The Brightest Shooting Star (...

By red_miyaka

6.3K 150 126

Luziel Janaria Clementine always hoped for the boy she loved, although she admired him from afar. Kumbaga, um... More

Disclaimer
Shooting Star
Panimula
Ika-unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ika-apat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-anim na Kabanata
Ika-pitong Kabanata
Ika-walong Kabanata
Ika-sampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing dalawang Kabanata
Ikalabing tatlong Kabanata
Ikalabing apat na Kabanata
Ikalabing limang Kabanata
Ikalabing anim na Kabanata
Ikalabing pitong Kabanata
Ikalabing walong Kabanata
Ikalabing siyam na Kabanata
Ikadalawampu't na Kabanata
Ikadalawampu't isang Kabanata
Ikadalawampu't dalawang Kabanata
Ikadalawampu't tatlong Kabanata
Ikadalawampu't apat na Kabanata
Ikadalawampu't limang Kabanata
Ikadalawampu't anim na Kabanata
Ikadalawampu't pitong Kabanata
Ikadalawampu't walong Kabanata
Ikadalawampu't siyam na Kabanata
Ikatatlumpung Kabanata
Ikatatlumpu't isang Kabanata
Ikatatlumpu't dalawang Kabanata
Ikatatlumpu't tatlong Kabanata
Ikatatlumpu't apat na Kabanata
Ikatatlumpu't limang Kabanata
Panghuli
Playlist

Ika-siyam na Kabanata

107 3 6
By red_miyaka

Pangsiyam na Kabanata

Bimpo



"Aw!"

Napadilat ako bigla nang marinig iyon. Kinusot ko pa ang mata ko bago tuluyang dumilat. Lumingon ako sa kanan ko at nakita si Zil na nasa tabi ko habang hawak ang ulo. Si Amarie naman ay nakatayo rin sa tabi niya.

"Ayan, kasi! Dami mong ininom, eh! Sige, magdusa ka sa hangover mo ngayon!" Sigaw sa kanya ni Amarie na may hawak pang spatula. Nakasimangot lamang si Zil habang hinihimas pa rin iyong ulo niya.

"Morning, Jana." Napalingon naman ako sa kabila. Si Bianca ay may hinihipan pang kape at nakaupo na roon. Bumangon ako at agad na nahilo. Mag-uunahan pa yata kami ni Zil sa cr. Pero nakita kong tumakbo na siya roon at agad na pabagsak itong sinara. Sa dami ba naman ng ininom niya kagabi, eh.

"Morning, Biancs." Sagot ko nang maalala na hindi ko pa pala siya nasagot. Bumukas naman na ang pinto ng cr at napaupo agad si Zil sa kama habang nakahawak pa rin sa ulo.

"Puta, ang sakit ng ulo ko. Dapat pala nagbaon ako ng asukal kagabi." Reklamo niya. Tumingin ako sa kabila at nakitang naroon pala sa kutson sina Ivy, Bria, Leila, at Max na mga tulog pa. Si Amarie pa lang yata iyong maayos na nagfufunction sa amin, eh.
Pati pala si Bianca.

"Oh, ito na po request mo." Pumasok uli si Amarie na may dalang baso. Nangunot ang noo ko dahil may laman iyon na luya.

"Salamat! Love u!" Sigaw sa kanya ni Zil. Umirap lang si Amarie na nakapameywang at lumabas uli.

"Ano 'yan?" Tanong ko kay Zil.

"Ginger tea." Sagot niya at uminom.

"Effective?"

Tumango siya. "Nakakawala ng hilo."

"Sala--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla akong napatakbo sa cr. Hindi ko rin ito sinara at sumuka na lang ako. Medyo gumaan ang pakiramdam ko pero talagang nahihilo pa rin ako. Humarap na lang ako sa salamin ng cr ni Zil at naghanap ng mouth wash. Hindi ko kasi alam kung nasaan iyong bag ko kaya hindi ako makapag toothbrush. Lumabas na lang ako ng cr at dumeretso uli sa kama.

"Hoy, tapos na 'ko magluto. Gising!" Binato ni Amarie ng unan sina Ivy.
Si Ivy ay gumalaw ng bahagya pero tumalikod din agad. Si Leila, 'di man lang gumalaw. Si Brianne ay kinusot na ang mata at umupo na. Si Maxine ay minura lang si Amarie.

"Sige, mga 'di babangon diyan, bahala kayo maubusan ng pagkain." Sabi uli ni Amarie. Napabangon bigla si Max tapos hinampas ni Max si Leila na tulog mantika pa rin. Natawa na lang ako sa kanila pero naramdaman ko na naman ang pagkahilo ko. Si Zil ay kalmado lang sa tabi ko at ganoon din si Bianca.

"Saan luya mo, Zil?" Tanong ko kay Zil at tumayo. Tinignan niya ako at tumayo na rin pero pinuntahan muna si Amarie.

"May tira pa?" Tanong niya. Tumango si Amarie at tinuro ang labas habang hawak pa rin iyong spatula niya.

Lumabas si Zil. Napansin ko iyong damit ko at nagtaka ako dahil nag-iba ito. Pati rin 'yung sa iba. Sino nagpalit sa'min? Pinalitan ko ba sarili ko? Wala pa akong maalala.

Sinundan ko na lang palabas si Zil. Grabe, ang tangkad ng babaeng 'to! Hanggang ilalim lang ako ng tenga niya. Siya pinakamatangkad sa girls pati na rin si Max. Kailan kaya ako tatangkad?

Lumingon ako dahil narinig kong bukas na iyong tv. Sumingkit pa ang mata ko dahil nakita ko iyong boys na naglalaro na. Pakiramdan ko ay si Vin ang nagdala ng video game dahil noong high school pa lang kami ay ganyan iyong bonding nilang boys. 'Di ko na lang sila pinansin at naupo ako sa stool sa parang mini bar ng kusina ni Zil. Hanggang dito, may mga bote pa rin siya ng alak. Jusko, tuwing stressed yata ito ay umiinom ng alak, eh.

"Oh." Inabutan ako ni Zil noong ginger tea. Uminom na lang ako ro'n at maya-maya pa lumabas na sina Amarie mula sa kwarto.

"Ayaw niyo pa gumising!" Sigaw ni Amarie. Napalingon tuloy iyong mga lalaki. Napailing na lang ako at napangisi. Napansin ko rin na wala na pala si Anton. Bigla na lang talagang nawawala iyon.

Patuloy lang ang pag-inom ko nang bigla akong tabihan ni Vin. Halos mabuga ko pa iyon dahil parang mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Paano kasi, magulo ang buhok niya at wala siyang suot na glasses, tapos ay nakashirt siya at shorts. Rumupok yata uli ako bigla.

"Okay ka na?" Tanong niya. Natulala pa ako ng kaunti sa kanya bago bumalik sa wisyo.

"Ah, o-oo." Sagot ko at nag-iwas ng tingin. Mapungay pa rin kasi iyong mga mata niya.

"Aga-aga naglalandian kayo." Sabat ni Zil na nasa gilid pala namin at umiinom pa rin. Inirapan ko siya at pinakyuhan. Naka messy bun na siya at nakasuot ng oversized shirt tapos maikling shorts.

"Akala mo naman 'di naglandi kagabi." Sabat ni Max. Nangunot naman ang noo ni Zil.

"Ha? Anong nangyari kagabi?" Tanong niya. Natawa si Amarie roon. Maski ako ay nagpigil ng tawa kasi walang maalala si Zil sa ginawa niya kagabi.

Tinignan ko si Off at nakitang nakaupo lang siya roon sa upuan sa may table, bahagyang namumula pa ang tenga. Hindi naman yata siya masyadong nalasing kagabi kaya naalala niya siguro lahat.

"Ano ginawa ko kagabi?!" Sigaw na ni Zil at naupo sa tabi ni On. Lalo siyang namula kaya nagtataka pa rin si Zil.

"Bakit ka namumula?" Kunot noong tanong nito.

"Ah, w-wala." Nauutal nitong sabi at tumayo para kumuha na lang ng pagkain. Panay naman ang pag-aasar nina Franco at Mateo sa kanya.

"Bakit mo raw kasi hinalikan!" Sigaw ni Mateo kay Zil. Lalong nangunot iyong noo ni Zil at hinawakan pa ang labi niya. Natawa ako sa kanya at gusto ko na lang siya batukan dahil sa itsura niya. Kinagat niya na lang labi niya.

"Pa'no halik?" Asar ni Franco. Pinakyuhan siya ni Zil. Si Bria naman ay niyakap ni Mateo.

"Ganito halik." Hinalikan ni Bria si Mateo sa ilong at natawa. Nakasimangot na tuloy si Zil dahil mukhang naalala niya na. Tumayo na lang din siya at kumuha ng pagkain. Agad na umupo si Off nang makita siyang tumayo.

