iLove (part 4)

250 3 1
                                    


Paggising ko 4:00 p.m na, may 6 messages ako. yung 5 galing kay mama, sabi niya nagsimba daw sila at kung sakaling ayaw ko daw pumasok dahil obvious naman na kakagising ko lang eh okay lang daw. ilock ko lang daw yung bahay kung gusto ko umalis. tapos yung isa galing kay jyrus.

From: Jyrus

Meet me at the park. 6 pm.

Di ako nagreply, sobrang nangalay ata ako sa sobrang tulog. Pupunta ba ako? Eh ano namang gagawin namin dun? Sasabihin niya sorry?

Nag ayos ako, syempre gusto ko ipamukha sa kanya na mas maganda ako kaysa kay rhina diba? At saka malay mo date namin toh.

4:30 pm, kumain muna ako. Sus bahala siya maghintay dun noh. pagkatapos nagcommute na ko papunta sa park, saktong 6:20 p.m nandun na ko. well mukhang ako pa ata maghihintay dahil wala pa siya. baka umalis na? baka natraffic.

bumili muna ako ng fishballs tapos kumain mag isa, 30 minutes after wala pa din siya.

Natry ko na ata lahat ng pagkain dito pero wala, wala talagang dumadating na jyrus.

7:39 p.m i texted him na nandito na ko pero 8:30 na wala pa din siya. nag aalisan na yung mga tao dito sa park.

Baka naman sa ibang park? Eh kaso eto lang yung park na lagi naming pinupuntahan at saka dito kami lagi tumatambay. 9:00 p.m, nagsasara na yung ibang stores na nakapalibot sa park. Umuwi na lang kaya ako?

Pero baka dumating siya, umidlip muna ako saglit.

"Yumi..." rinig ko

pagdilat ng mata ko nakaupo na siya sa harap ko, napatingin ako sa orasan. 10:49, grabe.

"Buti dumating ka." sabi ko

"Sorry inasikaso ko kasi si rhina kasi----"

"Yeah whatever." sabi ko, "Bat mo ko pinapunta este pinaghintay dito?"

"I want to tell you something..." sabi niya, gulo gulo yung uniform at buhok niya medyo amoy alak na din siya nag iinom ba siya?!

"uminom ka ba?!" tanong ko

"may party kasi---"

"so ganun di dahil kay rhina? dahil sa party?! ano ka ba ha?! uuwi na lang ako." sabi ko at tumayo pero hinawakan niya yung kamay ko

"Hindi dahil sa party at kay rhina. Dahil toh sayo!" sigaw niya, "... Maghiwalay na tayo, di magwowork toh para sa akin I mean----"

gago pala toh eh, yun lang pala sasabihin niya. alam ko naman eh, kailangan pa niya talagang ipamukha sa akin. pumalag ako sa hawak niya tapos tinignan siya straight sa mata, "Maghiwalay? Paksht ka naman. Yun lang?! Pwede mo naman ako itext ah, wala namang tayo diba? Like seriously jyrus anong klaseng tao ka ba ha?! Alam ko naman na kayo ni rhina eh." sigaw ko sa kanya

"Umiiyak ka ba?.." sabi niya

sht. bat di ko napansin yun? bigla akong napaatras, "oo." sabi ko, "naiinis kasi ako sayo, wala kang kwenta." sabi ko at tumakbo paalis.

bakit ba kailangan pa niya yun sabihin?! pag uwi ko ng bahay, tulog na sila mama. may susi naman ako kaya agad akong nakapasok.

binuksan ko yung phone ko tapos tinignan yung mga pics namin, hanggang sa makita ko yung picture namin na magkayakap. stolen yun, pinicturan nung kaibigan niya tapos sinend sa akin. pero mas naiyak ako nung nakita ko na may video pala siyang nirecord dito sa phone ko,

"Hi sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa oh i mean kahit sa outerspace kasi out of this world ang beauty niya, parang alien? di joke lang hahaha wala kasing kapantay. Gusto ko lang magthank you sa lahat ng ginawa mo para sa akin... Sana magtagal tayo yumi ha? Walang iwanan...." sabi niya at ngumiti, "Best gf ever ka, mwa." tapos natapos yung video

One Shots: KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon