Gun X Bounty

由 chufalse

67K 2.1K 391

Ang magkapatid na bounty hunters na sila Eiel at Lisa Griswold ay patuloy na naglalakbay upang mahanap ang is... 更多

Prologue
Chapter 1: Griswold's Legacy.
Chapter 2: Rare bullets
Chapter 3: Ang Sell sword.
Chapter 4: Bounty hunting
Chapter 5: Harogath City
Chapter 6: Ang nawawalang kapareha.
Chapter 8: Vividium version c-04
Chapter 9: Bul-Khatos Vidala
Chapter 10: Sa muling paghahanap.
Chapter 11: Ang muling pagkikita.
Chapter 12: Pagsubok
Chapter 13: Andalus Mincho.
Chapter 14: Noria Forest
Chapter 15: Solar Ursa/Bear.
Chapter 16: Gantimpala.
Chapter 17: Asteruins
Chapter 18: Tempest
Chapter 19: Irathanium version c-00.
Chapter 20: Celestial Project
Chapter 21: Celestial Project. Part 2
Chapter 22: Nakaraan - Mahigit isang libong taon.
Chapter 23: Nakaraan - Mahigit isang libong taon. Part 2.
Chapter 24: Katotohanan, pagkakamali at pagkabigo.
Chapter 25: Sa pagkawala ng mga kaibigan.
Chapter 26: Sa muling pagkikita ng dalawang magkaibang uri.
Chapter 27: Sa muling pagkikita ng dalawang magkaibang uri. Part 2.
Chapter 28: Impormasyon at Pagpa-plano.
Chapter 29: Nalalapit na sagupaan.
Chapter 30: Sa pagsisimula ng paglalaban.
Chapter 31: Sa pagbabalik ng mga alala.
Chapter 32: Phuz Rioka
Chapter 33: Phuz Rioka. Part 2
Chapter 34: Katotohanan.

Chapter 7: Elemental sisters.

1.5K 63 18
由 chufalse

October 17, CS344. Sa ngayon may isang linggo nang namamalagi sila Lisa at Eiel sa gun shop nila Elriz at Louise, ang Gun x Bounty. Sa ngayon ay pinag-iisipan nila kung ititigil na ba nila ang pagiging bounty hunters, dahil nalaman nilang patay na ang matagal na nilang hinahanap, si Bul-Khatos Vidala.

Samantala, sa bayan pa rin ng Harogath. May limang kababaihan ang kasalukuyan ngayong naglalakad patungo sa Gun x Bounty. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay natatakot ang mga tao/nadir na nakakita sa kanila ngayon. At ang iba ay nagawa pang magtago, siguro ay dala ito ng labis na takot na baka pag-initan sila ng apat sa limang kababaihan.

 

“Bakit ba sila natatakot sa’tin?” Tanong ni Aussa.

“Papaanong hindi sila matatakot, eh na-feature sa news paper ang ginawa mong pagpatay dun sa huling target na’tin.” Tugon ni Eria.

*Tsk! Nakakainis at hindi nakuhanan yung ginawa kong patusta dun sa isa na’tin target.” Medyo inis na pagkakasambit ni Kurenai.

 

“Tama na ang usapan at bilisan nyo na ang paglalakad.” Sambit ni Wynn.

 

“Okay..” Tugon ng tatlo.

*** Elemental Sisters, isa silang sikat na bounty hunters at binubuo ng apat na magkakapatid. Kabilang sila sa mga nadirion na nagtataglay ng kakaibigan kapangyarihan, ang Erasforte clan. Ang clan na ito ay may kakayahang ma-kontrol ang mga elemento, ngunit isang elemento lang ang kayang gamitin ng bawat isa, dahil imposible para sa kanila na mapag-aralan ang lahat ng elemento. Wala ring nai-tala na nakapagmalas ng mahigit sa isang elemento na kasapi sa naturang clan. ***

*** Aussa Erasforte. 15 years old at isa siya sa kilala at kinatatakutan na Elemental sisters. Earth element ang kaniyang taglay na kapangyarihan at siya ang bunso sa magkakapatid, ngunit siya ang pinakamalupit. Gustong-gusto kasi niyang pinahihirapan ang kanilang target bago niya ito patayin at labis niya itong ikinatutuwa. (Sadist!)

