BHO CAMP #3: Clash Of The Pri...

De MsButterfly

4.6M 95.4K 6K

I'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Tr... Mai multe

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1
CHAPTER 1 ~ Folder ~
CHAPTER 2 ~ Monster and Master ~
CHAPTER 3 ~ Fun ~
CHAPTER 4 ~ The Island of Oooh and Aaah ~
CHAPTER 5 ~ A Leader ~
CHAPTER 6 ~ Dinner ~
CHAPTER 7 ~ Falling Hard ~
CHAPTER 9 ~ Forgotten Past ~
CHAPTER 10 ~ Try ~
CHAPTER 11 ~ Finaliento ~
CHAPTER 12 ~ Trust ~
CHAPTER 13 ~ Love ~
CHAPTER 14 ~ This Time ~
CHAPTER 15 ~ His ~
CHAPTER 16 ~ Roar ~
CHAPTER 17 ~ TLT ~
CHAPTER 18 ~ Ready ~
CHAPTER 19 ~ Air Hockey ~
CHAPTER 20 ~ Dawn ~
CHAPTER 21 ~ Home ~
CHAPTER 22 ~ Crazy ~
CHAPTER 23 ~ Perfect ~
CHAPTER 24 ~ Attack ~
CHAPTER 25 ~ Uncomfortable ~
CHAPTER 26 ~ Mine ~
CHAPTER 27 ~ I-Madonna ~
CHAPTER 28 ~ Clash Of The Private A1 ~
CHAPTER 29 ~ Work Hard ~
EPILOGUE
Up Next
Special Chapter

CHAPTER 8 ~ Real ~

130K 3K 289
De MsButterfly

CHAPTER 8

DAWN'S POV

Warm, soft, tender...sweet. Napatigil ako sa paglalakad at mariing napapikit. Goodness, I shouldn't be thinking of such thing in broad daylight. And especially not here.

Kasalanan ng Triton na iyon ito eh. Kung hindi niya ako inaya na mag skating at kung hindi niya ako hinarot harot doon hindi sana mangyayari ang malagim na pangyayaring iyon. Kung hindi lang talaga ako nahiya sa mga tao sa paligid ay ipinalo ko na sa kaniya ang skate shoes na basta ko na lang hinubad no'n para layasan siya. That Lawrence! Wala na talaga siyang dinala sa buhay ko kundi sakit ng ulo.

We freaking kissed! Kiss! As in my wonderful lips touched his sinful lips. Malay ko ba kung saan niya pinagdidikit ang makasalanan niyang labi. If I know kung kani-kaninong babae na nanggaling iyon. Hell! That just means that I kissed a lot of women...indirectly.

"Argh!"

Napatigil ako sa pagsisimyento at napatingin sa paligid. I mentally slapped the back of my head for forgetting. Nasa Winterwood University nga pala ako. Ang unibersidad kung saan ako nagtuturo. It's a prestigious university that is not only known for being highly accredited but also because of the students enrolled that came from well known families.

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko at pilit na inignora ko ang mga matang nakasunod sa akin.

"Ang taray talaga ni Ma'am Davids no?"

"Shh! Baka marinig ka."

Hindi ko na pinansin ang mga narinig ko. Sanay na ako sa mga ganiyang bulungan. Hindi ko naman binibigyang pansin dahil alam ko namang totoo. So why bother with them right? Hindi ko na responsibilidad na ipaliwanag sa tao kung ano ako. Hindi ko rin kailangan na mag aksaya ng oras na kumbinsihin sila sa kung sino ako.

People will always believe what they want to believe. Mas mabuti ng magpakatotoo ako sa sarili ko dahil iyon naman ang mahalaga. Ang kilala ko kung sino ako.

Lumiko ako sa isang pasilyo. May klase ako ngayon na World Literature. Suppose to be Chemistry at Physics lang ang hawak ko. Pero dahil biglang nawala ang isang propesora ng unibersidad dahil nagtatago sa mga kinauutangan niyang kasamahan sa trabaho at pati na sa mga estudyante ay nawalan tuloy kami ng literature professor.

