Maid Of Wilson Brother's (Com...

By -Kimmy22

3.2M 51.6K 3.4K

Si Danica Ramirez ay ulila nang lubos kaya naman napag pasyahan nya na magtrabaho sa dating amo ng kanyang in... More

CHAPTER 1
Flashback
Chapter 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
Chapter 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
Chapter 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
CHAPTER 15
Chapter 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
Chapter 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
Chapter 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 34
CAST OF MAID OF WILSON BROTHERS

CHAPTER 33

74.4K 1.1K 49
By -Kimmy22

Matapos kong ma i dial ang number ni Jerome ay nanatili akong tulala sa silid ni Dek. Iwan pa din sa kanyang silid ang kanyang amoy. Nasan kaya sya? San kaya sya pupunta? Pano na ang Hotel namin? Hindi ko kayang mag manage mag isa nun! Hayst. Dinampot ko ang aking telepono at tinipa ang numero ni Benedict.

Nakailang missed call na ako sa kanya ngunit nag riring lang ito hanggang sa huli kong tawag ay di ko na ito makontak marahil ay pinatay nya ang kanyang cellphone.

"Dani" tawag ng isang lalaki mula sa likuran ko. Lumingon ako dito at nakita ko si Jerome na nakasandal sa pintuan habang nakamasid sakin.

"Je-jerome! Kanina ka pa ba jan?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Kararating ko lang" aniya at humakbang patungo sa kinauupuan ko. Nang nasa tapat ko na sya ay marahan itong yumuko at marahan nitong dinampi ang kanyang labi sa aking noo. Habang ako ay napapikit at dinama ang ginawa nya.

"Goodmorning babies" aniya at umupo sa harapan ko upang himasan ang aking tiyan na nag uumpisa nang umumbok.

"Nag breakfast ka na?" Tanong nya sakin habang nakatitig saking mga mata.

"Hi-hindi pa" utal kong saad sa kanya sabay iwas ng tingin.

Bumuntong hininga sya sabay tayo at hinila ako palabas ng condo.

"San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya ng makasakay kami ng kotse.

"Kakain" tipid nyang sagot tsaka isinuot sakin ang seatbelt.

Hindi ko na sinundan pa ang pag imik, nanatili ang tingin ko sa labas habang sya ay nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.

"San ba tayo pupunta?" Binasag ng tanong ko ang katahimikan.

"Sa mansyon" aniya

"Bakit doon?" Tanong ko sa kanya.

"Please keep quiet DANICA!" Saway nya sakin.

Humalukipkip nalang ako at inirapan sya.

Wala pang 20 mins ay nakarating na kami sa labas ng mansyon nila.

Sinalubong kami ng isang katulong nila.

"Sir Jerome na accident daw po sina Don at Donya" agarang bungad ng katulong sa min.

"What? Where's my brother?" Pasigaw na tanong nya sa babaeng kaharap.

"Nasa Taas po Sir" pagkasabi ng babae ay agad akong hinila ni Jerome papasok sa mansyon.

"Ipaghanda nyo sya ng makakain" utos nya sa babaeng sa palagay ko ay kasing edad ko lang na nagwawalis sa may Living.

Tumango ang babae at nagtungo na sa kitchen.

"Intayin mo ako dito" utos nya sakin at inalalayan nya akong umupo sa may sofa. Hinalikan nya ako sa noo bago sya nagtungo sa ikadalawang palapag ng kanilang mansyon.

Maya maya pa ay lumapit sakin si Piya na sya ang may dala ng Tray ng aking pagkain.

"Kamusta?" Bungad agad nya sakin pagkalapag ng tray sa lamesa na nasa harapan namin.

"Ayos naman ako, Ano nangyari kina Don?" Maagap kong tanong sa kanya.

"Uuwi sana sila dito kasi nalaman nilang magkakaapo na sila kay Jake at Jerome" umpisa nya at binigay sakin ang mangkong ng sopas.

"Tapos?" Tanong ko sa kanya bago ko tinanggap ang inaabot nyang mangkong.

"Nag crash yung sinasakyan nilang eroplano" dugtong pa nya. "Sa ngayon di pa nakikita mga katawan nila"

"Si Benedict umuwi na?" Pag iiba nya sa usapan.

"Kagabi kaso di ko naabutan kasi tuluyan na syang umalis sa condo" madamdamin kong salaysay sa kanya habang hinihigop ang sabaw ng sopas.

"Anong plano mo ngayon?" Tanong nya sakin at kinuha ang tubig na nasa tray sabay abot sakin.

"Di ko pa nga alam, Di ko alam kung ano ang gagawin ko sa hotel!" Ani ko at kinuha ang tubig na iniaabot nya.

"Dito ka ba ulit titira?" Nasamid ako sa kanyang winika.

"Ayos kalang?" Natatawa nyang tanong sakin.

"Oo ayos lang ako Piya, Sa ngayon di ko muna iniisip yung pagtira dito" ani ko

"Bakit naman? Mag kaka anak na kayo kaya pwede na kayong magsama" pagpapatuloy pa nya.

"Nicaaa" tawag ni Josh mula sa likuran ko.

Bumaling ako ng harap sa kanya, ngumiti sya sakin na agad ko namang ginantihan din ng ngiti.

"Kamusta na sina Don?" Tanong ko sa kanya.

"Nakipag coordinate na kami, nakita na yung katawan nila at kasalukuyan na nasa Ospital na sila" Ani Josh at nakipag beso sakin.

"Pupuntahan nyo?" Tanong ko sa kanya.

"Ako lang siguro" mabilis nyang sagot.

"Bakit?" Nag tataka kong tanong.

"Kasi susunduin ko lang naman sina Mame dun tas dito na sila magpapagaling" paliwanag nya.

Nakita ko ang pababa na si Jake at Jerome habang nakatingin samin.

"Nag breakfast ka na?" Tanong nya sakin at dahan dahang iginapang ang kamay paikot sa aking bewang.

"Oo tapos na" sagot ko sa kanya at medyo lumayo ng kaunti sa kanya ngunit mabilis nya din akong hinapit papunta sa kanya.

"Mag kaka anak na kayo pero nagkakahiyaan pa kayo sa isat isa" natatawang sabi ni Jake habang naka akbay kay piya.

Ngumisi lang si Jerome at hinila na ako paalis sa harapan ng kanyang mga kapatid.

"San ba tayo?" Inis na tanong ko sa kanya habang pa akyat kami sa hagdan.

"Aba tatlo na yan ha baka naman makagawa pa kayo" ani Jake na ikinatawa nina Josh at Piya. Habang si Jerome ay patuloy pa din ang paghila sakin.

Nilampasan namin ang kanyang silid na lalo kong ipinagtaka, dumiretso kami sa dati kong silid nung katulong palang ako sa kanila.

Bago nya pihitin ang doorknob ay pinapikit nya muna ako na sinunod ko naman.

"Open your eyes" malambing nyang bulong sakin.

Pagdilat ko ay hindi ko alam kung maiiyak pa ako o matutuwa sa nakikita ko.

Punong puno ito ng mga gamit para sa tatlo naming kambal sari saring mga pang baby na kagamitan ang nasa silid at pare pareho ito...

"Ako mismo ang nag ayos nito" masayang nyang sambit at niyakap ako galing sa likudan ko. Marahan nyang siniksik ang ulo nya sa mga leeg ko.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya habang hinihimas ang tiyan ko.

"Oo sobrang ganda nito Jerome" at tuluyan na akong napaiyak at napayakap sa kanya. Napakasaya ko parang kinukurot ang puso ko sa pinapakita nyang excitement na maging ama.

"Iloveyou DANICA" aniya at hinalikan ako sa noo.

Nginitian ko lang sya at lumapit ako sa mga gamit ng aking mga anak.

"Mas excited ka pa sakin" natatawa kong saad sa kanya habang nakatalikod.

"Danica?" Tawag nya sakin at paglingon ko lalo akong napaiyak ng makita syang nakaluhod.

"Will you be my WIFE?" seryoso nyang sambit.

Wala nang dahilan para tanggihan ko pa sya. Magkakaanak na kami at pinapatunayan naman nya sakin na karapat dapat na sya na maging ama para sa mga anak ko.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa mga kamay upang patayuin.

"Oo Jerome payag ako" masaya kong sagot sa kanya.

Tumulo ang luha nya sa mga mata at yinakap ako ng mahigpit.

"Salamat sa Chance na ito Danica para mapatunayan ko sayo at sa mga anak natin kung gaano kita ka mahal" Seryoso nyang sambit.

"Mahal kita Jerome" ani ko

"Hindi ko na sasayangin itong chance na ito Danica" at mabilis nya akong hinalikan sa labi.

Bumaba kami ng magkahawak kamay.

"Ano nakabuo ulit? Ang bilis ata ah" natatawang asar ni Josh

Itinaas ni Jerome ang kamay ko upang makita nila na nag propose sya sakin.

"Wow! Congrats again" natatawang saad ni Jake.

"Let's celebrate" ani Piya.

"Magsabay na kayo ni kuya jake magpakasal kuya Jerome" suggest ni Josh

Tumawa lang sina Jerome at jake at iginiya na kami palabas ng mansyon nila....

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 18.5K 41
Dice and Madisson
4.8K 583 36
I am an art lover person but I have no knowledge of making arts. I don't know but paintings and portraits really have a place in my heart, even thoug...
323K 6.9K 30
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na kung saan magkikita ulit kayo ng isang lalaking inalayan mo ng buong buhay mo noon? Lalaki na minahal mo...
8.5M 262K 68
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...