Chapter 78

73 44 8
                                    

Third Person's POV

   "Hey lover boy!" Asar kaagad ni Al kay Kyrie nang makapasok sila sa kwarto ni Lei. Napahilamos naman si Kyrie ng mukha at bumangon na sa kama.

   "How's my bae?" Malambing na tanong ni Lei sa kanya at lumapit upang halikan sya sa noo.

   "I'm fine mommy. How was your day?" Yumakap pa sya sa bewang ng asawa nya.

   "Okay lang naman."Sagot nito habang naghuhubad ng coat.

   "Kuya, para sayo pala." Naalala ni Sam yung mga prutas na pinamili nya para kay Kyrie.

   "Wow, thank you Sam." Nagagalak na sabi Kyrie at inabot iyon. "Ang dami naman nito." Puna nya dahil marami talaga iyon.

   "Ayos lang kuya, para sayo naman yan eh." Nakangiting sagot sa kanya ni Sam.

   "Dapat nga bibilhan ka nya ng maraming saging eh, diba favorite mo yun?" Nakakalokong sabi ni Lei sa kanya. Hindi naman sya sumagot at hinatak lang si Lei sabay kagat sa bewang nito kaya napahiyaw sa sakit ang kanyang asawa.

   "Aray ko! Aswang kang unggoy ka. Bwisit ka!" Hinimas-himas ni Lei yung kinagat sa kanya. Natatawa naman sila Al sa kanilang dalawa.

   "Lei, kain na daw kayo sabi ni daddy mo." Si Tina iyon, nakatayo sa pintuang nakabukas.

   "Bihis lang muna ako Tina, pasabi pababa na kami." Sagot naman ni Lei dito. Tumango lang ito at umalis na rin kaagad.

   Kumuha naman ng damit si Lei at pumasok na ng banyo.

   "Nice one Kyrie, ibang klase ka talaga!" Sinuntok pa ni Al sa braso si Kyrie.

   "Hon, wag mo ngang sinusuntok si kuya. Alam mong may sakit yan eh." Pagalit naman ni Sam dito.

   "Biro lang naman yun hon." Paliwanag nya sa nobya nya.

   "Masaya kami para sa inyo Ky." Seryoso nang sabi ni Al kay Kyrie.

   "Salamat bruh, kahit ako hindi ko akalaing magkakaayos pa kami ulit ni Eros." Sagot nito sa kanya.

   "Sabi ko naman sayo diba, suyuin mo lang si Lei hindi ka matitiis nun kasi mahal ka nun eh." Tinapik pa ni Al sa balikat si Kyrie.

   "Yan kuya, learn your lessons na." Irap na sabi ni Sam.

   "Yes ma'am." Natatawang sagot ni Kyrie. Napatingin naman silang lahat kay Lei nang lumabas ito ng banyo.

   "What?" Takang tanong naman ni Lei dahil nakatingin sa kanya yung tatlo.

   "Wala, ang ganda mo besh." Sabi ni Sam.

   "Asus, matagal na." Sagot ni Lei sabay tawa.

   "Ay naku, nagkakalokohan na dito. Kumain na tayo." Kontra sa kanya ni Al kaya sinamaan nya iyon ng tingin.

   Inakbayan naman ni Kyrie si Lei pababa hanggang sa makarating sila ng dinning area. Nandun na ang parents ni Lei pati sila Manang Belen at Tina. Kasabay rin nilang kumakain ang kanilang kasambahay.

   "Hay, sa wakas." Nakairap na sabi ng kanyang ina. "Sya, magsiupo na kayo at kumain na." Sabi pa nito sa kanila. Kanya-kanya naman silang upo.

   "Wow, baby." Katyaw ni Al kay Kyrie ng makitang inaasikaso ito ni Lei.

   "Baby ko naman talaga to eh." Sagot ni Lei sabay yakap kay Kyrie.

   Napailing na lang si Leonardo sa anak. Kung titignan kasi ay akala mo ay walang nangyari sa pagitan ng anak nya at kay Kyrie. Parang normal lang ang lahat at bumalik kaagad sila sa dati. Pero mas maigi na iyon para sa kanya kesa makitang laging malungkot ang kanyang anak.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Where stories live. Discover now