Concealed Truth

By fryjbll

32.6K 637 59

What if after 7 years of traveling around the world Ivan decided to come home and suddenly don't know his be... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
17
18
19
20
21
22
23
24
25
Epilogue
FIN

16

896 16 1
By fryjbll

We arrived at Liam’s school around 8:20. naabutan namin sina Den na nakapila sa may registration booth kaya agad namin silang nilapitan.

“ Kanina pa kayo?” bungad ko sabay akbay kay Alex.

“ Uy dude. Kayo na pala yan.” aniya.

“ Hindi. Halos kakarating lang din. Sina Rex at Therese kanina pa. Andun na sa pwesto natin.”

“ Akalain mong early bird si Emmanuel ngayon. Hahahahaha.” ani Tri

“ Eh andyan si Threy eh. Asa ka namang malate yan pag kasama niya si Threy.” sabi naman ni Den

“ Sabagay.” sabay-sabay na sabi naming tatlong lalaki.

“ Daddy ninong can I go play with Vince?” paalam ni Liam sa akin.

“ Okay. Pero wag magpapagod ha? Baka di na kayo makasali sa mga games later.”

“ Okay!” aniya sabay takbo sa direction ni Vince at mommy niya.

“ Mabuti pa tulungan ko sina Therese dun.” alok ni Tita Dons.

“ Ah sige po tita. Para di ka na din maghintay dito.” sabi ko. Naglakad na siya papunta sa pwesto kung nasaan sila Therese at kami naman ay pumila na sa registration booth.

After magregister ay inabutan kami ng nametags at pagkatapos ay dumiretcho na kami sa pwesto ng section nila Liam.

“ Akala ko ba kasunod niyo yung nanay ni Liam?” pabulong na tanong ni Therese

“ Oo nga. Ewan ko baka nahirapan magpark.” kibit-balikat ni Tri.

Naupo na kami sa pwesto namin and waited for the program to start. Nagkukwentuhan kami nina Tri tungkol sa plano naming weekend session nang may tumawag sa akin.

“ Ivan!” paglingon ko ay si Jho na halatang hapong-hapo. May dala siyang isang box na puno ng laman kaya agad ko siyang nilapitan at kinuha ang box na yun sa kanya.

“ Uy, ako na.”

“ Nako wag na no, kaya ko to.” sagot niya

“ Ano ka ba. Ako na. Magaan lang naman to. Saka mukhang pagod na pagod ka na.” sabi ko. Natwa siya saka pinunasan ang pawis niya sa noo.

“ Where should I bring this?” tanong ko.

“ Sa faculty yan. Yan kasi yung extra decors na natira.”

“ Okay. Tara?” tumango siya saka na kami naglakad papasok sa building nila.

“ Uy, sorry talaga dun sa kagabi ha? Si papa kase umiral na naman pagiging laking sundalo niya.” aniya

“ Hahaha. Wala yun no. Gaya nga ng sabi ko kagabi I understand him naman. Diba sabi nga ng mga kapatid mo last night, ako ang unang pinakilala mo sa kanila. So I know where your dad’s coming from. Tapos panganay ka pa kaya strict talaga sayo yun.” sabi ko.

“ Nakakahiya talaga.” aniya sabay hilamos pa sa mukha niya. Natawa na lang ako saka ko siya siniko. She looked at me and I couldn’t help but smile.

“ Willing akong paamuhin ang papa mo.” sabi ko. Napahawak siya sa pisngi niya at natawa lang ako dahil dun.

“ Kinikilig ka no? Nagbublush ka eh. Hahhaha”

“ Uy hindi ah! Sa init yan.” defensive na sagot niya. Nagkibit balikat na lang ako saka siya hinayaang maunang maglakad.

