Real & Reel (KathNiel One-Sho...

By LunarMaris

281K 5K 809

Koleksyon ng mga KathNiel One Shots. Treinta: Weird Synopsis: My boyfriend is weird. More

1. Paano Magselos ang isang Daniel Padilla? (AU)
2. Baby Names
3. Maliit Kasi (AU)
4. Vandalism (AU)
5. 57 Reasons
6. Tying the Knot Part One: The Proposal
7. When KathNiel Read Wattpad Stories...(01)
9. Babies, Babies, Babies
10. Reunion with my EX...EX-BEST FRIEND (AU)
11. Daniel, Kathryn, at si Harry Styles
12. Love is ORANGE (AU)
13. Si Mister at si Misis (AU)
14.1. 26 Letters (A - M) (AU)
14.2. 26 Letters (N - Z) (AU)
15. The Great Pretender (AU)
16. Got to Believe (AU)
17. Kathryn's Checklist (AU)
18. Dr. Lester Giri
19. Kissing Booth
20. Kiss and Make-up
21. Sa Pagbabalik ng...The Buzz
22.1. Lester Giri, the Mighty Stalker (January-April)
23. I wanna Grow Old with You...
24. Merry Christmas, Bally
25. Feb Fair (AU)
26. Pangako ko Sa'yo
27. Protector
28. The Return of Superman
29. Si Kargador at ang kanyang Yaya
30. Weird
31. I'll See You Soon

8. How I Met Him... (AU)

11K 204 36
By LunarMaris

Alam kong ang weird lang ng story na ito pero hayaan niyo na ko. Minsan lang ito. Hahaha. I love you guys!!! :))))

Title: How I Met Him

Pairing: KathNiel

Genre: Romance, Comedy

Dedication: KimberlyUmpad --> :)))

Kung tatanungin ako ng anak ko kung paano kami nagkakilala ng tatay niya, hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kanya...ang mga sumusunod na ikukwento ko sa'yo. Maski ako nahihiya eh. Kayo nga baka masabihan niyo pa ko ng baliw, mukhang ewan, at kung ano-ano pa...

Haaaay. Basahin niyo na nga lang...

Nandito ako ngayon sa isang mataas na building, hawak-hawak ang isang metal railing sa harapan ko na siguro ay aabot lamang hanggang sa bewang ko. Napalunok ako at tumingin sa kalangitan. Makulimlim ang panahon ngayon. Malamig at hindi masyadong mainit kahit hapon.

Huminga ako ng malalim at tinanggal ang sapatos ko. Pagkatapos ay lumipat ako sa kabila ng railing at nararamdaman ko na ang lakas ng hangin sa mga paa ko. Iniisip ko ang mga dahilan kung bakit ito nalang ang naisipan kong gawin.

Bakit nandito na ko sa pinakaedge ng isang building?

Oo nga pala.

Pakiramdam ko kasi pasan ko lahat ng problema ng daigdig. Hindi na rin ako kuntento sa buhay ko. Hindi na siguro ako kailanman magiging kuntento. Araw-araw, feeling ko nasa impyerno na ko at madami ng kadramahan sa mundo ko at feeling ko hindi na kakayanin ng puso ko. Normal pa ba etong nararamdaman ko? Pumupunta ako sa kama ko at iisipin ko nalang kung bakit ganito ang buhay ko.

Napakaunfair talaga ng buhay.

Kung wala lang sanang problema, lahat tayo masaya. Pero meron talagang mga tao na pinagpapala at ako kabilang ako sa mga taong parang sinumpa na sa mundo dahil ang malas-malas.

Hindi naman ako katulad ng iba na masyadong masigasig at ayaw magpatalo. Hindi ako ang tipo ng tao na ngingitian lang ang problema. Siguro, may pagkakataon na ginawa ko ang lahat para maging masaya ako pero narealize ko na walang kwenta ang lahat.

Gusto ko lang na matapos na ang lahat na ito.

Suicide.

