The Vampire King's Beloved

By imperial_gem

57.3K 4.5K 1.6K

Sirene Creed, the destined beloved of the vampire prince. The destined beloved who will bear the child of the... More

Introduction
Chapter 1: Sirene, Run!
Chapter 2: Valencia
Chapter 3: Troy Ashvill
Chapter 4: He's a Master?
Chapter 5: Blood Lust
Chapter 6: Valencia Empire
Chapter 7: Rain Ashvill
Chapter 8: Vampire Hunter
Chapter 9: Abducted
Chapter 10: Sirendepity
Chapter 11: Sirene's Dead?
Chapter 12: Burn Into Ashes
Chapter 14: Deceive
Chapter 15: Hidden Treasure
Chapter 16: War against Valencia
Chapter 17: Glimpse of the Past
Chapter 18: The Prophecy
Chapter 19: Unknown Identity
Chapter 20: Unfold the Past
Chapter 21: Troy's Revenge
Chapter 22: Escaping Alegria
Chapter 23: Captured
Chapter 24: Queen's Pendant
Chapter 25: A Vampire's Battle
Chapter 26: Fight, Sirene
Chapter 27:After Death
Chapter 28: A Vampire's Bite
Chapter 29: Awaken
Chapter 30: Changes
Chapter 31: Mating
Chapter 32: Vampire's Instinct
Chapter 33: Moments
Chapter 34: Secured
Chapter 35: Simulation Room
Chapter 36: Sirene's Training
Chapter 37: Under the Tree
Chapter 38: The Mating
Chapter 39: Sacrifice
Chapter 40: Final Chapter
Epilogue

Chapter 13: Special Weapon

1.1K 146 41
By imperial_gem

Chapter 13: Special Weapon

Sirene's Point of View

"Sirene..."

"Sirene..."

Iminulat ko ang aking mga mata at nakita si Troy sa harap ko na nakahalandusay sa sahig.

Anong nangyayari sa kanya?

"Troy!" tawag ko sakanya ngunit parang hindi niya ako naririnig.

Anong nangyari sakanya? Nandito ba siya para sagipin ako?

Nakita ko namang mabilis na lumapit sa kanya si Rain at ang iba pang mga kasamahan nila. Agad nilang kinuha si Troy dahilan upang mabahala ako.

"No, no! Rain teka lang!" tawag ko ngunit hindi nila ako pinapansin.

"Nandito ako!" sigaw ko.

"Troooy!"

Ngunit para lamang akong bulang hindi nila nakikita.

Napatingin naman ako sa katawan ko at nagtaka kung ba't hindi nila ako nakikita. Nandito lang naman ako. Buong buo.

Teka, ano bang nangyari? Akala ko mamamatay na ako.

"Tsk tsk tsk. Kawawang Troy."

Napatingin naman ako sa aking gilid ng makita si Kael na nasa gilid ko. Ang walanghiya!

"Anong ginawa niyo!" malakas na sigaw ko sakanya ngunit nginitian niya lang ako.

"Huwag kang mag-alala hindi ka namin papatayin. Gagamitin ka lang naman naming bilang armas. Laban sa mga taong mahal mo at nagmamahal sa'yo." wika niya na ikanakuyom ng mga kamay ko.

Lalapitan ko na sana ng biglang nag sink in sa akin si Troy. Aalis na sana ako ng bigla niya akong hinawakan sa leeg.

"Saan ka pupunta?"

Inirapan ko naman siya. "Ano ba! Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ko sakanya.

"Tama lang talaga ang ginawa namin. Ilang segundo lang ay makakalimutan mo na ang lahat. At magkakaroon ka na ng ibang pagkatao," huminto siya at binitawan ako.

"Hindi ka ba magpapasalamat sa akin dahil sa huling pagkakataon ay nasilayan mo pa ang ppagmumukha ni Troy? Bilang si Sirene?" wika nito na ikinabigla ko.

