The Girl Grim Reaper (Complet...

By kristineeejoo

208K 3.7K 105

A Grim Reaper who fell in love with a human. More

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41 (Part 1) - The Hidden Past
Chapter 41 (Part 2) - The Hidden Past
Chapter 41 (Part 3) - The Hidden Past
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note 1
Author's Note 2

Chapter 44

2K 42 0
By kristineeejoo

CHAPTER FOURTY FOUR


Kakagising ko lang at malakas na boses agad ni Sue ang naririnig ko galing sa labas ng pinto ng kwarto ko. Anong bang nangyayari kay Sue? Ang aga pa tapos nag-iingay na siya.

"Ryche!" Napaupo ako sa aking kama ng bigla niyang tawagin ang pangalan ko. Mabilis akong tumayo at binuksan ang pinto ng aking kwarto.

Nagulat ako ng tumambad sakin ang isang lalaki. Kita ko ang maamo niyang mukha habang titig na titig sakin. Pakshet. Kakagising ko lang!

Nakita ko sa likod niya si Al at si Sue na nakangisi. Mabilis nilang tinulak si Luijin papasok sa kwarto ko at sinara nila 'yon.

"Hoy! Anong kalokohan 'to? Palabasin niyo nga kami dito!" Sigaw ko at hinahampas ang pinto na nagsasanhi ng malakas na ingay. Sinusubukan ko ring buksan ang pinto gamit ang doorknob pero ayaw mabuksan. Punyeta!

"Hoy! Sue, Al, ano ba 'to?" Sigaw ko at alam kong nasa labas lang silang dalawa at naririnig ang sigaw ko.

"Tsaka lang namin bubuksan 'to kapag nakapag-usap na kayo ng maayos!" Sigaw rin ni Sue galing sa labas. Muli kong hinampas ang pinto pero ayaw talaga nilang buksan! Ang aga-aga binubwisit ako! Shemay! Hindi ko pa nga kayang kausapin si Luijin tapos ganito ang mangyayari? Kainis talaga!

Napahinto ako sa paghampas sa pinto ng aking kwarto ng marinig ko ang tawa ni Luijin sa likod ko. Anong tinatawa-tawa ng lalaking 'to? Hindi siya dapat tumawa jan dahil ayoko siyang makasama ngayon.

"A-Anong nakakatawa?" Bwisit. Bakit nautal ako ng sabihin ko 'yon? Atsaka bakit kasi tumatawa siya sa harap ko? Ghad, I missed him so much!

"Ang lupet ng mga kaibigan mo. I fooled," Natatawang sagot niya tsaka umiling. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Iginala naman niya ang kaniyang paningin sa loob ng kwarto ko.

"First time kong makapasok dito," Sabi niya tsaka umupo sa gilid ng aking kama. Hindi ako makatingin sakaniya ng diretso. Kaya imbis na tumayo sa harapan niya, iniwan ko nalang siya dun sa kama ko at pumasok sa CR dito sa kwarto ko.

"Gosh!" Singhal ko pagkapasok ko sa loob ng CR. Sinara ko 'yon at napasandal ako sa pinto. Napapikit ako ng maalalang nandito si Luijin sa loob ng kwarto ko. Pinigilan ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Hindi dapat ako maging mahina sa lagay na 'to. Tama na ang iyak. Kailangan ko narin siyang kausapin para hindi na kami mahirapang dalawa. Dapat linawin ko na sakaniya ang gusto kong linawin. Ayoko ng saktan siya at ayoko rin naman na masaktan pa ang sarili ko. Kaya hangga't may oras, gagawin ko na ang desisyon ko. At sana tama ang magiging desisyon ko ngayon.

Napabuntong hininga ako at inayos ang sarili. Ilang minuto akong nag-stay dito sa loob ng CR bago napagpasyahan na lumabas. Agad tumambad sakin ang maamong mukha ni Luijin. Nakaupo parin siya sa gilid ng kama ko at mukhang malalim ang iniisip.

Tumayo ako sa harap niya, "Let's talk."

Biglang napaangat ang tingin niya sakin at napaawang ang bibing. Umupo narin ako sa gilid ng kama ko pero medyo malayo sakaniya. Kailangan ng distansya.

"Handa ka ng kausapin ako?"

Dahan dahan akong tumango. "I'm ready. Kaya, sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin. Pakikinggan kita at pagtapos mong magpaliwanag, sasabihin ko naman ang mga desisyon ko para sating dalawa."

Napalunok siya at ilang sandaling natigilan. Nakatitig lang siya sakin bago nagsimulang magsalita.

"I'm sorry." Iyon ang una niyang gustong sabihin sakin. Napaiwas ako ng tingin dahil nagbabadya nanamang tumulo ang luha ko. I need to prevent this.

"I'm sorry dahil nasaktan kita. Alam kong naalala mo na ang lahat. Pero maniwala ka sakin, minahal kita at totoo 'yun." Hindi ako nagsalita. Nasa ibang direksyon ang tingin ko pero pinakikinggan ko siya. "Oo, intensyon kong maghiganti sayo. Dahil galit ako. Sobra akong nagalit sayo."

Fuck, maiiyak na talaga ako! Paano ba 'to pigilan? Hindi niya dapat ako makitang umiyak!

"Because, I know you're the reason why my wife got depressed and died. Ikaw ang sinisisi ko sa nangyari noon kay Cherry. Sobra akong nasaktan dahil wala akong nagawa para pigilang magpakamatay si Cherry. Ang hina ko nung araw na 'yon. Kaya nung nakita kita sa mall noon, I got confused. Bakit buhay ka? Ang alam ko kasi patay ka na. Kayong dalawa ni Cherry. Alam kong patay na kayo noon. Hindi ko nga lang nakita ang bangkay niyo dahil hindi ako pinayagan ng magulang niyo na makita pa kayo. They're so mad at me."

"Sinisi nila ako sa nangyari sainyo. Kaya simula nung magpakamatay ka at si Cherry, hindi ako hinayaan ng magulang niyo na magpakita sainyo kahit sa ospital man lang." He paused. "Kinumpirma nila na patay na kayong dalawa at doon ako napaniwala. Sinabi ng magulang niyo na patay na kayo pero bakit ngayon kasama ko kayo? Nakakalito."

We're dead, Luijin. And we're Grim Reapers now. Naligaw kami dito sa mundo niyo para pagdusahan ang malaking kasalanang nagawa namin.

"But, I think, sinabi nilang patay na kayo para hindi na ako makalapit sainyo. Kaya nung nakita kita sa mall noon, bigla akong nagsiklab sa galit. Gusto kitang saktan. Ikaw kasi ang sinisisi ko sa lahat ng nangyari. At doon nagsimula ang lahat ng plano ko. Pinagsamantalahan ko ang pagkawala ng mga ala-ala mo. Sinaktan kita at pinagsisisihan ko 'yon."

Sunod sunod na luha ang bumuhos sa mata ko. Ang sakit marinig mula sakaniya na galit na galit siya sakin dahil sa nangyari.

Matapang ko siyang tinignan. Nagulat siya ng makita ang luha sa mga mata ko.

"Lahat ng sinabi mo sakin noon ay hindi totoo?" Nabasag ang boses ko dahil sa tanong kong 'yon.

Napalunok siya bago sumagot, "No. Lahat ng sinabi ko tungkol sa 'ting dalawa ay hindi totoo. Pero totoong mahal kita. Mahal na mahal."

"Paano mo nasasabi 'yan, Luijin? Paano mo nasasabing mahal mo 'ko kung alam nating lahat na mas mahal mo ang kapatid ko? Paano mo nasasabing mahal mo 'ko kung punong puno ng galit 'yang puso mo?" Pinunasan ko ang luha sa mata ko pero may tumutulo parin. "Hindi ako naniniwala sayo, Luijin. Sa lahat ng nagawa ko noon bigla mo 'kong mamahalin ngayon? Paano ka nakakasiguro?"

Nakita kong may tumulong luha narin sakaniyang mata. Oh my god. I hate seeing his eyes crying!

"Please.. believe me. Mahal kita. Ikaw na ang mahal ko. Ikaw na." Pumiyok ang kaniyang boses sa mga salitang binabanggit niya.

"Hindi ko papaniwalaan 'yang sinasabi mo, Luijin. Nalilito ka lang pero ang totoo mas mahal mo ang kapatid ko."

Fuck! Shit!

Nagulat ako ng lumapit siya sakin at hinawakan ang magkabilang braso ko. Bakit ganito? Gusto ko ng lumayo sakaniya. Hindi ko na kayang makita siyang nasasaktan sakin.

"Maniwala ka. Mahal kita."

Umiwas ako ng tingin, "No. You not love me. Hindi mo ako mahal at kailanman hindi mo ako mamahalin dahil galit ka sakin! Ayaw mo sakin! At ako ang dahilan kung bakit nawala sayo si Cherry!"

"Fuck!" Tumaas ang boses niya. "Noon 'yon, Ryche! Galit ako sayo noon! Maayos na 'ko ngayon! Maayos na 'ko dahil ikaw na ang mahal ko! Hindi na magbabago ang nararamdaman ko para sayo! Hindi mo ba maintindihan 'yon?"

Hindi ako nakapagsalita at iniwas ko nalang ang tingin ko.

"D-Diba nangako ka?" Biglang nagbalik ang tingin ko sakaniya ng bigla niya 'yong sabihin. Pulang pula na ang mata niya kakaiyak. "Nangako kang hindi mo ako iiwan kapag nalaman mo na ang totoo. At ngayon, alam mo na ang lahat. May balak ka bang iwan ako?"

Hindi ako sumagot. Napasinghap ako ng bigla niyang sunggaban ang labi ko. He kissed me passionately. Hindi ko alam pero nalalasing ako sa halik niya. Nakakasabik siya at miss ko na siya sobra! Pero hindi tama 'to! Parehas lang kaming masasaktan sa huli dahil hindi tama 'to. Hindi ako tao dahil Grim Reaper ako. Mas mabuting layuan ko na siya para hindi na siya masaktan. Mas mabuting maghiwalay na kami para hindi niya malaman ang sikreto ko. Mas mabuti ito para hindi niya malamang isa akong Grim Reaper.

Tinulak ko siya bago pa ako malunod sa halik niya. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Sinira mo na ang tiwala ko sayo, Luijin. Sinira mo rin pati ang relasyon natin." May lumabas ulit na luha sa aking mata bago muling nagsalita.

"We're done, Luijin. At iyon ang desisyon ko sa relasyon natin."

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 28.7K 57
Start: May 2012 End: Oct 2013 Thank you for voting and reading my stories. Hope that you'll still support my upcoming stories :)
56.3M 994K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
38.4K 770 42
IKAW!!! Oo ikaw na nagbabasa nito(kung meron man)please paki-support naman ng story,first time ko lang kasi gumawa ng story dito sana magustohan nyo...
6.3M 70.9K 106
Welcome sa buhay ni Therese "THE IGNORANT PRINCESS"! Already published by LIFEBOOKS Publishing, sana suportaan nyo ang Book 1 and 2! With TV Adaptat...