"Hoy!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng may marinig akong tinig ng isang lalaki sa likod ko. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi magpanic. Pero kung ikaw ba naman magpapakamatay ka na, may makakakita pa sa'yo di ba. Siyempre macoconscious ka. Tumingin ako sa direksyon ng boses at nakita ko ang isang lalaki sa pintuan.

Hindi ko mabasa ang nasa isipan niya at may dala siyang plastic bag sa kamay niya. Nakatingin lang siya sa akin. Kumunot ang noo ko ng makita kong tinaasan niya ko ng kilay.

"Diyan ka lang," sabi ko sa kanya. Inalis ko na ang mga mata ko sa kanya.

"Hindi pa nga ako gumagalaw eh," tugon niya.

"Pwede bang umalis ka nalang...Medyo busy pa ko eh," wika ko. Tiningnan ko ulet siya.

"Nakikita ko naman eh," sambit niya.

Umiwas nanaman ako ng tingin.

Nararamdaman ko ang mga titig niya sa likod ko. Kaya itinuon ko nalang ang pansin ko sa mga bagay na magpapakalma sa akin. May narinig akong nahulog at ingay galing sa isang plastic. Sumilip ako kung nasaan na siya at nakita kong nilaglag na niya yung plastic niya sa gilid. Ayan, lumalapit na siya sa akin. Umiling ako at hindi ko siya pinansin.

"Ang ganda naman ng view dito, noh?" sambit niya. Hindi ko siya sinagot. "So...anong ginagawa mo?"

Hindi ako makapaniwala sa kanya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa ko?" bulong ko sa kanya. Parang wala siyang pakialam kahit patayin ko na siya ng mga titig ko.

"Nakatayo sa pinaka-edge ng building," sagot niya.

"Salamat sa pagsasabi ng obvious," sabi ko sa kanya.

Dinidistract niya ako. Nakita ko ang mga ganito sa mga movies. Dapat ganito ang reaksyon ng mga tao pag may nakita silang magpapakamatay. Hah!! Nagsasayang lang siya ng oras sa akin.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Nanginginig ka."

"Wala ka ng pakialam dun!" sigaw ko sa kanya. Nagulat ata siya dahil napatapak siya patalikod.

Lumapit siya sa akin. Yung mas malapit talaga. Tiningnan ko siya sa gilid ng mga mata ko. Isang metro nalang ang layo niya sa akin at tumingin siya sa ibaba ng building. Sinundan ko ang tingin niya at nanlumo ako sa taas. Ngayon ko lang napansin na sobrang taas pala. Napalunok ako.

"Hindi maganda makita ang mga dugo at lamang loob mo na nakakalat sa kalsada," sabi niya. "Nasa ibaba yung sasakyan ko kaya baka gusto mong umurong pakaliwa. Bagong tinta lang yun eh."

Humigpit ang hawak ko sa metal railing. Feeling ko nagmarka na yun sa mga kamay ko. Nananaginip ba ako ngayon? "Pwede bang tumahimik ka?" sambit ko sa kanya.

"Sinasabi ko lang naman sa'yo," wika niya.

Inirapan ko siya bago ako umiwas ng tingin. Tumingin ulit ako sa baba ng building ng wala na kong masabi. Feeling ko mas mamamatay ako sa tensyon. Hindi naman kasi madaling mamatay at ito lang ang naisip ko. Tumalon mula sa forty-fifth floor ng isang building. Mabilis at madali.

"Ba't ang tagal mo? Hindi ka pa ba tatalon?" tanong niya.

Napakagat ako sa labi. Eh kung siya kaya unahin kong ihulog dito. Tutal mamamatay na rin man lang ako, hindi na ko makukulong. "Pwede bang layuan mo nalang ako. Bakit ka ba kasi nandito?"

"Inaantay kong tumalon ka," sagot niya.

Nakakaasar na siya. Tumingin ako sa kanya. "Gusto mo bang ilagay ko sa dying message ko na itinulak mo ko?"

"Oh...eh bakit mo naman gagawin yun?" tanong niya na nakataas pa ang kilay.

"Dahil hindi mo ko hinayaang magpakamatay ng tahimik," tugon ko sa kanya.

