The Girl Grim Reaper (Complet...

By kristineeejoo

208K 3.7K 105

A Grim Reaper who fell in love with a human. More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41 (Part 1) - The Hidden Past
Chapter 41 (Part 2) - The Hidden Past
Chapter 41 (Part 3) - The Hidden Past
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note 1
Author's Note 2

Chapter 45

1.9K 41 0
By kristineeejoo

CHAPTER FOURTY FIVE


After three months, hindi na nag-pakita pa sakin si Luijin. Tatlong buwan na simula nung tapusin ko ang saming dalawa. Hindi naging madali sa umpisa pero pinilit kong kayanin dahil ito ang desisyon ko. Ito ang tama. At alam kong mas makakabuti ito para sakin at para sakaniya.

"Ilang years na pala tayong Grim Reaper, noh?" Sabi ni Sue habang nakaupo kami dito sa bench sa isang school. Naka-invisible mode kami kaya di kami kita ng mga istudyanteng padaan daan. "Kailan kaya matatapos ang paghihirap natin?"

"Alam kong malapit na." Sagot ni Al at nag-ngitian silang dalawa ni Sue.

Hmm? Mukhang may something sakanilang dalawa ah? Pero paano si Senior Ry? Nag confess kaya siya kay Sue? Ano naman kaya ang sinagot ni Sue sakaniya? Nung nakaraang buwan pa 'yon pero ngayon ko lang naalala dahil sa dami ng problema ko. Di ko tuloy nakausap si Senior Ry kung nakapag confess ba talaga siya.

"Sue," Tawag ko.

Napatingin sakin si Sue at niliitan ako ng mata, "Bastos ka na ah. Hindi mo ako tinatawag na ate!"

Natawa ako. "Hindi kasi ako sanay!"

"Kahit na. Ate Cherry itawag mo sakin. Bastos kang bata ka."

Nagtawanan nalang kami ni Al sa sinabi niya, "Di kasi ako sanay kapag ate ang tawag ko sayo! Tss!"

"Tss ka rin!" Sabi niya sabay irap. "Ano nga pala sasabihin mo?"

Umayos ako ng upo bago nagsalita, "Nagkausap ba kayo ni Senior Ry noon? May inamin ba siya sayo?"

"Anong inamin?" Napataas ang boses ni Al kaya medyo napatingin sa gawi namin ang mga studyante. Buti nalang naka-invisible mode kami.

"Shh. Ano ka ba, Al. Baka matakot satin 'yung mga students!" Sambit ko.

"Ano nga 'yung inamin? Ano 'yon, Sue?" Tanong ni Al at hinarap si Sue. Nakita kong napaawang ang bibig ni Sue at napalunok. Hinawakan ni Sue ang braso ko at hinila palayo kay Al.

"Pa'no mo nalaman 'yun?" Tanong niya.

Tumawa ako, "Ba't naman hindi ko malalaman 'yon, ate?"

Hindi siya nakapagsalita at ilang sandali pa akong tinitigan. Napabuntong hininga siya bago sumagot.

"Oo. Umamin siya sakin. He said he likes me." Sagot niya habang sa ibang direksyon ang paningin.

"Anong sagot mo?"

Umiling siya, "Gusto ko siya pero bilang kaibigan. Sinabi ko na agad sakaniya 'yon para hindi siya umasa."

Napangiti ako. "Hm, so, anong relasyon niyo ni Al?"

Hindi siya nakasagot. Napayuko siya at napakamot sa ulo. Hindi ko mapigilang matawa at napailing nalang.

Bumalik kami sa bench na pinag-upuan namin kanina. Nagulat kami ng makitang wala na dun si Al. Hala, siguradong nag-selos ang lalaking 'yon. Hahaha.

"Nasa'n na 'yun?"

Tumawa ako ng malakas, "Baka nasa bahay na. Nagmumukmok."

Nagtaka naman siya sa sinabi ko. Mas lalo akong natawa at hinila nalang siya.

Nung nakaraang buwan pa kami nagkaayos nila Sue. Syempre nag-sorry ako at pinaliwanag ko sakanila kung bakit mas pinili kong pakawalan si Luijin. Sinabi kong mas mabuti ng pakawalan siya para hindi na kami mapahamak. Para pati siya ma-protektahan ko. Para hindi na maging komplikado ang lahat.

