Tayo

321 3 0
                                    

Alia's POV:

Simula nung away namin ni hans di na kami nagpapansinan, pride siguro? Gusto ko naman makipagbati kaso mukhang imposible na yun.

Kakatapos ko lang magsulat, nagulat ako nung biglang may pumasok sa classroom namin na may dalang roses. Akala ko nga si parekoy eh, pero hindi. Si Kent.

Buti wala kaming teacher ngayon kasi may meeting kaya puro notes lang inaatupag namin ngayon.

"Alia." sabi niya tapos lumuhod sa harap ko

Nagtilian yung buong klase, "Alam kong tingin mo sa akin manloloko. Pero alia seryoso ako, mahal kita. Oo, aminado ako. Kung manligaw ako puro chat at text lang, natatakot kasi ako kay hans dati. Akala ko kasi talaga kayo, pero nung nalaman ko na ginago ka niya lumakas yung loob ko. Alia, gusto kitang ligawan ng seryoso. Pwede ba?" sabi niya

Halos di ako makapagsalita, grabe.

"Ah oo." sabi ko

binigay niya sa akin yung roses at ngumiti, "Ah Kent alis ka muna ng classroom, class hours." sabi ko

Kinikilig naman yung mga kaklase ko, "Sige. Bye Alia!" sabi niya at lumabas ng classroom

Pinagtinginan naman ako ng mga kaklase ko at tinukso, to be honest simula nung nagkahiwalay kami ni parekoy dumadami na yung mga nanliligaw sa akin. Parang mga bula na biglang sumulpot. Parang cancer cells, biglang dumami.

Nung uwian, paglabas ko ng classroom. May mga nag aabot sa akin ng roses. Pagtingin ko sa gate, nakatayo si kuya patrick may kagat siyang red na rose tapos may hawak na teddy bear at chocolate.

Napangiti ako, kinuha ko yung rose sa bibig niya, "Mukha ka nang garden." biro niya

"Kasalanan mo." sabi ko at tumawa

"Mukhang marami akong karibal ah, daming rose---o may sunflower pa! ano ba yan hahahahaha" sabi niya at tawa ng tawa

"Atleast nageffort!." sabi ko

"Pahug nga!" sabi niya tapos niyakap ako, "Ang bango ng flowers hahahaha."

nung paghiwalay ko sa kanya nakita kong dumaan si parekoy pero wala si loureen, "Uy okay ka lang?" sabi ni kuya patrick sa akin

"Ah oo, teka nga seryoso ka ba talaga tungkol sa panliligaw sa akin?" sabi ko

"Seryoso nga aking sinta." sabi niya tapos kumindat pa

Binatukan ko nga, "Ang landi mo." sabi ko

"Hoy sayo lang ako malandi noh, ganda mo kasi!"

"Ah ganun, mahal mo ko kasi maganda ako?" sabi ko

kiniss niya ko sa noo tapos bumulong, "Maganda ka kasi mahal kita." sabi niya

"Hoy mister, nanliligaw ka pa lang umiiscore ka na!" sabi ko at pinitik siya sa noo

"Hoy misis, di pa tayo kasal pero tinatawag mo na kong mister." sabi niya at ngumisi ng nakakaloko

Napangiti ako, siguro kung hindi kami nagkahiwalay noon kami pa din hanggang noon. Siguro nga si kuya patrick talaga yung para sa akin.

"Misis ko, sakay na." sabi niya tapos pinagbuksan ako ng pinto, "Sakay na para maituloy ko na pagmamahal ko para sayo."

Napangiti ako, "Opo mister."

-----------

AFTER MANY YEARS

Napangiti ako at tinignan si patrick habang nagluluto siya ng breakfast namin.

One Shots: KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon