Secretly Married To Kyrie Irv...

By RedLovesViolet

13.1K 4.2K 1.5K

"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball p... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Epilogue
A/N

Chapter 49

118 45 28
By RedLovesViolet

Lei Eros

   First time kong makarating dito sa Siargao. Hindi ko mapigilang hindi maamazed sa lugar na ito. Palinga-linga ako sa paligid. Kapag may nakikita akong magandang tanawin ay kinukuhanan ko iyon ng picture.

   "Besh!!!" Tawag sa akin ni Sam kaya napalingon ako sa likuran ko.

   "Why?" Makatawag naman ang isang to.

   "Pose ka jan. Kunyari model ka." Excited na sabi nya. Ako naman syempre, game din ako sa ganyan.

   Ganun din naman ang ginawa ko sa kanya, ginawa ko rin syang model. Nagkakakatuwaan kaming dalawa nang makita naming papalapit sa amin yung dalawang bakulaw. Napapatingin sa kanila yung bawat taong madaanan nila dahil nga kasi sikat sila. Hindi rin maiwasang may nagpapapicture sa kanila.

   "Aba, ang bruha kulang na lang magpabuhat kay kuya." Iritang sabi ni Sam. Nakita ko rin naman kasi, halos magpabuhat na yung babae sa asawa ko kung makayakap.

   "Zup beautiful ladies." Nakangiting bati sa amin ni kuya Al.

   "Beautiful mo yang mukha mo!" Inirapan sya ni Sam. Umakbay naman sa akin si Kyrie.

   "Ano na namang problema hon?"

   "Problema? Mukhang enjoy na enjoy ka sa mga babae dun eh."

   "Ah, selos naman pala eh." Sabat ni Kyrie sa sagutan nila.

   "Hindi ah." Tanggi naman ni Sam.

   "Wag ka na magalit hon, ikaw naman ang love ko eh." Niyakap pa sya ni kuya Al.

   "Telege?" Pabebeng sabi ni Sam kaya nagtawanan kami.

   "Baliw. Ikain mo na lang yan hon." Kinurot pa ni kuya Al yung ilong ni Sam.

   "O, bat nakangiti ka dyan?" Puna sa akin ni Kyrie.

   "Natutuwa kasi ako sa dalawa eh."

   "Tara na, kumain na tayo at mamamasyal pa tayo." Aya sa amin ni Kyrie.

   Magkahawak kamay kami ni Kyrie habang naglalakad at ganun din sila Sam.

   "Nice one Kyrie! Wooh!" Sigaw ng isang lalaki kaya napatingin kami. Sinaluduhan lang sya ni Kyrie.

   "Wow, ang gaganda naman ng mga kasama nyo. Sana all!" Kinikilig naman na sabi sa amin ng grupo ng mga babae. Nginitian lang namin sila.

   Nagulat ako ng may isang babae na humarang sa mismong harapan ko. Tinitignan nya ako ng maigi.

   "Totoo nga, ang ganda mo nga talaga." Ngiting-ngiti na sabi ng babae sa akin.

   "Salamat po, maliit na bagay." Sagot ko.

   Nagpatuloy kami sa paglalakad. Kung anu-anong naririnig namin sa paligid.

   "Totoo nga, may jowa na si Kyrie."

   "Yan na ba yung girlfriend nya?"

   "Bata pa pala yung babae."

   "Nakakainis naman may girlfriend na talaga sya."

   "Di yata artista yung babae eh."

   Yan yung mga naririnig namin sa paligid. Hindi na lang namin iyon pinansin.

   Nang makarating kami sa room namin ay nakita namin na nakahanda na yung mga pagkain sa lamesa.

   "Wow, ang sarap naman ng breakfast natin." Masayang sabi ni Sam.

   "Yes, magaling ata ang chef natin." Buong pagmamalaki kong sabi sabay yakap kay Kyrie.

   "Aba, mukhang may kelangan ang misis ko ah." Biro nya sa akin.