Dahil wala namang problema sa credentials ko at may background naman ako sa literatura na kinuha ko pagkatapos ko nang kolehiyo noon dahil bukod sa hindi rin ako sanay na biglang lumuwag ang schedule ko ay kinailangan ko iyon pa sa misyon ko noon ng mga panahon na iyon. But now it's different since I'm since I have more responsibilities in BHO CAMP. Suffice to say, I gladly gave it up since conflict sa schedule ko ang Physics class ko.

"Sweetheart!"

Muli na naman akong napatigil. No. It's impossible. Imposible na nandito ang monster na iyon. Imposible na boses niya ang narinig ko. No, no, no!

"Master Sweetheart!"

Naikuyom ko ang mga kamay ko. Umikot ako kasabay ng pag-igkas ng kamao ko. Pero mukhang mabilis ang reflex action niya at nasalo agad ang kamao ko kasabay ng paghila niya sa akin palapit sa kaniya.

"Let go!" I hissed at him.

Ngumisi si Triton at bahagyang dumukwang para bumulong sa tenga ko. "Wag kang masyadong maingay Professor Davids, mamaya niyan bukod sa mataray mabansagan ka pang war freak."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Kung nandito ka lang para manggulo umalis ka na lang."

Pinakawalan na niya ako ngunit nanatiling nakahawak siya sa pulsuhan ko. Sinubukan kong makakawala na ng tuluyan pero hindi niya ako binitawan. "Gurabe ka naman sweetheart. Kararating ko lang pinapaalis mo na ako kaagad."

"Incase hidi mo napapansin, nasa university tayo Lawrence. Hindi pasyalan ang lugar na ito kaya umalis ka na." Akmang tatalikod na ako ng may maalala ako. "At wag na wag kang makikipaglandian sa mga estudyante dito kung hindi ay ililibing kita ng buhay. Naiintidihan mo?"

"Yes, Ma'am!"

Parang boy scout na nakasaludo lang siya habang nakatingin ako sa kaniya. Tumango-tango ako at pagkatapos ay nilagpasan ko na siya. Mahuhuli pa ako sa klase ko. Ayoko pa naman sa lahat ay ang mahuli sa klase. Kilala ko ang mga studyante ko. Sa oras na tumapat ang mga kamay ng orasan sa oras ng simula ng klase ko ay paniguradong binibilang na nila ang oras para ma-late ako na labinlimang minuto kung saan hudyat na pwede na silang umalis ng klase dahil hindi na papasok ang propesor.

"Ay sweetheart!"

Nakaasik na nilingon ko si Triton na tumatakbo na naman palapit sa akin. "Ano ba?!"

"Ang sungit mo naman!"

Nagpaligon-lingon ako. May ilang mga estudyate at mga professor na napatigil at ngayon ay pinapanood kami. Nang tignan ko sila ay nagsiiwas sila ng tingin at nagkaniya-kaniya ng hanap ng pagkakaabalahan.

"Sinabi ng nasa university tayo!"

"Eh ano naman? Wala namang masama na makita tayong magkasama. Nakakatampo ka na sweetheart ah!" animo lungkot na lungkot na sabi ni Triton.

Nanggigigil na pinag-igting ko ang mga ngipin ko. Calm down Dawniella. You can't kill him now. That's a bad example to show the children, okay? Calm down. "Bigyan mo ako ng limang dahilan na ikinaganda na makita tayong magkasama."

"Maganda ka." ngiting-ngiti na sabi ni Triton.

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Alam ko na iyan."

"Gwapo ako."

"Hindi ko alam 'yan."

Ngumuso si Triton pero nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Gumaganda ka lalo kapag ngumingiti ka."

"Kailan pa ako ngumiti sayo?"

"Secret." kumindat siya. "And we're both amazing."

Pinalampas ko na lang ang sinabi niya at namewang ako habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Tumingala siya na waring iniisip ang panlima niyang dahilan. Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi na talaga titino ang taong ito.

Tinalikuran ko na siya. Baka pareho kaming abutin ng pasko bago pa niya maisip ang panglima.

"Dawn, mahal kita."

Napabaling ako sa kaniya kasunod ng pagtitilian ng mga tao sa paligid namin. Pati na si Professor Luissa Marquez na nawala ang laging seryosong mukha at ngayon ay kulang na lang ay pasabugin ang lugar sa tindi ng sigaw niya. Ang mga estudyanteng babae naman sa paligid ay kaniya kaniya na ng komento.

