THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔

By GarnetSiren

307K 16K 1.4K

7BB シ " SEVEN BAD BOYS " More

SYNOPSIS
DISCLAIMER
CHAPTER 1 - The Bad Boys
CHAPTER 2 - First Encounter
CHAPTER 3 - Seatmates
CHAPTER 4 - Bully vs. Nerd
CHAPTER 5 - First Kiss
CHAPTER 6 - SuperSaiyan
CHAPTER 7 - Worried Bully
CHAPTER 8 - SaiRid Moment
CHAPTER 9 - Sweet Revenge
CHAPTER 10 - His Smile
CHAPTER 11 - Sigrid's New Hero
CHAPTER 12 - His Nanny
CHAPTER 13 - You're Safe
CHAPTER 14 - Pretending
CHAPTER 15 - Sigrid vs. Sugar
CHAPTER 16 - Danger zone
CHAPTER 17 - Rivalry
CHAPTER 18 - The Vizcondes
CHAPTER 19 - Trouble
CHAPTER 20 - Jealousy
CHAPTER 21 - Saiyan's Confession
CHAPTER 22 - Mad Shokoy
CHAPTER 23 - Nanny No More
CHAPTER 24 - Dancing Señorita
CHAPTER 25 - The Twins
CHAPTER 26 - New Job
CHAPTER 27 - Reminiscing the Past
CHAPTER 28 - Beginning
CHAPTER 29 - Accusation
CHAPTER 30 - Prank Gone Wrong
CHAPTER 31 - Shokoy's Love
CHAPTER 32 - The Truth
CHAPTER 33 - Preparations
CHAPTER 34 - Acquaintance Party
CHAPTER 35 - Moves like Saiyan
CHAPTER 36 - Unexpected Kiss
CHAPTER 37 - Necklace
CHAPTER 38 - Hidden keys
CHAPTER 39 - Never Give Up
CHAPTER 40 - Mission
CHAPTER 41 - Explosion of Hidden Secret
CHAPTER 42 - Mother 'n Son
CHAPTER 43 - DNA Result
CHAPTER 44 - Happy Family
CHAPTER 45 - The Bet
CHAPTER 46 - Pain of Yesterday
CHAPTER 47 - Starting Over Again
CHAPTER 48 - Emptiness
CHAPTER 49 - His Anger
CHAPTER 50 - Chocolate Cake
CHAPTER 51 - New Look
CHAPTER 52 - Enchanting Beauty
CHAPTER 53 - Magic Spell
CHAPTER 54 - Stolen Kiss
CHAPTER 55 - Magical Moment
CHAPTER 56 - The Almontes
CHAPTER 57 - Friends
CHAPTER 58 - First LQ
CHAPTER 59 - In Public
CHAPTER 60 - Kenshi's Heartbreak
CHAPTER 62 - Gummy Bear
CHAPTER 63 - Happiness to Disappointment
CHAPTER 64 - Tatay
CHAPTER 65 - Softhearted Shokoy
CHAPTER 66 - New Year ; New Battle
CHAPTER 67 - Camping
CHAPTER 68 - Fight Together
CHAPTER 69 - Trial
CHAPTER 70 - Wicked Plan
CHAPTER 71 - Wrong Move
CHAPTER 72 - Crying Shoulder
CHAPTER 73 - Family Bonding
CHAPTER 74 - Back To Reality
CHAPTER 75 - Time Flies So Fast
CHAPTER 76 - Daddy's Princess
CHAPTER 77 - Triumph
CHAPTER 78 - Bitter Prince
CHAPTER 79 - Letting Go
CHAPTER 80 - Betrayal
CHAPTER 81 - Goodbye
CHAPTER 82 - Alone Together
CHAPTER 83 - Just A Mistake
CHAPTER 84 - Good Bye
ANNOUNCEMENT!!

CHAPTER 61 - Worried

2.3K 139 6
By GarnetSiren

SIGRID’S POV :

“ ...be ready for our upcoming Christmas party, children.” ang tanging naintindihan ko sa mga sinasabi ng aming adviser. “Gusto kong mag-enjoy kayo bago ang holiday vacation ninyo so, I hope na lahat kayo ay nasa party.”

“Of course, Miss.” Chorus na sagot ng mga kaklase ko including the other members of 7BB at the back.

