Runaway #1 The Runaway Bride...

By theservantqueen

2.5M 90K 5.7K

Runaway Series 1 More

The Runaway Bride
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Wakas
Note!
The Runaway Bride Audio Book

Kabanata 21

45K 2K 111
By theservantqueen

TRUST

Matapos ang kainan ay nagkasiyahan ang mga tao. Nagrenta pa ang mga magulang ni Pempem ng isang karaoke. Meron ding nag-iinuman at naririnig ko ang kanilang masayang halakhakan. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga tao. Pati ang mga bata ay masayang kumakain at ang iba ay umiinom ng softdrinks. Ang sarap nilang kunan ng litrato.

“Hindi ko na maubos,” sambit ko kay Brent at kinalabit pa siya.

Nandito kami ngayon sa sala. Hawak-hawak ko ang pinggan ko na may kaunting lechon pa at kanin. Binalingan ako ni Brent at agad kinuha ang kaunting kanin at natirang lechon sa pinggan ko at inilagay niya sa plato niya. Nginitian ko siya at ininom na ang coke.

Maya-maya ay dumating si Pempem na may dalang mango float na malamig na.

“Kain ka nito, Louise!” aniya at inilapag sa lamesa ang mango float.

Inayos ko ang damit ko bago kumuha ng kaunti gamit ang kutsara at saka tinikman. Napapikit pa ako dahil sa lamig.

“Ano, masarap ba?” tanong ni Pempem.

Nilunok ko muna bago siya sinagot. Nilapag ko ang kutsara sa pinggan at saka siya tiningnan. “Masarap siya, matamis!”

 Masayang umupo sa tabi ko si Pempem at hinawakan ang kamay ko. “Sama ka sa amin, ah! Disco!”

Dahil sa malakas na pagkasabi niya ay narinig ito ng katabi ko. Kaya imbes na ako ang magsalita ay naunahan niya ako.

“Disco?” nagtatakang tanong ni Brent sabay tingin sa akin. Nakakunot ang kanyang noo habang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Pempem.  

Ngumiti naman si Pempem at binalingan ang nagtatakang si Brent.

“Brent, alam ko namang girlfriend mo itong si Louise! Pero masaya ang disco. Marami kang makakasayaw! Sasama ka naman, hindi ba?”

Naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin kanina na halos hindi na umalis sa isip ko. Gigiling daw ako kay Brent? Eh, wala nga akong talent sa pagsayaw eh, sa pagiling pa kaya?

“If she wants to go…” Huminto siya saglit sa pagsasalita at tiningnan ako. Napalunok ako at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. “Then alright, she can as long as I’m with her.”

Lumaki ang ngiti ni Pempem at niyakap pa ako. “Mag-boy hunting tayo, ah! Sus, maraming gwapo talaga kapag pyesta! Mga bitamina sa mata ni Pomela!”

Napangiti na lang ako. Gusto ko rin sumama sa kanya dahil curious ako. Gusto ko rin malaman kung ano ang feeling ng gano’n. Nakikita ko lang kasi ang disco sa mga TV. Gusto ko iyon maranasan.

Kaya nang nakauwi kami ni Brent ay hinawakan ko ang laylayan ng damit niya upang patigilin siya sa pagpasok. Kunot-noo niya akong nilingon.

“Why?”

Tumingala ako sa kanya. “Are you really coming with me?” tanong ko.

Nakita ko na may kaunting handa rin pala si Manang Eula at masaya silang kumakain kasama ang ibang pang kasambahay. Binitiwan ko ang damit niya at hinintay ang kanyang sagot.

“Yup.” Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa. “Go and change! I need to take a bath again.”

Tumango ako at agad umakyat patungo sa kwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang susuotin ko sa disco at kung magsusuot naman ako ng maiiksi ay hindi ako kumportable. Pero wala naman kasi akong masyadong jeans dito. Sapat lang na damit ang binili sa akin ni Brent. May binigay naman siya sa akin ngunit hindi ko naman sinusuot. Sa huli ay sinuot ko ang gray tube skirt and white off-shoulder spaghetti strap. Gusto kong sanayin ang sarili ko sa ganitong klaseng suot dahil gusto ko magbago. I want to be confident and be comfortable sa mga gusto kong suotin.

Pulbo lang ang nilagay ko sa mukha ko at nakalugay lang ang buhok ko.  Inayos ko rin ang bangs ko at nilagyan ang gilid ng buhok ko ng hairpin na bigay ni Brent sa akin. Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin at hindi ko akalain na babagay sa akin ang ganitong klaseng damit. Kadalasan kasing sinusuot ko ay mga simpleng damit, kung hindi naman T-shirt ay long-sleeves, saka lang naman ako mag-aayos kapag may lakad kami ni Greg or may okasyon.