"Hindi mo nga ako kilala eh. Tsaka bakit ka naman magsusulat ng dying message?" wika niya. Nagkibit-balikat lang siya.

Bwiset. Nakakaasar siya kung tama siya. Wala na kong maisagot kahit ano pang gawin kong paghalukay sa utak ko. Kaya ginawa ko na lang ang kaya ko. Binelatan ko siya. Hahaha. Bwiset ka. Bwiset ka.

"Oh...Ang mature mature mo ah," sabi niya. Inilagay niya ang kamay niya sa loob ng bulsa niya. "May sasabihin akong importante sa'yo. Hindi mo pagmamay-ari ang building na ito. Hindi mo ko kayang paalisin dito dahil gusto mo lang magpakamatay."

Tingnan niyo. Magpapakamatay na nga ako. May nangbwibwiset pa rin sa akin. Ang sawi ko lang. <//3

Hindi ko nalang siya pinansin. Malapit na kong bumigay. Isang talon na lang sana pero nagpakita siya sa harapan ko at sinira ang mga plano ko. Bakit ba ko pinapahirapan ng lalaking ito?

Tahimik kaming dalawa. Ilang minuto na rin ang lumipas at nandun pa rin kami sa mga pwesto namin. Nanunuod na ko ng mga nangyayari sa baba. Mga kotse siguro at mga tao. Sa sobrang layo, parang maliliit na langgam lang sila. Buti naman tahimik na ang paligid. Binigyan ako ng oras para mag-isip. Ang saya-saya ng katahimikan -

May narinig akong dumighay.

K. Salamat sa panandaliang katahimikan.

Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakaupo na siya. Nakapikit siya at dinadala ng hangin ang buhok niya. Ok. Gwapo siya. At least nakakita ako ng gwapo bago mamatay. Nakasuot siya ng black hood jacket na may batman sa gitna pag nakazipper ito. Sa loob ng jacket niya ay naka-white t-shirt siya. Oo na. Gwapo talaga siya. Pero sa ugali niyang iyan, siguro isa siya sa mga spoiled brat.

Hindi ko alam kung bakit niya ako pinag-aaksayahan ng oras. Kung ibang tao siguro nakakita sa akin, pinilit na kong hindi magpakamatay o kaya iniwan na ko. Eh itong lalaki na ito, hindi niya ginawa ang parehong ito. Parang gusto niyang tumalon ako, at siya ang witness...Hindi siya nag-aalala sa isang katulad ko, mas nag-aalala pa siya sa kotse niyang baka madumihan ng mga dugo ko.

Kahit ano pang rason niya. Hindi na niya mababago ang pasya ko. Ready na kong mamatay ngayon. Pero hindi ako makatalon, hindi habang nandito siya at tinitingnan ako. Umirap nalang ulit ako sa direksyon niya at nag-make face. Tutal, hindi naman niya nakikita eh.

"Itigil mo nga yan," sabi niya.

Nagulat ako sa kanya. Binuksan na niya ang mga mata niya at tumingin sa akin. Nakasmirk na siya. Kinagat ko ang labi ko, nagkukunwari na wala akong alam. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at pumunta sa akin. Hinawakan rin niya ang metal railing.

"So...Anong problema mo?" tanong niya. "Bakit ka magpapakamatay?"

"Ano?!" Ano!?

"Eto..." tinuro niya ako at kung saan ako nakatungtong ngayon.

Naramdaman ko ng itatanong niya sa akin ito, pero alam kong hindi naman talaga siya interesado sa buhay ko eh. Napapagod na ko kakasagot sa kanya kaya sinabi ko nalang ang pinakasimpleng summarize ng nararamdaman ko, "Ayoko na sa mundo at sa mga taong nakatira dito. Hindi ako nabibilang dito. Gusto ko ng matapos ang lahat."

"Bakit nagkaganun?"

"Basta magulo ang buhay ko. Hindi ko kailangang i-explain sa'yo lahat lahat," tugon ko sa kanya. "Hindi ko na kaya! Suko na ko!"

"Masyado na bang masama?"

Tumango lang ako.