   "Wala, totoo naman yun eh." Ngumiti pa ako sa kanya. Ginulo nya naman yung buhok ko.













–––––

   Pagkatapos naming kumain ay naligo na kami at nag-ayos ng mga gamit na dadalhin namin.

   "Okay na ba kayo ladies?" Nakangiting bungad sa amin ni kuya Al.

   "Yes." Sabay na sagot naman namin ni Sam. Lumabas na kami ng kwarto, nakita namin si Kyrie na naghihintay sa sala.

   "San ba tayo pupunta Kay at kelangan nakapangsports wear kami?" Curious na tanong ko.

   "Basta!" Sagot nya lang sabay hila sa kamay ko.

   Paglabas namin ng hotel ay binati kami ng isang lalaki.

   "Good morning po sa inyo. Ako po si Jed ang inyong tour guide." Nakangiting pakilala nito sa amin.

   "Ay shala besh, may tour guide tayo." Nag-apir pa kami ni Sam.

   "Tara na." Pinagbuksan naman kami nila Kyrie ng pinto ng sasakyan.

   "Unang pupuntahan po natin ay ang blah.... blah... blah!" Wala na akong naintindihan sa sinasabi ng tour guide namin dahil busy akong tumingin sa magandang lugar na nakikita ko.













––––

   Kaya pala ganto ang suot namin ay aakyat pala kami ng bundok. Tinignan namin sila ni Sam ng ubod sama.

   "Hey, wag kayong dalawa magalit. Promise, kapag nakarating na tayo sa pupuntahan natin panigurado mag-eenjoy kayo." Paliwanag ni Kyrie sa amin.

   "Ano pa nga bang magagawa namin nandito na tayo eh." Asar na sabi ni Sam.

   Parehas kasi kami ni Sam, hindi kami adventurous na tao. Ayaw namin ng mga ganto.

   Inalalayan naman nila kami sa paglalakad. Inililibot ko ang paningin ko sa bawat madaanan namin.













Kyrie

   Gusto kong matawa sa mga mukha nila Sam at Eros ngayon. Alam namin ni Al na ayaw nila ng ganto kaya hindi namin sinabi sa kanila kung saan kami pupunta.

   "Siguraduhin nyo lang na mag-eenjoy kami sa pupuntahan natin kundi ihuhulog namin kayo sa bangin." Banta ni Sam sa amin.

   "Yes hon, promise." Assurance sa kanya ni Al.

   "Pano nyo naman nalaman na maganda dun sa pupuntahan natin?" Tanong naman ni Eros.

   "Haven't I told you before na galing na kami dito ng family ko? Kaya alam kong maganda dito." Sagot ko.

   "Okay fine." Inirapan nya lang ako sabay hawak sa kamay ko. Napangiti naman ako dun.

   Nagpatuloy kami sa paglalakad. Kwentuhan lang habang naglalakad para hindi kami maboring. Hindi rin napapansin ng dalawa na mahaba na rin yung nilakad namin.

   Huminto kami sa tapat ng hanging bridge. Naramdaman kong humigpit yung hawak ni Eros sa akin.

   "Wag nyo sabihing tatawid tayo dyan." Sabi nya at aatras na sana pero hinigpitan ko rin yung hawak ko sa kanya.

   "It's the only way para makarating tayo sa hidden paradise." Sagot ko sa kanya.

   "Sh*t! Wala bang ibang daan?" Nanlalaki yung mga matang tanong ni Sam. Umiling lang kami ni Al.

   "Let's go, bago pa tayo gabihin dito sa daan." Paalala ni Al.

   "Wag kang OA! past 10am pa lang!" Inirapan siya ni Sam kaya di na nagsalita pa si Al.

   Yung dalawang babae, parang naestatwa na sa kinatatayuan nila. Hindi na sila gumagalaw.

   "Hindi ako dadaan dyan!" Mariing sabi ni Eros.

   "Ako rin." Segunda naman ni Sam.

   "Pano tayo makakarating dun kung ayaw nyo dumaan dito?" Impatient na tanong sa kanila ni Al.

