The Girl Grim Reaper (Complet...

By kristineeejoo

208K 3.7K 105

A Grim Reaper who fell in love with a human. More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41 (Part 1) - The Hidden Past
Chapter 41 (Part 2) - The Hidden Past
Chapter 41 (Part 3) - The Hidden Past
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Chapter 49
Chapter 50
Author's Note 1
Author's Note 2

Epilogue

3.8K 83 12
By kristineeejoo

EPILOGUE


"Yes, I have appointment for today." Sagot ko sa kabilang telepono. Mariin kong binasa ang natutuyo kong labi.

"Ano ba naman 'yan, magtatampo na 'ko sayo." Natawa ako sa sinabi ng kaibigan kong si Suezanna.

"Don't worry, hahabol ako. Kailangan ko lang talaga siputin 'tong taong magre-renovate sa shop ko." Paliwanag ko.

"Mas mahalaga pa ba 'yan sa birthday ko, Ryche? Puwede mo namang i-cancel 'yan at next time mo nalang siputin." Mas lalo akong natawa sa reaksyon ng kaibigan ko. Paniguradong umuusok na ang ilong nun. Alam na alam ko pa naman ang itsura niya kapag galit.

"I can't cancel this appointment, sis. Inaasahan ako nung tao."

"I'm also expecting you!" Sabi nito at pinatay ang tawag. Napabuntong hininga nalang ako at pinasok sa loob ng aking pouch ang cellphone. Tumayo na ako sa aking kinauupuan ko at lumabas sa aking flower shop.

"Maureen, ikaw muna ang bahala sa shop." Sabi ko at hinagis sakaniya ang susi ng shop. Napakunot ang noo niya.

"May date ka, girl?"

"Date?" Tumaas ang kilay ko. "Appointment ang pupuntahan ko hindi date."

"Ganon din 'yon, girl."

"Whatever." Sagot ko nalang at pumasok sa loob ng aking kotse. Nag-maneho na ako at dinala ang sarili sa meeting place namin ng kung sinong taong 'yon.

Pumasok ako sa loob ng restaurant at dinial ang number niya. Ilang ring ito bago sumagot. "Hello? Where are you?"

"I'm here." Kasabay ng pag-sabi niya nun ay may nakita akong nag-taas ng kamay. Mabilis kong pinatay ang tawag at lumapit sakaniya. Lumakas ang tibok ng puso ko ng maaninaw ko ang kaniyang itsura.

Tumayo siya at nginitian ako, "Hello. Nice to meet you. I'm Allan Celerio."

Naglahad siya sakin ng kamay. Natulala ako sakaniya. Malaki ang pasasalamat ko at hindi ko ininom ang potion na 'yon. Lahat ng mahalaga sa buhay ko noon ay naaalala ko parin hanggang ngayon.

"Al.." Tugon ko na ikinanunot ng kaniyang noo.

"Do you know me?"

Bigla akong nabalik sa reyalidad, "Ahm. Allan right? Kakasabi mo lang."

Ngumisi siya. "Ah oo nga pala. You are?"

Tinanggap ko ang kamay niya, "Ryche Del Ocampo."

Parehas kaming nag-ngitian bago umupo. Umorder muna kami ng aming pagkain bago pag-usapan ang gagawing renovation ng aking shop.

"I'm glad you came." Sabi niya habang naghihiwa ng beef. Hindi ko maiwasang titigan ang mukha niya. Wala parin itong pinagbago. Napakagwapo niya parin tulad ng dati. Medyo lumalim lang ang kaniyang pagsasalita pero bumagay rin naman sakaniyang itsura.

"Hey, are you listening?" Nabalik ako sa reyalidad dahil sa sinabi niya. Mabilis akong tumango. Masyado ko na yatang pinuri ang itsura ng lalaking 'to.

"Ahm, yes," Sagot ko.

"So, I'll just visit your shop para makita ko kung paano ko uumpisahan baguhin ang shop mo." Sabi niya. Wala akong nagawa kundi tumango.

Mukhang napansin niya na tulala ako sa mukha niya kaya tumikhim siya, "Is there something wrong, Ms. Del Ocampo?"

"Uh, wala.. may iniisip lang."

"Kung ganon dapat sa susunod nalang tayo mag-usap. Mukhang may iniisip ka, hindi tayo makakapag-plano ng maayos."

"No! I mean, I'm sorry." Sagot ko at napabuntong hininga.

"It's okay, bilisan nalang natin ang pag-uusap. May importante pa kasi akong pupuntahan." Sabi niya. Tumango nalang ako at nag-focus. Na-miss ko bigla si Al. Sobrang tagal narin ang lumipas simula nung magpaalam kami ni Sue sakaniya.

Umabot yata ng ilang minuto ang pag-uusap namin bago kami nag-paalam sa isa't isa.

"Thank you." Sabi ko ng makatayo kami. "Sige na, mauna ka na. May importante ka pang pupuntahan. I'm sorry kung napatagal ang pag-uusap natin."

"It's fine. Nag-enjoy naman akong kausap ka." Sabi nito at sabay kaming nakarating sa pinto ng restaurant. Lumabas kaming dalawa ng may nag-park na kotse sa harap namin.

"Fuck," Napatingin ako kay Al ng bigla siyang mag-mura.

Napakunot ang noo ko. "Bakit?"

"Balik tayo sa loob," Hinila ako ni Al at tatangkain sana naming pumasok ulit sa loob ng restaurant ng bigla kaming makarinig ng pagsara ng kotse. At mukhang padabog pa ito.

"Allan!" Boses ng babae. Napalingon ako at laking gulat ko ng makita si Roxiah. Oh my god! Mas lalo siyang gumanda ngayon! I can't believe na may mas igaganda pa siya sa panibago niyang buhay.

"Patay," Bulong ulit ni Al at binitawan ang kamay ko. Mabilis kaming nilapitan ni Roxiah at nagulat ako ng bigla ako nitong sinampal. Shit. Anong ginawa ko?

"Roxiel!" Mabilis nilapitan ni Al si Roxiah at nilayo sakin.

"Siya ba 'yung babae mo, ha?!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ano daw? Babae? What the fuck?

"Hindi ko siya babae, Roxiel. Tumigil ka na!" Awat sakaniya ni Al pero nanatili itong masama ang titig sakin habang ako speechless sa mga nangyayari. Grabe, ang sakit pala manampal ng babaeng 'to!

"Bakit magka-holding hands kayo?!" Tanong ni Roxiah na Roxiel na ngayon ang pangalan. Lahat ng taong napapadaan ay napapatingin samin. Damn, nakakahiya.

"Lahat nalang binibigyan mo ng malisya! Wala lang 'yon. Mag-isip ka nga, Roxiel." Sagot ni Al na hinihilot na ngayon ang noo. Kahit ako mapapahilot sa noo dahil sa ginagawa ni Roxiah este ni Roxiel.

Inirapan ako ni Roxiel, "I'm not stupid, Allan."

"Ilang beses ko bang ie-explain sayo? Wala nga lang 'yun!"

"Paano mo nasabing wala lang 'yon? Ha? Paano mo nasabe?" Sabi ni Roxiel na ngayon hinarap na si Al.

"Dahil may boyfriend na siya!" Sabi ni Al na ikinatigil ko. B-Boyfriend? Seriously?

"Ipakita mo sakin! Gus—"

"Bakit ba ang ingay mo, Miss? Ako ang boyfriend ng babaeng 'to. Bakit? May problema ba?" Biglang may umakbay sakin na lalaki. Hindi ko alam kung makakahinga pa ba ako ng maayos. Dahil, kilalang kilala ko kung sino 'tong lalaking 'to! Boses niya pa lang, kilala ko na!