Umuwi kami ni Sue sa bahay at nandun nga si Al. Nakabusangot habang nanonood ng TV. Linapitan siya ni Sue at tinabihan. Lumayo naman siya at kunwaring nagtatampo. Potek. Ang arte naman nito ni Al. Akala mo babae eh.

"Ba't galit ka?" Tanong ni Sue sakaniya.

"Nakausap ko 'yung crush mo!"

Napakunot ang noo ni Sue, "Sinong crush? Pinagsasabi mo?"

"'Yung senior niyo!" Naasar na sambit ni Al. "Sinabi niyang gusto ka niya!"

Nakita kong napangisi si Sue, "Ano naman ngayon kung gusto niya 'ko?"

"Hindi p'wede!"

"Bakit naman? Atsaka paano mo nasabing crush ko siya?"

Hindi ko na napigilang matawa at napailing nalang sakanilang dalawa. Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at nahiga. Napaupo ako sa kama ng may maramdaman akong isang bagay na nahigaan ko.

Kinuha ko 'yon at nagulat ako ng makita ang cellphone na binigay sakin ni Luijin. Tinitigan ko 'yon at mabilis na pinasok sa loob ng cabinet ko.

Napahawak ako sa dibdib ko at nagulat ako ng makapa ang isang kwintas sa leeg ko. Ito pala ang binigay ni Luijin sakin noong birthday ko. Mabilis ko 'yong tinanggal sa leeg ko at tinitigan rin.

Nangilid ang luha ko. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at pinasok rin sa looob ng cabinet ang kwintas na binigay ni Luijin. Hindi ko kayang makita ang mga bagay na binigay ni Luijin. Kapag nakikita ko ang mga bagay na 'yon, naalala ko lang siya at naiiyak lang ako.

Nagbihis nalang ako at lumabas ng kwarto. Nagpaalam ako kila Sue na may pupuntahan lang saglit.

Pagkalabas ko ng bahay, nagulat ako ng makita si Senior Ry.

"Oh? Senior Ry!"

"Hello." Nakangiting bati niya.

"Hello. Hinahanap mo si Sue? Teka, tatawagin—"

"No. Hindi siya ang pinunta ko dito."

Napakunot ang noo ko, "Sino?"

"Ikaw." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Tinuro ko pa ang sarili ko para makumpirmi kung ako talaga.

"Ako? Bakit ako?"

"Hindi ba sabi ko babawi ako sayo? Ngayon na 'ko babawi."

"Ha?" Napaayos ako ng tayo. "Ahm, hindi na. Okay lang kahit 'wag ka na bumawi sakin. At least natulungan kita kahit sa maliit lang na bagay."

"Mapilit ako. Kaya tara na. Sayang naman 'yung libre."

Natawa nalang ako at um-oo nalang. "Okay! Saan ba tayo pupunta?"

"Secret." Sabi niya sabay tawa. Napailing nalang ako at natawa rin. Sabay naming tinahak ang daan patungo sa sasakyan. Wait. May sasakyan siya?

"May kotse ka?" I asked.

Napangiti siya sa tanong ko, "Yup. Meron. Actually, nung nakaraan ko lang 'to nabili. At ikaw palang ang unang nakakita."

Nanlaki ang mata ko. "Wow!"

Pinagbuksan niya ako ng pinto at mabilis naman akong pumasok. Wow ha. Gentleman talaga.

Pumasok narin siya sa driver's seat at pinaandar na niya ang kotse. Nagsimula na siyang mag-maneho at hindi ko maiwasang igala ang paningin ko sa kabuuan ng kotse niya. Ang ganda at ang bango pa.

"Ang ganda naman ng sasakyan mo!" Manghang sambit ko. Bakit kaya bumili pa siya nito eh hindi naman niya 'to madadala kapag tapos na ang pagiging Grim Reaper niya? Hmm?

"Thanks." Sabi niya sabay ngisi.

"Matanong ko lang," Biglang sabi ko at humarap sakaniya. "Bakit bumili ka pa nito eh hindi mo naman 'to madadala kapag natapos na ang pagiging Grim Reaper mo?"

Saglit siyang napasulyap sakin bago binalik ang atensyon sa kalsada.