We reached the end of the third floor hallway and entered the faculty room. She told me to place the box inside the storage cabinet while she changes into her purple shirt. Habang hinihintay ko siya ay naisipan kong hanapin ang table kung saan siya nakapwesto. Madali kong nakita yun dahil may picture ng family niya na nakadikit sa may computer niya. I sat on her chair and looked at her working area. Organized ang mga gamit niya. Nakapatong by size ang books niya and were placed on one side of her desk. Her desktop computer has the picture of her family and even a motivational quote from a famous author. She has a mug as her pen holder and another which I think she uses to drink coffee.

Then I saw a picture that caught my attention. It was a collage of her pictures with each of her students. Tinignan ko ito at di mapigilang di mapangiti when I saw her picture with Liam. Parehas silang may suot na party hat and she was hugging Liam while he’s laughing. A candid shot and a perfect one. Seeing Liam happy makes me happy. And Jho is the reason of that happiness.

“ Birthday ni Dustin yan.” nagulat ako when I heard her voice. Parang pakiramdam ko tuloy, I invaded her personal space.

“ I--I didn’t mean to look..”

“ Okay lang. Wala ka namang ninakaw or anything eh.” aniya

“ Ang cute ni Liam dyan no?”

“ Oo.” sagot ko.

“ Actually, umiyak siya dyan. Natalo kasi siya sa game pero I told him that it’s okay to lose sometimes. Madami pa namang ibang games na pwedeng salihan. Kaya medyo mapula yung mata niya dyan sa picture.” kwento niya. Tinignan ko ulit yung picture at oo nga, mapula nga mata ng inaanak ko dito.

“ Mahal na mahal mo talaga mga students mo no?” sabi ko. Bukod kasi sa picture ni Liam, napansin ko din na lahat ng students niya ay puro nakayakap o nakahalik sa kanya sa pictures.

“ Oo naman. They’re my babies eh. Ayoko ngang nag-aaway sila eh. Kaya as much as possible talaga kapag may nagsisimula ng bullying, pinapatawag agad namin yung parents para nakakausap yung anak nila.” sagot niya.

“ Tara na?”

“ Yup. Baka magstart na yung program. Sabihin pa ng mga kabarkada ko sinolo na kita.” sabi ko. Natawa lang siya saka na kami lumabas ng faculty at bumalik sa quadrangle. Andun na sina Maddie pagdating namin. Napansin ko kaagad na parang wala sa mood si Groot pero hinayaan ko dahil di naman siya pinilit na magpunta dito. At wala din may gusto sa kanya dito.

“ Hoy san ka galing ha?” tanong ni Den. Natawa lang ako saka siya inakbayan at sabay kaming naglakad papunta sa mga upuan.

“ Tinulungan ko lang si Jho sa pag-akyat ng mga excess decors.” sagot ko. Nag-apir kami ni Tri at Rex habang si Alex at Therese naman ay tumawa lang.

“ Quickie ba yan Ivan ma boi?” tanong ni Tri

“ Bunganga mo!” saway ni Rex sabay batok pa sa kanya.

“ Gago hindi no. Mahiya ka naman sa mga bata.” sabi ko

“ Nagpatulong lang talaga siya sakin.”

“ Tangina. Apaka bagal mo namang kumilos Ivan.” ani Tri. Pinitik naman nila Therese at Den ang magkabilang tenga niya at napangiwi siya sa sakit nun.

“ Naman eh! Masakit kaya!”

“ Manahimik ka nga. Nasa school tayo kung anu-anong binabanggit mong inappropriate na words.” saway ni Den.

“ Bulong mo lang kasi dude.” sabi naman ni Alex at mabilis siyang nanahimik nang titigan siya ng masama ng asawa. Napailing na lang ako saka natawa sa kanila.

“ San na yung inaanak ko?” pagtataka ko.

“ Ayun sumama kay Dustin at Vince. Bumili silang ice cream sa may gate.” sabi ni Tita Dons

“ Hinayaan ko na muna at alam mo naman minsan lang may kalaro yang batang yan.”

“ Oo nga po. Saka di naman sila makakalabas dahil may guard sa gate.” sagot ko.

