The Brightest Shooting Star (...

By red_miyaka

6.3K 150 126

Luziel Janaria Clementine always hoped for the boy she loved, although she admired him from afar. Kumbaga, um... More

Disclaimer
Shooting Star
Panimula
Ika-unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ika-pitong Kabanata
Ika-walong Kabanata
Ika-siyam na Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing dalawang Kabanata
Ikalabing tatlong Kabanata
Ikalabing apat na Kabanata
Ikalabing limang Kabanata
Ikalabing anim na Kabanata
Ikalabing pitong Kabanata
Ikalabing walong Kabanata
Ikalabing siyam na Kabanata
Ikadalawampu't na Kabanata
Ikadalawampu't isang Kabanata
Ikadalawampu't dalawang Kabanata
Ikadalawampu't tatlong Kabanata
Ikadalawampu't apat na Kabanata
Ikadalawampu't limang Kabanata
Ikadalawampu't anim na Kabanata
Ikadalawampu't pitong Kabanata
Ikadalawampu't walong Kabanata
Ikadalawampu't siyam na Kabanata
Ikatatlumpung Kabanata
Ikatatlumpu't isang Kabanata
Ikatatlumpu't dalawang Kabanata
Ikatatlumpu't tatlong Kabanata
Ikatatlumpu't apat na Kabanata
Ikatatlumpu't limang Kabanata
Panghuli
Playlist

Ika-sampung Kabanata

114 2 5
By red_miyaka

Pangsampung Kabanata

Kamay

"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong ko kay Vin paglabas ko ng cr habang pinupunasan iyong buhok ko. Ngayon lang ako nakaligo, kadiri. Pero maski iyong iba ko namang kaibigan ay hindi pa yata naliligo kaya okay lang. Hindi naman kami nag-aamuyan.

"Hmm." Tumalikod siya at yumakap ng unan. Ngumuso ako at bumalik sa cr para isabit ang tuwalya. Lumabas uli ako at nilapitan si Vin na nakapikit pero bahagyang nakangiti. Labas na naman ang dimple. Sarap kurutin.

"Vin." Umupo ako sa gilid ng kama kung saan siya nakaharap. Nakaside view lang ako sa kanya at hinawi ko ang buhok niya. Ang haba na rin at nakaharang pa sa mata niya. May bangs kasi siya.

Gumalaw siya ng kaunti. Kinapa ko uli ang leeg niya para tignan kung mainit siya. Kumpara kanina, medyo bumaba naman ang temperatura niya.

"Vin." Tawag ko uli sa kanya. Kumunot lang ang noo niya. Bumuntong hininga na lang ako at hinayaan muna siyang matulog. Tumayo ako at lumabas ng kwarto para tignan uli ang mga kaibigan ko -- na bagsak na naman pala. Tulog na naman halos lahat sila. Sina On st Zil ay hindi tapos naglalaro pa sila ng ketchup-an. Napailing na lang ako at hindi na sila pinansin.

Pumunta ako sa ref para uminom na lang ng tubig. Naisip kong dalhan si Vin pero hindi malamig iyon. Pumasok uli ako ng kwarto at umupo sa tabi niya. Pinatong ko ang tubig sa drawer kung saan nakapatong ang planggana.

"Vin, gusto mo tubig?" Tanong ko at hinawakan ang balikat niya. Gumalaw uli siya paharap sa'kin. Nagulat ako nang hawakan niya iyong kamay ko.

"Gusto kita.." Bulong niya. Napangiti ako at marahang hinaplos ang kamay niya gamit ang thumb ko. Hindi ko alam kung gising na siya pero nakangiti siya at nakapikit. Hinayaan ko na lang muna siya.

Pinagmasdan ko siya -- mukha siyang anghel. 'Yung panlabas niyang anyo pati na rin ang panloob. Hindi ko alam kung paano ko siya nagawang tiisin noong una kahit na alam ko namang gusto ko pa rin siya. Ayon lang, hindi pa ako sigurado kung ganoon ko pa siya kamahal katulad dati. Maraming nangyari, at kahit man may paliwanag na ang nagawa niya noon ay hindi ko pa rin maiwasang maisip 'yon. Marami namang sigurong pwedeng paraan? Bakit kinailangan niya pa akong saktan? Bakit kailangan ganoon pa? Nabaliw na ako kaiisip no'n noong highschool pero ngayon lang nasagot.

Naiintindihan ko naman siya, lahat ng dahilan niya. Pero siguro, hindi pa ako handa. Hindi pa ako handa ulit. Naalala ko uli ang sinabi niya kagabi, nililigawan niya raw ako? Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Tumayo na lang ako at nangaya. Hindi ko alam kung anong naramdaman niya no'n pero sana maintindihan niya ang pinanggalingan ko. Mababaw, siguro. Pero hindi naman nababawi no'n ang lahat ng nangyari.

"Vin, kausapin mo naman ako!" Sigaw ko habang nakatalikod siya sa'kin at halos nasa kabimang dulo na. Nasa gitna kami ng hallway at mabuti na lang ay nasa klase pa rin ang lahat. Mukha kasi akong tanga rito.

Napatigil siya. Tatakbo na sana ako papunta sa kanya pero ni hindi man lang siya lumingon sa'kin. Ang sakit. Ang sakit sakit.

"Vin.." Tawag ko uli sa kanya. Patuloy ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko.

"Vin, ano bang nangyari sa'tin? Pagod ka na ba sa'kin? May ginawa ba akong masama?" Humihikbi kong sabi. Para na akong tangang nagmamakaawa rito pero siya ay parang tuod lang na nakatayo.

"Putangina naman, Vin! Kung may problema tayo, sabihin mo! Hindi ganito! Hindi 'yung hindi mo ako pinapansin sa chat man o sa totoong buhay!" Sigaw ko na sa kanya. Hindi pa rin siya lumilingon pero nandoon pa rin siya sa kinatatayuan niya.

"Puñeta naman, oh." Napasabunot ako sa sarili ko. "Mahal kita Vin, eh. Mahal na mahal kita..." Bulong ko. Hindi ko alam kung narinig niya pero may sinabi siya -- na hindi ko kayang tanggapin.

"Tama na, Jana. 'Di naman kita mahal. Naawa lang naman ako sa'yo." Sabi niya bago pumasok sa room niya. Napaupo ako sa sahig at napasabunot sa sarili ko. Mukha akong kinawawang bata. Wala akong pake sa itsura ko pero putangina naman, bakit gano'n? Nakakaawa lang pala ako. Lahat pala ng ginawa niya sa'kin ay dahil lang sa tanginang awa?!

Naluha ako dahil naalala ko ang pangyayaring iyon. Matapos ko siyang iblock sa messenger ay kinompronta ko siya nang sabay kaming lumabas ng classroom para mag cr sana. Napaiyak kasi ako nang makita siya. Hindi kami magkaklase kaya ang labong mag-usap kami. Kapag kasi nilalapitan ko siya ay agad siyang aalis. Hindi ko makalimutan ang sinabi niya no'n at paulit-ulit iyon sa utak ko hanggang sa magtapos kami ng grade 12. Naalala ko uli tuloy. Gusto ko siyang tanggalin sa utak ko dahil wala naman na iyon, 'diba? Nakaraan na 'yun eh. Tapos na 'yun, eh.

Pinunasan ko ang luha ko. Kinuha ko na lang ang cellphone kong nasa bag na nakalapag sa sahig para libangin ang sarili ko. Bago pa ang iilang memorya sa utak ko dahil ngayong taon lang din naman iyon nangyari. Ang bilis pala talaga ng panahon.

Kumunot ang noo ko nang makita ko ang pangalan ni Andrea sa screen na tumatawag. Agad kong sinagot iyon.

"Jana?"

"Bakit?"

"Is Vin with you?"

"Huh? Oo, bakit?"

"Uh.. Tita's asking eh. I know naman na nagpaalam siya kasi I was at your party last night. I don't know why she's asking now.."

"Hala, kailangan niya na bang umuwi? Pauuwiin ko siya.."

"No! I will tell her na lang. Baka she missed something lang."

"Sure ka ba diyan?"

"Yes naman! Take care of Adam, ha. Bye!"

Binaba niya na iyong tawag pero ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Kinabahan ako bigla dahil sa mama ni Vin. Alam kong hindi siya strikto pagdating sa mga ganito pero hindi ko alam bakit sumama bigla ang pakiramdam ko. Sinabi naman ni Vin, eh. Tinanong ko siya kagabi. Naalala ko rin namang sabi niya ay basta magpaalam okay lang sa nanay niya. Sana nga, dahil ako ang kinakabahan.

"Jana?" Napalingon ako sa kanya nang tawagin niya ako. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko kaya lumapit ako lalo sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko dahil nagtaka ako bigla sa inaksyon niya.

"Anong oras na?"

"10:30 pa lang." Ani ko nang tignan ang oras sa phone ko.

"Okay." Pumikit uli siya. Kumunot ang noo ko dahil ang random naman. Gusto ko sanang tanungin kung alam ba ng mama niya kung hanggang anong oras siya rito pero mukhang nakatulog na naman siya ulit. Bumuntong hininga ako at inayos ang bimpo sa noo niya. Sana naman ay walang mangyaring masama. Wala naman siguro. Nagooverthink lang na naman ako.

Ngumuso ako at kinuha ang phone ko. Ang hirap dahil isang kamay lang ang gamit ko. Masyadong mahigpit ang hawak ni Vin sa kamay ko at nahihiya akong alisin iyon kaya 'wag na lang siguro. Nagscroll na lang ako sa facebook nang may biglang magnotif sa messenger.

Nanlaki ang mata ko dahil naalala kong may kailangan pa akong tapusin na project. Shit, ang bobo! Chill lang ako rito tapos may kailangan pa pala akong gawin. Matatapos ko naman siguro iyon mamaya, sana. Mamayang 3 ay uuwi na ako para magawa ko iyon.

Naalala ko uli ang sinabi ni Andrea. Paano ko pala iuuwi si Vin kung may lagnat 'to? Baka pagalitan pa ako ng mama niya o ng pamilya niya. Ako ang mananagot dahil ako ang nagpaparty. Nanlamig ako bigla. Sana gumaling na si Vin maya-maya, hindi lang dahil kinakabahan ako kundi para na rin sa kanya. Paano siya papasok bukas kung may sakit pa rin siya? Sa pagkakaalam ko pa naman ay napaka grade conscious nito. Lagi nga siyang perfect attendance noon, eh.

Pinakiramdaman ko uli ang leeg niya para tignan kung may sakit pa siya. Sinat na lang siguro iyon. Kinuha ko ang thermometer sa gilid at nilagay iyon sa kanya. Nang tumunong iyon ay lumuwag ang hininga ko nang makitang 37.5 na lang. Mabuti na lang at mabilis siyang gumaling.

--

"Maxzille!" Napatakip ako sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ni Amarie. Nagluluto na siya ulit at nagpaluto pa ako ng sabaw sa kanya para mapakain kay Vin.

"Ano?" Napalingon ako kay Zil na mukhang sabog dahil sa buhok niyang magulo. Kumuha na lang ako ng bowl at pumunta sa tabi ni Amarie para kunin na iyong kaldero na may lamang sabaw. Tapos na yata iyon kaya sumandok na ako.

"Gisingin mo na nga 'yang mga 'yan. Kumain na." Sabi ni Amarie habang tinatapos ang niluluto niyang manok. Natakam ako bigla pero mamaya na lang siguro. Kinuha ko na ang bowl at pumasok na uli ako sa kwarto. Nagulat pa ako nang makitang nakaupo na si Vin.

"Kain?" Tanong ko at umupo sa tabi niya. Ngumiti siya at tumango. Para siyang bata. Ang cute.

