Chapter 2

109K 1.8K 67
                                    

Nagising ako sa tunog ng aking Alarm, kinukusot kusot ko pa ang aking mata habang papunta ako sa aking banyo...

Nagtaka ako ng makita sa aking Study Table ang isang Tray na may lamang FriedRice, itlog,hotdog,bacon, tubig at gatas.. at katulad kagabi ay may Note na naman ito GOODMORNING! EATWELL BABY.. napangisi ako.. Napaka sweet naman ni Josh di ko akalain marunong pala syang magluto...

Pagkatapos kung kumain ay naligo na ako at nagbihis ng uniform. Tumingin muna ako sa salamin at nang magustuhan ang ayos ko ay nagpasya na akong lumabas at dalhin ang Tray sa Dining.

Pababa na ako ng makita ko si Jake at Jerome sa sofa nakaupo at nag aantay..

"Si Joshua?" Tanong ko kay Jake,alam ko naman na hindi sasagot si Jerome e.

"Ayun at babago pang liligo, napaka bagal" ani Jake sabay baling sa dala kong Tray.

"Tinanghali siguro dahil pinagluto pa ako" ani ko at humakbang na papunta sa Dining..

Pagkabalik ko ay kumpleto na sila at nakatayo na..

"Joshua salamat nga pala sa Breakfast" ani ko sa kanya habang nakangisi.

"Huh?" Aniya na nagtataka

Nagkunot noo naman ako ngunit bago pa ako makapagsalita ulit ay nag salita na si Jerome.

"Let's Go" aniya at umuna na sa paglalakad.

Sumunod naman ang dalawa nyang kapatid, Kibit balikat nalang akong naglakad Tanggi pa si Josh e siguro nahihiya sa kanyang mga kapatid HAHAHA...

Sumakay na si Jerome sa Gray nyang Kotse, si Jake naman ay sa itim at kami ni Josh ay sa kulay puti nyang kotse...

Sabay sabay kaming pumasok sa school at hindi na nakakapanibago kung lahat ng atensyon ng babae ay nasa tatlong lalaking kasama ko..

"Hi Jerome Advance Happy Birthday" ani nung isang babae at nag abot kay Jerome ng isang Box na may lamang bracelet.

Nilampasan lang ito ni Jerome, napaka sama talaga ng ugali ng lalaking yun akala mo gwapong gwapo..

Umuna na sya sa paglalakad habang ito si josh humingi ng tawad dun sa babae, kinuha nya yung gift at sinabi nya na ilalagay nalang daw nya ito sa gamit ni Jerome ngumiti naman ang babae at umalis na...

Bakit ba lagi nalang si Josh ang humihingi ng tawad sa kanya! Ayy naku naman. Pano kaya sya napatino ni mama. Sabi kasi ni Joshua sakin sya ang pinaka close ni mama, malambing daw si Jerome kay mama bago daw ito umalis ay hinahalikan nya si mama sa pisngi. Pero parang walang bakas sa kanyang mukha ang pag kalambing.

Dumiretso na kami ni Josh maglakad, Lumiko sa kanan si Jerome at Josh kumaway muna si Josh sakin bago tuluyang umalis. Lumiko naman kami ni Jake sa kabilang banda mag kaklase kasi kami...

"Jake" ani ni Jenny.

"Jenny" sabay akbay.

"Next Week na Debut ni Jerome ah!" Aniya at naupo sa bandang likuran ko.

"Oo, And I Think All Of Students and Teachers In This School is Invited" aniya at umupo din sa likuran.

"Uuwi ba sina tita Clarita?"

"Yup"

Dumating na ang Proffesor namin at nag discuss na.

After 1 hr & 30 mins.

"Halika na Nica" ani Jake.

"Mauna ka na Jake dadaan pa ako sa Library e" ani ko sa kanya.

Maid Of Wilson Brother's (Complete)Where stories live. Discover now