“ Daddy ninong dude!” rinig kong gtawag ni Liam sa akin. Lumingon ako sa direction ng boses niya and saw him running towards us. Mabilis siyang yumakap sa akin nang makarating siya sa pwesto namin and he was laughing at what he did.

“ Eww dude. May chocolate ka sa mouth!” ani Tri. Tumawa lang si Liam saka pinunasan ang bibig niya.

” Daddy ninong, I bought ice cream on my own!” he announced. Nagpalakpakan kaming magbabarkda at maging si Tita Donna ay pumalakpak din.

“ Very good, Little Dude!” puri ko

“ Big boy na ang baby namin.” sabi naman ni Therese, Liam just smiled and nodded. Kinalong ko siya saka siya sumandal sa dibdib ko.

“ Oh. Pagod na?” tanong ni Den. He nodded and Den gave him his bottled water.

“ Oh ito. Inom ka ng madami.”

“ Yes ninang.” aniya

“ Good morning parents, students and teachers!” narinig naming sabi ng isang babae.

“ I’m Teacher Mika, the head coordinator of the Grade 2 students.”

Nagsimula na siyang magsalita about sa family values and other reminders for the day. After nun ay ang opening prayer pagkatapos ay ang opening remarks ng principal. Then the program officially started with an ice breaker kung saan may hahanaping papel sa ilalim ng mga upuan and whoever finds any piece of paper ay may prize. Liam found one on our chair and he won a bag which was sponsored by one of the parents.

The game for the students started right after the ice breaker. Hindi pa kasali si Liam dahil by class number ang pagtawag and hanggang 10 lang muna. He’s number 35 kaya sa last game pa siya makakasali.

Nang matawag ang group nila ay excited siyang tumakbo sa harapan and participated in the game. Although hindi nauna ang team nila ay masaya naman siya since they came in second and received a consolation prize. He ran back to us and showed us the prize which consist of a set of markers, sketchpad and pencils.

“ Give it to mommy muna anak.” rinig naming sambit ni Maddie. Natigilan saglit si Liam at hindi naman kami kumibo.

“ Give your prize to your mom, Liam” ani Zuma. Kumunot ang noo ko sa tono ng boses niya pero agad akong hinawakan ni Rex sa balikat kaya natahimik na lang ako.

“ But I wanna hold it lang…” ani Liam. Para namang di siya narinig ng gago at kinuha ito sa kamay ng bata saka inabot kay Maddie na wala man lang imik. Sumubsob sa akin si Liam at alam ko na agad na umiiyak siya dahil sa ginawa ni Zombie.

“ Pare respeto sa bata naman. Araw niya to.” sabi ko.

“ Hinihingi ni Maddie, pare. Di naman oras ng pagdodrawing niya ngayon. Sabi mo nga araw niya to. Family day to diba so dapat nakikihalubilo siya sa mga kaibigan niya.”

“ Eh hawak lang naman nung bata ah. Bakit kailangan mong hablutin ng ganon?” sabi ko

“ Van tama na.” saway ni Maddie

“ Ba’t kasi nagpunta pa kayo dito ha? Eh papaiyakin niyo lang naman pala yung bata.” sabi ko saka kinarga si Liam at naglakad kami palayo.

Umupo kami ni Liam sa isang bench malapit lang sa gate saka ko siya pinatahan.

“ Okay ka lang?”

“ I--I’m not gonna take it out naman ninong eh. I’m just h--holding it.” he cried. I rubbed his back saka lang siya niyakap ulit.

“ Stop crying na ha. As long as ninong’s here di ka pwedeng awayin nung Budoy na yun ha?” sabi ko

“ Promise?” he asked. I smiled and kissed his cheek saka ako tumango.

“ Promise, Dude.” sabi ko. He gave me another hug saka pa humugot ng malalim na hininga. Maya-maya ay tumahan na rin siya at sakto lang dahil dumating na si Tri para sabihing kainan na daw.