Nangilid bigla ang luha ko. Hindi ko alam na sa ganitong sitwasyon kami magtatagpo. Ito na ang oras na pinakahihintay ko. Ang makita at makausap siya.

Natahimik si Roxiel at Al ng makita ang lalaking katabi ko.

"Pasensya na p're, sobrang selosa lang nitong girlfriend ko." Sabi ni Al at hinila na palayo samin si Roxiel. Girlfriend ni Al si Roxiel? Paano na si Sue?

Naestatwa ako ng maalalang may lalaki pala akong kasama. Ang lalaking mahal ko noon at hanggang ngayon.

"Sorry kung nasabi ko 'yon, Miss. Sobrang ingay kasi ng babaeng 'yun. Nakakahiya na sa ibang tao." Sabi niya at tinanggal ang pagkakaakbay sakin. Hinarap ko siya at sunod sunod na luha ang bumuhos sa mata ko ng makita ang itsura niya. How I missed him. Hindi ako makahinga ng maayos sa sobrang kakaiyak.

Napansin niya 'yon kaya mabilis niya akong dinaluhan. Nanginig ako ng hawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Are you okay?" Tanong niya at sinisilip ang mukha ko. Nanatili akong nakayuko at humihikbi. Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at pinapasok sa isang kotse. Probably, his car.

Napatingin ako sakaniya ng bigla niya akong abutan ng tissue. Nag-aalangan pa akong tanggapin 'yon pero sa huli tinanggap ko na at pinunasan ang luhang bumubuhos sa mata ko.

"I-I'm sorry.." Nahihirapang tugon ko.

"It's okay. Umiyak ka lang kung gusto mo. Walang pipigil sayo." Sabi niya at nilagay ang tingin sa harap.

Pinagmasdan ko siya. Na-miss ko siya sobra. Wala na akong pakialam kung hindi niya ako maalala basta't kasama ko siya ngayon maayos na 'ko.

"I'm sorry for asking pero anong relasyon mo sa lalaking kasama mo kanina?" Natigilan ako sa tanong niya. Bakit niya tinatanong? Interesado ba siya sakin?

"Wala.." Sagot ko. Tumango lang siya at nanahimik ulit. Ilang minutong tahimik ang buong kotse bago siya muling nagsalita.

"Okay ka na ba?"

"Uh.. oo.. salamat." Sagot ko at inayos ang sarili. Siguradong kalat kalat na ang make up ko sa mukha.

"Saan ka nakatira? Gusto mo ba ihatid kita?" Tanong niya at nilingon ako. Nagtama ang mata namin kaya biglang lumakas ng tibok ng puso ko.

"Uh.. ano.. kase.. may dala akong kotse." Sagot ko at inalala kung saan ko pinark ang kotse ko.

"Ah okay." Sabi niya at nanahimik. Ilang minuto nanaman kaming natahimik.

"Anong pangalan mo?" Nagulat ako ng sabay kaming magsalita.

"Ryche.. Ryche Del Ocampo." Sagot ko at pinakita ang tunay kong ngiti.

"Louie Ashtin Delacroix." Nakangiting sabi niya at naglahad ng kamay. Napatulala muna ako do'n bago ko ito tinanggap.

"It's nice to meet you, Ryche."

"Sobrang saya ko rin at nakilala kitang muli, Luijin." Sagot ko na ikinakunot ng kaniyang noo. "I mean, Louie."

"Do you know me?"

"Kilalang kilala." Bulong ko.

"Ha?"

"Nothing." Sagot ko.

Napangiti ako na parang baliw. Sobrang saya ko. Talagang gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para magtagpo ulit kami, magkakilala man kami o hindi. Ngayong dumating na ang oras na hinihintay ko, hindi ko na ito sasayangin pa. Sisiguraduhin kong babalik sa dati ang pagmamahal naming naudlot noon.

