Obsession 2, Claiming Her (Co...

By rhodselda-vergo

301K 7.3K 238

Mature content. Not suitable for minor readers. Teaser Franco Santa Maria thought that he don't need extra in... More

Teaser
Chapter One
Chapter Two (Unedited)
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six (The road to finale)
Chapter Twenty-seven (The Finale)

Chapter Twenty-four

7.6K 229 2
By rhodselda-vergo

HINDI pa tapos ang fashion show ni Coleen sa Calla ay nag-text na si Franco na naroon na ito para sunduin siya. Hinayaan niya itong maghintay. Nasa dressing room siya at binibihisan para sa huling damit na irarampa niya. Hindi na siya nag-reply kay Franco. Alam naman nito kung ano'ng oras siya matatapos.

Pagkatapos ng make-up session ay lumabas na siya. Patungo na siya sa back stage nang mamataan niya si Natalie na kausap ng isa sa kapwa niya model na babae. Nakasuot ito ng black off shoulder dress at may sukbit na itim ding shoulder bag. Bumalik na ang magandang hubog ng katawan nito matapos manganak. Mukhang babalik na ito sa pagmomodelo kaya siguro ito naroon.

Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon noon na makatrabaho si Natalie dahil noong panahong nagsisimula ito sa career nito ay paalis na siya papuntang Singapore. Pero nababasa niya sa mga update ng Calla na namayagpag ang career nito noong wala na siya. At ngayong babalik na ito sa Calla ay nasabik siya na makatrabaho ito. Wala siyang balak makipagkompitensiya rito. Itinuturing niyang challenge na makasama ito sa iisang talent company.

Habang hinihintay na matapos ang ibang modelo ay hinawakan muna niya ang kanyang cellphone. May missed calls siya mula kay Franco. Mayroon din itong isang mensahe. Binasa niya ang mensahe nito.

"I'll wait for you." sabi nito.

Hindi na niya ito sinagot. Pagkuwan ay umakyat na siya sa stage nang tawagin siya ng manager niya. Inaasahan niya na makikita niya si Franco sa audience area sa gilid ng entablado kung saan ito madalas pumupuwesto. Subalit hindi niya ito nakita. Baka nasa labas lang ito.

Pagkatapos ng halos kalahating oras na pagrampa ay bumalik sa dressing room si Coleen at nagbihis. Nagsuot lang siya ng puting blouse at black skinny jeans. Kakain lang naman sila ni Franco bago uuwi kaya hindi na siya nag-ayos nang husto. Binura na niya ang kanyang make up at tanging lip stick ang natira.

Mamaya ay tumunog ang kanyang cellphone. Nang malamang si Franco ang tumatawag ay kaagad niya itong sinagot.

"Where are you?" tanong nito sa kabilang linya.

"Nandito pa ako sa dressing room. Nasaan ka ba?" dagot niya.

"Nandito ako sa lobby. Matagal ka pa ba?"

"Nagliligpit lang ako ng gamit. Hintayin mo na lang ako riyan."

"Okay." Pinutol na nito ang linya.

Paalis na sana siya nang sabihin ng manager niya na kunin muna niya ang kanyang tseke sa accounting office. Bayad iyon ng mga naunang project niya. Binitbit na niya ang kanyang paper bag na naglalaman ng sandals at hinubad niyang damit.

Dumeretso muna siya sa opisina at kinuha ang tseke niya. Umaasa siya na mabilis lang ang proseso kaya hindi na niya inabisohan si Franco na dadaan siya sa opisina. May kausap pa ang accounting staff sa telepono kaya hinintay muna niya itong matapos. Pagkuwan ay pinapirma siya nito sa logbook.

Nang makuha ang tseke ay nagpaalam na siya rito. Paglabas niya ay tahimik sa paligid. Hindi katulad kanina na maingay ang mga staff na nakatambay sa pasilyo. Naisip niya na magpaalam muna sa manager niya bago tuluyang umalis.

Inaasahan niya na nasa opisina lang ito kaya dumeretso siya roon. Subalit napako ang mga paa niya sa sahig nang mamataan niya si Franco na kausap si Natalie sa labas ng managers' office. Nakatayo lang ang dalawa at mukhang seryoso ang pinag-uusapan.

Lumapit pa siya at kumubli sa likod ng nakatayong babaeng manikin. Naging malinaw sa pandinig niya ang usapan ng dalawa. Nakataas ang boses ni Natalie.

"It's no sense, Franco. I did my part but I'm still a loser! Ayaw nang bumalik sa akin ni Cedric. He's still in love with Coleen," naghihimutok na sabi ni Natalie.

Naalarma si Coleen. Nadawit na silang dalawa ni Cedric sa usapan ng mga ito. Wala pa man ay kinakabahan na siya sa daloy ng usapan ng dalawa.

"Then, wala akong magagawa. I just did my part," ani Franco.

"Yes, you did your part, only for your own benefits! Galit na sa akin si Cedric."

"Paano siya magagalit?"

"Nalaman niya na hindi totoong siya ang ama ng anak ko. Pina-DNA test niya ang anak ko na hindi ko alam. Desidido na siyang balikan siya ni Coleen," bunyag ni Natalie.

"Imposible 'yon. Kahit kailan ay hindi na babalik sa kanya si Coleen," paninindigan ni Franco.

"Huwag kang pakampante, Franco. Matalino si Cedric, marunong siyang kumilatis ng sitwasyon. Nagduda na siya sa atin. Iginigiit niya na pinagkakaisahan natin sila ni Coleen. Paano kung biglang sasabihin ni Cedric kay Coleen na may kinalaman tayo sa pagkasira ng relasyon nila?"

Na-shock si Coleen. Pakiramdam niya'y biglang natunaw ang mga buto niya sa tuhod. Bigla siyang nanlumo. Ngunit nagbabakasakali siya na mali ang pagkakaunawa niya.

"Hindi paniniwalaan ni Coleen si Cedric," giit ni Franco.

"Bakit, dahil ba nalason mo na ang utak ni Coleen? Hindi pa tapos ang laban mo, Franco. Hanggat nariyan si Cedric, hindi ka magtatagumpay sa plano mo. Mag-ingat ka lang dahil once nalaman ni Coleen na ikaw ang may pakana ng pagkasira nila ni Cedric, tiyak na mawawala rin siya sa 'yo."

"Tumigil ka! Hindi mangyayari 'yon! Ginusto mo rin ito'ng mangyari. Kung tutuusin, naingganyo lang ako ni Cynthia para tulungan kang maibalik sa 'yo si Cedric. Hindi lang naman 'to para sa akin. Naawa ako sa 'yo kaya idinamay na rin kita sa plano ko," depensa ni Franco.

"Oo, tama ka, pero ano'ng nangyari? Ikaw lang naman ang nakikinabang. Ayaw mo kasi na makialam kami ni Ate sa plano mo kay Coleen. You're so selfish, Franco."

Nanrindi si Coleen sa kanyang narinig. Pakiramdam niya'y unti-unting dinudurog ang puso niya. Noon lang niya lubos na naunawaan ang mga sinabi sa kanya noon ni Cedric. Tama nga ito, pinagkakaisahan sila ng mga damuho na ito. Nagdilim ang paningin niya dahil sa naghaharing galit sa sistema niya. Tuluyang bumagsak ang namumuong galit sa puso niya at tumulak sa kanya upang lumantad.

"Tama na! Huwag na kayong magtalo dahil panalo na kayo! Mga walanghiya!" hasik niya, na biglang nagpatahimik sa dalawang nagtatalo.

"C-Coleen..." gulantang na bigkas ni Franco. Parang ibinabad sa suka ang mukha nito na biglang namutla.

"Yes, Franco, ako nga. I can't imagine na nagagawa mo ito sa akin. It make sense now. Lahat pala ng kabutihan mo, may mabigat na dahilan at kapalit," lumuluhang wika niya.

"Coleen, let me explain," sabi nito habang papalapit sa kanya.

"Gasgas na ang linyang 'yan, Franco! Narinig ko na, alam ko na kaya wala ka nang dapat ipaliwanag sa akin!" nanggagalaiting sabi niya.

Akmang hahawakan siya nito ngunit umatras siya at bigla itong sinampal sa pisngi. Talagang nilakasan niya nang maramdaman nito ang sakit na nararamdaman niya.

"Walanghiya ka! Pinaniwala mo ako'ng matino ka, na hindi ka katulad ni Cedric at ng ibang lalaki. Pinaibig mo ako, pinaniwala na patay na patay ka sa akin. Ang galing mo. Nakapahusay mong artista. Napaniwala mo ako sa acting mo, pero hindi habang buhay ay maloloko mo ako. Nagtiwala ako nang buo sa 'yo, Franco. Paano mo nagawa 'to? Ano ba ang kasalanan ko sa inyo?" may hinanakit na pahayag niya habang walang tigil sa pagpatak ang kanyang mga luha.

Naghari ang pagkabalisa ng binata at halos hindi makapagsalita. "N-No, h-hindi ako nagpapanggap, Coleen. Inaamin ko na pinlano ko kayong sirain ni Cedric, but it's not just about that," paliwanag nito.

"Then what? Why?" humihikbing tanong niya.

"Because I love you! Mahal kita, mahal na mahal kita, Coleen," napapaluha na ring pahayag nito.

Lalong nagpuyos ang damdamin niya. Sa inis niya'y muli niya itong sinampal. "Anong klaseng pagmamahal, Franco? A selfish love? That's bullshit! You doesn't deserves me, asshole! Nagkamali ako, maling-mali. Bakit ba ako naniwala sa manggagamit na katulad mo? Ang ayaw ko sa lahat ay ang lalaking manloloko at sinungaling. Kabaliktaran lahat ang pinakita mo sa akin. Bakit mo nagawa sa akin 'to? Ganyan ba ang tinatawag mong pagmamahal? Ang saktan ang sinasabi mong mahal mo? That's an idiot idea! Not anymore, Franco!" nanggagalaiting sabi niya. Humagulhol na siya nang tuluyang gupuin ng sakit ang pagkatao niya.

"I'm sorry, please, let me tell you my reason," lumuluhang samo nito at pilit siyang niyayakap.

Humugot siya ng lakas saka ito marahas na itinulak. Muli niya itong sinampal. "Ayaw ko nang makarinig mula sa 'yo. It's over, Franco, tama na. Maawa ka sa akin," aniya sa naghihinagpis na tinig.

"Coleen, no, please..." Sinubukan pa rin siya nitong hawakan ngunit iniwaksi niya ang mga kamay nito.

"Don't touch me! Stay away from me, asshole!" singhal niya.

Nang hindi na niya kayang kontrolin ang kanyang emosyon ay tumakbo siya palayo rito hanggang makalabas siya ng studio. Saktong may paraan na taxi. Dagli niya itong pinara at sumakay. Hindi niya napigil ang kanyang hagulhol nang tuluyang lamunin ng sakit at hinagpis ang kanyang puso.

PARANG naipako ang mga paa ni Franco sa sahig at tulalang nakatanaw sa puwestong inalisan ni Coleen. She's now gone. He lost her. Pakiramdam niya'y may libo-lobong punyal na tumulos sa puso niya. May ilang sandaling blanko ang utak niya. Tanging mga luha niya ang gumagalaw pababa mula sa kanyang mga mata.

Gusto niyang agapan ang pangyayari at isiping isa lamang iyong masamang panaginip. Iniisip niya na wala lang iyon at babalik si Coleen at maayos ang problema. But suddenly, the situation was real, He's not dreaming. She's really gone.

Nang ibalik niya sa realidad ang isip ay naramdaman niya ng masigid na kirot sa buong parte ng kanyang puso. Nasorpresa siya. Dumating sa punto na naiisip niya ang senaryong iyon pero iginiit niya na malabo itong mangyari. But it's happening and he doesn't know how to manage the situation. He felt his knees trembled like he's about to tumble. Until he kneeled down the floor while trying to control his emotions, but he failed.