"Ang aarte!" Sigaw ni Ivy na kalalabas lang ng kwarto. Pinakalate talaga siya magising sa amin. Natawa na lang ang iba.

"Wow, gising ka na!" Sarkastikong sabi ni Eliott.

"Okay?" Sagot na lang ni Ivy at umupo na lang din sa isa pang stool na katapat ko.

"Kumain na nga kayo. Sino maghuhugas?" Tanong ni Amarie. Nakaupo na lang siya sa sofa at hawak ang phone niya. Tapos na rin yata siyang kumain.

"Huling matapos, maghuhugas!" Sabi ni Zil. Lahat tuloy ay nagmadaling kumuha ng pagkain. Umirap na lang ako at hinayaan sila. Ako na lang maghuhugas. Tinatamad pa akong kumuha, eh.

"Kain ka na." Tumingala ako dahil biglang naglapag si Vin ng plato sa harapan ko. May hotdog doon pati scrambled, tapos kanin. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya nginitian ko siya.

"Thank you!" Sabi ko sa kanya. Tipid lang siyang ngumiti at lumabas na naman iyong dimple niya. Ang cute talaga, nakakairita. Nahuhulog na naman ako.

"Sana lahat." Ani Franco. 'Di ko na alam kung anong nangyari sa kanila ni Nicolette.

"Gusto mo rin ba, babe?" Sabi ni Eliott at tinapat ang kutsara sa bibig ni Franco. Kinain naman iyon ni Franco at nagthumbs up pa. Mga baliw talaga.

"Love, ako rin?" Sabi pa ni Bria kay Mateo at tumingala. Umiling na lang si Mateo at ginulo ang buhok ni Bria. Napanguso na lang si Bria at nagsimulang kumain. Nakaupo kasi siya sa tapat naman ni Vin at nakatayo lamang si Mateo na kumakain din. Bale, si Eliott, Franco, Max, Leila, Bianca, Zil at On ay naroon sa lamesa habang kaming lima ay nasa mini bar.

Kumain na kami. Nagmamadali iyong iba dahil mga ayaw maghugas. Sa huli, si Franco na lang ang naghugas dahil nag-iinarte ang iba.

Pagtapos kumain ay nagpaunahan pa kami sa sofa. Dalawa lang kasi iyon kaya ang iba ay naupo na lang sa sahig. Buti na lang may mat doon. Nagnetflix kami at nagbato pa ng chips si Zil.

"Dead kids na nga lang kasi!" Sabi ni Zil.

"Dapat nakakatakot!" Ani naman ni Amarie.

"Edi insidious na lang." Sabi ni Maxine. Ayon ang pinili namin at natatawa pa kami sa reaksyon ng mga lalaki dahil sila pa iyong takot. Lalo na si Mateo na nakasiksik na kay Brianne at si Bria na umiirap lang. Si Franco naman ay may yakap na unan.
Duduwag naman.

Tahimik lang akong kumakain ng chips habang nanonood. Wala pa naman sa nakakatakot na part, eh.

"Mama!" Napasigaw ako bigla. Bakit naman kasi gano'n?! Natawa naman sina Zil at hinampas pa ako. Aray, ha. Masakit. Ako na nga nagulat ako pa nahampas!

Pinigilan ko ang sarili kong sumigaw uli. Binigay ko na ang chips kay Zil na tahimik lang. Wala kasi siyang reaksyon habang nanonood at tumatawa lang kapag nagugulat kami.

"Ayoko na!" Sigaw ko ulit at niyakap ang legs ko. Nilagay ko na lang ang mukha ko roon dahil ayoko na talagang manood. Baka masapak ko si Vin o si Zil na nasa tabi ko.

Naramdaman kong nilagay ni Vin ang braso niya sa likod ko. Hindi ko tuloy alam kung sasandal ako o hindi kasi nahihiya ako.

"Tapos na ba?" Tanong ko nang makaidlip ako. Limang minuto lang yata iyon.

"Oo, 'te." Sagot ni Zil. Binaba ko iyong legs ko at sumandal. Naramdaman kong may braso sa likod ko kaya kumunot ang noo ko. Ah, oo nga pala. Si Vin pala iyon.

"Ano 'yan?" Tanong ko. Matagal ko pang tinitigan iyon bago malaman na dead kids pala iyon, 'yung kinababaliwan ni Zil ngayon. Crush na crush niya iyong lalaki, Blancs yata pangalan? Ewan ko basta bukambibig niya 'yon sa gc namin. Puro parinig nga si On na nagseselos siya pero wala namang pakeelam si Zil.

