Until You Say It [Completed]

By secretlychasing

646K 22.3K 17.1K

Yshara Madriaga is traumatized due to a kidnapping incident during her 7th birthday, with that she's currentl... More

Until You Say It
Simula
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Wakas
Thank you

Kabanata 2

27.3K 1.2K 811
By secretlychasing

"Hi Dray!" Nakipagbatian ako sa mga grade 12 mula sa ibang strand. First day of school, kaya maraming estudyante ang hanggang ngayon ay nasa field pa, hinihintay ang flag ceremony.

"I've watched you last time, sa charity play niyo ng polo! Grabe sobrang galing mo na pala talagang mag-polo ngayon. I've heard that from my girl friends already but iba pala talaga kapag nandoon na ako sa mismong field habang pinapanood ka," may isang grade 12 na mula sa ABM strand ang sumasabay sa paglalakad ko. Hindi ko tanda ang pangalan niya. But I'm sure she's a daughter of a businessman, na marahil ay kakilala rin ni daddy. Samantalang si Jordan ay nasa gilid ko lang, in-enjoy ang atensiyong nakukuha na naman.

People always think I am handsome and I can draw attention from everyone, dahil na rin sa sinasabi nilang ganitong-ganito raw ang hitsura ni daddy noong kabataan niya pa. But I don't want the attention I'm getting just because on how I look like to them, if I can draw someone's attention, I'd be glad if it's because of my school achievements. "Thank you." Magalang na tugon ko sa papuri ng babaeng hanggang ngayon ay sumasabay pa rin sa paglalakad namin ni Jordan. Tumigil lamang siya nang sa wakas ay may tumawag na sa kanyang mga kaibigan niya. Kumaway-kaway pa ito sa akin, at tipid na lamang akong ngumiti sa kanya.

"Ang hirap maging gwapo," bumuntong-hininga si Jordan. Nilagay ko na lamang ang dalawang kamay ko sa bulsa ng pants ko. 

"Let's leave our things in the room first bago tayo bumalik sa field," tumango sa akin si Jordan kahit ang atensiyon niya ay nasa mga babaeng panay ang papansin sa kanya.

Nang pumasok kami sa classroom ay halos puno pa ito ng mga estudyanteng may kanya-kanyang kwento tungkol sa naging bakasyon nila. Natigil sila nang mapansing naglalapag na kami ni Jordan ng aming mga gamit, lahat ng atensiyon ay nasa amin na muli.

"Hi Dray! Hi Jordan!" Matipid akong ngumiti sa kanila at tsaka pinasak ang AirPods ko at namili na ng kanta mula sa Spotify subalit may mga lumapit sa amin at sumubok na makipagkwentuhan at dahil kasama ko si Jordan ay napaunlakan namin ang gusto nilang mangyari.

"Ang galing niyong dalawa sa polo! Grabe! Hindi ba delikado 'yun?" Si Therese na kitang-kita ang paghanga sa kanyang mukha.

"It's dangerous. We all know it's the most dangerous sports or hobby but I don't think it's not that dangerous at all, as long as you stay focus on the game." Ani ko sa kanila, may isa pang napapalakpak. "It needs teamwork too, I'm playing with the best team, so it's easier than I thought before." Umakbay sa akin si Jordan na nakangisi. Ipagmamayabang na naman na pinuri ko siya.

"Kaya kayo girls, kung magkakaroon rin lang kayo ng ideal man, dapat yung polo ang sports. Hindi namin sinasabi na kami yun, pero parang ganun na nga." Humalakhak pa si Jordan nang malakas kaya sinapak ko ang dibdib niya, ang hirap na may mahangin kang kaibigan minsan, napaaway na kami dahil sa kanya.

Nang marinig ang tunog ng bell para sa flag ceremony ay natigil ang tawanan namin. I am very open talking with anyone, sabi nila, I'm in the middle of being friendly and snob. Hindi ko naman maiwasang maging snob kung minsan kapag nagpapakita sa akin ng motibo ang isang babae. It just turns me off if the girl chase me so much. Ayoko nang hinahabol, because I grew up learning, the chase should be done by a man. Hindi magandang tingnan kung babae ang maghahabol, because if the girl continues chasing until there would be any progress only shows that a man isn't interested at all. So cut that idea.

We made a line depending on our grade and strand. Inalis ko na ang pagkakapasak ng AirPods sa tainga upang makinig sa opening remarks ng mommy ni Greg. "Nakakatakot talaga si tita, kaya minsan natatakot din ako kay Greg," nagawa pang makapagbigay ng komento ni Jordan habang nagsasalita ang mommy ni Greg.