Sinalo ng kamay ni Natalie ang likod niya at pilit siyang inalalayang tumayo. Nabuburyong na siya. Hindi niya napigil ang sarili na iwaksi si Natalie. Sa lakas niya'y sumalampak ito sa sahig. Nanginig nang husto ang katawan niya at bumagsak ang kanyang emosyon sa kanyang mga palad. But he ended to punch the hard wall. He never stop punching it until he feels the liquid ran from his wound. He didn't feel the pain from his bloody fist, it makes him calm instead.

"Stop it!" pigil ni Natalie. Hinila siya nito palayo sa sementadong dingding.

Hindi na niya namalayan ang kasunod na pangyayari. Tuluyang nablanko ang isip niya.

LUMIPAS na ang gabi, umaga at gabi ulit ngunit nanatiling nakahilata si Franco sa kanyang kama. Obligadong sumugod ang parents niya dahil sa naiwan niyang trabaho sa kumpanya. Hindi siya makatulog. Hindi rin siya makakain. Isinara ni Coleen lahat ng contacts nito. Ayaw rin siya nitong harapin kahit pabalik-balik siya sa bahay nito. Itinataboy na siya ng kaanak nito. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin.

Narinig niyang bumukas ang pinto pero nanatili siyang nakahiga at nakatitig sa kisame. Naramdaman niya ang presensiya ng kanyang ina.

"Anak, please lang kumain ka na. Bakit ka ba nagkakaganyan?" narinig niyang sabi ng Mommy niya.

"Iwan n'yo po ako mag-isa," sabi lamang niya.

"My God! Halos dalawang araw ka nang hindi kumakain! Nang dahil lang sa babae, pinapahirapan mo ang sarili mo! You don't deserved it, hijo. Please, get up and eat!"

"Sinabi ko'ng iwan n'yo 'ko," wala sa sariling sabi niya sa kanyang ina.

"Fine! I bought you some food. Please, eat it," sabi na lamang ng kanyang ina.

Walang nagawa ang ginang kundi umalis.

Nang makalabas ang kanyang ina ay bumangon siya at nag-lock ng pinto. Nagpumilit siyang kumain ngunit wala siyang malasahan. Hindi niya malunok ang pagkain. Para siyang pilit lumulunok ng buhangin. Inalipin siya ng iritasyon nang hindi niya mapilit ibalik sa normal ang kanyang sarili.

"Uggggghhhh!" gigil na sigaw niya at nahagip ng kamay niya ang tray ng pagkain. Nagtalsikan ang mga ito maging ang baso ng tubig.

Napaluklok siya sa sahig habang hawak ang kanyang sariling ulo. Hinayaan niyang tumulo ang kanyang mga luha dahil ito lang ang may kakayahang bawasan ang hirap at pait sa kalooban niya.

HALOS dalawang linggong hindi naka-report sa Calla studio si Coleen. Bigla kasing sumama ang pakiramdam niya. Madalas siyang inaatake ng matinding pagkahilo at pagduduwal. Iniisip niya na baka anemic lang siya dahil ilang gabi siyang hindi nakakatulog nang maayos. Ngunit nang dalhin siya ng mga kapatid niya sa ospital ay natuklasan ng doktor na nagdadalang-tao siya.

Pakiramdam niya'y nag-aagaw ang dilim at liwanag sa buhay niya. Ang biglang pagdilim ay ang nangyari sa kanila ni Franco. Ang liwanag ay ang biglang pagdating ng anghel sa buhay niya. Sa kabila ng galit niya kay Franco, hindi niya inisip na maapektuhan ang kanyang anak.

Mabuti na lang naintindihan ng manager niya ang kanyang sitwasyon at ito na ang nag-ayos sa mga iniwan niyang trabaho. Hindi rin naman niya kakayaning magtrabaho sa ganoong kalagayan. Apektado ang pagbubuntis niya dahil sa mga nararamdaman niya kay pinag-iingat siya ng doktor.

Nanatili siya sa ospital dahil ino-obserbahan pa siya ng doktor. Kailangan niya ng pahinga dahil kung patuloy siyang magpapadaig sa depresyon ay baka mawala ang kanyang anak. Natakot siya kaya sumunod siya sa payo ng doktor.

Kinagabihan ng Linggo ay tanging si Gabriel ang nagbabantay sa kanya sa ospital dahil kailangang mag-review ng dalawa niyang kapatid para sa exam. Mabuti walang pasok sa eskuwela si Gabriel. Hindi niya pinaalam sa Nanay niya ang kanyang sitwasyon dahil ayaw niyang mag-alala ito. Katatapos lang niyang maghapunan nang magpaalam si Gabriel na may bibilhin sa labas.

Nakakaidlip na siya nang marinig niyang bumukas ang pinto. Akala niya si Gabriel lang pero nang pumihit siya paharap sa pinto ay nagulat siya nang mamataan si Franco na nakatayo roon. Nakasuot ito ng puting polo at itim na pantalon. Ang una niyang napansin ay ang pangangayayat nito. Pero sa pagkakataong iyon ay namayani pa rin ang galit sa kanyang puso. Hindi pa rin matanggap ng sistema niya na ang lalaking minahal niya ay magagawa siyang gaguhin. Bahagya siyang umupo at pilit ikinakalma ang kanyang emosyon.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" namumurong tanong niya.

Humakbang ito palapit sa kanya at huminto may isang dipa ang pagitan. "You need me, Coleen. Hayaan mo akong maipaliwanag sa 'yo ang totoong pakay ko−"

"Tama na, Franco!" hasik niya at hindi na pinatapos ang sasabihin nito.

"Let me talk, first!" nakasigaw nang sabi nito.

Lalong nag-init ang ulo niya. "I don't care! I don't want to hear anything from you! Just leave me alone! Maawa ka sa kalagayan ko. Kapag nawala ang baby ko, kasalanan mo!" hasik niya.

Lalong tumapang ang anyo ni Franco. "Anak ko rin 'yan, Coleen. That's mine! Hindi mo siya puwedeng ipagkait sa akin!" pilit nito.

"Walang sa 'yo, Franco! You don't deserve to be my child's father! Leave me now!" gigil na wika niya.

Nasilayan niya ang mabilis na pagdaloy ng mga luha ng binata, bagay na lalong nagpahirap sa kanyang damdamin.

"Hindi mo ako naintindihan, Coleen. Ang lahat ay nagawa ko dahil mahal kita," humihikbing pahayag nito.

Dahil sa sakit at tuluyang tumigas ang puso niya. "Wala akong maintindihan dahil sa simula pa lang ay hindi mo ito pinaintindi sa akin, Franco. Natatakot na akong maniwala sa mga taong magaling magpanggap. Gusto ko ng katahimikan. Please, palayain mo ako. Umalis ka na," lumuluhang wika niya. Naninigas na naman ang puson niya.

"I won't give up, Coleen. I know you would understand. You don't know how much I love you. Naging desperado lang ako dahil sa sobrang pagmamahal ko sa 'yo," agresibong pahayag nito.

Hindi na siya makapagsalita dahil nahihilo siya. Ni hindi na niya maunawaan ang sinasabi ni Franco. Mabuti na lang dumating si Gabriel at ito na ang nagpalayas nang tuluyan kay Franco. Nagtawag ito ng doktor para asikasuhin siya. Nablanko na ang isip niya kaya hindi na niya alam kung ano ang nangyari.

Continue Reading

You'll Also Like

26.4K 123 6
Caught in the tangled web of love and betrayal, Celeste faced the harsh reality of Noah Arkanghel's betrayal. As she navigates the storm of emotions...
264K 4.8K 11
Warning: Rated SPG| Strictly prohibited under 13 years of age| pero kung malilit ka go ng go parang globe konsensya mo na rin yan| Enjoy Reading "An...
63K 1.7K 51
ALPHABETUS SERIES 4: The rebellious son and the heir of wealthy billionaire of Spouse International Hotel. Isa ito sa kilala sa mataas na marangal na...
422K 12.5K 29
Bukod tanging si Logan Dela Costa sa magpipinsan ang hindi babaero. Seryoso sa buhay at lalo sa trabaho bilang sundalo. Ngunit may isa siyang katangi...