Chapter 50

90 46 13
                                    

Third Person's POV

   Nagising si Lei sa mabangong amoy na nanggagaling kung saan.

   "Ang bango naman nun." Kinusot-kusot pa nya yung ilong nya at umupo sa kama. Napalingon sya sa gilid nya pero wala na pala syang katabi.

   Pakanta-kanta pa sya habang patungo ng banyo. Ginawa nya ang kanyang morning routine. Nang matapos ay agad nang lumabas ng kwarto. Nakita nya sa sala si Al kaya agad nya itong binati.

   "Mornin kuya." Magalang na bati nya.

   "Morning too." Ganting bati naman nito sa kanya and give her a kiss on a cheek. Umupo naman sya sa tabi nito.

   "Tulog pa si Sam?" Tanong nya nang mapansing wala pa ang kanyang kaibigan.

   "Tulog pa." Maikling sagot nito.

   "Wait lang kuya ah." Paalam nya at nagtungo sa kusina. Hindi nga sya nagkamali, galing sa kusina ang mabangong amoy. Agad nyang nilapitan ang kanyang asawa habang nagluluto ito.

   "Morning daddy." Bati nya at yumakap pa sa likod nito. Hinarap naman sya ni Kyrie and greeted her back syempre may quick kiss on the lips.

   "Anong niluluto mo?" Tanong nya habang hinihila ang isang upuan sa lamesa.

   "Almusal natin." Tinapunan lang sya nito ng tingin at ibinalik ang atensyon sa niluluto.

   "Gisingin mo na pala si Sam, patapos na ako dito." Utos ni Kyrie kaya nakasimangot na sumunod naman sa kanya si Lei. Bago pa sya makalagpas kay Kyrie ay hinigit naman nito ang braso ni Lei.

   "What's with the face?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Kyrie sa misis nya.

   "Wala, parang ang sungit mo kasi sakin ngayon eh." Maktol na sagot ni Lei sabay irap sa kanya.

   Natawa na lang si Kyrie sa inasal ng asawa. "Halika nga dito." Kinabig nya payakap sa kanya si Lei. Inangat nya naman yung baba nito and give her sweet little kisses.

   "Yan, okay na ba boss?" Nakangiting tanong ni Kyrie kay Lei.

   "Isa pa." Ngiting-ngiti na sabi ng makulit nyang asawa. Natatawa man ay pinagbigyan naman ito ni Kyrie.

   "Sige, tawagin ko na sila Sam." Masayang sabi ni Lei sabay takbo palayo kay Kyrie. Naiiling na lang si Kyrie na nagpatuloy sa ginagawa.











—————

   Ngiting-ngiti o mas tamang sabihing kilig na kilig si Lei habang patungo sa kwartong ginagamit ni Sam at Al. Kumunot ang noo nya nang makitang nakaawang yung pintuan nila.

   Hindi na sya nag-abala pang kumatok dahil nakabukas naman iyon. "Guys kaka— waaaahhhh!!!!" Sigaw nya nang makitang nagkikiss ang dalawa sabay lakad palayo sa kwarto. Narinig nya naman ang tawanan ng dalawa.

   "My ghad, my ghad! my ghad!!!" Tarantang kausap nya sa sarili.

  "What happen? I heard you scream!" Tarantang tanong ni Kyrie ng sumulpot ito pero parang wala sa sariling kinakausap pa rin ni Lei ang sarili nya.

   "I should knocked the door first." Salita nya pa rin habang nilalaro-laro ang mga daliri.

   "Hey! What happen?" This time ay napansin na ni Lei ang kanyang asawa. Tinignan nya ito sa mukha at hindi nya mapagpasyahan kung sasabihin ba sa asawa yung nakita o hindi.

   "Ano kasi... I know it's normal but,—" She paused when she heard footsteps.

   "She saw us kissing." Natatawang sabi ni Sam sa likuran ni Lei. Namula naman kaagad ang mukha ni Lei. Tinitignan sya ng maigi ni Kyrie ngayon habang may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Where stories live. Discover now