"Alam ko. Alam kong hindi ko madadala lahat ng gamit na binibili ko kapag natapos ko na ang pagiging Grim Reaper ko. Pero, ang nasa isip ko lang ay walang iba kundi 'wag mag sayang ng oras." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Ngumisi ulit siya, "Hindi ko sasayangin lahat ng oras na natitira habang nandito pa ako sa mundo. Gagawin ko lahat ng gusto ko kahit labag pa 'yan sa batas natin. Kung mapaparusahan ako, edi lulubus-lubusin ko na. Ang mahalaga, nagawa at nabili ko ang lahat ng gusto kong gawin at bilhin. Wala akong pinagsisisihan dun."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. May bigla akong na-realize. Dapat hindi ko inaksaya ang mga oras na magkasama kami ni Luijin. Dapat pinahalagahan ko 'yon dahil alam kong sa huli, magkakahiwalay parin kami. Ang dapat inuna ko ay 'yung kasiyahan naming dalawa. Tama si Senior Ry, kung ano man ang gusto kong gawin o bilhin, bilhin ko at gawin ko. At least sa huli, wala akong pagsisisihan.

Napangiti ako sa sinabi niya, "Thank you."

"Bakit ka nagpapasalamat?"

"Nang dahil kasi sa sinabi mo, may na-realize ako. Nagising ako bigla sa pagkakamali ng desisyon ko." Sagot ko.

"Ano bang naging desisyon mo?"

"Iniwan ko ang taong mahal ko at ang taong nagpapasaya sakin." Bulong ko. Hindi ko alam kung narinig niya ba 'yon o hindi. Hindi nalang siya nagsalita at nag-focus sa pagmamaneho.

Ilang oras ang binyahe namin bago kami nakarating sa gusto niyang puntahan. Sabay kaming lumabas ng kotse at nagulat ako sa nakita ko.

"Surprise!" Sabi niya habang tinuturo ang lugar kung nasaan kami.

Welcome to Wonderland.

Nangilid ang luha ko. Nagbalik ang lahat ng masasayang ala-ala namin ni Luijin habang naririto kami noon.

Napansin naman ni Senior Ry ang luha ko kaya bigla siyang nag-alala, "Bakit? May problema ba?"

Mabilis kong pinunasan ang luha ko. "N-No. Nothing. Napuwing lang ako."

Napatango nalang siya sa sinabi ko at sabay naming tinahak ang daan papasok sa wonderland. I missed this place.

Pag-pasok namin sa loob ay lumapad ang ngiti ko sa nakita. Lahat ng ala-ala namin dito ni Luijin ay bumalik. Parang kailan lang nang pumunta kami dito noon.

Sabay kaming lumakad ni Senior malapit sa bench. Pero tumigil ako ng makita ang nagtitinda ng cotton candy.

"Bakit? Gusto mo nyan?" Tanong ni Senior sakin. Napailing nalang ako. Kahiya.

Aalis na sana kami ni Senior sa nagtitinda ng cotton candy pero may bagong dumating.

"Pabili nga po." Mas lalo akong natigilan ng marinig ang boses niya. Nakatalikod siya at kitang kita ko na ang makisig niyang katawan. Parang bigla akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa boses niya.

"May problema ba?" Tanong sakin ni Senior Ry. Narinig 'yon ng lalaki sa harap namin kaya bigla siyang lumingon samin. Parehas kaming nagulat ng makita namin ang isa't isa. Oh my gosh.

"R-Ryche?"

"Luijin.."

"Luijin ang tagal mo naman! Kanina pa kita—" Biglang may sumulpot na babae sa harap ni Luijin. Si Roxiah. Natigilan siya ng makita ako.

"Oh my god!" She exclaimed.

"Kilala mo ba sila?" Tanong sakin ni Senior Ry. Parehas na napatingin sakaniya si Luijin at si Roxiah. Binalingan ko ng tingin si Luijin, wala siyang reaksyon. Blangko ang ekspresyon niya habang nakatingin kay Senior Ry.

"A-Ahm, oo." Sagot ko at hinarap ulit sila Roxiah. "Hello sainyo. Sige, una na kami sainyo ha?"

Mabilis kong hinila si Senior Ry paalis sa nagtitinda ng cotton candy.

Pero muntik na akong mapatid ng biglang may humila ng braso ko.

Si Luijin.

Continue Reading

You'll Also Like

6.3M 70.9K 106
Welcome sa buhay ni Therese "THE IGNORANT PRINCESS"! Already published by LIFEBOOKS Publishing, sana suportaan nyo ang Book 1 and 2! With TV Adaptat...
1.6K 160 43
A student aspires to enroll and study in a prestigious academy. An agent codenamed, Valēre with an excellent fighting skills. A student and an agent...
25.6M 855K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
4.5M 110K 43
The real you is the monster inside you.