   "Sira ulo pala kayo eh. Bakit di nyo kasi sinabi na ganto pupuntahan natin?!" Galit na sabi ni Sam.

   "Pag sinabi ba namin, papayag kayo? Diba hindi? Saka hon, isipin mo na lang nakasakay ka sa rides." Kinindatan pa sya ni Al.

   "Nasakay ako ng rides pero hindi ganto. Sobrang taas nito hon."

   "Don't worry, kasama mo naman ako eh. Di kita ihuhulog." Sa sinabi ni Al ay bigla syang kinurot ni Sam.

   "Puro ka kalokohan. Tara na!" Pagpayag nya.

   "Sir Kyrie." Tawag sa akin ng tour guide.

   "Umiiyak na po si ma'am." Sabay turo sa likuran ko.

   Napaharap ako bigla kay Eros. Kaya pala tahimik, umiiyak na pala.

   "Hey, what's wrong?" Tanong ko sa kanya. Kinabig ko sya payakap sa akin.

   "I'm scared." Pag-amin nya.

   Sinenyasan ko sila Al na mauna na sa pagtawid. Ginawa naman nila iyon, nakita kong inaalalayan ni Al si Sam ng mabuti.

   "Mommy, I'm sorry but I have no choice but to do this." Bahala nang magalit basta kelangan makatawid kami dito.

   "Waaaahhhhh!!!!" Malakas na sigaw nya dahil binuhat ko sya.

   "Bwisit ka Kyrie Andrew! Sabi mo bakasyon pupuntahan natin yun pala pakamatay pupuntahan natin! Waaahhhh!!!!" Tili nya na naman.

   Natatawa na lang ako sa kanya dahil kung anu-ano yung mga sinasabi nya. Binilisan ko na lang ang lakad dahil may kahabaan pa naman itong hanging bridge.

   "Waaaaahhhh!!!! Sigaw nya ulit dahil tumingin sya sa ilalim.

   "Don't look down. Malapit na tayo." Pang-aalo ko sa kanya. Nakita ko sa unahan ko yung tour guide, natatawa ito sa amin ngayon. Sa bandang unahan naman ay sigaw rin ng sigaw si Sam. Galit na galit ito kay Al.

   "Hay sa wakas!" Sabi agad ni Al nang marating namin ang kabilang dulo. Ibinaba ko naman si Eros kaso bigla nya akong tinulak.

   "Why?" Natatawa kong tanong.

   "Why mo yang mukha mo!" Her voice was cracked dahil naiiyak na naman sya.

   "It was fun!" Sabi ko sa kanya.

   "Maybe for you, but not for me!" Nagpahid pa sya ng luha. Nilapitan ko naman sya at niyakap. Kumalas ako ng yakap at ikinulong ko yung mukha nya sa mga palad ko.

   "Kasama mo naman ako eh, hindi kita pababayaan." I said, then give her a little kisses.

   "Ay, ano ba yan. Daming langgam!" Sigaw ni Al. Talaga tong ungas na to, panira ng moment.

   "Gusto mo ipakagat talaga kita sa langgam?" Naniningkit ang mga matang tanong sa kanya ni Sam.

   "Hon naman." Awat ni Al kay Sam. "Grabe oh, sugat-sugat na nga ako oh. Ang haba ng kuko mo." Reklamo nya kay Sam.

   Pinakita nya nga yung mga bakat ng kuko ni Sam. Sobrang diin ata ng hawak sa kanya.

   "Pfft!" Pigil namin ng misis ko sa tawa.

   "May nakakatawa ba ha, Mr. and Mrs. Irving?" Baling samin ni Al.

   "Yes po. Ikaw!" Sabi ni Eros sabay turo sa mukha ni Al.

   "Ah, ganon? Sino kayang iyakin?" Pang-aasar din sa kanya ni Al. Walang nasagot si Eros at nagbubbly face na lang kaya ang lakas ng tawa ni kalbo ngayon.

   "Sir, okay na po ba kayo? Tara na po." Interrupt sa amin ni Jed.

   "Yeah, sure." Sagot ko naman.

   Nagpatuloy kami sa paglalakad. Ganun pa rin, kwentuhan lang kami ng kwentuhan.

   "Daddy, water." Malambing na pakisuyo ni Eros sa akin. Ewan ko ba tuwang-tuwa ako kapag tinatawag nya akong daddy.

   Kinuha ko naman sa gilid ng bag yung lalagyan ng tubig at inabot sa kanya.

   "Malayo pa ba tayo?" Rinig kong tanong ni Sam.

   "Oo nga daddy, malayo pa ba tayo?" Tanong rin ni Eros habang pinupunasan yung bibig nya.

   "Malapit na tayo." Sagot ko sa kanila.

   "Buti naman. Kanina pa ako naiihi eh." —Sam.

   "Ihi ka na lang hon sa likod ng mga puno." Pang-aasar sa kanya ni Al.

   "Ah talaga?" Kinuha nya yung tubigan kay Eros sabay hampas niyon kay Al.

   "Woah!" Nasabi ko na lang. Ang bibilis ng kamay ng mga babaeng to.

   "Aray ko naman hon, injury na ako sayo eh." Angal ni Al.

   "Wag ka pa tumigil di lang yan aabutin mo."

   "Eto naman di na mabiro." Nilambing nya si Sam. Inabot naman sakin ni Sam yung tubigan.













–––––

   "Wooowww!!!" Manghang bigkas ng dalawa nang makarating kami sa pakay namin.

   "Ang ganda!" Sabay na sabi na naman nila.

   "I told you, magugustuhan nyo rito." Sabi ko kay Eros and give her a back hug. Humawak naman sya sa mga kamay ko.

   "Is this a private place?" Tanong nya sa akin.

   "Yeah." Maiksing sagot ko.

   May hot spring, may swimming pool. Meron ring mini house with two bedrooms. And marami pang magandang puntahan.

   Pinili ko ito dahil tahimik. Gusto ko naman munang tumahimik ang mundo ko at makabonding ang misis ko ng walang mga mata ang nakatingin sa amin.

   "You like it?" Tanong ko sa kanya. Ipinatong ko pa yung baba ko sa ulo nya.

   Humarap naman sya sa akin. "I don't like it daddy, I love it!" Masayang sabi nya.

   "Thank you." Sincere na sabi nya at yumakap pa sa akin.

   "Anything for my queen." Sagot ko at hinalikan sya sa buhok.

   "Sir Kyrie, lahat na po ng kailangan nyo nandyan na po. Kung may kailangan pa po kayo tumawag lang po kayo sa hotel para maassist namin kayo." Sabi sakin ni Jed.

   "Thanks. You and your crew may go now." Nakangiting sabi ko sa kanya.

   "Salamat po sir. Babalik na lang po kami kapag babalik na po kayo sa hotel."

   "Okay, take care." Sabi ko sa kanila at inabutan sila ng tip.

   "Naku sir Kyrie, salamat po!"Tuwang-tuwa na sabi nila.

   "No problem. Hati-hati na lang kayo dyan." Sabi ko at sumaludo sa kanila.

   "So, anong ganap natin ngayon bruh?" Tinapik ako sa balikat ni Al.

   "Make our ladies happy!" Sagot ko.

   "Yeah, right." Nagfist bump pa kaming dalawa.



*VOTE

*COMMENT

Continue Reading

You'll Also Like

15.6K 352 28
Don't stop when you're tired,stop when you're done.You may see me struggle,but you will never see me quiting", (Nikki Henderson)
217K 89 2
A sickly teenage girl's plan in life makes a full turn when an arrogant womanizer moves into town. *** Living her life to the fullest, Khyacee Joel h...
1M 18.1K 31
Si Josephine Morgan, kilala dahil sa kanyang dinadalang apelyido. Her life was as beautiful as it can be. Paano kung mawala sakanya ang yaman at buon...
238K 10.1K 41
Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita ma...