"Anong ginawa niyo!" sigaw ko at napadaing ng malakas ng maramdaman ang pagsakit ng ulo ko.

Na para bang kinukuha lahat ng mga nalalaman ko.

"Noooo, nooo, noooo!"

Napaluhod ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

"A-nong gi-na-wa niyo?" takot na tanong ko.

Hanggang sa naramdaman ko na lamang na bumagsak ang katawan ko sa sahig at unti unting nawawalan ng malay.



Nagising ako ng maramdaman ang pagkulo ng sikmura ko. Nagugutom na ako.

Bumangon ako at itinaas ang dalawang mga kamay ko. Napasulyap ako sa side table at napasinghap ng makita ang oras.

"8:00 am."

Kaya pala nagugutom na ako. Sabay hawak sa tiyan ko. Napahinto naman ako at inilibot ang tingin sa buong paligid.

Pinalilibutan ako ng mga palamuti. Magandang aroma at mga mamahaling gamit.

Tumayo agad ako at tiningnan ang sarili sa salamin.

"Wala pa ring nagbabago." I whisphered.

Mahaba pa rin ang mala kulay pula kong buhok. Kahit anong gupit ko naman talaga dito para umiksi eh ayaw parin namang gumana dahil hahaba at hahaba pa rin ito.

Inilapit ko naman ang mukha ko sa salamin at nakita ang pagbabago ng mga mata ko.

Sabi ni Dad ay magbabago daw talaga ang mga mata ko. Dating kulay pula ang mga mata ko at ngayon ay nagiging itim na ito.

Napatingin naman ako sa pinto ng marinig ang sunod-sunod na katok na para bang wala ng bukas.

"What!" I sigh.

Paniguradong si Kael na naman ito. Siya lang naman ang palaging bwesit sa buhay ko eh. Matanda siya ng apat na taon sa akin pero parang mas matanda pa akong umasta kaysa sa kanya.

"Irene! Halikana! Alam kong gutom na gutom na 'yang mga bulate sa tiyan mo!" sabay tawa ni Kael pagkatapos niyang makapasok sa kwarto ko.

Inirapan ko naman siya at mabilis na naglakad palabas.
Naglalakad na kami sa hallway ng maramdaman ko ang kakaibang tingin na ipinapataw ng mga servant sa akin.

Ano bang problema nila? Ba't parang ngayon lang yata nila ako nakita?

"What! Anong tinitingin-tingin niyo?" cold na wika ko sakanila kaya mabilis naman silang bumalik sa trabaho nila.

Mga tsismosa!

Sinulyapan ko naman si Kael na kanina pa ngumingiti ngiti sa akin. Ano bang problema ng taong 'to?

"Nababaliw ka na ba? Anong tinatawa tawa mo dyan?" wika ko sabay taas ng isa kong kilay kaya bigla naman niya akong inakbayan at ginulo gulo ang buhok ko.

"Wala! Masaya lang ako dahil nandito ka." wika niya na ikinatigil ko.

"Ano? Para naman tayong isang taong hindi nagkita ah? Kagabi pa nga tayo huling nagsama!" wika ko.

Napahinto naman siya sa sinabi ko at para bang may na realize sa sinabi ko.

"Ah oo nga. Oo nga!" wika niya sabay tawa habang inaakbayan pa rin ako.

Hindi ko na lamang siya pinansin at naglakad na lamang kami ng tahimik.

Nakarating kami sa dining hall at bumungad sa amin sina Dad, si Rash kapatid ni Kael at ang iba pang mga elites na kumakain. Hindi kami hinintay? Tsk!

"Dad!" tawag ko sakanya at napatingin naman silang lahat sa akin na para bang gulat na gulat.

"What! May problema ba?" takang tanong ko kaya agad naman silang nag si ayos.

Ewan ko ba sa kanila! Hindi ko sila maintindihan.