"OMG! That's the actor Trei right?!"

"Grabe kilig kilig na ito!"

"Ang gwapo ni Trei! Mas bagay kami!"

"Ambisyosa! Mas bagay sila ni Ma'am dahil maganda si Ma'am! Eh ikaw? Feeling lang!"

"Ang yabang mo naman! Basta hindi sila bagay! Si Trei ko masayahin, eh si Ma'am mataray! Kaya mas bagay kaming mga masasayahin!"

"Bagay ka diyan. Sila ang bagay tignan mo nga oh, hindi lang bagay na bagay. Taong tao, hayop na hayop, pagkain na pagkain, pangyayari na pagyayari, bahagi ng tao na bahagi ng tao. Pinoy Henyo na Pinoy Henyo! Kaya wag ka ng kumontra!"

"Quiet! Back to your rooms!" sigaw ko sa mga ito.

Nagsipulasan ang mga estudyante na naghahagikhikan habang ang mga professor ay nangingiting umalis na rin. Parang wala silang pakielam na maging sila ay parang inutusan ko na rin na bumalik sa mga classroom nila.

Matalim ang tingin na binalingan ko si Triton. "What the hell Triton?!

"Mahal kita...kaya pwedeng pahingi ng load?"

Napapikit ako ng mariin. Sinasabi na nga ba. As if namang totoo ang sinasabi niya di ba? And it's not like I'm expecting it to be real. That's right. I don't effin care. "Ano ba talagang kailangan mo Triton?"

Ngumisi si Triton. "May lakad tayo bukas ng maaga. File a leave."

Alam ko na agad ang tinutukoy niya. Kahit nakangiti siya nakikita ko ang tensyon sa kaniya. We have another mission. "Claw?"

"Yes."

"Okay." tumango-tango ako. "Pero sana sa susunod 'wag ka ng pumunta dito. Pwede mo namang i-text sakin."

"Wala nga akong load."

"Yeah right. We don't need load, Triton." Basta ipadadala ang mensahe bilang emergency message ay makakarating iyon sa amin. The control room will handle any charges.

"Sabi ko nga. Ikaw naman kasi ayaw mo pang magdownload ng Facebook para madali kang makontak. Kung sa email mo naman siguradong matatabunan lang ang message ko sa dami ng laman ng email box mo." napapakamot sa ulo na sabi niya. "Anyway, kaya lang din ako pumunta dito imbis na mag text ay dahil nagkataong malapit dito ang lugar kung saan kami nagkita ng ka-date ko."

"Okay."

"And can you believe it? She's on my candidate list!"

"Ahh."

Ngumuso siya muli. "Magpanggap ka naman na interesado ka sa sinasabi ko."

"I'm late for my class."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at umalis na ako. And this time, kahit na ano pang sasabihin niya ay hindi na ako hihinto para balikan siya. I'm tired of waiting for him to say something real. Don't go back there, Dawniella.

"Hey, Dawn?"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "Ano?"

"I really do love you."

Pinaikot ko ang mga mata ko at itinaas ko ang kanan ko na kamay upang bigyan siya ng baliktad na kaway. "Yeah right. I love you too. Whatever."

Hindi naman siya marunong magseryoso kaya iyon din ang ibabalik ko sa kaniya. Maybe by joking back at him, it will make him stop pestering me.



TRITON'S POV

"Yeah right. I love you too. Whatever."

Nanatiling nakatanaw lang ako sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Right. This is what I need to do. To just keep looking at her. Dahil ano pa ba ang pwede ko na gawin? Kung sana pwede kong sabihin na 'Dawn, mahal kita. Walang halong biro...basta mahal kita.'

But I can't. I shouldn't.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot iyon habang naglalakad ako palabas ng University. "Yeah?"

"Kahit kailan ang ganda mo talagang bumati pare."

"At kahit kailan para ka pa ring babae sa kadaldalan, Archer. Ano bang meron at napatawag ka?" tanong ko ng makilala ko agad ang nagsalita.

"Babae. Pumunta ka daw dito sa Pazo Bar sabi ni Fiere. Pero kung ayaw mo eh di mas mabuti. Samin na lang daw silang lahat."

"Alas singko pa lang ah. Maaga pa." sabi ko nang matapos kong tignan ang relos ko.