Nanahimik nanaman kaming dalawa. Hindi na ko nagsalita pa.

Nasa nature na ng tao na itanong kung ok ka lang, anong problema? Para maipakita na nag-aalala sila sa'yo pero minsan, hindi naman talaga.

Itong lalaking ito, blangko ang expression sa mukha niya. Bakit siya nandito? Bakit niya ako dinidistruct. Gusto ko siyang tanungin pero hindi ako sigurado na sasagutin niya ako ng mayos.

Wala na. Windang na ako. Baliw na. Kailangan ko ng tumalon, ngayong hindi na siya nakatingin...

"Wala ka bang plano para sa hinaharap?" tanong niya. Tumingin nanaman siya sa akin at nagumbaba gamit ang railing.

Hinaharap.

Future.

Meron pa ba ako nun?

"Wala," sagot ko sa kanya at hindi ko siya tiningnan sa mata. Wala akong rason para sabihin sa kanya ang mga gusto ko sanang gawin.

May narinig akong kaluskos at nakita kong kinuha niya ang Pepsi can mula sa plastic bag. Binuksan niya ito at uminom. Nakatingin nanaman ako sa kanya. Naiinis. Umalis ka na please.

"Ano?" ani niya, habang pinupunasan ang labi.

"Wala," sabi ko.

Gumagalaw na ang oras. Kailangan ko ng tumalon, pero nandito ako...Wala pa ring ginagawa. Na-distract na ako ng lalaking ito eh. Ok lang naman. At least may kasama ako bago ako mamatay.

"Para sabihin ko sa'yo. Gagawin ko pa rin ito," sabi ko. "Wala kang magagawa para pigilan ako. Tumigil ka na please at iwanan mo na ko."

"Ilang taon ka na?" tanong niya.

Ok.

Hindi ako pinansin.

"Twenty-three," sagot ko. Kung gusto niyang patagalin pa ito, sige. "Ikaw?"

"Twenty-five..." wika niya. Pinipi niya ang lata ng Pepsi. "Kasal ka na ba?"

"Hindi pa..." sabi ko . Saan naman niya napulot ang tanong nay un.

"Kasintahan?"

"Wala akong love life, ok? Ano masaya ka na?" sigaw ko sa kanya. "Bakit ba natin ito pinag-uusapan?"

"Gusto mo bang ikasal?" tanong niya.

"Sino bang babae ang ayaw makasal?" sagot ko at nagbuntong hininga. Ang weird niya talaga. Kahit sinong babae naman siguro, gusto rin magpakasal. "Kaso, hindi na yun mangyayari sa akin."

"Gusto mo bang magpakasal sa akin?" ani niya.

"Hah?" sabi ko. Anong sabi niya ulet?

Napalunok ako at naubo. Hinimas niya ang likod ko bago ko paluin ang kamay niya.

"Gusto mong ikasal, di ba? Kaya tinatanung kita kung gusto mo ba akong pakasalan?" sabi niya sa seryoso na boses, pero nakakaloko. Sinusubukan kong isipin kung ano talaga intensyon ng lalaki na ito. Ang weird na ng mga pinag-uusapan namin eh.

Umiling ako. "Ok. Magpanggap muna tayong matino. Tinatanung mo sa akin kung gusto kong magpakasal sa iyo pero haler, magpapakamatay na nga ako. Bakit ka pa nagpopropose diyan."

"Dahil wala akong magawa at ayoko rin sa mundo katulad mo," tugon niya. "So...Ano na?"

Anong so, so?! Tingin niya talagang sasagutin ko siya? Hindi ko nga siya kilala eh.

"Kapag pinakasalan mo ako. Pwede tayong magreklamo sa mundo ng magkasama. Hindi ka na nag-iisa," sabi niya. "Ako rin."

Tumingin ako sa mga mata niya, hinahanap ang rason kung bakit niya ito ginagawa. Blangko ang mga mata niya pero nararamdaman kong gusto ng mag-smirk ng mga labi niya.

