CHAPTER 8

93.8K 1.4K 50
                                    

Danica POV.

Tumunog ang Alarm ko na kaagad kong pinatay.! Hinilot hilot ko pa ang aking sintido dahil sa sakit ng ulo. Napansin ko ang Gown na sinuot ko kagabi na nasa sahig. Nanlaki ang mata ko at inalala ang nangyari kagabi. Napatakip ang dalawa kong palad sa aking bibig...

Myghad! Nakuha nya! Nakuha nya!. Ano na ngayon!. Kainis naman!.

Napapitlag ako ng may kumatok sa pintuan. Dahan dahan akong pumunta dun at pinihit ang doorknob!. Para naman akong nakakita ng multo ng makita ang taong nasa labas.

"Goodmorning Danica!" Nakangiti nyang sambit habang dala ang tray ng pagkain at nakita ko din dun ang Notes na FROM NOW ON YOUR MY GIRL...

"Go-Goodmorning" utal kong sambit sa kanya.

"Breakfast?" Pagtatanong nya sakin sabay bahagya nyang itaas ang tray ng pagkain na mukhang pang aming dalawa.

Nag aalangan man ay pinapasok ko sya sa aking silid..

Marahan nyang nilapag yun sa aking study table at humarap sakin. Hinapit nya ang bewang ko at marahan na hinalikan ang mga noo ko...

"Je-jerome? May nangyari ba satin kagabi?" Paninigurado ko at bahagyang akong lumayo sa kanya. Hindi dapat ako ganito maghihiganti pa ako sa kanya pero bakit ngayon pa nangyari to!? E kaasar naman.!

Tumawa sya ng malakas at tsaka tumingin sakin na nakataas ang isang kilay.

"Wala ka bang naaalala?" Pagtatanong nya at patuloy sya sa paglapit ng mukha nya sa mukha ko.

"Sagutin mo nalang kasi!" At padabog akong umupo sa kama ko.

"Gusto mo ulitin natin?" At lumapit sya sakin sabay lagay ng dalawang kamay sa aking pisngi.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" Pagtataray ko sa kanya at pilit umiwas ng tingin dito.

"Ok! May namagitan sa atin kagabi, kaya pamula ngayon pag aari na kita dahil ako ang nakakuha."pagkasabi nya ay hinalikan nya ang aking Noo sabay punta sa study table ko.

"Pag aari?" Nakasimangot na tanong ko sa kanya!. Hindi pwedeng ganito! Hindi pwedeng ngayon ako maging mahina. Kailangan ko syang gantihan at pahirapan katulad ng ginawa nya sakin.

"Yup!" Sigurado nyang tugon at lumapit sakin dala ang tray.

"Hahahaha! Sa tingin mo papayag ako?" Insulto kong sambit sa kanya. Napanganga naman sya sa sinabi ko.

"What do you mean?" Salubong ang kilay nya habang nagtatanong.

"Simple lang naman! Hindi ikaw ang gusto ko at ayaw ko sayo lalo na diyan sa ugali mo" pasigaw na sambit ko sa kanya sabay tungo sa banyo ka agad ko itong ni Lock.

Tama ba yung sinabi ko sa kanya? Ano kaya? Maghihiganti o hindi? Naman! Kasura e.! Ang hirap na tuloy mag desisyon ngayon lalo na at may namagitan samin.! Naku naman! Ang pusok ko naman.!

Lumabas ako upang kunin ang towel ko ngunit paglabas ko ay nakita ko sya sa may pinto ng banyo na ambang kakatok..

"Nakalimu---" hindi ko na sya pinatapos at kinuha ko na agad ang tuwalyang hawak nya.

Ang hina ko ngayon palang nakokonsensya na ako grabe! Hindi ko na to kaya....

Nagumpisa na akong maligo at pagkatapos ko ay marahan kong binuksan ang pinto. Nakita kong wala na si Jerome sa silid ko at nakasarado na ang pinto. Lumabas ako upang magbihis na ! Nang matapos nang magbihis ay humarap ako sa salamin at nag lagay ng Pulbos sa mukha at liptint.

Pababa na ako sa hagdan ng makita kong nakaupo si Jerome sa sofa.

"Let's Go?" Nakangisi nyang sabi na parang walang nangyari kanina.