We went back to the quadrangle at agad na kinuha ni Therese si Liam para kumuha na sila ng food niya sa table na nasa gitna ng quad. Dun kasi lahat ng food na dala ng students. Sinundan sila nina Rex at Tri para sa food namin at naiwan naman kami nina Den para asikasuhin ang mga inumin.

“ Mas bata pa mag-isip yung gago kaysa kay Liam.” bulong ni den sakin

“ Bakit?” pagtataka ko.

“ Pag-alis niyo kasi kinausap sila ni Tita Donna. Nagdahilan pa na di niya naman daw hinablot.” kwento ni Alex.

“ Love, nakita mo kung paano niya kinuha kay Liam yung bag diba? Saan banda ang di hinablot dun sige nga?” ani Den. Sinulyapan ko lang sila ni Maddie habang seryoso so Tita Donna na kinakausap sila.

“ Aba hindi pa nga siya sure kung papakasalan siya ni Madeleine kung makaasta siya kala mo Daddy siya ni Liam. Ito namang si Maddie parang pipi na. Di man lang makuhang ipagtanggol yung anak niya.” 

“ Isa pang away kay Liam nyan malilintikan na talaga sakin yan ungas na yan.” sabi ko.

“ Chill lang kayong dalawa. Andito tayo para magpakasaya. Okay? Chill.” sabi sa amin ni Alex

“ Let’s just think about William na lang.” dagdag pa nito.

And we did exactly what Alex said. Hindi na namin pinansin o pinuna sina Maddie at hinayaan na lang sila sa sarili nilang mundo.

After lunch ay nagstart na ulit ang games. And this time, for parents naman. Bilang madami kami sa barkada, unag nagprisinta ay kami ni Tri dahil ayaw ni Tita Donna maglaro dahil mapapagod lang siya. Panalo kami and Liam was so happy when he got the prize we won. After nun ay sina Den at Alex naman then si Therese at Rex. Inaasar pa namin ni Tri sina Rex dahil ang competitive kahit kailan ni Therese.

Gusto talagang mapanalunan yung prize na waffle amker. After nun ay game naman for one parent and child. Ako at si Liam na ang naglaro sa una and nagprisinta din si Maddie sa isa pang game. Medyo mailap si Liam sa kanya kaya di sila nanalo. The last game is the most famous sack race. Hindi na sana kami sasali since halos lahat ng prize ay nahakot na namin. Pero gusto pa sumali ni Liam so we did.

“ Come on, daddy ninong. Last game!” aniya habang hinila ang shirt ko.

“ Pagbigyan mo na dude! Minsan lang to.” sabi naman nina Rex

“ Oo nga. Pagbigyan mo na Ivan. Air cooler yung prize oh Bilis na!” sabi naman nitong si Threy

“ Oo na.” sabi ko

Pumila na kami ni Liam sa mga kasali and when the host gave us the sack ay nagsalita siya.

“ Liam, where’s your mommy? Kailangan mommy and daddy for this game.” sabi nito

“ Ah… ano kasi…” sabi ko

“ Liam, call mommy na.”

“ Okay!” tango ni Liam saka tumakbo. I saw Maddie stood up from her chair but to everyone’s surprise, Liam ran to the other direction at nagulat lalo kaming lahat kung sino yung hinila niya to play.

“ Liam di ako pwede.” sabi nito.






































































“ Come on, Tita Teacher! Just one game with me and Daddy Ninong! Hahaha! Please?” he exclaimed.

























A/N: Oops 😏😏😏 3-0 na keep up tayo Mommy!

Continue Reading

You'll Also Like

179K 7K 16
~COMPLETED~ Denki falls in love hard and fast. He has already had the Hanahaki disease twice and both times he had to get it surgically removed and l...
170K 2.9K 51
This story is just a Fantasy,. If you notice in my story I'll used Den(Dennise Lazaro) and Aly(Alyssa Valdez) as the main characters. I know not all...
62.3K 3.1K 62
A Story of two souls who happens to save each other's heart in a very unsual way.
907K 20.9K 49
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.