Bumagay sa akin ang suot ko dahil long-legged naman ako kaya flat gray sandals lang ang sinuot ko sa paa ko.

“Wow, mas lalo kang gumanda nang mabihisan!” si Manang nang makita akong bumaba.

Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi niya. “T-talaga po?”

Tumango siya at nginitian ako. “Mag-ingat ka roon, ah! Alam mo naman ang disco, maraming malilikot na tao,” aniya. “Huwag ka ring lumayo kay Brent ah!”

Tumango ako. “Opo!”

Ilang minuto akong naghintay kay Brent bago ko siyang nakitang bumaba ng hagdan. Hindi ko maipagkaila sa simpleng pananamit ni Brent ngayon, masasabi ko na gwapong-gwapo niya pa rin. Nang nakita niya ako ay natigilan siya.

Suot niya ang isang dirty white T-shirt at black jeans. Sneaker ang kanyang sapatos at may sombrero sa kanyang ulo na siyang ipinagtataka ko.

“Are you comfortable wearing a spaghetti straps?” tanong niya at kumunot ang noo. Nakita ko pa na pinagmamasdan niya ang buong kasuotan ko.

“Uhm…” Napatingin ako sa aking sarili bago nag-angat ng tingin sa kanya. Nakasimangot na siya ngayon at naka-poker face na naman ang itsura niya. “A-Ayaw m-mo ba?”

“Why are you asking me?” Nagpatuloy siya sa pagbaba. “Hindi naman ako ang nagsusuot. Now, are you comfortable wearing that?”

Napalunok ako bago tumango. Nang makababa na siya ay lumapit siya sa akin. Bumuntonghininga siya at naglahad ng kamay sa akin.

“Let’s go,”aniya at ngumiti sa akin.

Napangiti ako at tinanggap ang kamay niya. Agad niyang pinagsalikop ang kamay namin na siyang ikinagulat ko. Narinig ko ang mahinang tili ni Manang Eula at ang kasama niyang kasambahay na ikinapula ko. Bigla tuloy akong nahiya at gustong bawiin ang kamay mula kay Brent pero mahigpit na ang hawak niya sa akin.  

***

Nang narating kami sa disco covered court ay may multa ito na fifty pesos. Hindi ko maiwasan ang mamangha sa taste of music nila at ang sound system nila ay malakas ang pagtugtog. Nagpalinga-linga ako nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob. Gabi na at marami ng mga tao.

“OMG! Ang seksi! Louise!”

Agad kong nakita si Pempem kasama si Beth at ang nakabusangot na si Carpa.

“Hello!” Kumaway ako.

 Hindi ko masyado narinig ang kanyang sinabi dahil sa lakas ng tugtog.

“Mabuti naman at pumunta kayo rito!” pasigaw na pagkasabi ni Pempem at kinuha ang braso ko. Nabitiwan naman ako ni Brent nang mahila ako ni Pempem.

“Halina’t magsaya! May table kami roon na reserved!” sigaw ulit ni Pempem sabay hila sa akin.

Halos mabangga namin ang ibang taong nagsasayawan dahil sa mabilisang paglakad ni Pempem.

“Sorry,” paumanhin ko agad.

Nilingon ko ang likuran ko at nakita ko na nakasunod lang sa akin si Brent. Diretso lang ang lakad niya at hindi nilingon ang mga babaeng gusto siyang makasayaw. Nang nakarating kami sa sinabi na table nila Pempem ay nakita ko ang kanyang mga lalaking kaibigan. Pormang-porma sila at handang-handa sa disco.

“Hello, Brent!” Natandaan ko ang lalaking ito, siya si Joshua.

Nang umupo kami ay nakangiti na siya sa amin.

“Hindi ko akalain na aapak si Brent dito,” hindi makapaniwalang sambit ni Joshua sabay baling kay Brent na ngayon ay nakabusangot na ang mukha ngunit ang tingin ay nasa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.

“We’re here to enjoy,” tipid na sagot ni Brent.

Tumikhim si Pempem para maiwala ang awkward atmosphere. “Oo nga! At gigiling kami ni Louise!”

Malaki ang ngiti ni Pempem at may pang-aasar pa sa kanyang mukha. Hindi ko mapigilan ang mamula sa sinabi niya. Mabuti at hindi masyadng kita ang mukha ko dahil na rin sa tanging disco light lang ang ilaw na sumasabay pa sa tugtog ng music.

