

"Oy kakaayos lang niyan!" sabi ko at inayos yung buhok ko

Natawa naman siya tapos nagbayad na kami, after nun hinatid na niya ako sa bahay. pagkaakyat ko ng kwarto binuksan ko yung phone ko, walang text mula kay jyrus. hindi ba siya nagselos sa amin ni aldrick? wala na ba talaga siyang pake sa akin?

napabuntong hininga ako, siguro nga hanggang dun na lang lahat. kailangan ko lang talaga na tanggapin. niyakap ko yung unan ko at pinatugtog yung nirecord ni jyrus na im still into you sa phone ko. pumikit lang ako at inaalala ko siya.

hanggang sa tuluyan na kong maiyak, at tulad ng dati nahirapan nanaman akong huminga. pero may gamot naman ako sa kwarto kaya agad ko yung ininom, dahan dahan akong kumalma. biglang nagring yung phone ko kaya agad kong sinagot.

"Yumi..."

halos di ako makahinga lalo dahil narinig ko nanaman yung boses niya, sobrang bilis na ng paghinga ko.

"Jyrus, bat ka----tumawag?" sabi ko

"Okay ka lang ba? Bat parang hinihingal ka? May---"

pero imbis na masagot ko siya naibagsak ko yung iphone ko dahil nanginginig na ko, hindi ko na kaya. inabot ko yung iphone ko, "H-hello?" sabi ko

"Anong nangyari sayo?"

"Teka lang jyrus ha? Ka-si, a-ano..." sabi ko

"May sakit ka ba?" sabi niya,

Bigla akong nakaramdam ng hilo, naiiyak na din ako. Naririnig ko na yung katok ni sha-sha sa kwarto ko pero di ko mabuksan kasi di ako makatayo, hirap na hirap na ko huminga. Agad kong binaba yung iphone ko sa may kama.

"Mama!!! Tulong, ma!" sigaw ko

"Ate anong nangyayari sayo?" sabi ni shasha

"Di ako makahinga, shasha tawagin mo si mama." sabi ko

Hindi na ko makakita nung mga sumunod na oras, ang alam ko lang, bumagsak na ko pagkatapos nun narinig ko na yung boses nila mama.

----------------

"Okay ka na ba talaga yumi?" sabi ni mama

"Opo ma." sabi ko

"Oh mag ingat kayo ni aldrick ha?"

tumango ako at nagpaalam na sa kanila, nalaman nila mama na may asthma ako. at nung hinimatay daw ako last time dahil daw yun sa sobrang pagod at pagpupuyat lagi at pag iyak.

ito na din yung siguro last day namin ni aldrick, makukuha na kasi niya lahat halos ng gusto niyang malaman tungkol sa akin.

pagdating namin sa park, umupo kami sa isang bench.

"kamusta ka na?" sabi ni aldrick

"okay lang." sabi ko at ngumiti

"so last meeting na natin toh about kay jyrus? i guess." sabi niya

tumango ako, "ano bang feeling mahalin ng isang jyrus padilla?" sabi niya

"hindi niya ko minahal."

"oh edi anong feeling na mahal ka niya hanggang ngayon?"

"hindi nga eh, fake nga kami diba? napilitan siya----"

"yumi, mahal ka nun trust me."

tumingin siya sa akin at naghihintay ng sagot, nakatutok yung camera niya sa akin sa gilid.

"Pano yung feeling?" sabi ko at huminga ng malalim, "Syempre masaya... Kasi sino ba naman ako diba? Ako pa ba magiging choosy eh isang jyrus padilla na yan. Aaminin ko na nung una hindi namin nagustuhan masyado ang isa't isa. Nayabangan ako sa kanya ng sobra. Pero habang tumatagal narealize ko na...sobrang.. swerte ko pala para maging gf niya kahit na fake lang yun. Di ko alam kung minahal niya ba ako o hindi pero di na mahalaga sa akin yun dahil ang importante napasaya niya ako. Napasaya ako ni jyrus." sabi ko at napakagat sa labi ko

"So kung magkakaron ng isang chance na bumalik kayo sa dati, babalik ka ba?"