Bago ko mapigilan ang sarili ko, tumawa ako ng malakas. Tutal mamamatay naman na ako, siguro ok lang na makisama ako sa laro niya. One last time.

"Sige!" sagot ko sa kanya at tumawa.

Ngumiti siya at tinapon ang lata ng Pepsi sa plastic. Pero hawak niya ang metal tab nito. Yung pangbukas sa lata.

"Anong gagawin mo diyan?" tanong ko.

"Singsing mo," sagot niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ang singsing ko ay tagabukas lang ng lata ng Pepsi?"

"Mahalaga ito dahil ito ang engagement ring mo," sambit niya sa akin.

Bakit ba feeling ko hindi na kami naglolokohan?

"Pero pull tab lang nga yan. Tagabukas ng Pepsi," sabi ko.

"At sabi ko, eto ang engagement ring mo. Gusto mo ba ito o ayaw mo?" wika niya.

"Mukha bang gusto ko yan?"

Nagbuntong hininga siya, kinuha ang kamay ko at nilagay ang tab sa ring finger ko. Sinubukan kong magpumiglas pero masyado siyang malakas. Pagkatapos nun ay itinaas niya ang kamay ko at tiningnan namin parehas ang singsing na linagay niya sa kamay ko.

"Oh...Ang ganda, di ba," wika niya.

Kinuha ko ang kamay ko mula sa kanya. Tiningnan ko ang mga daliri ko. Bakit ba kasi kasya pa sa akin ito at bakit ayokong tanggalin. Bwiset.

"Ginagawa mo ba ito lagi?" tanong ko sa kanya. Napakagat ako sa labi.

"Ang ano?" tanong niya.

"Magpropose sa hindi mo kilala at nakausap mo lang ng kalahating oras," sagot ko.

"Hindi..." sambit niya at tumingin sa orasan niya. "At nag-uusap na tayo ng 45 minutes."

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Hindi pa rin nagbabago ang isip ko. Tatalon pa rin ako."

Nung sinabi ko yun, tinanggal niya ang jacket niya. Tapos hinawakan niya ang railing. Hindi ko alam pero bigla ko siyang hinawakan sa kamay.

"Sabihin mo sa akin kung tatalon ka na hah," wika niya.

"Bakit?" tanong ko naman.

"Tatalon din ako pagkatapos mo," tugon niya.

Napanganga ako. "Nababaliw ka na ba?"

"Ikaw itong tatalon mula sa building," sabi niya, "At ako ang nababaliw?"

"Ni hindi mo nga ako kilala," sambit ko sa kanya.

"Tama ka," tango niya, "Pero engaged na tayo ngayon. Pag tumalon ka, tatalon din ako at parehas tayong mamamatay."

Hindi pwede.

"Talaga bang gagawin mo yun?"

"Mukha bang hindi?"

Feeling ko nananaginip na ko. Ano na bang nangyayari? Bakit ganito siya?

Alam kong gusto niya lang akong pigilang tumalon pero bakit parang nagpapapigil naman ako? Parang gusto kong maniwala sa kanya na ililigtas niya ako mula sa depresyon na nararamdama ko. Pero mapagkakatiwalaan ko ba siya? Hindi ko siya kilala at napadaan lang siya dito kung saan ako magpapakamatay. At ngayon, pilit niyang binabago ang pasya ko at ayoko nito.

Ayoko.

Hindi ko alam kung bakit gusto kong magpapigil sa kanya. Ang tanga ko talaga!

Niloloko ba ko nito. Hay nako. Ayoko nito. Ayoko. Ayokong maramdaman na may nag-aalala pa sa akin. Gusto ko lang na tumigil na ang lahat.

Napansin niya siguro na hindi na ko nagsasalita.

"Ilang anak ang gusto mo?" tanong niya.

"Ano?! Pinaglalaruan mo ba ako?!" sabi ko sa kanya.

"Papakasalan mo ako pero hindi mo ko iiwanan ng anak? Wag ka ngang selfish diyan!" wika niya.

Napakuyom ako ng palad. Pinaglalaruan lang ako nito.

"Mag-aampon tayo!" sigaw ko sa kanya. Bwiset ka. Putek.