“Babe,” Mahinang tawag sa ‘kin ni Saiyan. “Sabay tayong a-attend, okay? Dadaanan kita sa inyo.”

Humabang bigla ang nguso ko. “E, kung sana may mag-volunteer isa man lang sa inyo ng mga kapatid ko para turuan akong mag-drive ng car, e, ‘di sana hayahay din ang life ko.” Sabi kong may halong pagtatampo.

“Not gonna happen, Lady.” Tugon niyang sinabayan pa ng kaniyang pag-iling. “Willing akong turuan ka but not now, Babe. Hindi ko isasapanganib ang kaligtasan mo kaya sorry, babe. Saka bakit ba gusto mong matuto? Nandito naman ako? I can be your driver you know.”

“Miss Vizconde and Mr. Almonte, Nakikinig ba kayong dalawa sa akin?” Ang adviser namin.

Agad naman akong pinamulahan ng pisngi at patagong sinamaan ng tingin si Saiyan. Bakit ba, e, siya naman kasi ‘tong nakipagdaldalan sa ‘kin.

“Yes, Miss. Of course.” Pigil ang tawang tugon ni Saiyan. “May tinanong lang naman po ako sa Girlfriend ko.”

“Ayaw ko ng mga PDA during class hours, Understand?”

“Napaka-killjoy mo naman, Miss.” Sagot ni Saiyan kaya hindi ko napigilan ang sarili kong sikuhin siya.

“Sai, ano ba?”

He pouted and I couldn’t suppressed a smile.

“Wear some comfy clothes dahil magkakaroon din tayo ng mga games, okay? Lalo na sa mga girls na mahilig magsuot ng mga sexy fitting dress.”

“Miss, Tama si Saiyan, Nakapa-KJ mo.” ani ng isa naming kaklaseng babae. “Party kaya ‘yon tapos bawal magsuot ng gano’n? Miss, naman.”

“E, ‘di sige. Kayo na ang nasa posisyon at ako na ang estudyante.” Pikon na wika ni Ma’am. Tinakpan ko ng palad ko ang bibig ko dahil baka mapansin niya ang pagngiti ko’t baka ako ay idamay niya. “Kung ano ang sinabi ko, ‘yon ang gawin ninyo. Are we clear?”

Napilitang nag-yes ang lahat.

“Hey.” Napatingin ako sa taong sumundot sa tagiliran ko mula sa likod. Si Oswald.

“Bakit?” I asked, frowning.

“Uhm, nasaan ang mga kapatid mo? Bakit absent sila?”

“Maaga silang nag-fly pa-Cebu kanina. Sumama sila kay Dad para raw sa isang mahalagang meeting about something regarding to business pero babalik din naman sila mamayang hapon.” sabi ko.

He nods his head. “I see.”

“Ako nalang ang maghahatid sa ‘yo mamayang hapon.” Presinta ni Saiyan na narinig ang usapan namin ng kaibigan niya.

Umiling naman ako. “Hindi na kailangan, Babe.” Tugon ko. “Nangako sa ‘kin ang Kuya Hopper na susunduin ako kasi may dadaanan pa raw kaming hindi ko naman alam kung ano.” Dagdag paliwanag ko nang pangunotan niya ako ng noo.

“You sure? Baka naman si Kenshi ang maghahatid sa ‘yo?”

“Kenshi, again? Wala nga ‘yung tao ngayon dito ‘di ba?”

Bumuntong-hininga siya. “I’m sorry, Babe.”

Hindi na ako nagsalita. Napapadalas na ang pagseselos niya at ang pangit lang minsang pakinggan dahil wala namang namamagitan sa amin ni Kenshi. Si Kenshi na kaibigan pa niya mismo.

◆◆◇◆◆

KENSHI’S POV :

*buuzzzz*

Walang gana kong dinampot ang phone kong nasa side table nang mag-vibrate itong bigla.

Hi! This is Freya. How are you? :)

Paanong nalaman ng babaeng ‘to ang number ko?

Uhm.. need a friend today? Libre ako ngayon.

Libre? Hindi rin ba pumasok sa school ang babaeng ‘to ngayon? Hell!

Ibinalik ko sa side table ang phone at umalis ng kama. Naglakad ako palabas ng silid. Sa game room nalang muna ako para magpalipas ng oras kaso parang hindi ako matutuloy doon.

“Kenshi.”

Napabuntong-hininga ako. Sabi na, e.

“Yes, Dad? May kailangan ka?”

“Sira ang kotse ng Mommy mo at hindi ko masusundo mamayang hapon. May pupuntahan pa ako kaya ikaw na ang sumundo, Okay?”

“May pupuntahan ka? Saan? Sa babae mong matanda lang sa ‘kin ng isang taon?” May kagaspangang tanong ko.

“What I will not tolerate is rudeness, Kenshi.” Galit niyang sabi. “How many times do I have to tell you na wala ng kahit anong namamagitan sa amin ni Sugar? Hanggang kailan mo ako pakikisamahan ng ganito ha?”

Nagkibit ako ng balikat. “Dad, you can't blame me. Eighteen years din naman akong nabuhay na puro kasinungalingan ang pinaniwalaan.”

“Huwag mo ng isipin ang — ”

“Lumaki akong hindi mga tunay kong mga magulang ang nakasama ko.” Patuloy ko. “Sino ba ako, Dad? Sino ba si Kenshi pagkapanganak?” Pagak akong natawa nang hindi niya ako sagutin. “Walang kuwentang sanggol na hanggang sa paglaki ay walang kuwenta pa rin dahil hindi niya masabi sa kaniyang kinikilalang ina na ang kaniyang asawa ay may ibang babae. See? Hindi na ako nakaalis na putang inang kasinungalingan, Dad, at Hinding hindi na makakaalis.” Asik ko.

“Anak, I'm sorry. Oo, nagkamali ako pero please, pakiusap naman, patawarin mo na ako.” sumamo ni Daddy Conrad.

“Isa lang naman ang gusto ko, Dad. Ang maging honest ka kay Mommy. Sabihin mo ang pagkakamali mo sa kaniya, Humingi ka ng tawad. Tanggapin mo rin kung anong magiging consequences ng pagkakamali mo.” Sabi ko. “I'm not a saint, too, Dad. I'm far from that pero sana naman kahit papa’no, maging totoo naman tayo once and for all.” I added.

Napipilan si Dad pero kalaunan ay tumango na rin.

“You're right, Son.”

“Maiwan ko na ho kayo.” Paalam ko at tumalikod na sa kaniya pero nahinto sa ikatlong paghakbang nang muli siyang magsalita.

“Just be my son, my Kenshi, and my buddy. Stop stressing yourself because of that. My son, It's time for you to let go, and to move on.” ani Daddy. “Give your trust to the future because If things are meant for you, It will happen. Be brave and move forward, Kenshi. Be where you want to be. You have mine, and your mom’s full supports.”

Huminga ako ng malalim at muling humarap kay Daddy Conrad at mula nang matuklasan ko ang relasyon nila ni Sugar, Ngayon ko lang siya uli nangitian.

“Thank you, Dad. You're still the best.” Sabi ko at mabilis ding tumalikod at maglakad patungo sa game room.

...

TEN minutes before six o'clock in the evening when my mom phoned me at pinapapunta na ako ng school dahil masama ang pakiramdam at gusto ng magpahinga.

“Señorito, dalhin mo itong payong at nagbabadya ang langit sa malakas na buhos ng ulan mamaya.” ani Nana Sepa habang inaabot sa ‘kin ang isang payong.

Nginitian ko siya at tinanggap ang payong. Salamat, Nana. Aalis na ako.”

Mag-ingat ka.”

Tama si Nana. Ang kapal ng maitim na ulap kaya siguradong uulan na naman ng malakas mamaya. Napailing nalang ako at pumasok sa kotse ko. Pagkabukas na pagkabukas ng hardinero ng gate ay humarurot na rin ako paalis.

PAGDATING ko ng HIS ay sa main gate ko na nakita si Mommy kasama ang isa niyang bodyguard na nakaalalay sa kaniya.

“Mom!” Tawag ko sa kaniya.

Kinawayan naman ako ng Mommy at ang kasama na niya ang nagbukas ng passenger seat para sa kaniya.

“Thank you, June.” Ani mommy sa lalaking pumuwesto naman sa backseat. “How’s your day? Hindi ka pumasok, Bakit?” Baling niya sa ‘kin.

“Masama ang pakiramdam ko kanina, Mom.” Pagdadahilan ko kahit ang totoo’y wala lang talaga ako sa mood pumasok. “Ikaw? Uminom ka na ba ng gamot?”

“Yeah. Magpapahinga lang ako at mawawala rin ‘to, anak.”

Bumuntong hininga ako. “Take a nap, Mom. Gigisingin nalang po kita pagdating natin ng bahay.” I said.

“Hmm. ‘buti pa nga.” aniya at pumikit na.

“Mang June, ayos ka lang diyan?” Baling ko sa bodyguard ni Mommy.

“Ayos lang, Sir. Salamat.”

Muli kong binuhay ang makina ng kotse at nagsimulang magmaneho nang walang anu-ano'y napalingon ako sa kung saan at nahagip ng mga mata ko ang babaeng pansamantalang gusto kong iwasan.

Nakasandal sa poste ng waiting shed at nakapasok ang mga kamay sa magkabilaang bulsa ng kaniyang paldang uniform. Alas sais na pero nandito pa rin? Nasaan ang mga kapatid niya? Ang boyfriend niya? Umaambon na rin.

“Sa daan mo ituon ang paningin mo, Kenshi. Mapapahamak tayo sa ginagawa mo, hijo.” Pukaw ni mommy sa ‘kin.

“Mom, I said take a snap.” Balik ko sa kaniya para pagtakpan ang pagkapahiya ko.

“Napansin kong bumagal ang takbo natin kaya ako nagmulat at nakapagtataka namang halos mabali na iyang leeg mo kakalingon kay — ”

“Mom.”

“Hay nako, anak.” Nangingiti siyang nagpikit ng mata.

Napailing nalang ako at mas binilisan na ang pagpapatakbo. Siguro hinihintay lang ni AM ang mga kapatid niya. Hindi naman siya pinapabayaan ng kambal tapos ..Hrmp ..tapos may Saiyan pa siya ngayon.

Hindi na ako kailangan sa eksena.

◆◆◇◆◆

SIGRID’S POV :

Hala! Umaambon na pero wala pa rin si Kuya Hopper. Pasado alas sais na rin ng gabi at maya-maya lang ay madilim na madilim na ang buong paligid at kapag lumakas ang ulan tiyak na mababasa ako dahil wala akong dalang payong.

Kuya Hopper, nasaan ka na ba kasi?

Ah, Tama. Tawagan ko nalang. Hays! E, kung sana kanina ko pa naisip tawagan siya. nako!

Laglag ang balikat ko nang makita kong drained na ang baterya ng phone ko. Paano na ‘to?

“Hi, April. Hindi ka pa ba uuwi?”

I smiled politely at him. Kilala niya ako pero hindi ko siya kilala.

“Hindi pa. Hinihintay ko pa ang Kuya ko, e.”

“I see. Sige, mauna na ako sa ‘yo.” Paalam niya bago sinuong ang ulang nagsisimula ng lumakas.

Naiwan na naman akong mag-isa at napahalukipkip nalang nang magsimula akong mangalikigkig dahil sa lamig ng hangin. Sana makarating kaagad ang Kuya bago ako magpasiyang suungin ang ulan.

◆◆◇◆◆

KENSHI’S POV :

HINDI ako mapakali habang tinatanaw ang malakas na ulan sa labas. Alas siyete pasado na at siguro naman ay nakauwi na si AM sa oras na ‘to.

..pero paano kung hindi? paano kung nandoon pa rin siya?

No. I'm sure hindi siya hahayaan ng mga kapatid niyang manatili roon ng hanggang ganitong oras ng gabi. My guards doon pero hindi pa rin safe para sa isang babaeng mag-isa ng ganitong oras.

But damn! I'm worried like hell!

I took a deep breath and finally decides to call her but seems like her phone was currently off kaya sa bahay na nila ako nagdesisyong tumawag.

“Vizconde’s residence, Hello?”

Boses ni Lora.

“Lora, This is Kenshi. Is AM there?”

“Ay, Sir, kayo pala. Wala pa po — ”

“What?! why?!”

“Siguro po'y may ginagawa pa sa school, Sir.”

“Ang kambal, nasaan?”

“Nasa cebu, Sir. Kasama ang Daddy nila.”

“Ang driver ni AM, nasaan? sinundo na ba siya?” Sunud-sunod kong tanong.

“Ay, hindi po. Nagsabi kasi si AM kanina na huwag na siyang sunduin.”

Fuck!

“Okay. Thank you.” Sabi ko at pinatay na ang linya.

Muli akong napatingin sa orasan and It's already 7:24. Kung wala sina Hopper at Grover at ganoon ding hindi sinundo ng Driver si AM, anong dahilan at wala pa siya sa kanila?

Damn! Damn! Damn!

Si Saiyan. I need to swallow my pride for now for the sake of that stupid girl.

I dialed Saiyan’y phone number and felt relieved when he answered immediately.

“Kenshi, Napatawag ka, Bro?”

Kailangan kong mag-isip ng ibang dahilan para kahit paano ay mapagtakpan ko ang kahihiyan ko mamaya kung sakali mang magkasama sila.

“Mangungumusta lang naman saka hindi ko kayo nabati ni AM kahapon.” Pagsisinungaling ko. “Congrats, Bro.”

“Thanks, bro.”

“Nasaan ka ngayon?” Tanong ko.

“Home. Gumagawa ng assignment.”

I frowned. “With AM?”

“Hahaha! Siyempre hindi. Nagpaiwan nga sa school dahil susunduin daw ni Hopper at may lakad silang dalawa.”

Putang ina!

“I see. Oh, sige. May gagawin pa ako.” Paalam kong pigil na pigil din ang sarili kong murahin siya.

“Sure. Bye.”

Mabilis kong hinalungkat ang jacket ko sa closet, dinampot ang susi ng kotse at patakbong lumabas ng silid ko pababa sa mataas na hagdanan.

“Nana, aalis muna ako.” Paalam ko kay Nana Sepa na muntik ko ng nabunggo kakamadali ko.

“Saan ka pupunta? malakas ang ulan baka kung mapaano ka!” Habol niya sa ‘kin pero hindi ko na pinansin at nagmamadaling sumakay ng kotse.

Pambihira namang babae ‘yun. Hindi ba niya naisip na umuwi nalang at ‘wag ng hintayin ang kapatid niyang walang kuwenta? Ang lintik na Saiyan na ‘yun na hindi man lang naisipang i-check ang Girlfriend niya. Fuck them all!

..

SA sobrang lakas ng ulan ay hindi ako kaagad nakarating ng Heuron. Kinailangan kong maging alalay sa pagpapatakbo para safe at mahanap ko pa si AM.

Nakahinga rin ako ng maluwag nang maiparada ko ang kotse sa tapat ng waiting shed kung saan ko siya nakita kanina. Mabilis kong kinuha ang payong sa backseat at kahit hindi ako nakakasigurong nasa waiting shed pa rin ang pakay ko’y doon pa rin ako dumiretso.

“AM?! Oh, fuck!!”

Nadagdagan ang inis at pag-aalala ko nang madatnan ko si AM na yakap-yakap ang sarili. Basang basa ang uniform kaya nanginging na siya.

“Good Lord, Baby. Halika na.”

Hindi na siya nakapalag nang pangkuin ko siya at sabay naming sinuong ang malakas na buhos ng ulan. Wala na rin namang silbi ang dala kong payong.

“How could you be so stupid, huh?!” Singhal ko sa kaniya dala ng pag-aalala ko. “Take off your clothes and wear these.” Ibinaba ko sa lap niya ang isang shopping bag na naglalaman ng kakabili ko no’ng linggo na Gray T-Shirt at Sweatpants. Mabuti nalang at hindi ko pa nadadala sa closet ko.

“H-Hindi na k-kailangan ..” tugon niya sa nanginginig na boses.

“Take off your clothes now and wear these or I will do it myself, April Miracle. You choose.” I said with a warning tone.

“Hindi nga ako makakapaghubad dahil nandiyan ka!” Hiyaw niya sa ‘kin. Lihim naman akong napangiti.

Nanginginig ka na nga’t lahat nagagawa mo pa akong sigawan? You're really a tiger.” napapailing kong sabi. Magbihis ka na. Tatalikod at pipikit nalang ako.” Dagdag ko sabay talikod.

Huwag kang haharap.” Babala niya.

Ano bang problema mo? Kahit naman humarap ako ngayon sa ‘yo, wala pa rin naman akong makikita.” Nakangising sabi ko.

Bastos!”

Bumuntong hininga ako. Bilisan mo na riyan para maihatid na kita sa inyo.”

“B-Bakit ka ba kasi nandito?”

Nag-alala ako, AM. Tinatawagan kita kanina pero naka-off ang phone mo kaya tumawag ako sa inyo At ang sabi ni Lora ay wala ka pa. Tinawagan ko ang gago mong boyfriend pero hindi naman kayo magkasama. Bakit ba kasi napakatanga mo ha?”

“Wow! Salamat sa concern.” Sarkastikong aniya. Humarap ka na. Tapos na akong magbihis.”

Bumuntong hininga na naman ako. “Seatbelt, please.” Sabi ko bago muling binuhay ang makina ng kotse. Nagugutom ka na ba? Gusto mong dumaan muna tayo sa restaurant at kumain?”

“Hindi na, Kenshi. Gusto ko ng makauwi at magpahinga.”

Tumango nalang ako at nagmaneho. Nasa cebu ang Kuya mo kaya hindi ka nasundo.” sabi ko. “Sana nagpasundo ka nalang sa driver mo.”

“Drained na battery ng phone ko.”

“Hindi mo man lang pinagana ang utak mo? Pambihira naman, AM. Naturingan ka pa namang matalino. Ang lapit lang naman ng guard house di ba? Bakit hindi ka man lang nagpatulong sa kanila?”

Hindi siya umimik kaya nagpatuloy nalang ako.

“Kung may masamang nangyari sa ‘yo roon? Damn you, AM. Kung alam mo lang kung gaano ako kinakabahan habang nagmamaneho kanina papunta sa ‘yo. Natatakot akong baka kung may — Oh, damn you again! Makakapatay ako ng tao kung may nangyari sa ‘yo. I swear.”

Binalingan ko siya ng tingin nang lumipas ang ilang segundo’y hindi pa niya ako sinasagot.

Ang bastos mo naman. Bukod sa pinag-alala mo ako ng husto, heto ka naman ngayon. Tinulugan ako. Hay nako, AM. Kung hindi lang talaga kita mahal.” I sighed. “Ang bastos mo naman kasi talaga. Bakit? Kasi minamahal kita pero ako hindi mo mahal. Napaka-iresponsable mo. Matapos akong mahulog sa kamalditahan mo, Bigla mo naman akong inabandona. Alam mo bang masakit sa puso ‘yon at tagos hanggang utak? Buong sistema ko naapektuhan, AM. Bastos mo talaga.”

Napailing ako nang mapansin kong nagmumukha na akong tanga sa pakikipag-usap sa taong tulog. Hindi ko rin mapigilan ang sarili kong kamay nang gumapang ito sa mukha niya at hawiin ang ilang hibla ng buhok niyang nakakalat doon.

“How to move forward, AM? How to let go of this feelings I have for you? Ito na ba talaga ang time para pakawalan kita at ipagkatiwala na sa best friend ko? Makakaya ko ba yon? Tingin ko, Oo, pero mahirap.” I sighed.

Mahihirapan ako. Iyon ang natitiyak ko pero sabi nga ni Daddy, ...If things are meant for you, It will happen.

◆◇◆

TO BE CONTINUED ..

Hutek! antok na antok na ako pero hindi
ako puwedeng matulog. Bakit? Gusto kong
mag-update ngayon e. 😂😂

Continue Reading

You'll Also Like

16.2K 370 29
Eyho Spring Winner 2019. Uncontrolled series #1. A teenage girl that has a rare type of disorder called CCHS. CCHS means Conginetal Central Hypovent...
19.1K 1.7K 64
Simple lang naman ang pangarap ni Mohanni Villaro na tinaguriang top 2 worst student ng Northford University. 'Yun ang mapansin siya ni Axell Dela To...
43.2K 2K 64
Gaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magu...
4.8K 129 5
(ON-GOING) BAD BOY SERIES #2 Dulot ng pagkamatay ng mga magulang ni Shiyoon, namulat siya sa marahas at madilim na katotohanang nagtatago sa mundo. N...