"Just shut it Jordan, will you please keep it to yourself," angil ko sa kanya kaya't binangga niya na lamang ang likod ko gamit ang balikat niya.

"Ang gwapo ni Dray..."

"Gusto ko na ngang magtransfer sa strand niya, sis sobrang talino raw niyan," I tried my best to ignore those girls talking side by side. Imbes na makinig sa opening remarks ay nasa akin pa ang atensiyon. Tsk.

Pilit kong pinagsawalang bahala ang mga komento nila sa akin, sa halip ay nag-focus sa pakikinig na lamang sa mga mahahalagang tao na naging foundation nitong paaralan. But one comment caught my attention although it wasn't meant for me.

"Hindi talaga nagsasalita?"

"Naging classmate ko siya noong elementary. She's a smart kid ever since we were in Grade 1. In fact, she's a top student."

"So anong nangyari?" I tried my best not to look at them while talking and let my ears get all the information. The fuck DeAndre! Are you that desperate to even eavesdrop?

"It's all over every newspaper for almost a year, that she's kidnapped. And according to my sources, the one responsible for that is her father's first love. After the incident her father's first love killed herself while being surrounded by the police." Sabay-sabay tumili nang paimpit ang babae na parang nagkikwentuhan ng nakakatakot na istorya. "And for all we know, maybe the main reason why she got traumatized is because she got molested at that age." Naikuyom ko ang palad ko. How lowly of these people to talk about someone's miserable!

Lalapit na sana ako nang mapansin ang mga matang nakatitig sa akin. I am used to getting attention, but this attention I am getting now had different aura, unique face...marahan kong binalingan ang taong nagpaparamdam sa akin noon. I already had the idea but I wanted to confirm it myself.

Nagbabadya ang pagbagsak ng mga luha mula sa kanyang mga mata nang magtama ang tingin naming dalawa. She must have heard it. And she's probably hurt hearing it. Nilipat niya Ang tingin sa mga babae na patuloy pa rin sa pagkikwento. "Kaya walang makalapit sa kanya. Opinyon ko lang, hindi ba dapat sa special education siya? I mean she's a mute...why is she acting like a normal person? And how the hell was she able to still be the top student? Ano yun?! Kapag recitation may whiteboard siya tapos doon niya isusulat ang sasabihin niya," they all laughed after. Hindi ata nakakaramdam na may ibang nakakarinig sa usapan nila.

"Iba ang nagagawa ng sobrang yaman!"

"True girl! Pero hindi lahat mapapasayo. Well, I admit medyo maganda siya pero pipi naman." Napalakas ang tawanan nila hanggang sa may teacher na sumaway na rin sa wakas sa kanila.

I saw her getting out of the line. Walang sumaway sa kanya nang umalis siya sa pila. I did the same, upang masundan siya. Hinihintay na may sumaway sa gagawin ko subalit wala. Naaninagan kong nakangisi lamang sa akin si Jordan bago ito nag-thumbs up.

Nang makalayo na ako sa field ay tsaka ko sinuyod ang bawat sulok nitong school. I hate how wide this school is. Ang hirap niyang hanapin. Hinihingal na ako nang matapat ako sa isang bakanteng room. There, I heard bumping of chairs. Marahan kong binuksan ang pinto, dahil kung nandito nga siya ay baka magulat siya sa presensiya ko.

"Yshara..." I called out her name. Nilibot ko ang tingin sa buong classroom. Kahit inulit ko ang pagtawag sa kanya ay hindi naman siya sumagot.

"Ysha..." I tried calling once again. Nang papalabas na ako ay tsaka ako muling nakarinig ng paggalaw ng isang upuan. I checked over it and there I saw her, crying silently. I felt my heart literally fell. Her tears pooled on her face. I try to held her face but she looked on the other side trying to wipe all of her tears but they won't just stop from falling.

Kitang-kita ko ang panginginig ng kanyang balikat, that even without hearing her cries, you know she's crying so hard. "Listen, I'm here...I'm not gonna harm you," marahan kong hinarap ang mukha niya sa akin. She's still crying so hard, at alam mong mas nahihirapan siya dahil tahimik lang siya sa pag-iyak. There's no sound, yet it's more than hurting, it's just her tears and you'll see how broken and devastated she is.

Binaba ko ang dalawa kong kamay sa kanyang balikat upang sa gayon ay mapakalma ko siya. "Shhh...baby, breathe in, breathe out..." Dinemo ko sa kanya ang dapat niyang gawin, for a minute she's just staring at me while still crying. "C'mon you can do it. You just have to breathe in," huminga ako paloob. "Breathe out," huminga naman ako palabas. I hummed a relaxing song while she started doing it. Habang ginagawa niya yun ay umaliwalas na rin ang mukha niya. Habang nakatitig sa akin, at naghu-hum ako ay marahan kong pinalis ang luha niya. I am afraid I'd break her too if I touch her.

Nang masiguro kong okay na ulit siya ay sumandal din ako sa upuan sa tabi niya. "I thought this is short-lived." Pagtutukoy ko sa nararamdaman ko sa kanya na ngayon ay paniguradong wala siyang ideya. "Akala ko lang pala." Pagkumpirma ko sa nararamdaman ko. Umusod siya bahagya palayo sa akin. Kahit ganoon ay naintindihan ko siya. Maybe it's true that she's afraid of people, but I've seen her with Sir Brantley getting so used to his presence given the fact that he's a man. She really likes him, I concluded.

"It's hard for me to say to you not to mind them. On the second thought, I'm not wearing the shoes you're wearing now, I may understand what you are going through, but I'll never feel it the way you do." Bumuntong-hininga ako. Hindi siya gumalaw o nagbigay man lang ng kahit na anong mensahe. I am waiting for her to respond but I guess she won't, I'll just be contented on being with her today. "I wanted to be your friend. Pero hindi mo man lang ako in- accept sa Facebook." Pabiro kong sabi, I saw a ghost of smile on her face, for a reason I felt relieved.

"But not just on Facebook, I wanted to be a friend of yours in reality...just if...if you'll allow me," pagbabasakali ko sa mahinang tinig. She looks up to me and stared for a second. I did the same, I stared back at her. I wish I could see through her. I wish I could talk to her with just our eyes meeting.

The bell rings for the first subject. Tumayo na siya at pinagpagan ang kanyang palda. Humarap siya sa akin at humingang malalim, gamit ang kamay at mga daliri ay sa tingin ko'y nagsign language siya sa akin, subalit hindi ko iyon nakuha o naintindihan agad.

Napakamot ako sa ulo. "I'm sorry hindi ako marunong ng sign language..." Paos ang boses na hindi na makatingin sa kanya nang diretso. Nahihiya. She smiled a little, doon pa lang ay pakiramdam ko nang lumilipad ako sa langit. "Pwedeng pakiulit?" Nagsign language ulit siya, kahit hindi ko maintindihan ay sinubukan kong imemorize. Pagkatapos ay tinalikuran niya na ako at nauna nang lumabas.

Napangiti ako nang walang dahilan. Mukhang masisiyahan ako sa sign language niya kahit hindi ko pa alam ang ibigsabihin nito. Habang pabalik sa classroom ay paulit-ulit kong inaalala ang pagmuwestra ng mga kamay at daliri niya kanina. May ilang tumawag sa akin, subalit di ko na napaunlakan ng tingin. I'd lost the chance to know what she said if I'd talk to anyone right now.

Kahit si Jordan ay hindi maintindihan ang kinikilos ko. I am searching through my iPad about sign languages. Pinasak ko ang AirPods sa aking tainga. It's a good thing, I always sit at the back, hindi gaanong pansinin ng guro at mga kaklase, tho they'd always say I still get too much attention wherever I am. "Sana lahat kahit nakikita na ng teacher na hindi nakikinig ay hindi napapagalitan. Sana lahat matalino. Sana lahat isang Haniel DeAndre Villangco." Jordan keeps teasing me but I refuse to give him any of my attention.

Nauubos na ang oras ko subalit hindi ko pa rin makuha ang sinabi niya. I get a bondpaper and sketch what she had said through sign language. Si Jordan naman ay kyuryosong nakatitig sa pag-sketch ko. "Do you have hand fetish now?" Hindi ko pa rin siya pinansin. Nang matapos ko ang pagguhit ay nakahinga na ako nang maluwag. Natatakot ako na baka makalimutan ko sa isipan ko, might as well do a back up copy of it.

"Let's go?" Laglag pangang nakatitig sa akin si Jordan.

"Bro! What the fuck? Matapos mo akong hindi pansinin ganun na lang 'yun?" Pagdradrama nito. We're getting enough attention already and now he's fueling it.

"Bahala ka riyan kung ayaw mong kumain." Ani ko. Nagmaktol pa siya kaya iniwan ko na. Susunod din naman iyon. Hindi pa nga ako nakakatapak sa labas ng classroom ay nakasunod na agad siya sa akin. 

"Ano ba kasi 'yun? Why are you sketching hands? Are you perhaps..." He grinned at me. Hindi ko gusto ang nasa isip niya ngayon kaya nagawa ko pa siyang masapak. "You're going to deny it huh? That's not how you finger---" tinadyakan ko na siya bago pa man niya maituloy ang dapat sana ay sasabihin niya.

"Stop polluting your mind with unnecessary scenes." Tinapik ko siya sa balikat habang nakangisi pa rin. Hindi na madala-dala ang siraulong ito.

"You gave me that idea!" Reklamo pa niya. As if I'd buy it.

"I may have given you the idea, but it could have been wholesome if it weren't for your dirty mind." Pagsupalpal ko sa kanya, humagalpak siya sa tawa at mas pinagtinginan pa kami ngayon. Mapapailing ka na lang talaga. Hay.

Nakapamulsa akong pumasok ng cafeteria, securing the bondpaper with my hand sketches, baka mawala pa. I wish class will end soon, orientation pa lang naman so I'm not really obliged to listen. I'd look for a sign language later.

"Pwedeng maki-share ng table Dray?" Shaila and her girl friends approached us, tumango lamang ako. It's just a plain way of giving respect to someone. Kaklase rin naman namin si Shaila, although I'm not particularly close with but I heard she's a nice person, given the fact that she's beautiful... although Yshara has different beauty that would pass a goddess with that fair innocent face, and long silky straight hair with wavy ends that hang freely until her waist. Why am I even comparing?

Habang kumakain ay nililibot ko ang tingin ko. "You might want to know that she doesn't eat here. Malayo rito ang building ng Grade 11, at mayroong isa pang cafeteria na sa kanila malapit." Si Jordan na parang gusto ko nang burahin ang mukha dahil nakapaskil na naman dito ang ngisi. "Pwede namang sa susunod doon na tayo kumain, susuportahan kita sa babaeng gusto mo. Tutal naman, mabuti akong kaibigan." Muntik na akong magpasalamat sa sinabi niya kundi lang siya nagbuhat ng sariling bangko. Napailing ako at nagmadaling kumain. Nang matapos ay tumango lamang ako kay Shaila, ngumiti siya sa akin, at sinuklian ko na lamang ng kaparehong ngiti.

30 minutes left before the next subject orientation. "Dray!" Tawag sa akin ni Jordan na sumunod pala.

"You can go back to class right now without me."

"Are you testing our friendship now? Syempre hindi kita iiwan!" I know. Natawa ako tsaka tumakbo patungong grade 11 building. Now I am not liking this school anymore, parang nilalayo kami sa isa't-isa kapag nandito.

Kaya pala hindi ko siya nakikita noon dito ay dahil magkalayo ang building namin. O sadyang tahimik lang siya habang ako ay tanging nasa klase at kompanya ang lahat ng atensiyon.

Papasok ako sa malapit na cafeteria sa building nila nang matigilan ako. In front of me are Yshara and Sir Brantley. Mukhang may kinikwento si Sir Brantley kaya ngiting-ngiti si Yshara, I've never seen her smile that way when we were together. Napatingin sa akin si Sir Brantley at si Yshara naman ay nag-iwas ng tingin. Kung kanina ay normal pa ang tibok ng puso ko ngayon naman ay naging abnormal na. Daig pa nito ang nararamdaman ko tuwing quiz bees, na ni minsan hindi ako nakaramdam ng kaba.

"We met again Mr. Villangco." Tumango lamang ako kay Sir Brantley. I know he's a nice person, at mali ang naging impresyon ko sa kanya nung araw na iyon. I was blind to see it knowing Yshara likes hers a lot, and somehow I wish I was him. Are their feelings mutual? Kasi kung ganoon baka dumistansya na ako. O baka gumawa ako ng paraan para matigil ang nararamdaman nila sa isa't-isa at nang sa akin mabaling ang atensiyon ni Yshara. I don't know really. "Masugid ah." Ngumiti siya sa akin. "I'd be glad if someone like you will be her future." Tinapik-tapik niya ako sa aking balikat. Shocked with what he said.

Napatingin ako kay Yshara na hanggang ngayon ay nakaiwas pa rin ang tingin sa akin. What I'd give just to have her eyes on me, only me. Napangiti ako, balang araw.

"Yshara, I'm learning sign language. I hope by that time I learned we'll be friends." Hindi siya umimik at nilampasan niya na ako kasabay si sir Brantley. I am almost losing hope until I realized she's raising her hand and give me 'thumbs up'. My heart fucking skip a beat!

"Parang tanga nga 'yan simula pa kanina sa klase. He'd be smiling like a total idiot. Gusto ko nang lumipat ng upuan." Reklamo ni Jordan kina Declan at Gregory dito sa hang out room namin sa bahay nila Greg. Pinaglalaruan ni Declan ang kanyang mallet habang patuloy sa pakikinig sa himutok ni Jordan. "Paano na lang ako kapag nagkatuluyan na sila ni Yshara?"

Naiiling na nangingiti ako habang patuloy pa rin sa pagsaliksik ng tungkol sa mga sign language. This isn't really enough. I need a sign language tutor, until then...hanggga't hindi pa ako marunong mag sign language ay hindi muna ako magpapakita kay Yshara.

"I know someone who teaches sign language. Wanna hire her?" Si Greg habang umiinom ng tsaa at sa mga bintana nakatitig bago lumingon sa akin.

"Dude give me her number right now!"

"Tsk. Hijo baka mapabayaan mo ang pag-aaral mo. Puro ka na Yshara." Si Jordan habang nang-aasar.

"I'm done reading all our textbooks during our summer vacation." Ngising tugon ko sa kanya. His jaw drop.

"Fuck? Totoo ka ba?" Tumango ako habang dina-dial ang number na binigay sa akin ni Greg. Lumabas ako sandali sa may balkonahe upang masinsinang makausap ang sign language teacher. Hindi niya sinasagot ang tawag ko kaya minabuting padalhan ko na lamang muna siya ng text message.

Ilang minuto ang nakalipas ay nagreply na rin siya.

I'd learn everything just to have you baby...Wala sa sariling nangingiti ako sa saya.

Dumating ang weekends at pinagpaalam ko kina mom and dad na kumuha ako ng sign language teacher. They didn't ask why. Maybe they already had the idea, sobrang daldal ni Jordan, imposibleng hindi nakarating sa kanila ang balitang may gusto akong babae ngayon. I don't want to spill anything just yet while it's not yet beginning. I don't want it get spoiled while I haven't done anything just yet.

Si Teacher Abby ang magiging sign language teacher ko. She's already on her late thirties, and also a SpEd teacher. Napagkasunduan namin na sa coffee shop na lamang kami magkita at doon umpisahan ang pagtuturo niya sa akin.

"Mauricio, itetext na lang kita kapag tapos na kami. 4 hours lang naman iyon."

"Sige Sir. Babalik na lang din ako bago matapos ang apat na oras na lesson niyo." Bumaba ako ng kotse at dire-diretsong naglakad patungo sa second floor, ginawa talaga para sa mga tutorial lessons.

Bago pa man ako tuluyang nakaakyat ay natigilan na ako. Nagtagpo ang mga mata namin. Damn it. Bakit ngayon pa kami nagkita? Hindi ko na nagawang ngumiti pa sa kanya. Sa halip ay mabilis na akong umakyat sa second floor. I texted Mauricio to come back here and fetch us, maybe it's better if I'll have my lessons in the mansion.

"Nice to meet you Teacher Abby, I'm Haniel DeAndre Villangco," nilahad ko ang kamay ko para sa makipag-shake hands.

"You look so much your dad." Aniya. Ngumiti ako at nagpasalamat.

"And teacher Abby, I'm sorry for the sudden change of plan but can we start the lesson in our mansion instead?" Mabuti at sumang-ayon naman agad ito. Habang pababa kami ay nagkwento si Teacher Abby tungkol sa mga naturuan niya na. Ramdam ko ang mga taong napalingon sa akin, pero mas ramdam ko ang mga matang nanonood sa akin. Not now baby...

Saglit akong lumingon sa kanya, tama ang hinala na nakatitig siya sa akin habang kunot ang noo. Nag-iwas ako ng tingin at dire-diretsong lumabas ng coffee shop kasunod ni Teacher Abby. For some reason I felt happy...did I triggered some part of her, para mabigyan ako ng ganoong atensiyon?

Sa library nitong mansion kami nagsimula sa lesson ni teacher Abby, mom brought a cake she personally bake. Nasiyahan si Teacher Abby dahil mahilig pala ito sa matamis.

Nilabas ko ang sketch ko ng mga kamay nung nakaraang araw at nagsimula nang makinig. Nagsimula kami sa basic conversations and greetings.

"Hello," ipinakita ni Teacher Abby kung paano gamit ang kanyang mga kamay nang dahan-dahan. "How...are...you?"

"I'm...fine...thank...you..." Marahan din ang bawat paggalaw niya na sinusundan ko rin.

"You're... beautiful," she took out her five fingers and she moved it around her face.

Iyon ang isa sa mga sasabihin ko kay Yshara.

Nakakasunod pa ako sa kanya nung sa mga basic pa lang kami, hanggang sa nagiging kumplikado na ang pagmuwestra ng mga kamay niya.

"You wanna take a break first? You're learning fast." Ngumiti ako at umiling. Inaaral muli ang mga itinuro niya simula kanina. We've already spent 2 hours of our time.

"You can eat the cake Teacher Abby. Mom is really great at baking." Kumain muna si teacher Abby habang  kinakabisa ko ang paraan sa bawat sign language.

"Try to move your fingers apart more...ayan! Much better!"

Nang matapos ang lesson ay pinakita ko na ang bondpaper kay Teacher Abby, maybe it's very complex, kaya hindi pa naituturo sa akin kung paano ito, baka sa susunod pang lesson.

"You sure you don't wanna wait anymore until next weekend to learn these?" Tanong niya.

Umiling ako. "Just these words. I can't wait to see and talk to her." Lumapit siya sa akin at binulong ang ibigsabihin nun. Napangiti ako nang malapad nang malaman ang ibigsabihin nito.

My palms are sweating as I waited for her to finish her class. Minadali ko ang pagsasagot sa seatwork sa basic calculus kanina kaya nauna akong natapos kina Jordan.

10 minutes before the bell, siya rin ang unang natapos sa klase. Tahimik na naglakad siya patungo sa teacher's table at nilapag ang one whole sheet of yellow paper na sa tingin ko ay naglalaman ng mga sagot sa isang seatwork. That is general mathematics.

Nagtama ang tingin naming dalawa nang makalabas na siya ng classroom.  Ngumiti ako sa kanya subalit nilampasan niya lang ako. May kabang bumundol sa aking dibdib.

"Yshara!" Kinuha ko ang braso niya subalit padabog niyang hinila ang braso niya sa pagkakahawak ko. "Galit ka ba?" Hinarap niya ako at mariing tumitig sa akin. This is the first time I'm seeing this expression of her, and I don't have any idea what could it be.

"I'm sorry about last time," I said in sign language. Namilog ang kanyang mga mata sa ginawa ko, satisfied with her reaction pinagpatuloy ko ito. "How are you?"

Halos tumigil ako sa paghinga nang tugunan niya ito ng sign language. "When did you learn that?" Takang tanong niya sa pamamagitan ng sign language.

Lumapit ako sa kanya. I still lack skills in sign language, marahan ko siyang hinawakan sa siko. Hinanda ko rin ang aking sarili sa maaaring pag-iwas o pag-atras niya, or worst ay masampal niya ako dahil sa biglang paghawak ko. I slowly caressed her elbow.

"You're beautiful." Muwestra ko sa kanya gamit ang aking mga kamay. She didn't move. Sinubukan kong mas lumapit pa sa kanya, hawak pa rin ang kanyang siko. There's only a bit of gap between us. I'm anticipating she'll move backwards or walk out, but she didn't! With almost just an inch gap, the bell rings... nagsilabasan ang mga estudyanteng pawang natigilan dahil sa posisyon namin, sa gitna ng corridor.

Nilapit ko ang bibig ko sa may tainga niya. Please don't walk away. "I learned that you wanna be friends with me," bulong ko at ngayon ko nakitang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi, kasabay nang marahang pagtango.

Let's be friends. That's what she had said the last time. Those are the meaning of my hand sketches.

Continue Reading

You'll Also Like

161K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
15.2K 144 37
Addieson Del Valle x Zach Kiel Suarez THIRD INSTALLMENT OF VARSITIES SERIES. DATE STARTED: January 14, 2021. 5:26 PM DATE ENDED: April 07, 2021. 9:42...
102K 2.8K 47
UNIVERSITY ROYALTIES #1 Highest Rating: #1 in Miss Universe. Is it possible that the very person who fixed you, was the one who broke you too? Amidst...
9.8K 169 89
an epistolary [semi-colon series II] completed Losing "her" was blue, like I'd never known Missing "her" was dark gray, all alone Forgetting "her" wa...