"Kay Josh nalang ako sasabay" pagtanggi ko sa kanyang alok.

"Sabi naman sayo kuya e" rinig kong sabi ni Josh mula sa Dining.

Tinitigan nya lang ng masama si Josh at bumaling ito ulit sakin.

"Please Dani" sambit nya Aba! Iniba yung Nickname ko.

"Josh tara na" pag aaya ko kay Josh at nilampasan ko na sya.

Kita ko din ang pagsunod samin ni Jake at pagsakay nito sa kanyang kotse. Hanggang sa makasakay na kami sa kotse ni Josh ay di ko pa rin nakikitang lumalabas si Jerome.

Nang makalabas na kami sa kanilang Gate ay hindi pa din sya lumalabas...

"Alam mo kakaiba si Kuya kanina pansin mo ba Nica?" Tanong ni Josh na parang naka pagpaestatwa sakin.

Kumaway sya saking harapan, natulala pala ako.

"Wa-wala namang bago!" At ginawi ko ang tingin sa labas.

"Naging ayos na patungo nya sayo" dagdag pa nya. Naku naman Josh wag ngayon...

"Nakonsensya siguro" sabi ko habang nakatuon pa din ang tingin sa labas.

"Bigla kang nawala kagabi?" Tanong nya. Bigla naman akong kinabahan sa kanyang tanong..

Sasagot na sana ako ng iparada nya ang kotse sa Parking Lot ng School.

"Nandito na tayo" sabi nya at ng lalabas na ako ay hinawakan nya ang mga kamay ko.

Tiningnan ko sya na parang nagtatanong kung bakit.!

"Nica I...I like You." Sabi nya at binitawan ang kamay ko sabay facepalm nahihiya ata tong kumag.
Naestatwa na naman ako, Una si Jake padalwa si Jerome at ngayon naman itong si Josh...

"HAHAHAHAHA! Nicee Joke, halika na nga malate na tayo e" sabi ko sa kanya at patuloy nang bumaba.

"Pe-pero Ni--"

"Halika na bilis" putol ko sa sasabihin nya at hinila na sya papasok sa school.

Mabilis akong tumungo sa classroom ko at umub ob ako sa aking upuan... Napa angat ako ng tingin ng may gumulo sa aking mga buhok.

"Jake?" At binigyan ko sya ng matalim na titig.

"Sorry, masyado ka namang seryoso" natatawa nyang sabi at tumabi sa aking pagkakaupo.

"Jake" tawag ni Carol mula sa likuran ko."Alam mo ba kung sino ang tinutukoy ni Jerome dun sa Speech nya kagabi?" pagtatanong nito.

"Hindi ko alam, Hindi naman kami masyadong close nun" sagot nya pero nakatitig pa rin sya sakin inirapan ko nalang sya at humalukipkip.

Maya maya pa ay dumating ang Prof namin at mabilis din itong nag class dismiss dahil daw sa gaganaping program sa Field.

Nag ayos muna ako sa Room bilang President, Inimis ko ang mga kalat at marahan na sinara ang pinto...

"Let's Go?" Nagulat ako ng makita si Jake sa gilid ng pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Obviously hinihintay ka! Sabay tayong uuwi diba?" Tugon nya sakin at mabilis na hinila papunta sa Field na pinangyayarihan ng Program...

Halos Dalawang oras din kaming nanood ng kung ano ano palabas at ang anouncement para sa nalalapit na Mr. At Ms. Intramurals 2019.

Pagkatapos naming manood ay nagpasya na kami ni Jake umuwi dahil na din sa pagod. Nang nasa   bukana palang kami ng kanilang mansyon ay kita ko na ang mga basag na gamit sa Living Room..

Nakita ko din ang nga bagong yaya na nagtutulong tulong sa pag aayos ng mga nasirang gamit.. Mabilis ang pagpunta ni Jake sa mga katulong upang mag usisa ako naman ay naestatwa sa pintuan habang pinagmamasdan ang mga basag na gamit.! Si Jerome kaya ang may gawa nito? Dahil ba sa hindi ako sumabay sa kanya? Dahil ba sa pang babalewala ko? Hindi ko din naman sya nakita sa School hindi kaya hindi sya pumasok?! Ano naman kaya ang nangyari sa lalaking yun!.

Maid Of Wilson Brother's (Complete)Where stories live. Discover now