Pirot!

681 11 0
                                    

"PIROTTTTT!!!!!!" sigaw niya

"Pwede ba?! Wag mo kong tawaging pirot? Pantay yung mata ko okay? Gwapo ako!"

"Sus, pirot ka naman talaga eh!"

"Tss, pwede ba dun ka na panira ka lang sa date ko eh!"

"Uy may date ka? Baka banlag o duling yung date mo ah! HAHAHAHAHAHA!!!"

"Kung di ka lang bestfriend nung kadate ko eh, naku naku baka napatalsik na kita!"

Napatigil siya at tumingin sa akin, "Dinedate mo si marianne?"

"Oo, diba obvious?!"

"Sa tingin mo kung obvious, itatanong ko pa ba?"

"Tss, alis na dali. Baka bumaba na yun oh."

"Ayoko nga, may lakad kami ngayon. At saka baka ikaw lang yung nag assume na may date kayo! Eh may iba yang gusto eh, tinatawag pa nga niyang prince charming." Binatukan ko naman siya

"Wag ka nga maingay, at saka alis na!"

"Kung makasabi naman toh ng alis oh! Ikaw may ari ng bahay?!"

"Panira ka lang sa date namin eh!"

"Sinabi ko naman sayo diba, may iba nga siyang gusto! Bat ba ang kulit mo? Si prince charming nga yun!"

"Ay naku kakornihan mo! Alis na kasi."

"Pirot."

"Isa!"

"Ano?! Dalawang mata mo pirot?! Hahahahaha!!!"

"Shhhh! Pababa na ata siya!"

"Sus pirot oh!"

Biglang bumaba si marianne, naka dress siya, brown yung hair niya, maganda siya sobra. Bigla akong binangga ni cass, "Best! Tara na?" Sabi ni cass

"Ah cass, okay lang ba kung kasama natin si Jv?"

Tinignan ako ni cass, "oo naman! Pero wag lang tayo masyado dumikit kasi baka mapirot tayo." Sabi niya at tumawa

Natawa naman si marianne, "maganda naman yung mata ni Jv oh." Kinilig naman ako sa sinabi ni marianne kaya ngumiti ako

"Tss, san banda? Pirot yan eh!" Walangya talaga tong si cass

Lumapit naman ako kay marianne at binigyan siya ng flowers, "Marianne." Sabi ko at ngumiti

"Wow thank youuuuu!"

"Ay hindi pantay yung isang rose oh, mana sayo brad! Pirot eh!" Sabi ni cass

"Cass naman, wag kang ganyan." Natatawang sabi ni marianne

"Totoo naman eh, pirot!"

Umiling na lang ako, "Tara?" Sabi ni marianne at naunang lumabas ng bahay

"Uy cass, wag kang sumabay sa amin sabihin mo magcocommute ka kasi may dadaanan ka pa."

"Bat ko naman gagawin yun?"

"Kasi date nga namin toh, sige nanaman cass oh? Please?" Sabi ko

Tinignan naman niya ako, "aist! Sige na tabi na diyan, tara na baka mainip si marianne."

Ngumiti naman ako at niyakap siya, "thanks!"

"Aray wag mo kong yakapin baka mapirot ako!" Sabi niya

Binatukan ko siya, "joke lang hahahaha!"

Lumabas kami ng bahay, inopen ko yung kotse ko at pinasakay si marianne, "Teka san pupunta si Cass?"

One Shots: KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon