A Campus Story

CindyWDelaCruz द्वारा

4.4K 61 0

They are all freshman with fresh dreams, but along the way, they will encounter different struggles, new kind... अधिक

Prologue - First Day Hay!
Chapter One
Chapter Two - Kiss by Kiss
Chapter Three - Acquaintance Party
Chapter Four - Sino ang salarin?
Chapter Five - The Great Escape
Chapter Six - Dahil sa pagiging Tsismosa
Chapter Seven - Sa Loob ng Rest House
Chapter Eight - Hindi Ako Nakasagot, sa Halip ay Tumango
Chapter Nine - Student Council Election
Chapter Ten - It's Worth a Try Anyway
Chapter Eleven - Poprotektahan Kita
Chapter Twelve - Everything at its Right Place
Chapter Fourteen - Noong Nasa Highschool Ako
Chapter Fifteen - Life is Full of Contradictions
Chapter Sixteen - Isang Araw Bago ang Sportsfest
Campus Seventeen - Go Go Go!!!
Chapter Eighteen - Away na itich!
Chapter Nineteen - Chill Muna Saglit
Chapter Twenty - Movie Marathon

Chapter Thirteen - Balik sa Pagyoyosi

154 2 0
CindyWDelaCruz द्वारा

Ang luv prang yosi, 

kahit lam mo makakasakit cge p rin sa paghitit..

lage cnsabi n titigilan na pro anjan na, 

d n mapigilan at madalas pag napasobra 

nahihirapan k ng huminga!- txt msg

Candy Chan

"Kailan ka pa natutong manigarilyo?" tanong ko kay Rio na nakatambay kina Aling Martha. Kasama namin siya ni Mart sa paglu- lunch at katatapos lang naming kumain.

"High school pa lang ako nang matutunan ko ang mag yosi. Madalas kasi akong nai- stress at minsan ito lang ang solusyon ko, alam mo yun?" tugon niya na tila ba malalim ang iniisip. "Gusto mo?" yaya niya sa akin sabay abot ng isang stick. Umiling ako. 

"No thanks. Di pa naman ako gaanong nai- stress, saka na lang siguro."

"Okay." aniya, niyaya niya din ng isang stick si Mart pero tumanggi din ito. 

"Sorry tol, di talaga ako pwede diyan stress man ako o hindi. Ilalabas ko na lang siguro sa computer ang stress ko." sabi naman ni Mart. Meron pa kaming thirty minutes para sa susunod naming klase kaya tumambay muna kami sa bench na nasa labas ng carinderia kung saan madalas kumakain ang mga estudyante. Pinanonood namin ang  mga dumadaang jeep, ang mga estudyanteng naglalakad at ang Campus na kung makikita mo kung saan kami nakaupo ngayon ay parang isang malaking palasyo. Minsan nga ini- imagine ko kung ano kaya kung naging kaharian ko ang building na yan? Medyo may pagka gothic na classic ang style nito. Walang pintura pero animong napakagalante sa paningin. Nakatingin lang kami ng ilang minuto nang magsalita si Rio. 

"Alam niyo ba na pagkagising ko sa umaga o di naman kaya ay bago ako matulog sa gabi, iisang tao lang ang iniisip ko? Yung ngiti niya, yung buhok niya, labi niya, kahit sa panaginip ko naririnig ko ang tawa niya. Para siyang multo na kahit isang saglit hindi pinatahimik ang kaluluwa ko." Si Mia ba ang tinutukoy niya? Sino pa nga ba? Pareho kami ni Mart na hindi umimik hanggang sa nagpatuloy si Rio matapos na humithit ng isa pang sigarilyo. "At alam niyo ba kung bakit ako nai- stress ngayon? Dahil sa kanya. Di ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pinagtapat ko na sa kanya na gusto ko siya pero kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Okay lang naman sa akin, pero gusto kong ipakita kung gaano ko siya kamahal." Napangiti siya. "Mabait siya, napakabait niya at minsan iniisip ko na baka hindi ako sapat para sa kanya, baka hindi ako karapat dapat. Pero mahal ko siya. At tulad nga ng sinabi ko hindi ko alam ang susunod na hakbang. Hahayaan ko na lang ba muna na lalo pa ako mahulog sa kanya o ano?"

Katahimikan. Walang nagsalita. I don't know what to say at sa tingin ko ay ganoon din si Mart. 

Maya maya lang ay tumayo na siya at nag unat. "Sige na, alis na ako. Kita na lang tayo mamaya." aniya. "Sensya na sa pagdra- drama." Yun lang at umalis na siya na di man lang kami nililingon. Naiwan kami ni Mart sa bench. 

"Nakakalungkot" sabi ko.

"Oh, he'll be fine." sabi naman ni Mart. "Dumaan din tayo sa point na yan na di ka sure sa akin di ba? Natatakot ka-"

"Pero iba naman ata yung sa kanila eh. Yung sa atin kasi may feelings talaga ako sayo and I'm just scared na baka masaktan lang ako eh yung sa kanila eh parang di mutual ang pagtingin nila, right?"

"You have a point pero di naman natin hawak ang feelings ni Mia. She have to figure it out herself." Hinawakan niya ang kamay ko at saka pinisil. "I'm glad and we're over it, you know. Ngayon ko nasasabi na masuwerte ako because I have you."

"I know I'm lucky too." tugon ko. Nagsimula kaming maglakad pabalik sa school. Holding hands while walking. In ten minutes kasi magsisiimula na ang klase namin. Sa fifth floor ako, sa third floor naman siya. Naglalakad kami sa may catwalk nang napatigil siya at napatingin sa bulletin board. "What's up?" Sinundan ko ang mga tingin niya at nakita kong binabasa niya ang isang post sa bulletin board. Napangiti ako sa kanya. "Gusto mo mag try out?" Tumango siya.

"Noong highschool, pinangarap kong maging varsity sa basketball pero hanggang sports fest lang ako at ngayong College na ako, gusto ko na siyang subukan. Ano sa tingin mo?"

"Well, go for it Mart. I know you can do it at wag kang magalala, ihahanda ko na ang cheering squad mo."

"Pinapatawa mo naman ako eh, seryoso to."

"Seryoso din ako Mart."

Mayel Dominguez

"Hi Mayel!" bati sa akin ni Gene sabay tapik sa balikat ko. Teka, close ba kami? Ayos din 'to makatapik ah. "I was just wondering kung gusto mong mag audition sa ating Campus Youth theatre club? We will be having a play this coming last week of August eh meron kaming isang role na sa tingin ko ay babagay sayo."

"Well, that's flattering." ang tanging nasagot ko. Bata pa lang ako gusto ko na mag artista pero di ko na lang itinuloy kahit minsan lumalabas din ako sa dalawang commercial. Isang commercial ng shampoo at yung isa naman ay sa sabon. Yan ay noong bata pa ako. Pero ngayon I don't know if I can still do it. "I don't know. Di naman ako mahilig umarte." sabi ko kay Gene. Si Gene ay isa sa mga ka member ni Jake sa Heavenly Guys at tulad ni Jake ay cute din ito. 

"C'mon, ikaw lang ang nababagay na bida sa story na ito."

"Teka sino ba ang nagsulat ng script? Tsaka ano ba yung story?"

"Ako ang nagsulat ng story and it's entitled "Let me fall" at dahil ako ang nagsulat ng story, I think I can have the privilege na pumili kung sino ang mga gusto kong gumanap di ba?" Inabot niya sa akin ang isang bunch ng papel na sa tingin ko ay ang script. 

"Sure ka ba dito?" tanong ko.

"Yup, so see ya na lang tomorrow. 5 pm, room 407. Aasahan kita doon, please I really want you to play the part of Carrie. Thank you so much. Yun lang at nagmadali na siyang umalis nang di man lang hinintay kung pumayag na ba ako o hindi. Tutal lunch break naman kaya binasa ko ang script habang kumakain ako. Hindi ko natapos ang pagbabasa dahil medyo mahaba ang story kaya hanggang sa dumating ako sa bahay ay binabasa ko pa din ang kwento, di rin naman nagtagal ay natapos ay natapos ko din ang pagbabasa. It's about a story of a girl na kahit sobrang sama na ng mga nangyayari sa kanya, she just keeps on holding on na kahit tinalikuran siya ng lalakeng ilang taon niyang minahal at kahit namatay ang best friend niya na siyang tanging nakakaintindi lang sa kanya ay nananatili pa ring matatag and in the end, bumalik sa kanya ang lalakeng pinakamamahal niya. I really like the story but I don't know kung tama ba talaga ang sinabi ni Gene na ako ang nararapat sa part na 'to. Natigil ako sa pagmumuni muni ko nang biglang nag ring ang phone sa tabi ko. Agad kong sinagot ang phone dahil sa totoo lang nakakabingi ang phone na ito. Nagulat ako sa narinig kong boses sa kabilang linya although wala namang rason para magulat.