Umupo naman ako sa kaliwang side ng mesa malapit kay Dad at tumabi naman si Kael sa akin.

Nagkatinginan si Rash at Kael na para bang nag-uusap sila. Oh well!

Kumuha ako ng pagkain at agad na kumain. Ewan ko ba't parang gutom na gutom ako. Parang isang lingo akong 'di kumain ah.

Pagkatapos kong kumain eh biglang nagsalita si Dad sa gilid ko.

"Anak."

Tiningnan ko naman siya sabay inom ng malamig na tubig na nasa kamay ko.

"Yes, Dad?" tanong ko.

"Okay ka na ba? Wala ka bang nararamdamang kakaiba?" tanong niya na ikanakunot noo ko.

"Dad? Okay ka lang ba?" takang tanong ko sakanya.

Ba't ba ganyan sila?

Ba't ramdam ko na parang 'di sila komportable sa akin?

"Nagtatanong lang naman ako anak. Alam mo na. Diba dapat magpakalakas ka kasi malapit na tayong sasalakay sa Valencia." wika ni Dad na ikinabuntong hininga ko.

"Dad? I am fine! Okay? Don't worry! Matutuloy ang pagsalakay. Atsaka ba't ba kayo ganyan? Ako pa rin 'to! Si Irene! Ba't ba parang hindi niyo ako kilala? I am strong, remember?" wika ko na ikinangiti nila.

"That's what I'm talking about! Anak nga kita." wika ni Dad kaya tinawanan ko naman siya.

"Eh kanino pa ba ako magmamana diba?" tanong ko na ikinatawa ng lahat.

Si Dad ang pinuno ng buong Alegria. Ang mga tahanan ng mga malalakas na bampira.

Well, may dalawang grupo ng mga bampira. Ang iba ay nakatira sa Valencia ang lugar ng mga masasamang bampira at dito sa Alegria. Ang lugar ng mga mabubuting bampira.

Mayroon kaming kalayaan dito sa Alegria. Walang away. Walang patayan. Hindi kagaya ng Valencia. Puno ng poot at hinanakit.

Ako naman. I am trained to fight. To be strong. Simula bata pa lamang ako ay hinahanda na ako ni Dad para sa araw na sasakupin namin ang Valencia.

Marami na rin kaming mga narinig na maraming namamatay na bampira sa Valencia. Their rules and leadership is too much. Kaya kung masasalakay namin sila. Si Dad na ang maghahari sa lahat bampira at lahat ay maililigtas.

Hindi alam ng mga nasa Valencia na sasalakay kami. Ofcourse!

At lahat planado na namin. I smile!

Gusto ko na ring makita ang anak ng pinuno ng Valencia. Sabi ni Dad, may tatlong anak ang pinuno ng Valencia. Pero ang susunod daw na uupo sa trono ay si Troy Ashvill. Kaya siya raw dapat ang tuonan ko ng pansin.

Dapat ko siyang patayin. Kasi tuso ang lalaking 'yon. Pumapatay. Walang awa.

Napangisi naman ako.

Ni wala pang nakakatalo sa akin. Dahil ako lang naman si Irene Creed.

"Irene!"

Napabalik naman ako sa ulirat ng tawagin ako ni Kael.

"Okay ka lang?" tanong niya kaya mabilis naman akong tumango.

Oo, okay na okay ako! I smiled at him and grab his hand.

"Tara may ipapakita ako sa'yo!" wika ko at agad siyang hinila.

Hindi na rin kami tinanong ni Dad kung saan kami pupunta. Nasanay na 'yan sa amin eh.

"San ba tayo pupunta?" tanong ni Kael kaya tinawanan ko lang siya.

"Basta!" wika ko at mabilis na tumakbo habang hawak hawak ang kamay niya.

Continue Reading

You'll Also Like

65.1K 4.3K 12
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
854K 39.3K 32
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
1.5M 34.6K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...