Tinitigan ko siya bago nagsalita, "I love you my ovel."

"Ha?" Naguguluhang tanong niya.

"Wala." Binuksan ko ang aking pouch at kinuha do'n ang aking calling card. "Ito oh, kung sakaling may kailangan ka. Tawagan mo lang ako. Salamat."

Lumabas na ako ng kaniyang kotse at bumalik sa restaurant kanina upang balikan ang kotse ko. Nang makita ko ito agad akong pumasok at nakangiting pinaandar papunta sa bahay ng kaibigan kong si Suezanna. Short for Sue.

"Suezanna Dellarde!" Tawag ko bago pumasok sakaniyang bahay.

Bumaba siya ng hagdan at patakbo akong nilapitan. Niyakap niya ko.

"Akala ko hindi ka na pupunta eh!" Tumawa ako sa sinabi niya.

"Of course not. Birthday ito ng mahal kong kaibigan kaya dapat nandito ako. Atsaka papakainin mo pa ako ng shanghai eh." Sabi ko at bigla kaming tumawa ng sabay. Inabot ko sakaniya ang paper bag na dala ko. Iyon ang regalo ko sakaniya.

"Oh my god! Thank you, sis!" Sabi niya at niyakap ulit ako.

"Tara sa garden, nandun ang mga bisita ko. Andun rin ang shanghai." Tumawa ako sa sinabi niya at sabay naming tinahak ang daan papuntang garden nila.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita ang mga taong kakakita ko lang kanina. Si Roxiel, Allan at si Louie. Gosh, don't tell me.. kilala nila si Sue?

"Roxiel, come here." Lumapit agad si Roxiel samin at nanlaki ang mata niya ng makita ako. "She's Ryche my bestfriend and she's Roxiel, my cousin."

Cousin? Bakit ngayon ko lang nalaman?

"Louie and Allan, come here!" Lumapit din agad ang mga tinawag niya. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng magkatitigan kami ni Louie.

"Ryche, this is Allan.." Tinuro ni Sue si Al. "He's my classmate since highschool until college. He's also my.. uhm.. friend."

Talaga lang ha? Friend. Tss.

"And this is Louie.." Tinuro niya naman si Luijin. "My ex but now we're in good terms, right Louie?"

Tumango naman si Luijin.

Nagulat ako sa sinabi ni Sue. What? Ex? Seriously?

"Enjoy the party guys!" Malakas na sabi ni Sue at pumalakpak pa. Naiilang na tinignan ko si Luijin este si Louie.

"Ikaw ulit." Nilapitan niya 'ko.

"Uh, hi?" Ngumiti ako.

"Cute." Sabi niya at marahang kinurot ang pisngi ko. Kinakapos ako ng hininga. Ang lakas rin sobra ng tibok ng puso ko.

"Uh thanks?" Geez. Kinakabahan ako kapag kausap ko siya.

"Wala ka paring pinagbago. Sobrang ganda mo parin tulad noon."

Natigilan ako sa sinabi niya. Nagtama ang paningin namin at nakita kong ngumiti siya pero nangingilid ang luha. Nagsimula naring mamasa ang mata ko.

Oh my god.

"Luijin.." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at binigyan ako ng matamis na halik na noon ko pa nasasabik ulit na maramdaman.

"Long time no see, My love."


END

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
83.1K 1.2K 10
Hanggang kailan nga ba ang buhay ng tao? Minsan ba sumagi sa isip mo na hanggang kailan nga ba ako mabubuhay? Ngunit kahit isa sa atin ay walang kaka...
15.8K 754 27
Walang ibang hangad si Dra. Chenimeth Bayron kung hindi ang makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga kapos-palad. Dahil dito, napagpasiyahan niyang su...
98.1K 1.6K 46
PUBLISHED under LIFE IS BEAUTIFUL CREATIVES. Ano kaya ang magiging papel ng "sketch" sa buhay ni Xyza?