"Hi Jake, kamusta? Ano balita? Ba't dito ka pa sa telepono naming tumawag?"

"Wala akong load and besides, mas malapit sa akin ang phone." aniya.

"Okay, so what's up?"

"Wala lang, I just want to hear your voice."

"Alam mo ba na iniistorbo mo ako?" pagbibiro ko.

"Talaga? Mukha namang masaya kang kausap ako eh." tugon niya.

"Ano ka ba naman, eh magkausap naman tayo kanina bago ako umuwi sa bahay ah."

"Well, eto na lang. May naisip na akong sabihin sayo."

"Ano naman yun?"

"Salamat sa pagtulong kanina sa tutorial center ah. I really appreciate your help."

"Okay lang yun no, besides nage- enjoy ako sa ginagawa ko. Kahit na ba di ko talaga yun ginagawa at kahit na ba wala naman talaga akong maituturo, feeling ko matalino ako pag nandoon ako." tugon ko sa kanya. It's true, sa tutor center na din ako madalas tumatambay.

"BUkas ulit?"

""Well, I don't think so, medyo may appointment ako bukas eh."

"Saan naman?" Napansin kong nagiba ang tono ng boses niya. 

"Balak kong mag audition sa Campus theatre youth group. Kanina kasi Gene approached me at niyaya akong gumanap sa isang role ni Carrie. He's the one who wrote the story at ngayong nabasa ko na, I really wanted to be a part of it, you know kahit na ba wala akong experience sa mga ganito."

"Well, you should go for it. Pwede ba kitang panoorin bukas?"

"Sure, room 407, 5 pm."

"I'll be there, I would not miss it for the world."

Rainier dela Costa

"I need your help." sabi ko kay Mia isang araw habang nakaupo kami sa may lobby. Kasama din namin si Rio na busy sa pakikinig ng mp4 niya. Alam ko namang hindi niya kami naririnig dahil kung akala niya siya lang ang nakakarinig ng pinapakinggan niya, nagkakamali siya. Pinapagitnaan namin si Mia na nagbabasa ng Harry Potter.

"Ano yun?"  Napalunok ako bago muling nagsaliita. 

"Pwede ba kitang maging girlfriend?" Natawa si Mia na para bang nagbibiro ako.

"Very funny Rain!" sabay tawa pa nito na napansin na din ni Rio kaya tinanggal nito ang earphone na nakakabit sa tenga nito. 

"Seryoso ako Mia. Gusto kitang maging girlfriend." Nagseryoso ng tingin si Rio at ganoon din naman si Mia.

"Hindi mo pwede gawing yan Rainier-" sabat ni Rio.

"Tsaka wala ka namang feelings sa akin di ba? Para saan pa? Wala din naman akong nararandaman sayo."

"At isa pa bakla ka." sabi naman ni Rio.

"Teka alam niya?"

"Wala akong nabanggit sa kanya okay?" depensa naman ni Mia.

"Malakas ang pangamoy ko sa mga tulad mo no." sabi naman ni Rio. Parang yun din ang nasabi sa akin ni Mia ah. "Tsaka kung gusto mong maging ganap na lalake, wag mong gamitin si Mia."

"Sige na naman, para naman 'to sa akin o. Isa 'tong favor na tatanawin kong utang na loob pag nabalik ang pagiging lalake ko."

"Pwede ba maghanap ka na lang ng ibang babae diyan. Wag si Mia!" nagtataas na ng boses si Rio.

"Teka wag mainit ang ulo mo Rio, okay?" awat ni Mia at saka humarap sa akin si Mia. "Kaibigan mo ko Rio at gusto kitang tulungan."

"Talaga?" di ako makapaniwala sa sagot niya. 

"Pwede ba Mia, hindi laro ang ginagawa niyo." saway pa din ni Rio. "Di ko hahayaang mangyari 'to."

"Rio di naman kita boyfriend di ba? Wala tayong relasyon,di ko dapat umakto ng ganyan." Tila nasaktan naman si Rio sa sinabi ni Mia. "Gusto kong tulungan si Rainier, kaibigan natin siya."

"Eh bakit kasi ikaw pa? Tsaka paano yung panliligaw ko sayo?" Umiling naman si Mia. Nu'n ko lang nalaman na nanliligaw pala si Rio kay Mia, wala naman kasi silang nababanggit at wala akong napapansin. 

"Mia you don't have to do this, tama si Rio." sabi ko, nagsisisi kung bakit si Mia pa kasi ang napili kong pwedeng tumuwid ng sexuality ko. Pinagisipan ko pa 'to kagabi. Naisip ko mabuti na yung kaibigan ko ang tumulong sa akin kesa naman makasakit pa ako ng ibang tao, si Mia lang ang tanging babae na pumasok sa isip ko.

"No, Rainier. I'm willing to do this." sagot niya. Rio shot one more look to us na para bang nasaktan siya, na para bang trinaydor namin siya ni Mia bago siya nag walk out. 

Mart dela Serna

Nagsimula na akong mag stretching dahil ilang sandali na lang ay magsisimula na ang try out. Suot ko ang jersey na madalas kong sinusuot kapag nakikipaglaro ako sa kapit bahay namin. Number seventeen. Eto ang number ng jersey ko. Di ko alam kung coincidence din ba pero eto ang monthsary namin ni Candy. Favorite number ko talaga siya, ang number din na ito ang gamit ko sa mga liga na nilalaruan ko. Matagal ko ng pangarap ang makasali sa varsity team ng Molino University pero wala pa ang try out eh natatakot na agad ako. "Okay, free throw muna tayo. Fall in one line and then bawat isa sa inyo ay bibigyan ng dalawang free throw. Maliwanag ba yun?"

"Yes Coach!" saagot naming lahat. Kung tatantyahin mahigit bente kaming magta- try out at nakakatuwang isipin dahil hindi ako kinakabahan di tulad noong nasa highschool ako na aatras agad ako hindi dahil natatakot akong matalo kundi dahil ayoko lang. Ayokong makisama dahil pakirandam ko noong nasa highschool ako, we were all divided. I belonged to the geek group at kahit kelan di ako nag explore sa ibang grupo ng tao. Para siyang unwritten rule na dapat sundin. Kung baga kung varsity player ka sa school, you remain that way all the way hanggang sa grumaduate ka. Pero ngayong College na ako, pakirandam ko pwede na akong lumabas sa lungga ko, like it's all about time to do these things. This time, wala na ang rule na iyon.

Nagsimula na ang free throw at isa isa kaming tumira. Nakadalawang shots agad ako noong unang round ng free throw and that's the time that I knew na papasa ako sa try out na 'to. Maya maya lang ay hinati na kami sa dalawang team at saka kami pinaglaban. Nakailang lay up at three points shot ako. Sa first half medyo dehado ang team namin pero noong second half ay agad naman kaming nakabawi. Yun nga lang hindi nanalo ang team namin although, di naman magkalayo ang score. Three points lang naman ang inilamang nila.

"All of you have done a great job, all in all you were all twenty pero I'll be needing 10 players only at ipapaskil ko na lang yun sa makalawa or next week sa bulletin board. Thank you very much." Yun lang at dinismiss niya na kaming lahat. 

"Mart!" salubong sa akin ni Candy. "Ang galing naman ng Baby ko, I have watched you all along and believe me, you'll be getting in."

"Thank you Baby." 

"I think kailangan mo nito." aniya sabay abot ng isang tuwalya. "Wag kang papatuyo ng pawis okay?"

"I love you." sabi ko habang papalabas kami ng gym. 

"Tol, sandali lang!" tawag sa akin ng isang lalake na ka team ko ata kanina at masasabi kong isa sa magagaling din bilang point guard. "Ako nga pala si Luis, magaling ang pinakita mo kanina."

"Salamat." tugon ko.

"Actually, ako ang team captain at nakilaro lang talaga ako kanina and you know what, I'm looking forward na makasali ka sa team namin." Inabot niya ang kamay niya sa akin at nag shake hands kami. 

"Salamat, sana makasali ako." tugon ko sa kanya. "Siya nga pala, girl friend ko, si Candy."

"Hi!" maikling bati naman ni Candy na siyang ginantihan naman ng ngiti ni Luis.

Rio del Grande

Hindi ako makapaniwala sa naging desisyon ni Mia sa inalok sa kanya ni Rainier. Oo kaibigan namin siya at kailangan namin siyang tulungan pero hindi sa paraang na gusto nila mangyari. Ilang linggo pa lang ang nakakaraan noong tanungin ko si Mia kung pwede ko ba siyang ligawan pero ngayong bumubwelo na ako, saka naman siya nagkakagganito. Oo, iniisip ko ang sasabihn ng ibang tao pero ang ikinatatakot ko ay kung ano ang mangyayari kung sakaling naging matagumpay ang plano nila ni Rainier? Anong mangyayari kung nagkaigihan sila? Ano ang mangyayari sa amin?

"May problema ka ba Mr del Grande?" Napaangat ang tingin ko sa pumasok na Ma'am Wenona, ang prof namin sa Art Appreciation na dating di ako pinapasok kahit ilang minuto lang ako na- late. 

"Wala po." tugon ko. Pinahinaan ko ang pinapakinggan kong Air supply na kanta sa mp4 at saka pinakinggan ang susunod na sasabihin ng taong nasa harap ko.

"Alam mo ba na bawal mag yosi sa loob ng Campus?" Di ko napansin na nasa kamay ko pa pala. Tinapon ko ito sa trash can na nasa loob ng classroom.

"Sorry po." sabi ko, di ko naman talaga napansin na pati pala dito sa loob ng classroom nadala ko na ang sigrailyong ito. "Hindi ko sinasadya."

"Nakikinig ka ba ng Savage Garden?" tanong niya sa akin. "Magaganda din ang kanta nila." Kung tatantyahin ko wala pa sa thirties si Ma'am Wenona, hanggang balikat ang kulot niyang buhok at balingkinitan ang kanyang pangangatawan. Bagay na bagay sa kanya ang pagiging Art Appreciation Prof. 

"Minsan lang." tugon ko.

"Isa sa mga paborito ko ay ang Affirmation kung saan ang lyrics ay tungkol sa mga pinaniniwalaan nila. Sabi nga doon eh, we place our happiness in other people's hands." Tumango lang ako sa sinabi niya. "Sa tingin ko ay tama sila sa parte na iyon kasi lahat ng tao kailangan ng isa pang tao para magkaroon ng sense ang buhay nila, para maging masaya sila."

"Paano kung ang taong sa tingin mo na makakapagpaligaya sayo ay kabaligtaran ang iniisip?"

"Mahirap yan, sa totoo lang. Dahil ang tao minsan lang kung magmahal eh, pero swerte mo na lang kung mamahalin ka din ng taong mahal mo. Pero hindi nakakamatay ang pagiging broken heart, you know that? Kailangan pa din nating mag move on and probably to find someone na hindi tayo tatalikuran."

"Tama kayo Ma'am." ang tanging nasabi ko. Tama siya, baka kailangan ko ng ibang taong pwedeng makapagpasaya sa akin. Baka hindi si Mia ang taong yun. Sinabi niya sa akin na hindi pa siya handa pero ano 'tong ginagawa niya? Mas pinili niya ang isang binabae kesa sa akin. Galit ang nararandaman ko dahil di man lang niya ako binigyan ng pagkakataon samantalang walang kahirap hirap namang napaoo ni Rainier si Mia. Tumayo ako at ipihit ang pinto, lalabas na muna ako.

"Tandaan mo Mr. del Grande, bawal manigarilyo sa school grounds, sa susunod na makita uli kita, dadalhin na kita sa Discipline. Nagkakaintindihan ba tayo?" aniya ng nakangiti.

"Opo, Ma'am. Salamat po."

Miabelle Basco

"Hi Rio." Tulad ng dati nakita ko na naman siya sa room 501 kung saan madalas nababakante. Nakaupo siya sa isa sa mga upuan na nakaharap sa bintana, mukhang malalim ang iniisip. "I'm sorry sa nagawa ko pero gusto kong malaman mo na gusto ko lang makatulong kay Rainier." Hindi siya nagsalita, ni hindi man lang niya ako nilingon. "Alam ko nasaktan kita, tinanggihan kita dati dahil hindi pa talaga ako handa pero ngayon, isa lang naman ang purpose ko eh."

"Yan ang napakaistupidong dahilan na narinig ko Mia." sabi niya at saka siya tumayo. Tulad ng ginawa niya kanina sa may lobby at nag walk out uli siya, hindi ko na siya napigilan.

"Siguro ka ba sa gagawin natin Mia? Wag na lang ka-"

"Sigurado ako Rainier, okay?" Hinawakan ko ang mga kamay ni Rainier at saka ko siya hinalikan. Nasa room 501 pa din ako nang puntahan niya ako dito. 