napatigil ako, "Hindi dahil ayokong masaktan, dahil siguro natatakot ako. Ayokong maramdaman yung mga nararamdaman ko tungkol sa kanya ngayon. Nahihirapan kasi talaga ako." sabi ko

tapos pinipigilan kong umiyak ulit kaya ngumiti ako, "Oo din dahil gusto kong maulit yung mga nangyari sa amin dati, yung sweetness namin. Gusto kong mabigyan ng chance yung sarili ko na sabihin sa kanya yung totoong nararamdaman ko. Gusto kong malaman niya na...mahal ko siya. Kung babalik ako sa dating kami, hindi ko papayagan na mawala siya sa akin bigla." sabi ko ulit at napangiti si aldrick

Madami pa siyang tinanong sa akin kaya medyo nalate kami ng tapos,

"Salamat sa tulong yumi ha?" sabi ni aldrick at bigla akong niyakap

"Sala-----"

"LAYUAN MO SIYA!!!" rinig kong sigaw ng isang lalaki sabay suntok kay aldrick agad akong napatayo

"Jyrus?!" sabi ko

"AKO NAUNA SA KANYA ALDRICK! LAYUAN MO SI YUMI PWEDE BA?!"

"Ano bang sinasabi mo jyrus?!" sabi ko

tumayo si aldrick, nagdudugo yung labi niya. "Aldrick nagdudugo yung labi mo." sabi niya

ngumisi siya sa akin tapos tinignan si jyrus ng intense. may nag iba sa tingin ni aldrick, mas umangas yung tingin niya kay jyrus.

"Wala naman yan sa nauna eh." sabi niya, "Nandun yan sa nagpapasaya sa kanya."

"SO ANONG GUSTO MONG PALABASIN?! NA IKAW YUNG NAGPAPASAYA SA KANYA!" sigaw ni jyrus

ngumisi lang si aldrick at agad siyang sinuntok ni jyrus, pinipigil ko si jyrus pero ayaw niyang mag paawat.

"LAYUAN MO SI YUMI!" sigaw ni jyrus pero nahawakan ni aldrick yung kamay niya

"Tama na jyrus!" sigaw ko habang hinahatak siya

tumayo agad si aldrick, "DIBA AKO NAMAN NAGPAPASAYA SAYO HINDI YANG WALANG KWENT-----" sigaw ni jyrus

"HINDI IKAW! si aldrick! Siya yung nagpapasaya sa akin." sabi ko at umiyak, napatigil si jyrus at tumingin sa akin, "L-lagi mo na lang ako sinasaktan! Pinapaasa mo na lang ako lagi! Lubayan mo na kami pwede ba?! Ayoko na jyrus pagod na ko. Dun ka na lang sa rhina mo!" sigaw ko at pinaghahahampas siya pinigilan naman ako ni aldrick habang nakatulala lang sa akin si jyrus pagkatapos bigla siyang tumakbo palayo

Pinakalma ako ni aldrick at bumalik na yung tingin niya sa dati, "Ikaw naman kasi sana di mo na lang inasar!" sigaw ko habang pinupunasa yung dugo sa mukha niya at inaayos yung buhok niya

Ngumiti siya at tumayo, kinuha niya yung gamit niya at tumingin sa akin sabay gulo ng buhok ko habang umiiyak ako.

"Sabi ko naman sayo tahan na. Lalo kang pumapanget eh, okay lang ako. Sanay na ako hahahahahahaha!!!" sabi niya, "Di na nga pala kita maihahatid ha? May aasikasuhin pa ko."

naglakad siya palayo pero bigla siyang lumingon, "Sabi ko sayo minahal ka nung mayabang na yun eh! Kita mo nagselos sa akin kanina!" sabi niya ngiting ngiti

Bigla akong napatigil, minahal ba niya talaga ako?

Continue Reading

You'll Also Like

4.5K 122 14
DISCLAIMER: 📌 In this captivating GL story I've woven, the names, characters, places and events are all born from my boundless imagination or brough...
32.7K 1.2K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine
15.3K 1.2K 28
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
Connection By Ara

Fanfiction

112K 1.9K 18
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...