"Ayoko nga," sabi niya. "Bakit pa tayo mag-aampon kung pwede naman tayong gumawa?"

Naasar na talaga ako. Lang hiya itong lalaki na ito. Inirapan ko siya.

"Sige!" bulyaw ko sa kanya. "Kasal, 74 kids, bahay sa gitna ng dagat, isang aso, PBB teens at madami pang iba...Ano masaya ka na? Ano? Pwede na ba akong mamatay?"

Hinihingal na ko dahil sa galit.

Napangiti lang siya. Isang nakakalokong ngiti.

Bwiset. Napangiti rin ako. At tumawa. Lechugas na nyemas na yan. Hindi ko na rin pinapansin ang mga tingin niya sa akin.

Bipolar na ako. Mas malala na ko kay Nathan ng Walang Hanggan at Gino ng Princess and I. Putek.

Pagkatapos kong tumawa, pakiramdam ko hindi ko na pasan ang problema ng daigdig at lahat ng problema ko nawala. Hindi ko na nga maalala kung nagkaproblema ba talaga ako. Hindi pa kong tumawa ng ganito dati.

At eto, si Mr. No Name, nakatingin sa akin na parang tinubuan ako ng sampung ulo. Siguro ang weird ko na sa paningin niya o baka sa loob niya, pinagtatawanan na niya ako.

"Alam mo, ok sana ang 74 kids eh. Taon-taon ba tayo gagawa?" sabi niya.

Bwiset na 'to.

"Pero siyempre...Hindi pa nga tayo nasa holding hands stage eh kaya wag muna nating isipin yun," wika niya. Itinaas niya ang kamay niya at inilahad yun sa akin. "Pwede bang umalis ka muna sa edge ng building na yan at hawakan mo ang kamay ko para nasa holding hands stage na tayo?"

Tumingin lang ako sa kanya. Umiling ako. Napangiti ako na gusto kong umiyak na ewan. Pero kinuha ko ang kamay niya at umalis na sa kinatatayuan ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at hinila ako papalapit.

"Oh siya...Pwede ka ng mamatay," bulong niya sa akin. "Kung gusto mo pa."

"Responsibilidad mo na ko hah! Dapat patay na ko ngayon!" sabi ko sa kanya.

Napakagat siya ng labi at ngumiti. "Ako nga pala si Daniel Padilla."

"Kathryn Bernardo," pakilala ko.

Tumango siya at tumawa. "Nice meeting you, Mrs. Padilla."

Pagkatapos ng isang buwan, nagsimula na kaming mag-date. Kung nakita niyo lang sana ang mukha ko nung ipakilala niya ko sa mga magulang niya. Oo, mayaman nga siya. Sila lang naman ang may-ari ng building na dapat sana tatalunan ko.

Tatlong taon ang lumipas at inalok na ko ni Daniel ng kasal at siyempre nagpakasal kami. Hindi kami nagkaroon ng 74 kids, pero may isa kaming anak na babae. Tapos nakatira kami malapit sa dagat, malamang imposibleng tumira sa gitna kaya sa gilid nalang kami. Oo nga pala. May aso rin kami. Sobrang saya ko lang.

Muntikan na ko magpakamatay, pero itong lalaking ito ay nagpakita lang basta-basta at pinigilan ako sa pinakamalaking pagkakamali ko sana na gagawin ko sa aking buhay.

Siyempre dahil doon, masaya ako at pumayag ako pakasalan siya kahit pull tab lang ng Pepsi ang singsing na gamit niya pangpropose sa akin.

Oh di ba...Paano ko ikukwento sa anak ko ang mga ganitong bagay? Haaay buhay. Ok lang yan. Gwapo naman ang asawa ko eh.

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...
17.8M 355K 27
A Collaboration with Race Darwin and Cecelib
1.8M 35.1K 23
FORTALEJO•BILLIONAIRE SAGA #1 Highest Rank: #5 in GenFic (10.15.16) Paano kung Mahulog ang loob mo sa isang babaeng akala mo ay bayaran? Isang babae...
119K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...