Chapter 81

80 45 9
                                    

Kyrie

   Nasa parking area na kami nang tawagin ako ni Miranda. Napalingon naman ako sa kanya.

   "Why?" Medyo malakas kong sigaw sa kanya dahil medyo malayo sya. Si Al naman ay nakatanga lang din sa akin.

   "Ayaw magstart ng car ko." Problemado yung mukha nito habang nakahawak sa noo nya.

   "Naku, naku, naku Kyrie. Mukhang humuhokage moves si Miranda ah." Tukso sa akin ni Al.

   "Gago! Ikaw talaga napakamalisyoso mo." Sinuntok ko pa sya sa balikat.

   "Sige na, tignan mo na nga yung car nya." Gaya nya sa boses ni Miranda.

   "Baliw!" Naiiling ko na lang na sabi sa kanya at lalapitan ko na sana sya kaya lang ay nakailang hakbang pa lang ako ay natapakan ko yung sintas ng sapatos ko.

   "Tsk!" Nasabi ko na lang at yumuko para isintas yung sapatos ko.

   "Kyrie!!!!!!" Rinig kong magkasabay na sigaw ni Miranda at Al. Hindi naman ako nakagalaw nang makita ko ang isang sasakyan na mabilis na umaandar papalapit sa akin. Nasilaw rin ako galing sa liwanag ng headlights niyon. Patakbo na sana ako para tumabi kaso ang bilis ng mga pangyayari at nakita kong mas binilisan pa ng kung sinuman ang nagpapatakbo ng sasakyan.

   "Kyrie!!!!!!" Rinig kong sigaw ulit nila Al pero huli na dahil tumilapon ako ng sobrang layo. Hilong-hilo ako ngayon at walang nagawa nang humampas ng malakas ang ulo ko kung saan. Nanlalabo ang mga mata ko nang idilat ko iyon. Hindi ko na rin kaya dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. Naramdaman ko na lang na unti-unting nababasa ang mukha ko ng isang malapot na likido. Pinipilit kong idilat ang mga mata ko. Hindi ito maaari.

   Bago ko tuluyang maipikit ang mga mata ko ay nakita ko ang maamong mukha ng asawa ko habang nakangiti sa akin.














Third Person's POV

   Hindi kaagad nakakilos sila Al at Miranda sa kanilang kinatatayuan.

   "Kyrie!!!!" Sigaw ni Al sabay takbo sa matalik na kaibigan. Sumunod naman si Miranda sa kanya.

   "Kyrie! Tangna mo, umayos ka!" Umiiyak na sya habang chinicheck ang kaibigan.

   "Kyrie!" Nanginginig ring sabi ni Miranda.

   "Call the ambulance!" Sigaw nya sa tulalang si Miranda sa likuran nya, nagulat naman ito kaya tumalima iyon kaagad sa kanya.

   Hindi nya mahawakan si Kyrie ngayon kahit gustuhin nya man dahil baka may fracture iyon.

   "Kyrie! Tarantado ka!" Tarantang sabi nya ulit dahil nakita nyang tumitirik ang mga mata ng kaibigan. "Gago ka! Just hold still. Parating na ang ambulance." Nasasaktan sya dahil sa nakikitang kalagayan ngayon ng kaibigan.

   "Al, move! Andito na sila." Sabi naman ni Miranda sa kanya kaya tumayo sya para bigyan ng sapat na space ang mga first aider.

   Nakatingin lang sila ni Miranda habang kinukuha ang katawan ni Kyrie. Nang maipasok iyon sa loob ng ambulance ay sumama sila ni Miranda sa loob.

   "The patient is unconscious." Sabi nung isang babae kaya kinabitan nila si Kyrie ng AED. Napapikit naman si Al at nanalangin ng tahimik. Naisip nya bigla si Lei, paano nya sasabihin sa asawa nito ang nangyari dito.

   "Kasalanan ko ito, kung hindi ko na sya tinawag sana hindi sya naaksidente." Sabi naman ni Miranda sa tabi nya pero hindi naman sya umimik.

   Nag-isip sya ng mabuti tungkol sa mga naganap kanina, sigurado syang hindi iyon isang aksidente. Sinadya iyon ng kung sinuman ang nagmamay-ari ng sasakyan. Si Kyrie talaga ang target niyon.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Where stories live. Discover now