Nakakapagtakang si Archer ang tumawag sa akin ngayon. Bihira naman kasi mag-aya ang taong 'yon. Kadalasan si Thunder.

Nag-iba ang boses sa kabilang-linya. Speaking of the devil. "Walang maaga sa mga pogi, dude."

"Oo na, oo na."

Pinutol ko na ang tawag at sumakay na ako sa sasakyan ko. Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa tinutukoy nila na bar. Kahit bahagya pang maliwanag sa labas ay hindi iyon alintana ng bar dahil animo gabi na sa loob. Hindi ko na rin kinakailangang hanapin sila Thunder dahil agad ko silang nakita. Sino bang hindi? Napapalibutan sila ng mga babae. Kasama pa si Erebus, Fiere, Aiere, Nyx, Ocean, Blaze at Stone.

Binatukan ko si Ocean na kulang na lang dambahin ang isang babae na humahagikhik lang. "Anong ginagawa mo dito?"

"Ano ba, dude. Wag mo ngang ipahiya ang abs ko sa mga babes na ito." reklamo ng isa sa pinakabatang lalaking agent na si Ocean.

"Ewan ko sa'yo. Isumbong kita sa nanay mo eh. Ang tamad-tamad mong mag-aral pero ang sipag mo na mambabae."

"Ganiyan talaga ang talented. Ikaw din naman ah!"

Sinamaan ko ng tingin sila Thunder na mahinang tumawa. Naiiling na umupo ako sa isang bakanteng upuan. Napabuntong hininga ako ng biglang may kumandong sa akin na babae. "I'm sorry, Miss. I'm just here to drink."

Animo wala lang na umalis sa kandungan ko ang babae at lumipat sa naghihitay na bisig ni Thunder na mayroon ng babae na nakaupo sa kandungan. Pinaghiwalay ni Thunder ang mga hita niya para maiupo sa kabila ang isa pang babae.

"Ang KJ mo pareng Triton." sabi niya

"Oo nga, dude. Di ba ikaw nga ang numero unong babaero sa BHO CAMP?" tanong ni Ocean.

"Tantanan mo ako bata at baka gawin kitang sahog sa specialty ni Tito Yale. Ikuha mo na lang ako ng maiinom. Dry vodka."

Binelatan ako ni Ocean pero sumunod naman. Sinenyasan ko si Fiere at agad naman siyang tumayo habang hila si Aiere at sumunod sa binata.

"Nyx sumama ka na." sabi ni Erebus na prenteng nakahilata lang sa isa sa mga sofa.

"Hindi pwede. Kailangan kitang bantayan dahil baka ma-rape ka. Mapapagalitan ako ni Tito Hade at Tita Quin kapag bigla kang nagkaroon ng anak. Omg! Paano kung marami silang rumape sayo? Eh di marami ka ng panganay- oy san mo ko dadalin?!"

"Sa kusina ng bar. Puputulin ko ang dila mo." tinatamad na sagot ni Erebus at hinila paalis si Nyx.

Nang makaalis sila ay binalingan ako ni Thunder na mukhang alam na naman kung anong susunod na mangyayari. Hindi naman ito ang unang beses. Alam nila ang mga ginagawa kong pagpapanggap. "Ano na namang problema mo? Kailangan mo na naman ng panty?"

"I can't believe you will do that kind of thing bro. Just for a woman." Archer said with a shake of his head.

"Watch your mouth Archer."

Umangat ang sulok ng labi ni Archer pero hindi na muling nagsalita. Binalingan ko si Thunder. "Stop talking about my situation."

"Why? It's a funny story."

"Thunder." sabi ko na may babala sa boses.

"Nakakatawa naman talaga ah. You're head over heels with Dawn. You're in love with her but you're not doing anything about it."

"Shut up. You know why I can't tell her."

"Para kang tanga pare." naiiling na sabi ni Thunder.

"Hindi parang." bulong ni Stone...o ni Blaze.

"Tanga talaga." segunda naman ng kapatid niya.

Binigyan ko ng matalim na tingin ang magkapatid. "Wag nga kayong makialam na dalawa. Makipag-usap na lang kayo sa mga imaginary friends niyo o kaya makipagtitigan kayo sa alikabok sa ceiling."

"Ang daldal mo." sabi ng isa sa kanila.