 

Slim ang pangangatawan nitong si Aussa, 4’8” ang kaniyang taas, maputi ang kaniyang balat, bagay din sa kaniya ang hanggang balikat na brown niyang buhok at kahit papaano ay may hinaharap naman. (if you know what I mean! :3) ***

*** Eria Erasforte. 16 years old at isa din siya sa kilala at kinatatakutan na Elemental sisters. Water element naman ang taglay niyang kapangyarihan. At hindi katulad ng kanilang bunso na si Aussa ay siya ang pinakamabait sa kanilang apat. Clumsy din siya at madalas magkamali, ngunit ang mga pangyayari ito ay nagiging dahilan upang mapaslang niya ng hindi sinasadya ang kanilang mga target. (Clumsy girl!)

Slim ang pangangatawan nitong si Eria, 5’2” ang kaniyang taas, maputi ang kaniyang balat, magandan din ang sky blue niyang buhok na nasa katamtamang haba at medyo may laman ang hinaharap. (if you know what I mean! :3) ***

*** Kurenai Erasforte. 17 years old at as usual, isa din siya sa Elemental sisters. Fire Element naman ang taglay niyang kapangyarihan. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay malaki ang galit niya sa mga lalake, kaya halos ng kanilang target ay sinusunog niya hanggang sa maging abo. (Guy hater!)

Slim ang pangangatawan nitong si Kurenai, 5’2” ang kaniyang taas, maputi ang kaniyang balat, maganda ang mahaba niyang pulang buhok at nakakadismaya ang kaniyang hinaharap. (if you know what I mean! xD) ***

 

(chufalse: Siguro yon ang dahilan kung bakit siya galit sa mga lalaki. xD)

 

*** Wynn Erasforte. 19 years old at siya ang panganay sa Elemental sisters. Wind element naman ang taglay niyang kapangyarihan. Tahimik ngunit mababatid sa kaniyang mukha na lagi siyang seryoso. Kilala din siyang malupit at walang patawad sa mga makasalanan, kaya kahit ang kaniyang mga kapatid ay natatakot sa kaniya. (Baddass!)

 

Slim ang pangangatawan nitong si Wynn, 5’4” ang kaniyang taas, maputi ang kaniyang balat, sobrang ganda ng mahabang silver niyang buhok at ang ganda din ng kaniyang pyutsur. (if you know what I mean! :3) ***

Halos may ilang minuto na din silang naglalakad at dahil hindi sila pamilyar sa lugar na ito ay muli nilang kinausap ang isa pa nilang kasama.

 

“Sigurado ka bang dito talaga na’min makikita ang aming target?” Tanong ni Wynn.

*Uhm! Walang duda. Halos may ilang buwan na rin siyang nagta-trabaho sa sikat na gun shop dito.” Walang emosyong pagkakatugon ni Fate.

“Siguraduhin mo lang na hindi mo kami niloloko, dahil sa oras na malaman kong niloloko mo kami ay ako mismo ang papatay sayo.” Sambit ni Aussa.

 

“Tumahimik ka Aussa. Hindi mo alam ang kayang gawin ni miss Fate, kaya mas makakabuting tumahimik ka na lang.” Sambit muli ni Wynn.

 

*Uhm.. Sorry, ate Wynn.” Mahinang pagkakasambit ni Aussa.

 

“Humingi ka rin ng paumanhin kay miss Fate.” Sambit muli ni Wynn.

Sandaling huminto sa kaniyang paglalakad si Aussa. Napahinto din sa paglalakad si Fate, dahil nasa harapan niya ito.

 

“So..so..sorry..” Mahinang pagkakasambit ni Aussa.

“Wag kang mag-alala, hindi ko mina-masama ang mga sinabi mo kanina. Pero kung gusto mo talaga akong mapatay ay bibigyan kita ng pagkakataon! Sa halagang 10k gold ay maaari mo akong labanan at kung sakali mang mapatay mo ako ay hindi ka maku-kulong dahil gagawa tayo ng isang kontrata! Ano? Gusto mo ba?! 10k gold lang!” Masayang pagkakasambit ni Fate w/ matching gold currency eyes.

“*Heh?” Nagtatakang pagkakasambit ni Aussa.

Sa mga sandaling ito ay napahinto na rin sa paglalakad ang iba pa. At katulad ni Aussa ay labis ding nagtaka sila Eria at Kurenai.

“Tama na nga ang mga biro, miss Fate. Masyado pang bata ang kapatid ko para mamatay.” Sambit ni Wynn.

*Eh! Pero hindi ako nagbibiro! Kung gusto mo ay ikaw na lang ang lumaban sa’kin! 10k gold lang!” Masayang pagkakasambit muli ni Fate.

Sa mga sandaling ito ay biglang nainis ang tatlo kay Fate, dahil pakiramdam nila ay minamaliit nito ang kanilang nakakatandang kapatid.

 

“Ate, okay lang ba kung patayin ko na siya ngayon?” Inis na pagkakasambit ni Kurenai.

 

“Talaga?! Talaga?! Kung ganon ay gusto mong kunin ang offer ko?!” Masayang pagkakasambit muli ni Fate.

Lalong nainis si Kurenai sa kaniyang mga narinig, kaya naman agad na siyang lumikha ng apoy sa kaniyang kanang palad.

 

“Tama na yan, Kurenai. Hindi nyo kilala si miss Fate.” Sambit ni Wynn.

 

“Pero ate! Masyado kang minamaliit ng babaeng ito!” Inis na pagkakasambit ni Kurenai.

“Itigil mo na yan Kurenai. Si miss Fate ay isang nilalang na hindi mo kayang talunin. Isa siyang halimaw at isa din siya sa mga hindi ko gustong makalaban.” Malakas na pagkakasambit ni Wynn.

Labis na nagulat ang tatlo sa kanilang mga narinig, dahil hindi pa nila nakita ang kanilang ate na ganito.

“Sino ba talaga itong Fate Steinight na ‘to? At bakit parang matagal na siyang kilala ni ate Wynn.” Sambit ni Kurenai derekta sa kaniyang isipan.

 

“Ang boring mo naman Wynn. Hindi ko naman papatayin ang mga kapatid mo sa magiging paglalaban na’min eh! Ang gusto ko lang naman ay kumita ng konting pera.” Dismayadong pagkakasambit ni Fate.

 

“Hindi ka pa rin talaga nagbabago, miss Fate.” Medyo dismayadong pagkakasambit ni Wynn.

“Ang mabuti pa ay magsimula na muli tayong maglakad para matapos na ang trabaho ko at para makuha ko na rin ang pera ko. *Fufufu.. Nakangiting pagkakasambit ni Fate.

 

“Ma..ma..malayo pa po ba tayo, miss Fate?” Medyo takot na pagkakasambit ni Eria.

 

“Malapit na tayo.” Tugon ni Fate.

Ilang sandali pa ay muli ng naglakad patungo sa Gun x Bounty ang lima at katulad ng sinabi ni Fate ay malapit na sila dito.

Sa dalawang minutong paglalakad ay narating na nila ang naturang gun shop.

 

“Nandito na ba tayo?” Tanong ni Wynn.

 

*Uhm! Kaya yung bayad ko?! Nasaan na?” Masayang pagkakasambit ni Fate.

Matapos marinig ang sinabi ni Fate ay mabilis na inihagis ni Wynn ang isang supot patungo dito na agad naman nitong nasalo.

 

“Hindi ko na bibilangin ‘to ah! Tiwala naman ako sayo eh, Wynn.” Sambit ni Fate.

*Uhm! Maraming salamat, miss Fate.” Tugon ni Wynn.

 

“Okay sige, maraming salamat din! Aalis na ako ah! Tapos na ang trabaho ko dito eh!” Sambit muli ni Fate.

 

“Nauunawaan ko. Maraming salamat muli.” Sambit muli ni Wynn.

Sa mga sandaling ito ay hindi na nagsalita pa si Fate at nagsimula na itong maglakad papalayo. Samantala, mabilis namang nilapitan ng tatlo ang kanilang ate at kalaunan ay tinanong.

 

“Saan mo ba nakilala ang babaeng yon ate?” Tanong ni Kurenai.

 

“Oo nga! At bakit mo nasabing isa siyang halimaw?” Sambit ni Aussa.

 

“Nagtataka din ako ate, kasi lagi naman tayo magkakasama diba?” Sambit ni Eria.

Sandaling natahimik si Wynn, pero ilang sandali lang ito nagtagal.

 

“Nakilala ko siya nung humiwalay ako sa inyo para tapusin ang isa sa ating mga mission.” Sambit ni Wynn.

*Hmmm.. Yung nakaraang taon ba yung tinutukoy mo ate? Yung nagtrabaho tayo ng sabay ngunit magkaibang lugar? At minabuti mong puntahan yon ng mag-isa para hindi tayo maunahan ng iba?” Sambit ni Eria.

“Yun na nga mismo, Eria. At kundi dahil sa tulong ng Griswold’s Legacy ay malamang hindi na ako nakabalik pa ng buhay.” Tugon ni Wynn.

 

“Bakit ate? Nakalaban mo na ba ang babaeng yon?” Sambit ni Aussa.

 

“Ganon na nga. Kilala siya sa bansag na “Sell sword”, dahil kahit sino ay maaaring kunin ang kaniyang serbisyo. At nung mga panahong yon ay kinuha ng ating target ang kaniyang serbisyo. Halos mamatay ako sa pakikipaglaban ko sa kaniya at hindi ko man lang siya nagawang tamaan. Simbilis siya ng hangin, ay hindi. Simbilis siya ng liwanag.” Sambit muli ni Wynn.

Sa mga sandaling ito ay labis na nagulat ang tatlo, dahil hindi sila makapaniwala sa kanilang mga narinig.

“Pe..pe..pero nakaraang taon pa yon, diba? Siguro naman kaya na na’tin siya ngayon. Lalo na’t kasama mo kaming tatlo.” Sambit ni Kurenai.

 

“Imposible. Ang paraan ng kaniyang pakikipaglaban ay imposibleng talunin. At dahil don ay sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na siya kakalabanin pa kahit kailan.” Sambit muli ni Wynn.

 

“Kahit siya pa ang maging target na’tin?” Tanong ni Eria.

“Ganon na nga. Mas gugustuhin ko ng umaatras kaysa sa labanan muli ang halimaw na yon. Mauunawaan nyo lang ako sa oras na makita nyo siya kung papaano lumaban.” Sambit muli ni Wynn.

Hindi na nagawa pang magsalita ng tatlo sa mga sandaling ito at labis na napapaisip sa kung gaano kalakas si Fate Steinight.

“Ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa shop upang alamin kung nandito nga ang hinahanap na’tin.” Sambit muli ni Wynn.

“*Uhm!” Tugon ng tatlo.

Matapos mag-usap ay nagsimula ng maglakad ang magkakapatid papasok sa naturang gun shop.

Sa kanilang pagpasok ay agad silang binati ng mga kahera, ngunit laking gulat ni Wynn sa kaniyang nakita sa kaliwang bahagi ng shop.

 

“Ei..ei..Eiel? Anong ginagawa mo dito!?” Gulat na pagkakasambit ni Wynn.

 

*Oh! Wynn! Long time no see ah! Kamusta ka na?” Masayang pagkakasambit ni Lisa.

 

“Li..Li..Lisa? Ikaw din? Teka, anong bang nangyayari dito?” Gulat muling pagkakasambit ni Wynn.

Sa mga sandaling ito ay puno ng pagtataka ang lahat sa kanilang mga narinig.

“Bakit ate? Sino ba ang mga yan?” Tanong ni Aussa.

Hindi na nagawa pang tugunin ni Wynn ang tanong ng kaniyang kapatid, dahil biglang nagsalita muli si Eiel.

*Hahaha! Kung ganon ay kasama mo ang mga kapatid mo ngayon! Ang Elemental sisters! Tama ba ako, Wynn?” Nakangiting pagkakasambit ni Eiel.

 

“Ganon na nga, pero ano ba ang ginagawa nyo sa shop na ‘to?” Sambit muli ni Wynn.

*Ahh! May pinunatahan kasi kaming target sa Argos city na kalapit lang dito. At isa pa ay malapit na kaibigan na’min ang may-ari ng shop na ‘to, kaya dito kami namamalagi ni Lisa sa ngayon. At kayo naman? Ano ang sadya ng Elemental sisters dito? Wag mong sabihing gumagamit na kayo ng mga baril ngayon?” Sambit ni Eiel.

“Nagkakamali ka, nandito kami dahil dito na’min makikita ang matagal na na’ming hinahanap na target.” Sambit muli ni Wynn.

 

*Huh? Baka naman nagkakamali ka ng impormasyong nakuha?” Sambit muli ni Eiel.

 

*Tsk! Sinasabi ko na nga bang niloloko lang tayo ng Fate Steinight na yon eh! *Grrr!Inis na pagkakasambit ni Kurenai.

Agad na pukaw ni Kurenai ang atensyon nila Eiel, dahil kilala nila ang tinutukoy nito.

 

*Huh? Si Fate ba ang nagbigay ng impormasyon sa inyo?” Sambit ni Lisa.

 

“Ganon na nga.” Tugon ni Wynn.

“Talaga? *Ahh! Na-gets ko na! Kung ganon ay dito nga sa bayan na ‘to makikita ang target nyo.” Sambit ni Eiel.

“Wag kayong mag-alala, hindi naman gaanong malaki ang bayang ‘to, kaya hindi siguro kayo mahihirapang hanapin ang target nyo.” Sambit ni Lisa.

 

“Oo nga. At kung gusto nyo ay tutulungan ko pa kayong hanapin ang target nyo.” Sambit muli ni Eiel.

 

“Hindi na kailangan, dahil alam na na’min kung saan siya makikita.” Sambit ni Wynn.

 

“Talaga? Pero ano naman ang ginagawa nyo dito sa shop?” Sambit muli ni Eiel.

 

“Dahil dito kami dinala ni Fate. At ate! Sino ba ang dalawang ‘to?” Sambit ni Aussa.

“*Huh?” Reaksyon ng makapatid na Griswold.

 

“Sila ang tanyag na Griswold’s Legacy. At isa sila sa hindi ko gustong makalaban.” Sambit ni Wynn.

 

“Alam ko na ang tungkol sa bagay na yan Wynn, pero tama ba ang narinig ko? Dito kayo dinala ni Fate?” Sambit ni Eiel.

*Uhm! Ganon na nga, sa gun shop daw na ‘to na’min makikita ang target na matagal na na’ming hinahanap.” Sambit muli ni Wynn.

 

*Hmmm.. Kung ganon, sino ba ang target nyo dito? Pero sa oras na ang mga kaibigan na’min ang target na tinutukoy nyo ay hindi na’min ito mapapahintulutan.” Sambit muli ni Eiel.

Sa mga sandaling ito ay biglang tumaas ang tensyon sa pagitan nila Eiel at nang Elemental sisters.

 

“Ate, siguro naman hindi na’tin aatrasan ang lalaking yan.” Sambit ni Kurenai.

 

“Mukhang ganon na nga, pero hindi ko alam kung kakayanin na’tin silang talunin.” Tugon ni Wynn.

 

“Bakit hindi mo muna sabihin kung sino ang target nyo? Hindi naman siguro sila Elriz at Louise ang mga target nyo, tama ba ako?” Sambit ni Lisa.

Nakahinga ng maluwag si Wynn matapos marinig ang sinabi ni Lisa, dahil hindi nga ito ang kanilang target.

 

*Sigh! Mabuti na lang at hindi ang mga sinabi ni Lisa ang target na’min.” Sambit ni Wynn.

“Kung ganon ay wala tayong problema. Pero sino ba ang target nyo? Isa ba siyang empliyado dito?” Sambit ni Eiel.

“Ganon na nga. At ang sabi ni Fate sa’min ay may ilang buwan na din siyang nagta-trabaho dito.” Tugon ni Wynn.

 

“Talaga? At ano naman ang pangalan nya?” Sambit muli ni Eiel.

 

“Hindi na’min alam ang tunay niyang pangalan, pero kilala siya sa bansag na Vivi, dahil Vividium ang madalas niyang ginamit para patayin ang kaniyang mga biktima.” Tugon muli ni Wynn.

*** Note: Ang “Vividium” ay isang mapanganib na kemikal na nasa anyong gas. Magandang power source ang Vividium, ngunit tinatayang milyon nadirion ang namatay matapos ma-exposed sa kemikal na ito kaya mahigpit na itong ipinagbawal. At nangyari ito bago pa man makatapak ang mga tao sa planet Lore. ***

“Vi..vi?” Mabagal na pagkakasambit ni Eiel.

Agad nagkatinginan ang magkapatid at napaisip kung papaano naging posible ang mga akusasyon ni Wynn kay Vivi na isa sa mga napili nila Elriz para humalili sa kanila sa pagsasa-ayos ng mga baril.

“Si Vivi? Sigurado kang siya yung target nyo? Pero ang bata pa nya para akusahan nyo ng ganon.” Sambit ni Lisa.

 

“Kung ganon ay nandidito nga siya. Ang mabuti pa ay ilabas nyo na siya, para hindi na madamay ang gun shop na ‘to.” Sambit ni Kurenai.

“Sandali lang, saan nyo ba nalaman ang tungkol sa impormasyon nyo tungkol dito kay Vivi? Hindi naman kasi ganon ang pagkakakilala ko sa kaniya, kahit mahigit isang linggo pa lang kaming magkakilala.” Sambit muli ni Eiel.

“Oo nga. At imposible din ang sinasabi nyo, dahil kung totoo mang gumagamit siya ng Vividium ay malalaman na’min agad yon, dahil sobrang mapanganib ng kemikal na yon para sa mga tao at nadirion.” Sambit ni Lisa.

“Malalaman na’tin yan sa oras na makita na’min ang Vivi na kilala nyo. Dahil ang Vivi na tinutukoy ko ay nakalaban na na’min, kaya malalaman ko kung siya ito o hindi.” Sambit ni Wynn.

Hindi nagawang magsalita nila Eiel at Lisa, dahil natuon ang kanilang atensyon kay Louise na kalalabas lang staff room kasama si Vivi.

 

*Oh Vivi, sigurado ka bang ikaw na ang magde-deliver nyan sa ating customer?” Sambit ni Louise.

 

*Uhm! Dito lang naman sa Harogath yung customer na’tin eh, kaya okay lang sa’kin.” Tugon ni Vivi.

 

“Okay, ikaw ang bahala..” Sambit muli ni Louise.

                                                  

Agad napansin ni Louise ang apat na kababaihan hindi kalauyan sa may pinto ng kanilang shop, kaya naman binabiti niya ang mga ito.

 

“Magandang araw, sana ay may magustuhan kayo sa mga items na’min dito.” Masayang pagkakasambit ni Louise.

“Vivi!” Galit na pagkakasambit ni Wynn.

*** SFX: BLUUG! ***

Agad namang napalingon si Louise kay Vivi, dahil nagulat ito matapos mahulog ang kasalukuyang dala nito.

“Vivi?” Nagtatakang pagkakasambit ni Louise.

 

*Tsk! Nag-eenjoy pa naman ako, dahil nakasama kong muli si Tosara. Bwisit.” Mahinang pagkakasambit ni Vivi.

Chapter end.

Afterwords.

Sobrang sorry po talaga kung sobrang tagal ng mga updates nito.. Sinisikap ko po kasi talagang tapusin muna ang SOM book2, ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay labis itong humahaba sa oras na sinisimulan ko ng isulat.. Kaya po sana ay paki-unawa na lang ako.. maraming salamat po..

Nagmamahal,

-chufalse xD

Susunod

Chapter 8: Vividium version c-04

继续阅读

You'll Also Like

182K 7.3K 51
Codes. Mystery. Adventure. And a lost city. Curious teenagers venture to the uncertainty. Pack your bags and prepare your travel suits. Buckle your t...
56.3M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
533K 28.6K 78
(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterio...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...