“Hay naku, Pempem! Sino naman kaya ang mabibiktima mo ngayon?” si Beth sabay iling.

“Let’s dance! Let’s dance!” sigaw ng DJ sa mga tao na nasa dance floor na. “Welcome to the party! This is DJ Jade on the mix!”

Naghiyawan naman ang mga tao matapos sabihing ng DJ ang katagang iyon. Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa mga taong nagsasayawan sa gitna. Kita ko ang saya sa kanilang mga mukha. Pero alam ko naman na hindi lahat ng bagay dito ay maganda dahil napansin ko sa may gilid ang mga taong naghahalikan. Hindi ko maiwasan ang mapangiwi at nag-iwas na lang ng tingin.

Medyo nagulat ako nang biglang tumayo si Pempem at Brandon. Lumapit si Pempem sa akin at hinila ako patayo kaya nabitiwan ni Brent ang kamay ko.

“Sayaw tayo sa gitna!” aniya.

Aalma na sana ako ngunit nahila na niya ako patungo sa may mga tao. Kumunot ang noo ko at tumingin sa banda ni Brent na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at nakaramdam ng kaunting hiya.

Nagsimulang sumayaw at kumembot si Pempem sa harap ko, silang dalawa ni Brandon. Hindi ko mapigilan ang mapangiwi dahil sa malaswa nilang pagsasayaw. Napaatras ako dahil do’n at sa pag-atras ko ay nakabangga ako ng lalaking may kasayaw.

“S-sorry!”

Akmang lalayo na ako nang bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko.

“Hey, beautiful!”

Nanindig ang balahibo ko dahil sa kanyang ngisi. Kinakabahan ako at agad nagpalinga-linga. Baka sakaling makita ko pa si Pempem at Brandon.

“Bago ka rito?” tanong niya at pinasadahan ako ng tingin.

Sa likod niya naman ay ang kanyang mga katropa na tila inaasar na yata siya.

“Dayo iyan bro!”

“Kinis ah!”

Nanindig ang balahibo ko dahil sa narinig at natakot dahil sa higpit ng kanyang hawak. Nakangisi na siya sa akin at naamoy ko ang alak sa kanyang hininga.

“Pwede m-mo ba akong bitiwan?” mahinahon kong pakiusap.

Ngumisi na may pagnanasa ang lalaki sa akin bago ako binitiwan. Akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag pero hindi pa pala. Kasi hinawakan niya ako ulit  at pilit na hinila patungo sa may maraming tao. Titili na sana ako nang bigla na lamang natumba ang lalaki sa sahig. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako nakagalaw agad. Naramdaman ko lang ang isang bisig na pumulupot sa bewang ko at inilayo sa mga lalaki. Kilala ko na kung sino ito.

“B-Brent!” Napasinghap ako at agad siyang nilingon.

Madilim na ang tingin niya at kitang-kita ko ang pag-igting ng kanyang panga.

“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya nang binalingan ako. Saglit kaming nagkatinginan.

Tumango ako pero takot pa rin lalo na nang tumayo ang lalaki na may pasa na sa gilid ng labi. Kumunot ang noo ni Brent at tiningnan muli ang lalaking nakatayo na.

“Hayop! Sino ka?” sigaw ng lalaki at akmang susugod kay Brent nang pinigilan siya ng kasamahan niya.

“Pre, huwag! Baka syota niya ’yan, mahiya ka. Hanap na lang tayo nang iba,” narinig kong wika ng isang lalaki.

“Gago, ang sakit! Alis na nga tayo!” galit na asik ng lalaki at sumulyap pa sa akin saglit bago kami tinalikuran.

Nakahinga ako nang maluwag at hinarap si Brent na ngayon ay seryoso nang nakatingin sa akin. Salubong ang kilay niya at kita ko kung gaano siya kainis.

“S-Sorry, hindi y-yata magandang ideya ang pagsama kay Pempem dito. Hindi ko na siya maaninag, eh,” malungkot kong ani.

Bumuntonghininga siya at marahang hinapit ang bewang ko palapit sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na’t pinalitan ng isang slow but sweet love song ang music.

“Let’s dance until midnight,” bulong niya sa tainga ko.  

Siya na mismo ang naglagay sa nanginginig kong kamay sa kanyang balikat. Ang kanyang mapupungay na mata ay nakatingin lang sa akin.  