"Wow, ang sarap mo humalik ah." tugon ni Rainier. "Ilan na ba naging boyfriend mo?"

"Hindi mo na dapat malaman." sabi ko. Wala akong narandaman sa halik na iyon and it was a big wonder to me. Salamat naman kung ganoon. Mapapadali lang ang trabaho kong ito.

"Tara, ihatid na kita sa bahay niyo?" yaya ni Rainier.

"Seryoso ka?"

"Alam ko para lang tayong naglalaro nito pero consistent ako Mia. Pinagisipan ko 'tong mabuti."

"May itatanong ako, paano kung nagkaroon tayo ng feelings sa isa't isa?"

"Well, sa tingin ko isa lang naman ang magiging problema natin kung sakali, si Rio. Tama ba ako?" Napatango ako and suddenly gusto kong umatras sa inalok niya pero may magagawa pa ba ako? 

"So, tingnan muna natin sa kung babalik ba ang pagkagusto mo sa babae pagkalipas ng isang linggo pwede ba yun?" Tumango siya tapos ay niyakap ako.

"Salamat Mia ah, salamat talaga."

"Wag kang magalala, successful man ito o hindi, kaibigan mo pa din ako."

Jake Constal

Nakaupo ako sa front row sa room 407 para panoorin ang mga magau- audition. Unang unang nag audition si Mayel at wala akong masabi sa galing niya sa pag arte. Nakwento na niya sa akin dati na isa siyang commercial model pero wala siyang nasabi tungkol sa pagarte niya. Bagay na bagay ang role na ibinigay sa kanya ni Gene. Katabi ko si Gene sa siyang gaganap na director ng play na iyon. "So anong masasabi mo sa napili ko? Ang galing niya di ba?" Si Mayel ba ang tinutukoy niya? Kung makapagsalita siya, halatang crush niya ito. Di ko ba nabanggit sa kanya na ex ko siya?

"Oo nga eh, alam mo ba na naging girlfriend ko siya dati?"

"Alam ko pero pre, uunahan na kita ah, type ko kasi siya eh. Tutal wala na naman kayo di ba? Baka pwede namang ligawan ko na siya." aniya. Di ako nakasagot dahil pumalakpak siya matapos umarte ni Mayel. "Ang galing mo Mayel, very good." Pagkatapos nu'n ay sumigaw siya ng next. Tumayo ako sa kinatatayuan ko at saka lumabas ng classroom na iyon. Kailangan ko muna ng konting hangin. May point si Gene. Wala naman kaming relasyon ni Mayel kaya balewala kung magseselos ako. Ano naman ngayon kung gusto siya ni Gene? Mabait si Gene, alam ko iyon. Mabuti siyang tao at wala akong kilalang babae na niloko niya. Madalas nga eh siya pa yung niloloko ng mga babae.

"Kamusta ang acting ko?" tanong ni Mayel na agad na sumulpot sa gitna ng pagmumuni muni ko.

"Ang galing mo. Panigurado, pasok ka na at ikaw ang magiging bida sa play na ito."

"Thank you. Alam mo nakakahiya nga eh. Paano naman kasi freshman pa lang ako tapos bida na agad. Nakita ko kanina masama ang tingin ng isang grupo ng babae doon sa classroom na iyon." malungkot niyang sabi.

"Wag kang magalala, si Gene naman ang pumili sayo di ba at sa tingin ko naman eh hindi siya nagkamali. Kaya mo yan okay? Alam ko naman na hindi ka niya pababayaan."

"Salamat sa pagdating mo dito ah." aniya.

"Wala yun, basta para sayo, nandito lang ako, susuportahan ta ka."

"Talaga?"

"Uh huh." 

"Thanks."

"Kanina ka pa nagpapasalamat sa akin, alam mo yun?"

"Hindi, bakit ba eh gusto ko eh." sabi niya sabay tawa. Hanggang ngayon eh may pagka siga pa rin talaga siya. 

"Ayan, dapat ganyan ka katapang. Magaling ka Mayel Dominguez at sigurado ako malayo ang mararating mo."

"Ikaw naman, wag mo naman ako biruin."

"Di ako nagbibiro, totoo yun."

"Hay naku, tara pasok na tayo sa loob." yaya niya sa akin.

"Sure." at magkaakbay kaming pumasok sa loob ng room 407.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...