"Ewan ko sa inyo. Maghanap na lang kayo ng magiging girlfriend ninyo para may pagkaabalahan kayo bukod sa pakielaman ako."

"Sinong may sabing wala akong girlfriend?"

"Sino ka?" balik-tanong ko habang nakakunot ang noo.

The guy chuckled. If you think it's impossible for a person to chuckle without really smiling, then you're wrong. This same face siblings can do it. "Blaze."

"Sigurado kang si Blaze ka?" pagsisigurado ko. Kilala na kasi sila sa panloloko sa mga tao sa paligid nila para hindi sila magawang i-differentiate.

"Gusto mong makita ang birth certificate ko?"

"Whatever. So may girlfriend ka?"

"Bakit interesado ka sa akin?"

"Jeez!"

Tuluyan na siyang napangiti. Pero mapang-asar na ngiti naman. "Oo may girlfriend na ako."

"Play girlfriend? Or real girlfriend?"

"Real. Enyo."

Napatili ang dalawang babae sa kandungan ni Thunder ng muntik na niyang maihulog ang mga iyon habang ako naman ay laglag ang pangang nakatingin kay Blaze. Si Stone na katabi niya ay tahimik lang.

"What the!" Thunder said with a shocked face.

"For real?" tanong ko naman. Ang tinutukoy niya na Enyo ay ang isa sa kambal na anak ni Tita Paige. Mga pinsan ko.

"For real."

Dumako ang tingin ko sa kapatid ni Blaze na si Stone. Kumurap pa ako para masigurong magkaiba sila. Magkamukhang-magkamukha talaga sila. Kung hindi lang babae si Sky at si Storm baka lalo kaming nahilo sa quadruplets. "At ikaw. Girlfriend mo naman si Eris?"

"Do I need to date her because she has the same face of the woman that my brother is dating?"

"No."

"That's my answer."

Napasandal ako sa couch at napapikit. Damn. Ako na lang ba ang hindi pa umuusad ang buhay? Maybe I'm really stuck here.

"I know what you're thinking pare. But you are not stuck."

Iminulat ko ang mga mata ko at nilingon si Thunder na siyang nagsalita. "Bakit hindi?"

"You have two choices. Tell Dawn that you love her. The second one is move on and find another girl."

Akala ba nila hindi ko sinubukan? Kung alam lang nila. Hindi kasi nila maiintindihan ang sitwasyon ko dahil hindi naman nila alam ang totoong mga nangyari.

Pinipigilan ko ang sarili ko na lapitan siya pero kada makikita ko siya ay hindi ko maiwasang hindi lumapit sa kaniya na para bang hinihila niya ako. I know I should leave her alone. I shouldn't confuse her more. Pero hindi ko magawa. Dahil kahit anong pilit kong ibaling sa ibang babae ang atensyon ko ay siya pa rin ang umuukilkil sa utak ko. Kaya nga hindi ko matanggap na katulong niya pa ako sa paghahanap ng taong mapapangasawa niya. Heaven knows how it guts me each time we talk about it.

Maisip ko pa lang na may makakasama na siyang iba, na may lalaki na sa buhay niya na babalingan niya para sa lahat ng bagay ay parang hindi ko masikmura.

"Like that's an option." I said in a whisper.

"Then you have option number one."

Napabuntong hininga ako. "Hindi pwede. Alam niyong ayaw sa akin ni Tito Warren. Naiintindihan ko siya. I'm not good enough for his daughter."

"Isang beses ko lang sasabihin sa iyo ito pare dahil allergy ako sa tinatakbo ng pag-uusap natin."

"Ano?"

"It's not easy for a man to let a woman hold his heart. That makes a man that can fall in love, good enough...because he's brave enough to face his weakest point."

Continuă lectura

O să-ți placă și

51.7K 1.9K 57
This is just a dream! Hindi makapaniwala at kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ni Kelsey na sa isang iglap ay makakalimutan siya ni Rie. At ang na...
4.8M 110K 40
Agatha Joan Montgomery is what you can call 'The Extraordinary'. She is not the typical rich girl with branded bags and clothes. She is the girl with...
132K 3.3K 90
How will Zyra find the freedom she is looking for? how can she complete her personality? How can she cope with all his difficulties? What if one day...
14.2M 434K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...