“Louise…”

Sumabay ang mga katawan namin sa kanta. Hindi ito usual sa isang disco pero hindi ko mapigilan ang kiligin. Para lang kaming nasa prom.

“Hmm...” Ngumiti ako sa kanya habang nakatitig kami sa isa’t isa.

“Do you trust me?” tanong niya.

Kumunot ang noo ko dahil sa bigla niyang pagtanong. Hindi naman ako narito sa harap niya kung hindi ko siya pinagkatiwalaan. I gave my trust to him.

“Oo naman, Brent.” Humigpit ang kapit ko sa damit niya. “Hindi naman ako magtatagal sa puder mo kung hindi. Alam ko na ginagawa mo ang lahat para hindi nila ako mahanap. I trust you, Brent.”

Hindi siya nagsalita at may sinulyapan sa likuran ko. Kumalabog nang mabilis ang tibok ng puso ko nang mas inilapit pa niya ang kanyang katawan sa akin. Naramdaman ko na naman ang kanyang hininga sa aking tainga.  

“They’re here,” malamig niyang bulong at mas lalong hinapit ang bewang ko.  

Patuloy pa rin kami sa pagsasayaw habang ako ay litong-lito na. Umusbong na rin ang kaba ko sa aking dibdib.

“W-Who?”  nag-aanlinlangan ko na tanong at napasinghap.

“Greg’s people, Badian is their target place right now.”

Halatang-halata na ang takot sa aking mukha at napaatras pa ako ngunit mas hinapit niya pa ako sa kanya. Sumikip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan at kung anu-ano na lamang ang pumasok sa isip ko.

“Hey, calm down.”

Nanubig ang mata ko sa sobrang kaba at nagpalinga-linga pa. Hinawakan ni Brent ang mukha ko at marahan akong tiningnan.

“Just trust me, alright? Tiwala mo lang ang kailangan ko, Louise. Hindi kita hahayaan na maikasal sa kanya. Hindi. I will fight for you until the end. Hindi kita ibabalik sa kanya. Naiintindihan mo ba ako?” tanong niya sabay palis sa luha ko na tumulo na.

Sa sobrang likot ng aking mata ay nahagip ng tingin ko ang isa sa mga tauhan ni Greg na siyang kilalang-kilala ko.

“J-Jacob…” nanginginig na sambit ko.

“Just trust me, Louise!” Hinarap ako ni Brent at hindi pa man ako tuluyang nakatingin sa kanya ay inilapit na niya ang mukha ko patungo sa kanya at siniil ng halik ang labi ko.

Napasinghap ako sa gulat at halos hindi makagalaw sa kanyang ginawa. Nang mas naging malalim ang halik niya ay napapikit na lamang ako at humigpit ang kapit ko sa damit niya. Naramdaman ko ang paglagay niya ng sombrero sa ulo ko bago siya kumalas sa halik.

Nang nagmulat ako ay seryoso na siyang nakatingin sa akin.

Umawang ang labi ko at natulala saglit sa kanya. Ngumiti siya sa akin at inayos ang sombrero ko.  Nang napagtanto ko kung ano ang nangyari, unti-unting uminit ang pisngi ko. Sa sobrang hiya ay tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking palad.

Mahina siya natawa at inalis ang palad ko sa mukha ko. “Bakit mo tinatakpan ang mukha mo? Ayaw mo ba sa halik ko?”

Nang natanggal niya ang mga palad ko sa mukha ko ay hinawakan niya ang baba ko at pinaharap sa kanya.

“Ayaw mo?” nanghahamon niya na tanong.

Hindi ako sumagot kaya natawa siya muli. Inayos niya ang buhok ko bago niya iginapang ang kanyang kamay sa kamay ko at pinagsalikop ito. Naibaba ko ang tingin ko sa kamay naming dalawa.

“Let’s go home, baby,”  bulong niya sa tainga ko bago niya ako iginiya palabas ng covered court.

Continue Reading

You'll Also Like

352K 18.5K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
47.6K 2.1K 48
Sofina Genevieve Kwon is a half Korean, half Filipina. Matapos ang break up nila ng kanyang long-time boyfriend na si Lucas Theo Johnson na isang Phi...
3.9K 157 5
Raven Thaddeus is the older son of the Samaniego. Gwapo, babaero, at ayaw sa commitment. Lahat ng gusto niya ay nasusunod at nakukuha. Hanggang sa na...
4.5K 215 13
(COMPLETED) Kapag natapos na ang lahat ng sakit. Kapag buo na ako ulit. Baka magkaroon na ako ng lakas ng loob. Baka sakaling sa dulo ng lahat ng ito...