Hindi ko alam kung susubuan ko pa siya pero binigay ko na lang ang sabaw sa kanya. Siya na lang mag-isa ang kumain habang lumabas na ulit ako para kumuha na rin. Pumasok na ako agad para masamahan ko si Vin.

"Hinahanap ka yata ng mama mo?" Sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo niya.

"Nagtext naman ako, ah?"

"Sabi ni Andrea, eh."

Umiling na lang siya. "Ano ba 'yan si Andeng.." Bulong niya pero narinig ko naman. Halos matawa uli ako dahil ang cute nilang magpinsan.

Matapos kumain ay kinuha ko na rin pati ang kay Vin. Si On naman na ang maghuhugas ngayon. Nagligpit ako ng gamit ko dahil maya-maya ay uuwi na rin ako. Kailangan ko na rin tapusin ang project ko.

"Uwi ka na?" Tanong ni Vin. Gising na siya at medyo wala na ang lagnat niya.

"Mamaya. Sabay na ako sa'yo." Sabi ko. Tumango siya at kinuha ang phone niyang nasa bulsa niya.

"Hinahanap pala ako ni mama.." Kinamot niya ang kilay niya.

"Hala, uwi ka na kaya?" Sabi ko at medyo nataranta. Ngumiti siya at ginulo iyong buhok ko kaya napasimangot ako.

"Cute mo. Nagsabi naman na ako sa kanya na may ihahatid ako." Nanlaki ang mata ko.

"Ha?"

Natawa siya bahagya sa naging reaksyon ko kaya napanguso na lang uli ako.

"Okay lang. Alam niya namang may hinahatid ako pero hindi niya naman tinatanong gaano dahil iniiba ko ang topic." Ngumiti siya ulit. Sumingkit ang mata niya lalo. Kinagat ko na lang ang dila ko.

"Okay." Tanging nasagot ko.

--

"Thanks for coming!" Ani Zil habang nakatayo sa harap ng elevator. Napagpasyahan na lang namin umuwi ng sabay sabay at naligo na rin sila bago lumabas. Dapat lang, 'no.

Katabi ko si Vin ngayon na mabuti na lang at medyo maganda na ang pakiramdam. Nakakahinga na ako ng maluwag. Sasabay ako sa kanya at ang iba ay sasakay na lang ng grab pauwi dahil iba ang daan ng mga may kotse. Si Vin kasi ay may daan mula sa bahay namin papunta sa kanila. Medyo malayo pero deretso lang naman.

Nagpaalam na kami sa iba at dumeretso na sa parking. Umupo na agad ako sa shotgun seat at naglagay ng seatbelt. Pinakiramdaman ko pa uli ang leeg at noo ni Vin pagsakay niya.

"Buti mabilis ka gumaling." Sabi ko nang magsimula siyang magdrive.

"Magaling kasi ang nag-aalaga." Ngumiti siya habang deretso ang tingin sa daan. Ngumuso na lang ako at kinagat ang dila ko.

"Hilig mo naman bumanat."

"Sa'yo lang naman."

"Korni mo."

"Sa'yo lang din." Kinagat ko na lang ang dila ko at binuksan ang sa radio niya dahil hindi ko na alam ang sasabihin. Buti na lang at alam ko ang mga kanta kaya sumasabay ako.

"Ingat ka, ha." Sabi ko kay Vin nang makarating malapit sa bahay. Hindi muna ako umalis sa upuan ko.

"Oo naman. Gusto pa kita makita, 'no." Kumindat pa siya. Umirap na lang ako at nagpaalam na uli sa kanya.

Pumasok ako ng bahay na halo-halo ang nararamdamang mga emosyon. Hindi ko rin alam kung bakit.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 35K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
100K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
80.1K 3.1K 40
WEST AVENUE SERIES #1 (COMPLETE) Maria Zoella Santiaguel believes that you can make something work as long as you have a not just good, but strong re...
LOWKEY By riri🌙

Teen Fiction

305K 14.2K 64
Lies and broken promises, temporary feelings and ruined relationships. Kelsey's view of love was long tainted after being a product of a broken famil...