"Ang pogi naman ni Uy." Komento ko.

"Grabe, halatang-halata mga tipo mo, ah." Sabi ni Zil. Kumunot ang noo ko.

"Ha?"

"Pagong ka?" Pambabara nito sa'kin kaya napasimangot ako. Ang taray naman nito! Tumulala pa ako saglit bago natanto kung ano ang sinasabi niya. Maputi, matangkad, chinito pati nakaglasses. Ngumuso na lang ako.

Nanahimik na lang ako at nanood. Ang ingay-ingay pa nina Mateo at Franco dahil puro sila 'ang angas' pati 'oh ang galing'. Parang mga bata talaga, hay.

Nang matapos ay puro naman reklamo ang iba. Bakit daw gano'n ang ending. Si Zil ay marami pang inexplain kaya lumalim pa ang usapan namin tungkol doon.

"Laging panalo ang mayaman at koneksyon. Laging kawawa ang mga mahihirap." Sabi ni Zil. Napatango kami lahat. Ang lalim niya talaga mag-isip simula pa high school at mas lumawak pa ngayong nasa UP na siya.

Buti na lang at bukas ang isip naming lahat sa grupo. Walang close minded at mga judgmental. Mabuti na lang.

"Gusto mo?" Alok ko kay Vin dahil kanina pa siya tahimik. Ang unusual dahil nakikisabay naman siya sa usapan namin lalo na kapag ganito.

Umiling siya. Kumunot ang noo ko at kinapa ang leeg niya. "Ang init mo!" Sabi ko habang nanlalaki ang mata. Umiling lamang siya at umubo-ubo.

Napalingon sina Zil sa amin. "Zil, may yelo ka?" Tumango siya at tinuro ang ref. "May planggana ka?" Tanong ko ulit at tinuro niya naman ang terrace. Kinuha ko naman ang planggana roon sa terrace.

"Jowa duties." Komento ni Max. Umirap na lang ako at dumeretso sa lababo para lagyan ng tubig ang planggana at yelo. Pumasok ako sa kwarto at hinalungkat ang cabinet ni Zil hanggang sa makahanap ng bimpo. Nilagay ko ang bimpo sa planggana at nilapag iyon sa gilid ng kama ni Zil bago tumayo sa harap ni Vin.

"Humiga ka nga muna sa kwarto ni Zil." Demanda ko habang nakapamaywang.

"Ay, kayo ah." Ani Eliott.

"Wild naman pala." Sabat ni Amarie.

"Tanga, may lagnat kasi 'yung tao!" Depensa ko at umirap. Nagtawanan na lang sila kaya nilingon ko pa uli si Vin na nakaupo pa rin sa sofa at may yakap nang unan.

"Tayo na." Hinawakan ko ang braso niya at pilit na pinapatayo. Syempre, hindi ko magawa. Ang bigat!

"Tayo na?" Ulit niya habang nakapikit. Pinitik ko iyong noo niya.

"Sinasabi mo? Tumayo ka na nga." Pilit ko uli sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi sumunod. Panay ang pang-aasar sa amin ng CG at hinayaan ko na sila. Pinahiga ko si Vin sa kama pero iniwan kong bukas ang pinto.

"Madam baby, first time ko 'to.." Bulong niya. Lumingon ako sa kanya at nakitang nakangisi pa siya habang nakapikit. Binasa ko siya ng malamig na tubig.

"Uy!" Sabi niya at nagtalukbong sa kumot. Natawa ako. Para siyang bata, pero ang cute.

Tinanggal ko ang kumot niya hanggang doon sa balikat. Tinanggal ko rin ang glasses niya at pinaharap siya sa'kin.

"Huwag ka makulit. Lalagyan kita nitong bimpo." Ani ko. Umayos naman siya ng higa kaya nilagay ko na iyon sa kanya.

"Matulog ka muna diyan. Bibili na lang ako ng gamot, o hahanap na lang ako rito. Lalabas muna ako." Sabi ko nang matapos ko ayusin ang pagkakalagay ng bimpo. Tumayo ako sa kama pero agad niyang hinila ang kamay ko kaya napaupo ako at muntik pang mapahiga.

"Huwag mo na 'kong iwanan."

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 176K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
74.5K 1.9K 43
WAR #2: IN THE MIDST OF THE WAR -- "In the midst of the war you came... and changed everything." -- [ completed ]
45K 1.4K 33
WAR#3: WHISPERS OF THE WAR -- "Listen to it, the whispers inside of me. The whispers of the war..." -- [ completed ]